♪ Chapter 1
Past
Journal # 1 (March 8, 2005)
I was tired mainly because of the very long travel
from France to our mansion here in the Philippines. I remember we took the
train at the Saint Michel Notre Dame. I couldn’t remember though how many
minutes or hours that took before we arrived at the Aeroport Charles De Gaulle
2 Tgv. Daddy carried me all the way to Paris CDG where our private plane was
stationed to pick us up. I loved watching people in airports because of their
interesting facial expressions. Sometimes though they were so complex I
couldn’t understand the whys and hows of it. Yet, that day, I wasn’t interested
in any of that because of Mommy. She didn’t take her eyes off me the whole time
and she was making these weird expressions that I really wanted to decipher.
One minute she was on the verge of crying, then she looked business-like the
next. Daddy and mommy were acting bizarre that day. I closed my eyes after a
while because they were already heavy and my mind started to become hazy.
The last thing I remembered was the echo of the explosion
at the top floor of Société Mondiale
Yllana building and Daddy’s words to me after that.
“I will keep you safe. That is
my absolute promise to you Miracle,” his voice echoed in my mind.
-----
“Miracle, do you still remember
what you did at your mansion’s main garden Monday last week?” Dr. Wilhelm
Howard asked with a small smile directed at me.
Maraming laruan at libro
ang nakapalibot sa office ni Dr. Wilhelm. One time dahil sa tuwa ko sa isang
snow globe katabi ng personalized Executive Jade Glass Nameplate na nasa taas
ng table niya ay laking gulat ko na lamang na nadulas na iyon sa kamay ko.
Iiwanan na ba ni Dr. Wilhelm ang case ko? Kasi pasaway ako at malikot? Dahil
masyadong curious at di mapakali sa kinauupuan kapag may nakitang magagandang
bagay?
Takot na takot ako noon
na mabilis kong dinampot ang basag na pira-piraso ng snow globe at saka tinapon
iyon sa basurahan. Nang dumating si mommy at doctor galing sa pag uusap nila ay
maayos akong umupo sa aking silya, nakadapa ang mga palad sa aking palda para
hindi makita ang mga bumaon na bubog dahil sa pagmamadali. Inapakan ko naman
ang carpet na may mantsa dahil sa tubig na nagkalat para wala ring makapansin.
I pouted. “Hmm… can I
peek at my notebook? I brought it here with me as promised.”
“No. Answer my question
first before I let you take a peek of
your journals.”
I furrowed my brows and
kept that pout displayed on my face. Daddy said it has magical powers.
“But you told me last
session that my notebook will help me answer you!”
“No, Miracle. I told you
to write your daily journals and bring that notebook every session but I never
told you that you will open it once my we started.”
“But isn’t that the whole
point of my journals? To pass my exams? How can I answer you if I didn’t know
the answer?” I wailed.
This is so unfair! Mommy
said I have to pass Dr. Wilhelm’s exam but how could I do that now if I didn’t
know the answer? My notebook should suffice to answer her! It was like a
project she had given me! Ano na ang silbi nito kung hindi ko naman magagamit?
Huminga lamang si Dr.
Wilhelm at parang hindi naistress sa aking litanya. Pero sa isip-isip ko ay
baka naiinis na siya sa akin. Still, that small smile is still pasted on her
pretty face. Mom scolded me when I mentioned Dr. Wilhelm’s pretty face, that
Mommy’s face is way prettier. So I added that I still like Doctor’s pretty face
though only second best. Mom’s will always be first best. And… hmm… maybe
Liberty’s pretty but baby face is third best. Ako kaya?
Silly, parehas lang naman
kami ng mukha so we are both third best? Or ako na lang sa fourth? Tutal ay mas
cute si Liberty dahil sa masaya niyang personality while I on the other hand almost
always looked gloomy.
“What are you thinking
now, Miracle?” she asked me.
Wait. She didn’t answer
my question! I sighed exasperatedly like usual. Lagi kasing tanong ang sagot ni
Dr. Wilhelm sa tanong ko rin. Kadalasan tuloy ay siya lang lagi ang may sagot
samantalang ako ay laging naguguluhan pag uwi dahil sa pag iisip ng mga tanong
ko na laging walang sagot niya.
Even if that is the case
every session, I wouldn’t lie to her. That is the absolute law inside Dr.
Wilhelm’s office kaya naman kailangan kong sundin.
“I am thinking that you
always answer my question with a question.”
Her melodic laughed
echoed in the silence of the room. “Do you mind, Miracle?”
Nag-isip ako saka
umiling.
“Okay. I am glad. So now,
I will ask my question again, Miracle. Do you still remember what you did at
your mansion’s main garden Monday last week?”
That is the second thing
I noticed since our first session. That each of her question always has two
parts: the actual question… and my name. At first it weirded me out but
eventually I just got used to it na kapag hindi niya binabanggit ang pangalan
ko ay nagtataka na ako.
I looked at my fingers
while thinking about the answer to her question. Daddy. It has something to do
with daddy I know. After attending mass celebration last Sunday, daddy declared
that he filed his leave for the next day.
“Uhm… daddy cooked my
favorite breakfast.”
“Did you ask for it?”
“No. But I think I told
him about it in passing the past… days, uhm… before that day.”
“What is your favorite
breakfast?”
“Pancake and bacon… and
hotdogs and sunny side up eggs.”
“Who did you eat those
with?”
I smiled. “Daddy, mommy,
Kuya Seraph and Liberty.”
“Did you have fun?”
I nodded eagerly. “Yes!
Nagkwento sila Kuya Seraph at Liberty tungkol sa mga activities nila sa school.
Then they told me things about their new hobbies and interests. Sisimulan daw
nila ang pag-aaral tungkol doon. Mom and dad were happy for them as well.”
Tumango si Dr. Wilhelm at
mukhang interesado talagang malaman ang bawat detalye ng aking kwento. “How
about you? Ano ang ma naikwento mo?”
Natigil ako doon. Hmm…
ano nga ba ang mga sinabi ko noong araw na iyon?
Hinilot ko ang sintido
nang may kung ano akong naramdaman doon ngunit tinuloy ko pa rin ang pag iisip.
Sinilip ko si Dr. Wilhelm
na naghihintay sa sagot ko. Napansin ko rin ang pagmamasid niya sa kamay ko,
like she was making a mental note about it. Dahan dahan ko iyong ibinaba.
“Uhh… I guess I told them
about the books I’ve read?”
“What did you read before
that day?”
My face lights up with
the question. “Oh! It was Shakespeare’s Othello. It was a masterpiece however the
story was a tragic one.”
“Why did you describe it
as tragic?”
Sumimangot ako. “Othello
thought that his wife, Desdemona, was having an affair with his former
lieutenant, Cassio. Para sa akin ay wala siyang tiwala sa kanyang asawa. If he
truly loved his wife, he would definitely believe in her at hindi doon kay
Iago. Pero kahit na nainis ako kay Othello, in the end, he accepted that he was
wrong. For me… that act was commendable pero huli na rin ang lahat. He already
killed his wife.”
Yumuko ako. “I just learned
while reading that story that people can be controlled by so many temptations
and negative motives. We may learn a lot because of its consequences but sometimes,
even if we learned and became a better person because of it, our decisions may
result to irreparable damage and before we know it, it will already be too late
to do something about it.”
Namamanghang napatingin
sa akin si Dr. Wilhelm. I smiled shyly at her.
“That’s a very insightful
analysis Miracle! I am proud of you. I’m sure your parents are too.”
Kinagat ko ang labi ko.
“Iyon po ang rason, Dr. Wilhelm, kaya gusto kong maipasa ang test dito. I want
to be better because I know if I don’t do my best, I will hurt my parents, my
kuya, and my twin. I don’t want them hurt. Never.” I said adamantly habang umiiling,
my eyes pleading at her to hear me.
“I know. Kaya nandito ako
para tulungan ka. Now, because you opened the topic about books, ano ang mga
hilig mong basahin?”
“William Shakespeare’s
works! He was an English writer.” Napaupo ako ng tuwid habang sinasabi iyon,
excited to tell Dr. Wilhelm about all his books that I have read!
“Paano mo siya nakilala?”
Muli akong natigilan at
inisip ang sagot. Saan ko nga ba siya nakilala? Maybe… Liberty told me? No…
she’s not really into classic books. Mas gusto niya ang mga contemporary and
teen romance. Si Kuya? Ngumuso ako. No, impossible. Puro bola at ‘yung crush
slash annoying girl niya lang ang for sure na nasa isip niya madalas. My
parents were busy doing business at wala silang oras sa mga novels.
Perhaps… Iona?
Naging malikot ang mga
mata ko sa paligid na para bang lilitaw anywhere ang sagot sa tanong ni Dr.
Wilhelm. I want to try my best to remember it without relying on my journal but
as the seconds ticked by, nagsimula na akong pagpawisan. I can feel the moisture
starting to form on my upper lip and the telltale twinges of pain in my head.
Kinuyom ko ang palad para pigilan ang sarili na hilutin iyon. Ayaw kong mahuli
ulit iyon ni Dr. Wilhelm.
She’s just waiting
patiently at me with her smiling kind eyes.
Nagbara ang lalamunan ko.
“I… I don’t… remember…”
Yumuko ako dahil sa hiya.
Paulit ulit kong narinig sa utak ko ang dalawang salita. I failed. I failed. I failed.
Marami pang tinanong sa
akin si Dr. Wilhelm ngunit patagal nang patagal ay dumarami ang mga tanong
niyang hindi ko nasasagot. It frustrated me so much that I cried. Pinapasok ni
Dr. Wilhelm si mommy sa loob nang medyo hindi ko nakontrol ang iyak ko. They
both gave me a chocolate and a juice at pinakalma muna bago nagpatuloy.
“Ang buong akala ko ay
may nabasag nanaman siyang kung ano dito sa loob,” natatawang utas ni Mommy.
Tumitingin siya kay Dr. Wilhelm kapag nagsasalita siya ngunit pagkatapos ay
babalik din sa akin ang tingin, binabantayan ang bawat kilos ko.
This is not the first
time that I cried during a session kaya naman hindi na gano’ng naalarma si
mommy nang tinawag siya para pakalmahin ako ngunit lagi pa rin siyang nag
aalala.
Dr. Wilhelm laughed with
her. “Oh no. Actually kung ganoon nga ang nangyari ay hindi naman siya iiyak ng
ganito. She would just bravely hide every evidences at iiyak na lamang kapag
aamin na.”
Nasa tabi lamang ako at
inuubos ang kinakaing chocolate bar habang pinagmamasdan sila na nag uusap.
After that ay nagpatuloy na ulit ang aming session.
“How are you feeling?” maingat
ngunit klaro niyang tanong sa akin.
I smiled. “Ayos na po
ako.”
Muling nagpatuloy ang mga
tanong ni Dr. Wilhelm ngunit madalas niyang binabanggit na ayos lamang kung
hindi ko alam ang sagot. It just meant na marami pa kaming dapat na matutunan
along the way.
Although kahit na ganoon
ang sinabi ni Dr. Wilhelm ay alam ko pa rin ang totoo. It means that I am
slowly failing. Pero hindi ko iyon pinapahalata sa kanya.
I am slowly losing my
confidence when she suddenly changed the rhythm of her questions.
“So what memory the past
few months or days that was so remarkable na hindi mo malimutan?”
Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi dahil sa gulat ngunit dahil sa excitement. Alam ko dahil kahit na hindi
ako mag isip ay kusang lalabas ang mga salita sa bibig ko. That my mind doesn’t
have to memorize the details because my heart can.
A smile slowly formed on
my lips.
“Kamusta ang session mo
with pretty Dr. Wilhelm?” Liberty cheerfully asked me pagkabalik namin ni Mom
galing sa clinic.
Mabilis nila akong
sinalubong dalawa ni Seraph ng yakap at halik sa pisngi nang nakapasok sa mansion
na para bang ilang taon akong nawala. Nakita ko naman sa peripheral vision ko
ang mga bodyguards na kakababa lang din sa naka convoy kaninang sasakyan sa
amin at tila sila mga multo na bigla na lamang naglaho sa kung saan.
I sighed dramatically,
matching Liberty’s energy. “It was exhausting but fun.”
“Ikwento mo sa akin
Miracle! Ano ang mga pinag-usapan niyo?” Her eyes twinkled and looked
expectantly at me.
Galing sa labas ay
mabilis akong hinila ni Liberty sa aming sala habang si Kuya Seraph naman ay
tumulong kay mommy at Nana Celia sa paghahanda ng lunch. Si daddy naman ay nasa
trabaho ngayon. Paminsan kasi ay nagsasalit salit sila ni mommy sa pagffile ng
kanilang leave para samahan kaming tatlo dito sa bahay.
It’s not like Nana Celia
can’t do that pero gusto raw nila na maging hands-on sa amin.
Nakaupo kaming dalawa
ngayon ni Liberty sa L-shaped sofa sa aming living room habang hinihintay ang
light snack na ipinangako ni Nana Celia sa amin kanina.
Ngumiti ako sa aking
kakambal at ikwinento ang mga nangyari kanina.
Nanlaki ang mga mata niya
sa huling parte ng kwento ko. “I remember that one too! That was… first week of
December kung hindi ako nagkakamali!”
“Yeah. It was December 1,
2005.”
“Wow, ang galing!
Naaalala mo pa! I know I am not good with dates and numbers. Siguro ay
napabilib mo si pretty Dr. Wilhelm nyan!”
Ngumuso ako. Bago
makapagsalita ay naunahan na niya ako.
“Marami rin akong
iki-kwento sa’yo! For sure ay matutuwa ka!”
Sakto ang pagdating ni nana.
Nilapag niya ang juice at egg sandwich sa coffee table at umalis na rin para
tulungan na sila kuya at mommy sa pagluluto.
Pagkakuha sa aking
sandwich ay excited na akong napabaling sa kakambal para makinig sa kanyang
kwento.
I always looked forward
to her stories of adventure and happy memories with Andrew Mendez. Not because
I want to experience all of what they do every time they were together or that
I don’t like being alone in my room, but because I want to know him more
through Liberty’s words… at least.
I think for me that was
enough. Ayos lamang na hindi ko na siya makita as long as nakikilala ko siya
paunti-unti. He doesn’t have to know my existence tutal ay hindi naman talaga
niya ako kilala. But I really want to know more things about him and I believe
that wouldn’t make me selfish as long as I don’t tell him who I am.
It’s a fascination I had
when I saw him listening to me that day. I was in my most vulnerable state at
the time yet he showed me his gentle smile and had given me encouraging words.
This feeling I got since
that day is similar to what I feel when daddy give me new copies of
Shakespeare’s books. Hindi ko mapigilan ang excitement na alamin ang bawat
detalye sa loob: what are his thoughts like what are the words inside the book;
how did he grow like this like how this book was made from its hard covers and
smooth papers and number of pages and font styles and sizes; what is so special
about him like what people saw in this book that they loved every part and got
fascinated by it.
So many questions at para
bang sa bawat kwento ni Liberty ay nasasagot ang bawat isa.
“Alam mo naman na hindi
ako marunong magbike di ba? Ayun! Hilig daw niya iyon kaya naman tinuruan niya
ako. Mabuti na lamang at nandoon sa storage room ang bike mo na matagal mo nang
hindi nagamit. Hiniram lang namin a.”
Tumango ako para
makampante siya na ayos lang sa akin iyon.
She continued her story.
“He told me na dapat ay wag akong matakot na mahulog but I was scared Miracle!
Paano kapag namali ako ng bagsak? At paano kapag nagkasugat ako? Lagot ako no’n
kay Kuya Seraph at baka magalit pati siya kay Drew. Natawa pa ako dahil pati
sila Tito Marquis ay naalarma nang nakita kami. Pati sila kuyang bodyguard na
nandoon sa dulong garden ay napalapit sa amin. In the end hindi pa rin ako
marunong!”
Nahawa ako sa maingay na
tawa ni Liberty. Pati ako ay napahawak sa tyan dahil sa walang humpay naming
tawanan dahil sa kwento niya.
“Tapos naalala mo no’ng
nag picnic kami last time? Gano’n din ang ginawa namin kanina! Ang sabi niya ay
dadalhin daw niya sa susunod ‘yong kaibigan niya dahil mahilig din daw iyon sa
mga picnic.”
“Sino raw iyon?”
pagtatanong ko na tila hindi rin narinig ni Liberty dahil nagtuloy-tuloy lamang
siya sa kanyang kwento. Naaaliw na lamang akong nakinig sa kanya.
“Tapos alam mo ba, nakita
niya ‘yong malaking portrait mo sa second floor! Nagulat ako dahil bigla niyang
tinuro at sinabing ang ganda mo raw!”
Nanlaki ang mga mata ko
na mabilis rin naman niyang napansin.
“But don’t worry! Sabi ko
lang sa kanya ay ‘thank you’.”
I pouted. Kung sabagay ay
parang si Liberty na rin ang pinuri niya dahil magkamukha naman din kami. Kung
maganda ako ayon sa sinabi niya ay maganda rin si Liberty.
But something inside me
reveled in the fact na picture ko ang pinuri niya.
Mabilis akong nawala sa
mga iniisip nang patuloy pa ring nagkwento si Liberty. Napansin ko rin na tapos
ko nang kainin ang aking sandwich ngunit ni hindi pa niya nagagalaw ang kanya
kahit pa ang juice.
I didn’t tell that to her
though dahil nag eenjoy pa siya sa pakikipag usap sa akin.
“And you know what?
Magaling din siyang mag sketch! Ipinakita niya sa akin last time ang drawing
book niya. Kanina naman ay mukha ni Phoenix na iginuhit niya ang ipinakita niya
sa akin! He’s amazing, Miracle!”
“Wow, that’s really
amazing,” mahina kong sambit sabay dahan-dahang pagpalakpak na para bang
maririnig iyon ng dapat makatanggap ng compliment. Phoenix? Hmm… sino kaya iyon? Marami pang description si Liberty
tungkol sa mga drawing na ipinakita sa kanya kaya hindi ko ulit naisatinig ang
tanong na iyon.
I tried learning
sketching too kasabay ng pag aaral ko ng music. I wasn’t good at it but not
terrible as well. Siguro ay kaya kong magdrawing pero masyado pa iyong malayo
sa reyalidad. Na kung guguhit ako ng isang tao ay sa huli ay lumalabas iyon na
cartoon.
“Hey, I know you just
want to listen to my stories pero gusto kong maranasan mo rin iyon Miracle.
Let’s do it later!”
Gulat akong napatingin sa
aking kakambal. Natawa naman siya kung ano.
“Well, marunong ka naman
na magbike so hindi na kita tuturuan, sasamahan na lang kita! I feel like di
magtatagal at magkakaroon na ako ng trauma sa pagsakay doon.”
Natulala pa rin ako sa
sinabi niya bago iyon. Ako ang ate sa
aming dalawa bet it seemed like she’s looking out for me in her silent ways.
Naluha ako dahil sa
iniisip. Like some unknown force touched our twin telepathic connection ay
binigyan niya ako ng ngiti, naintindihan agad ang nararamdaman ko.
“Don’t worry, I will
protect you.”
We spent the next few
hours talking nang dumating na ang tanghali at tinawag na kami ni mommy para
kumain.
Dahil masarap ang pagkain
ay mabilis kong pinag interesan iyon. Kahit nakakain kanina ng sandwich ay
nawala lamang iyon sa tyan ko na parang bula. I wonder saan lahat napupunta ang
mga kinakain ko. I know how digestive system works but I hardly gain weight
kahit parang hobby ko na ang pagkain.
Naging busy si mommy at
kuya sa pag uusap tungkol sa business habang si Liberty ay kausap si Nana Celia
tungkol sa plano namin mamayang pagtambay sa garden pagkatapos kumain. I can
hear both conversations ngunit ang atensyon ko ay sa kinakain.
Best cook talaga si mommy
at nana! Hindi ko nga lang alam ano ang itinulong ni kuya dito dahil tulad ko
ay masama ring nagagawi iyan sa kusina dahil baka may masira pa siyang
appliance. Last time kasi ay ginamit niya ang microwave oven. Nagulat na lamang
kami nang napuno na ng usok ang buong kitchen pagkatapos ng ilang minuto.
Total epic fail.
Punong-puno ang bibig ko
ng pagkain nang bigla akong binalingan ni mommy.
“What do you think Amy?”
Napatitig ako sa kanya at
nag-isip habang nilulunok ang pagkain. Uminom ako ng juice bago sumagot.
“I think you need to hire
an additional Internal Auditor. As of the moment you have four, mag-o-onboard
ang isa next week, but since may pag aalinlangan kayo sa Accounting department
ng dalawang branch niyo ay iyon lamang ang naiisip ko. Your Accounting and
Finance Manager wouldn’t think of that manpower adjustment as intrusive with
regard to her duties or a question to her loyalty and integrity but just part
of strategic move since you are a growing company.”
Napatango-tango si mommy
habang si kuya naman ay nangingiting nakatingin sa akin.
“And also I’ve learned
that four of your branches suffer from cyber security risk, more reason why you
have to hire another Internal Auditor who will work alongside your I.T.
Officers. Work on improving your security control to avoid data theft. Pwede
niyang isabay iyon sa kanyang pagccheck sa reports na nanggagaling sa
Accounting.”
Biglang natawa si kuya
kaya mariin ko siyang tinitigan. Pero nagpatuloy ako sa sinasabi ko at
tiningnan si mommy na tulad ni kuya ay nakangiti na rin sa akin. Mukhang may
sense ang mga sinabi ko!
“Well… you have to
coordinate all of those concerns with your HR and Legal Department dahil kung
may problema nga ang inyong Accounting and Finance Manager ay malaking
problema. Mahabang proseso ang pagtatanggal sa kanya coz you have to prepare
all the forms and proofs of any illegal transactions. Ang Legal Department ang
bahalang makipag usap sa inyong Corporate Lawyer. Or… maybe Civil Lawyer if
Qualified Theft would be determined as the main factor of her dismissal and if
you want to pursue a case against her to claim damages. In addition to that,
you have to hire a new manager for her replacement. I highly suggest you do
internal hiring.”
I sighed at muling
nagsimulang kumain. A possible inside job in Yllana Corporation huh? Sino kaya
ang magkakamali?
Tuluyan nang humagalpak
sa tawa si kuya kaya nakuha niya ang atensyon ko. Kumunot ang noo ko sa kanya.
Pumalakpak naman ang kakambal ko.
“Grabe wala akong
naintindihan pero feeling ko ang galing ng mga sinabi mo! Walang kwenta mga
pinagsasabi ni kuya kanina!”
Tinuro ni Kuya Seraph si
Liberty. “Hey! My ideas were okay too! Mas okay nga lang ang suggestion ni
Miracle,” sabi niya sabay thumbs up sa akin.
Kahit si Nana Celia ay
magkadaop ang mga palad at nagniningning ang matang nakatingin sa akin.
Napayuko ako at nag init
ang mukha dahil sa atensyon na natanggap. It wasn’t that big of a deal kaya
bakit kaya sila ganyan.
“Baby Amy,” masuyong
tawag sa akin ni mommy. Mabilis ko siyang binalingan.
“Paano mo nalaman ang
issue tungkol sa cyber security risk ng kumpanya?”
“Daddy gave me the
minutes from their last board meeting. Marami raw po silang napag usapan at
gusto niyang malaman ang opinyon ko. Majority doon ay problema sa I.T.
department although wala po akong narinig tungkol sa inyong Accounting
Manager.”
“Yeah, I’ve read that one
too. Puro issue nga sa kanilang department ang highlight ng meeting,” dagdag ni
kuya habang nakakunot ang noo.
Nagpatuloy pa sila mommy
at kuya sa pag-uusap tungkol doon habang si Liberty naman ay kinuha na ang
atensyon ko para sa mga gagawin namin mamaya.
Matapos kumain ay nag
shower muna ako sa aking kwarto. Napili ko ang isang black leggings at maong
shorts para ipatong doon, at isang blue blouse na may nakaprint sa harap na
malaking crescent moon na kumikinang dahil sa glitters.
Pinuyod ko ang kulot na
buhok at hinayaan ang mga baby bangs na malaglag sa mukha.
Gusto namin ni Liberty na
laging parehas sa maraming bagay at isa na doon ang aming buhok. Parehas ang
haba ng mga buhok namin ngunit ang kaibahan nga lamang ay masyadong distinct
ang kulot ng buhok ko kaysa sa kanya. It’s like Liberty’s hair is the normal
version while mine is the party version dahil parang sinadya ang pagkulot nito.
Ang suot ko namang blouse
ang siya ring susuotin ni Liberty mamaya ngunit kulay green naman ang kanya. Sa
moon print lamang parehas.
Mabilis kong sinuot ang
aking rubber shoes nang napansin ang oras saka lumabas sa aking kwarto at
dumiretso sa aming garden.
Pagkasakay sa aking bike
ay mabilis kong sinimulan ang pagpedal. Tuwang-tuwa si Liberty at hinabol ako.
Hindi ko nga lang lubusang binilisan ang patakbo para hindi siya maiwan. Nakita
ko rin habang nagbbike ang iilan sa mga bodyguards kanina na pinagmamasdan
kaming kambal. Hindi naman ako naiilang sa kanila dahil nasanay na rin ako.
Ang nagpapagaan ng puso
ko ay ang makita ang mga angel wings gold pin nila sa kaliwang parte ng
kanilang uniform sa bandang dibdib.
Pinagpatuloy ko ang
pagbbike at maya’t maya ang paglingon sa kakambal. I laughed and enjoyed the
gentle caress of the wind on my face.
“Ayoko na Miracle! Pagod
na ako!”
I laughed again when I
saw her very tired face at ang pagnguso niya habang masamang nakatingin sa
aking bike.
Sumandal si Liberty sa
isa sa mga angel fountains na nagkalat sa malawak na garden at uminom sa
kanyang tubig. Nagpatuloy naman ako sa pagbbike at ang paglayo sa mansion tutal
ay pwede ko na itong gawin dahil mabilis naman na makakabalik kahit malawak ang
lugar.
Sa bawat pagliko ko ay
nakikita ko ang mga bodyguards na may hawak na walkie-talkie at may kausap.
Siguro ay nirereport sa iba kung nasaang bahagi na ako ng property. Nagtama ang
tingin namin ng isang bodyguard at mabilis naman siyang ngumiti at tumango
bilang pagbati.
Nang nakita ang pamilyar
na gold pin sa kanyang uniform ay ngumiti ako pabalik.
Matapos ang ilang minuto
ay nakabalik na rin ako sa kung nasaan si Liberty. Naramdaman ko na rin ang
pagod kaya naman huminto na rin ako. Matagal na rin naman simula noong huli
kong pagbbike kaya naman di na ako sanay.
Liberty beamed at me from
her position. “Look! I brought some books, uno cards, and snake and ladder
board!”
May nakalatag ng malapad
na picnic blanket sa ibabaw ng tuyong mga damo. Nakapaligid naman sa nakaupong
si Liberty ang isang basket na tingin ko’y puro pagkain ang laman, dalawang
thermos, at kung anu ano pang gamit na sa sobrang dami ay halos maoverwhelm
ako.
Liberty is really serious
about this huh. A gentle emotion gripped my heart, an affection that only my
twin will ever receive from me.
“Tinawag ko si kuya
kanina kaso ang sabi niya ay sa susunod na lang siya sasama sa atin. May
pinuntahan lang daw sila ni Jayvier.”
I nodded at umupo na rin
sa kanyang tabi.
We played the card first.
Kahit na dalawa lang kami ay nag enjoy naman ako. When it was the boardgame’s
turn, halos mafrustrate ako dahil lagi akong napupunta sa ibaba habang si
Liberty naman ay nakakailang panalo na.
After hours of playing, I
discovered a lot of sweets inside the picnic basket at halos malimutan ko ang
sunod sunod kong pagkatalo.
“Hey, Liberty. Thank you
so much for today.”
“Hmm…?
“Nag enjoy ako.” I smiled
at her nang galing sa kinakain na strawberry jam ay napaangat na siya ng tingin
sa akin. “Sobra.”
“Syempre ako ang nag
plano ng lahat! Of course you’re going to love it. Kung si kuya ang naghanda
nito ay parehas na tayong tulog sa boredom.”
We both laughed at that.
In the end, I started thinking
of a way para mapasaya pabalik ang aking kambal. Isa lamang ang naisip ko.
After ng dinner ay hinila
ko si Liberty papunta sa kwarto ko at sa loob ng practice room ko.
“Look, mahirap talaga sa
simula ang pag aaral nito pero kapag nasanay na ang daliri mo at nakabisado mo
na tunog ng bawat keys ay madali na ang mga susunod.”
Nakatayo si Liberty sa
tabi ko habang pinapakita sa kanya ang mga keys at kung ano ang tawag sa mga
ito. I introduced to her the middle and flat tones, maging ang sharp, base, at
high tones.
She looked really
attentive and interested kaya naman napangiti ako sa sarili. Matapos kong ituro
sa kanya iyon ay hinayaan ko siyang pumindot sa keys at pakinggan ang bawat
tunog nito.
After half an hour though
ay nagrequest siya sa akin. “Miracle. Will you please play for me?”
Tumango ako at nagpalit
kami ng posisyon. Although dumiretso si Liberty sa one-seater sofa di kalayuan
sa akin habang ako ay nakaupo sa tapat ng piano.
I played a random piece
by Beethoven. I played it with utter focus na hindi ko namalayan ang oras at
paglingon ko ay tulog na si Liberty.
I pouted ngunit masaya pa
rin dahil sa araw na ito.
Tinawag ko si kuya at
sinabing dalhin si Liberty sa kanyang kwarto. Once inside my practice room and
saw the sleeping beauty, he kissed her forehead and carefully carried her
outside. He kissed my cheeks as well bago tuluyang umalis ng aking kwarto.
The next few days passed
by uneventfully. Hindi naman sa nabored ako masyado ngunit parang ang lahat ay
normal lamang. I actually have mixed emotions about that. Three times a week
ang session ko kay Dr. Wilhelm at tuwing umaga iyon. Sa mga panahon na wala
akong schedule ay nasa kwarto naman ako habang inaaral ang piano. Paminsan
naman ay pinagpapatuloy ko ang pagbabasa ng mga gawa ni William Shakespeare at
nakakalimutan ko ang pagtakbo ng oras.
The only thing I am
always excited for ay ang mga kwento ni Liberty tungkol sa adventures at
activities nila ni Andrew Mendez.
“And you know what? May
maliit pala na pond doon sa likod ng mansion! Hindi ko alam na may ganoon pala
tayo! It was kind of creepy though pero sabi ni Drew ay wala namang nangunguha
doon. May frogs kaming nakita at maliliit na isda!”
I am always excited to
hear every bit of information about their time together pero matapos ang ilan
pang araw ng pakikinig ay may kung ano na akong naramdaman na hindi ko
maintindihan.
“Miracle?”
Nawala ako sa mga iniisip
at napabaling kay Dr. Wilhelm na nakatingin sa akin sa nagtatanong na mga mata.
“Are you feeling okay,
Miracle? Gusto mo ba na sa susunod na lang natin ito ituloy?”
“Ah. Hindi naman po. I’m
fine.”
Kahit si Dr. Wilhelm ay
nakita ang pagiging pre-occupied ko.
Pagkabalik namin ni mom
sa mansion ay sinalubong agad ako ni Liberty ng kanyang kwento.
“We ate dirty ice cream
earlier! Hindi ko nga lang maintindihan bakit dirty ice cream ang tawag doon
dahil hindi naman mukhang dirty iyon. It tasted good actually!”
Huminga ako ng malalim at
ngumuso.
Naiinggit ako. I want to
experience that too.
And I want to see him
too.
During dinner ay for some
reason ay naging tahimik si Liberty at madalas ko siyang mahuli na nakatingin
sa akin. Kahit si kuya ay nagtaka sa pagkatahimik naming dalawa. Sa isip siguro
niya ay nag away kami which is sobrang minsan lamang. Sa sobrang dalang ay
hindi ko na maalala ang huling pinag awayan namin.
Hindi naman huminto si
Liberty sa kanyang mga kwento pero palagi na niyang binabantayan ang bawat
emosyon na naglalaro sa mukha ko.
“Miracle, I have an idea!”
Bulong niya sa akin isang
gabi pagkatapos namin magshower at maghanda sa pagtulog.
“Ano ‘yon?” I whispered
back. Tila ba may makakarinig sa aking ibang tao kapag mas malakas pa ang
pagkakasabi ko noon.
Dahil kanina pa ako tapos
sa pagsshower ay tuyo na ang buhok ko at kitang kita na ang kulot nito habang
ang kay Liberty naman ay bagsak pa dahil sa basa pa ito.
“Sumama ka sa amin bukas
ni Drew!”
Nanlaki ang mga mata ko. “What?
Nag jjoke ka ba Liberty? Hindi pwede iyon!” gulat pero pabulong ko pa ring asik
sa kakambal.
Misteryoso siyang ngumiti
sa akin. “Silly, Miracle! Of course pasikreto lang nating gagawin iyon. Susunod
ka sa amin pero hindi masyadong lalapit para hindi ka niya mapansin pero sapat
lang ang layo para mafeel mo na parang kasama ka lang din namin.”
Hope bloomed inside my
heart. Kahit na hindi ko isatinig ay alam na kaagad ni Liberty na gusto kong
gawin ang kanyang plano. She smiled and kissed my cheeks at sinabing bukas ng
umaga namin aayusin ang plano.
Kaya naman kinabukasan ay
maaga akong nagising. Kinatok ako kanina ni Liberty at nagkasundo sa damit na
susuotin. Isang pink floral dress ang susuotin namin at pink sneakers.
Ngumuso ako habang
nakatingin sa salamin. Wala naman kaming napag usapan sa kung ano ang ayos ng
buhok kaya naman hinayaan ko na lamang na nakabagsak ang akin at naglagay na
lamang ng isang hairclip para maayos ang ilang nagkalat na baby bangs.
Mukhang kalmado ang mukha
kong nakatingin pabalik sa akin sa salamin ngunit patagal nang patagal ay
pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. I am excited and terrified at the
same time.
At exactly eight in the
morning ay lumabas na ako sa aking kwarto at lumingon lingon para icheck kung
may bodyguard na nagkalat. Tulad ng pangako ni Liberty ay wala namang
nagbabantay doon.
Dahan dahan akong bumaba
sa grand staircase at tinungo ang pintuan sa likod ng mansion.
“Saan ka pupunta?”
Halos mapasigaw ako dahil
sa tanong na iyon. Mabuti na lamang ay mabilis kong natakpan ng kamay ang bibig
ko.
Iyong mabait namin na
gardener ang bumungad sa akin. May hawak siyang hose na pinandidilig sa mga
halaman di kalayuan sa amin. Hindi ko siya napansin!
Bago pa ako makapagsalita
ay natawa na siya. “Sige na, puntahan mo na ang kakambal mo. ‘Wag ka mag alala
at sasabihin ko na lamang sa iyong bodyguard na nasa kwarto ka lang pagkabalik
niya.”
Mabilis akong napangiti
sa kanya, “Salamat po!”
Mabilis ngunit maingat
kong tinahak ang pathway papunta sa pond sa likod ng mansion. Iba’t ibang angel
fountains ang nadaanan ko bago nakarating sa lugar. Nagtago ako sa isa sa mga
iyon nang namataan ko ang likod ng isang batang lalaki at ang kakambal ko na
may tinuturo sa kung saang parte ng pond.
Mabilis ko ring iginala
ang mata sa paligid at wala ring nakita na kahit sinong bodyguard. Wow. Liberty
really pulled it off! Ano kaya ang ginawa niya?
Bumalik ang tingin ko sa
batang lalaki. Nakasuot siya ng putting pang itaas kung saan ang long sleeves
nito ay kulay pula. Nakapantalon din siya at naka rubber shoes. Si Liberty
naman ay suot ang dress na parehas ng akin. Nakalugay din ang kanyang buhok.
Sapat lamang ang layo ko
sa kanila para marinig ang pinag uusapan nila.
“You think ayos lang na
mag swimming dito?” tanong ni Liberty sabay lingon kay Andrew.
Ngumiti ito sa kanya. “Hindi
ka na takot?”
“Syempre takot pa rin!
But, look! They looked so sad!” sabay turo ulit sa kung saang parte ng pond.
Umalingawngaw ang tawa ni
Andrew sa buong lugar. For some reason I closed my eyes and memorized the sound
of it.
Umupo ako sa gilid ng fountain
at patuloy silang pinagmasdan. Nang namataan ako ni Liberty ay pasikreto niya
akong binigyan ng flying kiss. I giggled silently.
After a while ay
nagkasundo ang dalawa na magsimula ng kung ano gamit ang mga art materials.
Masyado akong napatitig sa maamong mukha ni Andrew at naging busy sa pagbibigay
pangalan sa mga facial expressions niya kaya kadalasan ay hindi ko na
nasusundan ang pinag uusapan nila ni Liberty.
Pero sa panahong nasusundan
ko na ang topic nila ay namamangha naman ako sa kanyang mga salita. He really
cares for my sister at para sa akin ay iyon ang pinakamahalaga.
“We should just go at the
shaded part of your garden kung magsisimula na tayo. Basa kasi sa banda dito
and you wouldn’t enjoy it.”
May kinuha siyang kulay
asul na panyo sa kanyang bulsa at pinunas iyon sa pawis ni Liberty na namuo sa
kanyang noo.
Mabilis ko muling tinahak
ang pathway palabas sa lugar at nagtagong muli sa isa pang malaking angel
fountain nang napagtanto ang kanilang plano. Di rin naman nagtagal ay lumabas
na sila doon at tulad ng sabi ni Andrew ay doon sila sa shaded na bahagi ng
garden. Lumipat ako ng angel fountain na pinagtataguan doon sa mas malapit sa
kanila.
Napansin ko naman ang
palinga-linga ni Liberty na tila hinahanap ako.
“What are you looking
for?” tanong sa kanya ni Andrew.
“Ah! Wala naman! Wala
akong hinahanap,” sabay awkward na tawa niya. Natawa rin ako dahil masyado
siyang obvious.
Matagal ko pang tinitigan
ang kanilang ginagawa, iniisip kung ano nga ba iyon. They both looked serious
at hindi na rin masyado pang nag usap dahil parehas na seryoso sa mga ginagawa.
“Done!”
Nagulat ako sa sigaw na
iyon ni Andrew. May hawak siyang kung ano na kulay pula pero for some reason ay
hindi siya pinansin ni Liberty. Kumunot din ang noo ko.
Hindi naman napansin iyon
ni Andrew at nilagay ang pulang bagay na iyon sa kaliwang tenga ni Liberty. Oh.
It was a flower! Gawa sa red colored paper!
Nakangiti si Andrew at
mukhang satisfied sa kanyang gawa ngunit tulad ko ay napansin na rin ang
pagkatahimik ng kakambal ko.
“Angel, ayos ka lang?”
yumuko siya at hinuli ang malikot na mata ni Liberty.
“Ah! Sorry balik lang ako
sa mansion, may gagawin lang ako!”
At mabilis siyang tumakbo
sa kabilang direksyon. Nanlaki ang mata ko at mabilis rin na pumunta sa
opposite way ng tinungo ni Liberty para makabalik sa mansion.
“Si Liberty po?” tanong
ko kay Nana Celia na nakasalubong ko pagpasok ng mansion.
Kumunot ang noo niya. “Dumiretso
doon sa comfort room, sumakit yata ang tyan.”
“Ah, sige po. Salamat po.”
“Akala ko ay nasa kwarto
ka?” narinig kong tanong ni Nana ngunit di ko na nasagot dahil mabilis kong
tinungo ang CR.
“Liberty!” sigaw ko sabay
katok.
Nag echo ang tawa ni
Liberty sa loob. “Napasobra yata ang kain ko ng almusal kanina at di kinaya ng
tyan ko!”
Natawa na rin ako sa
kanya nang nalaman na ayos lang ang kakambal.
“Miracle! Balik ka na
doon! Susunod ako, promise!”
“Pero—”
“Ang weird kapag andyan
ka! Baka mahiya pa itong mga sama ng loob ko at di sila lumabas!”
At parehas kaming
napahagalpak sa tawa.
In the end ay nakabalik
ako sa garden nang walang nakakapansin sa akin. Si Andrew naman ay naroon pa
rin sa kinauupuan kanina ngunit maya’t maya ang pagtingin sa dinaanan kanina ni
Liberty, hinihintay na makabalik ito.
Habang nakasilip ay
napansin ko rin ang iba’t ibang hugis ng kung ano sa paligid niya. Wow. Marami
na pala siyang nagawang mga origami! Hindi ko nga lang makita kung ano
specifically ang mga iyon dahil sa layo ng pwesto.
Tiningnan ko ang relo ko
at napansin na twenty minutes na ang nagdaan at wala pa rin si Liberty. Gaano
ba kasi karami ang mga nakain niya? Di kaya ay puro sweets iyon?
Sinandal ko na lamang ang
likod ko sa angel fountain at tumingala. Ito ang isa sa mga favorite kong fountain
dahil sa nakabukas na mga pakpak ng anghel at nasa bandang gilid ito kaya naman
kaya kong sumandal sa likod nito. Kung titingnan sa malayo ay parang ako ang
may pakpak dahil sa ayos nito.
The sky is at its bluest
today. No hints of any clouds kaya naman magandang panahon talaga ito para sa
outdoor activity. I felt my lips stretch for a small smile nang maisip ang nangyari
ngayong araw. I am happy. Even if I am outside their small little bubble of
memory, I am still happy.
Isang kulay asul din na
paper airplane ang mabilis na bumagsak sa nakatupi kong mga binti kaya naman
napaupo ako. Dahan dahan ko iyong dinampot at tinitigan.
Saan galing ito?
Habang nakayuko at
pinagmamasdan at bagay sa kamay ko ay isang pares ng paang nakasuot ng pamilyar
na rubber shoes ang nakita ko sa harap ko.
Nanatili akong nakayuko
at nakatitig doon, ngunit unti unti ring naninigas sa kinauupuan.
“Kanina ka pa ba nandyan?
Bakit di mo sinabi sa akin!” natatawang sabi ni Andrew.
Slowly… oh so slowly… ay
tiningala ko siya, doble doble ang tahip sa puso. Nag adjust pa ang mata ko
dahil sa sikat ng araw na tumatama sa pwesto namin.
Lumuhod siya sa harap ko
nang napansing masyado akong nasilaw sa sikat ng araw.
“Are you okay? You seemed
tired.”
With his position ay mas
napagmasdan ko na siya ng mabuti. Natulala ako at trumiple pa ang kaba sa puso.
Mabilis kong nilingon ang dinaanan kanina ni Liberty at nagdasal na sana ay wag
muna siyang lumabas. I have to get out of here first!
A warm hand suddenly
landed on my forehead.
“Hmm… nope. No fever.”
Nilingon ko ulit si
Andrew at may naglalarong ngiti na sa kanyang labi. “You hungry now?”
Napakurap-kurap lamang ako
at di alam ano ang sasabihin.
“I brought some fries with
me. Pwede kong lutuin mamaya sa kitchen niyo. ‘Yon ay kung papayagan ako ni
Nana Celia,” he chuckled. Gusto ko rin matawa dahil alam ko rin ang rule ni
Nana sa kanyang kitchen ngunit dahil sa kaba ay di pa rin ako makagalaw sa
posisyon at nakatulala pa rin.
Tinagilid niya ang ulo
niya. “Not hungry?” tanong niyang muli.
At last ay nabigyan ko
siya ng sagot. I slowly turned my head left then right.
“Hmm… okay. But I’m sure
you will be later,” then he laughed again. To my utter amazement ay muli akong
pumikit at kinabisado ang tunog ng kanyang tawa. You should remember this Miracle. Don’t you ever forget this.
I opened my eyes and saw
him still looking at me with that boyish smile and gentle eyes. It really got
me… really… really… got me.
“Andrew,” I said in a
small voice.
Nawala ang ngiti niya at
naging mapagtanong ang mata ngunit mabilis din iyong nawala. He smiled again. “Yes,
Angel?”
Tila biglang may sumampal
sa akin nang narinig iyon. Naalala ko ang lahat at muling tumakbo ang oras na
kanina lamang ay tila huminto.
“Nagpakulot ka? Kaya ka
siguro natagalan? And where’s the flower I made you?”
Nanlaki ang mga mata ko. “Uh…
n-nalimutan ko yata sa loob ng mansion. Uh… babalikan ko lang.”
Bago pa siya makasagot ay
mabilis na akong tumakbo sa dinaanan din ni Liberty kanina.
Oh my God! He saw me! He
talked to me!
Takot at saya ang magkahalong naramdaman ko habang tumatakbo pabalik sa mansion.
No comments:
Post a Comment