Chapter 1: Ultimate crush
‘Love is always patient and kind.
It is never jealous.
Love is never boastful or conceited.
It is never rude or selfish.
It does not take offense and is not resentful.
Love takes no pleasure in other people’s sins, but
delights in the truth.
It is always ready to excuse, to trust, to hope, and
to endure whatever comes.’
Huminga ako ng
malalim at isinara ang binabasang libro kasabay ng pagpahid ko sa mga luhang parang
ewan lamang na bumagsak sa mga mata ko habang binabasa ang isang novel. A Walk To Remember by Nicholas Sparks.
The story is so overwhelming and heartfelt that I even had a hard time
breathing and composing myself after reading it.
Mag-isa lamang
ako dito sa bahay. Si papa ay nandoon sa farm, nagtatrabaho. Ako naman ay tengga
lang dito sa bahay. Medyo nilalagnat kasi ako at sa totoo lang kahit ganito ang
kalagayan ko ay kaya ko namang kumilos at magtrabaho. Si papa nga lang ang may
ayaw at sa bahay na ito, bawat salita niya ay batas kaya wala akong nagawa.
Kanina pa ako
bored sa paghiga kaya naman nagbasa na lamang ako ng libro. Katatapos ko lang
din mag-almusal at tapos naman na kahapon pa ang general cleaning kaya ang
totoo ay wala na talaga akong pwedeng gawin dito sa bahay.
“Sino yan?” sigaw ko doon sa nagdoorbell. Sino naman kaya ‘yon?
Si papa kasi ay mamaya pang tanghali dadating. Depende na lang siguro kung
nagkaroon ng problema at kailangan niya akong sunduin dito.
Madali kong pinuntahan
ang pintuan dahil walang humpay sa pagpindot sa doorbell ang kung sino man iyong
nasa labas. Grabe, di halatang excited mapagbuksan ng pintuan?
Pagkabukas ko ng
pintuan ay parang nabato ako. “Good
morning Jaz!” bungad sa akin ng isang napakagwapong nilalang na sinamahan
pa ng kanyang ngiting magpapatunaw ng kung sino mang babae na makakikita nito.
Ghad! Kailan nga ba ako magsasawa sa pagtingin kay Zander Lee?
“G-good m-morn-ning.” Oh my gosh! I didn’t just... stammer in front of
him. Oh please tell me I didn’t! I am mentally screaming at myself. NAKAKAHIYA!
Jasmine you’re such a disappointment! Tulala pa rin ako sa kanya na hanggang
ngayon ay naka display pa rin ang halos perpekto niyang mga ngipin habang
nakatingin sa akin. Ang gandang pambungad nga naman nito sa araw ko.
Pinasadahan
naman niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa at napansin kong bigla siyang
napanganga at maya maya ay nag-iwas siya ng tingin. Lalo naman akong natulala
sa kanya... if that was even possible. I just can’t believe in my eyes and the
very cute picture in front of me.
A Zander Lee in
front of me at my doorstep, blushing. A blushing Zander Lee. ZANDER LEE IS
BLUSHING! OH MY GHAD! Anong petsa ngayon? Kailangan kong magpaparty! Sa utak ko
ay nagdidiwang na ako.
Then suddenly it
hit me. A Jasmine Flores, wearing a sleeveless na medyo kita pa iyong cleavage
ko and a skirt na maikli leaving 75% of my legs bare. A Jasmine Flores na
magulo ang buhok, hindi pa naghihilamos at nagsisipilyo, at lalong hindi pa
naliligo! Napunta yata lahat ng dugo ko sa mukha ko ngunit pakiramdam ko naman ay
namutla ako. Lalo yatang sumama ang pakiramdam ko.
THIS IS NOT SO
HAPPENING TO ME! THIS IS ABSOLUTELY A NIGHTMARE!
Sinara ko nang
bonggang bongga iyong pintuan namin at malakabayong pumunta sa kwarto ko.
Naligo ako nang mabilisan at nagsipilyo na tatlong beses ko yatang ginawa ng
paulit-ulit. Nagbihis din ako ng pinakamatino kong palda na abot hanggang tuhod
na kulay red at isang long sleeves na color green. Nagsuot din ako ng close
shoes na color yellow. Ginawa ko na rin ang everyday face regimen ko. Nagponytail
at nilagyan ng clip ang epal kong bangs. Konting kembot pa at ngiti sa salamin
at TAPOS NA AKO!
Okay. I look
like a Christmas tree. A very beautiful Christmas tree. Yeah. Whatever.
Natatawa na lang ako sa kabaliwan ko sa utak ko.
Mala mayuming dalagang
Pilipina naman ang paraan ko sa pagbaba. Nandoon pa kaya si Zander sa labas?
Stupid question Jasmine. Sinong tangang lalaki ang maghihintay ng thirty
minutes sa labas ng bahay ng isang babae?
Ngayon naman ay mala
zombie kong ipinagpatuloy ang paglakad ko pababa ng hagdanan.
Nakabusangot ang
mukha ko hanggang sa makapunta ako sa kitchen dahil nakaramdam na ako ng gutom.
Magtatanghali na rin kasi at dahil siguro sa pagbabasa ng libro ay hindi ko na
namalayan ang oras. Pagkadating ko sa kusina ay halos mapatalon ako dahil
nakita ko ang isang mala adonis na likod ng isang nilalang na nagtitimpla ng...
gatas?
Nalaglag ang
panga ko at mukhang umabot yata iyon hanggang sa sahig nang biglang humarap si
Zander. He’s only half naked and his glorious body made my knee feel like a
Jell-O.
Matapos niyang
magtimpla ay lumapit na siya sa mesa para ilagay iyon doon kaya naman nakita na
niya ako.
“Z-Zander?” Oh please Jasmine, NOT AGAIN!
Pinasadahan
nanaman niya ako ng tingin then he purse his lips na para bang pinipigilan
niyang humalakhak sa tawa.
I look at him
with disbelief and this time hindi na niya napigilan ang sarili niya at bigla
siyang bumagsak sa upuan at tumawa ng WAGAS habang hawak niya ang tiyan niya.
Cue ko na ba
para tumawa? Pero hindi naman kasi ako natatawa eh.
KINIKILIG AKO!
HANUBA!
Kasi naman ako
ang dahilan kung bakit siya tumatawa ng ganyan. Kinikilig talaga ako! Ay nako Zander
wag ka na tumigil sa kakatawa, ang gwapo mo kasi tingnan, natutunaw ang puso
ko.
Pero syempre
joke lang yun. Tumigil ka na sa pagtawa Zander!
Inismiran ko na
lang tuloy siya, kunwari ay naiinis na ako. “Nagugutom na ako.” wala sa sariling sambit ko.
Tumigil naman
siya sa kakatawa pero namumula pa rin ang mukha niya dahil doon.“Talaga? Nice timing pala ako kung gano’n” at
pinigilan nanaman niya ang pagtawa na syempre ay epic fail din.
Nagulat ako
dahil narinig pala niya ang bulong ko? At isa pa, pinipigilan pa rin niya ang
sarili niya sa pagtawa. May kung anong humaplos sa puso ko. Mukha siyang bata.
ISIP BATA. Isip bata na gwapo... at crush ko.
No. Lagpas na
nga yata doon ang nararamdaman ko. Pero hindi pa rin ako sigurado. Basta ang
alam ko ay masaya ako kapag nandito si Zander at ganito kami lagi, iyong masaya
lang at walang ilangan na nangyayari.
Nagulat na
lamang ako nang unti-unti siyang naging seryoso habang pinagmamasdan ako. May
kung anong galit akong nakita sa mga mata niya kaya naman lalo akong nagtaka.
Ang bilis naman yatang magbago ng mood nito?
Lalong bumilis
ang tibok ng puso ko nang bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.
I look up at him
nang magkatapat na kami dahil sobrang tangkad niya at ako’y hamak na isang pandak
lamang, pero maganda. I inwardly rolled my eyes. Nahihibang nanaman ako at
hindi ko magawang magkaroon ng coherent thoughts lalo pa’t masyado siyang
malapit sa akin na tipong iyong personal space ko ay kinuha na niya.
Namumula na
siguro ako dito dahil sa sobrang kilig. Jeez! Nababaliw na nga yata ako.
Mas
naghuramentado ang puso ko at mga paruparo sa tiyan ko nang hawakan ng dalawang
kamay niya ang mukha ko. Pagkatapos ay hinawakan niya ang noo ko. At pagkatapos
ay hinawakan naman niya ang buhok kong basa pa.
Dyosmiyo ano ba
naman ‘tong epekto mo sa akin Zander Lee!
“May lagnat ka pa.” sabi niya sa malamig na tinig na tipong kahit ako ay
parang nilamig kahit tag-init naman ngayon.
At the back of
my mind ay biglang may nabasag na mga salamin. Syempre sa imagination ko lang
yan. Imaginin’ niyo na lang na nabasag ang pusong pakaiingatan ko at siyang
iniaalay ko sa nilalang na nasa harap ko ngayon ngunit ito’y niyurakan lamang
at ipinagwalang bahala.
What the hell am
I thinking?!
Kasi naman ang
sweet at ang intimate na ng moment namin dito tapos biglang sasabihin niyang
may lagnat pa ako. Ano konek? Okay Jasmine. Saan ikokonek?
“Bakit ka naligo? Bawal pa sa’yo ang maligo Jaz
dahil may lagnat ka pa.” mahinahon
niyang sabi ngunit alam kong galit siya sa akin.
Bumuntong
hininga siya at bigla akong niyakap. Yakap na mahigpit. Yakap na nagpalambot sa
mga tuhod ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko. Pero
parang lumabas na yata ‘yung buong puso ko matapos marinig ang mga katagang
kahit kailan ay hindi ko pa naririnig sa tanang existence ko.
“I don’t care what you will look like in the
morning, but what I’m concerned about is you not taking care of yourself. You
have to know na mahalaga sa akin na maalagaan ka at dapat matuto kang alagaan
ang sarili mo dahil kung may mangyari man sa’yo...”
Dahil kung may
mangyari sa akin? Ituloy mo na Zander! ‘Wag ka nang pabitin effect! Lalong
bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa antisipasyon sa kasunod ng sasabihin
niya.
“...I might lose it.” halos pabulong niyang sabi at mas hinigpitan pa ang
mainit niyang yakap sa akin.
And before I
knew it, I fainted... just like that.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------