Date posted: June 7, 2020



ALEGRIA BOYS BOOK LAUNCH
(DECEMBER 16, 2018)


          My first love! Super excited for this day dahil sa wakas ay na-published na ‘yung first story ni Queen na nabasa ko. After all those years, nagkaroon na ng physical copy si Hector and Chesca! And of course the other two na halos kasunod ko lang din nabasa after End This War. Aside from that, this was another opportunity to see Queen J in person and an opportunity as well to give her that small gift I wasn’t able to give her last time we were in CDO.

          Unfortunately, hindi ko nakasama kahit isa sa mga JSL friends ko na kasama ko last BS Trilogy booksigning ni Queen sa Filoil Flying V Centre. The reason why for this event ay Mom ko ang nakasama ko. What my plan was to arrive at the venue at least around 4am para sana medyo nasa unahan ako. After buying something to eat at the nearest 7eleven from our place ay nag grab na lang kami. Perhaps around 4:30am na kami nakarating sa venue however (hindi na ako nagulat) marami na agad mga JSLs na nakapila. Unlike last time ay mas organized ang naging pila dito at mas vigilant ang mga guards/facilitators na naroon.

          Dahil madilim pa at ilang oras pa ang hihintayin bago makapasok ay kinalikot ko na lamang ang phone ko at nakapanuod pa ng isang movie. Then isa-isa naman kaming pinabunot ni Crizza para sa freebies nila. Unfortunately ay wala akong napanalunan but lo and behold, yung mama ko na katabi ko lang ay nanalo ng books, myghad, haha. Tuwang-tuwa naman siya pero di niya alam kung ano ang pipiliin dahil maraming hawak na books si Crizza para pagpilian. In the end ako pa rin ang nagdecide, lol. SL at WOM ang napili ko. Gulat pa ako sa mga pangyayari kasi first time ko magkaroon ng book na hindi ko talaga binili at napanalunan lang (kahit di ako yung as in na nanalo, haha).





          Around 8am I think ay nagsimula na ang pila para sa pagbili ng books. Nakita ko rin ang JSL Taguig Chapter at binigyan pa nila ako ng mga stickers. Nakakatuwa dahil kahit nasa pila at medyo malayo sa isa’t isa ay masasaya kaming nagbatian. After that ay nakapasok naman na kami sa arena. In all fairness ay sobra talagang organized ang lahat.






          Then Queen J came at ayun at nagsimula na rin kami ulit magsigawan. Nakakatuwa dahil wala pa ring nagbago at gano’n pa rin kami, proud at masaya sa narating niya. Wala ring makakapantay sa saya namin na nakita ulit namin siya sa personal.

          Nang nasa harap ko na si Queen, ayun ako at kinabahan pa rin, wala pa ring nagbago, lol. I said my thank you to her at sa wakas ay naibigay ko rin ang hairclip na matagal ko na talagang gustong ibigay sa kanya, haha. Pagkababa ay nakita ko rin si Ate Andy. I greeted her at nakakatuwa na nakilala pa niya kami.






          I waited for my co JSLs (taguig chap) at nang kumpleto na kami ay nagtake lang kami ng kaunting pictures at nagkaroon ng maikling kamustahan. It was surreal like the previous events. Iba pa rin ang feeling kapag kasama ang mga JSLs na noon ko pa kilala ngunit kahit ilang taon na ang nagdaan ay naroon pa rin ang bond. We were happy to see each other kahit na sandali lang kami roon.





          Umuwi na rin kami ng maaga after that dahil parehas kaming puyat ni Mama since sobrang aga naming nagising para dito. I was very thankful for my Mom’s support since day 1of my fangirling. Sa mga ganitong event ay willing talaga siyang samahan ako kahit na ba kaya ko namang mag isa, haha. Was also thankful for this day dahil dagdag ito sa mga happy and unforgettable memories na meron ako kasama si Queen at sa mga kaibigang na-meet ko dahil sa mga ganitong event. Memories are one of my treasures.

No comments: