Date posted: June 14, 2020



JONAXX CUPSLEEVE EVENT
(JANUARY 19 & 25, 2020)


          Matagal ko nang naririnig ‘yung “Cupsleeve Events” sa social media at sa ibang mga kaibigan (na I think mahilig sa kpop) but I had no idea kung ano nga ba iyon. So basically attending this Jonaxx Cupsleeve event to celebrate Queen J’s birthday was a first to me.

          During Queen’s past birthdays, it was either I posted a birthday greeting in JSL group or greeted her on IG (or sa hangin, lol). Kaya nakakatuwa na may ganitong actual event to really celebrate this special day of Queen. Good thing these events were scheduled on a Sunday and a holiday so there wasn’t any conflict with my work schedule. As usual I did my research about the venue since hindi ako masyadong familiar sa place. Naging mahirap lang ang actual na pagpunta dahil napapalibutan ng construction sites ang lugar at kailangan hanapin ang temporary na daanan para makarating sa susunod na street. Medyo malayo pa ang nilakad ko bago nakarating sa lugar. Around ten JSLs na ang naroon including Gram na isa sa mga organizers ng event. Medyo may nasense pa ako noon na awkwardness dahil ang mga katabi ko ay medyo tahimik pa habang iyong bandang nasa unahan ng pila ay nag uusap-usap na. Mukhang isang grupo silang pumunta doon.

          It wasn’t that long before the guard ushered us inside the place. Sa Zoo Coffee shop ang venue. I was actually amazed ‘cause compared to other past meet-ups, mas feel ko yung exclusivity dahil sa venue. I was skeptical though dahil parang sobrang dami namin no’n at medyo maliit ang lugar to accommodate all of us inside. In the end hinati sa two batches ang pa-binggo nila. Upon entering the place, I gained three JSL friends. Dalawa sa kanila ang magkasama talaga before I tagged along with them at isa rin ang sumama sa amin na tulad ko ay mag isa ring pumunta sa event.






          I was happy with the freebies. Ewan ko ba at sa mga ganito ng mga admins ay sobrang saya ko na, lol. May mga umikot din na mga admins to take pictures of us na eventually ay ipprint daw nila (wow). Nag usap usap kaming magkakaibigan at pare-parehas inenjoy ang binggo event ng mga admins. Unfortunately though ay hindi ako nanalo. Mahina talaga ako sa mga ganito, haha. After the first activity ay naglibot kami sa loob ng mall at nagkwentuhan tungkol sa mga stories ni Queen. Best memory with these gals. Actually silang tatlo ang nagkwento sa akin dahil four CLS pa lang ang nababasa ko habang sila naman ay halos updated. Dahil sa pagkkwento nila ay sobra sobrang spoiler na ang inabot ko. Pero nakakatuwa lang na makita ‘yung reaksyon nila habang nagkkwento. Nakikita ko kasi and sarili ko sa kanila kapag gano’n ako sa mga kaibigan ko. We took pictures then nang napagod kalalakad ay nagpahinga na lamang kami sa gilid lang ng Zoo Coffee habang nagbbinggo ang second batch ng mga JSLs.

          After that, we entered the shop again para naman sa raffle ng mga admins. Lahat naman ng mga JSLs na nasa event ay mayroong napanalunan. We also had a video call from Queen J herself! Inikot ang cellphone para batiin si Queen. After that sabay sabay na kaming tatlo na umalis sa venue at pumunta sa sakayan kung saan kami maghihiwa-hiwalay. We promised to communicate each other kapag may ganito ulit na JSL event or meet-up. Iyon naman talaga ang isa sa mahalagang rason bakit ako umaatted ng ganito: to meet new friends with the same interests as mine. This day was simple but it will always be a day that I will cherish and remember.





          The second Cupsleeve Event happened around Pasay. Since malapit ito sa MOA ay doon na ako bumaba saka ako naglakad. Pero di ko inakala na kumplikado rin pala ang pagpunta roon, lol. It took me at least forty-five minutes to get there. Nang nakarating sa Jollibee ay medyo marami ng JSLs ang naroon. I contacted my JSL friend (na na-meet ko last Metro Manila Chapter meet-up to celebrate Queen’s 3M wp followers) and told her I was already there. Mayroon akong nakatabi na JSL na mag isa lang na pumunta sa event kaya naman sa kanya ako nakipagkwentuhan. We eventually clicked at parehas na pumila sa photobooth nila habang hindi pa nagsisimula ang event.






          The funny part happened during the games. Kalog talaga kasi ang mga JSLs at gano’n din ang MC na naroon. My friend then came at umulit kami sa pagpila sa photobooth para kumpleto kaming tatlo. Habang nasa pila naman ay biglang tinawag ang number ko dahil nabunot pala ako sa paraffle nila. OMG I was shocked nang ibinigay sa akin ang BBTW na book at pinicturan kasama ang ilang admins.

          We took group pictures after eating our lunch at may mga moments pa doon si Jollibee kasama ang mga pictures ni Queen, lol.

          Compared sa first cupsleeve event ay mas maikli ito. However the energy and love between these group of people with Queen J and her works didn’t lessen a bit. Naroon pa rin iyon gaano man kahaba o kaikli ang mga events na inoorganize so hindi na ako nagulat pa rito. Hindi na rin ako nagtagal dito dahil may pupuntahan pa ako pagkatapos nito so I bid my goodbye to my JSL friends na I was hoping to meet again in future meet-ups.





No comments: