Date posted: May 21, 2020
JSL MANILA CHAPTER MEET-UP
(FEBRUARY 22, 2015)
I discovered Jonaxx when
I checked the top 10 list of wattpad stories under the romance category (around
2014 I think). Nangunguna at that time ‘yung End This War so I thought why not
try it? Hindi ‘yon magiging number one kung hindi maganda. Nasanay ako noon sa
pagbabasa ng ebook (jeje days, lol). Mga nabasa before ako napadpad sa wattpad
ay stories nila Ate Denny (Diary ng Panget), Ate Jess (A Place in Time), Ate Aly
(BTCHO, My Prince, etc) just to name a few. Nasanay ako sa medyo informal way
of writing nila, jeje days ng mga authors kumbaga. Kaya noong sinimulan ko ‘yung
End This War, medyo nanibago ako. Aside sa may pagka formal ang way of writing,
mas seryoso ‘yung theme and mas mature ang content. Not that I had complaints
but it was just that I knew since I started reading a few chapters of ETW that
Jonaxx would be different and that her stories would somehow leave a different
kind of impact in my reading life.
Hindi nga ako nagkamali. On going pa noon ang ETW so
kinailangan kong maghintay talaga para sa susunod na mga kabanata. Natutuwa ako
noon kay Koby at doon sa “see yah later alligater” niya, haha. Inis ako ng sobra kay
Janine at nagcheer ako nang bongga nung sinugod siya ni Chesca sabay sabi sa
iconic line niya na “Suluterang may determinasyon!” (myghad I love Chesca’s
fighting spirit! Haha). Since then, na-hook na ako ng sobra sa ETW. First time
akong kinabahan ng sobra para sa isang character. First time akong kinabahan
kung ano ba magiging ending ng story. Aside from that, intense talaga ‘yung mga
emosyon na mararamdaman habang nagbabasa. Nung issurprise niya si Clark no’n
dahil hindi sinabi ni Chesca ‘yung pag uwi niya galing Alegria, naramdaman ko
na talaga na may hindi magandang mangyayari and alas, I was right!
After reading ETW, nagcheck na ako ng mga works ni Queen.
Although I can’t remember exactly what book I’ve read next pero binasa ko na
rin ‘yung Baka Sakali (which I realized the plot was somewhat similar to ETW
but not as intense, for me), Mapapansin Kaya, Training to Love, and Chase and
Hearts. Medyo light para sa akin ang mga stories na ito (but still great ones) compared
to ETW but when I started reading Every Beast Needs a Beauty, ‘yung intensity
for me ng ETW ay same sa story na ito. Then the rest was history.
I love books and reading stories and knew this since I was
a little kid so hindi na ako nagulat sa sarili ko nung bumili ako ng first 3
published book niya: MK & Heartless part 1 & 2. I considered myself
then a fangirl of Queen J. Later ko lang yata nadiscover na may JSL FB group
pala and late ko na nalaman na may mga meet-up pala na naganap bago ko siya
nakilala (still sad over this, haha).
Then I learned about this JSL meet-up within Metro Manila.
Mas natuwa ako nang nalaman na sa Luneta Park lang gaganapin ‘yon dahil malapit
lang ako doon and I know the place. I considered trying to attend. I was
skeptical at first because at the time I wasn’t really a social person. I
imagined I would be like a super loner once I got there so medyo kinabahan ako
sa prospect ng pag attend. But then I realized I wanted to have the experience.
I wanted to meet these people who (like me) loved Jonaxx as a writer. I wanted
to have memories with these people.
I searched for people sa fb group and checked if may
kakilala ako (kinakabahan pa rin ako so naghanap ako ng paraan para naman may
makausap ako agad sa event, haha) then may isa akong nakitang JSL and that she
was a classmate and a friend of one of my bestfriend/churchmate. I confirmed
this with the latter and then I had a chat with this JSL. Ayun, nag feeling
close na ako sa kanya and I was actually surprised how easy it was to befriend
a total stranger. Kumbaga wala akong reservations sa pagdaldal ko sa kanya and
gano’n din siya sa akin (medyo naisip ko rin na di kaya siya nakukulitan sa
akin? Haha)
In the end, hindi nga ako
nagsisi. I was happy I decided to attend this meet-up. It was my first time and
I considered this a precious memory. Hindi ako magaling sa pagkabisa ng mga
details sa story kaya hindi ako nanalo sa mga pa-games nila Ate Cha at Ate
Jobel, haha. Hindi pa ako gano’n kaswerte kaya di ako nanalo sa mga pa-raffle.
Although I was super happy for the giveaways of the admins (simpleng stickers,
pictures, and the likes sobra na akong natuwa). I met these wonderful people
whom I consider as friends until now and actually sila ang madalas kong
tanungin kung pupunta ba sila sa ganitong event ni Queen or hindi.
Dito sa event din in-announce ang details tungkol sa first
self-pub book ni Queen: 24 Signs of Summer & Remembering Summer. So syempre
ako na walang palalampasin na ganito ay nagpalista na para sa mga oorder. Dahil
dito marami rin akong nakilala online since doon kami nag uusap usap tungkol sa
book, saan magbabayad, at saan magkikita kita para sa pagkuha ng book.
This meet-up was only the start of my memories with my
co-JSL that I will always, always treasure.
No comments:
Post a Comment