♪ Chapter 5


Past

 

Journal # 5 (July 20, 2005)

Liberty’s words last time scared me immensely.

“Oh. Maybe I was just… spaced-out or something,” I said while giggling at what Liberty told me.

I didn’t tell my parents or Kuya about our talk. I don’t want them to worry about this. Maybe I just really forgot what happened during those two months? Maybe next week I’ll be able to remember it?

I really hope so.

When I was released from the hospital, mom and dad asked me repeatedly how I felt and I couldn’t do anything but to reassure them repeatedly. That was when I realized something was wrong.

Mom and Dad weren’t talking to each other since we got home.

 

-----

 

“What was his name again, Miracle?”

I smiled. “Andrew Mendez.”

“When did you meet him?”

“Morning of December 1, 2005.”

“Where?”

“At our mansion, inside my room,” umiling ako. “Uhm, just at the entrance of my practice room.”

“Ano ang ginagawa mo noong oras na iyon?”

“Playing my piano.”

“What were you playing?”

Huminto ako at inalala ang araw na iyon. “Isa sa mga kanta ng pinanuod kong palabas. I tried playing it without any music sheets!”

“Ano ang nararamdaman mo noong oras na iyon?”

Kinagat ko ang labi ko. Those memories were so vivid na kahit ilang araw na ang lumipas simula ng araw na iyon ay hindi ko pa rin malimutan. Kahit na dala ko ang aking notebook ay kampante ako na hindi ko kailangang buklatin iyon para malaman ang sagot sa mga tanong ni Dr. Wilhelm.

Pinilit kong gawing seryoso ang aking mukha ngunit sa loob loob ko ay sobrang saya ko.

Sunod-sunod ang mga naging sagot ko sa mga tanong niya! This should merit me something! Hmm… maybe a big chocolate bar? Or a pan of lasagna?

“Miracle?”

Napaangat agad ako ng tingin nang marinig ang pangalan ko. I panicked when I saw Dr. Wilhelm’s accusing but playful eyes.

Ano nga ulit ang tanong? Oh!

“I was… kind of sad coz I miss our home in France. I miss our place. Maybe it was homesickness?”

She smiled kindly at me. “That’s normal Miracle. You grew up there, right?”

Tumango ako.

She continued. “So, are you friends with Andrew Mendez?”

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. She already knew the answer to this question yet she’s asking me this. Baka part ito ng kanyang test! Ha! Good thing I know she’s just testing me.

“I would never do that,” ngumuso pa ako para i-emphasize na rhetorical question iyon at ang childish lang na tinanong niya pa sa akin iyon.

Isusumbong ko siya kay Mommy. Pero… on second thought ‘wag na lang. Baka sinusubukan lang talaga ako ni Doctor Wilhelm.

Nagtuloy tuloy pa ang pagbato niya ng mga tanong sa akin. Ngunit habang tumatagal ay kumukunot ang noo ko. Not because I didn’t know the answer but because they revolve around one specific person.

“Do you want him to know your existence, Miracle?”

I bit my lip and thought about that question.

Gusto ko nga bang makilala niya ako?

“Hindi po ba ay selfish iyon? Kapag nalaman po niya kung sino ako, he would be automatically involved in my life.”

At natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nangyari iyon.

Yumuko ako at parang nahirapan sa paghinga.

“Bakit po pala siya ang topic natin ngayon? Wala naman po siyang kinalaman sa case ko,” mahina kong tanong, nakayuko pa rin.

Ayaw kong isipin ang sagot sa tanong niya. Nalulungkot lang ako.

“Miracle.”

I raised my head and looked at Dr. Wilhelm. Kakaiba kasi ang tono ng boses niya nang binanggit ang pangalan ko.

She smiled. “He’s already a part of your life kahit na hindi niya alam. Your whole face lights up whenever we talk about him. At mahalaga na hindi purong mabibigat na bagay ang pinag-uusapan natin sa bawat session.”

Lumiliwanag ang mukha ko? Inalala ko ang mga tanong niya kanina at napagtantong tama nga siya. Kahit sa mga oras na nagkkwento si Liberty tungkol sa mga araw niya kasama si Andrew ay nagpapasaya na sa akin.

Nagpatuloy ang session namin na iyon ang topic. Dahil hindi ko naman talaga nakakasama si Andrew ay tanging mga kwento na lamang ni Liberty ang nabanggit ko sa kanya.

Sa pagbabasa ng mga libro natuon ang mga oras ko sa mga sumunod na araw.

Nakaupo ako sa wooden rocking chair habang ang libro ay nakasandal sa hita ko. Telltale of sunlight touched my skin but it felt good so I didn’t move to the shaded part of the balcony. My eyes continue to read every words but eventually I stopped unconsciously and thought of the things on my plate.

Someone was… is looking for me. Someone dangerous.

My father promised me that he will do whatever it takes to keep me safe.

His words that night helped me cope with guilt, fear, and frustrations over may condition.

I have a very rare case of amnesia. I was told I somehow got it from my mother side of the family. It can be, although only hypothesized, triggered by events similar to traumatic ones I’ve experienced at sa case ko, iyon ay ang pagsabog ng Société Mondiale Yllana building, ang head office ng kumpanya nila daddy, sa France.

Iyon ang dahilan kung bakit gusto kong maipasa ang mga sessions ko kay Dr. Wilhelm. Naikwento ko sa kanya ang nangyari noon na nalimutan ko ang mga nangyari sa buong dalawang buwan.

Nakakatakot isipin.

Niyakap ko ang teddy bear kasama ng librong nasa lap ko habang kinikilabutan sa isipin na iyon.

My twin and I celebrated our 8th birthday sa garden ng Yllana mansion.

Dahil sa lihim ng pamilya ay kami kami lamang ang nasa party na hinanda nila Mommy at Daddy. We are wearing Disney Princess party hats at kami ni Liberty ay nakasuot ng dresses. Mine was gold with feathers habang ang sa kakambal ay aquamarine in color at silk ang tela.

“Happy Birthday Baby Amy!”

Mom kissed me on my cheeks habang si Daddy ay sa noo ko humalik. They went to Liberty after that and greeted her too. Si Kuya Seraph ang pumalit sa kanila at niyakap ako ng mahigpit.

“I can’t wait for you to grow up,” he said habang dahan dahan akong isinasayaw dahil sa mahinang pag sway niya kahit yakap ako. I can hear the melancholy in his voice.

I returned his hug at tinago ang mukha ko sa kanyang dibdib. I can somehow picture it. An independent and carefree Angel Miracle.

A fearless girl with dreams beyond the walls surrounding me right now.

Pero ang hirap paniwalaan. Titigil kaya ang mga taong iyon sa paghahanap sa akin? Paano kapag natunton nila ako? Will they hurt my family?

Ayokong isipin. Natatakot ako hindi para sa sarili kundi sa pamilya ko. My dreams be damned.

Kuya Seraph wouldn’t approve of me cursing even inside my head. Tumigil ako sa pag-iisip no’n.

Ayos lang sa akin na magtago sa ibang mga tao. Kahit hindi nila ako kilala ay ayos lang. I don’t need friends. I have my family and they love me.

A smiling Andrew encouraging me to play music suddenly popped in my mind.

Humigpit ang yakap ko kay Kuya nang naramdaman ang pag-iinit ng mga mata.

“Kuya…” bulong ko.

Ngunit mukhang may narinig siyang kung ano sa boses ko kaya bumitaw siya sa akin. He looked alarmed nang nakita ang basa kong pisngi.

“Miracle! May masakit ba? What? Your head?”

Nanlaki ang mata niya habang sinisipat ako. He squeezed my hand at mukhang tatawagin na sila Mommy ngunit pinigilan ko siya.

Humikbi ako at tiningnan siya sa mga mata. I can’t see him clearly though because of the tears.

“Do you think I’m selfish kuya?”

Nalilito siya sa akin kahit bakas na ang takot sa kanya. “Miracle, what are you—”

“Because I think I am. I am selfish, Kuya!”

Umiling ako at lalong naiyak.

“No, you are not selfish, Mira.”

“Hindi mo ako gano’ng kakilala. I am turning into someone I hated!”

“Listen to me. You are not selfish alright? Look at you! You are doing your best despite your condition para hindi na mag alala sila Dad. Of course I know you, you’re my baby sister!”

Umiling ulit ako nang di niya nakuha ang ibig kong sabihin.

“I am always out of the picture, Kuya. I am always out of sight. I can only hear stories, not experience them! I… I want to be included too,” sabi ko sa nanghihinang boses, pabulong na ang huling mga salita.

Tuluyan na akong umiyak nang di pa rin masabi ng maayos ang nararamdaman ko. I don’t think kuya understood any of it.

Liberty noticed my face eventually kaya natataranta niyang tinawag ang parents namin.

“What did you do, Seraph?” parang kulog ang boses ni Daddy nang tinanong iyon.

Mommy wiped my face with her fingers at hinintay ang sagot.

Kuya was shell-shocked at tulala habang pinagmamasdan ako. I went to him and embraced him agad. In the end, hinayaan nila si kuya na pakalmahin ako. Kuya explained to them what happened but I was too busy crying kaya hindi ko na iyon narinig.

They busied themselves preparing the food and giving instructions to all the housemaids and guards habang kami ni kuya ay nakaupo na sa blanket na nakalatag malapit sa angel fountain na paborito ko.

Madalas ko ring mahuli si Liberty na pasimpleng sumisilip sa pwesto namin, tila gusto nang lumapit ngunit natatakot na baka umiyak ako ulit.

“I’m sorry, Kuya. I was just sad kaya umiyak ako.”

“It’s alright. You never have to apologize for being sad or for crying. That’s what I am here for.”

Inakbayan niya ako habang nakangiti, finally relieved that I am not crying bullets. I leaned on his right shoulder while looking at his face.

Liberty joined us on the blanket after a while nang nakitang nakangiti na ako. She kissed my cheek and embraced me.

Mom and Dad joined us too at doon na kami nagkwentuhan at nagsimulang kumain.

“Because Baby Amy cried earlier, siya ang unang makakakuha ng gift!”

“Yehey! I wanna see!” palakpak ni Liberty nang kinuha ni Daddy ang regalong naka box.

“Careful! That’s fragile,” maarteng sambit ni Mommy na inirapan lamang ni Daddy.

I giggled when Mom gave it to me finally.

“Open it Mira!”

Mas excited pa si Liberty kaysa sa akin.

Kuya Seraph peeked at my shoulders habang ang tatlo naman ay nasa harap ko at tila di humihinga habang nakatitig sa pagtatanggal ko ng ribbon.

Daddy was looking not at the gift but at my face.

Medyo may kabigatan ang regalo at mukhang hindi nga nagbibiro si Mommy nang sinabi niyang fragile iyon.

It was a black musical box with flower designs on it. May ballerina design din sa gilid at naroon ang aking pangalan sa ibabaw. Amy.

Meron itong lock kaya hinanap ko pa kung nasaan iyon. Part of the gift as well ay isang wooden box na may swirls and curls design na nakaukit. May lock din iyon.

“Where’s the key?” tanong ko nang sumuko’t di talaga makita sa lalagyan.

Daddy laughed at binigay sa akin ang susi. It was a golden key with diamonds outlining it. It looked expensive but I shrugged it off, too happy to complain.

“Hey, that’s my gift,” pagmamalaki ni Daddy sa nakasimangot na si Mommy.

Binuksan ko ang musical box gamit ang susi at muli itong ginamit para patugtugin iyon.

A ballerina suddenly stood inside the box, dancing on a very shiny mirror which looked like a… pond while a little piano was gently moving at the corner, a sign that it was playing. May mga tore din sa paligid na to and fro ang paggalaw. Sa parte naman ng lid ay naroon ang disenyo ng isang crescent moon. The stars around it were twinkling.

I was in awe habang pinapanuod ang pagsayaw ng ballerina. Tahimik din ang lugar at tanging ang tugtog lamang galing sa musical box ang maririnig.

“What was the song?” I asked when it suddenly stopped. Tumigil sa pagsayaw ang ballerina maging ang paggalaw ng piano at tore, at nawalan ng liwanag ang loob ng salamin, ang buwan, at mga bituin.

“Heartbeats,” Kuya silently said.

“Wow that’s pretty! Nasaan na ang gift ko?” si Liberty.

Liberty received the same gifts ngunit iba nga lang ang design ng kanya. The design focuses on things about painting and photography tulad ng interest niya.

Kuya’s gift for me is a snow globe. Isang piano ang naroon a loob habang isang babae ang tumutugtog nito. There are also different musical instruments around. May maliliit na glow in the dark stars ang kasama ng tubig at snow kaya naman kahit hindi ko pindutin ang ilaw nito ay maliwanag pa rin.

Niyakap ko si kuya at muling naiyak dahil hindi ko talaga sinabi kahit kanino na gusto ko magkaroon nito. Ang alam ko kasi ay mahal ang gano’n. I don’t have any idea paano nalaman ni Kuya.

The night was peaceful and perfect and I couldn’t ask for more.

Kumakain kami nang dumating ang bestfriend ni Liberty na si Iona. She ate with us at masayang nakipag kwentuhan sa pamilya.

Gusto ko rin sana siyang kausapin pero nahihiya ako.

She doesn’t look snob though. She’s actually very friendly but reserved.

Masaya ako sa mga nagdaang araw. Napapadalas nga lang ang pananatili ko sa aking kwarto dahil nawili ako sa pagbabasa ng mga libro. Most of them are about music. Mga naka dalawang libro lang yata ako this week ni Shakespeare at ang sumunod ay nafocus na sa kung paano tumugtog ng gitara.

“Mira! Let’s go! Nana Celia is cooking pancakes!”

Dumungaw si Liberty sa kwarto ko para sabihin iyon kaya nadistract ako sa binabasa.

Nalaglag ang ilang hibla ng buhok ko galing sa magulong bun nang tignan ko siya.

“Later, Liberty. Tatapusin ko lang ito.”

“Ano bang ginagawa mo? One week ka nang di lumalabas! Di na tuloy kita nakkwentuhan,” she was pouting while pointing that out.

“Gusto ko na kasi matutunan paano tugtugin ‘yung gitara.”

Lalong nalukot ang mukha ni Liberty. “But you just studied piano! Bakit pati gitara?”

I blinked. “Kasi gusto ko. Do you want me to teach you?” nagningning ang mata ko nang naisip ang ideya na iyon.

“Ayaw ko! Just play it for me kapag maalam ka na.”

Kinulit pa ako ni Liberty ng ilang beses pagkatapos no’n. She’s very, very persistent when it comes to the things that she wants. Wala rin akong nagawa nang hinila na niya ako palabas ng kwarto.

“Alam mo ba kahapon sa school? Kumain kami ni Drew ng street foods! Pero ‘wag kang maingay kela Kuya a, papagalitan ako no’n.”

I was chewing my pancake with chocolate syrup when she said that.

Nagsimula na ulit ang klase nila Liberty at Kuya last week kaya hindi rin ako masyadong naglalabas ng kwarto.

“Ano ang mga kinain niyo?” tinitigan ko ang pancake at parang nawalan ako ng gana. Dinagdagan ko na lang tuloy ng chocolate syrup dahil baka kulang lang.

“There’s kwek-kwek! Tapos may fishball, kikiam, squidballs… Mira ang sarap! Tapos pwedeng dessert ‘yung ice scramble!”

Kwe… what? Then ice scramble? Are we talking about scrambled eggs with ice?

Nakita ni Liberty ang pagkalito ko kaya naman nag explain pa siya ulit. Binanggit din niya ang isaw at barbecue. Nang binanggit niya ang salitang bituka ay tumigil na akong tuluya sa pagkain.

I wasn’t feeling okay matapos ang araw na iyon. Mas nagfocus ako sa mga binabasa. Pero nang naisip na hindi ko rin ma-aapply iyon dahil nasira ang isang chord ng gitara ay tumigil ako’t nagbasa ulit ng books ni Shakespeare.

Laging sumisilip si Liberty sa kwarto ko tuwing umaga ng weekends para ayain akong sumama sa kanila ni Andrew sa activity na gagawin nila. Lagi ay nagtatalukbong na lang ako ng kumot at nagkukunyaring tulog pa. She would stop calling my name after that.

Habang sa ilalim ng kumot ay tahimik akong umiiyak.

Two weeks after that ay tumigil na rin si Liberty sa pagsilip sa kwarto, mukhang alam niyang di rin naman ako sasama. But still… inexpect kong tatawagin niya ako. Bakit kaya di niya ako tinawag? Medyo nagtampo ako doon.

Kaya naman mabilis akong naligo at nagbihis ng isang yellow dress na may puff sleeves. Sandals lang ang sinuot ko sa paa at hinayaan nang nakalugay ang kulot kong buhok.

Pagkababa ko sa hagdanan ay isang guard agad ang lumapit sa akin.

“Ma’am Miracle, saan po kayo pupunta?”

Nagulat ako sa biglaan niyang paglapit ngunit kuminang ang angel wings gold pin na nasa kanyang uniporme nang natamaan ito ng sinag ng araw kaya nakampante agad ako.

I looked at his guarded but kind eyes.

“Uhm… pupunta lang po ako sa garden.”

Tumango siya ngunit itinaas ang isang daliri hudyat na hintayin ko siya. He talked to his walkie talkie at may sinabi na hindi ko narinig. Binalingan niya ako pagkatapos.

“Samahan ko na po kayo.”

Ngumuso ako at tumango bilang sagot.

Ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa bawat kilos ko kaya medyo nailang ako. Nang medyo malapit na sa garden at doon sa pathway papuntang pond ay nilingon ko siya.

“Kuya… dito na lang po kayo. Tatambay lang po ako sa loob.”

Kinausap nanaman niya ang kanyang walkie talkie bago ako hinayaan sa gusto ko.

Kinagat ko ang labi ko, sure na walang tao dito dahil di naman papayag si Kuyang Guard kung di ako nag iisa dito. Nasaan kaya sila Liberty at Andrew? Bigla tuloy akong nagsisi dahil di ako sumama.

Umupo na lamang ako sa isang part ng stone bridge nang napagod sa paglalakad.

I hummed the song of my musical box nang bigla akong may narinig na yapak ng paa. Dahan dahan akong tumayo at medyo kinabahan pa. But when I saw the shadow of a girl ay napangiti ako.

Tumakbo ako para salubungin si Liberty ngunit biglaan ding napahinto nang ibang mukha ang sumalubong sa akin.

Nanlaki ang mata ko at biglaang nataranta.

She smiled broadly at me. She’s wearing a denim short, white blouse with ribbons, and white rubber shoes. Tumakbo siya palapit sa akin.

“Angel! Kanina pa kita—”

She stopped short when she saw me… or the expression on my face. Takot na lamang ang naroon.

She blinked at lumingon sa pinanggalingan, tila nalilito. Ako naman ay di na lang makagalaw sa kinatatayuan. I thought something bad would happen if I move the wrong way.

Binalik niya ang tingin sa akin.

“Uhm… do you know where’s Angel? Kanina ko pa siya hinahanap.”

Bakit gano’n? Alam niya kaagad! Lalo akong natakot.

“I am,” bulong ko sa hangin.

She blinked again. “Ano ulit?”

“I… am Angel,” sabi ko sa klarong boses. Hindi iyon nanginig ngunit kabaligtaran naman nito ang mga kamay ko. I hid my hands behind me, gripped my dress to stop it from shaking.

Tumitig siya sa akin, hindi na kumukurap.

“No, you are not her.”

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Umaatras ako ngunit mas marami ang naging hakbang niya kaysa sa akin.

Nasa harap ko na siya ngayon. Gumalaw ang mga mata niya nang pinagmasdan ang mukha ko, para bang may hinahanap.

Nilapit pa niya nang husto ang mukha sa akin.

“Sino ka? Ngayon lang kita nakita dito. At kamukha mo rin si Angel. Pinsan mo ba siya?”

Umiling ako.

“Ano pangalan mo?” pagtatanong pa niya.

Nanlaki bigla ang mata niya. “Oh, sorry! My bad.” Pinunas niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang short bago nilahad iyon sa akin.

“I am Phoenix! Like the bird on fire,” she smiled again that big smile.

Yumuko ako at tinitigan ang kamay niya. Sinilip ko ang kanyang mukha at hayun at nakangiti pa rin siya, tuwang tuwa for some reason.

Dahan-dahan ko iyong inabot nang narealize na wala siyang balak ibaba iyon.

“Mira…cle. Like the divine intervention.”

She laughed at may lumabas pang sipon sa kanyang ilong na pinunasan naman niya agad ng panyo.

“Divine what? You are so funny, Miracle! May tumulo pa yatang dugo sa ilong ko.”

“No… that’s uhog, not blood.”

She doubled-over in laughter.

I was scared at the time.

But I was happy too.

Because someone outside my bubble uttered my name.

No comments: