♪ Chapter 39: Mystery
Jane’s POV
I can’t believe this! I
really can’t believe this! Bakit ako? I can’t possibly do this! Kahit nga na
pagharap lang sa mga tao ay hiyang-hiya na ako, pagkausap pa kaya sa mga
foreigners?! Take note, they’re not just ordinary foreigners who happened to
cross our academy’s threshold mistakenly. They’re our school’s partners.
Meaning, they’re one of those people who support our school’s charitable
activities or operations such as scholarships tulad ng naibigay kay Neth. Dapat
nga si Neth nalang ang pinili ni Ms. Salazar since scholar na nga si Neth,
matalino pa! While me on the other hand is indeed just a mediocre.
Hindi ko talaga alam
ang gagawin ko. Sobrang nakakapressure. Paano kapag hindi ko iyon nagawa ng
maayos? Paano kapag pumalpak ako? Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko.
My frustrations are starting to get on my nerves.
Habang naglalakad at
nag-iisip kung ano nga ba ang gagawin ay hindi ko namalayang napadaan pala ako
sa garden ng academy, iyong part na may fountain. Nagkalat kasi ang mga garden
dito sa academy ngunit nag-iisa lang ang may fountain.
May nakita akong
mangilan-ngilang students na doon naglagi, marahil ay wala silang mga class
ngayon. Ang iba’y nakaupo sa mga benches at nagbabasa ng books. Yeah, typical
activities of the students here. Pero ang nakakuha talaga ng pansin ko ay iyong
pamilyar na babae sa medyo malayong parte ng garden na nakaupo sa ilalim ng
puno at umiiyak. Kung hindi mo siya pagmamasdang mabuti ay aakalain mong
nakayuko lang siya’t nagbabasa. But no, she’s actually crying.
Dahil sa pamilyar siya
sa akin ay mabilis ko siyang nilapitan. Nanlaki ang mga mata ko nang nakilala
kung sino iyon.
“Achel?” alanganin
kong pagtawag sa kanya. She’s breathing really hard and I can’t just leave her
like that.
Tumingala siya sa akin
at kitang-kita ko ang pamumula ng buong mukha niya. Her tear-stricken face was
not the reason though why my jaw dropped.
“Achel! Anong nangyari sa’yo?!” natataranta kong tanong. Lumuhod ako para mas
matingnan ko pa ng maayos ang mukha niya. May bahid ng dugo ang gilid ng labi
niya. Medyo namumula at namamaga rin ang kaliwang pisngi niya na tila ba may
malakas na humampas doon.
“Jane.” Pumiyok
pa siya nang binanggit niya ang pangalan ko. Umiling ako’t kinuha iyong panyo
ko sa bulsa ko. Hindi ako makapaniwala na ganito ang sinapit ng magandang mukha
ni Achel! Who would do this to her?! Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko
magawa dahil hindi pa niya makontrol ang paghinga niya at patuloy lang ang
pag-agos ng mga luha niya.
Nagpalinga-linga ako,
nagbabakasakaling may mahingian ng tulong ngunit mabilis na hinawakan ni Achel
ang mga kamay ko para kunin ang atensyon ko. “Can you please call Ren for me?” sabi niya sa pagitan ng paghikbi.
Tumango ako at
natatarantang kinuha ang phone ko. Kada paghanap ko sa phonebook ko para sa
number ay tinitingnan ko siya. Napasapo naman ako sa noo nang may mapagtanto.
Damn it! Natataranta ako’t hindi ako
makapag-isip ng matino! “Achel. Sinong
Ren ‘yon? Kilala ko ba siya?” Napapikit ako’t umiling. “I-I mean is... may number ka ba nitong si Ren?”
Hindi ko kayang tingnan
ang mukha niyang halos namamaga kaya naman kinuha ko ang panyo ko’t inilagay iyon
sa may labi niya. Kinuha rin naman niya sa akin iyon.
“Si Darren,” sabi
niya sa maliit na boses at pilit pang ngumiti.
“Oh.” Mabilis
kong hinanap ang number niya at tinawagan iyon.
“Hello? Jane? Nasaan ka ngayon?” tuloy tuloy na tanong ni Darren sa akin. Narinig ko
pa ang pag-excuse niya. Oh God, may class na kami! Muli akong napatingin kay
Achel na ngayon ay medyo kumalma na. Mariin akong pumikit at tinanggal muna sa
sistema ko ang lahat ng mga iniisip. I
need to help her.
“Nandito ako sa back garden. Can you please come
here? Now?” Inipit ko ang phone ko
sa pagitan ng tenga at balikat ko at tinulungan si Achel sa pagpunas sa gilid
ng labi niya. May kung anong galit ang nabuo sa puso ko sa kung sino man ang
gumawa sa kanya nito.
Mukhang narinig ni
Darren ang pag-aalala at pagkataranta sa boses ko kaya naman mabilis siyang
pumunta sa kinalulugaran namin.
“What happened?!” Mabilis
na dumalo sa amin si Darren at parehas kaming nagulat nang bigla siyang niyakap
ni Achel. Halos matumba pa nga silang parehas mula sa pagkakaluhod. Humagulhol
sa iyak si Achel kaya naman mabilis siyang inalalayan ni Darren at niyakap.
Napailing-iling pa ako’t dumako ang kamay ko sa bibig ko. Who would do this to her?
Paulit-ulit na binanggit
ni Achel ang pangalan ni Darren habang umiiyak. Habang tinitingnan ko silang
dalawa, naintindihan ko kaagad na matalik pala silang magkaibigan.
Nang kumalma na si
Achel ay parehas namin siyang sinabihan ni Darren na pumuntang Infirmary para
magamot ang mga pasa’t sugat niya ngunit umiling lamang siya.
“Please, Achel. Can’t you see yourself?!” frustrated na sabi ni Darren. Yumuko lang si Achel
at pinakinggan ang nagwawalang si Darren.
Suminghap ako. “Achel,” malambing kong tawag sa kanya.
I need to be gentle because I’m certain
she’s at her vulnerable state right now. Nginitian ko siya. “Bakit ayaw mong pumunta sa Infirmary?
Kailangan kasi nating gamutin ‘yang mga sugat mo. Those can be infected kapag
hindi ginamot.” Kinagat niya lang ang labi niya.
“Siya nanaman ba ang may gawa nito?” Kumunot ang noo ko sa tanong ni Darren. Sino ang
tinutukoy niya? But then again, I’m not that close to Achel and perhaps Darren
know more things about her than I am. Nagulat ako nang may tumakas na luha sa
mga mata ni Achel.
Tumayo si Darren at
nagmura ng malulutong. Halos mapapikit pa ako dahil ramdam na ramdam ko ang
galit niya. I never had seen him this mad. Naglakad lamang siya hanggang sa
nawala na siya sa paningin namin.
“Sorry Jane,” sabi
ni Achel kaya naman napatingin ako sa kanya. Kasalukuyan niyang pinupunasan ang
basang mukha. “Sorry sa abala. Nadamay
ka pa tuloy sa problema ko.” Kinagat niya ang labi niya nang may umalpas na
hikbi sa kanya.
Mabilis akong umiling
at inayos ang magulo niyang buhok. “Wala
‘yun Achel. Hindi man tayo gano’n kalapit sa isa’t isa, I still care for all
the people I know.”
Ngumiti naman sa akin
si Achel at hinawakan niya ang kamay ko, tila ba naghahanap ng makakapitan. I
held her hand in return. Ilang minuto kaming nasa gano’ng katahimikan nang
biglang dumating si Darren na may dalang first aid kit. Lumuhod si Darren at
tiningnan ako. Nakita ko pa ang pag-aalangan niya.
“Jane.” Huminga
siya ng malalim at kinuha ang wallet niya sa bulsa niya’t ibinigay sa akin. “Can you please buy an ice cream? ‘Yung
malaki.” Ilang segundo pa akong natulala bago ko kinuha iyon. “Chocolate,” maagap pa niyang sabi kaya
naman tumango ako. Nasulyapan ko pa ang pagkislap ng mga mata ni Achel kaya
naman naintindihan ko kaagad ang gustong mangyari ni Darren.
“Okay,” masaya
kong utas at naglakad na. Hindi pa ako nakakalayo ay hinawakan na niya ako sa
palapulsuhan ko. Nilingon ko siya. “Wait,”
sabi niya. “Mag-ingat ka sa
pagtawid... uhh...” at nilagay pa niya ang kamay sa may batok niya. Natawa
tuloy ako dahil sa inasal niya.
“I will,” sabi
ko at umalis na. Tumango lang siya pabalik.
Pumunta ako sa
pinakamalapit na convenience store para sa chocolate ice cream na ipinabibili
ni Darren. Ilang beses pa akong nagpalinga-linga dahil sa kakaibang
nararamdaman. It’s as if someone is staring at me from afar. Umiling na lamang
ako at pinagkibit-balikat iyon.
“Thank you,” sabi
ko sa cashier nang ibinigay na niya sa akin ang sukli at ang chocolate ice
cream. Double Dutch ang binili ko since iyon ang pinakamasarap na chocolate ice
cream na alam ko. Sana nga lang ay magustuhan din ito ni Achel since para sa
kanya naman talaga ito.
Pagkarating ko sa back
garden ay naroon pa rin sila sa ilalim ng mayabong na puno. Parehas silang
nakaupo sa may damuhan at masinsinang nag-uusap. Hindi pa nga ako sigurado kung
tama bang dumating ako ngunit nakita na ako ni Achel at sumilay ang isang
totoong ngiti sa mga labi niya. Mabilis akong nilingon ni Darren kaya naman
wala na akong nagawa’t lumapit na sa kanila.
“Ang sarap!” masayang
sambit ni Achel habang inuubos ang ikatlong baso niya ng ice cream. Medyo
namamaga pa rin ang kaliwang pisngi niya ngunit hindi na iyon masyadong halata
ngayon. Hindi ko alam kung anong inilagay doon ni Darren but I guess it’s
effective.
Gustong-gusto kong
magtanong kung ano nga ba ang totoong nangyari pero naisip kong masyado na
iyong personal. Kung gusto namang sabihin iyon sa akin ni Achel ay gagawin niya
but I don’t want to pry.
“Jane.” Kumurap-kurap
pa ako at nakitang nakatingin si Achel sa akin. Nahiya naman ako dahil sa
paninitig ko sa kanya. Nagulat na lamang ako nang bigla siyang tumawa’t
sinabayan pa ni Darren. Yumuko ako dahil sa hiya. Oh goodness. I’m spacing out.
“I heard nililigawan ka ni Mendez,” nanunuyang sambit ni Achel kaya naman mabilis na
umangat ang tingin ko sa kanya. Tatanggi na sana ako ngunit naunahan akong
magsalita ni Darren.
“Geff’s willing to court her kahit na never pa
niyang ginawa ‘yon sa isang babae,” seryosong
wika niya.
Nagninging naman ang
mga mata niyang medyo namumugto pa dahil sa pag-iyak. “So, you’re the girl he can’t stop blabbering about!” gulat niyang
utas habang nanlalaki ang mga mata sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi
niya. “He used to tell me things about a
particular girl. Lagi niyang sinasabi na she kind of reminds him of someone
from his past and because of that, he’s drawn towards the girl.” Habang
nagkukwento si Achel ay kumuha nanaman siya ng scoop ng ice cream. “That’s the reason why he can’t approach
the girl dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa kanya and the act seems kind of
selfish since parang ginagawa niya lang na panakip-butas ‘yung girl to bring
about the existence of the girl from the past.”
Kumalabog ang puso ko
dahil sa narinig. Ipinaliwanag na ni Geff sa akin ang tungkol dito pero nang
narinig ko ang bagay na ‘to sa iba ay parang mas lumala iyong doubts na mayroon
ako. Naguguluhan nanaman ako at sari-saring tanong nanaman ang nabubuo sa utak
ko. “Kilala mo ba kung sino iyong
babaeng tinutukoy niya na parte ng past niya?” dahan-dahan kong tanong kay
Achel. Hindi ko nga alam kung halata ba ang panginginig ng boses ko dahil sa
kaba. Is it because I’m afraid to know
the truth?
Tumingala naman si
Achel habang nag-iisip. “Hmm... wala
naman siyang nasasabi sa akin—”
“The name’s Angel,” pagputol ni Darren sa sinasabi ni Achel. Parehas
niyang nakuha ang atensyon naming dalawa. Angel...
Angel... parang sirang plakang paulit-ulit kong naririnig sa utak ko. I
want to hear another name. Any name but Angel. Parang may malaking punyal na
sumaksak sa puso ko at halos murahin ko ang sarili dahil sa nagbabadyang luha
sa mga mata ko.
Mabilis akong yumuko at
kumuha rin ng scoop ng ice cream at inilagay iyon sa plastic cup ko. Tumikhim
pa ako bago nagsalita. “Talaga? He
didn’t tell me.” at sumubo ako ng ice cream at umaktong walang pakialam sa
sinabi ni Darren.
Pumalakpak naman si
Achel at mukhang kinikilig dahil sa nalaman. “Oh my God! Ibig sabihin sinabi na talaga sa’yo ni Geff na mahal ka
niya? Ano? Pumayag ka na ba na ligawan ka niya? Anong nangyari? Anong sinabi
mo?” tuloy-tuloy niyang tanong. Kung normal lang siguro ang lahat ay baka
natawa na ako dahil sa pagka-energetic niya ngunit dahil sa kung anong sakit na
nararamdaman ko sa puso ko ay hindi ko man lang magawang ngumiti. Mukhang
naramdaman naman kaagad iyon ni Achel. “Jane,
I-I’m s-sorry. I didn’t mean to be so nosy.” Suminghap ako at nakonsensya
bigla. “Don’t worry Jane. That Angel was just Geff’s past, nothing
more,” dagdag pa ni Darren dahil mukhang naramdaman din niya ang pagbabago
ng mood ko.
I gathered all my
strength to show them a smile. “Okay
lang, ano ba kayo.” at tumawa pa ako. Shit,
I sound so fake.
Iniba ko na lamang ang
usapan sa pagtatanong kung okay na ang pakiramdam ni Achel. Mukhang nagliwanag
naman ang mukha niya nang narinig na ulit akong magsalita. Nagkwento si Achel
tungkol sa papa niya na napagbuhatan siya ng kamay. Hindi pa nga ako
makapaniwalang scholar siya dahil mukha naman siyang mayaman. Lasing kasi ang
papa niya at wala sa matinong wisyo at nangyari ang bagay na ‘yon. Siya kasi ang sinisisi ng papa niya kung
bakit namatay ang mama niya.
“Hindi mo dapat tino-tolerate ang ginagawa ng papa
mo! Hindi pwedeng ikaw lagi ang umiintindi sa kanya dahil in the first place,
parehas lang kayong nawalan. You both lost someone at hindi lang siya ang
nasasaktan.” Nagsasalita pa lamang
ako ay umiiling na siya. Humingi naman na raw ng tawad ang papa niya sa kanya
but she just couldn’t contain the grief and hurt she wass feeling that was why
she ended up crying and gave vent to her frustrations under the tree. Wala na
akong nagawa at inalo na lamang siya.
Halos kaming dalawa na
lamang ang nag-uusap ni Achel at naging sobrang tahimik ni Darren. Madalas ko
pa nga siyang mahuling nakatingin sa akin at mukhang sinusuri ako.
Pinagkibit-balikat ko na lamang iyon.
Sabay-sabay na kaming
tatlo na bumalik sa room namin. Last class na pero nag-cut pa kami. Medyo
nakonsensya tuloy ako dahil pakiramdam ko ay napapabayaan ko na ang pag-aaral
ko. Marami akong texts na natanggap kay Al na tinatanong kung nasaan ako. I
just told her I attended some important matters. Hindi naman na siya nagtanong
pa at sinabing basta raw ay bumalik na ako.
I didn’t receive any texts from him and I can’t
understand myself why I’m so bothered about that. Is he giving up on me
already?
Bago pa kami makapasok
sa room ay tumunog na ang bell. Nakita namin ang paglabas ng professor namin at
pumunta siya sa kabilang direksyon kaya naman hindi niya kami nakita. Kasunod
niya ay ang nagmamadaling si Geff. Nagtagpo ang mga mata namin at pinagmasdan
din ang katabi kong si Darren. Hindi rin naman nagtagal iyon at nagpatuloy na
siya sa paglalakad. Dumaan siya sa kaliwa ko’t nilagpasan ako.
“What the hell is wrong with him?” narinig kong tanong ni Darren. Nagtaka rin si Achel
sa nangyari.
I acted as if nothing
happened at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ay
hindi ko na nagawa pang sagutin ang mga tanong sa akin nila Al at Grace at
kinuha ko na lamang ang bag ko at dumiretso sa labas.
Tuloy-tuloy ako sa
paglalakad. Ni hindi ko nga tinitingnan kung tama ba ang dinadaanan ko papunta
sa main gate pero masyadong occupied ang utak ko para mapansin pa iyon. Pauli-ulit
kong naiisip iyong sinabi ni Darren tungkol sa past ni Geff. Angel... Angel... Angel...
Dahil tulala ako habang
naglalakad, hindi ko napansin na may kung sinong nakaharang sa daraanan ko.
Iiwasan ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya napahinto
ako. Sinamaan ko ng tingin iyong humawak sa akin ngunit napalitan ito ng gulat
nang nakita ko ang kinakabahang mukha ni Jayvier.
“J-Jayvier...” Pumasok
nanaman sa isipan ko iyong huli naming pag-uusap sa restaurant. I walked out on
him when I said the name Angel Miracle.
I didn’t dare talk to him for the following days dahil tinablan ako ng hiya,
takot, pagkadismaya at... kaguluhan. Maybe I should face this mess once and for
all. Ito rin naman ang gusto kong mangyari... ang malaman ang lahat.
“Can we talk? Please?” nagsusumamo niyang utas. Tumango na lamang ako at
nagpatianod sa paghila niya sa akin. Bago pa kami tuluyang makalabas ay
naaninag ko na ang humaharurot na Ford Everest ni Geff palabas ng parking lot. Lalong
bumigat ang nararamdaman ko. Damn. I just
want to get home and sleep.
Pumunta kami ni Jayvier
sa isang malapit na pastry shop at nagulat pa ako dahil ito rin ang pinagdalhan
sa akin ni Alex dati. Umupo kami at siya na ang nag-order para sa akin.
“Ano ang pag-uusapan natin?” walang paligoy-ligoy kong tanong. I feel so down
that I don’t even want to talk to him. Gusto ko na lang matapos ang
pag-uusap na ‘to.
Lumunok si Jayvier at
mukhang lalong kinabahan dahil sa inasal ko. “Tungkol doon sa sinabi mo sa akin noon...” panimula niya. “... paano mo nakilala si Miracle? I-I
mean... kilala mo ba siya?”
I sigh exhaustedly. “Ikaw ang nagsabi sa akin ng tungkol sa
kanya.” Most probably ay nadulas lang siya noong sinabi niya ang bagay na
‘yon sa akin sa 7eleven at nalimutan na niya ang bagay na ‘yon. But I will never forget. Pumikit si
Jayvier at mukhang narealize na rin niya ang pagkakamali niya. Magsisinungaling
na lang kasi siya ay hindi pa niya ginalingan. “Bakit ka nagsinungaling sa akin?” Umiling ako. “No, you actually have the right not to
tell me things about... about...” I mentally slapped myself for finding a
hard time mentioning her name. “... Angel pero nakakainis lang dahil
harap-harapan kang nagsinungaling sa akin!” Putek Jane! Get a grip of
yourself!
Nalaglag ang panga ni
Jayvier dahil sa outburst ko. Mabilis ko namang kinuha iyong cold chocolate na
inilapag ng waiter. I need to calm myself down dahil nagmumukha lang akong
tanga. Nagtataka siguro ‘tong si Jayvier at bakit big deal sa akin ang bagay na
‘to. Sino ba naman ang hindi eh wala naman akong kinalaman sa pamilya ni...
ni... shit... niya pero wagas ang
reaksyon ko.
Hindi naman kasi niya alam. Hindi niya alam na alam ko na... pero naguguluhan pa
rin ako.
“Sorry.” sabi
ni Jayvier matapos ang ilang minuto ng katahimikan. “I didn’t mean to lie—”
“But you already did.” I interrupted him. “Sana... in the first place ay hindi mo na sinabi pa sa akin ang bagay
na ‘yon. You should’ve told me beforehand that you didn’t trust me enough for
your secrets.” I know I am being unreasonable now. It was his choice to
begin with. I have no say about what he should share with me and what he
shouldn’t but I’m really desperate to know why they’re hiding Miracle’s
identity. Is it because to protect her? But I have this feeling that there’s a deeper reason there.
“It’s not my secret to tell. It was my fault that I
accidentally told you about her but please...” Nagulat ako sa nagsusumamo niyang mukha. “... just... forget about her. Forget that
I ever mentioned her name to you. I was at fault here kaya... I’m sorry.”
“Bakit ba kailangang maitago ang identity ni
Miracle? Para ba maitago siya sa mga nagtatangka sa buhay niya?” naitanong ko na lamang bigla nang hindi nag-iisip.
There are so many possibilities running through my mind that I can’t help it
but to say them out loud. Naaalala ko rin iyong mga nasa notebook ko kung saan
ko inilalagay lahat ng mga alaalang unti-unting bumabalik sa akin. “What about Angel? Buong pamilya naman ng
mga Yllana ang nanganganib di ba? Pero bakit nagawa mo siyang ikwento sa akin
pero si Miracle ay hindi? What so special about her—”
“Hold up,” pagtigil
sa akin ni Jayvier. Ngayon lang na-focus ang mga mata ko sa kanya at nakita
kong gulat siya at nagtatakang nakatingin sa akin. “How did you know about those things? I never told you about them.” Dahan-dahan
siyang umiling. I showed him though my deadpan face. I had enough of this
bullshit. Nakakatanga lang na ginagawa nilang kumplikado ang lahat. They lie to
cover the lies. Wala na bang katapusan ‘to?
Kinuha kong muli ang
cold chocolate at sumimsim doon. Prente rin akong sumandal at tinitigan siya.
Halo-halong emosyon naman ang naglalaro sa mukha ni Jayvier. He seems so
confused and shocked.
“Jane,” pagkuha
niyang muli sa atensyon ko nang hindi na ako nagsalita pang muli. “How did you know?”
Kinagat ko ang labi ko.
“What if...” panimula ko. Wala akong
balak sagutin ang tanong niya. Tiningnan ko lamang ang unit-unting pagkatunaw
ng yelo sa chocolate drink ko. “What if
I tell you that I know Angel Miracle Yllana...” Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
He looks so tensed now. “... personally?” Hindi
pa rin niya magawang makapagsalita kaya naman nagtanong akong muli. “What if I tell you that she’s alive and
kept ignorant for a long period of time since then? Anong masasabi mo?”
“Anong ibig mong sabihin?” pagtatanong niya. Halatang naguguluhan na rin siya
sa mga ikinikilos ko. Mariin akong pumikit dahil unti-unti nang nagkakaroon ng
kaliwanagan ang ilan sa mga tanong sa utak ko. To my surprise... I don’t want to accept the truth. Nakakatawang
isipin dahil simula pa lang ay ito na ang ginusto ko, ang malaman ang totoo
pero ngayon, gusto ko na lang talikuran ang lahat.
“I’m sorry Jayvier.” Umiling ako. “Hindi
ko kayang makipag-usap sa’yo ngayon. Masama ang pakiramdam ko.” Kinuha ko ang
bag ko at handa na sanang umalis ngunit pinigilan niya ako. “Pero Jane, gusto ko munang malaman kung
paano—”
Hindi ko na napigilan
ang mga luha kong kanina pa gustong lumabas. Parang pinipiga ng kung ano ang
puso ko. Nahihirapan akong huminga at parang gusto ko munang ipahinga ang utak
ko. I realized so much today. I already reached my limit. Hindi na naituloy ni
Jayvier ang sasabihin dahil sa nasaksihan niya. “O-Okay. Sorry Jane.” Kinuha na rin niya ang bag niya at pinauna na
ako sa paglabas ng shop. “Ihahatid na
kita,” sabi niya habang nag-aalalang nakatingin sa akin. Tumango na lamang
ako dahil wala na akong lakas pa para magsalita.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Jayvier’s POV
Ang daming pumapasok na
tanong sa utak ko pagkatapos kong maihatid si Jane sa pad na tinutuluyan niya.
Totoo kaya iyong sinabi niya na buhay si Miracle at kilala niya ito sa
personal? Paano niya nalaman ang tungkol doon? At bakit marami siyang alam
tungkol sa pamilya Yllana? Ano ang koneksyon niya sa kanila? Kilala kaya siya
ni Raph?
“Your secret is safe with me, don’t
worry.” Iyon ang sinabi sa akin
ni Jane bago siya nagpaalam sa akin kanina and somehow, mas naging panatag ako.
Isa lang ang paraan na
naiisip ko para maliwanagan ako sa mga nangyayari. Nagulat at nagtaka talaga
ako dahil simula nang nagkita kami noon sa restaurant ay may nagbago na talaga
sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari but I’m positive that she had
changed since that day.
I entered ACU as a
visitor. Alam kong busy si Raph sa b-ball practice nila kaya naman dumiretso na
ako sa gym ng campus nila. Hindi nga ako nagkamali dahil kasalukuyan siyang
nagpapahinga sa gilid kasama ang teammates niya. Umiinom siya ng tubig habang
iyong katabi niya ay kinakausap siya.
“Raph,” tawag
ko sa kanya nang nakalapit ako. Gulat naman siyang napatingin sa akin. Good
thing ay mabilis makabasa ng mukha itong si Raph kaya naman nagpaalam muna siya
sa kausap niya.
“What’s the problem?” panimula niya nang medyo nakalayo na kami sa iba.
Yumuko ako dahil may
kasalanan akong nagawa. Damn, panigurado ay magagalit sa akin ito. I need to
brace myself for Raph’s temper.
“You look guilty,” pansin niya. “Ano
nanaman ang nagawa mong kasalanan?”
“Uhh...” Putek!
Kinakabahan ako! “May nasabihan ako ng
tungkol kay Miracle,” tuloy-tuloy kong sinabi. I mentally curse myself.
Sobrang tahimik ni Raph
kaya naman lalo akong kinabahan at hindi na nagtangka pang tingnan siya.
Narinig ko ang marahas niyang pagbubuntong-hininga. “Kanino mo nasabi? At ano ang nasabi mo tungkol sa kapatid ko?”
Ang tanga mo talaga
Jayvier! Kasalanan mo pa ngayon kung bakit nag-aalala si Raph sa kapatid niya! “Answer, Jayvier,” sabi niya sa
nakakatakot na tinig.
“Jane Alvarez,” sabi
ko na lamang. Mabilis naman akong nag-angat ng tingin nang may maalala. “P-Pero mapagkakatiwalaan naman siya! She’s
a good friend of mine...” Napahinto ako nang nakita ang nakatulalang si
Raph sa harap ko. Kumunot ang noo ko dahil isang galit na Raph ang inaasahan ko
pero kabaligtaran ang nakikita ko ngayon.
“Anong sinabi niya?” pagtatanong niya pero wala sa akin ang atensyon
niya. Para bang iyong hangin ang tinatanong niya. Sinagot ko pa rin naman siya.
“Aksidente ko kasing nasabi sa kanya
iyong tungkol kay Angel. Nasabi kong tatlo kayong magkakapatid. Sa sumunod na
pag-uusap namin, nakapagsinungaling ako na dalawa lang kayo ni Angel.” Oo.
Sige na. Ako na ang madaldal. Hinihintay kong pagsabihan ako ni Raph pero
patuloy pa rin siyang nakatulala. Kinabahan tuloy ako. “Tapos... bigla siyang nagalit.”
This time ay diretso na
akong tiningnan ni Raph. Hindi ko nga lang mabasa iyong reaksyon niya. “Bakit siya nagalit? Anong sinabi niya?” Lalo
akong naguluhan kay Raph. May hindi ba siya sinasabi sa akin?
“Kilala mo ba siya?” pagtatanong ko. Hindi naman niya ako pinansin bagkus
ay hinawakan ako sa balikat at tiningnan ako ng masinsinan. “Anong sinabi niya? Tell me!”
Marahas kong tinanggal
ang pagkakahawak niya sa akin. “You’re
not telling me something,” akusa ko. Sa aming magkakaibigan, ako lang ba
ang walang alam? Noong una ay akala ko wala na talaga si Angel pero nakita ko
siya. Ang buong akala ko ay hindi alam ‘yon ni Raph but it turned out na alam
na rin pala niya iyon! Ngayon, mukhang may alam nanaman siya na hindi man lang
niya magawang sabihin sa akin.
“Just answer the damn question JV!”
“I’m not your fucking puppet!” sigaw ko sa kanya. Nagulat naman si Raph dahil doon.
“Hindi ako isa sa mga alagad mo na pwede
mo na lang utusan. I have my own will at ngayon, pinipili kong kumilos ng
mag-isa!”
Nagsimula na akong
maglakad palayo ngunit nilingon ko pa siya sa huling pagkakataon. “If you don’t want to tell me things about
Angel, then I’ll found it out myself. Hindi ko kailangan ang tulong niyo.” and
with that, I walked out.
Bago pa ako makalayo ay
naaninag ko na si Iona na may malaking bag na dala at nakakunot-noong
nakatingin sa akin at sa taong nasa likod ko. Mukhang nakita niya ang buong
pangyayari.
“JV? Anong nangyayari?” pagtatanong niya. May alam din kaya siya?
Imposibleng wala since siya nga ang nagdala kay Angel sa resort nila Slade
noon. Parehas sila ni Raph na pinagmumukha akong tanga.
Hindi ko siya pinansin
at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa
pangalan ko pero hindi ko iyon pinansin. I am focused on my one and only
enigma.
Jane Alvarez. You’re a big mystery to me now.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------