♪ Chapter 42: Former self
Jane’s POV
Wala nanaman ako
sa sarili habang naglalakad. Kung saan saan napapadpad ang utak ko. Gusto kong
umiyak nang umiyak para mawala itong paninikip ng dibdib ko, pero kahit isang
patak ng luha ay wala nang lumabas mula sa mga mata ko. Mukhang napagod na rin
sila tulad ko.
Medyo
maalinsangan ang paligid kaya naman ramdam kong pawis na pawis na ako. Medyo
masama pa rin ang pakiramdam ko dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko kanina at
sa pagbabalik nanaman ng isang hindi magandang alaala. Alam ko naman na dapat
ay maging handa na ako sa kung ano man ang malalaman ko tungkol sa nakaraan ko
pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi magulat at makaramdam ng sakit. Wala
rin naman akong mapapagtanungan ng tungkol dito. Ayokong sabihin kay kuya dahil
ayokong mag-alala pa siya sa akin. Wala naman akong lakas ng loob na magtanong
sa mga magulang ko, kahit na alam kong may inililihim pa rin sila sa akin, alam
ko pa rin sa sarili ko na ginagawa lang nila iyon para protektahan ako. Si Al,
alam kong may sarili rin iyong mga problema at ayoko naman nang dumagdag pa.
I feel so alone
and helpless. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko dahil naninikip lang
ang dibdib ko kung patuloy ko itong sasarilinin.
Huminto ako sa
paglalakad. Naramdaman ko naman ang paghinto rin ng sasakyan niya sa likod ko.
I heaved a sigh. Mula pa kanina sa may highway ay sinusundan pa rin ako ni Geff.
Nakasunod lang sa akin ang sasakyan niya at hinayaan akong maglakad.
Dahan-dahan ko iyong nilingon ngunit wala ring kwenta dahil tinted iyong
sasakyan niya. Napansin ko rin na may tatlong itim na mga sasakyan din ang
nakahinto hindi kalayuan sa sasakyan ni Geff. Umiling-iling na lamang ako at
nagpatuloy sa paglalakad.
I know for a
fact that I have private bodyguards following me 24/7. Siguro ay si Kuya Nathan
na rin ang nag-asikaso ‘non simula noong nakidnap ako. Since sinabi kong huwag
nang ipaalam sa iba ang nangyari sa akin, iyon na lang siguro ang nagawa niyang
paraan para masigurong ligtas ako. Kahapon ko nga lang napagtanto ang bagay na
‘yon dahil nahuli ko silang mga nakauniporme ng black and white at nakatingin
sa akin. Nakita ko rin kasi iyong golden angel’s wings pin na nakalagay sa
collar ng uniforms nila which is the Alvarez family symbol. Iyon marahil iyong
nararamdaman kong sumusunod sa akin lalo na kapag mag-isa akong naglalakad sa
labas ng campus namin, tulad na lamang noong isang araw nang binilhan ko si
Achel ng ice cream.
I want to be
alone yet not totally alone. Gusto kong mapag-isa pero gusto kong may makausap.
Kahit ako ay naguguluhan na sa gusto kong mangyari. Pero ang sigurado ko lang
ay ayoko munang maramdaman ang mga presensya nila: ni Geff at ng mga bodyguards
na laging nakasunod sa akin.
Kaya naman
huminga ako ng malalim at mabilis na naglakad. Narinig ko nanaman ang
pagkabuhay ng makina ng sasakyan ni Geff kaya naman medyo nag-jog na ako. Alam
kong susunod pa rin siya sa akin kaya naman sinimulan ko nang tumakbo. Medyo
malapit na kami sa wet market kaya naman alam kong maiwawala ko na sila mula
doon. Patuloy lamang ako sa pagtakbo habang naririnig ko ang sunod-sunod na
pagbusina ni Geff mula sa likod ko. Napunta ako sa isang street kung saan medyo
maraming tao kaya naman nagtungo ako papunta doon at lumiko sa isang masikip na
eskinita. Hindi ko nga alam kung saan ako papunta pero patuloy pa rin ako sa
pagtakbo.
Bahala na.
Patuloy pa rin
ako sa pagtakbo at nang medyo napagod na ako ay sinubukan kong lumingon.
Napangiti ako sa sarili nang nakitang wala na sila na nakasunod sa akin. Dahil
doon ay napagdesisyunan ko na lamang na maglakad. Nagtanong na rin ako sa ilan
sa mga tao doon kung saan makikita iyong wet market. Kapag kasi nakita ko na
iyon ay alam ko na kung paano makakauwi sa pad namin. Matapos ang halos
labinlimang minuto ay nakita ko na rin ang hinahanap ko.
Nakaramdam na
ako ng kapaguran nang nakita ko na sa wakas ang pad na tinutuluyan namin. Nang
nakarating na ako sa room namin ay pinindot ko lang ang password sa LED panel
at tuluyang pumasok sa loob. Sinalubong akong muli ng mabangong amoy ng bagong
lutong ulam. Nakita ko rin ang bag ni kuya na nakalagay sa sofa bed malapit sa
small living room. Bumuntong-hininga ako. Napapadalas ang dalaw ni kuya dito sa
pad kahit na busy siya sa basketball practice nila samantalang napapadalas
naman ang hindi pag-uwi ni Al. Hindi siya dito natulog kagabi and I guess that
will also be the case now. Gusto ko sanang tanungin si kuya kung nag-away na
naman ba silang dalawa pero gusto ko munang ayusin ang sarili kong mga
problema.
Nagtungo ako sa
room ko at ni-lock iyon. Kinuha ko ang notebook ko sa bag at iyong mga files na
ibinigay sa akin ni Al, at sumalampak sa kama. Sinimulan kong basahin ang ilan
sa mga isinulat ko sa notebook na ‘yon at sinubukang pagtagpi-tagpiin lahat ng
mga nalalaman ko.
I am Angel
Miracle Pavia Yllana, now known as Jayzelle Ayaline Cardona Alvarez. My real
parents are Angeline and Alfonso Yllana. I have a twin sister named Angel
Liberty Yllana and an older brother named Seraph Marvel Yllana. My parents died
because of a car accident, which I learned was a lie according to what Al had told
me about them. Nalaman nila ang tungkol doon dahil sa research na ginawa nila ni
Kuya Nathan. Nakipagkita rin sila sa bestfriend ko noon na nagngangalang Tim.
Someone shot my
father on the chest which led them to that tragedy. Kasama nila si Angel nang
mga panahon na iyon kaya naman ipinagpalagay na namatay rin siya sa aksidenteng
iyon. According sa files tungkol sa mga Yllana, may nakitang katawan ng bata sa
loob ng sasakyan kasama ng... sa parents ko kaya naman ipinagpalagay nilang si
Angel iyon. Hindi ko alam kung may mga relatives pa ba ako, kung mayroon man ay
hindi ko sila kilala. Basta ang sinabi dito sa document ay hindi na nila
pinaverify ang sunog na katawan ng bata. They just concluded that that body was indeed Angel’s.
In the same time
bracket, may nangyari rin sa loob ng Yllana mansion. Naalala ko iyong unang
panaginip ko tungkol sa totoo kong kuya. Binitawan ko ang hawak kong notebook,
tumingala’t mariing ipinikit ang mga mata. Nasasaktan pa rin ako sa panaginip
kong iyon pero may pag-asa namang sumibol sa puso ko nang nakita ko siya kanina
sa loob ng campus namin. Kahit na hindi niya ako nakilala, masaya pa rin ako
dahil buhay siya. Nagulat ako dahil sa katotohanang iyon. Paano mangyayaring
buhay siya gayong... nakita ko kung paano siyang binaril ng mga lalaking iyon
na pumasok sa loob ng bahay namin? Napakaimposible nang nakita ko kanina pero
ang mukha niya, hinding-hindi ko malilimutan iyon. Mahal na mahal ko siya, he’s
my own blood, my brother, at hinding hindi ko rin malilimutan kung paano niya
akong prinotektahan ng gabing iyon.
He loves me
dearly that he’s more than willing to risk his life than to risk mine.
The Yllana
mansion burned down and that was where my life as Angel Miracle Yllana ended.
That was when my identity had been erased.
Huminga ako ng
malalalim at pinukpok, gamit ang kamay ko, ang dibdib ko. Walang lumalabas na
luha sa mga mata ko pero naninikip naman ang dibdib ko. Kinagat ko ang labi ko
at pinakalma ang sarili bago nagpatuloy.
Hindi ko alam
ang mga sumunod na nangyari pagkatapos ng sunog. Basta ang naaalala ko na
lamang ay iyong panahong nakita ako ng mga madre na nasa tapat ng Heaven
Orphanage na duguan. Inilipat ko iyong notebook sa susunod na pahina at nakita
ko doon ang sketch ng mukha ni Sister Carmen. Naramdaman ko ang pag-iinit ng
sulok ng mga mata ko habang nakatitig sa nakangiting mukha niya doon. Her
smiling face is so clear in my mind. Inilagay ko ang palad ko sa bibig ko nang
may hikbing kumawala sa akin.
Sa mga panahong
wala akong ideya kung sino ako, siya ang nag-alaga sa akin. Kahit na hindi ko
siya pinapansin, hindi pa rin niya ako sinukuan at patuloy lamang niya akong
pinasaya. Sa mga panahong umiiyak ako sa gabi dahil sa mga nakakatakot na
panaginip, pupuntahan niya ako sa kwarto ko at pakakalmahin hanggang sa makatulog
ako. Sa mga panahong natutulala ako, kakausapin niya ako at patatawanin. Sa mga
panahong nalulungkot ako, gagawin niya ang lahat mapangiti lang ako. And now...
she’s gone.
Naalala ko noong
nagising ako mula sa aksidente na nangyari noong nabunggo ako ng isang
sasakyan, narinig kong nag-uusap si mom at iyong doktor. Ang buong akala ko ay
ako ang pinag-uusapan nila kaya naman marahan akong umupo. Kahit na may benda
pa ang buong mukha ko at wala akong nakikita, naririnig ko pa rin ang
pinag-uusapan nila. The doctor declared her
time of death. The exact time I gained consciousness...
Hindi ko na napigilan
ang sarili ko at umiyak na ako. I didn’t try to stop my tears from falling.
Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko habang nakatingin sa sketch niyang
nakangiti. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko siyang kalimutan. How come I
forgot about those wonderful memories? She’s one of those lights that lit up my
life when I needed it the most. At ngayong nakatingin ako sa ngiti niya,
unti-unting nagiging malinaw sa akin ang mga alaalang kasama ko siya. Those
warm and wonderful and bright memories with her... bakit ko nagawang kalimutan?
Gusto ko ulit
siyang makita. Gusto kong yakapin niya akong muli tulad noong mga panahong
malungkot ako. Gusto kong maramdaman iyong muli ngayong sobrang lungkot ko. Gusto
kong muling makita ang mga ngiti niya, na dahilan kung bakit nagagawa ko ring
ngumiti noon. Gusto kong pagaanin niyang muli ang nararamdaman ko tulad ng
pagpapagaan niya nito noon.
Pero hindi na
pwede... at huli na ang lahat.
Paulit-ulit
akong huminga ng malalalim at pinakalma ang paghinga. Medyo naninikip na rin
kasi ang dibdib ko at medyo nahihirapan akong huminga dahil sa pag-iyak. Ayoko
rin namang marinig ako ni kuya at makita akong ganito ang kalagayan.
Inilipat ko nang
muli ang pahina ng notebook at ang sunod kong nakita ay iyong sketch ng
malaking puno sa loob ng Heaven Orphanage. Ito ang lugar kung saan kami unang
nagkita ni Geff... ni Drew. He
introduced himself to me as Drew, dahil iyon ang tawag sa kanya ni Angel noong
sila ang magkasama sa Yllana Mansion. Yes, he was that kid I was waiting to
arrive that time in my room. Noong bata pa ako, noong nagbabasa ako ng Romeo and Juliet, iyong alaalang bumalik
sa akin noong nakidnap ako.
He was that kid who
mistaken me as Angel. Pero kinabukasan rin ay pinagtakpan ako ni Angel at
sinabing lumipat na siya ng kwarto at iyong kwarto ko ay magiging bodega na. The
reason why Angel did that — I didn’t know. Those other childhood memories
inside Yllana Mansion were still a blur to me pero malinaw pa sa sikat ng araw
ang katotohanan tungkol sa bagay na iyon sa utak ko.
At noong ipinakilala
niya ang sarili niya sa akin bilang si Drew... nagpakilala rin ako bilang si
Angel. Angel is a part of my name but still, I told him I was Angel. The Angel he spent his time with. Ipinikit
ko ang mga mata ko at inalala ang mga pangyayari noong mga panahong iyon.
Retrieving some of my memories now seems easy for me kaya hindi ako masyadong
nahirapan na maalala ang bagay na iyon.
After that day
under the tree, the place where we met for the first time, ay nasundan na ang
mga pagkikita namin.
He always calls
me Angel back then.
“Sister Carmen! Nasaan
na po si Angel? I want to see her!” Naglalakad ako noon
galing sa kitchen papuntang kwarto ko nang narinig ko ang pamilyar na boses na
iyon. Gumaan ang kanina lamang ay mabigat kong pakiramdam nang narinig ko ang
tawa ni sister.
“Ikaw talagang bata ka.
Nasaan ba ang mga magulang mo at bakit mag-isa ka ngayon? Nandoon na sa room
ang ibang mga bata,” mahinahong sabi ni sister kay Drew.
Pumunta ako sa pinanggalingan ng mga boses nila at
nakitang nasa tapat sila ng playground. As usual ay nakasuot nanaman siya ng
blue polo shirt at khaki pants. Nakaayos rin ang buhok niya at mukha siyang
malinis. Isang tingin pa lang talaga sa kanya ay malalaman mo na kaagad na anak
mayaman siya.
“There she is!” Turo
sa akin ni Drew nang nakita akong nakasilip at nakamasid sa kanila ni sister.
Mabilis niyang tinakbo ang distansya naming dalawa at hinagkan ako sa noo bago
ikinulong sa kanyang mga bisig. Gulat na gulat ako dahil doon at napatingin kay
sister. Nakita ko naman na masaya lang siyang nakatingin sa aming dalawa.
Dahil naiilang ako sa sobrang lapit niya ay mabilis
ko siyang itinulak. “Ano bang ginagawa
mo?” tanong ko sa maliit na boses. Pinuno ang utak ko ng mga alaala nilang
dalawa ni Angel. Naalala kong ganito rin ang madalas gawin ni Drew kapag
nakikita niya si Angel sa bahay namin.
Simula noong una kaming nagkita sa ilalim ng punong
iyon ay mabilis akong dinagsa ng mga alaalang iyon. Kahit nga ako ay nagulat.
Bakit ko nalimutan ang mga alaalang iyon? Noong una akong tinanong ni Sister
Carmen kung ano ang pangalan ko ay wala akong maisagot. Ngunit nang nakita ko
ang mukha ng batang ito, ay naalala ko paunti-unti ang lahat. At hindi ko
kayang ipakilala ang sarili ko bilang si Miracle dahil hindi naman niya ako
kilala. Ang kilala niya ay si Angel at nakita ko sa mga mata niya ang katuwaan
dahil sa pagkakakita sa akin. Trip lang talaga niyang itanong ang pangalan ko.
Kinagabihan noong araw na iyon pagkatapos umuwi ni
Drew ay umiyak ako. Naalala ko kasi kung anong ginawa ng mga masasamang
lalaking iyon sa kuya ko. Ngayon ay wala na akong kuya. Sila mommy at daddy
naman ay nasa malayong lugar kasama si Angel. Paano na ako? Malalaman kaya nila
na nandito ako? Pero paano kung makita ako ng mga masasamang lalaking iyon?
Kaya naman kinabukasan ay pumunta ako sa Main Office
kung nasaan si Sister Carmen. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng mga alam ko.
Napahinto naman ako mula sa pagsasalita nang tinanong niya ako kung paano akong
napadpad sa orphanage at kung anong nangyari sa akin at bakit ako duguan.
Wala akong naisagot. Hindi dahil sa natatakot akong
magsalita. Kundi dahil hindi ko alam.
“Natulala ka nanaman
Angel. Ano bang iniisip mo?” Naputol ang mga iniisip ko nang tinanong
ako ni Drew na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin. Hindi ko rin
namalayan na nakalapit na rin pala si Sister Carmen at mataman ring nakatingin
sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita dahil kinuha ni Drew ang
kamay ko at hinila ako papunta sa lugar kung saan kami unang nagkita.
“Mga bata, huwag kayong
lalayo ah! Bumalik din kayo kaagad!” sigaw sa amin ni Sister
Carmen. Gusto ko sana siyang lingunin pero mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni
Drew at mabilis rin ang takbo niya.
Sumigaw naman pabalik si Drew. “‘Wag po kayong mag-alala sister! Ibabalik ko rin po siya! Namiss ko
lang po talaga ‘to!”
Nasundan nang nasundan ang pagkikita naming iyon.
Hindi tulad ni Angel ay hindi ako pala-imik. Kahit nga siya ay nanibago sa akin
dahil kilala niya si Angel bilang isang bibo at madaldal na babae. Hindi naman
kasi talaga niya ako kilala pero hindi ko na lang isinatinig ang mga iniisip
ko.
Isang gabi ay doon kami sa kwarto ko namalagi. Nasa
playground kasi ang mga bata kaya naman dito na lang ako sa kwarto ko. Hindi
rin naman kasi ako mahilig makihalubilo sa iba. Nagbabasa lang ako ng librong
ipinahiram sa akin ni Sister Carmen habang palakad-lakad naman si Drew at pinagmamasdan
ang paligid ng kwarto ko.
“Angel...” Nilingon
ko siya nang tinawag niya ako. Nagtaka naman ako dahil sa kakaibang tingin na
ibinibigay niya sa akin.
“Bakit ganyan ang mukha
mo?” Bigla akong nakaramdam ng kaba. Nalaman na kaya niya
na nagpapanggap lang ako? Pero wala naman akong intensyong masama. Siguro kapag
nakabalik na si Angel kasama si mommy at daddy at pumunta dito para sunduin
ako, sasabihin ko na lang sa kanya ang lahat. Para mapagtakpan niya ulit ako.
Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ako gamit ang
mga mata niyang... naaawa.
“Angel. Kinausap kasi ako
ni sister,” panimula niya. Ibinaba ko ang binabasang
libro at nakinig sa mga sinasabi niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at saka
huminga ng malalim. “Ang sabi niya,
secret lang daw dapat na nakita kita dito. Dapat daw hindi ko ipagsasabi kahit
kanino na nakita kita dito. Kahit pa sa mga parents ko ay hindi pwede.”
Nagulat ako sa mga sinabi niya pero hindi ko siya
pinutol sa pagsasalita. “Ginawa ko ‘yung
sinabi niya. Hindi ko sinabi kela mommy at daddy na nakita kita dito. Pero
kasi...” Mukhang nahihirapan siyang magpaliwanag. Sa hindi ko maipaliwanag
na dahilan ay bigla akong kinabahan. Bakit kaya sinabi iyon ni Sister Carmen
kay Drew? Kilala ba niya kung sino si Drew at ang mga magulang niya? Kilala ba
niya kung sino talaga ako?
Dumoble ang kaba sa dibdib ko nang tumingin sa akin
si Drew at nakita kong namumula na ang mga mata niya, hudyat na hindi
magtatagal ay may tutulong luha na doon.
“... narinig ko kasi
sila mommy at daddy na nag-uusap. They are talking about Tita Angeline and Tito
Alfonso. Ang sabi nila... wala na raw sila. Pati ikaw Angel. Ang sabi nila ay wala
ka na rin daw.” Tumulo na ang mga luha sa mga mata niya
samantalang nanlamig naman ang buo kong katawan.
“Pero imposible namang
mangyari ‘yun kasi nandito ka ngayon sa harap ko. Imposible di ba, Angel? Mali
lang siguro ako ng narinig. Oo... baka nga,” pagpapatuloy
pa niya. Pinagmasdan ko siya pero alam kong pinaniniwalaan niya ang narinig
niyang sinabi ng mom at dad niya. Hindi lang niya magawang maniwala ng buo
dahil nandito ako sa harapan niya.
Wala na raw sila mommy at daddy. Wala na. Pero bakit
mangyayari ‘yon? Paano nangyari ‘yon? Ang sabi nila sa akin ay hindi raw nila
ako iiwan. Pero bakit wala na sila? At si Angel...
“P-Patay na raw sila?” Nanginig
pa ang boses ko sa pagtatanong na iyon. Bigla na lamang umagos ang mga luha sa
mukha ko at naramdaman ko nanaman ang isa sa mga bagay na ayoko nang maramdaman
kahit kailan.
Ang pakiramdam ng mag-isa. Ang pakiramdam na
iniwanan ka na ng lahat. Iyong pakiramdam na wala nang natira sa akin.
Iniwan na nila akong lahat...
Huminto ako
pansamantala sa pag-iisip sa nakaraan nang naramdaman ko nanaman ang pagkirot
ng ulo ko. I’m so exhausted. Ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko. Lalo iyong
bumibigat ngayong nasasagot na ang mga tanong na matagal na akong binabagabag.
Ganito ba talaga ang nakaraan ko? Karamihan sa mga iyon ay hindi magaganda?
Kaya ba pinili ng isip at puso kong kalimutan na lang ang mga iyon? Ngayon ay
naiintindihan ko na ang sinabi ng psychiatrist ko tungkol sa bagay na iyon.
Pero kahit na masasaktan ako dahil sa pag-alam ko sa mga iyon, unti-unti ko
namang nabubuo ang sarili ko. Mas nakikilala ko ang sarili ko. And for me,
that’s good enough.
Nilipat ko na
ang notebook sa susunod na pahina at isang diary entry ang nakalagay doon.
Isinulat ko doon ang pagkikita namin ni Jayvier at iyong sikretong sinabi niya
sa akin. He mentioned something about this childhood friend named Angel Liberty
Yllana. Hindi pa bumabalik ang mga alaala ko noong mga panahong iyon kaya naman
bago lang sa pandinig ko ang pangalang Angel Liberty. Ayon sa kwento niya ay
gulat siyang malaman na buhay pala si Angel dahil ang alam nilang lahat ay wala
na siya. At nang nakita niya si Angel sa harapan niya, lalo siyang nagulat nang
hindi na siya naaalala nito. Mas napaisip pa siya dahil ayaw niyang ipaalam
kahit kanino na siya si Angel.
Iyon ay dahil
may mga taong galit sa pamilya Yllana. I don’t know what the history behind that
revulsion of those people was towards our family but I know for sure that
they’re ready to kill for their own vengeance. Halos magtagumpay na nga sila
noong nakidnap nila ako. Mabuti na lamang at nailigtas ako ni Geff at ni Kuya
Nathan. Hindi ko pa binubuksan ang topic na iyon kay kuya dahil naroon pa rin
ang traumang naramdaman ko dulot ng karanasang iyon. Gusto ko sanang itanong
kung alam ba niya kung sino ang may gawa ‘non at paano nila nalaman kung nasaan
ako. Paano nga kaya kung tanungin ko siya tungkol doon? Pero baka makahalata
naman siya na may alam na ako tungkol sa nakaraan ko at hindi malabong sabihin
niya iyon kela mom at dad at mataranta nanaman sila.
Ipinilig ko ang
ulo ko nang may maalala pa sa kwento ni Jayvier noon.
“Angel’s twin kasama ‘yung
parents nila ay umalis sakay ng isang sasakyan at naiwan naman si Angel at ang
kuya niya sa bahay nila.” Iyon ang eksaktong sinabi niya noon na hindi lang
nasundan dahil sa pagtawag sa akin ni Kuya Nathan. Pero... ako iyong naiwan sa
bahay at hindi si Angel. Paano nangyaring ako ang kasama nila mom at dad
paalis?
Ang sumunod na
pahinang nakita ko ay tungkol naman doon sa pangungusap na bigla na lamang
nabuo sa utak ko. Alam kong iyon ang sinabi sa akin ng totoo kong ama noong
magkasama pa kami. May kung anong kumirot nanaman sa puso ko dahil sa mga
alaalang iyon kasama ang totoo kong mga magulang. I can recognize them now, at
masaya ako dahil doon.
Nous devons garder tout aussi confidentielle que
possible, princesse. Bon? Puis-je vous faire confiance?
Dahil sa mga
salitang iyon ay mas napaisip ako. Naalala ko iyong panaginip ko noong
nahimatay ako’t dinala ako nila Al sa Infirmary ng school. I remembered that
time when I had a glimpse of that man na talagang kinatakutan ko noon. I had
that glimpse ngunit hindi iyon gano’n kalinaw. Ang tumatak lang sa akin noon ay
ang katotohanang masama ang taong iyon at inakala ng mga magulang ko na isa siyang
kaibigan. Huminga ako ng malalim nang napagtantong hindi ko kilala ang lalaking
iyon ngayon. Another memory flashed in my mind. Iyong alaala ko kasama si Geff
sa Heaven Orphanage. Mendez. Who was that Mendez I have revulsion to? Naalala
ko iyong eksaktong naramdaman ko nang nakita ko ang lalaking iyon kasama si
Geff. I learned then that both Mendez are blood related at nagsinungaling sa
akin si Geff na hindi niya kilala ang lalaki. But then again, hindi ko alam
kung sino ang lalaking iyon. My memories are still incomplete.
Even though that
is the case now, I’m certain about one thing. Yllana family has two very
dangerous nemeses. And Geoffrey Mendez knew one of them.
Which made him
somehow... dangerous too. Ayokong paniwalaan ngunit iyon ang ipinakita sa akin
ng mga alaala ko. I can’t be wrong. I can’t.
But I want to be
mistaken.
Nagmulat ako ng
mga mata nang may maisip ako. Come to think of it. Ang sabi ni Geff, or Drew as
I call him then, hindi niya ipinagsabi kahit kanino ang pagkakakita niya sa akin
noon. Ang dahilan niya ay sinabi sa kanya ni Sister Carmen na ilihim ang bagay
na ‘yon. Pero bakit naman gagawin iyon ni Sister Carmen? Alam ba niya kung sino
ako at kung ano ang nangyari sa akin bago ako napadpad sa orphanage na ‘yon?
Alam ba niyang may gustong pumatay sa buong pamilya ko?
Naalala ko rin
iyong misteryosong sketch ng isang batang babae na nasa loob ng office ni
Sister Malou. She gave me an odd smile with an odd answer noong tinanong ko
siya kung sino ang batang iyon. Now, I’m certain that I am that girl in the
sketch. Ibig sabihin ay malaki ang posibilidad na may alam din sila tungkol sa
nakaraan ko. Hindi ko alam kung naabutan pa nila si Sister Carmen o hindi. But
I knew better at alam kong pare-parehas silang may alam.
At noong unang
gabing nabuo kaming pamilya Alvarez dahil nakauwi na si dad galing States ay
naabutan ko pa silang nag-aaway tungkol sa akin. And they mentioned a certain name.
Mildred.
Is that name
somehow connected with the Yllanas? Only one way to find out.
I need to find
out who that person is. It’s time for me to move and stop being this pathetic
girl with lost memories.
I need to act.
And the first thing I must do is to find those people who know the real me. The
former Angel Miracle Pavia Yllana.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nathan’s POV
Pagkalabas ko
galing sa common cr ng pad na tinutuluyan nila Jay ay mabilis kong kinuha ang
phone ko at tinawagan siya. It’s already eight in the evening pero wala pa rin
si Jay at hindi pa nakakauwi. Lalo akong kinabahan nang marami akong nakitang
missed calls galing sa mga private bodyguards na kinuha ni Raph para kay Jay.
What the hell is happening?
Direkta kong
tinawagan si Raph at mabilis naman niya iyong sinagot.
“Nakauwi na ba si Miracle?” was the first question he shot at me.
“Not yet. Raph, what’s happening? Marami akong
missed calls na—” Napahinto
ako nang narinig ko ang mga galabog sa kabilang linya at ang mga mura ni Raph.
This is not good.
Mabilis kong
kinuha ang jacket ko na nakalagay sa sofa at mabilis na tinahak ang daan
palabas ng pad. Fuck this! Nasaan na naman ba si Jay? Ang dami nang nakabantay
sa kanya pero bakit laging nagkakaroon ng butas?! I should really stay by her
side most of the time para sigurado.
“I think she knew something already,” narinig kong sabi ni Raph sa kabilang
linya na sa palagay ko ay nasa sasakyan na niya ngayon. Narinig ko rin ang
pagkabuhay ng makina ‘non.
Napahinto ako sa
paglalakad dahil doon. “What do you mean
na may alam na siya?”
I heard him
heave a sigh. “She saw me at your school
earlier and...” Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan ko.
“Anong nangyari? Anong sinabi niya?” Umiling-iling ako at tinakbo ang hallway
papuntang elevator. I don’t want to lose Jay again. Once is enough.
Hinding-hindi ko malilimutan iyong mukha niya noon. That time of her total breakdown. Paano kung unti-unti na niyang
naaalala ang lahat? Halos mapamura ako sa isip nang maalala kung gaano na
nawalan ng kulay si Jay lately. She seems so dull and pale... wala na rin iyong
saya sa mga mata niya. Ang mga ngiti niya... pilit.
“I saw recognition in her eyes. Nathan... wala akong
magawa. I can’t tell her who I am. Masyadong delikado. I wouldn’t risk it. I
can’t risk her.” I
can almost hear his desperation and silent pleas. Alam kong hihingi nanaman
siya ng tulong sa akin dahil ako lang naman ang mapagkakatiwalaan niyang
malapit kay Jay.
“I think she even recognized Iona. Nakita rin niya
kung anong naging reaksyon ni Miracle nang nagtanong siya sa kanya. There was
definitely recognition and that’s a bad thing Nathan. You should keep an eye on
her more often,” dagdag
pa niya.
Nakita kong nasa
ground floor pa iyong elevator kaya naman hinintay ko muna iyon. “Ano bang ginagawa mo sa school? Bakit ka
nando’n?”
“I had to talk to the student council’s president.
You know why.” I nodded. Ang SC
president lang ang may access sa control room kung nasaan ang mga cctv cameras
at alam naming iyon ang ginamit ng kung sino mang kumidnap kay Jay noon. “I got nothing in the conversation.
According to her, there are only two people who have the keys for that room.
The president herself... and Geoffrey Mendez.”
I pinched the
bridge of my nose. “That can’t be Geff.
He actually helped us getting Jane at isa pa... he likes my sister.”
“What?” maang na tanong niya.
Kumunot ang noo
ko. “Anong what?”
“Geff likes Miracle? But... I thought he likes
Angel.” Ako naman ang
nagtaka sa sinabi niya. The guy talked to me in courting Jay. Imposible namang
wala lang ‘yon? The guy seemed serious though.
“You’re very much mistaken then. He talked to me at
sinabi niyang liligawan daw niya si Jay.” Umiling ako. “No,
he actually said that he doesn’t do courting but yes, he does like my sister.”
Narinig ko ang
paghinga ng malalim ni Raph maging iyong tunog ng mga busina. Mukhang natrap sa
siya sa traffic.
“Really? I should’ve known.” Narinig ko pa ang sunod-sunod na busina.
“Damn! I can’t make it!”
“Don’t worry. Ako na ang maghahanap sa kanya.” The exact time I’m saying this is the
time that the door of the elevator opened. Papasok na sana ako pero napahinto
ako sa nakita.
Nag-angat siya
ng tingin sa akin at nang magtama na ang mga mata namin, alam kong may nagbago
na. Her eyes changed, the way she looked at me changed. They’re not those
gentle and kind eyes anymore.
Something had
changed. At bigla akong kinabahan lalo na nang ngumiti siya. She had changed.
And it’s not a good one.
“Hi,” she
said with formality. Para bang kung sino lang ako na ngayon lang niya nakita.
Ikinuyom ko ang
mga kamay ko dahil sa kaba.
“Jay,” I
finally said. Natahimik din iyong nasa kabilang linya dahil sa sinabi ko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------