Chapter 41: Identity

Neth’s POV

“Who are you?” punong-puno ng emosyong sabi ni Zayne habang mariing nakatingin kay Eureka na ngayon ay hindi mapakali. “Why do you have to meddle with my life?” dagdag pa niya. Hindi pa rin magawang makatingin sa kanya ni Eureka.

“Wait. No, don’t answer that.” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Eureka at hinanap nito ang kanyang tingin. Nang magtama ang kulay asul na mata ng dalaga sa itim niyang mga mata ay makailang ulit pa siyang napalunok bago naisatinig ang gusto niyang itanong. “What are you?”

“I’m your Angel.” Sa wakas ay nasabi na rin ni Eureka. Halos manghina siya nang narinig ang sarkastikong tawa ni Zayne. “Stop with the metaphors Rika. I’m so sick of it.”

“CUT! CUT! CUT!” mahaderang sigaw ng director namin habang lumalapit nanaman sa stage suot ang nilamukos niyang mukha. Hinipan pa niya ang bangs niya at inayos ang suot na eyeglasses. “Ano ba naman ‘yan Phin! Hanggang ngayon ba naman eh hindi mo pa rin gamay ang character ni Eureka? Masyado kang impassive!” sigaw niya habang maarteng pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay niya. Stressed out na talaga siya. “At ikaw naman Alex, walang kabuhay-buhay ang boses mo! Aba! Bigyan mo naman ng justice ang mga lines mo!” Lumapit sa kanya ang president ng club namin at binigyan siya ng isang bottled water. “Break muna ang lahat! Jusko naii-stress ako!” madrama niyang utas.

Umiling-iling na lang ulit ako at binigyang pansing muli ang binabasang manuscript. Kailangan kasi naming ipasa ‘to sa adviser namin kaya naman ako ang naatasan ng president na iproofread ang lahat ng nandito. As far as I could remember ay photojournalist ako pero ano ang ginagawa ko ngayon? I sigh.

Nakakapitong pages pa lang ako ay nabored na kaagad ako. Ang hirap talaga ngayon dahil pare-parehas kaming mga busy sa kanya-kanyang clubs. Isinara ko ang manuscript at inilagay sa katabi kong upuan. I missed Geff already...

“Phin,” tawag ni Alex kay Phin na ngayon ay biglang nagwalkout. Naihilamos tuloy niya ang mga palad niya sa mukha niya. Natawa ako dahil naalala ko ang ekspresyon ni Miss Director. Halos parehas silang stressed out. Napahinto naman ako sa pagtawa nang napadpad sa akin ang tingin niya at tinaasan ako ng kilay. Ay ang taray lang ah.

Hindi ko na siya pinansin pa at sumandal na lang sa chaise lounge. Medyo inaantok pa ako dahil maaga akong nagising kanina. Nagtext kasi sa akin si Geff na tuturuan daw niya akong magpiano. Ang sabi niya ay ang galing-galing ko raw sa instrument na ‘yon dati pero dahil nga may amnesia ako ay tutulungan niya akong maalala iyon.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya naman napatingin ako doon. Tinaasan nanaman niya ako ng kilay sabay ngiti. “Bakit ka ganyan makatingin?” pagtatanong niya. Lalo tuloy sumingkit ang chinito niyang mga mata dahil sa pagngiti na hindi ko naman alam ang dahilan. Minsan talaga ang creepy nito. “Ang lawak lawak dito, bakit dito ka pa umupo?” pagtataray ko sabay taas din ng kilay pero hindi ko naman kayang isa lang kaya epic fail din.

“What’s with you and the chairs? Pag-aari mo ba?” pang-aasar niya. Aba aba! Kailan pa siyang natutong asarin ako? Parang dati lang ang sungit niya sa akin na para ngang napilitan lang siya noon na papasukin ako sa condo niya dahil gutom ako. Tapos ngayon naman kung makapang-asar akala mo close kami.

Umismid na lang ako at sumandal na lang ulit. Medyo inadjust ko pa ‘yung chair para makahiga ako. Baka magaya ako sa kanila ng director na parehas stressed out. Gusto ko chill lang ako.

Malapit na sana akong makatulog nang bigla akong may naramdamang kumakalabit sa akin. “Hey,” rinig kong sabi niya. Dahil sa inis ay tinalikuran ko siya’t inayos ang unan na nasa ulo ko. Makakatulog na sana akong muli nang kalabitin nanaman niya ako. “Gwyneth...”

“Ano ba?!” Nilingon ko siya’t nakitang gulat siya sa pagsigaw ko. Medyo nakuha pa namin ang atensyon ng iba. Dahil sa inis ay kinuha ko ang unan ko at inihampas sa gulat pa ring mukha ng chinito. “Aray!” inda niya. Tiningnan niya ako ng masama. “Bakit ba ang taray mo?!”

“Bakit ba kasi ang kulit mo?!” iritado ko ring tanong sa kanya.

“Bakit ba ang init ng ulo mo?!” Tumaas pa lalo ang boses niya. Syempre, magpapatalo ba naman ako? “Bakit ba nang-iistorbo ka?! Nakita mo nang nagpapahinga ako eh!”

“Bakit mo ako sinisigawan?! Do you have your period today?”

Nag-init lalo ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Nakita ko naman na ang iba ay natawa pa sa isinigaw ng chipmunk na ‘to. Dahil sa pinaghalong puyat, inis, hiya, at irita ay sinunggaban ko siya at sinabunutan.

“How dare you!” Nagulat siya sa ginawa ko kaya naman hindi niya ako napigilan, hindi siya nakabalanse, at parehas kaming nahulog sa upuan. “What the hell!” narinig kong reklamo niya pero patuloy ko pa rin siyang sinabunutan. Lalo akong nairita nang nakita ko siyang natatawa at mukhang amused sa akin. Pinaghahampas ko pa siya sa mukha pero pinigilan niya na ang mga kamay ko. “Don’t touch the face, Neth. Mahirap na,” makahulugan niyang saad. Inis na inis pa rin ako sa kanya at ewan ko ba pero nagdidilim talaga ang paningin ko sa sobrang inis sa kanya.

Sinubukan kong kunin ang mga kamay ko mula sa mahigpit niyang paghawak doon pero hindi ko magawa. “Bitaw,” utos ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at tiningnan ako. “Bitiwan mo nga ako!” sigaw ko ulit sa kanya at ang ungas ay tinanguan lang ako. Hindi ko na napigilan at sumigaw na ako dahil sa frustration. “Walangya ka talaga Alex! Naiirita ako sa’yo!” Pilit pa rin akong kumakawala sa kanya pero hindi pa rin niya ako pinapakawalan hanggang sa napagod na ako at ako na rin ang sumuko.

“Okay ka na?” nangingiti niyang tanong. Ibinaba ko ang mga kamay ko at sumubsob ako sa dibdib niya.

At doon ko lang napagtanto kung ano ang itsura ng posisyon naming dalawa. Nasa carpeted floor kami ngayon dahil parehas nga kaming nahulog sa mga upuan namin, nasa ibabaw ako ni Alex habang siya naman ay hawak parehas ng mga kamay ko. Kinilabutan ako nang bigla niyang pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa. Mabilis kong iniangat ang ulo ko at nakitang titig na titig siya sa mga kamay ko. “Your hands are too small,” puna niya.

Bigla yatang uminit ang pakiramdam ko lalong-lalo na ang mukha ko kaya naman ikinalas ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya at mabilis na tumayo’t inayos ang damit. Juicecolored! Anong nangyari? Ngayon ko lang narealize na para akong baliw sa ikinilos ko kanina. Tiningnan ko ang paligid habang tumatayo na rin ng maayos si Alex at parang gusto ko nang takbuhin ang distansya namin ng pintuan palabas ng theatre nang nakita kong masuri akong tinititigan ng director namin. Palipat-lipat ang tingin niya mula sa akin na tulala at kay Alex na masyadong abala sa pag-aayos ng buhok niya para mapansin iyon.

Lalo akong nabato nang bigla siyang lumapit sa aming dalawa. Saka lang nag-angat ng tingin si Alex nang kaharap na namin si Miss Director. “Oh, bakit?” walang galang niyang tanong. Tinitigan ko tuloy siya ng matalim pero hindi rin naman niya nakita iyon dahil hinihintay niya ang sasabihin ng director. Tumango-tango naman siya kahit wala pa siyang sinasabi. “Together, you look so romantic—”

“Po?” Napahawak ako kaagad sa bibig ko dahil sa sinabi ko. Ano ba naman ‘yan Neth! Shut your big mouth!

Nagulat naman ako nang bigla akong hinapit sa bewang ni Alex at mayabang na tiningnan si Miss Director. “Yeah? So what?” Sarap talagang hambalusin ng pagmumukha nito lalong-lalo na ‘yang bibig niya. Hindi ba siya naturuan ng paggalang ng mga magulang niya?

At isa pa, ano ‘yang mga kamay na ‘yan na nakapulupot sa akin?

“Oh. Nothing.” Balewalang sabi ni director at pumihit na paalis pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkislap ng mga mata niya. Okay. Anong nangyari?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raph’s POV

“Ano bang nangyari sa inyong dalawa ni Jayvier ‘nung wala ako?” pagtatanong ni Iona na hindi ko na yata alam kung pang-ilang beses. Mula sa nagpapractice na mga teammates ko ay lumipat ang tingin ko sa kanya. Her long hair had been changed into a short one; she cut it. The bright eyes I’ve known since then had been so melancholic now but her uplifting smile hadn’t changed a bit.

Bumuntong-hininga ako’t iniiwas muli ang tingin. “Oh come on! Don’t play mute to me!” she yelled at me. Yeah, I also missed that annoyed voice. “May itinatago ka nanaman ba tungkol kay Miracle?”

This time I hadn’t been able to stop the urge to look at her because of her question. As I look at her innocent eyes, I remembered what Jayvier had told me about Miracle. Did she already know everything but pretended not to? Damn, if ever that was the case, I can’t even gauge how hurt she is right now. How does that make me as her brother? I can’t even save my sister from her own pain and distress.

Suddenly, Iona complained peevishly. “How can I handle you two? Nakakainis kayo pareho! You can’t even talk to me! Come on Raph! Be reasonable! Ako ang nahihirapan sa inyong dalawa!” she continuously exclaimed without breathing while looking daggers at me.

Then all of a sudden, an idea occurred to me. Tiningnan ko bigla si Iona at ngumiti. Nagtaka naman siya sa reaksyon ko. “What’s with the spooky smile and vibrant eyes?” she cynically asked.

“Can I ask you a favor?” I know I can ask her any favor without even asking. But I asked her anyway. “Sure! Anything basta ba magbati na kayo ni Jayvier. Ayoko nang nagtatagal ang away niyo.” Tumango-tango na lang ako.

I’ll help my sister in any way I can.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jane’s POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nasasaksihan ko ngayon sa harapan ko. Nararamdaman ko na rin ang pagtingin sa akin ng ilan sa mga estudyante. Sa totoo nga lang ay mas malala pa ito kaysa noong nalaman ng halos buong student body na ako ang nag-iisang kapatid ng iniidolo nilang si Alec Alvarez. Kung pwedeng maglagi na nga lang ako sa past at doon na lang ako kaysa dumating sa puntong pinapanuod ko ang sarili kong kumakanta sa isa sa 50 flatscreen monitors na nagkalat sa buong campus.

Each clubs will make their own exclusive advertisement that will catch the eye of anyone who’ll see it. This is also to spell out what kind of production we’ll have on the day of the Feast Day.

In fact, I just want to be a part of something big. Not to be the star of something big!

Pauwi na sana ako dahil tapos na ang practice namin sa araw na ito. It was exactly 6:03 in the evening, after the Angelus, that I started walking past the hallway when suddenly those big flat screen monitors spring to life and broadcasted our’s and Crimson’s advertisement, me singing without you as the intro while having glimpses of the event, the practices and the actual foreseeable appearance of the venue — which is the auditorium itself. At ang nakakalokang part? Ipinakita ang pagkanta ko ng high notes doon.

I just want to get out of here.

But first things first. Kailangan kong mahanap sila Derrick at Michael para mahampas ko ang mga pagmumukha nila. Ngayon alam ko na kung para saan ang mga misteryoso nilang ngiti at pagtingin-tingin sa isa’t isa kanina na para bang may masama silang binabalak. Naku! Lagot talaga sila sa akin!

Paliko na sana ako sa hallway papuntang auditorium nang may nakabangga akong paliko naman sa kabilang hallway. Muntik pa akong sumubsob sa sahig kung hindi lang niya maagap na nahawakan ang magkabila kong braso. Nang nakuha ko na ang balanse ko ay tiningnan ko iyong lalaki para magpasalamat. Medyo natatawa pa nga ako dahil naaalala kong ganito rin ang una naming pagkikita ni Phin.

 “Thank you—” ngunit napahinto ako nang nakita ko ang mukha niya. Those very enigmatic yet expressive eyes, the straight nose that I came to get by from my dream to the papers in my notebook, the lips that I particularly see as I look at myself in the mirror.

As if I had a hard time breathing, I gasped for air.

“Sorry,” he casually said and didn’t even bothered looking at my eyes before he continue walking as if nothing had stopped him.

Bumilis bigla ang pintig ng puso ko at sa nanginginig na mga tuhod ay lihim ko siyang sinundan. Flashbacks of the fire incident 8 years ago clouded my mind. The last words he uttered before he was killed keep on resonating in my ear that I even doubted if it came from my imagination or reality.

But one thing’s for sure. I’m sure what I just saw earlier. I’m certain about that guy’s identity. I can’t have a false impression. My mind could be suffering from some kind of abnormality but I would know that face anywhere in the world.

Nahihirapan na akong huminga at umiinit na rin ang paligid ng mga mata ko ngunit patuloy ko pa rin siyang sinusundan. Nakita ko pang medyo huminto siya kaya naman nagtago kaagad ako sa gilid ng isang statue. Kinuha niya ang phone niya at sa tingin ko ay nagtext bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Aalis na sana ako sa pinagtataguan ko nang bigla na lamang may marahang humila sa braso ko at tinawag ang atensyon ko.

“Hi miss,” rinig kong sabi ng isang mahinhing boses. Hindi ko iyon pinansin. Nakita kong umakyat siya sa second floor ng North East building kaya nagtaka ako. I know for sure that he’s not one of the students here dahil sa uniform na suot niya. Ano naman kaya ang sadya niya doon? Puro department offices naman kasi ang naroon. Pati ang office ng student council ay naroon din.

Mas humigpit ang hawak sa akin ng babaeng tumawag sa akin. “Miss, saan ba dito ‘yung office ng dean? Kailangan ko lang talagang malaman.”

“I’m sorry pero hindi ko alam.” Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin at inialis ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napapaisip pa rin kasi ako kung ano ang sadya niya sa school namin. But of course more than anything, I want to talk to him. I will not take any of it if my mind is only playing tricks on me.

“Miss, please? Wala lang talaga akong mapagtanungan,” pagmamakaawa niya. Kaya naman hinarap ko na siya para makaalis na ako kaagad.

“Walk along the pathway there—” panimula ko ngunit napatigil din nang namukhaan ko ang mahinhing babaeng nagtanong sa akin.

Oh my God. Seriously?

“Doon ba?” pagtatanong pa niya habang tinuturo iyong sinabi kong pathway. Dahil parang nawalan ako ng lakas ay tumango na lang ako’t iniwan siya. Narinig ko pa nga ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

They’re both in here, showing their faces in front of me, inside this school... as if I’m no one. Gusto ko silang parehas pagsusumbatan pero naalala kong ibang mukha pala ang suot ko ngayon. I didn’t have the face of Angel Miracle kaya paano naman kaya nila ako maaalala?

Buhay siya. That’s the fact I’m thankful and surprised about. Buhay na buhay siya, humihinga, at palagay ko ay nasa mabuting pangangalaga siya. He’s studying at Alfwold Clement, one of the prestigious universities in the country. Nalaman ko iyon dahil sa suot niyang id lace kanina. All along I thought namatay siya dahil sa mga lalaking pumasok sa Yllana Mansion noon. I thought I’d already lost him. God knows how thankful I am right now but how am I supposed to tell him my identity? Nandito rin si Neth... si Angel.

At hindi malabong magkita sila dito. Pero paano kung alam na niya na buhay si Angel? Hindi kaya, iyon ang rason niya kung bakit siya nandito?

At ang babaeng nagtanong sa akin kanina. I wasn’t able to remember my memories with her pero nang nakita ko siya kanina, ang unang pumasok sa isip ko ay iyong lumang picture kung saan naroon kami ni Angel at ang kaibigan naming si Tim.

Tim. She’s that girl. I’m sure of it.

I’m literally spacing out dahil ni hindi ko namalayang nasa may parking lot na ako at mukhang lutang na naglalakad. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko namalayang may biglang lumikong sasakyan mula sa pagkakapark nito at sobrang bilis nitong nagpatakbo patungo sa akin. Kitang-kita ko ang liwanag na nagmumula sa headlights nito na tila nagpabulag pansamantala sa akin.

And I was petrified when flashes of that accident suddenly burst out in my mind.

“See you tomorrow,” Drick said as he tucked my hair at the back of my ear. “I’ll see you first in the morning so don’t worry, okay?” pagpapagaan pa niya sa loob ko.

Katatapos lang naming magpicnic sa ilalim ng punong iyon, kung saan kami unang nagkita,kaya naman sinabi kong umuwi na siya dahil gabi na at baka hanapin na siya ng mga magulang niya.

Humalukipkip siya habang umaatras palabas ng gate ng Heaven Orphanage at nakaharap sa akin. “You know what? I still can’t get over the fact that you uttered my name for the very first time. But why Drick? You tend to call me Drew back then, right?” kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi niya.

“Because that was how ‘she’ calls you” I want to tell him but that will only blow my cover.

Narinig ko ang malakas na pagpreno ng sasakyan. Muntikan na iyong bumangga sa akin ngunit kahit na gano’n ay nanghina ang buong katawan ko dahil sa halo-halong emosyon at sa lahat ng mga alaalang bumabalik sa akin. Bumagsak ang mga tuhod ko sa malamig na semento, yumuko at hinawakan ang ulo ko. Nararamdaman ko kasi ang unti-unting pagsakit nito.

“Bye,” sabi niya nang nakangiti. I can even see now the longing in his eyes.

I returned his smile with my own and waved at him sheepishly. “Bye,” sabi ko sa mahinang boses but that was enough to make him smile broadly.

Bumalik na ako sa loob ng social hall ng orphanage kung saan naroon si Sister Carmen matapos kong ihatid si Drew sa gate. Napagdesisyunan kong bumalik na lang sana sa kwarto ko nang biglang nakita ko si Sister Carmen na tumatakbo papunta sa akin.

“Nakauwi na ba si Drew?” Tumango lang ako sa natatarantang si sister. Nag-aalala naman siyang napatingin sa gate. “Paano ba ‘to? Nalimutan niya ‘yung passport niya sa kwarto niya.” Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa antisipasyon na makikita ko siyang muli kaya naman mabilis kong kinuha ang passport ni Drew na hawak ni Sister Carmen at mabilis na tumakbo patungo sa gate. Nang nakalabas na ako sa orphanage ay nagdalawang isip pa ako kung saan siya lumiko at ipinagdasal ko na lang na sana ay tama ang tinahak kong daan.

Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na siyang nasa gilid ng isang mukhang mamahaling sasakyan habang may kausap na isang lalaking naka coat and tie. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nagdalawang –isip pa ako kung lalapitan ko ba siya o hindi ngunit nang tumalikod iyong kausap niyang lalaki para sumakay sa passenger’s seat, dahilan para makita ko ang buo niyang mukha, ay halos gumuho ang mundo ko.

Narinig ko ang malakas na pagkalabog ng pintuan ng sasakyan at sa paglapit ng kung sino man ang driver ng sasakyan. Mabilis niyang hinawakan ang mga braso ko.

“Miss, okay ka lang—” natatarantang tanong ng isang lalaki ngunit napahinto nang nasulyapan ang mukha ko. “J-Jane?”

Mariin pa akong pumikit dahil sa pagpintig ng ulo ko. God, I can’t take the pain...

Hindi ako lumabas ng kwarto ko kinaumagahan. I was a total wrecked to let him see me like this. Sinabi ni Sister Carmen na naroon na si Drew sa labas ngunit ang sabi ko ay masama ang pakiramdam ko. Halos isang oras daw siyang naghintay doon ngunit si sister na rin ang pumilit sa kanyang umalis na lang. Nag-aalala sa akin si sister noon dahil hindi ako tumitigil mula sa pag-iyak.

Naalala ko iyong lalaking kausap ni Drew noong gabing iyon. Mendez... Drew’s a freaking Mendez! Bakit hindi ko kaagad naisip iyon? Hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan na kamag-anak niya ang lalaking iyon. I just can’t.

Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng orphanage. Mabuti na lamang at hindi ako nakita ni Sister Carmen noon. Nasa may highway na ako noon nang nakita ko ang naglalakad na si Drew.

“Drick!” Paulit-ulit ko siyang tinawag ngunit hindi niya ako narinig. “Drick!” sigaw kong muli at sa kabutihang palad ay narinig na rin niya ako. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako. Kahit na nakapaa lamang ay tumawid ako para makalapit sa kanya. Hindi dapat ako magalit sa kanya. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa akin na kamag-anak niya ang lalaking iyon. He knew very well how I loathe that man.

Ngunit hindi ko na iyon nagawa pa nang nangyari ang aksidente.

“MIRACLE!”

“Jane. Jane!” paulit-ulit niyang tawag sa akin. “Damn. You’re shaking! Saan masakit?”

“Nous devons garder tout aussi confidentielle que possible, princesse. Bon? Puis-je vous faire confiance?” I heard my father’s, Alfonso Yllana, voice at the back of my mind.

I shook my head repeatedly, trying to clear my mind. Pero ramdam na ramdam ko pa rin ang pagsakit ng ulo ko at para bang may pumipiga sa utak ko. Naramdaman ko na rin ang pagtulo ng mga luha ko.

Hinawakan ng estranghero ang mukha ko at narinig ko ang sunod-sunod niyang pagmumura. Hindi ko man lang mabuksan ang mga mata ko dahil sa sakit kaya naman hindi ko makita ang mukha niya ngunit napakapamilyar ng kanyang boses. The pain is already too much to think about who the driver was.

Bigla na lamang niya akong sinikop mula sa pagkakalugmok at dinala sa kanyang sasakyan. Maingat niyang inayos ang seatbelt sa akin at mabilis na umikot papuntang driver’s seat. Halos lumipad pa nga ang sasakyan dahil sa bilis niyang magpatakbo.

I did the routine. Inhale. Exhale. Paulit-ulit ko itong ginawa at kalaunan ay medyo kaya ko na ang sakit ng ulo ko. Hanggang sa binuksan ko ang mga mata ko at tanging pagkahilo na lang ang nararamdaman ko. Nilingon ko rin naman kung sino ang driver at nagulat nang malaman kung sino iyon. Mariin siyang nakahawak sa steering wheel na kulang na lang ay masira iyon.

Nang naramdaman siguro niya ang titig ko ay tumingin na rin siya sa akin. Puno ng takot ang mga mata niya. “How are you feeling? Saan ba ang masakit?” tuloy-tuloy niyang tanong.

Pinagmasdan ko ang mukha niya at naalala nanaman ang nakita ko sa alaala ko. Pumikit ako at nakaramdam nanaman ng sakit. But it is a different pain at nanggagaling iyon sa dibdib ko.

“Saan mo ako dadalhin?” namamaos kong tanong. Ramdam na ramdam ko talaga ang panghihina. Sinulyapan nanaman niya ako at ibinalik din naman kaagad ang tingin sa daanan. “I’ll bring you to the nearest hospital.”

“‘Wag na. I’m fine,” I said curtly.

Nakita ko nanaman ang pag-igting nga mga muscles niya sa braso dahil sa mariing paghawak sa steering wheel. “You don’t look like fine to me.” Rinig na rinig ko ang inis sa boses niya.

Kinagat ko ang labi ko at kinalma ang galit na namumuo sa puso ko, if that’s even possible. “Stop the car,” I said with conviction. I won’t be trapped in your words again Mendez.

“No,” mariin naman niyang sagot at mas lalo lang binilisan ang pagmamaneho.

I looked at him with disbelief. “Stop pretending as someone that you’re not Geff.” Nagulat ako nang bigla niyang kabigin ang manibela pakanan at marahas iyong inihinto. But still, I held my ground.

Mabilis niya akong binalingan. Nakakunot ang noo niya at tila galit na galit sa sinabi ko. “What do you mean exactly? Gusto kitang dalhin sa ospital dahil alam kong hindi ka okay! You looked so damn pale earlier and I have no idea what to do with you!” frustrated niyang sinabi.

Umiling ako. Like I said, I will not be fooled again. “I know you’re just doing this again to get to me, but I won’t be that same girl again who let you all deceived me! No, I won’t.” Umawang ang bibig niya at ako naman ay natawa. I might be insane. “You look so concerned but I knew better. Don’t worry, hindi ako nabangga ng kotse mo. I was just spacing out earlier so stop acting. Ignore me like you used to do for the past days and I’ll be grateful to do the same.”

Natulala lang siya sa mga sinabi ko. Umiling lang ako at binuksan ang pintuan ng sasakyan para makalabas. Mukhang nahimasmasan naman si Geff nang nakita iyon. Tinawag niya pa ang pangalan ko ngunit nagsimula na akong maglakad palayo. We are now at the side of a busy highway ngunit wala akong ibang naririnig kundi ang boses niyang tinatawag ang pangalan ko. He kept on calling me pero hindi naman niya ako sinundan. Hanggang sa mukhang napagod na siya and I heard nothing.

Ang sakit sakit ng puso ko. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Ano ba ang nagawa ko sa past life ko at mukhang kinakarma yata ako? Karma’s really a bitch. Natawa nanaman ako sa sarili ko. Bakit ko ba itinatanong ang bagay na ‘yon ngayong alam ko na ang sagot? I did a very childish act. In fact, hindi naman talaga si Geff ang pinapatungkulan ko kanina tungkol sa pagpapanggap na ginagawa niya. Acting like someone na nag-aalala sa akin... na nagmamahal sa akin.

Sarili ko ang tinutukoy ko noong sinasabi ko sa kanya ang bagay na ‘yon. I chose to be someone that I’m not. I acted to be someone to deceive him. I traded my identity to be someone else.

Yes. I put on an act in front of them. I pretended to be Angel Liberty Yllana in front of Geoffrey Mendez when we were in that orphanage.

And I disgust myself now because of it.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------