♪ Chapter 2
Present
Journal # 2 (March 10, 2005)
The whole Yllana Mansion was in a whole mess and I
meant it in a literal way.
It was only two days since we arrived here in our
Mansion in the Philippines from France. I had no idea what the reason was because
we had an okay life there but for some reason we went here. We went back here.
Thinking about the possible reason only caused nothing but severe headache.
I also meant that in a literal way.
I saw my room somewhere on the second floor full of
spiders and cobwebs and lizards and dusts. So many dusts. It was a mess but
somehow I liked it. There was a balcony just in the far front of my room but it
was closed. There was another door on the far right leading to somewhere I
didn’t try to investigate. There was a very big bookshelf on my left and a very
big cabinet on my right. If what I was thinking was right, that might probably
another door leading to somewhere too.
I sighed and decided to go at the attic to check it
out after years of not being here. It had the same fate as my room and as the
whole mansion as it turned out. Only natural light illuminated the whole place.
Unlike what I did at the sight of my room, I checked every possible corner
looking for anything that might interest me here. The cabinets were empty
except for a number of old looking plates and boxes. I ignored that and looked
at the tables and drawers. They were all empty though. I went back at the first
cabinet I saw and opened the old looking box silently begging to be noticed
from its position at the bottom. I sat and opened it.
Then I discovered an old looking notebook with the LA
initials. Los Angeles? I decided to take it then went downstairs to stare warily
at our bodyguards helping in carrying the boxes upstairs.
Maybe I’ll make use of this notebook as my journal
instead of randomly using stationeries. I fished out the scented paper in the
pocket of my floral dress where I wrote my first entry then pasted it inside
the notebook. I also used my personalized pen to write at the very first page.
‘Angel Miracle Pavia Yllana’
-----
Eight years ago, the
Yllana family got in a so called car accident the reason why Alfonso Yllana and
Angeline Yllana died. There was a child at the backseat of the car na
ipinagpalagay na isa sa babaeng anak ng dalawa.
Which left the first
born, Seraph Marvel Yllana and one of the twins. Ngunit kasabay ng aksidenteng
nangyari sa mag asawa at sa anak na babae nito ay ang pagpasok ng mga di
kilalang armadong lalaki sa mansyon ng mga Yllana. The bodyguards were either
injured, shot, or drugged. Most of the housemaids had the same fate.
And there, inside one of
the rooms of their girl child, Seraph — and a girl who was at the time was shot
on the stomach — lay there inside, full of blood. Signs of life undetermined. The
Yllana girl could not found and the Yllana Mansion was burned to the ground.
On January 3, 2007, it
was declared that Angel Liberty Yllana died. Reason of Death: Fire incident.
Place of Death: Yllana Mansion
On December 28, 2009, it
was declared that Angel Miracle Yllana died. Reason of Death: Car Accident.
Although this particular date and accident was never publicized.
Based on the dreams I’ve
been having the past four or five years and some flashbacks the past few days
and months, ang car accident na naganap noong December 28 ay noong lumabas si
Miracle sa Heaven Orphanage upang habulin ang kaibigan na si Andrew Mendez. Then
she saw the bad man talking to him.
She felt betrayed dahil alam ni Andrew kung gaano siya kagalit sa tao na iyon
ngunit sa nakikita ay mukhang matagal na silang magkakilala. And the surname.
They have the same family name and they resemble each other.
She felt nothing but
betrayal. Then suddenly a car happened to be in the scene and killed Miracle on
sight.
Naalala ko noong panahon
na nakausap ko si Jayvier Reyes, one of the few friends (at least I consider
him a friend) I had in North Oswald, he told me about the tragic story of Angel
Liberty Yllana, his childhood friend. Si Angel Liberty daw ang naiwan sa
mansyon kasama ang kuya nito habang si Angel Miracle naman ang kasama ng kanilang
mga magulang, morning of January 3.
But I understand now what
happened. Nagpalit ang dalawang kambal ng kanilang identity noong araw na iyon.
The reason though was still unknown. No one knew except Seraph Yllana. Or maybe
Jayvier as well but still unsure of this fact.
Since I have already
proven this because of the memories that are slowly returning to me, it
suffices to say that this supports the fact that Angel Liberty is indeed alive.
It also means that the child the authority discovered in the car crash wasn’t
her but another unidentified body.
I’ve learned about this
through Jayvier as well. Dahil siya ang unang nakapagsabi sa akin sa totoo
niyang pagkatao. Although since I met her here inside the school, she is using
a different name: Gwyneth Clementine Flores. She has a normal family background
and excellent academic record.
I wasn’t able to
recognize her (even my own face) due to a sickness I could not disclose yet,
but I eventually did because of a photograph Aaliyah Lizette, my bestfriend,
gave to me. Nakuha niya iyon sa wallet ni Jonathan Alvarez, my brother.
We became close, Neth and
I. Naging parte siya ng circle of friends ko. But a lot of things happened at
marami akong nalaman sa mga panahong naghahanap ako ng kasagutan sa mga tanong
ko then suddenly, our friendship was lost. Sa hindi ko malaman na dahilan ay
nawala ang closeness naming dalawa. Something separated us. Maybe unconsciously
I know what the reason was but I just couldn’t voice it out.
Because I know I could
never give it up. I could never give him up.
I lost the friendship I
had as well with Jayvier although I believed that was entirely my fault. I
struck back at him with all the frustrations I’ve been having for all the dead
ends. I should apologize to him when I get the chance. Because it wasn’t his
fault that Angel Miracle Yllana’s identity must be kept a secret. Nadulas
lamang siya noong nagkwento siya sa akin ng tungkol sa kanyang kababatang si
Angel Liberty.
Kahit na hindi ko alam
ang rason, hindi ko dapat siya sinisi sa bagay na iyon.
Secret identity. Angel
Miracle Yllana. What was so special about you that you must be kept hidden and
protected your entire life?
I remember on one of the
memories in my head, that Liberty lied in her stead. She lied at Andrew Mendez
that next day after he saw her playing the piano. The reason was to protect
her... but from what? Maybe because of what happened somewhere inside the
Yllana Corporation, in relation to that cryptic French words and the bad man
looking for her. But that cannot be guaranteed as of the moment.
When all the tragedy
happened, after the fire inside the Yllana Mansion, Angel Miracle was found
inside Heaven Orphanage, barely alive. Andrew Mendez saw her there too. But due
to the fact that her identity must be kept a secret, she introduced herself as
her twin, Angel. Sister Carmen took care of her at the time and kept her secret
too.
The Alvarezes adopted her
after the car accident. She was given a new name and a new face. It was like
starting anew after the tragedy she have faced and encountered.
And now, years later, we
found ourselves entangled in this mess. I am in love with a man who might
probably be related to the person who started it all — the bad man in my dreams
and memories. Angel Liberty, Gwyneth Clementine, might have fallen for him too
since he was a friend who knew all of her since then. They got closer when they
realized both of their identities.
And here I am, confused since
then about all the mess inside my head. Bilanggo pa rin sa mga alaala ng
nakaraan. Bilanggo sa lahat ng mga kasinungalingan na hindi ko alam para saan
nga ba. But I guess I should be grateful because amidst all the tragedies, I am
still here. Alive. Breathing. And capable of loving.
I am Angel Miracle Pavia
Yllana.
But I am living now as
Jayzelle Ayaline Cardona Alvarez wearing a different face and looking for all
the memories in the past that might be the answer I’ve been looking for.
This is the beginning of
my search.
-----
“Nasaan na si Amirah?
Dala na dapat niya ‘yung dress na susuotin ni Aya!”
“Wait lang, tawagan ko
lang ulit,” natatarantang sagot ni Chenille kay Al habang nagtitipa sa kanyang
cellphone.
Nangingiti ako pero
sinamaan ako ng tingin ni Al. “‘Wag kang ngumiti dyan dahil seryoso ako. Pag
nawala ako sa mood gagawin kitang clown.”
Lalo akong nangiti pero
hindi na ako pinagalitang muli ni Al dahil nag focus na siya sa paglalagay ng
make up sa mukha ko.
May mangilan-ngilang mga
members ng WSMC na labas pasok sa dressing room namin ni Al, Chenille at Grace dahil
sa ilang mga props na inaayos per number sa stage. Ito na rin kasi ang
nagsilbing Backline kung nasaan nakalagak ang ibang mga instruments na maaaring
gamitin sa mga susunod na numbers ng Black Raven at Crimson.
Maging ang ilang mga
dresses at shirts ay dito nilagay dahil marami kaming mga lalaking members
dahil sa Crimson. Wala rin namang problema sa aming girls dahil kaunti lang
kami at sa mga nagdaang araw ng practice ay naging close na rin ang members ng
dalawang club.
“Uy Pres! Saan ka na?
Malapit na matapos ‘yong kanta nila Darren! Susunod na sila Jane at Grace!”
Nakita ko sa peripheral
vision ko si Chenille na ngayon ay nakapamaywang na at tutok sa sinasabi ni
Amirah sa phone na nasa tenga. Acoustic ang tinugtog nila Darren at Derrick
kaya naman hindi kinailangan sa particular piece na iyon ang keyboardist nila.
“Ano ang setlist natin
Grace?” tanong ko sa babaeng naka earphones sa harap ko habang nakatingin sa
salamin sa harap at tahimik na kumakanta.
“Hmm?”
Nginusuan ko si Al nang
pinaharap na rin niya ako sa salamin nang natapos siya sa mukha ko. Buhok ko
naman ang pupuntiryahin niya.
“Patingin ako,” sambit ko
ulit kay Grace sabay kalabit sa balikat niya.
Bagsak lang ang buhok
niyang straight habang nakasuot ng halter puffer dress. Kulay itim iyon na may
red roses print. That dress combined with Grace’s smokey deep set eyes exuded
an unexpected mysterious aura in her.
Well, ‘wag lang siyang
magsasalita ng normal. Natawa ako nang maalala kung gaano siya kaingay kapag
kausap kami.
Tinanggal ni Grace ang
isa sa earphones sa kanya at nilagay sa kaliwang tenga ko. Lumapit rin siya sa
akin at ipinakita ang kopya sa akin.
“May dalawa pa na
kakantahin si Darren so may oras pa si Amirah. Ito naman ang part natin. Look!
Pwedeng pwede kang bumirit dyan! Tapos mag ssecond voice na lang ako,” nguso
niya doon sa pyesa na hawak namin
“Hoy babae wag kang
malikot. Pag yang buhok mo sumabog bahala ka na sa buhay mo. At ‘yang dress mo
maawa ka pag ‘yan natastas—”
“Che! Tigilan mo ako
porket wala si Papa Alec dito e highblood ka na. Tawagan ko ba? Andyan lang
‘yan sa labas!”
Humagalpak pa sa tawa si
Grace pero natigil din ng asintahin siya ni Al ng hawak na hairblower. Natawa
ako dahil nag ingay nanaman ang dalawa.
“Guys! Jane! Magbihis ka
na!” sigaw ni Amirah kasabay ng malakas na hampas ng pintuan sa dingding dahil
sa impact na dulot ng pagkakabukas nito.
“Done! Dalian mo Aya!”
tulak naman sa akin ni Al paalis sa upuan ko.
Naramdaman ko ang pag
ikli ng normal kong mahabang buhok dahil sa pagkakakulot nito.
Ngayon na nakatayo na ako
ay naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko. God I am so nervous! First time
ko itong kakanta sa harap ng maraming tao na wala man lang mask! Isang
pagkakamali lang ay kilala na agad kung sino!
Gamit ang nanginginig na
kamay ay kinuha ko ang dress na inaabot sa akin ng nakangiti at excited na si
Amirah. Sana lang ay di niya mahalata ang kabang halos kainin na ako ng buhay.
Naging madali lang naman
ang pagsusuot ng dress na dala ni Amirah. It’s a royal blue sweetheart
sleeveless floral dress. Simple lang ang mismong dress but the intricate
designs on the cloth made it much more than the ordinary. Aniya ay pinasadya
niya ito sa kakilala sa isang club. I don’t understand the need pero dahil
batas ang salita ng aming president ay hindi na ako umalma.
I partnered it with
platform heels na pinahiram sa akin ni Al. Sa aming dalawa ay siya ang mahilig
sa mga nakamamatay na patusok na ito, ewan ko ba. I am not even sure if I’m
going to survive tonight with these weapons. Le sigh.
Pagkalabas ay nagulat ako
nang nakapalibot na sila Grace, Chenille, Al, at Amirah sa harap ng dressing
room na tila ba kanina pa ako hinihintay. I heard series of claps, contented
sighs, and words of encouragement na nagpabawas sa kabang nararamdaman ko.
“Ang ganda ganda mo Jane!
I mean maganda ka naman na talaga pero kapag naayusan para ka nang dyosa!”
sambit ni Chenille habang nakatutop ang kamay sa bibig na tila di makapaniwala
sa kung ano.
She’s already wearing her
elegant sheer lace vintage dress and her short black hair was clipped on the
side with a very expensive looking hair pin.
“Leche! Lalong
magkakandarapa ‘yong si Geff sa’yo girl! Aba baka hindi ka na iuwi no’n pag
nakita ka!” hagalpak nanaman si Grace sa tawa dahil sa sariling sinabi.
Binatukan naman siya ni Al.
“Tingin mo papayag kami
ni Nathan? Magtigil ka, ang landi mo.”
Tinuro siya ni Grace
gamit ang newly polished nail niya. Her words, not mine. “Ikaw kanina ka pa
bitter! Tatawagan ko na talaga si Papa Alec! Or Nathan na lang din tawag ko sa
kanya tutal close na kami,” sabay hagikgik niya ulit.
Matapos akong tingnan ni
Amirah mula ulo hanggang paa ay nakuntento na siya. Mabilis niya akong
dinaluhan para ikabit sa akin ang earpiece at ang belt pack mic receiver sa
aking likod.
“Jane! Grace! Diretso na
kayo doon at nang makahanda na kayo after nila Darren!” turo ni Amirah sa
madilim na bahagi ng stage sa gilid na natatakpan ng malaking curtain. “Aaliyah
maghanda ka na rin! Bakit di ka pa nakaayos? Ikaw ang sasama kela Derrick after
ni Chenille sa dalawang kanta.”
Naging abala na ulit ang
lahat matapos iyon. Kasunod lamang ako ni Grace sa paglalakad habang nagkkwento
siya ng mga nangyari sa kanya kahapon. Medyo hindi na iyon naiintindihan ng
utak ko dahil mas nagffocus ako sa pagpapakalma ng puso ko.
Please don’t mess this up Jane!
Dalawang bisig ang
pumulupot sa bewang ko at tahimik akong hinila sa madilim na parte ng
backstage. Sa pinagsamang gulat at kaba ay natulala na lamang ako.
Napasandal ako sa isang
pader at napahawak sa balikat ng nanghila sa akin para makabalanse.
Kahit na hindi ko makita
ang mukha niya dahil sa sobrang dilim ay hindi ko mapigilang mapangiti.
Sinandal ko ang ulo ko sa kaliwang balikat niya. He caught my left hand and
squeezed it tight.
I recognized his perfume.
“Nervous?” he asked then he
chuckled nang walang lakas akong napatango.
I can feel his warm breath
on my left ear and a part of my neck kaya alam kong nakayuko din siya sa akin.
“Don’t be. I know you’ll
do great there. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa
rin alam iyon.” Mahina siyang humalakhak.
Ngumuso ko. “Easy for you
to say. Ang galing galing mo naman kasing sumayaw.”
“Hmm…” he chuckled again.
Ang saya yata niya
ngayon?
Pinagsalikop niya ang
kamay naming magkahawak. “Ang lamig ng kamay mo. Don’t be nervous please?”
“You being here is
already making me nervous,” salida ko.
“Don’t worry, ibabalik
naman kita sa kanila. And how on earth am I making you nervous?” May tono iyon
ng gulat.
I sighed. Boys. Walang
alam talaga pagdating sa mga kilos nila pagdating sa mga babae at sa epekto
nito sa amin. I remember this same talk with Amirah dahil sa kilos sa kanya ni
Michael.
“Wala. Wag mo na alamin.”
Binitiwan niya ang kamay
ko at binalik iyon sa aking bewang para mas higpitan ang yakap sa akin. Ilang
segundo siyang natahimik.
I hugged him in return. I
missed him. For some reason I missed him kahit noong isang araw lang ay nakita
ko naman siya. He always texts me, kung minsan ay tumatawag pa. But I always
miss him. I know marami akong tanong sa kanya at kadalasan ay napapangunahan
ako ng takot but I know, at some point, I have to ask him those questions.
And answer his questions
in turn. I know tulad ko ay marami rin siyang tanong para sa akin. Our
relationship is still fragile at sa mga nagdaang araw ay iyon ang pinagtuunan
namin ng pansin.
He even has no idea about
my real identity. God how I badly want to tell him. Kung gano’n lang sana
kadali. But there are so many things that must not be taken lightly. Like the
fact that his father might be the reason for my family’s demise.
I pulled him closer.
Nagulat na lamang ako
nang naramdaman ko na ang hininga niya na unti unting bumababa mula sa balikat
ko hanggang sa dibdib ko. Ngunit mabilis lamang iyon at tumayo na agad siya ng
tuwid. Nanigas ako sa pwesto ko.
“Good luck,” he whispered
on my ear sabay halik sa aking noo. Unti unti niya akong binitawan.
Napansin niya ang
pagiging tahimik ko and he seemed to know the reason. Medyo nakapag adjust na
ang mata ko ngunit tanging silhouette lamang niya ang naaaninag ko.
Bumalik siya ng yakap sa
akin.
“I’m sorry. I’m just… not
comfortable with… your… dress.”
“Ano?”
“Too much skin,” bulong
pa niyang di ko naintindihan.
“Ano ulit ‘yon?”
“Iiwan ko ang jacket ko
kay Michael. Wear it after your song.”
Hinalikan niya ulit ako
sa noo bago ako marahang hinila papunta sa pwesto ni Grace. Pagkalingon ko ay
kinain na siyang muli ng dilim. Bumalik na yata sa dressing room nila.
Nang aakusang mata ang
pinukol sa akin ni Grace pero may mapaglaro pa ring ngiti sa mukha. Hindi naman
na niya isinatinig ang iniisip.
“We love you Darren
Ramirez!”
“Ang gwapo mo Derrick
Salcedo!”
Masigabong palakpakan at
tilian ng mga fans ng dalawa ang umalingawngaw sa buong concert hall matapos ng
huling kanta. Nang nakarating sila sa pwesto namin ay sobrang pawisan sila
ngunit matatamis ang ngiti.
Nagfist bump kami ni
Derrick. “After this, tuturuan mo ako ng left hand bass.”
Natawa ako at tinanguan
siya.
Para akong nililipad nang
naglakad na kami ni Grace papunta sa stage. Nakababa pa ang curtains kaya naman
may panahon pa kami para mag ayos.
Umupo ako sa tapat ng
piano di kalayuan sa kanan ng drums. Sa harap ko naman ay ang mic stand kung
saan tatayo si Grace dala ang kanyang guitar.
Hindi rin naman nagtagal
at dumating na ang makisig na si Michael. Una ko talagang napansin ay ang
kanyang signatured curly hair. Kinindatan niya ako bago umupo sa harap ng
kanyang drum set.
Nag mic test kami at
sinubukan tugtugin ang mga instruments na hawak. Pinasadahan ko ng kamay ang
white keys at napangiti sa sarili. This was where we started.
Inside my peaceful room, with my heavy heart… and my
broken song. He was there watching all of it.
Huminga ako ng malalim at
pinakalma ang sarili.
Biglang tumahimik ang
buong hall at napansin ko ang pagdidilim ng paligid. Hanggang sa unti-unti nang
umangat ang kurtina hudyat ng pagsisimula ng part namin.
When I heard Amirah’s
sign ay sinimulan ko ang pagpindot sa aking piano.
The intro took seconds
bago ko binalingan si Grace para sa kanyang pagkanta.
‘How
can someone stand so damn close
And
feel like they're worlds away?
I
can see your sad story eyes
So how do you have no words to say?’
She held the mic with her
hands and looked at the listeners while singing. Hindi talaga ako nagkamali sa
pagpili ng kantang ito. It suited her small but powerful voice.
Habang tumutugtog ay dahan-dahang
dumaan sa utak ko ang ilan sa ng mga masasayang alaala kasama ang pamilya. My real family. Seems like it happens every
time I do something familiar. Maybe because I am happy and I feel safe? The
light memories are sometimes easy to remember.
How I wish I remember
those memories of the past with him…
‘You're
an ocean beautiful and blue
I wanna swim in you.’
Bumilis muli ang tibok
nang puso ko nang alam kong ako na ang susunod. But I embraced the calm that I
felt when playing the piano. This is my home. I shouldn’t be afraid.
Tumingin ako sa mga taong
nakikinig sa amin habang tumutugtog. Then I let my voice fill the place.
‘Like
a lighthouse I've been shinin' bright
Through
the dark for the both of us
And
"I've done it outta love" is not enough
But
God, how I wish it was
And
I don't wanna find out
How
much lonely I can take before you lose me
Baby,
look at me and swear you won't lose me.’
I smiled when Michael
seconded my voice right at the end of my line. But my smile faded when I saw a
familiar face staring at me from the crowd. Naluha ako but I continued singing
the lines together with Grace.
I am happy that he’s
here. Ang buong akala ko ay ang papanuorin lamang niya ay ang theatre
presentation ng Photography and Drama club dahil naroon ang aking kakambal.
They knew each other’s existence so it wouldn’t surprise me if sila ang
magkasama ngayon.
My Kuya
Seraph Yllana is here and the look in his eyes…
I didn’t dwell on it much
dahil alam kong maiiyak lamang ako. I longed for him for years. That’s all I
know. I know he has his reasons. It would be impossible kung hindi niya ako
kilala. He should know.
Nagpatuloy kami sa
pagkanta. Kasunod nito ay isang original piece na si Derrick mismo ang nag compose.
He said kaming dalawa ni Grace ang gusto niyang kumanta nito. The crowd cheered
so much after that I hoped Derrick heard it at the backstage.
Nang malaglag ang
malaking kurtina ay mabilis na binato sa akin ni Michael ang isang black
leather jacket. Sa amoy pa lang nito ay alam ko na kaagad kung kanino. Isang nanunuyang
ngiti lang ang pinukol sa akin ni Michael.
Sunod sunod na mga instructions
ang binato sa amin ni Amirah pagkatapos nito. I didn’t even have the chance to
see the dance presentation of Crimson sa malaking screen na nasa labas ng
dressing room dahil pinatanggal agad sa amin ang dress na suot at pinalitan ng
isang short shorts at off-shoulder crop top kaya medyo naging conscious ako sa
aking katawan. Isang black knee length boots naman ang partner nito na may
matutulis din na heels, courtesy of my bestfriend Al.
Pinagmasdan ko ang sarili
sa full body mirror sa loob ng dressing room at kumunot ang noo nang nakita ang
aking pusod. I couldn’t do anything about it.
Isang balikat ko ang kita
dahil sa off shoulder na suot kaya naman nilagay ko ang majority ng nakalugay
kong buhok sa parteng iyon. Although I don’t think it would do much dahil kapag
nasa stage na ay sigurado akong mahahawi rin ito.
This is a surprise presentation
from Black Raven. As new members ay naatasan kaming maghanda ng dance number sa
katapusan ng concert na ito. It includes me, Al, Grace, and Darren. Since
kaunti lamang kami ay pumili si Amirah ng ilang members ng WSMC na magagaling
din sumayaw kahit na ang main talent focus ay pagkanta o pagtugtog ng musical
instrument.
Walo kaming lahat na magkakapartner.
The number include Hip-Hop, Jazz, Contemporary, Salsa, Ballroom, and a touch of
Ballet.
Matapos naming mag review
ng aming blockings at iba pang last minute reminders ay lumabas na kami sa
dressing room. Narinig namin kaagad ang malakas na tunog sa main stage kaya
dumiretso kami sa malaking screen.
“Jane tingnan mo dali!
Ang galing ni Geff at ni Achel!”
Hinila kaagad ako ni
Grace at tinuro sa screen ang nabanggit. Napatitig ako at sumang ayon. They
were dancing a combination of Hip-Hop and Tango at may part doon na kinarga ni
Geff si Achel gamit ang isang bisig habang si Achel ay nakasukbit ang mga kamay
sa balikat niya bilang suporta, ang kaliwang binti ay nakatupi’t nakasandal sa
kanang hita ni Geff habang ang kanan naman ay nakaitaas, her toes pointing above
at almost eighty degrees.
They twirl once with that
position before they separated for another dance move. Huminto ako sa paghinga
dahil sa nakita lalo na nang nafocus sa screen ang magkalapit nilang mga mukha
habang seryosong nakatitig sa isa’t isa.
“My God parang ayaw ko na
sumayaw Jane! Walang wala dyan ang gagawin natin mamaya!” pagmamaktol pa niya.
Umiling ako at nagfocus
kay Grace. “Ienjoy na lang natin ang sayaw mamaya. Pinaghirapan ni Amirah ang
choreography at pagtuturo sa atin. Bawal tayong pumalpak kundi lagot tayo.” At
tinaasan ko siya ng kilay.
Tinuro niya ulit ako
gamit ang daliring may magandang shade ng nailpolish… or pintura. Natawa ako sa
naiisip.
“Ikaw porket ang bilis
mong makapick up ng steps ganyan ka a! Naku patay ka kay Papa Geff pag nakitang
nakahawak sa iyo si Darren.”
“It’s not that intimate
compared sa choreo ng Crimson. Just look at them,” I said as I pointed my lips
to the screen.
Lumapit din si Al sa
amin. “They all dance professionally kaya kung gaano man sila kalapit sa isa’t
isa ay wala iyong ibang kahulugan. They’re just dancing Aya.”
Namula akong bigla dahil
naintindihan ko kaagad ang nais sabihin niya sa mga salita.
“I know that Al. Siguro…
hindi lang talaga ako sanay.”
Kinurot ni Al ang pisngi
ko. “I understand. You are a dancer yourself at may mga nakapartner ka na noon
na mas intimate pa ang choreography
kaysa dyan pero wala ka namang problema. But yeah, I got your point.”
“Hey, what? What? Ano ‘yang
pinag uusapan niyo?” salida ni Grace.
Binalingan siya ni Al. “She
had a partner way back who almost touched her underboob and who definitely touched
her stomach area and her bare legs as well pero wala lang sa kanya. Gano’n
ka-professional si Aya dahil hindi talaga maiiwasan ang gano’n lalo na pag
dinemand ng choreo.”
I rolled my eyes nang
kwinento ni Al kay Grace ang karanasan ko noon sa pagsayaw. It wasn’t even that
remarkable considering na ilang buwan lang iyon. I got myself a dance
instructor for that ngunit tinigil ko rin dahil mas nagfocus ako sa music.
“Hey, you know right now
I am freaking nervous,” bulong sa akin ni Grace nang nasa likod na muli kami ng
nakasarang malaking kurtina. May mga instructions pa si Amirah sa aming mic
kaya nahati ang atensyon ko dahil kay Grace.
I smiled at her. “Told
you. Just enjoy it tulad nung ginagawa mo noong nagpractice tayo. You don’t
have to be great at it, you just have to enjoy yourself.” Kinindatan ko siya. “At
isa pa okay ka naman na dancer Grace e! Kaya tumigil ka dyan.”
I don’t even understand
Grace’s concern. Parang wala nga siyang buto kung sumayaw but she can do those locking
and popping with ease as well.
Ako ang kinakabahan dahil
sobrang tagal na noong huli kong sayaw. I just hoped Darren can support me
kapag dumating kami sa final dance.
Naka isang hilera kami sa
stage horizontally kaya naman kita agad kaming walo pag angat ng malaking
kurtina. It was followed by cheers and claps from the crowd ngunit huminto rin
ng nagsimula ang tugtog. It was a series of drumbeats na nakatulong para hindi
ko marinig ang sariling dagundong ng puso.
I have a black cap on at
nakayuko kaming lahat sa simula. Hanggang sa isa isa kaming sumayaw ng
freestyle. I was the sixth dancer starting from the right kasunod ni Grace.
When it was my turn to dance I did a Gallop and Pirouette. I looked ahead while
doing this at tulad noon ay nawala kaagad ang kaba sa akin. It’s because I am
doing something I love.
Matapos iyon ay naging
sabay sabay na kami sa pagsayaw. Sunod sunod na steps kung saan kailangan ay
synchronize kaming lahat. It was too difficult to perform lalo na kung hindi
naman talaga kami professional dancers but the way the audience are cheering ay
tingin ko’y successful naman kami. I’m sure Amirah is sporting a very big proud
grin now.
We did two more
transitions after that at so far ay wala pa kaming pagkakamali. We made a big
circle at pumunta sa gitna ang dalawang male member ng WSMC na marunong ng
Breakdancing. They both did Windmill and Flare na nagpakabang muli sa akin. I
saw how they have done it during practice pero lagi pa rin akong kinakabahan.
Nanlaki ang mata ko nang
pumunta rin si Al sa gitna at nag Freestyle dance doon!
Matapos iyon ay sumunod
na ang partner dance. I was lucky enough to have Darren as my partner dahil mas
kumportable ako sa kanya. Mabilis kong tinanggal ang cap na suot at hinagis sa
gilid.
“‘Wag mo akong bibitawan
kundi lagot ka kay Kuya Nathan,” bulong ko sa kanya nang hinawakan na niya ang
bewang ko at nagkalapit kami.
He smirked. “Wouldn’t
even try. Sa boyfriend mo pa lang patay na ako hindi pa tayo nagsisimula.”
He’s not yet my boyfriend. Gusto ko sabihin ngunit nagsimula na kaming sumayaw.
Hindi gano’n katagal iyon
dahil maraming beses kaming umiikot pahiwalay para sa ibang dance moves at ikot
pabalik sa kapartner kaya doon lamang kami nagkakalapit. But then nabigyan kami
ng special part dito ni Amirah. There will be a slow dance at the last set.
Kami ni Darren sa gitna habang ang iba naman ay nasa likod namin, nagsilbing
dancers sa background. This will only take a minute or two ngunit ngayon ay
feeling ko’y parang sobrang tagal.
The place was enveloped
with a sentimental ballad from the speakers. Pinapakinggan pa lang ito ay
nadadala na ako. As a rule ay tinitigan ko si Darren sa kanyang mga mata at
nagsimulang sumayaw. Unlike the earlier dance steps, mas gamay ko ito dahil sa
classical ballet na inaral ko noon. You just have to move slowly and with
grace.
Natuwa ako dahil firm ang
pagkakahawak sa akin ni Darren at hindi na siya naiilang di tulad noong
practice na lagi pa siyang nagpapaalam if ayos lang ba akong hawakan sa bandang
tyan o kaya sa aking bewang. Right now he’s determined to do this right.
As our last move, I
closed my eyes as he bent me backwards from his left slowly going to his right
habang ang kaliwa kong binti ay nakatupi at nakaikot sa kanyang likod.
Nakasuporta sa aking likod ang kanyang kaliwang kamay habang magkasalikop ang
kabila naming kamay.
One loud and final sound
then Darren pulled me upright kasabay ng final beat. Nagdikit ang aming ilong
kaya naman medyo umatras ako ng kaunti.
Hinayaan naman niya ako
at nang naghiyawan na ang audience ay saka niya ako dahan-dahang binitawan.
Naghawak kamay kaming lahat at nag bow sabay sabay.
Bumaba ang kurtina at
dumiretso kami sa backstage.
“Oh my God! Oh my God!”
sigaw ni Amirah habang sinasalubong kami.
“Ang gagaling ninyo!
Hindi ako makapaniwala! At ikaw Jane ibang klase ang awra mo pag nasa stage na!
I cannot believe my eyes!” naghihisterikal na si Amirah dahil sa tuwa.
Pinuntahan din niya ang
dalawang member na gumawa ng delikadong moves kanina at kinantyawan din.
Nahihiya ang dalawang napakamot sa ulo.
“Still old Aya, walang
kupas,” sabi ni Al sa tabi ko at sinuot sa akin ang black cap ko. Kinuha pala
niya kanina nang nalimutan ko pagbalik dito.
Nilingon ko si Grace nang
naalala ang sinabi sa akin kanina. “Kamusta?” tanong ko sabay ngisi.
“Eto, tulala pa. Mamaya
ako magrereact kapag nakahinga na ako.”
Nagkatinginan kami ni Al
at nagtawanan.
“Hep! Don’t forget!”
Tumakbo si Michael sa
pwesto namin at sinuot sa akin ang black leather jacket na kanina rin ay
binigay niya sa akin.
“Damn girl lahat yata
kaya mong gawin. Pero sa amin ka lang a? May balak na kasi ang Crimson na
irecruit ka. Para daw lagi nang good mood si Geff,” iling iling niyang
sinasabi.
“Huh?”
Tinawag na kami ni Amirah
para makapagpahinga at makapag ayos. Bumalik lamang kami sa stage para
magpakilala isa isa at magpasalamat para sa lahat ng mga dumalo. At last ay
nakita ko na rin sila Mom at Dad maging si Kuya Nathan sa bandang harap.
Hinanap ng mata ko si Kuya Seraph ngunit ni anino niya ay hindi ko na nakita.
“Congrats Princess! You
did great!”
Niyakap ako ni Kuya Nathan
at hinalikan sa pisngi.
“I am so proud of you Jane!
Hindi ko namalayan at ganito ka na kagaling at kamature!” naiiyak na sambit ni
Mom sabay agaw sa akin kay Kuya.
Sinilip ko si Dad galing
sa pagkakayuko kay Mom at nakitang tahimik lamang siyang nakangiti at nakamasid
sa akin. Bumuka ang bibig niya na tila may sasabihin ngunit tinikom din.
Kumunot ang noo ko.
“Hi Dad,” tawag ko kay
Dad nang pinakawalan na ako ni Mom sa mahigpit niyang yakap. Tinagilid ko ang
ulo ko at nagpacute.
Daddy sighed heavily as
if charmed by my move at saka ako niyakap. “I am proud of you Princess. Sa
kabila ng lahat ng nangyari, I can still see that sweet smile. I won’t forget.”
Ngumiti ako at niyakap si
Dad ng mahigpit.
“May sasabihin po ba kayo
sa akin?” tanong ko ngunit pabulong lamang para hindi marinig ni Mom.
“Someone… wants to see
you. Ang sabi ko ay tatanungin muna kita.”
Napahinto ako at
humiwalay kay Dad. I looked at him in the eye.
“I want to see him.”
Nagulat si Dad sa sinabi
ko but he nodded solemnly. Nagtanong si Mom sa kanya kung ano ang pinag uusapan
namin but he only looked at her and nodded at her without saying anything. Kuya
Nathan was just behind me, staring at the silent exchanges.
Naglakad si Dad palabas ng
concert hall habang nakasunod kami sa kanya. Kinuha naman ni Kuya Nathan ang
dala kong sports bag nang napansin niya iyon sa balikat ko.
We all stopped walking though
when someone walked in our path not far from us. Nagulat siya dahil doon at
gano’n din kami. Ngunit napalitan agad iyon nang nagtama ang tingin namin.
Dad tapped my shoulder
lightly bago nagpatuloy sa paglalakad. Mom hugged me again and Kuya Nathan
patted my hair before walking just behind Daddy.
During those exchanges ay
hindi natanggal ang tingin ko sa kanya. My brother. My biological brother is here in front of me. I looked at his eyes
and saw it again.
There it is. Recognition.
Maglalakad na sana ako
palapit sa kanya ngunit may humapit sa aking bewang.
“What are you doing here?”
Nilingon ko kung sino
iyon at nakita si Geff na nakatingin sa kuya ko.
He asked the question
mildly and he’s looking at him calmly but there was something with his grip on
my waist. Tila pinipigilan akong lumapit sa kuya ko. Hinigpitan niya ang hawak
sa akin.
Bumalik ang tingin ko kay
Kuya at tulad kanina ay sa akin pa rin ang atensyon niya. Bumaba ang tingin
niya sa kamay ni Geff sa akin saka dahan-dahang tinalunton iyon sa aking
katabi.
“Nothing. Just visiting a
friend.”
What?
“Hmm… I saw Nathan passed
by with his parents. Maybe you should talk some other time. May family dinner
sila pagkatapos dito.”
“But—”
“I guess you’re right,”
putol ni Kuya Seraph sa akin. He smiled gently at me bago pumihit paalis.
Nilingon ko si Geff sa
tabi ko at saka ko lamang nakitang nag iba ang emosyon na nasa kanyang mukha.
He looked both wary,
scared, and relieved all at the same time. But there were also questions in his
eyes.
Bumaba ang tingin niya
saka ako binalingan. Those eyes… the questions in them seemed to reflect on
mine. At doon ko napagtantong napapalibutan kami ng mga katanungang hindi pa
rin nasasagot hanggang ngayon.
No comments:
Post a Comment