♪ Chapter 48: Cold
Sometimes, I
wish I’ll be able to move and talk and laugh with my friends without thinking
over the secrets and lies underneath all the smiles I give them. Ngayong halos kumpleto
kami, maliban kay Alex at kuya, ay masasabi kong ito dapat ang isa sa mga
pangyayaring gugustuhin kong balik-balikan. Naging busy kaming magkakaibigan sa
kanya-kanyang clubs. Ang isa naman ay nasa kabilang campus pa at si kuya ay
busy sa basketball. At ngayong nasa iisang table kami, inaasahan ko na ito na
ang tamang panahon para mag catch up.
But all I felt
is dread. And it’s eating me up big time.
Wala sa sariling
nginuya ko ang pagkaing tila ba wala ng lasa sa bibig ko. Para mailihis ko ang
totoong nararamdaman sa nangyayari sa paligid ko. I can almost feel Geff’s
burning stare at me even if I’m seriously — but failingly — focusing on my
food. Hindi ko alam kung may kahulugan ba ang mga paninitig ni Geff o sadyang
ganyan lang siya kung tumingin. But it unnerved me.
“How did you meet? Naku alam ba iyan ni Geff?” mapanuyang tanong ni Phin na mukhang
bumalik na ang kasiglahan sa katawan.
Hindi pinansin
ni Geff ang panloloko ni Phin at nagpatuloy lang siya sa pagkain. Nagulat pa
ako nang bigla niyang inilagay ang isang sausage galing sa plate niya papunta
sa plate ko. Tinusok ko iyon ng tinidor at kinain. Parehas kaming tahimik.
Tumitig naman si
Grace kay Jayvier habang excited marinig ang kwento. Kung tutuusin ay pareho
silang dalawa ni Phin ng level ng energy sa katawan. Para bang may sarili
silang chargeable battery sa katawan na hindi hindi ko alam.
Tulad ko ay
tutok na tutok din si Al sa kinakain ngunit halata na pinapakinggan niya ang
palitan ng pag-uusap sa table namin.
“Sa totoo lang mas nauna kong nakilala si Jane kaysa
kay Neth pero ang pinagkaiba lang ay si Neth ang madalas kong nakakasama kaya
mas malapit ako sa kanya.”
“Talaga?” gulat na tanong ni Neth. Hindi ko alam ngunit
pakiramdam ko ay pilit ang pagpapasigla niya sa boses niya. How did my feelings
turn out like this toward my friend? Kailan pa ito nagbago?
Tumango si
Jayvier at nilingon ako. “She’s the girl
who helped me know about you,” walang preno niyang sabi sabay inom sa juice
na binili niya.
“Oh really? Tell us about it!” palakpak ni Phin sabay tingin kay Geff
ng may mapaglarong ngiti. I didn’t dare look at the guy at my right.
Seryosong
tiningnan ni Darren ang kakambal. “You’re
so nosy Phin.”
“Just shut up and don’t bother us,” maarteng sabi ni Phin habang
pinanlalakihan niya ng mata si Darren. Napangiti lang ang huli.
Humigpit ang
hawak ko sa mga kubyertos na hawak at pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga at iiwanan na ako ng sarili kong
kaluluwa kung wala pa akong gagawin at hahayaan ang topic nilang ito. Wala
naman akong masabi para mailihis ang usapan nila.
“So anong nangyari?” pangungulit ni Grace kay Jayvier. Natahimik sila
Phin at Darren at tumitig din sa kanya para makinig. Kahit ako at si Al ay
natigil sa pagkain.
“Pero teka teka,” wagayway ni Phin sa kamay niya para makuha ang
atensyon ng lahat. “Sabi mo close kayo
ni Neth kasi madalas kayo magkasama. So ibig sabihin, nagkikita rin kayo ni
Jane pero hindi nga lang madalas?” tuloy-tuloy niyang tanong.
Ginatungan pa ni
Grace. “At hindi ka pa namin kilala no’n
ah so ibig sabihin si Jane lang talaga ang kasama mo.”
“And you said that she helped you know Neth? Bakit?
Para saan?”
Literal kong
nabitawan ang hawak kong mga kubyertos at marahas na napatingin kay Al nang
bigla niyang tinanong iyon. Hindi niya man lang ako sinulyapan bagkus ay titig
na titig kay Jayvier. Maging ang iba ay gano’n din ang ginawa. Tila naubos ang
oxygen sa paligid namin dahil sabay-sabay silang huminga at napatigil.
Itinago ko ang
mga kamay ko sa ilalim ng mesa at kinuyom ang mga iyon. My hands are trembling
so bad. Medyo hinahabol ko na rin ang hininga ko dahil para bang hirap na akong
humagilap ng hangin.
Humalakhak si
Darren. “Girls. You’re all too tensed!
Pati si Jayvier na halos kakaupo lang ay pine-pressure niyo.”
Napahawak si
Jayvier sa batok niya. “I deserved it. I
know madalas na akong ikwento sa inyo ni Neth. Ako lang itong hindi
nakakapagpakilala ng maayos.”
“And Jane never even mentioned you... to anyone. I
wonder why,” sambit ni Al sa
mababang boses dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko sa katawan.
“Uy! Ano ba, tama na nga! Jayvier! Wait, tama ba?” halos matawa si Phin habang sinasabi
iyon. Nilingon niya si Grace para sa sagot sa tanong niya.
Tumango naman si
Grace. “At wala ka pang nasasagot kahit
isa sa mga tanong namin,” pa-cute niyang sabi.
“Magkababata kami ni Jayvier pero hindi ko alam,” panimula ni Neth kaya naman nawala ang
atensyon nila Grace at Phin kay Jayvier. Ngumiti siya at nagpatuloy. “Well, that was because it was too old you
know. I mean ‘yung mga memories. Kaya di ko naalala. And Jane helped him come
to me and make me remember.”
Sabay nag-oh sila Grace at Phin. Tumango-tango
naman si Darren na para bang may naintindihan.
“Ang dami namang magkababata rito! Si Darren, Liz,
at Jane. Tapos ‘yung kambal ng tadhana at si Geff. Tapos si Neth at Jayvier
naman ngayon. Aba’t bakit parang ako lang ang walang kababata?!” paghihisterikal ni Grace.
Nagtawanan
silang lahat dahil doon.
Bumalik ang
tingin ko kay Neth at pinagmasdan siyang maigi. I don’t know what to make out
of her expression or her tone. She looked at ease, playful, yet troubled.
Habang tinititigan siya ay doon ko lamang tunay na napagtantong kakambal ko
siya. The shape of the face, the lips, the nose... it reminds me of myself.
Well, my former self. At hindi ko alam
kung hindi ba nangyari ang aksidente at walang nagbago sa akin ay ganyan din
kaya ang magiging itsura ko? Somehow playful but mysterious? Charming?
Unlike my
current one.
Napatingin sa
akin si Neth kaya naman nag-iwas kaagad ako ng tingin. My insecurities are
surfacing again. God.
Hinilot ko ang
sintido ko nang biglang may naramdaman akong sakit sa ulo. It’s not too much
but it still troubling me. Mariin akong pumikit at ipinagpatuloy ang pagkain.
Nakinig na lamang ako sa pag-uusap nila na puro tawanan at kwentuhan. Ni hindi
ko na nga pinansin ang medyo panginginig ng mga kamay ko.
“Scholar ka rin di ba, Jayvier? Academic scholarship
din ba tulad kay Neth?” pang-uusisa
ni Phin.
Tumango si
Jayvier kaya pumalakpak si Phin at Grace, halatang parehas natuwa at nagulat.
Tulad ni Neth ay
academic scholar din si Javier kaya naman kailangan nilang mapanatili ang
matataas nilang grades. Mayroon din naman silang natatanggap na allowance
galing sa school kaya naman may panggastos din sila. Habang pinakikinggan
silang nag-uusap ay doon ko lamang napagtanto na ibang-iba ang mundong
ginagalawan ko sa kanila. Ang mga problema nila ay pinansyal, mga grades sa
school, at iba pang mga problema na iniisip at pinagdadaanan ng isang tipikal
na estudyante. How did I turn out to be different? Here I am torn up between my
pathetic past and my very unpredictable present. Not to mention those people who keep on
ruining the balance I desperately keeping from falling apart.
I bit the inside
of my cheeks to ignore my internal turmoil and the growing uneasiness in my
head.
“Nakakainis ka talaga JV! Kung hindi pa kita
inimbita dito ay hindi ko pa malalaman na si Jane pala ang tinutukoy mong
tumulong sa’yo,” ani
Neth ng may pagtatampo sa tono.
Napangiti si
Jayvier. “It’s not a big deal. Isa pa
ang mahalaga ay natagpuan na rin kita sa wakas at alam mo na ang nangyari
noon.”
Nakuha ni
Jayvier ang buong atensyon ko dahil sa sinabi niyang iyon. Tila inaasahan iyon
ni Jayvier at tinitigan niya ako nang nagtama ang paningin namin. Ang dami kong
gustong itanong sa kanya ngunit alam kong marami nang mga matang nakatingin sa
amin kaya naman pinagsawalang bahala ko ang mga iyon. Besides, alam kong wala
akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko at ang mga alaalang unti-unting
bumabalik sa akin.
I should trust
myself first that I can handle what awaits me before I’ll be able to give back
this trust to those people from my past. Mahirap talagang magtiwala at masyado
ko iyong ipinakita kay Jayvier. Now I bet he’s thinking why the hell I know
about this memory of Angel Miracle they buried tons of years ago. At ngayon ay
naghahanap na rin siya ng kasagutan tulad ko.
Mabilis na
lumipas ang mga araw. Ang supposed to be this weekend concert ng Black Raven at
Crimson ay na-move sa susunod na Sabado. Ani Amirah ay hindi namin kakayanin
kung ngayong Sabado dahil hindi nila inaasahan na maraming bibili ng tickets.
Sold out na nga iyon kaso ay marami pa rin ang nagrequest. Humingi ng pabor ang
club president namin maging ang leader ng Crimson sa dean. Laking pasasalamat
namin nang pinagbigyan kami.
Kaya naman ang
magaganap lang ngayong Sabado ay ang basketball game ng North Oswald at Alfwold
Clement na matagal nang pinaghandaan.
“Hi mom!” salubong ko kay Mom nang dumating siya sa Pad namin.
Naka blue t-shirt siya na may tatak ng school namin, fitted jeans at rubber
shoes. Kahit na may anak na ay hindi mo pa rin aakalain iyon kapag nakita mo si
Jayah Alvarez ng personal. Kahit na sa simpleng suot ay
nagsusumigaw pa rin ang postura niya ng karangyaan. She’s my total opposite but
I love her dearly.
Niyakap ako ni
Mom at hinalikan sa noo. “I missed you
princess. Okay ka lang ba?”
“I’m fine.”
Simula ng gabing
nagbreakdown ako ay walang nagtangka sa amin na buksan ang topic tungkol sa
totoo kong pamilya maging iyong pagkakakidnap sa akin. Gusto ko nang kalimutan
ang pangyayaring iyon. Besides, I’m alive so I guess that’s a good thing. Kahit
na alam ko sa sarili kong may nagbago sa akin dahil doon. My Mom never pried.
Parang si Al. They respected my privacy, my feelings. And they know it’ll take
time for me to heal the wounds and to open myself up to them. It’s not an easy
task and they knew that.
I’m too
emotional and a hard-thinker.
Nagpalinga-linga
si mom sa pad. “Oo nga pala, nasaan si
Al? I bet she missed our car. Hindi pa man din iyon sanay na sumakay ng jeep.”
Natawa ako dahil
sa tanong niya. “Sinanay ko na siya mom.
Though hindi rin naman din nagtagal dahil may sumusundo na sa amin ulit.”
Nahimigan ni Mom
na may kung ano sa tono ko kaya naman hanaplos niya ang buhok ko. “You know that it’s for your own safety and
Al’s. Ayaw naming mangyari ulit ang nangyari dati. We let you be on yourself
and bid all your wishes to go here but now let your parents have a peace of
mind, okay?”
Tumango ako at
ngumiti dahil naintindihan ko ang gusto niyang iparating. It’s the
unconditional love of my parents that kept me sane right now. And I’ll be
forever thankful for that.
“Nagpaiwan si Al sa school kanina kasama si Grace.
May mga damit naman kasi sila sa locker nila kaya doon na sila nag-ayos. May
kinuha pa kasi ako dito sa pad kaya gano’n,” pagkukwento ko habang pumapasok kami sa lift.
I’m wearing a
blue blouse with our school’s logo, skater skirt, and my Ecko-red sneakers.
Nakaponytail din ang buhok ko kaya naman maaliwalas ang pakiramdam ko. Dala ko
ang backpack ko na may lamang extra shirt, tubig, pamaypay, face towel, food,
at kung anu-ano pa. Lahat naman ito ay para kay kuya dahil may pagkatamad iyon sa
pagdadala ng gamit kung minsan. Ang mga kasama naman niya sa team ay sigurado
kong may mga girlfriend. Well... my kuya has Al. I just don’t know what their
label is. Napangiti ako dahil sa naiisip.
Ang paggaganapan
ng basketball match ay sa Alfwold Clement kaya naman excited din akong pumunta
doon. I want to see him. I want to see Seraph Marvel Yllana. I want to see my
brother.
Nang nakita ko
ang HiAce namin ay bumuhos sa akin ang maraming alaala ng buhay ko kasama ang
mga Alvarez. Ang pagpunta namin sa iba’t ibang lugar ng magkakasama...
Sumakay kami ni
Mom doon at nakita si Kuya Mark, ang driver namin. Nasa passenger seat siya
samantalang si Dad ay nasa driver’s seat. Palitan siguro sila ng pwesto noong
papunta sila dito.
“Kamusta Jayzelle?” panuyang tanong sa akin ni Kuya Mark sabay pakita ng
palad niya sa ere. Pinagmasdan lamang ako ni Dad at kita ko sa mukha niya ang
pagod, marahil ay dahil sa trabaho. It could also be because of the stress over
what happened to me.
But I also saw
the love in his look only a father can give. Tila may humaplos sa aking puso at
nabalutan iyon ng kakaibang init.
Malakas kong tinampal
ang kamay ni Kuya Mark ngunit napangiwi rin dahil sa hapding naramdaman. Natawa
lamang siya at mukhang wala lang sa kanya ang ginawa ko.
Ngumuso ako. “Ayos lang Kuya. Ikaw ba? Kamusta naman ba
si Alicia? Magtu-two na siya this coming December, right?”
Napangiti lalo
si Kuya Mark. Ang tinutukoy ko ay ang anak niyang babaeng sobrang cute.
Bumulanghit sa tawa si Daddy.
“Iyon nga ang sinasabi ko dito kay Mark.
Magdadalawang taon pa lang ang anak niya at heto kaagad si misis, manganganak
nanaman!”
Kinurot ni Mom
si Dad dahil sa tawa nito. Napakamot naman sa batok si Kuya Mark na medyo
namula at mukhag nahiya.
Pinandilatan ni
Mom ng mata si Dad. “Ikaw kahit kailan
ang ingay! Kayong mga lalaki talaga, naku mga sakit sa ulo! Hindi na nahiya sa
pinag-uusapan!”
Kahit na
pinapagalitan si Dad ay hindi pa rin nabubura sa mukha niya ang ngiti. Hinuli
niya ang kamay ni Mommy na kinukurot nanaman siya at hinalikan iyon.
Huminga ako ng
malalim at tinatak sa puso’t isipan ko ang pangyayaring nagaganap sa harapan
ko. This is the family where I belong to. This is the family where I belong to,
now. Ngunit kahit na gano’n ay hindi pa rin mabubura ang katotohanang may isa
pa akong pamilya. My former family. At ngayon ay handa na akong harapin siya.
Ang isa sa kanila.
Nang dumating
kami sa school ay nag-aabang na sila Al at Grace sa main gate. Naka ripped
jeans at blue hoody si Al samantalang naka maong palda at blue sleeveless shirt
si Grace. Mabilis silang sumakay sa sasakyan at umayos ng upo. Nagpatuloy si
Dad sa pagmamaneho.
“Oh my God! Kayo po ba ang mommy ni Jane?” halos maghisterikal na tanong ni Grace.
“Ako nga iha! Ikaw ba si Graceziel?”
Halos matawa
kami ni Al sa reaksyon ni Grace dahil kumislap ang mga mata niya nang tiningnan
niya si Mommy.
“OMG talaga! You’re so pretty Tita! No wonder
sobrang gwapo ni Alec Alvarez at pati rin itong si Jane! How to be you po ba?” mahaderang tanong niya. Tawang-tawa si
Mommy dahil doon. Napapangiti naman si Dad habang pasulyap-sukyap sa rearview
mirror.
“Nathan, Grace,” hinto ko sa drama ni Grace. “Call him Nathan instead. Other people outside our circle call him Alec
and you’re not one of them.”
Ilang segundong
natahimik si Grace habang nakatitig sa akin na para bang noon lang niya nalaman
na nag-eexist ako. I playfully rolled my eyes.
She suddenly threw
her arms around me and to my utter horror, she squeezed me tightly. “I love you na talaga Jane Alvarez! I so
freakingly love your family already. You won’t mind, tita... tito, right?”
“I can’t breathe!” sigaw ko sa kanya kahit na natatawa-tawa na rin ako.
“I can’t breathe, too!” sigaw ni Grace sa tenga ko.
Al snorted. “Could you stop blabbering anything that
has something to do with SDTG? Grabeng pagfa-fangirl ah.”
Hindi naging
boring ang byahe patungo sa Alfwold. In fact, parang sobrang ikli lang ng oras
ng byahe kahit na ang totoo ay sobrang layo ng school na iyon sa North Oswald.
Kaya naman laking panghihinayang ko nang nakarating na kami roon. Nagsimula na
ring magtatalon ang puso ko dahil sa excitement.
Pagkababa namin
sa parking lot ay nakita ko na rin sa gilid ang school bus namin. Nilapitan ako
ni Al at hinawakan ang kamay ko.
“You ready?” tanong niya sa akin.
Nilingon ko siya
at binigyan siya ng isang tango. No more secrets Al.
Kwinento ko sa
kanya ang lahat ng tungkol kay Jayvier, leaving nothing to hide. Ayaw kong
magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin ni Al dahil lamang sa mga sikretong
alam kong unti-unti nang nabubunyag. I know time will come that I’ll also be
able to tell Al about my past with my twin and Geff. Well, hopefully...
Pumunta kami sa
entrance at ibinigay ang tickets namin. Pagpasok pa lamang ay sinalubong na
kaagad kami ng lamig galing sa centralized AC nila. Halos wala iyong pinagkaiba
sa amin, marahil ang iba lang ay ang atmosphere. Of course North Oswald gives
off the homey atmosphere since doon kami nanggaling. The opposite is here
obviously.
Iginiya kami ng
mga usherettes sa malaking Gym nila at halos mapanganga dahil sa dami ng tao.
Ganito karami ang manunuod ng game? The number of people is overwhelming.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Al kahit na ramdam ko ang pagpapawis nito.
Dumoble yata ang kabang nararamdaman ko. Knowing and feeling the presence of my
parents behind us faintly lessen that.
Humanap kami ng
mauupuan at mabilis namang nakahanap dahil kela Phin, Neth, at Jayvier.
“Jane!” tawag sa amin ni Phin sabay kaway sa amin. Nilingon
kami ni Neth. Laking gulat ko naman nang nag-iwas siya ng tingin at kinausap si
Jayvier. Kumaway muna sa amin si Jayvier bago ibinaling ang atensyon kay Neth.
“Kinakabahan ako sa kapatid mo. First time namin ng
Dad mo na makakapanuod ng game niya,” bulong sa akin ni Mom.
Ngumisi ako. “Believe me Mom. You have nothing to worry
about. Nakita ko si Kuya na maglaro at alam kong kayang-kaya niyang ipanalo
ito.”
Kumunot ang noo ko
nang may maalala. I remember Neth saying that Seraph Marvel Yllana and
something about this Slade something... they are her friends. Friends? Kung
gano’n... alam ba ni Neth na kapatid namin si Kuya Seraph? Na kapatid niya
siya? Kung magkakilala nga sila, paano sila nagkita? Nagkakilala?
And they are the
ace players of Alfwold Clement. That ought to be something, right?
Mabilis akong
umupo sa tabi ni Al na katabi si Phin. Nasa kaliwa ko naman si Mom na kausap si
Dad sa tabi niya.
Pinisil-pisil ko
ang mga kamay ko habang hinihintay ang pagsisimula ng game. Sobrang tagal ng
oras. Kung pwede lang hilahin iyon para mapabilis ay ginawa ko na. Titig na
titig ako sa pintuan kung saan papasok ang mga players ng ACU ngunit hindi ko
pa rin sila nakikita. Halos ma-frusrate ako.
“Aya, calm down. You keep on fidgeting, it’s really
distracting. Kinakabahan din tuloy ako,” bulong ni Al sa akin.
I know, I know.
Pinisil ko ang kamay niyang hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa kamay ko.
Alam na alam talaga niyang hindi ko kaya itong harapin ng mag-isa.
Biglang may
malakas na tumunog sa kung saan, marahil ay huyat na magsisimula na ang game.
Ito ang unang pagkakataon na makakanuod ako ng isang actual game kaya naman
hindi ko alam kung paano iyon nagsisimula. Lumipad ang paningin ko sa pintuan
para makitang lumabas galing doon ang mga cheerleaders ng ACU. Bumalik ako sa
pagkakaupo. Ni-hindi ko nga namalayan na napatayo pala kami.
Sumayaw ang mga
cheerleaders. Syempre ay wala akong kilala sa kanila. Sumunod ang para sa team
namin at nakitang ang ilan sa kanila ay pamilyar sa akin. Marahil ay nakikita
ko sila sa school paminsan-minsan. Nakita ko pa nga ang dalawa sa kanila na
nakaaway naming dalawa ni Al noon. Kahit na naiinis ay hindi ko maitatangging
magaling talaga sila sa pagsasayaw. Malambot ang mga katawan nila ngunit may
tigas din para sa mga lifting.
Nang natapos
sila ay halos huminto ako sa paghinga.
“Iyan na sila!” tili ni Al na nagpatindig sa balahibo ko. Here it is
Jane.
Unang lumabas
ang team ng North Oswald, ang Waldroves. Naka jersey sila ng blue ngunit may
suot pa silang hoody na puti sa ibabaw. Nakita ko si Kuya na seryosong seryoso.
Halos makunsensya naman ako dahil ni hindi ko siya naisip kanina mula pa no’ng
pagpasok ko dito. Pero kung alam niya siguro ang tungkol sa pinagdadaanan ko ay
maiintindihan niya iyon.
Nang lumabas na
ang team ng ACU, ang Alfords, ay tuluyan na talaga akong tumigil sa paghinga.
Halos tumigil ang mundo ko nang tuluyan nang lumabas ang kanina ko pang hinihintay.
Tulad ni Kuya
Nathan ay seryoso rin siya. Hawak niya ang bola at pinaikot iyon gamit lamang
ang hintuturo niya. Maraming naghiyawan na mga fangirls yata niya dahil doon.
May narinig pa akong “I love you Marvel!”
galing sa kabilang bleachers. Nakita ko ang pagngiti niya dahil doon.
Nilagay ko ang
kamay sa bibig ko. I can’t believe we have the same smile. Iyon ay dahil
madalas ko iyong makita sa salamin. Siya ang kapatid kong nag-alaga sa akin
noong bata pa ako. He hid me and protected me from those bad guys. And I saw
them... saw them...
I saw what they
did to him. Habang ako ay nakasilip lamang mula sa pinagtataguan ko na walang
magawa. Wala akong nagawa...
And here I am
again, looking at him. Hanggang ngayon, wala pa rin akong magawa. Hindi ko alam
kung ano ang dapat kong gawin. He’s alive. He’s alive like me. He’s enjoying
his life.
Am I supposed to
ruin that just to satisfy my need to reclaim my lost memories?
Naging mainit
ang labanan sa pagitan ng Waldroves at Alfords. Ni hindi halos naglalayo ang
mga scores nila kaya maging ang mga manunuod ay halos magwala na. Kahit na
sobrang dami ng tumatakbo sa utak ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang sariling
magsisigaw. I’m pretty sure that my screams of anticipation and excitement are nothing
compared to the collective cheers from the spectators. Maging si Mom at Dad ay
napapalakpak kapag nakaka shoot si Kuya.
“That’s my son!” turo ni Dad kay Kuya. Nagtawanan ang mga katabi
nilang mga parents din yata ng mga players. Nakita kong nakipag-usap si Dad sa
kanila samantalang si Mommy ay halos hindi na maialis ang mata sa pinapanuod.
Pawis na pawis
na ang mga players ngunit parang hindi sila nawawalan ng lakas. Si kuya at ang
isang teammate niya ang madalas nakaka-three point shot samantalang ang best
defender nila, I think, ay si Michael. God, I don’t even know basketball and
its terminologies.
“Go Kuya Nathan!” sigaw ko nang bigla siyang natumba nang nagkabungguan
sila ni number 23 ng Alfords. Pumito ng malakas ang referee.
Naestatwa ako nang
nakita ang mga ulo mula sa grupo ang mga players maging sa ilang mga tao na
lumingon at tumingin sa akin.
Natawa si Al sa
tabi ko. “Ibang klase ka talaga kumuha
ng atensyon, Aya.” at nagpatuloy siya sa pagtawa. Naramdaman ko kaagad ang
pag-iinit ng pisngi ko.
Binalik ko ang
tingin ko kay Kuya Nathan at nakita siyang kumindat sa akin bago kinuha ang
kamay ng isa sa mga Alfords na tumulong sa kanyang makatayo. Nagfistbump ang
dalawa bago bumalik sa kani-kanilang pwesto. Napanganga ako nang napagtantong si
Kuya Seraph ang tumulong sa kanya.
Hinintay ko kung
titingin ba siya sa direksyon ko ngunit hindi yata siya isa sa mga taong
nakarinig ng sigaw ko kanina.
I don’t know if
I should be relieved by that idea or not.
Ilang oras na
ang lumipas. Kahit ako ay pinagpapawisan na dahil sa pagtatalon. Nasa fourth
quarter na at lamang ng dalawang puntos ang mga Alfords. Nakita kong
masinsinang kinausap ng coach nila Kuya Nathan ang team nila nang nag time-out.
Hindi na ako mapakali.
“Kanino ka kampi? Waldroves o Alfords?” tanong ni Al sa akin.
Nilingon ko siya
ngunit hindi mukha niya ang una kong napansin kundi si Neth na nasa tabi ni
Phin. May kausap siya na kung sino at nang tiningnan ko kung sino iyon ay
nalamang si Kuya Seraph iyon. Ngiting-ngiti siya habang kausap ang kakambal ko.
Bigla akong
nakaramdam ng lamig. It’s a different kind of cold. Hindi iyon lamig na dulot
ng mga AC dito sa court. Something was caught in my throat I can’t even
swallow, my chest tightens that breathing seemed hard. My sight became blurry
for the tears that were threathening to flow.
They knew each
other. They knew each other. Ako
nanaman ang walang kaalam-alam sa nangyayari. I am blind to all of this.
Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sarili na makaramdam ng kahit ano.
Pumikit ako at kinalma ang sarili. I am with my family. I am here watching my
brother Nathan enjoys himself. I should be happy. I must be happy!
“Ayan na! Magsisimula na ulit!”
Hindi napansin
ni Al ang pagbabago sa akin at nakitang tutok na tutok siya sa laban na nasa
harap niya.
Hindi na ako
muling nakisali sa pagtatalon at pagsisigaw. Nakatayo lamang ako at tila wala
sa sariling pinapanuod ang pagtakbo ng mga players at pagpapasa-pasahan nila ng
bola. Nilibot ko ang tingin sa paligid para madistract sa mga naiisip ko.
Hinanda ko na dapat ang sarili ko sa mga bagay na ganito. Bakit ba kasi hindi
na ako nasanay? Palagi namang ako ang nagmumukhang ignorante at tanga sa mag
taong nasa paligid ko. Ano kaya ang iniisip nila kapag nabibilog nila ako sa
mga kasinungalingan nila? Natutuwa kaya sila? Were they satisfied?
Tumigil ang mga
mata ko sa isang pamilyar na pigura ng isang lalaki. He’s wearing a black hat
at nakangising nakatingin sa laro. Tinitigan ko siyang mabuti. He’s sort of
familiar. Tinitigan ko pa siya ng mabuti. Medyo natatakpan ang mukha niya dahil
sa sumbrerong suot ngunit nang medyo inadjust niya iyon ay nanigas ako.
Nagtama ang
paningin namin at tulad ko ay gulat na gulat din siya. Mabilis siyang umalis at
tinungo ang pintuan palabas. Nakita ko pang halos itulak niya ang mga taong
nakakasalubong niya para lang mabilis na makalayo. Mabilis akong umalis sa
pwesto ko.
“CR lang ako,” mabilis kong bulong kay Al. Ni hindi niya ako nilingon
at tumango na lamang sa akin.
Halos takbuhin
ko ang distansya ko at ng pintuan palabas. My heart is pounding. My mind is
racing. This is it. My answer.
Tumakbo lamang
ako nang tumakbo hanggang sa mapadpad ako sa isang medyo tagong bahagi ng
Alfwold Clement. Kinilabutan ako nang napagtantong nasa isang garden ako. Halos katulad iyon ng garden kung saan ako
dinakip ng mga...
“Hindi mo na dapat ako sinundan.”
Mabilis akong
lumingon at nakita ang lalaking iyon na nakatayo ilang metro ang layo sa akin.
Kahit na malayo siya ay rinig na rinig ko ang mababa niyang boses dahil sa
tahimik ng lugar. Umihip ang malakas na hangin at biglaan akong nilamig.
Dumoble ang kaba
sa puso ko. Sinubukan kong magsalita ngunit walang lumabas ni tunog mula sa
akin.
Tinanggal ng
lalaki ang itim niyang sumbrero at tumambad muli sa akin ang malaking peklat sa
kaliwang pisngi niya. Ngumiti siya sa akin.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------