Date posted: May 22, 2020
BAKA SAKALI TRILOGY GRAND BOOK LAUNCH
(MARCH 5, 2017)
Since book signing ito ni
Queen J, iba ang level ng excitement ko for this di tulad sa mga normal meet-ups/events
with co-JSLs. Of course this would be another opportunity for me to see Queen
in person (*_*) and may opportunity ulit na magkaroon ng selfie with her! I was
squealing at the time Pop Fiction announced this event. Hindi na ako nagulat na
sa isang arena na gaganapin ang book signing. Dalawang event na ang naging aral
ng Pop Fiction: first ay ‘yung naganap sa SM Trinoma and second ay sa MIBF (na
unfortunately ay late ko na nalaman kaya di ako naka-attend T_T) na sobrang
dinagsa ng JSLs.
As usual, my friend na kasama ko sa JSL-MM Meet-Up at sa
JSL-QC Christmas Party and naging kasama ko sa pagpunta sa venue. Nagresearch
ulit ako (lol) kung paano makapunta sa lugar na iyon. Tinanong ko rin ‘yung
messenger at colleagues ko sa office kung ano ang mas madaling route para
makapunta doon at kung ano ang dapat sakyan. So when the day came, confident
ulit ako, haha. Sobrang dilim pa nung nagkita kami ng friend ko. Medyo
kinabahan pa ako dahil madilim pa at syempre ay kaunti pa lang ang tao kahit na
ba may mga jeep nang pumapasada.
Nang nakasakay kami sa last jeep na magdadala sa amin sa
mismong venue, may nakasabay kaming isang girl however nandun siya sa bandang
unahan samantalang kami ng friend ko ay banda nasa bukana ng jeep. Siya lang
kasi ang nasa jeep at kaming dalawa kaya napansin namin siya kaagad.
Madilim pa nang
nakarating kami sa venue pero sobrang dami ng JSLs and as usual I was in awe.
Based on our estimation that day, umabot kami sa first 100 na nasa pila. It
also turned out na JSL din ‘yung nakasabay namin sa jeep kaya naman isinama na
namin siya sa group of two namin, haha.
I was confused eventually though nang nagkaroon ng isa pang
pila para sa pagbili ng 2nd and 3rd book (sa event kasi
nirelease iyon at hindi sa mga book stores). Napaisip kami kung paano kami
pipila doon para bumili without leaving our current spot. Kapag umalis kami
doon, for sure ay mapupunta na kami sa last line pagbalik (wala rin kasing
binigay na numbers that time so our place in the line had no any guarantees).
Fortunately, this friend (na nakasabay namin sa jeep) had another friend na
nakapila at the time sa bilihan ng books. Kaya naman nakisuyo kami sa kanya na
magpabili. Habang nasa pila, naging group of five na kami =)
Bago pumasok, ayun nag usap usap lang muna at nagtake ng
maraming pictures. Umalis ako sa pila one time para mag cr at pagbalik ko, may
tumawag sa akin. It turned out ‘yung nasa unahan ng pila ay ‘yung mga friends
and co-JSLs na under Taguig Chapter! I was so happy seeing them there! We took
pictures syempre T_T namiss ko rin sila ng sobra. Nakita ko rin si Ate Faye
(JSL-QC Admin) at nagpapicture na rin ako with her.
Nang nakapasok na sa
venue, sobra na kaming naeexcite pare-parehas. And of course nang dumating na
si Queen, nagtilian na kami (*o*) Habang tinitingnan si Queen na nasa stage, natuwa
ako at sobrang naging proud sa narating niya. She was so humble and pretty with
her smiling face. She deserved that achievement and her JSLs’ love for her.
And that time na nasa tabi ko na si Queen habang nagssign
siya sa book, nanginginig ako sa kaba, sobra. And again, I was awestruck. Since
iyon na ang pagkakataon ako, I smiled widely and hugged her. I also gave her a
little gift. Nilubos ko na T_T. I was so happy after, tulala ulit ako ng mga
ilang seconds, haha. Nagkatotoo rin ang dati ko pa talagang hiling. Halos
yakapin ko rin sa galak ‘yung isa naming friend dahil nagvideo ‘yung mom niya
sa bawat isa sa amin during that moment with Queen. I almost cried T_T.
Paulit-ulit kong nireplay ‘yung vid, haha.
Nang natapos na kaming
lima sa pagpapasign ng book, we decided to have our lunch together. Napasakay
pa kami sa car ng mom ng isa naming friend kaya thankful dahil parang malayo sa
main road ang venue.
In the end, we all parted
ways with big smiles on our faces and promised to keep in touch. Pare-parehas
kaming masaya (for obvious reasons). I was also happy dahil may nakilala ulit
akong bagong mga JSLs na naging friend ko rin. I will always treasure this
memory.
No comments:
Post a Comment