♪ Chapter 43: Heart of hearts
Jane’s POV
“You’re
acting weird, kuya,” sabi ko sa pagitan ng
pagnguya. Ang sarap talagang magluto nito ni kuya! Bagay sila ng bestfriend ko
though mukhang nagkakalabuan sila ngayon. I have no idea what their tantrums
are all about. Parang mga bata na lagi na lang nagbabangayan.
Nagpatuloy ako sa pagkain habang si kuya
ay patuloy sa pagtitig sa akin. “Kuya,
nakakailang ka na.” Ngumuso ako. Ang weird talaga ni kuya ngayon! Mula
kanina noong nakasalubong ko siya sa elevator ay hindi na niya ako tinantanan
ng tingin. Nakita ko pa ngang may kausap siya sa phone pero mabilis niya iyong
ibinaba.
Tumikhim si kuya bago nagsalita. “Are you okay, Jay? May problema ka ba
ngayon? Studies? Club?” tuloy-tuloy niyang tanong. Bumuntong-hininga ako. Marami, gusto ko sanang sabihin pero
pinigilan ko ang sarili ko. I just want to forget all of my problems as much as
possible kahit ngayong gabi lang. I’ll deal with them once I gathered my strength
again. Kumbaga, magpapahinga muna ako at haharapin ko ang mga iyon kapag kaya
ko na.
I pasted a very sweet smile on my face.
Ayokong mag-alala si kuya sa wala. “I’m
okay. My studies are okay. Club is great. I’m actually having a good time with
them.” Ibinaling ko naman sa iba ang usapan. “Kayo ni Al? Okay ba kayo? Baka naman inaaway mo nanaman siya kaya
hindi na ‘yun umuuwi dito ah!” Tiningnan ko siya ng masama.
Ibinaba kaagad ni kuya ang hawak niyang
kutsara’t tinidor at mataman ulit na tumingin sa akin. “Don’t change the subject, Jay. You obviously cried earlier. Your eyes
are puffy.” Nakakunot na ang noo niya. Magsasalita na sana ako pero
inunahan na niya ako. “Don’t lie,” matigas
niyang sabi.
I sigh. Totoo nga na namumugto ang mga
mata ko sa kakaiyak kanina. In fact, I can actually feel how heavy my eyes are
and how sleepy I am now pero hindi ko naman akalaing aabot sa puntong
tatanungin na ako ni kuya kung bakit ako umiyak. Dati naman kasi ay sinasabi
lang niyang ‘wag akong mag-atubiling magkwento sa kanya but right now, he’s
demanding for an answer.
Ibinaba ko na rin ang mga kubyertos ko
at pinisil pisil ang mga daliri ko. “Well...” Ano nga ba ang pwede kong sabihing dahilan? Nakakapagod na rin kasing
magsinungaling. I don’t want to lie most especially to my kuya. “... I dreamt about...” Tumingin ako
kay kuya na naghihintay din sa sasabihin ko. I sigh again. “I dreamt about my real family,” halos pabulong kong sabi.
Naramdaman ko nanaman iyong pamilyar na sakit sa puso ko kapag naaalala ko
sila.
Nagulat ako nang biglang tumayo si kuya
at tumabi sa akin. He made me look at him. “Kailan
pa? Tungkol saan ang mga napapanaginipan mo?” halos natataranta niyang
tanong. I just looked at him. “Medyo... matagal
na,” sagot ko naman.
“Bakit
hindi mo kaagad sinabi sa akin?!” Halos mapatalon
ako dahil sa sigaw niyang iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang galit
sa mga mata ni kuya. I’ve never seen him this mad before. Pumikit naman siya
para pakalmahin ang sarili niya. Nang idinilat naman niya ang mga mata niya ay
napasinghap ako.
May takot na sa mga mata ni kuya. He
looked so tensed and terrified. Kahit ako ay nakaramdam ng takot. “K-Kuya... you’re scaring me.” Halata
ang panginginig sa boses ko. Mabilis na hinawakan ni kuya ang mga kamay ko at
tiningnan ako sa mga mata. “Are you
really okay? Really. Okay? Tell me the truth Jay.”
That question triggered my own unspoken
fears and panic. My body shook when I came to the realization that I am not
okay. Yes, I’m definitely not okay. I
am again returning to my past self, that girl who was very afraid of being
alone, nothing to have but yourself. Bumalik sa akin ang mga alaala ng
harap-harapang pagkuha ng buhay kay kuya, iyong pang-iiwan sa akin nila Darren,
Alex, at Al noon, iyong panahon na may kumidnap sa akin. It all came back to me
like a slap on the face, like a wake-up call. And it was so overwhelming I even
had a hard time controlling my breathing. I also felt how crazy my body is
trembling.
“Jay!”
narinig kong sigaw ni kuya pero nakulong
na lamang ako sa katotohanang hindi ako okay. I am far from being okay. Am I
going to survive this encounter? Kaya ko ba gayong nag-iisa ako?
“Fuck!” Mabilis akong sinikop ni kuya. Hindi ko
alam kung saan niya ako dadalhin pero naramdaman ko na lamang na iniupo niya
ako sa lap niya at mahigpit akong niyakap. He keeps on muttering profanities
pero naroon pa rin ako, in that hollow void I made myself. I can’t think
straight. All I’m aware of is how deep my agony is.
“Mama!”
I heard him say. “Ma, si Jay...” and he started crying like a lost kid.
That’s the last thing I heard before my
mind and my heart gave up.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Marami akong narinig na ingay mula sa
labas ng kwarto. Kahit sa loob nito ay may naririnig din akong ingay. There are
people inside my room. I kept my eyes closed as I listen to their voices.
Somehow, those familiar voices soothe me. Ano nga bang nangyari kanina? I can’t
remember. Basta ang naaalala ko na lamang ay iyong tanong ng kuya ko tungkol sa
akin.
My heart twitched when I heard the
muffled cry of my mom. “Ano na bang
nangyari sa anak ko? Bakit nagkaganyan siya? Maayos pa naman siya ‘nung
nakausap ko siya sa phone kahapon,” halos walang lakas na tanong ni mom.
“I
can’t believe you didn’t tell me about what happened to your sister, Jonathan!
Bakit hindi mo kaagad sinabi sa amin na may nagtangka sa buhay niya?!” Halos
isigaw ni dad ang sinabi niyang iyon at natahimik ang lahat ng mga taong
naroon.
Hindi ko na napigilan at binuksan ko na
ang mga mata ko. Nakita ko ang mga glow in the dark na stars na nakadikit sa
itaas ng kwarto namin ni Al.
“Tita,”
sabi ni Al nang nakita niya akong gising
na. Mabilis naman nila akong pinalibutan. Hinawakan kaagad ni mom ang mga kamay
ko. Ganoon din ang ginawa ni dad sa kabila kong kamay at parehas silang
mangiyak-ngiyak habang nakatingin sa akin.
“Hey,
Princess. How are you feeling? We’re here. Hindi mo na kailangang matakot.” Pinagmasdan
ko ang mukha ni dad at kitang-kita ko doon ang pag-aalala. But there, I see
that there is a hidden anger behind those worried eyes. At alam kong para iyon
sa mga taong tinangkang saktan ako. Pumikit ako at huminga ng malalim. They knew already.
May malambot na kamay ang humaplos sa
mukha ko at alam ko na kaagad na kay mom iyon. I stayed that way, eyes closed.
Kapag nakikita ko ang pag-aalala at takot sa mga mata nila ay gano’n din ang
nararamdaman ko. I’m just feeling the same way at masyado nang masakit sa puso.
Lalong naiyak si mom dahil doon.
“Jonathan.
Mag-usap tayo sa labas,” mariing wika ni dad.
Hindi rin nagtagal ay narinig ko na ang tunog ng pintuan, hudyat na lumabas na
sila ng kwarto. That left mom and Al with me.
“Aya
naman, ano bang nangyari sa’yo? Ayos ka pa naman kanina ‘nung nasa school tayo
di ba?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Al. Si mom
naman ay patuloy lamang sa paghaplos sa mukha ko. “Anak, ano nga bang nangyari? Hmm?” malambing niyang tanong sa
akin.
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita
ang mga nagtatanong nilang mga mata. Huminga ako ng malalim at umayos ng upo.
Napatingin ako kay Al at alam kong gusto na niyang magsalita. Bago pa siya
makapagsalita ay inunahan ko na siya. “Ayos
na ako mom. Siguro napagod lang talaga ako sa mga activities namin sa school
kaya nagkagano’n ako...” Umiiling-iling na si Al kahit na nagsasalita pa ako.
I know she badly want to spill everything we talked about, my secrets to be
exact, kay mom. She’s guilty dahil sa nangyari sa akin and she thought that it
was her fault. I don’t want to put the blame on her dahil wala naman talaga
siyang kasalanan.
Mabuti na lamang at nasa likod siya ni
mom kaya naman hindi niya nakikita ang halos maiyak nanaman na si Al. Ibinaling
ko ang tingin ko kay mom and right there and then, I know she noticed
something. She’s my mom after all at mabilis niya akong mabasa.
“Naaalala
mo na ba sila, anak?” pagtatanong niya. Hindi
ko alam kung masaya siya sa ideyang iyon o hindi. While I on the other hand is
torn between telling her the truth and lying to spare her from worrying. I sigh
and decided to do the former. I nodded at her. Napasinghap siya at inilagay ang
kamay niya sa bibig niya para pigilan ang pag-iyak. She managed to smile at me
despite the tears that are threatening to fall from her eyes.
“Anak
pa rin kita,” mahina niyang utas sa akin.
Napangiti ako. “I will always be your
daughter mom. Wala namang magbabago doon.” Hinding hindi magbabago iyon. I
will always be Jayah Alvarez’s daughter. Ito na nga ba ang iniiwasan kong
mangyari. Mom is overthinking again.
“Kailan
pa? Bakit hindi mo sinabi sa amin ng daddy mo? Muntikan ka pang mawala—” Hindi
na naipagpatuloy ni mom ang pagsasalita at naiyak na lamang. Tinakpan ng mga
kamay niya ang mukha niya at yumuko habang umiiyak. Inalo naman siya ni Al
samantalang hindi ko maikilos ang katawan ko. Nakatingin lang ako sa kanilang
dalawa na umiiyak.
What
am I doing to my loved ones?
Tumingala na lamang ako at pinagmasdan
ang mga glow in the dark na stars. I just
want this night to end.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dito natulog sa pad namin si mom at dad.
Tumabi sa amin ni Al si mom — ako ang nasa gitna, samantalang nasa living room
naman sila dad at kuya. The night was very serene and relaxing, it gave me the
assurance that everything is fine... kahit na ang totoo ay malabo iyong
mangyari. Sinabi sa akin ni mom ang nangyari sa akin kanina. Tuloy tuloy lang
daw ang pagtulo ng mga luha ko but my face is another story — it was very
distant and blank. Iyon ang kwento sa kanila ni kuya. They thought they lost me
again. I had this, what they called, nervous breakdown. Wala akong maalala na
nangyari iyon sa akin and I guess that was the worst part of it. Paano nga kaya
kung hindi na ako nakabalik ulit? Nakakatakot...
Kinaumagahan ay asikasong-asikaso silang
lahat sa akin na pakiramdam ko nga ay balbado ako. I told them about it, trying
to lift up the mood between us but they fell silent because of that joke.
Alright, that was not a good one. Pinilit nila akong huwag na lang pumasok na
umabot pa sa puntong naghisterikal nanaman si mom but I told them I’ll be
alright. Sinabi kong kasama ko naman sila kuya at Al kaya hindi na dapat sila
mag-alala. I know they have tons of paper works to do in their business kaya
ayoko naman nang dumagdag pa sa mga inaalala nila. Kuya told me they already
knew what happened to me for the last few weeks, kasama na ang nangyaring pagkuha
sa akin at muntikan nang... pagpatay sa akin. Wala naman na akong nagawa pa
doon.
Knowing dad, I know they’ll make sure
everything is investigated.
About those creepy bodyguards? Well...
hindi ko na nai-open ang topic na iyon kay dad. Ang sabi niya ay it’s either
those bodyguards will look after me 24/7 or he himself will do that job.
“You
choose,” sabi pa niya noong magdadahilan pa sana
ako. I surrendered.
And here I am, walking down the pathway
towards our building inside the campus with both kuya and Al beside me. If I
remembered it correctly ay nangyari na ang ganitong scenario dati, minus the
staring students. Hindi na masyadong nakatingin ang mga estudyante, marahil ay
nasanay na sila sa nakikita.
Walang nagsasalita kahit na sino sa
katabi ko kaya naman hindi ko na napigilang hindi sila sitahin. “Bakit ang tahimik niyo? Hindi yata kayo
nag-uusap ngayon?” tanong ko sa kanilang dalawa. Nilingon naman ako ni kuya
at saka inakbayan. “You are so loud
Princess. Ikaw lang naman ang laging maingay.” at humalakhak siya.
Tinitigan ko pa siya lalo. “Tell me kuya, inaway mo nanaman ba ang
bestfriend ko?” mahina kong bulong sa kanya. Umangat ang sulok ng labi
niya. “Wala akong inaaway,” simpleng
sabi niya.
Bigla namang bumulong-bulong iyong isa
kong katabi. “Yes, Al? Anything to say?”
Goodness! In denial talaga itong
dalawang ‘to! How can I make them talk?
Wala nang nagsalita pagkatapos ‘non. I
sigh. Kung walang magsasalita sa kanila then I will start blabbering. “Geff asked me if he can court me, you
think I should say yes? I just feel so unstable and insecure whenever he’s with
me because of his stupid childhood sweetheart named Angel. They knew each other
and it fucking hurts when I see them laughing and talking to each other. Alam
ko naman na wala akong karapatan dahil ako naman ang unang umiwas kay Geff pero
ang nakakainis doon ay sinabi niyang gusto niya ako pagkatapos siya naman ang iiwas.
It was absurd! Why the hell did he tell me about his feelings when in fact he
can’t even prove to me how sincere he was about that?
“At
ang nakakainis pa ay apektadong-apektado ako kapag wala siya sa tabi ko at
kasama niya ang childhood sweetheart niya. I was like, Sino naman ako kumpara sa napakaganda nilang past, di ba? I am
nothing! I lied to him from the very start kaya naman wala na akong karapatan
sa kanya simula noon. At pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ako, umiwas na
siya. He didn’t even have the decency to tell me he already changed his mind
para naman at least hindi na ako umaasa...”
That ended my little theatric. Noon ko
lang narealize na ako na lang ang naglalakad kaya naman lumingon kaagad ako at
nakita ang gulat na gulat na mukha nila Al at kuya. Humalukipkip ako habang
pinagmamasdan sila. “What? Any
suggestions? Violent reactions?” I smiled to myself when I realized I just
give vent to my feelings. Masarap pala sa pakiramdam kapag nasasabi mo ang
lahat ng mga bagay na itinatago mo sa sarili mo. Simula pa kaninang umaga ay
sinimulan kong hindi mag-isip at pairalin na muna ang puso ko. I’ve been using
my mind excessively lately kaya siguro bumigay iyon. What if my emotions will
take over me for a moment or two while my mind mends itself?
And it’s too great having my heart in
control.
Kuya suddenly looked at me ridiculously.
Hindi rin nagtagal ay bigla siyang humalakhak. “Dapat ay sabihin mo ‘yan sa harap niya. You have no idea what’s going
on in the head of that guy pero sigurado akong magdidiwang ‘yon kung narinig ka
lang niya ngayon.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. “Sinusunod mo siguro ngayon iyong sinabi ni
Doc sa’yo noon. Keep on doing that Jay, it looks good on you.”
Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang
sabihin? Mukhang naintindihan naman ni kuya ang tanong ko. “This.” sabay turo sa dibdib ko. “And this,” turo niya sa noo ko. “Should be balanced. But if the other one breaks down, use the other to
help the other go back to itself and vice versa. And right now, you’re using
your heart because your mind practically gave up on you last night.”
Napangiti ako sa sinabi ni kuya. Hindi
ko alam kung paano niya nalaman ang bagay na iyon pero hindi na mahalaga kung
paano. Ang mahalaga ay naiintindihan niya ako. Hindi ko na nga namalayan na
nasa tabi na pala niya si Al na siya namang titig na titig kay kuya. Mukhang
naramdaman naman ni kuya iyon kaya nilingon niya si Al. I just saw longing in
my brother’s eyes habang nakatingin sa bestfriend ko kaya naman kinilig ako. I
can’t help myself from squealing!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Iniwanan ko ang dalawang lovebirds doon
sa likod ng West building. Syempre pinigilan nila ako na umalis mag-isa pero
ang sabi ko na lang ay ayusin nila ang gusot sa pagitan nila. Sa totoo lang ay
wala akong ideya kung ano ba ang meron sa kanilang dalawa but I can sense that
they have their own issue. Higit sa lahat ay alam kong may nararamdaman na ang
kuya ko sa bestfriend ko. It’s already a history. Lagi kong kasama si kuya sa
bahay noon at kapag ang topic namin ay si Al ay biglang nagbabago ang mood
niya. Ang akala ko pa noon ay talagang may galit siya sa bestfriend ko but it
turned out it was the total opposite and up until now, nganga pa rin si kuya.
Torpe kasi.
Habang naglalakad at may malalim na
iniisip ay napadaan ako sa soccer field ng academy. Hindi naman talaga ako
mapagmasid sa paligid ko pero hindi ko na napigilang hindi lumingon doon nang
nakita ang halos pumiyok-piyok na mga babae sa kakasigaw sa pagchi-cheer sa
isang player.
“GO
MENDEZ! YOU’RE SO HOT! AKIN KA NA LANG!” tili
ng isang babaeng may pompoms pang hawak sa magkabilang kamay. Kumunot ang noo
ko. This girl is very familiar.
Lalong umarko ang kilay ko nang nakita
ang katabi niya. “SYET ANG GWAPO MO!
BAKIT NGAYON LANG KITA NAKITA?!”
Right. They’re those bunch of
cheerleaders who bullied us back then sa gym kung saan nagpa-practice sila kuya
noon. Naalala ko kung paano ako buhusan ng isang galong tubig ng isa sa kanila
noon at wala akong nagawa! But now... I wanna get even.
Nagmartsa ako papunta sa pwesto nila at
hinanap iyong sinasamba nila. Masyado silang engrossed sa ginagawa kaya hindi
nila ako napansin.
Nakita kong may soccer practice pala
iyong mga varsity ng soccer. May isang naka-yellow t-shirt na mukhang attacker
yata dahil papunta siya sa goal ng kalaban. Agaw atensyon talaga siya dahil ang
ibang players ay naka jersey samantalang siya ay naka t-shirt. Nang naka goal
siya ay bigla namang nagtilian ang mga katabi ko.
So, that’s the player their swooning
about. Nakatalikod ang player na iyon at busy makipag high-five sa mga
kasamahan. Looks like he wasn’t paying attention at these wild and crazy girls.
In fact, hindi lang naman sila ang napapansin kong patay na patay sa player na
‘yon, marami ngang nanunuod ngayon sa field na mga kababaihan at talagang tutok
na tutok sila sa mga players, particularly to that player wearing yellow.
Kasalukuyan akong nag-iisip ng paraan
para makaganti sa mga haliparot na ito nang bigla na lang humarap iyong player
na naka yellow at bigla akong nawindang. Ni hindi ko na nga napansin na lalong
nagwala ang mga katabi ko at nagkaroon pa ng tulakan kaya naman naitulak din
ako at tuluyang nahulog mula sa medyo may kataasan na sementong upuan.
“Aray!”
inda ko nang nahulog ako’t pinantukod
ang mga kamay. Walang hiya! Ni hindi pa nga ako nakakaganti ganito na kaagad
ang napala ko! Nakakainis!
“OH
MY GOD! HE’S COMING HERE!” narinig kong tilian ng
mga kababaihan sa likod ko bago ko naramdaman ang mga bisig na pumaikot sa
bewang ko at tinulungan akong makatayo.
Nag-angat ako ng tingin at nagulat nang
nakitang si Darren pala iyong tumulong sa akin. “Thanks.” Nag-iwas ako ng tingin dahil kahit sa sarili ko ay rinig
na rinig ko ang disappointment sa boses ko. Now... why am I disappointed?
“Are
you really okay?” Paninigurado pa ni
Darren. Patuloy ko namang pinagpagan ang jeans kong nadumihan dahil sa pagkakahulog
ko. Halos umirap ako nang nagsitiliang muli ang mga kababaihan dahil mukhang
nagsimula na ang practice ng mga varsity.
Tiningnan kong muli si Darren na nag-aalalang
nakatingin sa akin. “I’m okay. Na out of
balance lang ako kanina kaya nahulog ako.”
“Not
seems to be the case though...” Mukhang
nahimigan din ni Darren ang pagsisinungaling ko. Ngumuso ako. Nahuli ko siyang
mariing nakatingin doon sa mga hindi mapakaling mga kababaihan malapit sa amin.
Huminga ng malalim si Darren. “Nasa auditorium na sila Amirah. Papunta na
rin ako doon kaso nakita kita.” Ngumiti siya sa akin. “Sabay na tayo? That is... kung hindi ka na manunuod sa mga varsity.”
Bigla ko namang naalala na may practice
nga pala kami sa auditorium. Wala rin naman kaming class sa buong linggong ito
dahil nakalaan na iyon para sa preparation sa nalalapit na Feast day ng
academy. Naalala ko rin ang dahilan kung bakit nga pala ako nandito sa lugar na
‘to... should I still do it? Naiinis pa rin kasi ako sa ideyang hindi pa ako
nakakaganti sa mga maaarteng iyon. I know the idea is absurd but I don’t care.
Well... perhaps that can wait. But Amirah can’t. She’s very strict with our
schedule.
Magsasalita na sana ako’t aayain nang
umalis si Darren nang biglang may malamig na boses akong narinig mula sa likod
ko. Nanuyo ang lalamunan ko’t nanigas sa kinatatayuan.
“What
are you two doing here?”
Ngayon ko lang napagtantong naging
tahimik na iyong mga babaeng hindi magkamayaw sa pagtili kanina malapit sa
amin. I’m extremely aware that he’s not that far away behind me. Tiningnan ko
si Darren at seryoso lamang siyang nakatingin sa lalaking nasa likod ko. His
expression is not giving away anything. Kumunot ang noo ko. When did they start
being serious with each other?
Nagulat ako nang bigla akong binalingan
ni Darren. “Mauna na ako sa auditorium.
Sunod ka na lang.” Ngumiti muna siya sa akin bago nagsimulang maglakad
paalis.
Wait... ano naman ang gagawin ko dito?
Napagpasyahan kong sumunod na kaagad kay Darren ngunit bigla niyang hinawakan
ang palapulsuhan ko. And just like that... my heart did a somersault.
“Why
are you here?” malambing niyang tanong sa akin.
Hinarap niya ako sa kanya. Mabilis naman akong yumuko at napako ang tingin ko
sa kamay niyang nakahawak sa akin. “Just...
passing by,” sabi ko sa maliit na boses. Why feeling so awkward now?! Lakas
loob ko siyang tiningala. Medyo basa ang buhok niya dahil sa pawis at medyo
mamula-mula pa siya dahil sa araw but still... hindi nabawasan nito ang awra
niyang sumisigaw ng atensyon. Bumagsak ang mga mata ko sa yellow t-shirt niya
at bigla akong nakaramdam ng inis.
“Alright.
Let’s go,” nangingiti niyang utas bago ako
marahang hinila paalis ng field. Sandali... bakit siya sasama sa akin? May
practice pa sila hindi ba? And why he seems so happy now? He must be really
enjoying himself about something.
“May
practice pa kayo di ba? Bakit ka sumasama sa akin?” matabang
kong tanong sa kanya. Hindi ko alam pero naiinis ako tungkol sa kung saan.
“Our
practice is done. Nagkayayaan lang maglaro kaya sumali na ako,” masaya
pa rin niyang sagot.
Napansin ko ang pag-ismid at
pagbubulungan ng mga kababaihang nadadaanan namin kaya naman pinasadahan ko
sila ng tingin at sabay-sabay inirapan. Hindi naman nakita ni Geff iyon dahil
nauuna siya at hinihila lang ako.
Nang medyo malayo na kami sa field ay
hindi ko na napigilan ang sarili ko mula sa pagsasalita. “You know, we’re still not okay. So don’t act as if we are.” Halos
mapamura ako dahil halata sa boses ko ang pagkasarcastic. I don’t want it to
sound like that pero nasabi ko na kaya wala akong magagawa.
Dahan-dahang huminto si Geff mula sa
paglalakad at humarap sa akin. “I know,”
mahinahon niyang sabi. “But that
doesn’t mean I already gave you up and I’ll like you less.”
That did it. “But you already gave up! Hindi ba’t sinukuan mo na ako dahil mahirap
akong intindihin? You already keep your distance! You ignored me and you shut
me out! Then what does that mean kung hindi?” Mariin akong pumikit at
pinakalma ang sarili. Ayoko naman talagang umabot sa ganito but I can’t help
myself but to tell him about my feelings. And right now, he has to deal with it
dahil nandito siya ngayon sa harap ko. Gusto ko siyang kasama, that is where my
heart wants to be right now but being this close to him, hindi ko maiwasang
maalala lahat ng nangyari sa mga nakaraang araw. We’re far from being okay.
Kahit ako ay nagtataka na sa mga
ikinikilos ko. Masyado akong nadadala ng emosyon ko. Kanina pa ako ganito
simula pa lang nang kasama ko kanina si Kuya Nathan at Al.
My heart being in control, huh?
Pansamantalang natulala si Geff dahil sa
mga sinabi ko ngunit mabilis din naman iyong napalitan ng galit. Now, we’re
both pissed. “Naiintindihan mo ba ‘yang
sinasabi mo? I didn’t give up! I didn’t keep my distance! In fact, para akong
asong laging nakasunod kung saan ka pupunta! Yes, I did ignore you but that’s
only because you’re doing the same and I thought you like it that way! And for
pete’s sake I didn’t shut you out! I will never shut you out! Damn.” Mabilis
siyang tumalikod sa akin at tumingala, clearly calming himself down. This time,
ako naman ang natulala sa kanya.
Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko
iyong mga sinabi niya and somehow, I felt assured with him. But then, there’s
an image at the back of my mind and right there and then, nawala iyong
assurance na naramdaman ko.
I am being emotional at the moment...
and I hate myself for being like this. Nagiging sensitive ako masyado.
Matapos ang ilang segundo ay humarap na
sa akin si Geff. Mabilis niyang hinawakan ang mga kamay ko at pinagmasdan iyon.
Naramdaman ko kaagad ang init ng mga kamay niya laban sa nanlalamig kong mga
kamay. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Whatever expression he displays on
his face, be it anger or happiness, he’s still dangerously attractive. At ang
nakakainis ay marami nang nakakita sa kanya sa soccer field na iyon. Why does
he need to show off?
I am being unreasonable again. Alam ko
naman na naglalaro lang sila ng soccer pero hindi ko mapigilang hindi
makaramdam ng... nevermind.
“Bakit
kasi doon ka pa pumwesto sa maraming tao? Hindi mo na sana nakuha ‘to,” inis
pa rin niyang utas. Bigla akong nawala sa mga iniisip ko. What’s he talking
about? Yumuko ako at tiningnan din iyong pinagkakaabalahan niya at nakita ang
ilang mga gasgas sa palad ko. May kaunting sugat at dugo doon. Napangiwi ako
dahil noon ko lang naramdaman ang sakit at hapdi.
Mabilis kong inilayo ang mga kamay ko sa
kanya at inilagay iyon sa magkabilang gilid ko. Nakita ko namang napalunok siya
dahil doon. Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga mata ko. I did my best
to stare at him with the same intensity.
“Like
I said, I didn’t give you up Jane. Hindi ko alam kung bakit mo naisip ‘yon—”
“I
saw you two,” wala sa sariling sambit ko.
Natigilan naman doon si Geff at naguguluhang tumingin sa akin. “What?”
Nag-iwas ako ng tingin. “I saw you with Angel yesterday morning.
You were too happy... laughing with each other. You both look sweet.” Sa sobrang kasweetan niyo halos masuka ako.
Gusto ko sanang idagdag kaso ‘wag na lang. I sound so bitter... kainis!
“Saan
mo kami nakita? Bakit... bakit hindi ka lumapit?” Huminga
siya ng malalim nang hindi ko siya pinansin. “You know her? How?” dagdag pa niya. I want you frustrated Geff.
Ganyan din ang naramdaman ko noon.
Tulad ng madalas niyang gawin kapag
hindi ako tumitingin sa kanya ay inilagay niya ang daliri niya sa baba ko at
iginiya iyon paharap sa kanya. Nang makita kong muli ang mukha niya ay kumunot
ang noo ko. He looks amused. “Jane.
Please talk. Mahirap hulaan ang utak ng isang Alvarez.”
“Why
are you smiling?” pagtatanong ko nang
hindi na yata niya mapigilan ang sarili mula sa pagngiti.
This time ay natawa na siya. Lalo akong
nairita. Did he find this situation funny? Really?! “Why are you laughing?! May nakakatawa ba?”
“I
just feel like smiling and laughing. Masama ba, Jane?” Kinuha
niyang muli ang mga kamay ko at pinaglaruan iyon. Kanina ko pa napapansin na
madalas niyang banggitin ang pangalan ko. Sinasadya niya kaya ito? I wonder how
it would be like if he’ll call me by my real name...
“Tell
me, Jane. Anong naramdaman mo noong nakita mo kaming dalawa? Sa auditorium ba?
Be honest. I want an honest answer from you,” he
asked me while looking at me straight in the eyes. Bigla akong nanghina sa mga
titig niyang iyon.
“I...”
“Yes?”
pang-uudyok pa niya sa akin.
Inisip ko kung ano nga ba ang naramdaman
ko noong nakita ko silang magkasama kahapon. Ano nga ba? “I can’t breathe.”
“What
else?” paos niyang tanong. Bumagsak na ang
tingin niya sa mga kamay kong hawak niya kaya naman medyo nakahinga ako ng
maayos.
“I
got irate.”
“Because?” He’s enjoying this, no doubt.
“I
got irate because I was hurt.” I was hurt
because of the fact that you can laugh like that when you’re with her.
“Why
did it hurt you? Tell me,” seryoso niyang tanong.
Why does he keep on asking?!
Gusto ko sanang magreklamo ngunit may
kung ano sa mukha niyang nagsabi sa akin na gusto nga niyang malaman ang sagot.
“I don’t know.” Nag-iwas ako ng
tingin. I know where this is going. I have this resolve that I only want him to
be a friend to me. But my heart wants more than that. And it would be wrong to
suggest otherwise. My heart will decide for me this time.
“Do
you want me to spell out the reason for you?” nanunuya
niyang sabi.
Umirap ako. “Hindi mo na kailangang ipaliwanag. I’m aware about the reason at hindi
ko na kailangang ipaliwanag pa sa’yo ang tungkol doon.”
“If
that’s what you want then I’ll just tell you my theory. Please listen, Jane.” Nakuha
nanaman niya ang atensyon ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. At base sa
natutuwa niyang ekspresyon ay alam kong alam na niya ang tungkol doon.
Natawa siya dahil sa pag-irap ko sa
kanya. Naging seryoso rin naman siya nang nagsalita siya. “You’re just jealous... and hurt, tired, confused... and insecure.” Nagpanting
ang tenga ko dahil sa huling salitang sinabi niya.
“I
am not—”
“Yes,
you are,” kalmado niyang pagputol sa sinasabi ko. “Your brother told me... things about you.
Noong una ay hindi pa ako naniwala but I saw it with my two eyes. You’re
insecure about yourself. And now that you know about Angel, you started
comparing yourself to her.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. How dare
kuya...
“You
also have so many doubts about the idea of us together. You’re afraid of being
left behind, hurt and alone. Kaya pinipilit mo ang sarili mong lumayo sa akin.
But of course I won’t let you.
“I...
kept my distance to give you enough time to sort your feelings out. I want you
to recognize your own feelings. Gusto kong malaman mo ang totoo mong
nararamdaman. I want you to see me. I want you to feel me.”
Patuloy lang akong nakinig sa mga
sinasabi niya. Words can never describe my feelings at this moment. I am seeing
Geff as another person... in another perspective. Hindi ko alam na ganito siya
kalalim na tao... at naiintindihan niya ako. Nahihiya ako dahil nalaman niya
ang bagay na iyon tungkol sa akin. Naiinis ako kay kuya dahil sinabi niya iyon
kay Geff. But Geff’s words right now calmed me. And I want to hear more.
It’s like his words heal the most hidden
wounds that cut me so deep, damaged me immensely. And here he is in front of
me, ready to see the lost me, ready to accept the wounded me, ready to love
someone like me...
“I’ve
been waiting my whole life just for you to come around my life.” Hindi
ko na napigilan ang mga luha ko mula sa pag-agos. He’s the very first person,
aside from my family, who made me feel so special, so loved. “I... am falling Jane. I am falling really
hard. And I hope you’re falling too. I can feel it but you are... so... unpredictable,
I feel unsure sometimes but I’ll take all the chances I can get.”
He cupped my face and wiped my tears
away. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. This is too much.
Yes...
I am falling for you Geff. I fell for you a long
time ago. I’m just falling again...
Idinantay niya ang noo niya sa akin at
sinabi ang mga katagang nagpatigil sa mundo ko.
“I
love you, Jane Alvarez. And I think this is the perfect time for this.”
Then he gave me the most special kiss
that every girl dreamt of having.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------