♪ Chapter 4
Present
Journal # 4 (July 18, 2005)
I woke up in a hospital two days later.
So many things happened the past months I didn’t even
have the chance to write them on my journal. We watched a lot of movies in the
mansion, baked a lot of goodies, went to a lot of places around Isabela
(although I hadn’t seen other people besides from our bodyguards), and had fun
with my twin and brother doing activities around the mansion’s garden.
Last week, we went to Manila and enjoyed our days
touring around Intramuros and Manila Bay. For some reason my family allowed me
to explore different places surrounded by other tourists as well however
Liberty had to be left behind at the mansion with Kuya Seraph and Tito Marquis.
We also walked around the big and famous Enchanted
Kingdom! The place was humongous I had a hard time memorizing it while walking
with dad and mom. The rides were pretty crazy too!
Mom also insisted for me to wear a sunny and a cap. I
acquiesced since mommy gave a color purple for me!
Daddy booked us a room in Sofitel. He said it was
owned by a friend in France so he was sure the best accommodations would be
provided for us.
The time we spent in Manila was one of the best
memories I had in my life! Although it would have been much happier if Liberty
and Kuya Seraph were with us during those days.
When I woke up in a white room full of hospital smell,
I asked Liberty, who was sleeping beside in a chair beside the bed, what happened.
Because all I remembered was us enjoying our days in Manila a week ago. She
told me I fainted and slept for two days. Our parents and kuya were all so
worried.
I asked her where were we. She told me with worry in
her eyes that we were in Isabela already. I was confused. Last time I checked,
we weren’t there. We were still enjoying the city lights and the cacophony of
noises from city people and cars. Also, I felt okay.
But her reply confused me a lot more that my own
questions.
“Miracle, the day you went to Manila with mom and dad…
it was two months ago.”
-----
“Kamusta ka na?”
Kasabay ng tanong
na iyon ay ang paghampas ng malumanay at malamig na simoy ng hangin sa paligid.
Kasabay nito ang banayad na pagsayaw ng mga dahon ng punong nakapaligid sa amin
kaya naman ang ilan sa mga iyon ay nahulog at dahan dahang bumagsak sa lupa.
Tumingala ako at
dinama ang payapa na bumabalot sa lugar.
“Ayos lang ako.”
Napangiti ako at nilingon si Geff na nakasandal sa stand ng swing habang nakahalukipkip
at seryosong nakatingin sa akin. “I mean it this time.”
Nagpalipat-lipat
ang tingin niya sa mata ko at kahit nakangiti ako ay seryoso pa rin siya.
Hmm… mahal na yata
ang ngiti nito ngayon. Good thing I get a free pass every time I need my favorite
smile.
Nandito kami
ngayon sa playground sa Heaven Oprhanage at nagkita lamang nang di inaasahan. I
am here to visit my three loving sisters habang si Geff naman ay dinala dito
ang kapatid na si Carly para umattend sa activity nila this weekend.
Sister Suzy,
Sister Mary and Sister Malou were all still busy kaya naman tumambay na lamang
muna ako dito. Geff tagged along.
“But you still get
those nightmares every night.”
Nawala ang ngiti
ko at tumango.
“Yeah. But!” bawi
ko. “It gets… better.” I think.
“Better?” he said,
full of skepticism in his voice. Halatang di naniniwala sa akin.
Nagkibit ako ng
balikat, hindi na makatingin sa kanya ngayon.
“I help my father
with the investigations. Sinabi ko sa kanya ang tungkol doon sa lakaking
dumakip sa akin, ‘yong may malaking scar sa mukha. I told you about this last
time.”
Tumango siya at
seryoso pa rin ang mga mata habang nakikinig sa akin.
Yumuko ako at
tinitigan ang puti na sapatos. It’s my favorite sneakers with the pink rhino
logo.
“They cannot trace
the guy. Trinace din nila ang number na nagtext sa inyo ni Kuya Nathan but it
only led them to a burner phone inside a trash can near the building. No
fingerprints.”
Huminga ako ng
malalim. “Knowing that I have my family protecting and supporting me helps me
emotionally.”
I smiled again.
“The trauma will always stay, but coping gets better.”
Geff looks
thoughtful after hearing my words. Di rin nagtagal at naglakad siya papunta sa
kinauupuan kong mesa na gawa sa kahoy. My feet are dangling in front of me
dahil di abot ang lupa.
My mind suddenly
blanked and all I can hear is Geff’s footsteps. His footsteps. Naroon akong muli sa madilim na lugar, sa loob ng
mansyon. Fear gripped me like chains and breathing became difficult.
Mabilis akong
umiling at mariing ipinikit ang mata.
I inhaled and his
scent overpowered the fear I’m feeling.
I am safe.
Both of his hands
rested on either side of me at muli akong tiningnan gamit ang mapagmasid na mga
mata. Yumuko siya ng kaunti upang maglebel ang aming tingin.
Sinalubong ko ang
tingin niya at pilit na tinago ang kanina lamang na naramdaman. Ngunit di ko
napigilan ang kamay mula sa paghawak sa gilid ng suot niyang button down at ang
pagkuyom dito.
Bumaba ang tingin
niya roon ngunit ibinalik din sa akin.
“Kilala mo ba si
Seraph Yllana?”
Natigil ako sa
paghinga at natulala kay Geff ng ilang sandali. Kumurap ako at bumalik sa
sarili.
“Yes. Uhm… tingin
ko ay magkaibigan sila ni Kuya Nathan.”
Dahan dahan siyang
tumango. “Angel… Gywneth… is his sister. They reunited just recently.”
Lumunok ako at
kinakabahang nakinig sa kanya.
The shock in my
face would look natural not because I am good at pretending — I am not even
that good — but because this is a topic we barely talk about. Noong nasa
rooftop kami ay naikwento niya sa akin si Angel… but not about the details of
the family issue. At ngayon ay binanggit niya ang pangalan ni kuya.
Pilit ko pa ring
kinalma ang paghinga.
“I know of him. At
tumutulong din ako sa imbestigasyon na ginagawa nila kasama si Nathan. How you
got involved with their problem is, still is, a mystery to us.”
It isn’t a mystery
to Kuya Nathan and Kuya Seraph. They know why I was involved but they are
keeping him in the dark. Do they know about his father?
Hindi ko rin alam
kailan nga ba nakilala ni Kuya Nathan si Kuya Seraph. I just discovered they
know each other after Geff told Kuya Seraph to talk to Kuya Nathan some other
time after the concert.
They can keep
their secrets. I can keep mine. I know their reason is to protect me. So what I
have to do is to know the reason behind the whys.
He looks at me
like he’s waiting for a response but I cannot give him anything as of the
moment. Kaya naman nagpatuloy siya.
“If you know
something, anything, that can help, you can tell me. You know you can trust me,
right?”
I look at his eyes
and there I saw the answer to his question. He… has the same eyes as his
father. I remember now. Muli kong naramdaman ang takot habang nakatingin sa mga
mata niya ngunit alam ko… alam ko…
these are Geff’s eyes. I am looking at the eyes of the boy who has my heart.
Dinala ko ang
kamay sa kanyang batok at hinila siya sa akin. He let me pull him without
restrain as I embraced him tightly but his arms still remained at my side, unmoving.
Siniksik ko ang
mukha sa balikat niya at saka bumulong, ramdam ang tensyon sa katawan niya.
The guilt of
keeping this secret from him is killing me.
“I trust you. With
all my heart.”
But I can never
trust your father.
He suddenly
exhaled and returned my embrace. Mas mahigpit ang naging yakap niya kumpara sa
akin na halos napaangat ako sa kinauupuan. Inayos ko ang hawak sa kanyang batok
nang may nasalat akong chain. I slowly traced it with my finger.
Bago ko pa
maisatinig ang tanong ay biglang may tumunog na cellphone.
The ringtone is
unfamiliar to me so I assumed ay kay Geff iyon.
Maingat niya akong
binalik sa kaninang pwesto at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa.
He looked at it
swiftly at binalingan ako.
“I’ll take this.
Babalik din ako.”
Tumango ako at
pinagmasdan siyang maglakad palayo sa akin. It all seemed okay to me, the view
of his back walking away from me, until I heard him answer his phone with a
name.
“Angel…”
Bumagsak ang
tingin ko kasabay ng pagbagsak ng kung ano sa dibdib ko. No, really. It is fine
by me. Not that I am only trying to be okay with it tulad ng sabi ni Grace but
I am just fine by it. Wala dapat akong maramdaman na kahit anong negatibo.
Like I’ve said
earlier, I trust him. So I have to have faith in him that he’s loyal with his
feelings for me.
Upang maiwala iyon
sa isip ko ay inalala kong muli ang naging usapan naming dalawa.
So Kuya Seraph,
Kuya Nathan, and Geff knew that this is an Yllana family matter. Hindi ko alam
kung paano nilang nalaman iyon dahil maliban sa kung paano ako kinuha at kung
ano ang mga nakita ko habang nasa building na iyon ay wala na akong iba pang
nasabi kay kuya at daddy.
I never mentioned
to anyone, except Al, about the words that man with a scar told me.
I guess mabuti na
rin ang ganoon na alam nila na may kaugnayan ito sa nakaraan. It’ll avoid any
confrontations with them about my identity.
The key to all of
these are my memories kaya naman lahat ay ginagawa ko para maalala ang mga
iyon. I am studying the files I have about the Yllana company, the people related
to it, and the closed case about that incident years ago.
Hinihintay ko na
lang din ang pagdating ni Dr. Wilhelm dahil siya ang makakatulong sa akin lalo
na sa condition ko.
The reason why I
am here as well is to talk to the three sisters who took care of me in this
orphanage. Alam kong somehow ay may alam din sila tungkol sa akin tulad ng alam
ng mga Alvarez. If I got extra time with all of these things I am doing, I
might decide to finally talk to Kuya Seraph… or maybe go at Geff’s place to
meet his father.
But I have to
remember to tread carefully because the last time my memories overwhelmed me, I
got an episode at ayoko nang mag alala pang lalo sila mom at dad at si kuya sa
akin.
And also, I don’t
know who to trust anymore. Isang pagkakamali lamang ay maaaring magdulot ng
masama. I don’t even have any idea how bad that outcome would be but I won’t
take any chances.
“Ang cute niyo
dito sa picture na ito! Mukha pa kayong mga teenager dito,” I said habang halos
matawa-tawang tinuturo ang candid picture nila na nasa isang frame na nakalapag
sa cabinet na nasa gilid.
“You are so mean
Jay! Ibig mo bang sabihin mukha na kaming mga losyang ngayon?” si Sister Suzy
habang nakanguso at masamang nakatingin sa akin.
Tinusok naman ng
hintuturo ni Sister Mary ang pisngi niya. “‘Wag ka ngang isip bata. Mga
matatanda naman na talaga tayo.”
“Si Sister Malou
lang ang mukhang matanda! Marami kasing iniisip ‘yon dagdag pa mga pasaway na
teenagers na kasama nila Pako!”
Umiling-iling si
Sister Mary habang nagtitimpla ng juice. “Kunsabayag. Kahit ako ay hindi ko
kayang pagsabihan ‘yang grupo nila. Si Sister Malou lang talaga ang
nakakapagpatino sa kanila ng ilang araw.”
“Sino si Pako?”
tanong ko. Lumapit ako kay Sister Mary at kumuha ng isang basong juice.
“Naku leader ng
gang kuno dyan sa kanto. Ilang taon na ‘yang nandito sa orphanage pero laging
tumatakas at laging nasasangkot sa gulo dyan sa barangay.”
Binigyan ako ni
Sister Suzy ng isang plate na puno ng cookies. Nagningning ang mata ko at
mabilis iyong kinuha. Kinurot niya ang ilong ko at ngumisi.
“Pagpasensyahan mo
na si Sister Malou, Jay. Gusto ka rin talagang makita no’n pero ang dami lang
talaga niyang inaasikaso ngayon. Nagkakaproblema na rin kasi kami sa supply
dito ng pagkain at damit,” sabi ni Sister Suzy sa akin habang malungkot na
nakangiti.
Kumunot ang noo ko
at binalingan si Sister Mary dahil siya ang madalas kasama ni Sister Malou sa
pakikipag usap sa benefactors ng orphanage.
“Ano pong nangyari
sa lakad po ni Sister Malou dati sa Bataan?”
“Sinuportahan
naman ng kumpanyang iyon ang orphanage ng ilang buwan. Sila ang unang tumawag
sa linya natin at nagpasyang piliin tayo bilang tatanggap sa benepisyo ng
project nila. For a cause daw kasi ang tema no’n.”
“Pero ilang buwan
lang ang tinagal at matapos ‘yon at tumigil din sila. Ang sabi nila ay hindi na
raw nila kami matutulungan. They told us this: ‘We didn’t sign any contract and
that was only a charity cause. Hindi ibig sabihin na tinulungan kayo sa una ay
patuloy lang ang pagbibigay namin sa inyo ng ayuda.’” dagdag ni Sister Suzy.
Sister Mary
laughed dahil sa pag mimic ni Sister Suzy ng boses noong taong tinutukoy at sinabayan
pa ng pilantik ng mga kamay but I only looked serious as I contemplate about
the matter.
“I can talk to
Daddy to ask for help—”
“Ay naku Jay ‘wag!
Nako ayaw ni Sister Malou na humingi ng tulong sa mga Alvarez. Nahihiya ‘yon
dahil malaki na ang naitulong nila dati sa orphanage. Tama na raw iyon.”
Yes. I remember
that. Mom and dad were very thankful when their request for adoption was
approved. They told them that they will be forever thankful for taking such
good care of me. Their company supported the orphanage for years ngunit nang
dumami ang mga benefactor nito ay pinatigil sila ni Sister Malou.
Huminto sila daddy
ngunit alam kong binabantayan pa rin nila ang orphanage ngunit marahil sa mga
naging problema sa kumpanya at sa nangyari sa akin ay hindi na niya ito
nalaman.
“The Yllanas can
help you,” I finally said.
Natigil sa
pagnguya ng cookies si Sister Suzy habang halos masamid si Sister Mary galing
sa pag inom ng iced tea.
“Yllana?! Hala
paano mo sila nakilala?” windang na tanong ni Sister Suzy, nanlalaki ang mga
mata.
Si Sister Mary
naman ay tahimik lang na nakamasid sa akin.
“I remember some
things about myself. Some memories of the past that I couldn’t before.”
I smiled when I
noticed the frowns on their faces. Alam kong nababahala sila sa balitang ito.
“‘Wag po kayong
mag alala. Hindi ko po pinipilit ang sarili ko na makaalala. I’m doing it
slowly and with care. I hope you understand. I have to remember. I have to.”
“Nakausap mo na ba
iyong doktor na may hawak sa’yo noon?” Sister Mary finally said after long
minutes of silence.
Umiling ako, alam
kung sino ang tinutukoy. “I don’t know that doctor personally. Kaibigan lang po
iyon ni Daddy. I know someone though who can help.”
“And then? Ano ang
sabi niya?” Sister Suzy probed.
Sister Mary butted
in. “Pero alam na ba ito nila Jayah?”
Tumango ako. “Nasa
ibang bansa pa po ang doktor na tinutukoy ko ngunit pauwi na rin po siya dito
sa Pilipinas after two weeks.”
“Diosmiyo mag
iingat ka hija. Kung hindi mo kaya at kapag sumakit ang ulo mo ay ‘wag mong
pipilitin. Ayaw namin na mangyari ang pagkaospital mo noon.” Ani Sister Mary.
I remember that
one too. It was that moment when Al, Alex, and Darren left me. I didn’t talk to
anyone for days then weeks at iyon ang panahon na pinilit kong maalala ang
buhay ko bago ako napadpad sa orphanage. I got the worst headache and was
rushed in the hospital.
Tumango ako at pinakalma
si Sister Mary nang nagsimula siya sa pagbibigay ng iba pang mga paalala at
paminsan ay parang aatakihin kapag naikkwento niya ang mga nangyari sa akin
noon. Tulad ko ay parang nag alala na rin si Sister Suzy hindi sa akin kundi
kay Sister Mary.
I couldn’t imagine
Sister Malou’s reaction when she hears this. Baka balutin ng yelo ang office na
ito.
“Oo nga pala, ang
balita ko ay kaklase mo raw sa school si Gwyneth? Nandoon siya sa social hall
kasama ang mga bata. Bakit hindi ka pumunta doon at nang makita mo siya?”
Matapos kumain ay
mga masasayang bagay na ang napagkwentuhan namin. Kalmado na rin si Sister Mary
at bibo nanaman si Sister Suzy.
Matapos kong
maghintay ng halos isang oras kanina sa playground ay hindi pa rin nakabalik si
Geff galing sa tawag ni Neth sa phone. After sending a message after an
unanswered call, I decided na magpahinga na lamang sa kwarto ko dito ngunit
nakasalubong ko naman sila sister kaya dito na kami dumiretso sa office ni
Sister Malou para magkwentuhan.
Kanina ko pa
maya’t mayang tinitingnan ang phone ko sa tawag o text galing kay Geff ngunit
nanatili iyong tahimik. Medyo nag alala na rin ako kaya naman mabilis nabaling
ang atensyon ko kay Sister Suzy nang sabihin niya iyon.
“Nandoon din ang
kuya noong cute na si Carly. Kay gwapong bata. Mukhang boyfriend din yata iyon
ni Gwyneth! Naku hindi nagkkwento sa akin ang batang ‘yon lumablayp na pala!”
“Ang bait nga rin
noon at mahaba ang pasensya. Magaling maghandle ng mga bata kahit iyong mga
paslit na makukulit.”
“Gusto mo bang
pumunta tayo doon ngayon?”
Natulala ako at
kinalabit pa ako ni Sister Suzy at tinanong ulit iyon. Umiling ako. Hindi
maganda ang nararamdaman.
“Uuwi na rin po
ako pagkatapos nito. May gagawin pa po kasi ako sa bahay.”
“Ay gano’n ba? O
siya sige sabihan ko na lang din si Sister Malou. Hayaan mo sasabihan ko na
kumalma kahit sandali sa trabaho iyon para naman magkausap kayo.” Si Sister
Mary.
Sister Suzy hugged
me tightly ngunit hindi naibsan nito ang kirot sa puso. I kissed them on their
cheeks bago ako umalis at tinawagan si Kuya Mark para sunduin ako sa gate.
Bakit hindi man
lang siya nag iwan ng text o di kaya ay tumawag para alam ko kung nasaan siya?
I waited there for almost an hour! Naiintindihan ko na hindi naman talaga
maiiwasan na magkasama silang dalawa. All I’m asking is that at least I know
where he’s off to para hindi ako naghintay doon para sa wala!
I was fuming mad
and hurt at the same time nang nakita ko ang itim na Hiace van at pumasok sa
loob.
I showered immediately
when I got home. Kumunot pa ang noo ni Kuya Nathan nang mabilis kong tinungo
ang aking kwarto pagkatapos niya akong yakapin bilang pagbati.
Ginugol ko ang
sumunod na mga oras sa pagbabasa ng mga dokumento tungkol sa YGC. I also opened
my laptop para magbasa ng kahit anong mayroon na detalye online. I was doing it
for hours hanggang sa kinatok ako ni Nana Celia at tinawag upang kumain ng
dinner kasama ang pamilya.
All those hours ay
hindi ko pinansin ang cellphone kong nasa bag.
“Latte and
uhm… a clubhouse sandwich.”
The next day ay
pumunta ako sa Chocolate Coffeeline para doon magpatuloy sa pagbabasa at
pagrresearch. Nang nakaupo ay binuksan ko ang laptop na dala upang gawin ang
binabalak.
Mamayang ten
o’clock pa darating si Phin kaya naman may dalawang oras pa ako para gawin ito.
Last night Kuya Nathan
pestered me and asked me about what happened in the orphanage. Mukhang
tinawagan na rin siya ni Geff dahil wala siyang naging bukambibig kundi ang
kausapin ko siya.
“He sounds
miserable Jay. Kung ano man ang nangyari I’m sure there’s an explanation.”
Pinitik niya ang ilong ko habang binibigyan ko siya ng matalim na titig,
clearly sending the word ‘traitor’
his way.
“Hear him out. You
know he’s a good guy,” dagdag pa niya bago nilisan ang kwarto kong for some
reason ay nabuksan niya kahit naka-lock.
Ilang oras kong
inisip ang nangyari and there were times that I thought I was being petty.
Nawala na ang galit ko ngunit mabigat pa rin ang loob ko. I waited there for an
hour pero malalaman ko na lang na magkasama sila ni Gwyneth? Not even a text or
a call? His cellphone was with him kaya wala akong maisip na ibang rason kung
bakit hindi niya ako nagawang itext man lang.
I know she’s a
dear friend. I know — or at least I have an idea — about the depth of their
relationship. They have that strong bond and connection I could never touch.
They should be together actually kung hindi lang ako dumating.
I was just an
impostor trying hard to fit in their bubble.
God I hate this
pity party!
Hindi sumama si Al
sa akin pauwi dito sa Isabela dahil doon pa siya tumutuloy sa kaibigan niya.
From what I remember sa naging sagot niya sa pang uusisa ko noon ay online
friend daw iyon.
Kuya is playing
dumb at me kapag siya naman ang tinatanong ko tungkol kay Al. I miss her at
wala akong makausap tungkol sa kung anong bagay. Kuya has his own business:
boys and balls. Ugh.
Si Grace ay nasa
Manila naman kaya wala talaga akong pwedeng ayain lumabas kundi si Phin lang.
Besides, she told me to call her kapag may free time ako. This is a good time.
“I’m so glad you
called! Nabbored ako sa bahay at si Ren naman ay naroon ulit sa court at
naglalaro kasama ang kuya mo.”
Naamoy ko kaagad
ang halimuyak ng pabango ni Phin pagpasok pa lang niya sa shop. Sinara ko ang
laptop at hinarap siya na kakaupo lang.
She’s wearing a floral
print bardot blouse and fitted jeans kaya kita talaga ang magandang hubog ng kanyang
katawan. Isang simpleng plaid red cami dress naman ang suot ko kapares ang
paborito kong sneakers. Man I can never pull that off, magmumukha akong batang
feeling mature.
“Thank you sa
pagpunta. Anong gusto mong kainin?”
“Ooh, I like
Frappe. Magnum Delight!”
She likes sweets
as well kaya naman hindi ako nagkamali sa napuntahan na shop. We talked about a
lot of simple things after that. Tungkol sa nagdaang activities, ang parating na
midterms, ang mga ginawa nila ng kakambal niya…
We are both
laughing nang uminom siya sa kanyang frappe at bumaling sa akin. Unti unting
nawala ang ngiti niya.
“I have something
to tell you. I know this is an old issue pero gusto ko pa ring humingi ng tawad
sa kung anong nangyari noon. You know, tungkol kay Alex.”
Umiling ako at
magsasalita na sana ngunit pinigilan niya ako.
“I don’t think I
apologized properly. The way I acted towards you. Nandoon din si Gwyneth,
remember?”
Tumango ako. I
remember that one. Iyon ang araw na nag usap kami ni Alex tungkol sa aming
dalawa. To clear a misunderstanding. At iyon din ang panahon na unang beses
kong nakita si Geff na galit. And what he did after that…
“I got mad at you
because I was insecure and hurt. Ikaw pala ang rason bakit hindi ako minahal ni
Alex noon. I get it now and I’m fine already. Pero may isa pang dahilan bakit
ako nagalit sa’yo noon.”
Inisip kong mabuti
ang nangyari noon. “Yes…” nag-aalangan kong sabi. “Parang nasabi mo noon na
hindi lang talaga si Alex ang dahilan bakit ka nagalit. Hindi mo nga yata
nabanggit iyon.”
Ngumiti siya.
Kuminang pa ang mga gems na nasa kanyang headband nang natamaan ito ng sinag ng
araw.
“I know from the
very beginning that Geff is attracted to you. Ilang beses siyang naging in
denial pero hindi rin naman niya kinaya ang nararamdaman. He asked me a few
times about the things a guy should do with the girl he loves.”
Tumaas ang kilay
ko doon. Ang weird lang kasi na nagtatanong siya ng gano’ng bagay kay Phin. I
just can’t… picture it. Geff bothered by something trivial as courting?
“I know his past.
I know he shared something about it with you as well. Kaya naman ang malaman noon
na gano’n ulit siya kaseryoso sa isang babae ay hindi naging ayos sa akin. I
cannot see him hurt again, Jane. He… when he loves, it is the deep kind. Iyong
nakakalunod. Even with his young heart.”
Something inside
me unraveled because of her words. Kinilabutan ako at sa hindi ko malaman na
dahilan ay kinabahan. That kind of love scares me?
“And the way I see
it,” pagpapatuloy pa ni Phin. “You give him the air he needs. You make him
breathe, Jane.”
Ang mga mata niya
ay tulad ng kay Al na mapagmasid but the difference is that si Al ay gano’n
dahil gusto niyang malaman kung ano ang mga hindi niya maintindihan.
Habang si Phin
naman ay kabaligtaran. It’s like she’s telling something through her words but
her eyes are telling you another story. Like she wants to convey something you
don’t know and is hoping you get the message.
“So having said
that,” sabi bigla ni Phin na siyang ikinagulat ko dahil sa pagtaas ng boses
niya. “Both of you should talk.”
Kumunot ang noo
ko. “Did he talk to you as well? Sinubukan din niya kasi akong makausap through
Kuya Nathan.”
She laughed.
Nilagay sa tainga ang takas na buhok saka humalumbaba sa harap ko. “Gosh he
tortured my cellphone! Tinadtad niya ako ng mga text at pinilit akong
makipagkita sa’yo. He’s like a lunatic at sinugod pa ako sa bahay kaninang
umaga nang tinulugan ko siya kagabi.”
Natulala ako sa
kanya habang nakangisi siyang nagkukwento sa akin.
“Pero hindi ko na
kinailangan na sundin siya sa pinapagawa niya dahil ikaw na mismo ang tumawag.”
“Ano ang
pinapagawa niya?”
She shrugged her
shoulders like it was nothing important. “Convince you that he’s innocent.” At
bumulanghit siya ng tawa.
“I was kidding
pero ewan ko ba doon. Ang sabi niya ay gusto ka raw niyang makausap pero hindi
mo raw sinasagot ang tawag o text niya kaya alam niyang he’s doomed.”
“I was mad
yesterday kaya ayaw ko siyang makausap. Ayokong puno ako ng galit kapag
nagkaharap kami. It would be a disaster.”
“I know that
feeling. Hindi ko alam kung anong nangyari kahapon but I have an idea about the
cause. Let me tell you this. Gwyneth? Angel? Their childhood memories are
nothing compared to the memories you have together now and the memories you
will be having in the future. And right now? You are the most important person
to him.”
Astonished, I
looked at her. “Kilala mo si Angel?”
Naging seryoso ang
mukha ni Phin pagkatanong ko nito. She nodded slowly.
“Yes. I told you I
know Geff and his past. I keep some of his secrets and even things that he
doesn’t know yet. So trust me when I tell you that he’s sincere with his
feelings for you.”
Yumuko ako. I know
that. I feel it every time we are together. I also thought about this last
night. He could have a valid reason bakit hindi niya ako nagawang sabihan kung
nasaan siya. There could be a lot ngunit ang isip ko ay natuon lamang sa isang
dahilan: that he is disregarding me.
Which is ridiculous.
Marami na kaming naging pag uusap tungkol dito. Him seeing the Angel of his childhood in me but
eventually seeing me as the Jane who
is in front of him.
Time is precious
to me. Dahil sa mga nagdaang araw ay halos hindi ko maipagkasya doon ang
panahon para alamin ang nakaraan ko, para ipagpatuloy ang bago kong buhay, at
ang paglalaan ng panahon sa pakiramdam na ito.
The pressure, the
guilt, they are taking a lot in my life. At ang isang oras na iyon para sana ay
makausap si Geff ay nawala lamang dahil sa paglalaan niya ng oras kay Gwyneth.
That was what my anger was all about but I know it wasn’t enough to shut him
out like this.
It was childish.
But I guess we do
childish things when we are angry and hurt.
“I am going to
talk to him. Nagpalipas lang ako ng galit ko.”
She smiled,
relieved now. “That’s good! Sasabihin ko sa kanya para patahimikin na niya
ako!”
Napangiti rin ako.
Knowing that he really does everything so we can talk properly kind of made me
relieved too.
I guess between
the two of us, he’s the more mature.
Habang nakatingin
kay Phin na masayang nagtitipa ng mensahe para siguro kay Geff ay napaisip ako.
Magkababata sila ni Geff so… kilala rin kaya niya ang dating ako? She knows
about Angel. But does that mean Gwyneth? Or… me?
But I have a more
pressing question.
“Phin…” tawag ko
sa kanya.
“Yes?” she asked,
not looking away from the phone.
“Kilala mo ba ang
pamilya ni Geff?”
Napaangat ang
tingin niya sa akin saka kumunot ang noo.
“You mean his
relatives?”
“No. I mean… like
si Carly? Uhm… his parents?”
“Of course! Kung
hindi sa bahay namin ay doon kami tumatambay sa bahay nila at madalas din
kaming makasabay ni Ren sa family dinner nila. Bakit mo naitanong? Can’t wait
to meet the parents?” she teased.
I giggled for
effect. “No. Gusto ko lang malaman. What are they like?”
She looked
thoughtful after that question.
“Tita Andrea is
sweet. Kahit na busy sa trabaho ay ginagawa naman niya ang lahat para
makapaglaan ng oras sa mga anak. Tito George though is very busy. Bilang lang
ang mga panahon na nakita ko siya sa bahay nila. Madalas din ay nasa labas ng
bansa.”
She sighed. “Geff
is practically the only one who keeps the family from falling apart,” halos
pabulong na niyang sinabi ang huling salita.
I didn’t know
that. I had no idea.
“His father. Is
he… a good man?”
Phin looked
troubled by my question but I saw in her eyes when she decided she wanted to
tell me.
“Hindi ko kilala
si Tito George personally but the few times I saw him, I don’t know. He was
kinda… scary. Strict. He had this air in him na hinding-hindi mo gugustuhin na
makita o maramdaman ng matagal. Tita Andrea has a soft heart and she’s
emotional kaya hindi ko alam paano niya kinakaya na gano’n ang kanyang asawa sa
ilang beses na naroon siya sa bahay nila at ilang buwan na wala roon.”
Kinilabutan ako sa
mga narinig. Mariin kong ipinikit ang mga mata at yumuko.
Ngayon ko lang
napagtanto gaano ako naging childish sa mga inakto ko kahapon. I was so
immersed in my own world na hindi ko man lang tinanong si Geff sa nararamdaman
niya. Kung mayroon ba siyang ibang problema na personal. Problems that he’s
keeping and carrying with him all this time.
“Jane. A word of
advice?”
Tumingala ako at
tinitigan si Phin. It looked like… she wanted me to listen very carefully at
her next words and… never forget them.
Napalunok ako sa
intensidad ng tingin niya and a feeling of yet another de ja vu hit me like a
bullet train.
“If you can help
it, don’t make any plans to meet that man.”
No comments:
Post a Comment