Jane’s POV
Pagkahatid sa
akin ni Jayvier ay walang gana kong tinungo ang elevator sa pad at hinintay
iyong dumating sa ground floor. Nakita ko ang sariling repleksyon sa metal
doors nito at pinagmasdan ang mukha ko. Naalala ko lahat ng mga nangyari ngayong
araw at sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay naramdaman ko nanaman ang
pangingilid ng luha ko.
Unti-unti ko
nang nakikita ang mga kasagutan sa ilan sa mga katanungan ko. I don’t know
actually if it’s a good or bad news for me. Gusto kong maging masaya dahil sa
wakas, maaalala ko na lahat ng childhood memories ko. Iyong masasaya... iyong
masarap balikan. Pero kasama ng mga iyon ay ang mapapait na alaala.
Pagkarating ko
sa room namin ni Al ay sumalubong na kaagad sa akin ang masarap na amoy ng
pagkain. Kumunot naman ang noo ko nang nakita ang bag ni kuya na nakalagay sa
ibabaw ng sofa.
“Kuya?” pagtawag ko sa kanya. Pumunta ako sa kitchen at
nakita ang naka-apron na si kuya. Muntik pa akong matawa dahil kulay pink iyon.
Tinakpan niya muna iyong niluluto niya bago ako nilapitan at hinagkan.
“How’s my princess?” pagtatanong niya sabay halik sa noo ko. Iwinaksi ko
muna lahat ng mga negatibo kong nararamdaman at nginitian si kuya na ngayon ay
pinagmamasdan ako ng mabuti.
“I’m fine. Napagod lang sa sobrang dami ng
activities sa school.” Ipinagpatuloy
pa rin ni kuya ang pagsuri niya sa akin. Ngumuso ako. “You know... malapit na kasi ang Feast day ng academy,” dagdag ko
pa. Ang lakas talagang makaramdam nitong si kuya, minsan ang hirap
magsinungaling.
Dahan-dahan
naman siyang tumango nang na-satisfy na siya sa sagot ko. “Okay.”
“Bakit ka pala nandito? Wala ba kayong practice
ngayon?” usisa ko.
Dinaluhan muli ni kuya iyong niluluto niya kaya umupo na lang ako sa may
kitchen island. Iginala ko ang paningin nang may mapansin. “Teka, nasaan si Al?”
“May binili lang sa convenience store,” sabi niya sa maliit na boses. Muntik ko
pa ngang hindi iyon marinig. “Talaga?
Anong binili?” pagtatanong ko pa. Naging mailap ang mga mata niya at naging
mas malikot ang mga kamay, naghahanap ng pwedeng gawin. “Dunno,” sabi niya.
May napapansin
talaga akong kakaiba. Actually, hindi ko nga alam kung ang dahilan talaga kung
bakit hindi na siya masyadong bumibisita dito ay dahil busy sila sa practice o dahil...
may iniiwasan siya. I have this inkling that it is the latter.
Hindi ko na
inusisa masyado si kuya at dumiretso na lang sa kwarto ko. Ibinaba ko na lang
ang bag ko sa study table at sumalampak sa kama. I’m tired. Gusto ko na lang
itulog lahat ng mga nararamdaman kong hindi maganda ngayon. I’m exhausted, my
heart and body. Ganito ba kapag heartbroken? Grabe, heartbroken kaagad? Hindi
ba pwedeng may pinagdadaanan lang? Bumuntong-hininga ako.
Maaga akong
gumising kinaumagahan. As usual, wala na si kuya, mukhang mas maaga pa yatang
nagising sa akin. May nakadikit lang na post it sa ref.
‘Jay, I cooked something for you. Nasa table lang.
Hope you’ll like it, it’s your favorite. =)’
Naligo muna ako
bago kumain. Medyo nagtagal pa nga ako doon dahil nagbabad pa ako sa ilalim ng
shower. Pagkatapos ay nagsuot lamang ako ng simpleng blouse at fitted jeans
bago lumabas ng kwarto. Pwede naman kaming magsuot ng ganito since wala kaming
class sa araw na ito para sa mga gagawing preparations sa Feast Day.
Nagningning ang mga mata ko nang nakita iyong ulam na niluto ni kuya. Cauliflower.
Kinain ko iyon
ng mabilisan. Gusto ko na kasing pumasok at hindi ko kaya ang sobrang tahimik
dito sa pad. Wala kasi si Al at doon muna siya nakitulog sa isa niyang
kaibigan. Kaibigan niyang hindi ko kilala. Nagtext siya sa akin kagabi at
nagpaalam na hindi raw siya sa pad namin matutulog nang gabing ‘yon.
Mabilis rin
naman akong nakarating sa school dahil wala pa naman masyadong traffic. Dahil
nga walang mga class ngayon ay dumiretso na kaagad ako sa auditorium since iyon
na ang magiging tambayan namin sa mga susunod na araw para sa mga practice
sessions. Tiningnan ko ang wristwatch ko nang nakita kong may ilaw na sa loob
ng auditorium. It’s still 6 in the morning. Ang aga naman yata nila?
Binuksan ko ang
double doors nito at halos umatras nang nakita kung sino ang naroon.
Tulad noong una ko silang nakitang magkasama. Naroon silang dalawa sa upuan sa tapat
ng pianoforte at nagtatawanan. Pumipindot si Neth ng mga keys at kapag pangit
ang lumalabas na tunog doon ay nagtatawanan sila. Hanggang sa ipinatong na ni
Geff ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ni Neth at inalalayan ito sa key na
dapat pindutin.
Parang may kung
anong sumuntok sa puso ko at naninikip iyon. Iyong mga paa ko ay parang
nagkaugat at hindi ko na maigalaw. Oh
come on Jane! Move your damn feet!
Binalak kong
hanapin si Geff kahapon para makuha ko na ang sagot niya sa tanong na kahapon
pa ako ginugulo. Pero umalis siya kaagad at hindi ko na siya nahabol pa dahil
nakita ko rin naman si Jayvier. And now, parang ayoko na siyang tanungin. Bakit
pa?
This, what’s in front of me, is my confirmation. Kaya bakit pa ako magtatanong?
Sinasampal na ako ng katotohanan sa mukha pero walangya lang.
Ang sakit.
Angel... Angel... kung gano’n, siya ang tinutukoy ni Geff. Iyong
minahal niya sa nakaraan niya. Iyong hindi niya magawang malimutan.
Iyong Angel na nakikita niya sa akin.
Ibig bang
sabihin nito, naaalala na niya ang lahat?
Angel Liberty... bumalik na nga ba lahat ng mga alaala mo? Kaya ba naging
malapit siya kay Geff? Ipinakilala ba niya ang sarili niya sa kanya? Pero paano
sila naging magkakilala? Paano?
What about me? What about me? Ano ang papel ko dito?
Sino ako?
Sinulyapan ko
silang muli at nakita ang masasayang ngiti ni Geff habang nakatingin siya kay
Neth gamit ang mapupungay niyang mga mata.
Pumihit ako at
dahan-dahang lumabas ng auditorium. Nang nakalabas na ako ay sunod sunod na
paghinga ang ginawa ko. Para bang sa mga panahong nasa loob ako ‘non at
pinanonood sila ay hindi ako humihinga.
Tulad kahapon ay
naglakad nanaman ako ng walang direksyon. Basta, kung saan ako dalhin ng mga
paa ko ay doon ako pupunta. Walang pakialam sa paligid. Walang pakialam sa mundo.
Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa rooftop. Sinalubong
ako dito ng malamig na simoy ng hangin kaya naman sumabog ang mahaba kong
buhok. Wala naman akong balak pang ayusin iyon.
Umupo ako sa
gilid at inilabas iyong notebook kong parang diary na rin. Unang beses ko pa
lang itong dinala rito at mukhang magandang naidala ko nga iyon ngayong araw.
I need a companion.
Binuklat ko iyon
at ang unang bumungad sa akin ay iyong sketch ng isang babae na nakahandusay sa
isang malamig na daan na naliligo sa sariling dugo. Sa tabi naman nito ay isang
black na minivan. Malapit dito ay isang lalaking tulalang nakasaksi sa lahat ng
mga nangyari.
Ito ang unang
panaginip na gumulo sa akin. Paulit-ulit na para bang itinatatak talaga sa utak
ko ang pangyayaring iyon. Ang pagsigaw ng batang lalaki ng Miracle. Ang takot at pagkataranta sa boses niya. Lahat ng mga
detalye, tumatak sa akin. It haunted me for days. Hanggang sa umabot na sa
puntong sumisigaw na ako habang natutulog. Masyado na akong apektado sa
panaginip na iyon. Para bang, naging malinaw sa akin, hindi lang ang alaalang
iyon, kundi maging ang pakiramdam noong nangyari iyon
The dream was
too vague, but my heart recognized it. It was part of my memory.
Isinara ko iyong
notebook at tumingala sa langit. Medyo madilim pa rin ngunit alam kong ilang
minuto na lang at lalabas na rin ang araw. Natanaw ko pa mula rito iyong
crescent moon kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Then another
memory flashed in my mind. The memory that came back to me when I was
kidnapped.
Alaala iyon,
noong panahong nakakulong ako sa sarili kong kwarto at naghihintay sa
pagbabalik niya. Pagbabalik ng isang taong hindi ko kilala. Taong hindi ko
kilala ngunit nagparamdam sa akin ng isang bago at kakaibang emosyon. Pinagtakpan
ako ng kambal ko. Sinabi niya sa lalaking hinihintay ko na lumipat daw siya ng
kwarto simula nang araw na nagkita sila. She
told him she was me. Pero tanggap ko iyon... dahil alam kong
pinoprotektahan lamang niya ako.
Pero saan? At
sino ba ang batang lalaking iyon? Si Geff ba?
Pero nagkakilala
kami ni Geff sa orphanage. Sa Heaven
Orphanage to be exact. Kaya naman imposible na doon kami sa Yllana Mansion
nagkakilala. We’re too young that time.
But who was that little kid I can’t make myself
forget? Whom I can’t wait to see during that time? Whom my sister lied to?
Then memories
with Geff flooded my mind. I remembered the first time we’ve met. I told him...
I told him...
... I was Angel.
But I was known
as Miracle... not Angel.
But he was
calling me Miracle noong mga panahong iyon kahit na nagpakilala ako bilang si
Angel. I am Angel Miracle, that’s for sure.
Pero may
bumabagabag pa rin sa akin. Gusto kong tanungin si Geff kung sino iyong minahal
niya sa nakaraan niya. Iniisip ko na ako ang tinutukoy niya ngunit nakita ko na
kanina ang sagot sa tanong ko.
He already saw
Angel.
Angel Liberty.
Pero ano ang
kahulugan ng mga alaala ko kasama si Geff sa orphanage na ‘yon? Did my mind
just trick me? Was that even possible?
Naguguluhan ako
ngunit isa lang ang sigurado ko. Gwyneth Clementine was the Angel Geff was
referring to. I didn’t know how the hell did that happen and I have no plan of
knowing.
Masakit na. Dadagdagan ko pa ba? At isa pa, Geff gave up. He
already gave up kahit wala pa siyang nasisimulan, kahit wala pang nagsisimula.
Nakakainis. Pakiramdam ko ay pinaglaruan lang niya ako. What was with his
lines? Ano iyong mga sinasabi niya sa akin na para bang ipinapakita niyang
mahalaga ako sa kanya? Ano ba kasi ang kahulugan ng mga iyon?
Or perhaps I’m
at fault here. Binigyan ko ng kulay lahat ng mga iyon. Masyado akong mabilis na
nagtiwala. At ngayon na nagsawa na siya, na sumuko na siya, sino ang
nahihirapan? Ako pa rin. Life is just too unfair.
I closed my eyes
when I felt the unfamiliar pain in my chest. Then I felt hot liquid stream down
my face. Ayoko na.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Naramdaman ko
ang pagpatak ng kung ano sa likod ko. Balak ko pa sanang huwag pansinin iyon
ngunit sunod-sunod na ang naramdaman kong iyon hanggang sa narealize ko kung
ano ang nangyayari.
Umuulan! Mabilis
kong iniangat ang ulo ko mula sa pagkakatungo sa tuhod ko at kinuha ang bag ko.
Kumunot ang noo ko nang nakita kong nakabuklat ang notebook, na yakap ko
kanina, sa gilid ko pero sinikop ko kaagad iyon at inilagay sa bag bago tumakbo
papasok ng pintuan paalis ng rooftop. I can’t believe that I fell asleep like
that. Tiningnan ko pa ang wristwatch ko at napagtantong dalawang oras akong
nakatulog. Kinuha ko rin ang phone ko mula sa bulsa ko at nakita ang 23
messages at 45 missed calls. Seriously?
Most of the
texts and calls were from Kuya Nathan and Al. Tig-iisang messages at ilang
calls naman sila Michael, Derrick, Amirah, at Chenille. Pare-parehas silang
nagtatanong kung nasaan ako.
Tinakbo ko ang
hallway papuntang auditorium at nang nakarating ako doon ay tanging si Michael
at Derrick lang ang nakita ko. Tumungo kaagad sa akin ang naglalakihan nilang
mga mata saka nilapitan ako. Medyo kinabahan pa nga ako dahil ang bilis nilang
tumakbo papunta sa akin at mukhang dadambahin pa ako.
“Saan ka galing?” nakakunot noong tanong sa akin ni Derrick nang nasa
harapan ko na sila. Tiningnan naman ako ni Michael mula ulo hanggang paa,
mukhang sinusuri kung kumpleto ba ang parte ng katawan ko o hindi. Halos matawa
naman ako sa reaksyon nila pero pinigilan ko ang sarili ko. Mukha kasi silang
nag-aalala. Nakikita ko tuloy sa kanila si kuya.
Nagkibit-balikat
ako at ngumuso. “Nakatulog ako. Hindi ko
rin namalayan ‘yung oras kaya na-late ako.”
“Pasaway ka talaga. Halos mataranta kami ‘nung
sinabi ni Liz na nawawala ka,” nangingiting
tugon ni Michael, tila may naaalalang nakakatawa. Wala na rin iyong pangamba na
halatang-halata sa mukha niya kanina. Medyo nakonsensya tuloy ako.
“Yeah. She went hysterical earlier kaya nataranta na
rin kami,” dagdag pa ni
Derrick. Ginulo niya bigla ang buhok ko. “Matuto
kasing magparamdam kapag may pupuntahan, okay? Matuto ring magreply at sumagot
sa calls. You have no idea what happened here, total chaos.” Umiling-iling
pa siya ngunit natatawa na rin.
Natawa na rin
ako dahil kahit hindi ko nakita ang nangyari dito kanina ay naiimagine ko na.
Katulad ni kuya ay OA rin magreact ‘yang si Al. Bagay nga ang dalawang ‘yun eh.
Nang sinabi nila Michael at Derrick na hinahanap ako nila Al ay nagtext na ako
sa kanila na narito na ako sa auditorium. Nakita ko pang hawak din nila Michael
at Derrick ang mga phone nila. Mukhang tine-text na rin nila ang iba.
Huminga ako ng
malalim nang napagtanto kong hindi man lang niya
ipinakita na nag-aalala siya. Ni wala akong text o tawag na natanggap galing sa
kanya. Ipinilig ko ang ulo ko at hindi na binigyang pansin ang bigat na nararamdaman
ko.
From: Best Al
Walangya kang babae ka! Halos halughugin ko ‘tong
buong campus mahanap ka lang! Saan ka ba sumuot? Lagot ka talaga sa akin kapag
nagkaharap tayo! Pinagod mo ako!
Ang sweet talaga
ng bestfriend ko. Punong-puno ng threats ang text niya. Yeah, that’s her way of
saying na nag-alala siya. Sweet talaga. Napangiti na lang tuloy ako.
“Magpractice na lang daw muna tayo. May pupuntahan
daw kasi ang mga girls,” sabi
ni Michael habang nakatingin pa rin sa phone niya at mukhang seryosong-seryoso
sa pagbabasa ng kung ano doon.
Pumunta na kami
ni Derrick papunta sa stage. Sumunod din naman kaagad si Michael.
“Paano kayo makakapagpractice kung wala sila Grace
at Darren? Sila vocals natin di ba?” Final decision na iyan dahil hindi ako pumayag na gawin
nilang vocals. Baka kasi takbuhan ako ng vocal chords ko kapag humarap na ako
sa maraming tao, masira ko pa ang concert.
“Then you take their place just for this hour.
Kailangan ko rin kasing pag-aralan ang part ko. Di ba Rick?” Kumunot ang noo ko nang may mapansing
kakaiba kay Michael. Para siyang batang inosente at ang paraan ng pagtingin
niya sa akin, parang batang nagmamakaawa.
Humalukipkip
naman si Derrick habang nakasabit na sa balikat niya ang bass guitar niya. “Me too. I need to practice my part so...” Nginitian
ako ni Derrick. Naaalala ko tuloy ‘yung unang pagkakataon na hinayaan ko ang
sarili kong tumugtog at kumanta at the same time kasama sila. Noon kasing
nag-audition kami nila Al at Grace for WSMC membership ay tanging si Amirah
lang ang judge.
Bumuntong
hininga ako at wala nang nagawa pa. “Okay,”
sabi ko na lamang. Makahulugan namang nagtinginan sila Derrick at Michael
sa isa’t isa at may mga ngiting wagi sa mga mukha nila.
Papunta na sana
ako sa upuan sa tapat ng pianoforte ngunit napahinto ako nang maalala ang
nasaksihan ko dito kanina. Bakit ba kanina ko pa sila naaalala? I mentally
admonished myself.
Pumikit ako at
pilit tinanggal ang imaheng iyon sa utak ko.
“Anong kanta pala ang ipa-practice niyo?” baling ko sa dalawang ugok na parang mga
baliw pa rin na nakangiti’t nakatingin sa akin. They actually creeping me out
pero napapangiti na lang ako sa mga kilos nila.
“Without You pa
rin,” sagot ni
Michael. Tumango naman ng sunod-sunod si Derrick.
“Ang weird niyo.” Hindi ko na napigilang hindi punahin ang mga kilos
nila. Laking gulat ko naman nang bigla silang naghagalpakan sa tawa. “Ano?” natatawa kong tanong. Hindi ako
makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Halos tumambling na si Michael dahil
nakayuko na siya mula sa pagkakaupo at yakap-yakap ang tiyan niya. Si Derrick
naman ay namumula na ang mukha at ang palad niya ay tinatakpan ang bibig niya.
Humalukipkip na
lang tuloy ako at hinintay silang matapos. “Tama
na nga!” sigaw ni Michael kay Derrick pero siya mismo ay hindi pa rin
tumitigil. “Look who’s talking!” salida
naman ni Derrick.
“Magpa-practice tayo o hindi?” pagtataray ko kahit mukhang epic-fail
naman dahil natutuwa ako’t ngayon ko lang sila nakitang ganyan tumawa.
Tumikhim si
Derrick na hanggang ngayon ay namumula pa rin mula sa pagtawa at hinampas ng
stick ng drum si Michael sa ulo.
Matapos ang
kulitan na hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal ay nagsimula na kami.
Ewan ko ba at mukhang hindi ako nahihiya kapag sila ang nakakarinig ng boses
ko. Maybe because I’m at ease when I’m with them. They’re like a family.
Tiningnan ko ang
pyesa na ipinahiram nila sa akin at pumindot na sa keys. Medyo binagalan ko ang
pagpindot doon, hindi tulad ng way ng pagtugtog ni Chenille sa piano niya.
Iyong tinugtog kasi nila kahapon ay may pagka-pop music but I want it to be a
ballad now. Same pa rin naman pero nagkaiba lang sa tempo. Tiningnan ko pa si
Derrick at Michael kung okay lang ang ginagawa ko. Parehas silang nag thumbs up
sa akin.
Ibinalik ko ang
atensyon ko sa pagtugtog at ilang segundo pa ay sinimulan ko na iyong kantahin.
‘I can't win, I can't reign
I will never win this game
Without you
Without you
I am lost, I am vain
I will never be the same
Without you
Without you.’
Pumikit ako at
dinama ang kanta. Yes. I’ll never make it through without those lost memories.
Ngayon pa lang na unti-unti nang bumabalik sa akin ang lahat ay saka naman ako
naduduwag. Dahil sa mga alaalang iyon at sa mga sinabi ni Geff, lalo lang akong
naguluhan. I might lose myself in this fight. Kakayanin ko ba ‘yon? Kahit ang
sarili ko... parang hindi ko na kilala. Sino nga ba ako dati? Ano ang mga
nagawa ko?
Who am I in
Geff’s life? What was my role back then? Who was that unknown kid?
Angel Miracle, this name held so many memories and feelings. It represented
my identity.
But why do I have this feeling that I traded this
for something unknown?
Narinig ko ang
pagsabay ng drums ni Michael sa tugtog ng pianoforte. Mas nagbigay buhay tuloy
iyon sa kanta.
‘I won't run, I won't fly
I will never make it by
Without you
Without you
I can't rest, I can't fight
All I need is you and I
Without you
Without you.’
“Pwede ko bang malaman
kung anong pangalan mo?”
I remembered young Geff asking me that question way back in the orphanage when
we first met. I should’ve answered Miracle
because that was what my family call me. My twin was being called Angel.
I remembered how
that young Geff looked at me, like I was the most fascinating creature he
encountered so far, and I have no choice but to answer his question. “Angel.”
was what I said.
Geff called me Miracle though during his last night in
the orphanage. Naaalala kong nagpapaalam siya sa akin noon dahil pupunta raw
siya sa malayong lugar.
I let out all my
doubts, sentiments and emotions through the song. May nakatapat sa akin na mic
kaya naman halos marinig ang boses ko sa kabuuan ng auditorium. Sa bawat sulok
nito ay maririnig mo ang pag-echo nito at ako man sa sarili ko ay hindi ko
napigilang hindi kilabutan. This is how I sing. This is how I sing through my
voice and through my heart.
‘Ooooh
You, you, you
Without you
You, you
Without you.’
Idinilat ko ang
aking mga mata at laking gulat nang nakita ko si Derrick sa ibaba ng stage,
nakaharap sa akin, at may hawak na video cam na nakatutok sa akin. Nakikita ko
pa ang pag-ilaw ng pula sa gilid ng lens kaya naman alam kong kinukuhanan niya
ako ng video. Nanlaki ang mga mata ko at akmang titigil nang mariing umiling si
Derrick.
“Go on,” he mouthed at me, with weird hand gestures. Kahit na
naiilang ay ibinalik ko na lamang ang paningin ko sa pyesa at nagpatuloy sa
pagkanta. Siguraduhin lang talaga niya na hindi makakalabas ang video na ‘yan.
‘Can't erase, so I'll take blame
But I can't except that we're estranged
Without you
Without you
I can't quit now, this can't be right
I can't take one more sleepless night
Without you
Without you, yeah.’
Nag-eenjoy na
ako sa pagtugtog at pagkanta nang nakita ko ang dahan-dahang pagbukas ng
pintuan ng auditorium at ang pagpasok nila Al at Darren. Nakangiting wagi sila, tulad ng mga ngiti
nila Michael at Derrick, kaya naman kumunot muli ang noo ko.
‘I won't soar, I won't climb
If you're not here I'm paralyzed
Without you
Without you
I can't look, I'm so blind
I lost my heart, I lost my mind
Without you
Without you.’
Tinapos ko ang
buong kanta na pianoforte at drums lang ang tugtog, habang kinukuhanan ng video
ni Derrick, at pinapanuod nila Darren at Al.
“Woooo! Intense!” hiyaw ni Michael pagkatapos tumugtog. “I can’t believe you can actually make me
flabbergasted!” dagdag pa niya.
“Sus. Nambobola ka lang!” ngiti ko sa kanya. Gosh. I can’t really
handle simple compliments.
“Ang galing galing ng bestfriend ko!” sigaw din ni Al habang parang baliw na
pumapalakpak ng napakalakas. Tinatawanan lang siya ni Darren na mahinhin namang
pumapalakpak. Umiling-iling ako. Kahit kailan talaga itong bestfriend kong ‘to
ay hindi alam ang salitang proper.
Natawa ako sa sariling iniisip dahil wala rin naman sa vocabulary ko ang
salitang iyon.
Binalingan ko
naman si Derrick na nakangiti habang nakatingin sa video cam. Mukhang
pinapanuod ang video ko habang kumakanta.
This is good. I said to myself. This can keep me occupied. Too
occupied to think too much of him.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------