Date posted: May 21, 2020



JSL-QC CHAPTER CHRISTMAS PARTY
(DECEMBER 11, 2016)


          First time ko itong naka-attend ng Christmas Party kasama ang mga co-JSLs. Since ang nag organize nito ay mga admins ng JSL-QC Chapter, nakakaexcite. That time kasi ay sila ang pinaka active at pinaka creative pagdating sa mga events at freebies/merch. Special din ang event na ito dahil bilang lang ang pwede maka attend.

          Nag-usap kami ng isa kong friend (JSL din) na siyang first friend ko rin sa MM meet-up sa Luneta at nagdecide kami na parehas umattend. Siya na rin ang nagregister sa amin (gising siya ng madaling araw, wow).

          Sa QC magaganap ang meet-up at nagbigay naman ng instructions ang chapter kung paano makakapunta doon kaya hindi naman kami nahirapan.







          Pagkarating sa venue ay hindi na ako nagulat na marami ng JSLs na present. May friend din ‘yung kasama ko kaya doon kami sa group nila sumama. Nakakatuwa na hanggang ngayon ay may communication pa rin sa kanila kahit hindi gano’n kadalas ang mga meet-up at book signings ni Queen J (^_^)

          As expected din ay sobrang naging prepared ang mga admins sa event na ito. May ibinigay sa amin na “Pasaporte” na magagamit namin sa mga activities sa party. Personalize din siya dahil ang basic info ng owner ay nasa loob.






          Like the usual meet-ups, I was happy that I got to meet new JSLs whom I became friends with. Iba ‘yung feeling na makasama ang mga tao who have the similar hobby (magbasa ng stories ni Queen J) as yours. I am not (and still am) not a social person but I would gladly attend meet-ups like this to meet new people and share the same happiness brought by this fandom.

          I couldn’t remember the specific games na ginawa namin but I wouldn’t (and never will) forget the feelings I had that day.








            Nagpicture kaming magkakaibigan sa dalawang tarp ng QC chapter. May mga ibinigay din na freebies ang mga admins. Natanggap ko ‘yung isang letter at nakalagay sa baba ang name ni Azi. Nakipagpalit pa ako sa isang JSL para ang kopya na nasa akin ay kay Elijah, lol.




No comments: