Date posted: June 6, 2020



JSL-QUEZON CITY CHRISTMAS PARTY: COLOR YOUR DECEMBER
(DECEMBER 17, 2017)


            Another Christmas Party hosted by JSL-QC Chapter admins. Kapag sila talaga ang nag organized ay talang sobrang bongga at exciting dahil sobrang planado siya kahit sa pinakamaliit na detalye. As usual ay hindi ako magaling sa mabilisan at paunang pagpaparegister sa ganito kaya naman nakisabay ulit ako sa kaibigan kong madalas kong kasama sa mga ganitong event.

            The event was scheduled on a Sunday so I was sure that I would be able to attend this. Pero days or weeks after makapag secure ng ticket para sa event ay saka naman nag announce sa office na sa araw din na iyon gaganapin ang Christmas Party namin. I was torn dahil gusto ko talaga na umattend sa party kasama ang mga JSL pero kahit na hindi ako umattend sa event ng company kung saan ako nagttrabaho ay hindi rin pwede dahil isa ako sa mga main na mag aassist doon.

            But I still managed to plan this day out. Sa umaga ay aattend ako sa party kasama ang mga JSL then saka ako hahabol sa company event ng hapon. The fact that I would be able to enjoy this day with my online and reader friends even for a short period of time was what mattered.

            As usual dahil hindi ako familiar sa Quezon City ay hinayaan ko ang kaibigan ko na hilahin ako sa kung saan, haha. Isa mga kasama ko sa CDO tour ang pinuntahan namin sa isang meeting spot at sabay sabay na kaming tatlo na sumakay ng tricycle para makapunta sa venue ng event. Pagkadating doon ay medyo mahaba na rin ang pila ngunit hindi pa naman iyon lalagpas sa 50 JSLs. Medyo nagtagal kami sa pila kaya naman medyo kinakabahan na ako dahil baka hindi pa halos nangangalahati ang event ay kailanganin ko nang umalis.





            Ngunit kahit na medyo nagtagal sa pagsisimula ang event ay simula nang dumating ang mga organizers at naibigay na ang mga tshirts namin at nagkaroon na kami ng kanya-kanyang group ay naging maayos na ang flow ng events. Naging maikli lang ang interaksyon ko sa mga matagal ko nang kaibigan at sa mga first time ma-meet habang nasa pila ngunit naging masaya naman kahit na nandoon pa lamang kami. I wouldn’t forget this one particular girl na sobrang mature physically but she was actually younger than most of us. Plus, she was super funny kaya lahat kami ay tawa nang tawa.

            I only managed to participate in one of their games. I couldn’t remember what that game was called. Basta ay kailangang may partner ka. Ang isa ang kakain ng food na nakasabit sa dulo ng sinulid habang ang isa naman ang magkkontrol ng pagbaba nito gamit ang paa. Both of us will do this while sitting. Ako ang nagkontrol ng sinulid habang ang partner ko naman ang kumain ng tinapay na naroon. It was funny actually dahil medyo mahirap talaga ang pag angat ng paa dahil nakakangalay and I wasn’t even that flexible to begin with! Mabuti na lang at hindi masyadong conscious ang ka-partner ko kaya naman kain lang siya nang kain. We lost in the end though but we still enjoyed ourselves.

            Marami pang mga games ang sumunod at puro pagccheer lang ang ginawa ko. Not long after that, we ate our lunch. Pagkatapos no’n ay nagkaroon kami ng mini pictorial ng mga kaibigan. At exactly 2pm though ay kinailangan ko nang umalis. I was sad dahil hindi ko na talaga maaabutan ang paggamit ng powder na may iba’t ibang kulay but still thankful for this day. Mas lalo pa itong naging memorable because of my friends’ thoughtfulness. Nagpaalam pa talaga sila kela Ate Faye para raw maihatid nila ako sa sakayan. I was grateful for them.

            So many years may have passed, but I would never forget the friendships I had this day.







No comments: