Date posted: June 1, 2020



CAGAYAN DE ORO & JONAXX TOUR
(AUGUST 11-14, 2017)


          Year 2016 and before that, hindi ko pa talaga naisip mag travel ng malayo (lalo na kung sa labas ng Luzon at lagpas 24 hrs! haha) At ‘yung mameet si Queen J at makausap ng more than 5 seconds ay wishful thinking lang talaga. I’ve never expected that an opportunity like this would come. As in pangarap lang siya na alam kong less than 1% ang probability na mangyari, lol. And to think na makakapaglibot ako around CDO kung saan ang hometown ng mga Montefalco? OMG. Never in my wildest dreams.

          I saw a post (not quite sure if sa JSL-MM Chapter or JSL Main group ko nakita) about this invite of a co-JSL to join their group na nag pplan pumunta sa Cagayan de Oro. I PM-ed (or she PM-ed me? Di ko na talaga maalala, haha) this friend na nag post ng invite para sa details. Itong friend na co-JSL din ay na-meet ko na sa meet-up noon sa Luneta Park kaya kilala ko na talaga siya beforehand. She said na plan nila i-try ang Jonaxx Tour (at the time ay available pa siya sa website ni Queen J) para ma-meet din si Queen although chance lang naman, walang assurance. Syempre I grabbed the opportunity. Tutal ay mayroon pang ilang buwan para makapag-ipon noon. We planned about it around late 2016 at ang planned tour ay around August or September, 2017.

          Around early 2017, naging fixed na ang plan and members na sasama. Eight kami lahat. Nag-avail kami ng isang tour package sa isang travel agency and at the same time ay pati ang Jonaxx Tour.



AUGUST 11, 2017

          First day! First time ko nakita lahat ng mga co-JSLs ko for this tour. Dalawa sa kanila ay madalas ko nakakausap, the rest ay doon ko lang talaga na-meet. One anxiety ko ay baka di kami magkapalagayan ng loob considering na ilang araw kaming magkakasama-sama. Hindi rin naman maiiwasan na may gano’ng scenario. Pero nakakagulat (and in a way parang hindi rin) na we all clicked. Lahat ay mga kalog kaya sobrang naging masaya kahit first time pa lang nagkakasama-sama (and nasa airport pa lang kami no’n pero ang dami ng tawa, haha).

          Lahat kami may baggage allowance na 15 kilos pero nung chinecheck na ‘yung timbang ng baggage namin, umabot ng around 25 kilos ‘yung akin (dinala ko kasi lahat ng books ni Queen, umaasa na ma-meet siya at makapagpapirma T_T) Mabuti na lang at ang isa naming kasama ay sobrang kaunti ng dala, like isang backpack lang talaga andun na lahat ng gamit niya, daebak, haha. Kaya hindi na niya kinailangan ‘yung 15 kilos baggage allowance at wala nang naging aberya sa bagelya ko, huhu.

          Pagkalapag sa Laguindingan Airport, may mga nakaalam na na nasa CDO kami (including Ate Andy na close friend pala ng isang kasamang JSL). Ang naging plan eventually ay magsset ng date and time para ma-meet si Ate Andy sa Lifestyle District. Susubukan daw tanungin si Queen if available siya (medyo windang ako that time sa info na ‘to, haha).






          Around 1:40pm kami nakalapag sa CDO. Habang naglalakad palabas ng airport ay para akong nasa cloud nine, huhu. Sobrang saya at naeexcite sa mga susunod na gagawin (*o*)





          Isang van ang sumundo sa amin para i-drop kami sa New Dawn Pensionne kung saan kami magsstay for the night. May isang beses pa na pinahinto ang sasakyan dahil sa checkpoint. Medyo kinabahan pa kami nito kasi sundalo ang nagpahinto sa amin. Nang nalaman na mga turista kami at kung saan galing, ngumiti naman sila at pinaalis na rin kami.





          Nang nakarating sa New Dawn ay pumasok na kami sa kanya-kanyang room para makapag ayos ng gamit. After no’n ay dumiretso na kami sa Centrio Mall para maglibot at kumain na rin. Man, that moment na tumapak kami sa lugar, nagpplay sa utak ko ‘yung “Tadhana” ng UDD. MONTEFALCO FEELS! This time lutang pa rin talaga ang feeling, haha.






          After eating, we have decided to return at the hotel to freshen up and rest. Naglakad lang kami pabalik at masasabi kong iyon ang best part ng first day namin. We all laughed like there was no tomorrow. Sobrang kalog kasi ng mama ko (na kasama rin sa tour at feeling JSL, lol) at sobrang tawang-tawa ang lahat. Ako naman ay normal na sa akin ‘yun, haha. Sa totoo lang ay napagod talaga kami pare-parehas. Naligo lang ako at nagbihis pagkarating sa hotel. Nag-usap usap kami after para sa mga plans for the next day then natulog na kami.



AUGUST 12, 2017

          We agreed to meet at the lobby around 3am para ayusin ang mga gamit sa sasakyan. Around 1-2 hrs ang naging byahe from New Dawn Pensionne to Balingoan Port. Habang nasa sasakyan ay medyo gising ako dahil sa takot: sobrang dilim pa kasi talaga at para kaming nasa gitna ng dalawang gubat sa T_T . Mabilis rin ang takbo ng van. Pero naibsan naman iyon eventually dahil tulad ng first day ay maingay ang grupo. Mga ilang minuto ay may panibago ulit na checkpoint. Nakatulog kami almost half of the travel at nang nakarating sa Balingoan Port ay madilim pa rin.

          Sumakay kami sa isang ferry para makarating sa Camigiun Island. Picture taking kami doon at nag usap tungkol sa mga plano pagdating sa place.





          Pasikat na ang araw nang umandar na ang ferry paalis sa port. The view of the sunrise with the gentle blue waves of the ocean was utterly breathtaking. First time ko iyong makita ng walang kahit anong sagabal: no other people and no buildings.





          Around one and a half hour ang byahe papuntang Benoni Port kung nasaan ang entrance sa Camigiun Island. Isang multicab ang sumundo sa amin para makapunta sa Barangay San Roque kung saan kami sasakay ng isang pump boat papunta sa Mantigue Island.









          Pagkarating namin sa Mantigue Island ay dumiretso kami kaagad sa unang kubo na nakita para ilapag ang mga gamit at diretso na sa malaking MANTIGUE na nakalagay sa tapat lang ng kubo para magpapicture. Masyado kaming excited sa lugar para maisip ang gutom kahit wala pa kaming matinong breakfast, haha.






          We took a quick dip in the ocean after that. Sobrang linaw ng tubig at masarap magpalutang lutang, haha. Nagpaluto lang din kami ng pagkain sa isa sa mga kubo na naroon para makakin na kami. After eating and resting a bit, we have decided to enter the forest with Kuya Nato’s (our tour guide sa Mantigue) guidance. Nakakatuwa rin dahil kalog si Kuya kaya tawang-tawa rin kami. Siya rin ang nagsilbi naming photographer, haha.







          After that mini tour and minutes of resting, we have decided na bumalik na sa Camiguin at puntahan ang iba pang nasa itinerary namin.

          Our next stop: Katibawasan Falls. The said falls was surrounded by greeneries kaya naman di alintana ang nakakapasong sikat ng araw. Malamig din ang tubig na sobrang nakaka refresh.






          Di rin kalayuan sa area ay may bilihan ng mga pasalubong kaya doon kami nagsibilihang lahat. After minutes of buying stuff, we went to Villa Paraiso Resort & Apartelle to leave some of our things there. Para rin hindi na kami mahirapan pa sa mga dalahin.

          Sakay pa rin ng multicab ay nagtuloy-tuloy ang byahe namin. There was this one instance na napansin ko ang mga yellow tape sa left side ng daanan at pagtingala ko ay naglalakihang mga bato ang naroon. They were glued to each other but I could not get this horrible feeling that somehow, bigla iyong babagsak. Ugh. Ang sabi sa amin ng driver namin ay galing daw iyon sa bulkan na at that moment ay matagal nang tulog.

          Not long after that, we reached our next destination: Walkway to the Old Volcano. We were told that we would see statues depicting the 14 Stations of the Cross along the way. At first, we were giddy while walking. Nagppicture din kami halos every minute dahil sa pagkamangha sa lugar. Tahimik at kami lang halos ang naroon. Then we saw the statue for the first station. We walked again looking for the second one and the next statues but it took us several minutes as each statue came to view. Doon namin narealize na mahaba-habang paglalakbay pa ang gagawin namin. Medyo scary lang kapag maliit ang daanan dahil walang barandilya sa gilid. There was also this passage na sobrang steep kaya tulungan na lang sa pag akyat.

          It was so very tiring and the rays of the sun was really hot so we perspired a lot. But the breathtaking view? It was priceless. Nawala lahat ng pagod namin nang nakita na sobrang taas na namin at kita ang langit, gubat, at dagat sa harap namin.





          Apat kami na sabay-sabay nakarating sa top. Nang nakarating na rin ang iba ay nanatili muna kami doon para magpahinga. After that we went down. Mas madali iyon kumpara sa pag akyat ngunit mas doble ang naging pag iingat dahil may chance na dumulas kami.





          After surviving that more or less one-hour hiking, next stop namin ay sa Sunken Cemetery. Nag decide kami na wag na tumawid para pumunta sa cross dahil baka gabihin na kami at di na mapuntahan pa ang ibang nasa tinerary namin. Naaliw pa kami sa mga pampasulubong sa walkway paalis ng lugar: may mga shells na nakapaint doon ang “camigiun”, keychains, bags, at marami pang iba.





          Next stop: Old Church Ruins. Ang nakakatuwa dito ay para siyang Luneta Park kaso nga lang mas ramdam ang mas pagiging sacred at isolated ng lugar. Naalala ko rin ang Intramuros habang tinatahak ang daan sa iba’t ibang sulok doon. Pagkatapos ng kaunting pagkuha ng pictures ay umalis na rin kami kaagad.





          Our next stop: Bura Soda Water Park. Sobrang nag enjoy kami dito dahil sa dami ng mga napuntahan naming lugar ay ramdam na namin ang init at pagod. Nagbabad muna kami sa swimming pool at tinikman ang sinasabi nilang “soda”. Kaso kahit anong pag inom ko ay di ko talaga malasahan ang nalalasahan ng mga kasama ko, haha. The experience here was very refreshing.






          Our last stop for this day: Ardent Hibok-Hibok Spring Resort. Montefalco feels ulit! Nakakalungkot nga lang dahil gabi na nang nakarating kami sa lugar. Kakaunti lang din ang ilaw nila kaya medyo maingat ang paglalakad namin. We weren’t able to take pictures dahil sa sobrang dilim. Lowbat na rin ang phone ko that time so it really couldn’t be helped. We enjoyed the warm water though.





          Pagbalik sa apartelle na tinuluyan namin ay medyo naistress pa kami dahil sira ang aircon na nasa kwarto namin. We called the reception pero walang sumasagot T_T. At nang pumunta ako sa mismong reception area nila ay walang tao. Mga ilang minuto pa kaming naghintay at nang dumating iyong tutulong yatang mag-ayos ng aircon at nang di yata nagawan ng paraan, ang sabi sa amin ay mag electric fan na lang daw kami. Sad. Pero in the end they have decided to transfer us to another room.

          After eating our dinner, nakatulog din naman kami agad dahil sa sobrang pagod. This day was very exhausting pero sobrang saya dahil sa mga napuntahang lugar but most especially because of the shared laughters with these friends I had in this tour.



AUGUST 13, 2017

          Maaga kaming nagising kinabukasan. Madilim pa nang nakarating kami sa Benoni Port kaya naman sa malapit na lang na karinderya kami kumain ng almusal. After that, we’ve waited for the departure of the ferry.





          We were very excited this day dahil ito ang schedule ng pagpunta namin sa Dahilayan Forest Park. Grabe ang Klarijah feels dito, haha. We first took pictures of the place after arriving. Saka kami nagdecide na maglibot after that. Nagtanong kami doon tungkol sa mga activities nila doon however we have decided not to pay for and do it since kulang kami sa oras. At sobrang lawak din ng lugar kaya mas ginusto namin na maglibot.







          Unfortunately though it rained. So we stayed at the Picnic Grounds. Doon na lamang kami nagkwentuhan. Mayroon akong kasamang isang JSL na tulad ko ay gustong subukan ang zipline kaya naman pumunta kami sa kung saan magbabayad para rito.

          At first I was super excited dahil may mga umaalingawngaw na sigaw galing sa mga nagzzipline habang nasa mataas na lugar sila. It was obvious they were enjoying the thrill. After paying for the zipline ride, pinadiretso kami sa mga staff nila na naglalagay ng harnesses and the likes. Isang sasakyan ang sumundo sa amin sa area papunta sa starting point. At patagal nang patagal ay binabalot ako ng kaba dahil napansin ko na sobrang tagal namin sa sasakyan at puro paakyat ang tungo nito. I mean it was obvious of course na manggagaling kami sa mataas na lugar but the reality of it was scary… at the time, haha.






          Chill lang ‘yung kasama ko dahil may experience na raw siya gano’n samantalang ako ay kinakabahan na dahil first time ko ‘yon. Nang nasa starting point na kami, binigyan kami ng mga instructions. Based sa position namin (which is nakadapa, syempre una ang ulo) ang unang tungo namin ay pababa (medyo ineexpect ko kasi na medyo chill ang unang mga segundo, lol. But lo and behold, nang binuksan nila ang harang para sa amin, nakita ko na pababa ang way namin at parang bangin iyon, puro puno at sobrang tahimik… OMG.)

          I started chanting my friend’s name na parang nagmamakaawa na umalis na kami doon at nagbago na ang isip ko, haha. But I was kinda excited as well pero lamang pa rin talaga ang takot. Sila kuya na nag gguide sa amin ay tahimik lang, normal na yata sa kanila mga gano’ng ganap.

          At sila kuyang tahimik, ayun at tinanong kami kung oks na kami at ready na. Sabi ko di ako sure, haha. Pero ayun, malakas nila kaming tinulak pababa (ang mean, haha) at sigaw ko ang narinig sa buong lugar, BOW haha.

          Sobrang nalula ako, like naramdaman ko ‘yung something sa loob ko na parang may nawala (‘yung kaluluwa ko yata andun pa rin kasama sila kuya, lol). Tas wala akong magawa kundi sumigaw. Then I noticed na medyo nawawala ang kaba ko kapag sumisigaw so buong duration ng zipline ride ay sigaw ako nang sigaw (myghad nakakahiya sa mga nakarinig, lol). Nauuna rin ako doon sa kaibigan ko na di ko narinig na tumili man lang. Then dahan-dahan kong inextend ang kamay sa magkabilang gilid ko dahil makakatulong daw iyon sa pagbagal ko. Then nakita ko ‘yung nasa baba, sobrang ganda at tahimik. Puro greeneries. It had the tranquil and mysterious air surrounding the place wala akong magawa kundi pagmasdan sila.

          Hindi ako sure kung ilang minuto ang tinagal ng zipline pero I found myself enjoying the whole time I was in the air. Para akong nililipad. Hanggang sa nakarating na kami sa end point ng ride. I was widely smiling nang nakababa na at tinanggal ang mga harness sa akin. I was beyond proud na buhay pa ako at nakasurvive ako doon, haha. It was a one of a kind experience.





          For our second zipline ride, nakaupo na kami. So nang itinulak kami ay alam ko na ang ieexpect. We manuevered ourselves to look behind us for the picture then diretso na ulit ang tingin. Mas maikli ang oras namin dito kumpara sa nauna but I still enjoyed it. Mas less lang ang thrill since nakaupo lang kami at ineenjoy lang ang view. It was breathtaking.

          After that, pumunta rin kami sa kung saan pwede magrequest ng copy ng picture habang nasa zipline kami. Umaambon pa rin this time pero di na namin inisip iyon. Ipinakita sa amin ang mga shots at pinapili kung ano ang gusto. I chose that one that showed my biggest smile. Para akong bata doon, haha.





          Bandang hapon na kami nakabalik sa hotel namin sa CDO. After taking a bath and resting a little while, pumunta ulit kami sa Centrio para kumain. Sobrang ingay at active pa rin namin kahit nakakapagod ang araw. Although hindi namin masyadong nalibot ang Dahilayan ay ayos naman ang experiences.

          Around 7pm (I think), pagkatapos namin bumalik sa hotel at magpahinga, ay sumakay na kami ng tricycle papunta sa Lifestyle District. I’ll tell you though that pictures didn’t do justice to the vibe of the place. Doon ko first time na-meet si Ate Andy. She was very accommodating although tahimik lang kami na first time lang siyang nakasalumuha, medyo nahihiya pa. Hindi raw makakapunta that night si Ate J dahil may gagawin daw siya sa kanila. After drinking our shakes at pagkanta ng “Tadhana” ay lumipat kami sa open area at doon namin na-meet ang dalawa pang JSLs na friend din ni Ate Andy at Queen, si Ate Queenly at Ate Nat. We also talked to the newly arrived man (na relative pala ni Queen at siyang magguide sa amin around CDO for the Jonaxx Tour). Pinag-usapan kung anong mga lugar ang pupuntahan namin.





          Na-touch ako actually kela Ate Queenly and Ate Nat. There was no assurance that Queen would be there with us during or after the tour so nang nalaman nila na dala ko lahat ng Jonaxx books ko ay nag-isip pa talaga sila kung paano ang gagawin. They suggested to keep it after the tour, have them signed by Queen, then ship it back to Manila. Grabe nakakahiya dahil kapag gano’n ay sobrang mahal ng shipping fee. Sa sobrang hiya ko ay natahimik na lang ako habang nag-iisip sila ‘cause really, in the end baka tumanggi rin ako dahil nakakahiya talaga. They were really friendly and warm. Naging magaan agad ang loob namin sa kanila.





AUGUST 14, 2017

          The start of our JONAXX TOUR!

          Our first stop to start the day was at the Divine Mercy Shrine.We walked around the place and prayed. It was very quiet and you can really feel the holiness around the place lalo na doon sa mismong statue ni Jesus. Naupo kami di kalayuan doon at inenjoy muna ang tahimik at malamig na simoy ng hangin.

          Then pumunta kaming sunod sa Divisoria para sa bumili ng pants or skirts. After going from shop to shop ay dumiretso na kami sa Xavier University (this was it!) Nagsusumigaw ng Montefalco ang lugar, haha.






          Dumiretso kami agad sa Immaculate Conception Chapel, kung saan nagsimula ang lahat.


“Klare, I’m hungry,” sambit sa akin ng katabi kong si Elijah.

“Elijah, we are having a mass. Can’t your big fat tummy wait?”

(Until He Was Gone, Kabanata 1)






          Habang naglilibot ay napadpad kami sa building ng School of Business and Management. Sa tapat naman nito ay ang malawak nilang soccer field. Umupo kami sa bench malapit doon para magpahinga.


“This is a bad idea, Klare,” ani Hendrix

Pinanood ko ang kalmado niyang ekspresyon. Naririnig ko ang maingay na tikhim ni Pierre at pabalik balik niyang paglakad sa tapat ng bench na inuupuan ko malapit sa soccer field.

“This is a bad idea,” ani Pierre.

(Kabanata 42, Until He Returned)






          Naglibot-libot pa kami pero ang pinakahuli talagang ginusto kong puntahan ay ang building ng School of Agriculture kung saan nangyari ang pinakamasakit na scene sa UHWG.


“Klare, isang salita mo lang na mahal mo ulit ako ay ipaglalaban kita hanggang sa maubos ako.”

(Until He Was Gone, Kabanata 48)





          Nang nakalabas na sa XU ay dumaan kami sa tapat Sweet Leaf.


“What the hell is your problem, Elijah? Bakit ang possessive mo?”

“Hindi lang ako ang possessive dito, kahit ikaw, di ba? Remember?”

“Nakekealam ako kasi nanloloko ka na, Elijah! Ano ba? Inuubos mo ba ang lahat ng babae dito sa syudad natin?”

“Why are you so freaking hard on me? Why don’t you burn Azrael’s ass instead, huh? Mas grabe pa siya sakin at bakit ako—”

“Kasi nakikialam ka rin sa akin? Why can’t you just be happy for me? Sa wakas! I got Eion’s attention! Support ka na lang!”

“I don’t wanna be happy for you.”

(Kabanata 10, Until He Was Gone)





          Napadaan din kami sa Montefalco building at sa mga villages ng mga Montefalco maging ang lugar kung saan ginanap ang 18th birthday ni Klare. Sobrang saya na makita sa personal ‘yung mga pictures na noon ay nakikita ko lang sa facebook kapag may posts ang mga JSLs ng mga places na nammention sa stories ni Queen. I felt like I was dreaming the ultimate fangirling moment.






          Last stop namin ay sa Malunggay Bread Shop. Doon kami bumili ng mga pampasalubong. Dahil hapon na at malapit na kaming pumunta ng airport ay medyo nawalan na ako ng pag asa na makita talaga si Queen. It was okay but I was just sad. Inisip ko na lang at maswerte pa rin kami dahil nakapag libot kami sa CDO at kasama pa namin sila Ate Andy, Ate Queenly, at Ate Nat. Habang tinitingnan ang lugar ay naalala ko nanaman ang moment ng Klarijah doon. Klare skating with Vaugh, Selena and Elijah inside the shop.

 

“You okay?” tanong ko.

“You tell me,” mariin niyang sinabi.

“I can give you friendship but promise me you’re not going to cross the lines. Selena is a nice girl. You should be nice to her. And I’m not a mistress. I’m not going to be like my mother for you Elijah.”

(Kabanata 14, Until He Returned)





          Pagkatapos bumili ay doon na muna kami nagstay para kumain at magpahinga. Nagsimula na ring umambon that time. Pare-parehas lang kaming nagkkwentuhan nang biglang napadpad ang tingin ko sa may pintuan ng shop. Nandoon kasi si Ate Andy at may kausap na siya doon na kanina ay wala naman.

          Si Queen J!!!

          Grabe pare-parehas kaming nagsipigilan ng mga tili at natulala sa labas. Napapadpad tingin ni Queen sa amin at ayun ay nangingiti lang din. At nang pumasok siya ay palitan kami ng mga nahihiyang “Hi!” Di ako makapaniwala. Para akong nakalutang na di ko maintindihan. Then tinapik na ako ni Mama at nila Ate na kunin ko na raw ‘yung mga books ko para mapa sign sa kanya. Diretso naman akong pumunta nang mabilis sa sasakyan para kunin ‘yon.

          At pagbalik ko ay nagpapa picture na ang mga kasama ko kay Queen. Nang ibinaba ko ‘yung bag kung nasaan ang books, medyo nahiya ako kasi sobrang dami pala, lol. Kahit sila ay natawa dahil grabe ang dami. Nagpapicture na lang din muna ako kay Queen kasabay ng mumunti kong “Hi” kasi di pa rin ako maka get over talaga. Lahat ng mga gusto kong sabihin naglaho sa utak ko.

          Then nagstart na siya sa pag sign ng mga books. Naiiyak ako sa loob loob ko kasi dati talaga pangarap ko lang ‘yon and there I was, in front of her, at nakakapagpa sign ng books at may picture pa with her! That was my ultimate fangirling moment there.







          Nagkakwentuhan after that pero hindi rin kami nagtagal dahil kailangan pa namin bumili ng dinner namin at bumalik sa hotel para sumakay sa van na maghahatid sa amin sa airport. Palabas na kaming lahat pero binalikan ko si Queen para sa huling yakap sa kanya at nagpasalamat ulit (*o*). Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko na naibigay ‘yung tradition ko nang binibigay kapag nammeet ko siya: hairclip. I promised myself na ibibigay ko ‘yon sa kanya kapag nakita ko ulit siya sa next booksigning niya sa Manila.

          In the end, pare-parehas na malalaki ang mga ngiti namin habang nasa byahe papuntang Limketkai Mall para bumili ng dinner namin. Balak namin na sa airport na lang kumain. After buying our food ay nagpaalam na rin kami at nagpasalamat kay Ate Andy (nagbabye na rin kami sa dalawa naming Ate sa Malunggay Bread Shop) sa masayang araw.





          This tour of Team Taga Maynila was one for the books! I will never ever forget the memories, the laughters, the places, the feelings, the fresh air, the girls I was with, and that short but sweet and one of a kind moment with Queen J. I was happy I got to see and talk to her in person. In this life and in this fandom, opportunities like that was rare so I was happy and blessed to have that. Will always be a fan of yours Queen! Sa ibang post ko na lang ilalagay ang personal message ko for her and other things to say about her books.

          For now, ciao CDO!




No comments: