Date posted: May 21, 2020



JSL TAGUIG CHAPTER MEET-UP
(JUNE 11, 2016)


         Graduating student ako this time. Busy sa internship sa isang company na nasa BGC, Taguig. Hindi ko kabisado pasikot-sikot sa BGC, actually para siyang Makati na maraming pasikot-sikot at kailangan talaga ng map para makarating sa patutunguhan, haha. Then I’ve learned about the planned meet-up of JSL Taguig Chapter (not sure if sa JSL group ko nakita or sa group mismo ng JSL Taguig Chap, di ko maalala) at nalaman ko na sa Market Market magaganap so I grabbed the opportunity and decided to come.

          Since excited ako, sobrang aga kong dumating sa venue at ayun, ako pinakauna na nakarating doon. ‘Yung iba, on the way pa lang. Second na dumating ay isang JSL na isa sa mga nagllead ng group and up until now, friends pa rin kami at nagkikita paminsan sa MIBF. Kapag kailangan ko ng tulong sa pagpunta sa mga places sa BGC, siya rin ang takbuhan ko since sa Taguig siya talaga nakatira.

          Anyway, hindi na ako masyadong kinabahan dahil di na ito ang first time ko sa meet-up. Mayroon din kaming JSL Taguig Chapter shirt kaya nakakatuwa (nag-order ako before the meet-up para masuot sa araw na ‘yon).






          Sobrang saya kasi pare-parehas kaming maiingay. ‘Yung mga tahimik ayun eventually ay nakipag-usap na rin sa iba. Pero may isa talaga sa amin na sobrang kulit. Siya nagpapatawa sa aming lahat.


          For the first time, that day nabigyan din ako ng isang JSL merch (*o*) Ibinigay sa akin since ako ang early bird sa group, huhu. Hanggang ngayon nakatago sa baul ko, haha






         What made this day extra special was that ‘yung admin ng chapter ay tumawag kay Queen sa phone. T_T Nakakaloka kasi first time ko no’n makausap si Queen (altho may problem sa signal that time so I had no idea if narinig ni Queen message ko sa kanya or not) but regardless! Sobrang saya that day.

          I would say though, considering the first two events/meet-up I’ve attended, ito ang masasabi kong pinaka intimate. For one, kaunti lang ang mga members at mas maraming time para makilala ang isa’t isa. And actually up until now, kilala ko pa majority ng mga members. We communicate online kahit di madalas magkita-kita. Second, iba ‘yung saya ko when I was with this group. Sobrang light and active (siguro nadala rin nung isang JSL na sobrang kalog, haha). One thing I can say is that I love this group.




No comments: