Chapter 38: Reunite

Jane’s POV

Wala akong maisagot sa tanong niya. Gusto kong magsalita pero mukhang namanhid na yata ang buong katawan ko at humiwalay na rito ang utak ko. Ang tanging natira na lamang ay ang puso kong nagwawala at tila gusto nang lumabas sa kinalalagyan nito. Umihip nanaman ang malakas na hangin at naramdaman ko ang lamig na dulot nito ngunit kahit na gano’n ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mainit na hininga ni Geff sa leeg ko dahil sa pagbulong niya sa akin kanina.

“Jane?” muli niyang pagkuha sa atensyon ko. Marahil ay isang minuto na ang nakalilipas pero wala pa rin akong sinasabi. Ang mga kamay niyang nasa kamay ko ay naglakbay sa bewang ko at bago ko pa maintindihan ang ginagawa niya ay mahigpit na niya akong binalot sa yakap niya. Patagilid niyang isinandal ang ulo niya sa ulo ko. Napapikit ako dahil dito. It feel so damn right being held by him pero ang dami pa ring bagay na nagsasabi sa akin na hindi pa ito ang tamang panahon.

Yumuko ako kaya naman tumama ang ilong ko sa balikat niya. Halos mapapikit pa ako nang maamoy ko ang pabango niya. Kung pwede nga lang sana na dito na lang ako. Sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin ngunit mas hinigpitan lang niya ang pagkakayakap sa akin.

“Geff—” Sasabihin ko na sana na ayoko. Hindi dahil sa hindi ko siya gusto, God knows how I badly want to tell him what my feelings are and who I really am, but the situation — particularly my situation — is clearly full of twists and turns na lalong nagpagulo sa kumplikado kong buhay. Kung dadagdag pa si Geff, baka mabaliw na ako. I have no freaking idea about relationships whatnot. Whatever happened between me and Alex is nothing compared to what I’m actually feeling right now.

Mabilis niyang pinutol ang sinasabi ko. “Just let me do this. Mukhang alam ko na ang magiging sagot mo.”

“Bakit ako Geff? You barely even know me. Hindi pa natin masyadong kilala ang isa’t isa. Imposible namang nagustuhan mo ako ng gano’n kabilis. Kaya bakit? Anong nakita mo sa akin?” hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. Kaya rin siguro hindi ko masyadong siniseryoso ang mga sinasabi niya ay dahil sa katotohanang iyon. It only had been more or less one month nang magkakilala kami, pagkatapos ganito?

Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina tungkol sa isang babae. Ang buong akala ko ay ako ang tinutukoy niya pero nagkamali ako. And that made things even more complicated. Sino ang tinutukoy niyang nakikita niya sa akin? At nakasama na niya ang babaeng iyon. In fact, they’re pretty close... I guess.

Sarkastiko siyang tumawa. “So, you’re having doubts about my feelings for you, is that it?” pagtatanong niya. Unti-unti nang lumuluwang ang pagkakayakap niya sa akin kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong iyon para umatras. Bigla namang bumagsak ang mga kamay niyang naiwan sa ere nang umalis ako doon. Diretso siyang tumingin sa akin. “Kung mas pinatagal ko pa ba, kung hindi ko kaagad sinabi sa’yo ang nararamdaman ko, mas maniniwala ka ba?” Frustration is evident in his tone. “Is really the length of time your basis to make judgments about what I feel?”

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko siya kayang tingnan habang ibinabato niya sa akin ang mga tanong na ‘yan. I mull over the things he just asked me. I also weigh what I think against what I feel. Oo, siguro kung hindi muna niya sinabi sa akin kung ano man ang nararamdaman niya para sa akin ngayon, siguro ay maniniwala ako. Words can be deceiving, unless they were upheld by genuine actions. Sa totoo lang, hindi dapat ako maniwala sa kanya dahil sa maikling panahong nagkakilala kami. It isn’t enough for me. At hindi sapat ang maikling panahon na ‘yon para masabi kong totoo ang nararamdaman niya.

Hindi nga ba? Pumasok sa isipan ko iyong mga panahong magkasama kami. Naalala ko iyong panahong unang beses ko siyang tinawag na Drew. Hindi ko magawang makalimutan kung ano ang naging reaksyon niya nang marinig niya iyon sa akin. Iyong paghalik niya sa akin. He kissed me not because he was mad at me. Alam kong may mas malalim pang dahilan doon. Iyong ginawa niya bago siya sumayaw noon sa presentation namin sa OSWALD. The meaning behind that gesture... Iyong pagkikita naming muli sa orphanage, kung saan nagsimula ang lahat. Ang muntikan kong pagkahulog sa puno, ang pag-aalala sa mga mata niya, ang pagsusungit niya nang nagkasugat ako dahil hindi ko siya sinunod, ang paghawak niya sa kamay ko, ang makahulugan niyang pagyakap sa akin noong gabi sa orphanage. Ang pagliligtas niya sa akin noong nakidnap ako...

It all happened without him knowing who really the girl behind this face is. Nagkaroon ako ng pag-asang baka kilala niya kung sino man ako. Na ang dahilan niya kung bakit siya laging nasa tabi ko ay dahil nakikita niya si Miracle sa akin. I would’ve been glad if that was the case. Dahil kapag tama na ang panahon, hindi ako mahihirapang sabihin sa kanya kung sino man ako. Those memories keep on coming back at me and I know it will be just a matter of time for me to remember all that had happened 8 years ago.

Then this particular girl. Isang babaeng kaibigan niya’t minahal niya noon. Ang babaeng nakikita niya sa akin. Nagkasama na sila ng babaeng ‘yon ngunit naramdaman niyang parang may nagbago sa kanya. Ang rason niya kung bakit sa akin siya pumunta at sinabing ako ang gusto niya. Sino ang babaeng iyon?

“Jane!” Nabalik lamang ako sa reyalidad nang marinig ko ang matigas na pagtawag sa akin ni Geff. Nasa harapan ko pa rin siya’t mukhang hinihintay ang magiging sagot ko sa mga tanong niya. Nagulat nga lang ako dahil gulat siyang nakatingin sa akin. “B-Bakit ka... umiiyak?”

Mabilis na lumipad ang mga kamay ko sa pisngi ko at nagulat nang naramdaman kong basa iyon. Naramdaman ko rin ang panginginig ng mga kamay ko. Tinanggal ni Geff ang mga kamay ko sa mukha ko at siya na ang nagpunas ng mga luha. “I’m sorry. Hindi naman kita pinipilit. I was just—” Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha niya at tumingala.

“Naiintindihan ko,” sabi ko na lamang. I just came in a realization. Nag-aalangang tumingin sa akin si Geff, wary of my actions and words. Ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko. “‘Yung babaeng nakikita mo sa akin... sino siya?” Kinagat ko ang labi ko. “Baka kasi... naguguluhan ka lang. Ikaw na rin ang nagsabing... nakikita mo siya sa akin, di ba? Hindi kaya—”

“Don’t even think about saying it,” mabilis niyang pagputol sa akin pero hindi ko iyon pinansin. “Pero paano kung—”

“I said don’t say it!” galit niyang utas. Mabilis niyang tinanggal ang distansya sa pagitan namin at hinawakan ang magkabila kong balikat. “Ano ba ‘yang iniisip mo? Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko kanina? Oo, nakita ko siya sa’yo. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nasa harap mo ngayon at nagmamakaawang pakinggan at paniwalaan mo! I told you, I tried to really look at you, really look at you and see the real you. And guess what. I did. I just did Jane, kaya nabuo ‘tong nararamdaman ko ngayon!”

Yumuko siya at hinanap ang tingin ko. “Hindi mo pa rin ba naiintindihan iyon? Ano pa ba ang dapat kong sabihin para maniwala ka?”

Ramdam na ramdan ko kung gaano katotoo lahat ng mga sinabi niya. I believe him. Pero hindi ko magawang tanggalin ang mga doubts na meron ako at naiinis ako sa sarili ko dahil doon. Hindi ko rin mapigilan ang mga luhang patuloy sa pag-agos sa mukha ko. Hindi rin naman napagod si Geff na punasan ang mga iyon. “Please tell me about your thoughts and stop crying,” sabi niya.

“I have doubts,” wala sa sariling sambit ko.

Tumango naman si Geff. “I know. And I’m here to clear them up.”

Halos mapatalon kami parehas nang marinig namin ang tunog ng bell. Hinawakan ko ang mga kamay ni Geff na nasa mukha ko at dahan-dahan iyong ibinaba. “Tara na,” sabi ko habang inaayos ang sarili. Tinitigan lang ako ni Geff at ang bawat kilos ko.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. “Alright. Let’s go.”

Naglakad na kaming dalawa patungo sa auditorium. Parehas kaming tahimik at mukhang may malalim na iniisip. Hindi ko na nga halos namalayang nasa tapat na pala kami ng auditorium. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad papunta kela Al at hindi na lumingon pa. Kumunot kaagad ang noo ni Al nang nakita ako.

“Anong nangyari sa’yo Aya?” pagtatanong niya habang pinagmamasdan ako. Napansin kong si Grace ay naroon na sa stage kasama ang Black Raven. Bumaling ulit ako kay Al. “Nag-usap lang kami ni Geff.”

Umikot ang mga mata ni Al. “Gaga alam ko. Nagpaalam ka pa nga kanina.” Itinuro niya iyong mukha ko. “Ang tinutukoy ko ay ‘yang mukha mo. Maputi ka kaya halatang-halata ang pamumula mo.” Umayos naman siya ng upo pagkatapos sabihin iyon. Sumandal na lang din ako sa upuan katabi niya dahil parang nakaramdam ako ng pagod. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya. Ngumiti na lang ako at tumango. Ngumuso pa si Al at pinanliitan ako ng mata bago nagsalita. “Okay.”

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa paglingon. Nagtama kaagad ang mga mata naming dalawa at sinenyas niya ang phone niya. Kumunot pa ang noo ko bago ko naramdaman ang pagvibrate ng phone ko.

From: Geff Mendez
I’m sorry about earlier and please don’t be mad at me.

Kinagat ko ang labi ko habang binabasa ang text niya. I don’t like the idea of him courting me pero lintik ‘tong puso ko at ayaw yatang makisama. Nasasaktan siya dahil sa kabaliwan niya pero itong utak ko naman ang nagma-malfunction. Now, what should I do? Both my mind and heart are not in sync.

To: Geff Mendez
I’m not mad.

Sabay-sabay na nagsitayuan ang mga members ng Crimson at mukhang papasok sila sa isang soundproof na room na nasa loob ng auditorium din mismo. Glass wall ang nagsilbing divider nito sa auditorium kaya kahit anong ingay sa loob ng room na ‘yon ay hindi maririnig. Kinalabit pa si Geff ng isang kasama niya dahil tutok na tutok ito sa phone niya. Binatukan pa siya nito kaya pabiro niyang sinapak ang kasama. Napailing na lang ako.

“Here’s the creepy girl,” narinig kong bulong ni Al kaya naman bumaling ako sa kanya. May naglalarong ngiti sa mga labi niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

“What?” inosenteng tanong ko.

Tinaasan lang niya ako ng kilay. Aba’t! “Here I thought pinaiyak ka ng kumag pero ngayon ngingiti-ngiti ka dyan habang pasimpleng sumusulyap sa kanya. Nagpaplano pa lang sana ako kung paano ko siya reresbakan.”

Humarap ako sa kanya at handa nang sagutin siya nang bigla nanamang nagvibrate ang phone ko. Lalong lumapad ang ngisi ni Al. “Tigilan mo nga ako!” natatawa kong sigaw sa kanya. For the second time ay inikutan nanaman niya ako ng mata.

Pero lihim akong sumang-ayon sa kanya. Kanina lang ay para akong baliw na umiyak pero ngayon sa isang text lang ay nawala lahat ng mga negatibong nararamdaman ko. Kailangan ko na nga yata talagang makausap ang psychiatrist ko sa lalong madaling panahon, literal.

From: Geff Mendez
You always say you’re not mad at me when I’ve done something wrong to you but your actions as always say otherwise. Jane, I want you to be honest with me, with your feelings in particular. If you’re mad at me, say it. If I’ve hurt you, tell me. I will always make it up to you, remember it at all times.
Now tell me, are you mad at me? What are your thoughts? Mind telling me?
Can’t stop thinking about you...

Halos maibato ko ang cellphone ko nang mabasa ko ang text niya. His longest message so far! Uminit ang pisngi ko dahil doon. Ano ba ‘yang pinagsasasabi niya?! Mabilis kong itinago ang cellphone ko sa bag ko at tumingin na lang sa stage habang nagsesenyasan na sila Derrick at ang iba pa sa stage para makapagsimula na sa pagpapractice. Napansin kong nasa tabi lang ng stage si Darren at mukhang mamaya pa siya kakanta. Pinanlakihan naman kaming dalawa ni Al ng mata ni Grace at halatang medyo kabado siya. Napansin kong sobrang higpit ng hawak ng isang kamay niya sa mic habang ipinapaypay sa sarili ang isa. Sabay kaming nagthumbs up sa kanya ni Al. She has an amazing voice kaya naman walang dahilan para kabahan siya.

Lumingon ako sa gilid at nakitang nagsisimula na ring magpractice ang Crimson. Nakaharap sila sa kabilang direksyon, marahil ay para walang distraction. Nakita ko naman si Geff na mukhang nakafocus na rin sa pagpapractice. Mabuti naman kung gano’n.

Narinig ko na ang pagtugtog ni Chenille sa piano at iyon pa lang ang tumutugtog ay kapansin-pansin na talaga ang galing ng banda. May iba lang talaga sa aura na ipinapakita nila tuwing nasa stage na sila. Lahat sila ay focused sa pinapatugtog pero hindi pa rin naaalis ang mga ngiti nila na nagpapatunay na mahal nila ang ginagawa nila. They all have the passion in music kaya nga siguro nagkasama-sama kami dito ngayon.

Nagsimula nang kumanta si Grace at halos mapapikit pa ako dahil sa ganda ng boses niya.

‘I can't win, I can't reign
I will never win this game
Without you
Without you

I am lost, I am vain
I will never be the same
Without you
Without you’

Sinabayan namin ni Al ang pagkanta ni Grace para mawala naman ang kaba niya. Isinayaw rin namin ang mga kamay namin sa ere kaya naman natawa pa siya habang kumakanta. Biglang may nagflash na camera kaya nagulat kami. Hinanap pa namin kung saan galing iyon hanggang sa namataan namin si Amirah na naroon sa kabilang aisle at may hawak na DSLR. Pati sila Michael, Derrick, Chenille at Darren ay natawa sa amin ni Al. Syempre naman at ichi-cheer namin si Grace! Mabuti naman at napansin kong medyo naging relaxed na si Grace sa pagkanta niya. Nang nasa chorus na ay sabay-sabay na nilang tinugtog ang mga instruments nila kaya hindi na namin napigilang hindi tumayo ni Al. Pumapalakpak kami kasabay ng beat ng drums at sinasabayan din ang pagkanta ni Grace.

‘Without you

Oh, oh, oh
You, you, you
Without you
You, you
Without you’

Pinanlakihan ko ng mata si Darren nang napansin kong kinukuhanan niya kaming dalawa ni Al ng video. Ang bruhang katabi ko, ayun at nagpacute pa! Tawa lang din ng tawa si Darren. ‘Wag lang talaga niyang subukang i-upload yan!

‘Can't erase, so I'll take blame
But I can't except that we're estranged
Without you
Without you

I can't quit now, this can't be right
I can't take one more sleepless night
Without you
Without you, yeah’

Kung hindi ko lang talaga kaibigan ‘tong si Al ay iniwanan ko na siya. Paano ba naman at nagheadbang na siya sa tabi ko! Take note, hindi siya simpleng headbang. Ang kanya ay pati buhok lumilipad! Pop music kasi ang kanta kaya naman lively iyon.

“Thank you!” sabi ni Grace sa mic habang nagba-bow. Todo suporta naman kami sa kaibigan namin at buong lakas na pumalakpak.

“Napaka loyal at cheerful naman talaga ng mga fans mo Ms. Tolentino!” salida ni Derrick sa mic. Mabilis na hinawi ni Grace ang buhok niya at nagpose. Sabay-sabay kaming naghagalpakan sa pagtawa.

“Woah,” narinig naming sambit ni Michael sa mic habang nakatingin sa kabilang room. Nagsilingunan din kami at mukhang sabay-sabay ring nagsilaglagan ng mga panga namin sa sahig.

Grabe ang mga dance steps ng Crimson. Napaka complicated pero kahit na gano’n ay sabay-sabay pa rin sila sa pagsayaw. Para bang iisa lang ang utak at katawan nila. Hindi naman ako nahirapang hanapin si Geff dahil siya ang nasa pinakaharapan.

“Grabe,” wala sa sariling kumento ni Al. Tumango na lang ako dahil wala rin akong masabi. Bigla ko tuloy namiss ang pagsayaw. Nafocus na rin kasi ako sa pagkanta kaya naman nawalan na rin ako ng panahon doon.

“Okay! Let’s continue guys!” sigaw ni Amirah sa grupo kaya naman nagsimula nang muli ang practice.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nang palabas na kaming lahat sa auditorium para pumunta sa last class namin ay hinila ko si Al. “Saan tayo pupunta?” pagtatanong niya habang hinihila ko siya. Nang nakita ko si Darren na papalabas na rin sa auditorium ay nilapitan namin siya.

“Darren!” pagtawag ko sa kanya. Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin at mukhang nagulat pa.

“Bakit?” pagtatanong niya. Kahit si Al ay nagtatakang nakatingin sa akin.

Humalukipkip ako habang nakaharap sa kanilang dalawa. Tiningnan ko si Darren at pinagmasdan ang mukha niya. Grabe, bakit nga ba hindi ko napansing halos magkamukha sila ni Lulu? Gano’n ba talaga ako kaignorante para hindi malaman ‘yon?

“Ahem. Wagas na ang pagtitig mo girl. Nakakaramdam na ako ng matutulis na titig galing somewhere,” entrada ni Al na hindi ko na lang pinansin.

“Bakit hindi ka kaagad nagpakilala sa akin?” Nakakainis kapag naaalala ko iyong una naming pagkikita! “Bakit hindi mo sinabi kung sino ka ‘nong una tayong nagkita? Edi sana nakilala kita kaagad!” Alam kong halata sa boses ko ang pagtatampo. Who wouldn’t feel that way kung ‘yung isa sa matalik mong kaibigan ay hindi man lang nagpakilala sa’yo gayong nasa paligid lang pala siya?! Alam kong kasalanan ko rin naman dahil hindi ko siya kaagad nakilala pero at least sana nag-effort siyang ipakilala ang sarili niya di ba? And I have my childhood dilemma kaya hindi ko naitatak sa utak ko ang buong pangalan niya. Of course they are aware of that.

Gulat lang na nakatingin sa akin si Darren na para bang hindi makapaniwala. I scowled at him in return. “Ano? Titingnan mo na lang ako? Care to explain?” pagtataray ko pa. Kinurot naman ako ni Al sa braso ko kaya napa-aray pa ako. “Grabe naman ‘to! Ang hard ah,” kumento niyang hindi ko nanaman pinansin. Buong atensyon ko ay na kay Darren.

Tumikhim siya at tiningnan na rin ako. “So, you knew already?” at humalukipkip din tulad ko.

“Hindi ba halata?” pagsusungit ko habang umaarko ang isang kilay ko.

Darren pursed his lips to hold back a smile. “You changed a lot. Parang hindi na ikaw si Jane na nakilala ko dati,” kumento niya.

Nagpout ako. Nagsalita rin naman kaagad si Al dahil mukhang naintindihan niya ang gusto kong itanong. “Good or bad change?”

“Of course it’s a good change! Ni hindi nga niya ako pinapansin dati. Kinausap lang niya ako ‘nung paalis na ako.”

“Of course you’ll leave me! Nataranta ako, alright?” Unbelievable! Iyon talaga ang naalala niya! Well... I really didn’t talk that much during those days but it doesn’t mean I didn’t cherish every one of them.

Natawa si Darren sa sinabi ko at biglang ginulo ang buhok ko. “I was just joking. Naiintindihan naman kita dati. At least you’re talking to me now.”

“Syempre wala namang nagbago. Isa pa, hindi mo pa sinasagot ‘yung tanong ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? I bet kilala ka na nila mom.” I really can’t believe this! They all got me uninformed!

“Ikaw lang naman talaga ang hindi nakakaalam. Such a slowpoke,” Al said in a matter-of-factly tone. Sinamaan ko nga ng tingin.

“Hinihintay ko lang na makilala mo ako in your own pace,” ngiti ni Darren. Nako! Hindi ako madadaan sa mga magaganda mong ngiting ‘yan!

“Paano kung hindi kita nakilala? Paano na ‘yan? Forever na lang akong ignorante?” I said in disbelief.

Bigla nanamang sumalida si Al. “Walang forever friend,” malamyang sambit niya.

“Wala akong pake. Di kita tinatanong,” malamya ko ring sagot. Nagpout naman ang babae.

“Cute niyo,” sabi ni Darren.

Parehas naming tiningnan ng masama si Darren. “What?” inosente niyang tanong habang nasa ere ang mga kamay.

Biglang tumingin si Al sa wristwatch niya. “Guys, can you just finish this up with a hug? Malapit na mag-time.”

Laking gulat ko naman nang mabilis akong nahila ni Darren at niyakap ng mahigpit.

“Uh-oh,” narinig kong sabi ni Al pero hindi ko siya pinansin at niyakap din pabalik si Darren.

“Grabe, ang tangkad mo na. Parang dati lang nakikita ko pa ‘yung bumbunan mo,” puna ko.

Natawa naman siya sa sinabi ko. “A lot of things had changed Jane,” makahulugan niyang sambit. Tumango na lamang ako at naging kuntento sa katotohanang ito si Lulu, isa sa mga kaibigan ko, at yakap ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagpasok namin sa classroom ay bumungad sa amin ang nagkakagulong mga blocmates namin. Nakita ko kung paano sila mataranta sa paggawa ng mga assignments para sa next subject. Kumunot ang noo ko. Hindi pa ba nila tapos ‘yan hanggang ngayon? Umiling-iling na lang ako habang diretsong naglalakad papunta sa upuan ko. Luminga-linga pa ako dahil wala akong makausap dahil panay sa mga katabi ko ay busy sa mga ginagawa.

Napansin kong si Neth ay nakayuko sa kanyang desk at mukhang natutulog. Mukhang napagod yata siya sa paghahanda sa club nila. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung ano nga ba ang problema niya ngayon. Dumako ang tingin ko kay Alex na as usual ay busy nanaman sa binabasang libro. Nakakatuwa lang isipin na ayos na rin kaming dalawa at hindi na gaanong awkward kapag kasama ko siya. Kumpleto na ang gang namin since nandyan na si Lulu aka Darren na kamakailan ko lang nalamang sila ay iisa lang pala.

May hinanap ang mga mata ko at nang nakita ko siya, biglang bumuhos sa akin ang mga sinabi niyang nagpakaba sa akin. Kaba nga ba ang tamang itawag doon? Nakatingin lang siya sa may bintana at halos mapatalon naman ako nang lumingon siya’t nagtama ang aming mga mata. Nag-iwas din naman kaagad siya ng tingin.

Ngumuso ako. Marunong din palang magtaray ‘to. Dinaig pa ako. Sinabi kasi sa akin kanina ni Grace na nagwalk out daw si Geff nang nakita kami ni Darren na magkayakap. Parehas kasi nila kaming hinintay kanina sa kabilang hallway dahil nga sa pag-uusap naming tatlo nila Al at Darren. Halos matawa pa nga ako nang nalaman iyon. Kahit pa hanggang ngayon na nakikita ko si Geff na ganito ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. I must be crazy, right?

“Jane! May naghahanap sa’yo sa labas!” sigaw ng isang blocmate ko na nasa may pintuan.

Agad naman akong tumayo. Pagkalabas ko ng pintuan ay itinuro sa akin ng blocmate ko iyong naghahanap daw sa akin. Isa rin naman iyong student, babae na nakasalamin at may full bangs. Nakilala ko kaagad siya dahil siya ang vice president ng student council. Si Achel Cortez naman, iyong pinakamaganda sa bloc namin para sa akin at iyong nakapartner ni Geff sa dance presentation sa OSWALDS, ang president.

“Bakit?” pagtatanong ko nang nalapitan ko na siya.

Inayos niya muna ang salamin niya bago ako sinagot. “Pinapatawag ka ni Ms. Salazar. Nandoon siya ngayon sa room namin.”

Bigla akong kinabahan. Papagalitan niya kaya ako? Iyong class niya kasi ang hindi ko napasukan kahapon dahil nga sa nawalan ako ng malay. I was sick.

Tumango na lang ako at sinundan na si ateng nakasalamin. I didn’t bother asking her name since mukhang wala rin naman siyang balak magpakilala.

Pagkarating namin sa room nila ay pumasok kaagad ako’t binati si Ms. Salazar. Iginiya niya ako palabas ng room at doon kinausap.

“Bakit po Miss?” kinakabahan kong tanong. Alam kong wala naman akong dapat ikatakot pero ewan ko ba at mukhang normal na yata sa akin ang kabahan kapag pinapatawag ng professor.

“Hindi ba’t hindi ka nakaattend sa class ko yesterday?”

Tumango ako sa tanong niya.

“So dahil doon, bibigyan kita ng isang special duty. Ikaw lang sa class ko ang wala kahapon kaya naman sa iyo ko ibibigay ito.” Nginitian niya ako. “Malaki rin ang tiwala kong kayang-kaya mo itong gawin. In fact, ikaw kaagad ang maiisip kong makakagawa ng bagay na ito kahit na present ka pa kahapon.”

Kumunot ang noo ko. Ano bang special duty ang tinutukoy ni Ms. Salazar? Napressure tuloy ako. “Ano pong special duty iyon?” pagtatanong ko.

Tumango si Miss, mukhang nasiyahan at nakita niyang tinatanggap ko kung ano mang duty iyon. “You’ll accompany the academy’s foreign partners from France and you will tour them around and inform them things about our school.”

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------