Epilogue


“Andrew, hinanda mo na ba ang mga dadalhin mo mamaya?”

Tumango ako sa tanong ni Mommy at nagpatuloy sa pagpindot sa phone ko.

To: Phin Ramirez

Yeah, it sucks to be me. Thank you.

Kanina pa ako inaasar ni Phin dahil sa pagiging Mama’s boy ko. I’m just eight years old so I guess that’s normal right? I don’t have to feel and be independent when the truth is I’m not. Muli kong kinuha ang PSP ko at naglaro.

Habang nakaupo ako sa kama nila Mom at naglalaro ang siya namang pagmamadali niya na maglagay ng make up sa mukha. Pupunta kami ngayon sa Mansion na pag-aari ng malapit na kaibigan niya at ipapakilala raw sa akin ang nag-iisa nilang anak.

Muling tumunog ang phone ko at nakita ang pangalan ni Phin.

From: Phin Ramirez

Ha! GOOD LUCK! Ipakilala mo sa amin kapag mabait. Kung hindi, ipakilala mo pa rin sa amin ni Ren para ibully natin!

Napangiti ako sa text niyang iyon.

May narinig akong tawa mula sa kaliwa ko at mabilis iyong nilingon. Tinakpan kaagad ni Mom ang bibig na tila nagpipigil pa rin sa pagtawa nang nakita akong nakatingin sa kanya. Kumunot ang noo ko nang wala akong kahit anong nakitang tuwa sa kanyang mga mata kahit na literal siyang natatawa ngunit pinipigilan lamang.

“I thought I’ll never be able to see that very beautiful smile of yours, Andrew.”

Kinagat niya ang labi niya at ngayon nama’y nagpipigil na sa pag-iyak. Nangilid ang mga luha sa mga mata niya ngunit pilit niyang pinipigilan ang pagtulo ng mga iyon.

Wala akong nagawa kundi ang manatili sa kinaauupuan at pagmasdan lamang si Mom sa kung ano man ang pinagdadaanan niya.

I was never close to my parents but yes, I admit that I’m a Mama’s boy, as Phin had called it. I’ll do anything for her; do anything she wants, anything she needs, be everything she wants me to be.

Just so I can ease her pain, even just a little.

Hindi perpekto ang pamilya namin. Nothing is perfect I know but sometimes, imperfections still meant good but in our family, I meant it in a bad, sickening way.

Ang sabi nila, minsan lang makatanggap ang isang tao ng swerte. Kung ano ang hiling nila sa buhay, bigla-bigla na lang iyong darating sa panahong hindi nila inaasahan. That is as long as you keep on believing and hoping for its appearance. In my very young and childish mind, I was hoping for it. But no, I am not calling it luck.

I am badly hoping for a miracle, my miracle. And that’s how I’ll call it.

At sino ang mag-aakala na matatanggap ko ang hinihintay kong iyon sa araw na iyon? No one, even myself.

She was introduced to me as Angel Liberty Yllana and from that point onward, I know I found what I’ve been looking and waiting and hoping for. And no, I am not going to call her my miracle. I changed my mind. Because she’s much more than a miracle.

I am going to call her my light.

So many things had happened after that fateful day. Yes, I am calling it that because I believe everything is predestined. There’s got to be a reason why I met her at such a young age and lost her after such a short time. Ako ang may kasalanan kung bakit iyon nangyari. Ako ang dapat sisihin kung bakit siya nawala. Ako ang dapat magdusa kung bakit siya nahirapan.

I have myself to blame to all that’s happened... why she died.

I never thought recovery from that trauma is possible. I suffered paranoia, depression, insomnia; I didn’t even know how to function as a human. My Mom tried to mend me physically, emotionally, and mentally. Yes, tried because she was never successful. Kahit sina Phin at Ren na halos mga kapatid ko na ay walang nagawa.

I grow and grow and grow but I was still stuck to that young and vulnerable mind of my childhood.

I am yearning for her. Badly.

Then Jane Alvarez happened in my life.

“Dadaan muna tayo sa subdivision nila Jane bago tayo bumyahe papuntang Maynila,” deklara ni Ren habang pababa ng hagdanan nila at hawak ang cellphone. May naglalarong ngiti sa mukha niya.

Hinawi ni Phin ang kulot na buhok at sinandal ang ulo sa balikat ko. Inayos ko ang upo ko para maabot niya iyon nang maayos at hindi siya mahirapan.

She made an annoyed snort. “I wonder who’s the reason behind Ren’s very mysterious attitude. Alam mo ba Geff?”

I shrugged nonchalantly, “The hell I care?”

Phin laughed hysterically while Ren sported his famous childish pout.

Darren is someone you can describe as The-Boy-Next-Door type of guy. Cool, easy go lucky yet principled, charming, and of course, someone with a face everyone is fond of. Marami siyang mga kaibigan na babae and not just because he’s friendly but because they flock to him like some crazy fans and the gentleman that he is, hindi niya magawang maitaboy.

He flirted, which I think is his second nature, but he never courted or dated any girl, just any girl.

Because it has to be the right one, his own words.

Kaya naman naging kuryoso agad ako kung sino ang tinutukoy ni Phin. Nagkaroon na ako ng hinuha na meron nga siyang gustong pormahan bago pa lang ganapin ang party nila kagabi but I never thought it’s serious.

That is not the case which I’ve proven when I gaze back at Darren to see him beaming at his cellphone.

Kinabukasan ay ang pagbyahe namin papuntang Maynila. Aabutin ang land travel ng pito hanggang walong oras at dahil hindi naging maayos ang tulog ko kagabi ay nakatulog kaagad ako pagsakay pa lamang sa family car nila Ren.

“Hello! You must be Jane, right?”

“Yes.”

I groaned and slowly opened my eyes when I heard a conversation not far from me. Una kong nakita sa nakasarang bintana ng sasakyan ang magagandang bahay at iba-ibang hugis ng mga halaman sa kanya-kanyang mga hardin. I guess we’re at another subdivision. Lumingon ako sa kanan at nakitang nakasara ang pintuan ng sasakyan at sila Phin at Ren ay nasa labas maliban sa driver.

Isinandal kong muli ang ulo sa unan ko at muling pumikit. God it’s like my head decided to retire or something. Damn this insomnia.

I have no idea how many hours had passed since the car was maneuvered back to the road but it seemed like it’s just been minutes. Feeling some stiffness in my neck, I moved my head to my right and something soft and sweet-smelling assaulted my nose.

Mabilis akong dumilat at ang una kong nakita ay si Ren na nasa shotgun at may nakatakip na cap sa mukha. He must be sleeping. Pinakiramdaman ko ang paligid ko at unti-unting tiningnan ang nasa tabi ko.

My eyes drifted to a girl’s brown, soft, and waivy hair. A flower scent or something close to it invaded my every intake of air. The said hair was very close to my face. My eyes, slowly drifted downward and what I saw made me want to somehow slap some sense into me.

Masyado akong napatitig sa maamong mukha niya. Marami na akong nakitang magaganda at may maaamong mukha tulad na lamang nitong katabi ko kaya naman nakapagtataka na may kung anong nagtulak sa akin para titigan pa siya. This must be the Jane Alvarez the twins were talking about yesterday. She has this innocent look na agaw pansin nga talaga. She has porcelain skin with a bit touch of gold, halatang madalas sa outdoor activities.

Iiwas na sana ako ng tingin ‘cause I was starting to creep even myself when I heard her whisper something.

“Drick…”

I stopped short and looked at her again. Did I hear her right?

From that moment on, hindi ko namamalayan at madalas nang gumala ang paningin ko sa kung nasaan kami at tila laging may hinahanap.

“Sino bang hinahanap mo?”

Nilingon ko si Phin na ngayon ay nakakunot na ang noo at tinuro-turo ako ng hawak na ballpen.

“Wala. Nasaan na ang kakambal mo?”

I was always like that. Minsan kahit ako ay naiirita sa sarili. When I heard her utter that particular name, naisip ko na coincidence lang iyon but then I heard her say another name again that made me snap at her.

What’s her game? Talaga bang pinaglalaruan niya ako?

Damn right I was attracted. Simula pa lang noong binanggit niya ang pangalan na iyon, may kung anong sumibol na pag asa sa puso ko pero imposible ‘yon. Just thinking about it is plainly stupid and ridiculous. Alam kong mali dahil iba ang rason bakit madalas magtungo ang mga mata ko sa kanya at pagmasdan ang bawat kilos niya.

My past is not particularly a secret. Kahit na sino na magkainteres at magkaroon ng pagkakataon tanungin ang tamang tao ay malalaman at malalaman iyon. Sumagi na rin sa isip ko na baka iyon ang dahilan bakit niya ako tinawag sa pangalan ko. It was a nickname na makukuha sa pangalan ko but almost everyone would first call me by my first name, not the second or the third and the way she said it, there was familiarity there that couldn’t be mistaken.

“Bakit ba hindi mo na lang sabihin sa akin kung ano man ‘yang sikreto mo?”

Nandito ulit ako sa bahay ng mga Ramirez. Wala si Ren dahil naglaro raw ng basketball kasama si Nathan, ang kapatid ni Jane, sa court malapit sa subdivision nila kaya naman si Phin lang ang naabutan ko rito.

“I already told you that you have to give me twenty signs na buhay pa siya at saka ko sasabihin sa’yo ‘yon.”

“You wouldn’t tell me that if you know she’s really dead Phin.” I told her straight to the point. It was a play of words, using my emotions as her chess pieces. “You wouldn’t give me hope. It’s cruel.”

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. Hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon ng diretso sa kanya.

It turned out, she’s right. Angel is alive. Nakausap ko ang Tita niya maging ang kapatid niya ngunit ang katotohanang iyon ay hindi pa rin lubusang maintindihan ng puso ko.

Halos takbuhin ko ang distansya namin ni Gwyneth noong una ko siyang nakita. I was almost hundred percent certain it was her! I know her! I never in my fucking life would forget that face. It was her face that saved me. It was her smile that assured me everything would be okay. It was her voice that lulled me to countless of peaceful sleeps.

But Phin stopped me. “Hindi siya si Angel,” bulong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. You’re kidding me.

Ngunit tinitigan ko ang seryoso niyang mga mata at naalala iyong pangako niya sa akin.

Bumalik ang tingin ko sa babae. She introduced herself at bawat galaw niya matapos iyon ay pinagmasdan ko ng mabuti. Mali ba talaga ako? Gaano kasigurado si Phin sa sinabi niya?

We were partnered up para sa isang presentation sa isang subject. Nagkataon pa na ang naging partner ko ay ang future president ng student council. I got to know her during our practices. Maamo ang mukha niya at malambing ang personalidad. Kapag nagsasalita ako ay naroon siya’t nakikinig na para bang bawat bigkas ko ng salita ay mahalaga at itinatatak iyon sa utak upang di malimutan. I liked that about her at hindi na ako nagtaka nang naging magkaibigan kami.

She’s good at dancing too kaya hindi kami nauubusan ng sasabihin kahit iyon lamang ang topic.

“I got a favor to ask of you,” I told her nang hindi ko na napigilan dahil sumasakit ang ulo ko sa mga iniisip. It frustrated me so much na para na akong stalker kakatitig sa lahat ng mga kilos niya.

She was oblivious about all of it ngunit hihintayin ko pa ba na maisip niyang ang creepy ko? We were friends already… I think. Nakausap ko siya noon nang nakita ko siya sa auditorium at tinulungan siya sa pagppractice ng kakantahin nila ni Jane. I saw her scar, told her about it. Even told her about Angel… ngunit wala siyang ideya tungkol sa kahit anong tungkol sa kanya.

So nagkamali nga lang ba talaga ako? Ngunit may bumabagabag pa rin talaga sa akin.

That scar.

“Ano ‘yon?”

Nandito kami sa North East building kung nasaan ang office ng student council. May mangilan-ngilang officers rin na narito ngunit medyo malayo kami ni Achel sa iba.

Tinitigan ko siya at inisip na papayag kaya ito? We are friends but maybe we are not the kind of friends to do favors like what I am thinking now? I’m not even sure how girls define friendship. Ayon kay Phin ay may iba iba iyon na category. The hell.

“Ano ‘yon?” tanong niyang muli, nakakunot na ang noong nakatingin sa akin

I sighed heavily. Giving up, I told her the details.

Neth and I became friends. Noong una ay bawat galaw niya ay pinagmamasdan ko. Hanggang sa tumagal… naging malapit kami sa isa’t isa. I thought maybe she has a reason bakit hindi niya masabi ang totoo? I don’t know but my gut really tells me na siya si Angel... hindi matanggal sa isip ko ang scar na naroon. I know how she got it!

But other than that, nothing. We became friends. Ngunit tila hindi pa rin ako mapakali. I was expecting that feeling of absolute rightness and peace by just her mere presence like how I felt it years ago when I was with her. Maybe the truth will push away this uneasiness?

Oh come on Geff. You’ve always known the reason behind that uneasiness. Ngunit kahit na alam ko iyon ay hindi ko magawang matanggap iyon sa sarili.

Like what I hoped, hindi nagtagal ay ibinigay sa akin ni Achel ang hiningi ko sa kanya ilang linggo na ang nakararaan.

Nakapamaywang siya habang pinagmamasdan akong binabasa ang mga papel na inabot niya sa akin. “You know na bawal itong ginawa natin, tama?”

“Yeah, I know.”

“Kapag may nakaalam nito ay siguradong massuspinde tayo. Or worse ay ma-expel tayo!”

“I won’t let that happen to you.”

Tumigil siya dahil doon.

Gwyneth Clementine Flores. Mga ilang oras lang din ang layo ng bahay nila sa subdivision namin. She is an achiever and consistent scholar. Accelerated at nasa special section kaya naman kahit huli nang nagsimula sa pag aaral ay nakahabol pa rin. The reason for the delay on her education ay financial.

Ang mga sumunod na papel ay mga essays na siya mismo ang nagsulat. Lahat ng mga freshman ay pinagawan nito noong first day namin.

It highlighted her childhood memories with various friends and classmates. How she dearly loves her parents who took care of her from the very beginning… na kahit mahirap lamang sila ay masaya pa rin sila. Her dreams. How she loves photography and books.

Ilang araw nagpaikot-ikot sa utak ko ang lahat ng mga impormasyong nabasa. So it turned out I was really wrong? Because if she was indeed Angel, Seraph would never abandon her. I am not even sure if that man is still alive or what. But I remember that one thing she wrote in her essay.

Heaven Orphanage.

Humiga ako sa damuhan malapit sa soccer field nang tinamaan ako ng pagod. Jane Alvarez huh. Two things about her that unnerve me: her eyes full of secrets and her soulful voice. Naalala ko rin ang mga isinulat ko pagkatapos ng araw na iyon sa orphanage.

Ginulo ko ang buhok dahil sa frustration. This is so wrong in so many ways!

Idinantay ko ang kamay sa dibdib at dinama ang kwintas sa ilalim ng damit.

I remember before knowing that Angel was alive, I almost begged at Jane to tell me the truth. I was almost certain that she’s Angel and that she was alive after all these years.

“There’s a deeper reason yet you can’t tell me,” I told her when she climbed at the tree I was sleeping at. Tinanong ko siya kung bakit pa siya umakyat but she hesitated. She fucking hesitated before telling me na gusto lang niya akong gisingin. At hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

And the fact na lumaki siya sa isang orphanage at sa mismong araw na iyon ay sinagot ni Nathan ang tanong na bumagabag sa akin sa buong araw na iyon.

“The orphanage gave our family an angel,” he said looking straight at me.

Lalo akong hindi napakali.

Jane. The first time I heard that name was when I came at that orphanage to pick up my sister. May pinag-usapan noon ang mga madre, about this Jane, her current name, a particular someone who was looking for her ngunit hindi sinasabi ng mga madre. Something about cutting ties…

Hindi malinaw sa akin iyon but I remember the name. Hindi ko lamang iyon pinansin noong panahon na iyon coz it was irrelevant to me. I almost pushed that memory away and out of my mind ngunit dahil sa mga nalaman ay muling lumitaw iyon sa isip ko, nagsusumigaw na mapansin.

Pumunta ako sa Heaven Orphanage weekend na walang klase. Mamaya ko pa talaga dapat susunduin si Carly ngunit dahil sa mga nangyari at nalaman nitong mga nakaraang araw ay ginusto ko munang mapag isa at mag isip.

This place was… still is a safe haven to me. Dito man nangyari ang mga bagay na gusto kong kalimutan ay narito rin naman ang masasaya na hinding-hindi ko bibitawan.

I wasn’t close with anyone here. Hindi rin naman ako madalas dito. Years ago, yes pero hindi na ngayon. Ang ilang beses na pagpunta rin dito ay bilang lamang. Imagine my surprise though when I learned back then that Angel stayed here for four years as part of her duties to keep her scholarship. I knew from the very beginning, though only unconsciously, that she was the girl I am dying to see again. I hoped in the deepest of my soul that she’s alive.

Hinding-hindi mapapantayan ang sayang naramdaman ko nang nalaman kong tama ako sa simula pa lamang. It was okay to believe. It was alright to hope even in the slightest chance.

She was my first love. I love her still. Gusto ko siyang mahaling muli ng buo. I lost myself the moment I lost her ngunit ang nararamdaman ko, patuloy lamang na tumindi.

And now that I found her? I want to give it all to her.

But then the reason behind that growing feeling inside me is another story.

“I like her. I’m most probably in love with her,” pag amin ko kay Neth, kay Angel, sa nararamdaman ko. She deserves my truth. Like how Jane deserves to know how this feeling started.

Ngunit simula noong napangalanan ko ang nararamdaman ko… that it was more than the similar things I see in her… more than the attachments I have with all of it… I realized it is more than all of those things I used as excuses. Kung bakit kailangan ko siyang pakawalan.

Why she doesn’t deserve this half-assed feeling… was because of the lingering hope I have that I cannot let go. Kahit na nasa harap ko na ang katotohanan na matagal ko nang hinahanap ay hindi ko pa rin ito mabitiwan.

“Pero paano kung—”

“I said don’t say it!”

Sinabi ko sa kanya ang totoo. I am surrounded with lies ngunit ayaw kong kung ano man ang magsisimula sa amin ni Jane ay pundasyon ang kasinungalingan. She deserves this truth.

“I told you, I tried to really look at you, really look at you and see the real you. And guess what? I did. I just did Jane, kaya nabuo ‘tong nararamdaman ko ngayon!”

Iyon ang totoo kahit mahirap man paniwalaan. Kinausap ko pa si Nathan para sabihin ang intensyon ko sa kapatid niya. It was primitive I know but I don’t want to mess anything up. Dahil base sa alam ko ay tradisyunal din ang mga Alvarez.

“She’s always crying. Napansin ko iyon kahit noon pa. Every morning, hindi man gaanong halata pero alam ko. I always see it. May problema ba… kayo sa bahay?”

I don’t want to ask her about this dahil baka maging emosyonal ulit siya. The things she suffered… ayokong dagdagan pa iyon. I remember her face the moment I saw her in that building; scared and helpless. Damn it!

Huminga ng malalim si Nathan bago ako tiningnan pabalik.

“She had a rough childhood. You know that… her connection with that orphanage right?”

Tumango ako.

He looked at me as if he’s going to continue talking about that topic but he stopped. Ilang segundo pa ang lumipas bago nagpatuloy. I understand the hesitance dahil kapatid niya ang pinag uusapan.

“Madalas siyang managinip sa gabi. At pagkagising ay umiiyak. Kinausap na siya nila Mom at Dad. She has all the support we think she needs.”

Ngumiti siya at tinapik ako sa balikat. “You don’t have to worry about anything.”

But I am worried.

“Sino ang may access sa mga cctv footages ng school natin? At maliban sa ating dalawa, sino pa ang may susi?”

Hindi ako official member ng Student Council pero in a way ay parang indirectly associated ako sa kanila. Dahil sa mga naitulong sa akin ni Achel noon, at dahil na rin sa mga napagsamahan, ay may mga pabor siyang sa akin lamang niya naisasatinig. Simple lang naman iyon at purong paperworks lamang kaya walang problema sa akin.

Nakikipag usap siya noon sa isang may edad na staff ng school bago ko siya nilapitan. Mukhang nagulat ko pa siya sa biglaan kong paglapit.

Matapos magpaalam sa kausap, na tinanguan ko lamang bilang paggalang, ay naglakad na kami papunta sa North East building.

“Tayong dalawa lang naman. Si Cielo naman ang may hawak ng ibang susi kasama na ng duplicate pero never ko ipinahawak sa kanya ang susi para doon.”

I sighed my frustrations and nodded at her.

Nilingon niya ako, may pagtataka sa mukha. Noon ko lang din napansin na may pasa siya sa bandang pisngi niya. Nang napansin niyang nakatitig ako ay yumuko siya at hinayaang bumagksak ang buhok para tabunan iyon.

Tatanungin ko na sana siya ngunit naunahan niya ako. “Bakit mo pala naitanong?”

“… I… just want to check on something.” Naalarma ako sa nakita ngunit dahil sa reaksyon niya ay hindi ko binuksan ang topic na iyon.

I told Seraph about what Achel told me about the keys.

Matapos kong malamang may nakaraan si Tito Levi at Tita Angeline, and the fact na naging mag asawa sila ay nagpabagabag sa akin. It was only natural that Seraph would think na ang punot dulo ng trahedyang nangyari sa pamilya nila ay siya mismo. He has the motive and justification to do his revenge.

Ngunit may parte sa akin na hindi naniniwalang kaya iyon gawin ni Tito. Hindi sa malapit kami sa isa’t isa ngunit ang kambal ay itinuturing siyang pangalawang ama nila. Knowing those two, mahirap kunin ang tiwala nila kahit pa na kamag anak nila.

But then again, I didn’t know Levi Ramirez’s past.

Ang rason lamang kung bakit gusto kong malaman ang lahat ng tungkol dito ay hindi lamang sa panganib na maaaring dala nito kay Angel ngunit maging ang dahilan bakit nasangkot dito si Jane.

“I don’t understand the connection! Dahil lang ba sa malapit siya kay Angel ay gagawin na nila sa kanya iyon? She was fucking bound and gagged Seraph! For hours!”

Hindi ko napigilan ang sarili ko nang iyon pa rin ang dahilang binanggit ni Seraph sa akin isang gabi na nasa office niya kami ni Nathan. Hindi pa nakatulong ang pagka-alala ko sa nangyari sa rooftop kanina nang sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla na lamang umiyak si Jane. Halos manlamig ako noon dahil nabanggit sa akin ni Nathan ang episodes niya. It was not a normal anguish.

Nakaupo si Nathan sa couch di kalayuan sa office table ni Seraph. Ang huli naman ay nakasandal sa hamba ng pintuan ng office, nakapamaywang at mukhang ubos na rin ang pasensya tulad ko.

It was an excruciating night of listening to round of questions and talks between us, palitan ng ideya at impormasyon base sa mga naganap kamakailan.  Nalaman ko na hindi naging maganda ang paghihiwalay ni Tito Levi at Tita Angeline. Nagsimula ang lahat sa pagtataksil ni Tita at ang sunod na pagpapakasal nito sa tagapagmana ng buong imperyo ng mga Yllana.

Both of them were killed at ang buong akala ko noon ay maging si Seraph ay wala na. I was told by my parents na dinala raw siya sa ibang bansa dahil kailangan nitong makalayo sa lugar na makapagpapaalala sa kanya sa nangyari at para na rin sa kaligtasan nito. But I was only a child then at inisip ko maging siya ay wala na. That maybe that was only said to me to cover some truths with lies.

Dahil sinabi rin nila sa akin sa gabing iyon na patay na rin ang babaeng anak ng mga Yllana ngunit hindi iyon totoo. I met Angel again in that orphanage under Sister Carmen’s care.

Simula rin ng sinabi sa akin ni Angel doon na masamang tao ang ama ko ay doon nagsimulang mapalayo ang loob ko sa sarili kong ama. I distanced myself to him and I thought it was enough.

But it wasn’t.

“It was the only logical explanation. Kung isasama natin ang katotohanan na naging magkaibigan at one point si Jayah Alvarez at si Mom noong college sila ay lalong walang kaugnayan.”

Kumunot ang noo ko sa narinig. “Mom ni Jane? At si Tita Angeline?”

“Is this really necessary?” singit ni Nathan.

“Yeah,” sagot sa akin ni Seraph, hindi pinansin si Nathan. “Pero ilang semester lang iyon at nag iba na rin sila ng mga naging kaibigan sa mga sumunod na taon. Things like that could happen.”

Wait… regardless if it was only for say one or two years… still they had that particular connection. They were friends.

Connection, huh. Biglang parang nagdikit-dikit ang pira-pirasong ideya na nasa utak ko dahil sa sinabing iyon ni Seraph. Jayah Alvarez and Angeline Yllana were once friends.

“May mga kilala ba kayo sa Heaven Orphanage?” pag iiba ko sa usapan.

Should I tell them about Sister Carmen’s words to me?

No. Not yet. Kahit na isang Yllana si Seraph ay may kung anong nagsasabi sa akin na may itinatago pa siya. Although I did something the first time we met here at his office with Nathan at hindi niya alam iyon. Iyon ang simula bakit hindi ko siya mapagkatiwalaan sa impormasyon na ito.

“Hmm… Sister Malou? Nabanggit sa akin ni Angel noong nakaraan na lumabas kami.” He sighed heavily after saying that. Marahil ay inaalala ang masayang oras nila ng kapatid niya.

Si Nathan ay nakasandal na ang ulo sa kinauupuan habang nakapikit. Hindi ako sigurado kung tulog na ba ito o nag iisip lamang… tulad ko.

Angel’s parents. Well… Gwyneth’s parents know about her real identity. Kinupkop nila siya habang binabantayan at pino-protektahan siya ng tauhan ng mga Yllana sa malayo. Si Seraph naman ay naging busy noon at hanggang ngayon sa pagpapatakbo ng kumpanya nila habang ginagawa ang sariling imbestigasyon sa nangyari. Kahit ilang taon na nag nakararaan ay wala pa rin silang halos usad.

May koneksyon si Angel sa orphanage na iyon dahil kay Sister Carmen. Si Jane naman ay kinupkop din ng orphanage na iyon bago siya inadopt ng mga Alvarez. I thought it was pure coincidence. At ang malaman na magkakilala si Seraph at Nathan ay dahil sa nangyaring pagdakip kay Jane ay ganoon din.

But knowing now that something ties the Alvarezes to the Yllanas changes everything.

“Nagkita raw kayo kagabi ni Kuya?” Angel asked me nang nakarating ako sa classroom. Tulad ng nakagawian ay parehas na kaming pumapasok ng maaga.

Tumango ako at inilapag ang bag sa upuan. “Yeah. Catch up lang. Marami siyang utang sa akin.”

“Mabuti naman kung gano’n. Marami pa ‘yong kaibigan si Kuya sa ACU at close ko ang isa sa kanila. Ipakilala kita mamaya.”

“Sure.”

The friend’s name is Jayvier Reyes. Scholar din tulad ni Angel at kaibigan din nila Seraph. Nakasalubong namin siya ni Angel sa campus ng isang beses but I can say that he’s a cool guy. Studious and hardworking.

Noong practice ng Crimson sa auditorium kung nasaan din ang Black Raven ay bumalik nanaman ang mga naisip ko kagabi. And my mood turned sour the moment I saw Jane with Darren on that stage. Too close. Too fucking close!

Sa sobrang inis ko ay isinuot ko na lamang ang dalang headphones sa tenga at nakinig para kumalma ako.

Jane was orphaned. The Alvarezes adopted her. That weird talk between the nuns. Her voice, her mannerisms, those songs that she knows, the way she said my name, those slip-of-the-tongue instances, those eyes that saw recognition… sees me.

Lahat ng mga iyon ay isinantabi ko lamang dahil alam kong walang katuturan kung tatahakin ko ang kaisipan na imposible. Pero ang malaman na may koneksyon ang mga Alvarez sa mga Yllana ang nagpabalik sa akin dito. Isa na lamang ang kailangang masagot sa tanong ko:

Who is Jane Alvarez before that orphanage?

Those memories I had with you keep on piling up in my head and each time I think about those my heart beats faster.

It’s like I already know you and I am getting to know you again after so many years. But it recognizes you. Damn… my heart recognizes you but my mind cannot understand it.

Gustong gusto kong sabihin pero hindi ko magawa.

Maiintindihan kaya niya? Natatakot akong malaman na sa huli ay mali ako ng naiisip. Na mali itong nararamdaman ko. I love Jane Alvarez… without a doubt. But the things she does, things that the Angel I knew did too… are part of her. Kahit anong sabihin ko, siya pa rin iyon. Past and present. It doesn’t matter.

“I am in love with you Jane Alvarez. And I won’t let you go now whatever happens.”

Hindi ko na kaya itong naiisip at nararamdaman ko. Kaya naman pagkatapos kong sabihin iyon kay Jane ay hinanap ko kaagad si Phin.

“I have to talk to you.”

Ngiti ang isinalubong niya sa akin nang pinuntahan ko siya sa amphitheater kung saan sila nagppractice para sa Feast Day.

“Ano ‘yon?”

“Not here.”

Saka lamang niya naintindihan ang gusto kong mangyari. She saw the seriousness in my eyes kaya unti unting nawala ang ngiti niya.

Lumiko kami sa isang hallway kung saan madalang dumaan ang mga estudyante.

“Ano ang alam mo tungkol kay Angel?”

Hindi ko maintindihan at ngayon ko lamang naisip na komprontahin si Phin tungkol dito. She already gave me a hint months ago ngunit ngayon ko lamang sineryoso iyon. Maybe deep inside I was hoping she was only joking about it.

Umawang ang labi niya, gulat sa paunang tanong ko. “Y-You told me about her.”

“Then your secret that was related to my past? Ano iyon?”

Gulat pa rin siyang nakatingin sa akin ngunit hindi tulad kanina ay medyo nabawasan ang tensyon sa kanya.

“Napatunayan mo na bang buhay siya?”

Ngayong binato niya sa akin ang tanong na iyon ay hindi ko mabasa ang emosyon na nasa kanyang mukha. Anticipation? Shock? Guilt?

Tinitigan ko lamang siya at dahil kilala ko siya ay alam kong naintindihan niya agad iyon. Kung may isang tao man akong pinagkakatiwalaan, iyon ay si Phin. She may be a bit gullible and emotional but she knows how to keep secrets. Sa dinami ng taong nagdaan ay siya lamang ang may alam ng nakaraan ko at kahit sino sa mga naging kaibigan namin ay walang nakaalam. Even Darren didn’t know the specifics.

Maaaring naikwento niya sa mga kaibigan niya ang tungkol kay Angel, but never the private ones… the important ones.

“You already know…”

Tinitigan niya ako, ngayon ay gulat at takot. Hindi ko maintindihan kung ano ang rason ng takot sa mukha niya.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

Katahimikan ang bumalot sa amin at kahit ako ay naramdaman na ang tensyon sa paligid. I know something is happening in Phin’s head. Kinabahan ako sa maaari niyang sabihin sa akin. I was expecting her to say similar to what I have already deducted ngunit dahil sa takot na nakita ko sa mga mata niya ay mukhang nagkamali ako sa isang bagay.

Nakuha niyang muli ang atensyon ko nang inilagay niya ang palad sa bibig at nagsimulang umiyak.

“I’m sorry Geff! Hindi ko basta pwedeng sabihin sa’yo nang gano’n na lang iyon. I have a reason I swear! Kahit ako hindi ko dapat nalaman ito but I did!”

Natulala ako sa kanya dahil sa gulat. “Phin I know, calm down please. Hindi kita sinisisi.”

“I’m so sorry! I’m sorry!”

“Phin it’s okay—”

Hindi ko inasahan ito! Hindi na halos makahinga sa Phin dahil sa pag iyak kaya naman niyakap ko kaagad siya at pinatahan. What the hell Geff!

“This isn’t an interrogation Phin. I am not blaming you—”

“But you should! You should! Nasaktan ka dahil sa mga nangyari! Ilang taon mong kinimkim lahat iyon at wala akong magawa bilang kaibigan mo! I wasn’t true to you! I lied to you!”

Punong-puno ng pighati ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

“Phin it’s okay. I just want to understand what you meant by your words. Gusto ko lang maintindihan pero hindi kita sinisisi sa kung ano man.”

Paulit-ulit pa rin ang paghingi ng tawad ni Phin dahil sa hindi pagsasabi sa akin ng totoo. Nagsisi tuloy ako at bakit ngayon ko pa binuksan ang topic na ito. Dahil lang sa mga bumabagabag sa isip ko ay dinamay ko pa si Phin!

Ilang minuto ko pa siyang niyakap bago bumalik sa dati ang paghinga niya at nawala na ang mga luhang parang walang katapusan kanina sa pagtulo. Damn that was scary. Patay ako kay Darren pag nagkataon.

Parehas na kaming nakaupo ngayon sa upuan sa gilid lamang ng quadrangle. May mangilan-ngilang estudyante dito ngunit dahil sa lawak ng lugar ay pwedeng makapag usap ng walang kahit sinong makakarinig.

Phin needs the fresh air.

“Alam ko kung bakit mo kinailangang ilihim ang kaalamang buhay pa si Angel. I’ve already talked to her brother.”

“Si Seraph Yllana?” tanong niya sa maliit na boses, nakakunot ang noo.

Hinaplos ko ang buhok niya at ngumiti. “Yes. Apparently sa kanya ko nalaman ang lahat. Nakita ko rin ang isa sa mga relative nila at may mga naikwento rin siya sa akin.”

“He told you? About his sister?” pagtatanong ulit niya.

Tumango ako. “Noong nakaraan lang ay may nagtangkang kumuha sa kanya to do God knows what. Kahit si Jane ay nadamay dahil doon.” Kinuyom ko ang palad dahil sa alaalang iyon.

Umawang ang labi ni Phin at natulala sa akin. “It was unexpected. Sa isang iglap ay nakaharap ko si Seraph. Then I learned about Angel’s new identity and the reason behind it.”

Yumuko ako at ginulo ang buhok. “Keeping her identity a secret is for her protection. Someone wants her dead at hindi namin alam kung sino iyon. Kahit ilang taon na ang nagdaan ay wala pa ring lead sila Seraph.”

“Geff. Ang sabi mo ay nadamay si Jane?”

Huminga ako ng malalim, nakayuko pa rin. “Yes. I found her bound and gagged in a fucking abandoned building. Ni hindi ko alam bakit pati siya ay nadamay sa gulo ng mga Yllana.”

Nilingon ko siya. “I learned something though the other night. Iyon ang rason kung bakit kita gustong makausap. About your secret.”

Umupo ako ng maayos at tumingala. “So your secret is that you know Angel’s identity way back. Ayos lang sa akin Phin. Hindi ako galit. If I were you at alam ko kung gaano kadelikado ang hawak ko na sikreto ay ililihim ko rin iyon.”

I sighed and let go of the budding disappointment I am feeling. Mali ang umasa Geff. Ilang beses mo bang dapat matutunan iyon? Napaka imposible rin naman kasi.

“Paano mo nga ba nalaman ang bagay na iyon? May nakapagsabi rin ba sa iyo?” I asked her.

This feeling is just superficial. I was just creating a story in my head. It isn’t true.

Walang isinagot si Phin sa tanong ko kaya naman nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang nagbabadya nanaman ang mga luha sa mata. Napatuwid ako ng upo.

“Hey I told you it’s okay—”

“Kamusta ang mga signs na sinabi kong ihanda mo? Things you encounter that proves she’s still alive?”

The list. Those signs. Halos matawa ako. “It wasn’t necessary Phin. Tutal ay nalaman ko na ang totoo ay hindi na mahalaga iyon.”

“Pero nasimulan mo?”

“Mali ang mga naisulat ko,” I admitted.

“Paanong mali?” pang uusisa pa niya.

“Hindi na mahalaga iyon Phin—”

“Andrew Geoffrey! This is important so tell me.”

Sa hindi mabilang na beses sa araw na ito ay gulat nanaman ako sa naging reaksyon ni Phin. Paano naging mahalaga iyon? At paano ko nga ba sasagutin ang tanong na ‘yan? It was ridiculous! That was a stupid list!

Yumuko ulit ako ginulo ang buhok ko. “Seriously it was nothing Phin. May mga nakita ako but it wasn’t…”

Hindi ko madugtungan iyon.

“It wasn’t her,” pagtatapos ni Phin sa huli kong sinabi.

I stiffened.

Dahan dahan ay nilingon ko siyang muli. Nanlamig ako sa kinauupuan nang sa wakas ay nabasa ko na ang gustong ipahiwatig ng mga mata niya kanina pa. Fear, uncertainty… and trust and hope for me to finally put the final piece of puzzle she left for me to solve in its right place.

“Geff, when I told you that I lied to you, it was true. But I wasn’t talking about Angel Liberty Yllana.”

Nanghina ako habang nakikinig sa kanya.

“Sinabi ko sa’yo noon na kapag may mga nakita kang signs na buhay pa siya ay sabihin mo sa akin. Kapalit no’n ay ang pagsasabi ko sa’yo ng sikreto ko. I told you that… because I need your heart to recognize her in case, somehow, you see her in person.”

She firmly shut her eyes for a while before speaking again. Nanatili akong tahimik.

“My secret… is about Miracle’s identity.”

Hinilamos ko ang palad sa mukha ko. “Miracle? Phin si Angel din iyon. I met her again in that orphanage, right? Kilala mo rin siya! It was Angel.”

Napatayo ako dahil hindi ko kinaya ang mga naririnig. Ngunit kalmado pa rin si Phin na nakaupo at nakatingin sa akin gamit ang mga matang nangungusap.

“You know it Geff. It wasn’t her. You already know. Deep inside you know. Kaya nasimulan mong gawin ang pinagawa ko sa’yo.”

“Ah fuck.”

“Angel Miracle Yllana. I wouldn’t tell you who she is because I know your heart already recognized her.”

“Miracle was just a nickname I gave her,” pagpapaalala kong muli sa kanya.

“No. She gave it to you as a way to introduce herself.”

At ngumiti siya pagkatapos sabihin iyon, tila nakalaya sa bagay na nagkulong sa kanya sa mga nagdaang taon. At ako? Bilanggo pa rin sa mga alaala sa kanya.

No comments: