Thoughts

This page is dedicated to all of my readers who never faltered supporting me even if the updates were so excruciatingly and frustratingly slow. Below are my intimate thoughts why on earth I wrote these stories when in fact I'm not even a writer in the first place. So... bear with me and my crazy thoughts. Kung nandito ka, ibig sabihin ay reader kita and you're curious enough to click the "SHOW" button. If you're not my reader then get the hell out of here! These are not for you, haha.

Warning: Spoilers are strong on this one.



- Memories of You -

Memories of You’s plot was made one night. Hindi ako makatulog noon at ang utak ko ay sa kung saan saan napadpad. Somehow my mind wandered about this girl who lost her memories for some reason at ang identity niya ay dapat maitago. Her memories were so important however hindi niya iyon maalala. Then comes all the complications like the mistaken identity and family feud. Hindi ako pinatulog ng mga kaisipan na ‘to noon. Actually para akong nanunuod sa utak ko ng isang palabas na kahit ako ay naeexcite.

I am not the kind of writer na nag aayos ng plot at details ng isang bagsakan bago simulan ang story. Go with the flow ang way of writing ko noon. Sa bawat chapter ay naging tuloy tuloy lang ang pagsusulat ko hanggang sa di ko namalayan na sobrang dami na ng chapters at pagulo nang pagulo rin ang mga nangyayari sa characters but I never got lost sa storyline dahil buo na talaga ang plot at detalye sa utak ko. Pero dumating ang panahon na naging busy ako sa college duties dahil graduating ako noon at nagsimula na rin ang aming internship. After that naging busy sa graduation at sa first ever work sa corporate world. I got immersed in the real world that I forgot this world, my safe haven.

For the past years nakakapagsulat ako pero sobrang dalang talaga. Ngayong taon lang ako hindi talaga pinatahimik ng story na ito at ng isang particular reader ko na nagrerequest na talaga sa akin ng update. She (I’ll assume she’s a girl) was waiting for the update since 2017 so bakit nga ba patatagalin ko pa? She’s one of the reasons why natapos ko ito.

I have never imagined finishing a story. Sobrang saya pala sa feeling lalo na kapag talagang may nag aabang (kahit isa lang siya at karamihan ay puro silent readers). So to all of my readers who got this far, thank you so much for reading this story. This is my baby and this was where I started this journey so sobrang halaga nito sa akin.


- Obscure Episode -

Unfinished.

- Make Me Believe -

Unfinished.