♪ Chapter 3

 

Present

 

Journal # 3 (April 30, 2005)

Mommy, Daddy, Kuya Seraph, and Angel Liberty fulfilled some of my wishes.

I told them that I want to go at a park and enjoy the day with them. Mommy and daddy filed their vacation leaves at the office while kuya and Liberty planned the things that we would be doing for the whole day. There was this park near our mansion that I really missed while we were in France. Now that I am here, I wanted to see it again.

That day came and we were all dressed for the day and the food were prepared. I was very excited to see the place and to have a picnic with my family but I was astonished, to say the least, when we arrived at the park.

There was no one there. Only us.

I looked at my wristwatch and realized we were very early so I thought that maybe the people around were still asleep.

But the day ended without me seeing any soul in the place.

The next day I told my parents that I wanted to go at an amusement park. They granted me that wish and scheduled it the next weekend. When that day came, upon arriving at the amusement park, I saw… then realized it would be just us inside the place for the day. The day ended without me seeing any family or children inside. Just us and a couple of staff that accompanied us for the rides.

That night, I asked my daddy that I wanted to attend a mass celebration the next day. Our whole family did but we came inside a chapel, not inside a church.

Again, only us and the priest and two sacristans were inside.

When I couldn’t take it anymore, I asked my daddy when we got home.

“Daddy, why are we always alone? Why aren’t there any families and children around when we are around? When I am around?”

I was pleading at my father to tell me his truth. To give me the answer to my simple whys.

Then he told me that it was because I am special.

I asked Mom, Kuya Seraph, and Angel Liberty the same question. And they gave me the same answer as my father gave me.

I don’t believe them.

Because I didn’t feel special.

At all.

 

-----

 

Isang linggo na ang nagdaan nang natapos ang Feast Day ng North Oswald. All I can say is that I am beyond proud sa naging success ng concert ng Black Raven at ng WSMC sa araw na iyon. The crowd loved the show and it received positive reviews from the guests. Kahit ang adviser ng club ay natuwa sa amin kaya naman exempted na kami sa OSWALD class kung saan ang midterm exam ay isa ring presentation.

But of course, doon na rin nagtatapos ang mga extracurricular activities namin dahil kailangan na namin tutukan ang parating na midterm exam sa major subjects namin. I have a lot to catch up on dahil sa mga nagdaang araw ay naging emosyonal ako at natabunan ako ng mga personal na problema. God I don’t even want to dwell on its complexity. I might suffer from aneurysm.

“What is GABA?”

“It’s another term for karma?”

Hinampas ni Al ng notebook si Grace dahil sa sagot nito.

“Magseryoso ka nga Grace! Kaya di mo naipapasa mga exams ni Miss Diaz e.”

Grace rolled her eyes in response. “Fine, fine. It’s a neurotransmitter.”

“Which stands for?”

“Oh! I know that! Gamma… amino… buty… something.”

Di ko napigilan at natawa na ako sa mukha ni Grace. She’s trying to look nonchalant pero pinagpapawisan na siya sa sunod sunod na tanong ni Al.

“What are the three types of neurons?” walang awang tanong ni Al.

“Aaliyah Lizette! Ang mga neurons ko deadbat na! Kumain muna tayo.”

“Ugh Graceziel! You are a lost case!”

“I love you too. Alam kong di mo ako pababayaan,” sabay ngisi nito sa nakabusangot na si Al.

“Dito na lang muna ako sa library, kumain na rin ako kanina kaya busog pa ako,” sabi ko agad nang binalingan ako ng dalawa.

Dahan-dahang sinukbit ni Grace ang bag sa balikat. “Sure ka? Pwede kitang bilhan na lang ng lasagna sa cafeteria. Or cliffhouse?”

Umiling ako. “Balik na lang kayo dito pagkatapos niyo. I’ll be here.”

“Pag nakita ko si Neth papuntahin ko siya dito.”

I looked at Al meaningfully pero hindi niya binawi ang sinabi.

“Wait… nakita ko siya kanina. Nagrereview na rin siya kasama nila Phin sa Plaza kaya di na ‘yon sila pupunta dito.”

Sabay kaming napatingin ni Al kay Grace.

“Since when?” Al asked with one eyebrow going up.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Grace sa aming dalawa, nagtaka sa reaksyon namin. “Uhh… since last period?”

“I mean kailan pa siya nagsimulang sumama sa grupo nila Phin?”

Kumunot na rin ang noo ni Grace. “Alam mo hindi ko rin alam. Ang naaalala ko lang ay naging busy si Neth sa activities ng Photography club kahit tapos na ang Feast Day. You know… school newspaper-ish.” Naiwan sa ere ang salitang iyon. Nagtatanong na ang mata niyang nakatuon sa akin.

“I don’t have an idea either,” sagot ko.

I seriously have an idea ngunit hindi ko na iyon sinambit. The word complicated is an understatement. Sa tingin ko ay nakatunog na rin si Al kaya nagkibit balikat siya at hinila na si Grace palabas ng library.

Alam kong naging malapit si Geff at Neth sa isa’t isa nitong mga nakaraang araw ngunit ayos lang sa akin iyon. They’re really close even before I came into the picture and seriously, kapag napapasama ako paminsan sa grupo nila dahil sa pag anyaya ni Geff at ni Phin ay hindi ko matanggal ang pakiramdam na wala dapat ako doon. I felt somewhat an intruder.

Phin’s very nice though. Napadalas din ang pagkukwentuhan namin after ng concert dahil hindi na gano’n ka busy ang mga clubs at mas nagkaroon siya ng oras sa mga kaibigan which she told me I’m already a part of.

“Did Geff talk to you already?” she asked one time before the grand event nang nagawi ako sa cafeteria at napagdesisyunan na kumain mag isa.

The rest of my friends were at the club room at busy sa pagppractice. I’ve been singing for the past hours kaya naman pinakawalan ako ni Amirah at hinayaan na magliwaliw mag isa.

Phin saw me at iniwan sandali ang mga kasama na tingin ko ay mga kasamahan din niya sa Drama Club.

“About what?”

“Oh, hindi pa kayo nag uusap?”

“Phoenix! Tara na!”

Nilingon niya ang mga kasama at pinauna na sa pag alis. She looked at me again.

“Sorry, tungkol saan? May sasabihin ba raw siya sa akin?”

Gulat siyang napatingin sa akin. I am really confused with her question.

“He… always texts although hindi pa kami nakakapag usap ng matagal dahil sa practice,” I hesitantly added.

“I see,” sabi niya habang tumatango, lost in her own thoughts.

“Tungkol saan daw ba?”

She waved her hands in front of me. “Wala! Wala naman. He just seemed… out of it. Baka lang… may nabanggit siya sa’yo?”

“Wala naman.”

She suddenly beamed at me. “Punta tayo sa bahay nila Geff next week! Nakapunta ka na doon tama ba?”

Umiling ako. “Hindi pa. Actually hindi pa talaga ako nakakapunta sa kahit saan maliban sa school at sa orphanage.”

For the second time she looked shocked. “What? I thought…”

Kumunot na ang noo ko sa kanya lalo na nang nag aalala siyang tumingin sa akin. Bago ko pa maisatinig ang tanong ay tumunog naman ang kanyang cellphone.

Bumaling siya sa akin pagkatapos basahin ang mensahe doon.

“Sorry, magsisimula na ulit kami. Let’s hang out after, okay?”

Tumango na lang ako kahit gulat at parang naguluhan sa pag uusap namin.

“Sure!”

I spent my free hours in school studying. Kadalasan ay tumatambay ako sa dulong bookshelve ng library kung saan madalang ang mga nagbabantay at pati na ang mga estudyante. I would sit there and read my notes silently.

Si Al at Grace naman ay by partner ang pagrereview. Hindi rin naman nahihirapan si Al dahil tuwing gabi ay nakakapagreview rin siya.

I spend my time at night in a different way though.

Habang nasa kama ay napapalibutan ako ng mga papel, pictures, at notes na nakakalat. Tumingala ako nang naramdaman ko ang pangangalay ng leeg. I saw a pencil sa ilalim ng isang papel kaya kinuha ko iyon at ginamit para maiangat ang kanina ko pang ginugulo na buhok.

Kinuha kong muli ang papel na binitawan kanina at muling binasa iyon. It’s the Corporate Bylaws of the Yllana Global Corporation back then.

Eighty percent of the stocks are owned by its Chair of the Board and Chief Executive Officer, Alfonso Theon Yllana. The names of the Board of Directors are also there ngunit walang kahit anong pamilyar sa akin doon. However, sa mga Executive Officers ay may kilala ako. My Mom, Angeline Laizea Yllana, was the Vice President. A Marquis Castellano was assigned as the Chief Operating Officer while Mildred Ashalea Pavia was the Chief Financial Officer.

“Mildred Pavia,” I muttered when the name triggered a familiarity in me. Saan ko nga ba narinig ang pangalan na ‘yon? I know she’s my Mom’s sister but somehow I feel like I’ve heard her name uttered by someone somewhere.

I continued reading the other documents. It says here that YGC focused on the field of Real Estate, Hotel Management, and Information Technology. Over the years ay naka acquire din sila ng mga subsidiary companies na nagffocus naman sa field of construction. The list astonished me. Ganito kalaki ang kumpanya na ito?

Kung gano’n ay madali rin bang burahin ang lahat ng impormasyon tungkol dito dahil sa kakayahan nilang gawin iyon? It would definitely stir some rumors kung sakali na may nangyari sa kumpanya lalo na sa may ari nito.

At kung gano’n nga ang nangyari ay dapat maigting na imbestigasyon ang ginawa ng mga awtoridad. Or even Kuya Seraph could have done something to asked the authority for help.

But it seemed like they only made a conclusion para lamang maisara ang kaso. I’ve read about the case online. Naroon lang iyon at kahit sino na interesado tungkol doon ay makakakuha ng impormasyon.

Buwan lamang ang tinagal bago sila nagdesisyon na aksidente lamang ang nangyari. That it was an “at the wrong place at the wrong time” kind of case.

A drunkard had a firearm and accidentally fired it at a moving car. That man was put to jail.

At ang nangyari sa mansyon? It was a simple break in. Who would dare try to steal something inside a very secured (well, not very secured enough dahil nakapasok sila) and big Yllana mansion?

Hindi ko pa alam kung ano ang naging basehan nila para iyon ang maging konklusyon doon but maybe I’ll do some investigating myself. Truly it’s just me going to read some files and surf the internet for information.

O di naman kaya ay pwede akong humingi ng tulong kay Derrick. Al told me that he’s an I.T expert.

I’ll think about considering it.

“Wow. Ikaw ang gumawa nito?” Al asked me one night nang nakita niya ang isang linggo ko nang pinaggugugulan ng panahon.

“Yep. It’ll help me visualize… things.”

“Sino naman ‘yan? Scar face?”

I sighed. “It was one of my kidnappers.” Or supposed to be thought of as one of my kidnappers.

Gulantang na napatingin sa akin si Al. “Naaalala mo pa ‘yon? Ang buong akala ko lahat sila ay nakatakip ang mukha para walang makakilala sa kanila?”

“No. That one was confident to show his face. Nabanggit ko na iyon kay Daddy pero wala raw silang ma-identify na tao na may gano’ng klaseng marka sa mukha.”

That big of a scar is a dead giveaway to his identity pero for some reason ay hindi nila siya makita.

But what if… it was just used as a distraction?

His accent. At sa kanyang postura. Hindi siya normal na pariwarang tao. I don’t want to judge but it would be weird for some lowly kidnapper to have that particular aura. Na para bang hinding hindi siya susunod sa kahit anong utos dahil siya ang nagbibigay nito.

But he definitely kidnapped me! He was one of my kidnappers. Kinuyom ko ang kamay. I shouldn’t be swayed by his words and I definitely shouldn’t be trusting easily.

I was kidnapped but I was saved. Ayon sa mga nalaman ko kay Kuya Nathan at Geff sa kwento nila ay may tumulong sa kanila para makita ako. So what was the purpose of that?

A warning? For what specifically? At sigurado ako na may kaugnayan ito sa nangyari sa pamilya ko ilang taon na ang nakararaan.

And those notes… journals. I have my penmanship on them. Ibinigay iyon ng lalaking iyon sa akin noong nasa school ako nila Kuya Seraph. And he seemed to know the Yllanas personally. So malaki ang posibilidad na malapit siya sa pamilya. A close friend? Relative? Associate?

There are so many possibilities.

I shuddered when I remembered that moment in the building when I didn’t know where I was or if I was going to make it. The trauma of that… it still haunts me. Dumagdag pa iyon sa mga panaginip ko simula nang gabing iyon.

The memory it brought… that particular memory of someone entering my room and saying those words… “Do you want to play with me?”

“Aya!”

I almost screamed when Al touched my shoulder. Napahawak ako sa dibdib ko.

“Don’t scare me like that,” I said, halos kapusin ng hininga dahil sa gulat.

She eyed me worriedly. “Kanina pa kita tinatawag. Ang akala ko…”

“N-No. I’m okay. Malalim lang ang iniisip ko.”

“Yeah, I know,” sabi niya sabay baling sa corkboard na sinabit ko kanina sa dingding di kalayuan sa kama namin.

I’ve been working on that for several days already. Nakalagay doon ang mga sketches ko ng pamilya namin, and their connections to other people based sa mga nabasa ko sa documents na binigay ni Al. Some close friends and associates. Some info about them.

Yarn na kulay itim ang ginamit ko sa pagitan ng mga sketches at impormasyon kapag may koneksyon ang dalawa.

I feel like a detective already. Matatawa na sana ako kung hindi lang nakakastress ang sitwasyon ko.

“Matulog ka na pagkatapos natin mag dinner, okay? Ilang araw ka nang puyat.”

I smiled weakly at her. “Even if I try hindi pa rin ako makatulog Al. I just have a lot in my mind.”

“May exam pa tayo Aya. Sa tingin ko iyon muna dapat ang priority mo. Those documents can wait. You can find your answers eventually. One at a time, Aya. Hindi ka robot.”

I sighed heavily. She’s right. Ramdam ko na rin ang pagod ng katawan pero ang utak ko ay ayaw lang talaga na tumigil sa pag iisip.

At gano’n nga ang nangyari sa mga sumunod na araw. I tried… really tried to sleep and stop my mind from thinking of having my questions answered ngunit hindi talaga ako mapakali. It’s like I am literally on a deadline and I have to do a lot of reading and thinking.

Maaga akong pumasok Thursday morning dahil nakatulog ako noong isang araw sa library imbis na magbasa para sa long quiz namin bago ang midterms sa General Psychology. I’ve read my notes ngunit hindi ko pa tapos basahin at aralin ang mga recent lessons namin bago ang Feast Day.

Al was still sleeping nang iniwan ko siya sa pad.

“Saan ka pupunta?” Grace asked when I entered our classroom. Nasa gilid siya at nagbabasa na ng kanyang notes. That’s impressive. Iba nga talaga kapag naging strict na si Al.

Normally ay gitara kasi ang hawak niya tuwing umaga.

I looked at her and pointed at the door after placing my bag on my seat. Kinuha ko ang filler notebook at wallet sa loob ng bag saka tumayo ng maayos.

“Vendo then Plaza.”

I need caffeine. Badly. And I need to study just as badly.

Kumunot ang noo niya. “Samahan na kita.”

“Hindi na. Ako na lang. Babalik din ako dito bago mag simula ang class.”

Now, she’s definitely looking at me with those worried eyes. “Mukha kang…uhh… pagod. Ayos ka lang?”

“Yep. I’m good.”

Kinawayan ko si Grace na hindi nagbabago ang ekspresyon saka ako pumunta sa pintuan ng classroom para makalabas.

I almost bumped into someone na papasok din ng classroom. Iiwas na sana ako ngunit medyo umikot ang paningin ko kaya napasandal ako sa hamba ng pintuan.

“Jane? Hala namumutla ka.”

Hinawakan ko ang ulo ko at pumikit ng mariin. I feel lightheaded but still I realized the owner of that voice.

“Anong nangyari?”

Tumigil ako sa paghilot sa sintido ko matapos marinig ang tanong na iyon saka ko inangat ang tingin.

Neth was looking at me with a sincere worry on her face ngunit lumingon din agad kay Geff na kadarating lamang. Narinig ko rin ang papalapit na si Grace sa pwesto namin.

My eyes went to Geff who is currently holding a dark blue Jansport bag which I’ll assume ay kay Neth habang siya naman ay isang purse lamang ang dala.

Sabay na silang pumapasok?

Huminga ako ng malalim at tinanggal iyon sa isipan. I have much pressing issues at the moment.

But I feel like this is not going to be my day.

Nang nakita ni Geff ang ayos kong nakasandal pa rin sa gilid ay mabilis niya akong dinaluhan. Nilagay niya sa isang balikat ang bag na dala habang ang kanyang brown leather crossbody messenger bag ay sa kabila naman. His free hand touched my face. Inangat niya iyon at hinanap ang tingin ko.

I am still looking at that particular Jansport.

“You don’t look fine. Masama ba ang pakiramdam mo?”

Sa maamo at nag aalalang tanong na iyon ni Geff ang nagpakalma sa akin. I looked at him at halos magulat sa diretsong tingin niya sa mata ko. Like he’s looking for the answer for his question through my eyes.

I am still not used to the way he looks at people. Laging direkta.

“Gutom lang siguro ako. Magbbreakfast na lang ako sa caf.”

“At puyat! Puyat siya Geff. Look at those eyebags!” mahaderang salida ni Grace na halatang masaya at nakahanap ng kakampi kay Geff.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Dahil sa pag aaral, alright,” sabi ko habang pinadidilatan ng mata si Grace. She smiled wickedly.

Geff laughed at ang bruha ay nagningning ang mata, sigurado na may kakampi na siya.

“I’m fine. Sa gutom lang talaga ‘to,” I said, finally looking straight at him.

Nagtaas siya ng kilay habang nakangiti pa rin. A playful Geff is in front of me ladies and gentlemen.

I nodded, defeated. “At puyat. Yes, yes, puyat ako at mukha akong zombie ngayon at naghhello ang mga eyebags ko. Happy?”

He pursed his lips at pinigilan ang mas matawa pa. Sinamaan ko rin siya ng tingin.

“You don’t look like just a starving and sleep-deprived zombie. You’re also a very grumpy zombie,” he said solemnly but his eyes were smiling.

Humagalpak sa tawa si Grace. “Bakit gano’n kahit ang corny ng joke ‘pag ikaw ang nagsabi nakakatawa?” then she doubled-over in laughter.

Natawa rin si Geff doon. I rolled my eyes. Halos malimutan ang sakit sa ulo at ang hilo ko.

Umiling ako kahit nangingiti. “Una na ako. Magrereview pa ako.”

“Samahan kita. Ilalapag ko lang ‘to,” sabi ni Geff sabay pakita sa akin ng dalawang bag na bitbit niya.

Nagtagal ang tingin ko doon particularly sa kulay asul bago umiling. “Si Grace na ang sasama sa akin. Kanina pa nagmamakaawa ang mata niya sa akin.”

Pumalakpak si Grace. “Yep! ‘Wag ka mag alala Geff, ako ang bahala sa Jane mo!”

I pursed my lips and looked at him expectantly. Ngumuso siya bago tumango.

“Okay. I’ll text you,” para sa akin iyong huling sinabi niya.

I simply nodded bago hinila si Grace palabas ng room. Ni hindi ko na napansin ang pag alis ni Neth sa pwesto namin kanina at umupo na sa kanyang seat.

“Alam ko kung bakit mo ako sinama Jane. Gulat din ako!”

Malalim na buntong hininga ang naging sagot ko.

“At halata rin na gulat ka! I saw your face there. Tapos si Neth naman halatang guilty sa kung ano,” dagdag pa niya. Wala ng kahit anong bahid ng tuwa sa boses niya di tulad kanina.

“Kaya ba hindi na siya nakakasama sa atin at nagdesisyon na siya na sa grupo nila Phin sumama? Ang buong akala ko talaga ay nagkakataon lang na busy siya kapag inaaya natin siya at coincidence lang din na napapasama siya sa grupo nila.”

I looked at my dear friend at naalala na wala nga pala siyang ideya sa problema ko at sa mga nangyayari nitong nakaraan. Truth be told Grace is like a breath of fresh air to me. I like that she’s innocent with what’s happening around pero pakiramdam ko ay hindi ako nagiging mabuting kaibigan kung hindi ako magkkwento sa kanya.

It’s like I am betraying her somehow.

“Neth and Geff got closer since last month. Nalaman kasi nila na magkababata pala sila. They got separated for some reason at ngayon lang sila ulit nagkita.”

“Ano?! So ako lang talaga ang walang may kababata sa atin?”

Tuluyan na akong natawa kay Grace. Ever since nalaman niya na magkababata kami ni Al at Darren at gano’n din ang kambal at si Geff then si Jayvier at Neth ay iyon na ang pinagmamaktol niya palagi.

Alam kong pinapagaan lang niya ang usapan namin kaya nagpatuloy ako.

“It’s fine with me. Their relationship seemed… platonic enough.”

“Not enough! E ano ‘yung nakita natin kanina? Normal ba ‘yon? What’s worse ay hindi mo rin alam na sabay silang pumasok! At bakit ka pala pumapayag na magkasama sila ng matagal? He’s your boyfriend!”

“He’s not my boyfriend Grace.”

“I mean future boyfriend!”

“We don’t know what the future holds.”

“So may posibilidad na hindi mo siya sasagutin?”

I opened my mouth to reply ngunit wala akong nasabi.

Nanlaki ang mata ni Grace sa akin. “Oh no no no, may problema ba kayo ni Geff? Dahil ba doon kay Neth? O may iba pa? Pero bakit parang ayos lang naman kayo kanina?”

Umiling ako at nag isip paano nga ba ieexplain kay Grace ang tungkol dito nang hindi siya dinadamay sa gulo ng buhay ko.

“It’s complicated Grace. Pero for now I’m okay with everything. They are friends kaya hindi ko pagbabawalan ang kahit sino sa kanila na makipag usap sa isa’t isa o pumasok ng sabay for that matter.”

“I think you are not okay with it. You’re just trying to be okay with it. Alam mo no one’s gonna take it against you kung ayaw mo sa ideya pero alam ko kung saan ka nanggagaling.”

I smiled at her. Ito ang isa sa mga minahal ko kay Grace. She’s much more open minded than me.

“But! I am going to ask Phin about this! ‘Wag kang mag alala dahil kami lang ang mag-uusap, okay? Walang ibang makakaalam. Mangangalap lang ako ng intel.”

At kinindatan ako ng babae. I finally laughed like a retard after seeing that trying hard wink.

Iyon ang pinaggugulan namin sa mga sumunod na araw. Madalas kaming tumambay sa library para magreview. Paminsan ay naisisingit ko sa research ko ang tungkol sa case ng mga Yllana kapag sa computer lab kami nagagawi.

I was tired but I really can’t sleep. Sinabi ko kay Al na ang dahilan nito ay sa sobrang dami kong iniisip but that’s not the only reason.

I’m scared of having that nightmare again. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para maging okupado ang isip ko at hindi iyon maalala.

But every time I close my eyes, I am always brought back inside that mansion, surrounded with darkness and beside me was that man asking me if I want to play with him.

Wala pa akong pinagsasabihan na kahit sino tungkol dito dahil hindi ko rin alam paano iinterpret iyon. I am not even sure if those nightmares were just brought by my trauma since that kidnapping or worst… it was part of my memory, triggered by that same event.

Ngunit alam kong hindi rin mabuti sa akin ang pagpupuyat at hindi pagtulog ng malalim. Most of the time I space out at napapadalas din ang pagkakaidlip sa free time namin sa school so I end up not reading some of my notes.

“Jane, pumunta ka na muna kaya sa clinic? Doon ka muna matulog. Kilala ka na rin naman ni Dr. Howard at nung mga nurses doon dahil napadalas ka doon noong nakaraan,” Grace asked me one time nang nagising ako sa library.

Binati lang nila akong dalawa ni Al na nagrereview nang oras na ‘yon. I excused myself before I went to the comfort room para maghilamos para magising.

“No. Punta na lang ako ng vendo. Mabilis naman ang epekto sa akin ng kape kaya pagkatapos no’n di na ako aantukin.”

Kinuha ko ang sabon na dala at kinuskos ang kamay ko ng masinsinan. Kinuskos ko iyon hanggang sa nakita ko na ang pamumula ng mga kamay.

But it seemed not enough to clean me.

“Jane!”

Napapitlag ako at nilingon si Grace na gulantang na nakatingin sa akin.

Umiling siya. “Banlawan mo na ang kamay mo. Sasamahan kita sa clinic. At matutulog ka doon dahil kung hindi ay tatawagan ko si Geff at sasabihin ko ang nangyayari sa’yo.”

I sighed heavily at tinitigan si Grace. Naging mas malupit ang titig niya kaysa sa ibinigay ko kaya naman wala akong nagawa.

Nang natapos ako sa paghuhugas ng kamay ay iginiya naman ni Grace ang mukha ko sa kanya at siya na ang nagpunas ng mukha ko gamit ang face towel na dala niya.

“I’ve been your friend for months already. Maingay ako at mukhang go with the flow lang sa mga bagay bagay pero pagdating sa kaibigan ay may pakialam ako. Sobra sobra.”

Pinagpatuloy lang niya ang pagpupunas sa mukha ko at pag aayos sa magulo kong buhok. Ako naman ay nakatitig lamang sa kaibigan.

“Pero alam ko kung kailan ka may problema. You are the opposite of me and Liz. Tahimik ka pero madaling basahin ang mga mata mo Jane. Matagal ko nang napapansin na lagi kang galing sa iyak kapag umaga.”

Tumigil siya sa pag aayos sa akin at tiningnan ako sa mata. She’s smiling kindly at me.

“I didn’t ask because I don’t want to bother you or Lizette. But I want to help you in any way I can. Because I am your friend.”

Kinagat ko ang labi ko ay pinigilan ko ang pagbagsak ng nagbabadyang mga luha.

“You are my friend. Always, Grace. And I’m sorry—”

“Shh. Kapag nakatulog ka na ay bati na tayo, okay?” at natawa siya dahil sa sariling sinabi. Typical Grace.

Wala si Dr. Howard sa clinic kaya naman sa nurse na nakabantay doon kami nagpaalam. She gave me a medicine para sa sakit ng ulo at para makatulog ako ng maayos. She told me na si Dr. Howard mismo ang nagprescribed nito kaya saka ko lamang iyon tinanggap.

The medicine helped. I’ve slept for four hours wihout any nightmares.

Nang dumilat ako ay parang nawala lahat ng nakadagan sa akin. I feel somewhat relaxed and I can think more clearly.

“Hi.”

Nilingon ko iyon at nakita si Geff na nakaupo sa upuan katabi ng kama.

Ngumiti ako. “Hi. What did I miss?”

Umiling siya, nakatitig sa akin at pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

“Not much. Absent si Mr. Montero so you’re lucky.”

Tumango ako, wala nang nasabi. Manalog na lang ang last subject namin bago ako pumunta ng clinic so it was really a relief na wala akong naskip na class.

Ginapang ni Geff ang kamay sa ilalim ng kumot at hinanap ang kamay ko. Nanigas ako si di inaasahang paghawak na iyon ngunit kumalma rin agad.

I squezzed his hand when he found mine at tinitigan siya kung napansin ba niya ang reaksyon ko. Ngunit nakatitig pa rin siya gamit ang mga matang iyon. Hinding hindi ko talaga mababasa ang nasa isip niya ilang oras ko man pagguguluan ng panahon ang pagtitig doon.

“Are you okay?” he asked after a long moment of silence.

Tumango ako, nakatitig lang din sa kanya.

Pinagsalikop niya ang mga daliri namin.

“You don’t look like a zombie anymore,” then he smiled. My favorite smile dahil maging ang mga mata niya ay ngumingiti.

“Ano na itsura ko ngayon?”

Tinagilid niya ang ulo at tila nag isip. “You look like an—” Napatigil siya at parang may naalala na kung ano. The smile faded.

“Hmm?” pagtatanong ko ngunit sa isip isip ko ay parang alam ko na ang kasunod no’n na hindi niya mabanggit.

“‘Wag mo akong bolahin dahil alam kong mukha akong bruha. I just woke up. Baka may muta pa ako,” sabi ko para makaiwas sa topic na iyon. Pero ngayon na naisip ko iyon ay saka lang ako naalarma.

Baka nga may muta pa ako?

Mabilis akong umupo at kinuha ang bag sa gilid lang din ng kama. Kinuha ko ang compact ko galing sa pouch at nagsalamin. Nag ayos na rin ako ng sarili.

Habang ginagawa iyon ay nagulat na lamang ako nang umupo si Geff sa likod ko at niyakap ako. Nilingon ko siya para makita ang mukha niya ngunit binaon lang niya iyon sa balikat ko.

He squezzed me tight kaya naman nagulat ako at napaupo ng tuwid.

Napalunok ako at hindi nakagalaw, hindi pa rin sanay kapag ganito siyang hinahawakan ako.

“Uyy, ayos ka lang? Baka ikaw naman ang kailangan ng tulog?”

I felt his chest vibrate with laughter. “No. I’m fine. Thank you for your concern.”

“You’re welcome,” automatic kong sagot. Kumunot ang noo ko dahil sa sariling sagot.

He laughed again kaya dinagdagan ko ang sinabi.

“Bawal PDA sa school.”

“We are not in public. This is just a display of affection so it doesn’t apply to PDA.”

Ngumuso ako at hinayaan na lang siya sa kanyang ayos. Nagpatuloy ako sa pag aayos ng mukha at hinayaan na lang ang buhok na nakabagsak.

“I miss you… so much,” he whispered all of a sudden. I felt him sighed in a deep breath after that.

Napangiti ako. Simula nang naging busy kami para sa concert ay hindi na kami masyadong nakapag usap o nagkasama ng tulad nito. Sa text o tawag na lang na ilang minuto lang ang tinatagal ang meron kami. After that naging busy naman para sa midterms. We couldn’t use the weekends to see each other dahil panahon naman iyon para sa pamilya.

So I know what he meant by that.

Hinalikan ko ang bahagi ng ulo niya na abot ko. “I miss you too.”

“I think I want to continue my psychotherapy sessions again.”

“Are you sure, Princess?”

“I am.”

Nandito kami nila Mom, Dad, at Kuya Nathan ngayon sa isang kilalang restaurant sa Isabela. It’s a Saturday evening kaya naman marami ring pamilya ang narito.

I’ve practiced this conversation in my head for several days already, kasabay ng pag iisip ko ng mga bagay bagay tungkol sa mga Yllana. Ngayon na medyo maayos na ang pakiramdam ko, tapos na ako sa pagrereview, at kasama ko ang mga Alvarez ay tingin ko’y ito na ang tamang oras para sa usapin na ito.

I know I need help. But I need it from someone who knows my secrets and… me. I wouldn’t do it any other way.

“I can contact your Psychiatrist from two years ago pero hindi ko lang sigurado kung nandito ba si Aina o naka out of town,” Daddy said while checking his phone.

“No Dad. I want to have my session with Dr. Wilhelm Howard. She knows my case. I think it would be best for someone who knows it inside and out.”

Gulat na napatingin sa akin si daddy at kuya. But daddy is more vocal tonight.

“Are you sure, Princess? Uhh… I’ll check if she’s available. Tingin ko ay active pa naman ang email niya,” lito niyang sambit.

“Nakausap ko na po ang kapatid niya. Si Dr. Camron? Malapit na raw siyang bumalik sa Pilipinas. He already told his sister about me at siya na raw po ang tatawag sa akin kapag naayos na po niya ang clinic niya sa Manila.”

Daddy stopped and looked at me again with shock all over his face.

Natutop ni Mommy ang bibig habang naluluhang nakatingin sa akin.

“I can’t believe you already remember things this fast Jane. Please know na kung masyado na iyong mabigat ay kakausapin mo kami. Hmm?”

“Jay can handle herself Mom. She’s strong like you,” Kuya Nathan said while embracing Mom beside him. Makahulugan naman niya akong tiningnan but amidst all the worry in his eyes, there’s this warning and pride with his look.

Palihim ko siyang tinanguan.

I know in time I would be able to share everything with my new family but before I do that, I have to understand what happened to my life before them first. And I have to remember too all of my memories from the past bago ko malaman kung sino nga ba ang dapat kong pagkatiwalaan.

My brother, Kuya Nathan, is friends with my biological brother, Kuya Seraph. I’ve confirmed it after Geff told Kuya Seraph to talk to Kuya Nathan some other time after the concert last time.

And knowing that I wasn’t remotely shocked that they know each other is a relief. Maybe because hindi na ako gulat na ang mga taong malapit sa akin ay naglilihim upang protektahan ako. I understand their reason. I understand them.

Geff knew about Kuya Seraph as well, siguro ay dahil kay Gwyneth. I have no idea though if my hunch about Gwyneth having an amnesia was right. Based lamang iyon sa mga napag usapan namin ni Jayvier.

Because if it wasn’t the case? It means she knows a lot more than me. But I’m sure she doesn’t know about me because Jayvier doesn’t know as well.

“Don’t worry kuya, I remember Dr. Wilhelm signed a contract. She won’t disclose anything about me to anyone. And also, you know… doctor-patient privilege.”

“I know that, Jay. I’m just worried.”

“Apparently that’s your second job.”

Tumawa si Kuya. “Right.”

Dumating na ang pagkain namin kaya doon na napunta ang buong atensyon ko. Mom, dad, and kuya talked about lighter things kaya nawala na rin ang kaba ko tungkol sa topic na binuksan kanina.

Nagvibrate ang phone ko sa gilid kaya naman binuksan ko iyon.

 

From: Unknown number

Good day Ms. Jane Alvarez! This is Wilhelm Howard. My brother told me about you. I already booked a flight to Manila scheduled two weeks from now. I’ll let you know when the clinic’s ready. Thank you.

 

Huminga ako ng malalim bago nagtipa ng reply.

 

To: Dr. Wilhelm Howard

This is well noted Dr. Howard. And please, call me Miracle.

No comments: