Date posted: May 21, 2020



SIZZLE SOIREE
(APRIL 11, 2015)


          When Sizzle announced that Queen J (and other sizzle authors as well) would be having a book signing event at SM Trinoma, I might as well consider myself a person who badly needed to freaking calm down and stop giggling like a schoolgirl.

          Excited ako nang sobra sa announcement na ‘to dahil kung makaka attend ako, ito ang first time na makikita ko sa personal si Queen J (*o*) at isa talaga ‘to sa mga pangarap ko bilang isang fangirl, haha. Although at the time, first year college ako nito (I think) at talagang hindi ako social person at di rin madalas umalis ng bahay. Bahay, school, at church lang talaga lugar na pinupuntahan ko unless may special project sa school na may kailagang puntahan. Kung magdedecide naman kami ng mga kaibigan ko na umalis o gumala, either sa kanya-kanyang bahay lang o sa lugar na malapit sa amin. My life was simple and I was fine with it.

          Kaya naman knowing na sa Trinoma gaganapin ‘to ay medyo napaisip ako at kinabahan kasi wala akong idea saang lupalop ‘yun at kung paano pumunta. Good thing ay may internet, lol. Nagresearch ako sa location at alternative way para makapunta doon. I’ve also contacted my JSL friends to ask them if I could go with them (kasi nga first time ko ‘to pumunta mag isa, haha).

          In the end, nakipag meet-up ako sa mga JSLs sa SM Manila (if I remembered it right, meet-up ‘to para sa claiming ng 24SOS book) however nagkaroon ng emergency ‘yung naghhandle ng books at tatlo lang kaming JSL na nagkita kita sa meet-up place. Kaming tatlo na lang din ang nagplan saan at anong oras magkikita-kita at paano pupunta sa Trinoma. Thankful ako sa dalawang ‘to dahil kung hindi dahil sa kanila ay mag-isa lang talaga akong pupunta doon (altho I wouldn’t mind going there alone since confident ako sa research ko, lol)

          Along the way, may sinundo pa kaming isang JSL sa Espanya para sumabay din sa amin papunta sa Trinoma. Nang nakarating e sabay sabay na rin kaming tumakbo papuntang National Book Store. Medyo confident ako na kaunti pa lang mga tao sa pila kasi maaga pa ‘to pero lo and behond, sobrang (as in sobra!) haba na ng pila, hahaha. May na-meet din kaming isa pang JSL at ayun, naging lima na kami =)






           Now that I have tons of experiences sa mga book signings ni Queen J, naintindihan ko na kung bakit sobrang naging magulo noong araw na iyon. At the time, sobrang stressed kami sa mga organizers. May existing na kasing pila para sa book signing however pinaalis kaming lahat doon mga around 12nn. Mag lunch na lang daw muna kami at bumalik na lang after 30 mins. Naawa ako doon sa mga nasa unahan ng pila dahil paano naman sila? Ibig sabihin nawalan ng silbi pagpunta nila sa event ng maaga dahil in the end paunahan lang din pala mangyayari eventually pagbalik. At syempre kinabahan din ako sa mga kasama ko kasi kailangan din namin pumila ng mabilis dahil baka maabutan ng cut off.

          Hindi nga kami nagkamali, sobrang naging magulo ang pila. Nasa first 100 kami noong una pero napunta kami eventually sa around 270. Hindi na rin masama dahil at least ay hindi kami naabutan ng cut off.

          At nung dumating na si Queen J? Epic. Nagsigawan mga JSLs. Sobra kaming naexcite lahat. Nakakamiss sobra  T_T

          Nang nakapasok na kami sa NBS at nasilayan ko na sa wakas si Queen sa malayuan, na speechless lang ako, haha. Awestruck. Naiiyak ako na ewan, haha. Kaso masaklap lang na nung kami na ang nakapila para sa pagpapasign ng books, nagdecide ang organizers na stop na ang selfie with Queen (‘yung nakatingin din siya). Kanya-kanyang strategy na lang ng pagsselfie sa sarili habang si Queen ay nagssign ng books. Sobra akong nanlumo dito.




          But then, after ko magpapicture (nakisuyo ako doon sa co-JSL ko) at after mapirmahan ang books ko, sabi ni Queen, “Thank you Irah!” OMG. Tulala ako after, haha.

          Nakita ko rin first time doon si Ate Avon at nakapagpapicture din kami with her.

          In the end, kahit sobrang nakakastress ang pila, nakakainis (slight lang) ang ibang organizers, this day all in all was epic because I saw Queen J for the very first time my heart just wanted to burst there and then.



No comments: