♪ Chapter 37: Breathe
Jane’s POV
Halos tumalon ang puso
ko palabas ng dibdib ko. Nagwawala iyon at nahihirapan na rin akong huminga ng
maayos. He seems so sure of himself.
How can he say that as if he knew me so well?
But he’s damn right.
But then again, I don’t want to give myself away. I don’t want him to see any
confirmation from me. I already have my resolve about this kind of thing
between me and Geff. We need to stay only as friends hangga’t magulo pa ang
lahat sa buhay ko. I need to stay on my guard even though I know I’m slowly
having these feelings for him.
Bumalik ako sa
kasalukuyan nang napansin ko ang pagbagsak ng mga mata ni Geff sa mga labi ko.
I can literally feel the tension around us. Dahan-dahan siyang lumalapit sa
akin at para naman akong naging bato at hindi na nakakilos pa. Pumikit siya at
naramdaman ko ang pagdikit ng mga ilong namin na siyang nagpapikit din sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang nagwawala kong puso. Pabilis iyon ng pabilis.
He’s right after all. This is how he affects me. This is how
his presence makes me feel.
His lips slightly
brushed on my upper lip when he suddenly spoke. “I want to kiss you so badly right now. But I want it to be in some
place memorable than our first,” paos niyang sambit na naging dahilan kung
bakit nagsitindigan ang mga balahibo ko.
Medyo lumayo na siya sa
akin ngunit magkadikit pa rin ang aming mga noo. Dumilat ako at nakitang titig
na titig siya sa akin. His stares express a thousand unspoken words. Napapikit
ako nang hinawakan ng kaliwang kamay niya ang mukha ko at hinalikan ako sa
gilid ng labi ko. Matapos ‘non ay ngumiti siya.
“Calm down.” at
humalakhak siya. “Your face is already
red. Literally.”
I mentally slapped
myself. Wake up Jane! Get a grip of yourself!
Biglang tumunog ang
cellphone niya kaya naman umupo na siya ng maayos at kinuha iyon sa bulsa niya.
He still wears that relaxed smile. Ugh! Stop staring Jane!
“Raph,” sabi
niya nang sinagot niya iyong tawag.
Mabilis akong tumingin
sa bintana at pinakalma ang sarili. God! Bakit ba wala akong magawa kapag
lumalapit na siya sa akin? Bakit hindi na ako nakakapagsalita kapag sinasabi
niya ‘yang mga linya niya? Para akong nahihipnotismo na tipong nabablangko ang
utak ko! Why am I like this in front of him? Halos maihilamos ko ang kamay ko
sa mukha ko nang maalala iyong kanina!
“Alright. Be right there in an hour.” ang huli niyang sinabi sa kausap niya bago iyon
ibinaba at nagsimulang magmaneho.
Walang nagsalita sa
amin nang nasa byahe na kami. Sobrang tahimik. I have this urge to look at him
pero tinablan nanaman ako ng hiya kaya naman pinirmi ko ang tingin sa bintana.
Hindi na ako nagulat nang alam na ni Geff kung saang pad kami tumutuloy ni Al.
Nagpark lang si Geff
bago siya tuluyang huminto.
“Thank you sa paghatid,” sabi ko sa kanya though hindi ako nakatingin sa
kanya.
“Anytime,” sagot
naman niya sa akin sa mahinang boses. Napatingin ako sa kanya dahil doon ngunit
imbis na makitang nakatingin din siya sa akin ay nahuli ko siyang nakatingin sa
kanang kamay ko.
Walang pag-aatubiling
kinuha niya iyon. “Masakit pa rin ba
hanggang ngayon? Saan mo ba ‘to nakuha?” tuloy tuloy niyang pagtatanong
habang sinusuri iyon. “Hindi mo naman
sinabi sa akin kanina,” dagdag pa niya habang nakakunot ang noo.
I rolled my eyes pero
hindi niya iyon napansin. Parang si kuya lang ‘to.
“Nakuha ko ‘yan noong nakidnap ako,” sabi ko na para bang ang makidnap ay isang normal na
bagay lang.
This time ay napatingin
na siya sa akin. The angry Geff is back again. “Ano bang ginawa nila sa’yo? Bakit sobrang dami mong pasa?” Nakita
ko ang pag-igting ng panga niya. “Sinaktan
ka nila di ba?” Nakita ko rin ang pagkuyom ng isa niyang kamay na nakahawak
sa manibela. “Ginalaw ka ba nila?” Pumikit
siya ng mariin. “Ilang araw na akong hindi
pinapatulog ng mga tanong kong ‘to and this time Jane, I want you to answer
me.”
Kinagat ko ang labi ko.
May kung anong yumakap sa puso ko nang marinig ko iyon galing sa kanya.
Traumatic iyong nangyari sa akin ngunit pilit ko na iyong kinakalimutan sa isip
ko. “Noong araw na ‘yon, nakareceive ako
ng message galing sa isang number. Nakalagay doon na magkita raw kami sa South
West building ng academy at siya raw si Phin.”
Umupo ng maayos si Geff
at seryosong nakinig sa akin. Nagpatuloy ako. “Ang buong akala ko talaga ay si Phin iyon kaya pumunta kaagad ako doon
pero napansin kong parang may mali.” Bumuntong-hininga ako. Mahirap para sa
akin na alalahanin nanaman ang nangyari nang araw na ‘yon but I guess kailangan
ko na ring may masabihan tungkol dito. I can trust Geff. I know I can since isa
siya sa mga nagligtas sa akin. “Nakita
kong madilim iyong room kung saan kami magkikita at wala ring tao masyado.
Aalis na sana ako pero nakareceive nanaman ako ng message galing sa ibang
number at sigurado na ako nang mga panahong ‘yon na kay Phin na talaga galing
iyon.”
Kinagat ko ulit ang labi
ko at pinilit na makapagsalita ng malinaw. “May
biglang nagtakip ng bibig ko at alam kong may pampatulog iyon. Nagpumiglas ako
pero hindi ko magawang makaalis sa mga kamay nila.” Sandali akong tumingin
kay Geff at halos magsisi sa ginawa nang may kung anong idinulot sa akin ang
malalalim niyang titig. May galit iyon at... kung anong emosyong ayokong
pangalanan. “Tuluyan akong nawalan ng
malay nang may sumuntok sa tiyan ko at nagising na lang ako na naroon na ako sa
building na ‘yon.”
Huminga ng malalim si
Geff at mariing hinawakan ang kamay ko na tila ba ayaw na niyang bitawan iyon. “Kumusta na ang mga pasa mo?” mahina
niyang tanong.
“Pawala naman na. Okay na ako,” sabi ko sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin at
mukhang may malalim na iniisip.
Nagpakawala nanaman
siya ng malalim na hininga bago binitawan ang kamay ko at lumabas ng sasakyan.
Mabilis ko namang tinanggal iyong seatbelt ko. Pinagbuksan pa niya ako ng
pintuan at inalalayan ako sa pagbaba. Pagkasara pa lang ng pintuan ay binalot
na niya kaagad ako ng mga bisig niya. Sobrang higpit ng yakap niya na medyo
nahirapan pa akong makahinga pero hinayaan ko lamang siya.
“I’m sorry kung nahuli kami sa pagligtas sa’yo,” sabi niya. “I’ll
protect you from now on. Wala nang makakalapit sa’yong iba at makakapanakit
sa’yo. Trust me when I say this, Jane.” Dahan-dahan akong tumango. Hindi ko
alam pero parang naiiyak ako. I remember Geff saying something like this when
we were still young and we were in the orphanage. Hindi pa rin siya nagbabago. Now, I feel so secured and safe.
Inihatid pa ako ni Geff
sa pad bago siya tuluyang umalis. Ang sabi niya ay ite-text niya na lang raw
ako mamaya. Nang sabihin niya iyon ay naalala ko iyong sinabi sa akin ni kuya
tungkol sa pinag-usapan nila. Tatanungin ko na sana si Geff kung seryoso ba
talaga siya tungkol doon pero mabilis na siyang bumalik sa sasakyan niya.
Nagkibit-balikat na lamang ako.
Pagkapasok ko sa room
namin ni Al ay nakita ko na siyang nakaupo sa carpeted floor habang nakalatag
sa coffee table ang mga libro at notebook niya.
“Aya!” sigaw
niya at sinalubong ako ng yakap. Niyakap ko naman siya pabalik. Now that I saw
her, I remembered how I snapped at her earlier. Kumalas ako sa pagkakayakap at
tiningnan siya. “Ayos ka na ba? Nahihilo
ka pa rin ba hanggang ngayon? May masakit pa ba sa’yo? Huh?” tuloy tuloy na
tanong niya kaya napangiti ako. I really
love this girl.
“Okay na ako. Puyat lang ako kaya siguro nawalan ako
ng malay.”
Bigla namang naging
seryoso iyong mukha niya. “‘Yung tungkol
pala ‘don sa document—”
“Al, sorry pala kanina. Sorry kung gano’n ang inakto
ko kanina sa’yo.” Inayos ko iyong
buhok niyang magulo. “Nagulat lang
talaga ako at... siguro dulot na rin ng puyat kaya mabilis uminit ang ulo ko.”
Nag pout naman siya
pabalik sa akin. “Ano ka ba! Normal na
reaksyon lang naman ‘yon. At isa pa, gano’n din ang una kong reaksyon nang
nakita ko iyon.”
Umupo kaming dalawa sa
sofa at tulad ng nakagawian ay nag-usap kami doon. “Saan mo ba nakuha iyon?” pagtatanong ko habang nakatitig sa
document na iyon na nakalagay na ngayon sa ibabaw ng coffee table.
“Kaninang umaga ko lang nalaman na computer hacker
pala ‘tong si Derrick. Since kami lang dalawa kanina ang tambay sa WSMC room
dahil sinamahan ni Grace si Amirah sa pag-aayos para sa concert, nagpatulong
ako sa kanya na maghanap ng information tungkol sa inyong dalawa ni... uhh... ” Alanganin siyang napatingin sa
akin. “...sa inyong... kambal. Pero
syempre ang totoo niyong pangalan ang pinahanap ko.”
Hanggang ngayon ay
hindi pa rin ako makapaniwala sa bagay na iyon. Neth and I, twins. Ang hirap
lang paniwalaan pero alam kong totoo. Kaya naman kapag magkasama kami, pilit
kong iniignora ang bagay na iyon at umaakto lang ng normal sa harap niya.
Ayokong may magbago sa relasyon naming dalawa bilang magkaibigan.
“Inabot kami ng isang oras sa paghahanap doon pero
mabuti naman ay nakita rin namin though sobrang hirap daw ng proseso,” dagdag pa niya.
I decided that I’ll
read the whole document the whole night. Hindi ko yata kayang matulog knowing
na may isang bagay na makasasagot sa napakarami kong katanungan. Isinantabi ko
muna ang lahat ng mga iyon at tinanong si Al sa mga naganap kanina sa school
habang nasa Infirmary ako.
Lumiwanag ang mukha ni
Al nang nagtanong ako. “May mga
pumuntang foreigners sa room natin! Remember ‘yung sinabi ni Miss Salazar sa
atin? Sila ‘yung owner ng isang kilalang kumpanya na naging partner ng school
natin.”
Isang tipikal na araw
lang naman ang nagdaan. Maliban sa mga bisitang dumating sa academy, which is
highlight yata ng araw na ‘to, ay wala naman nang iba pang kaganapan.
Ipinahiram lang sa akin ni Al ang mga notes niya at sinabing hindi ko
kailangang mag-alala since naipagpaalam na niya ako sa mga professors kong
namissed ko ang class.
“Hindi nanaman makakapunta dito si kuya,” nakasimangot kong sabi kay Al. “Busy kasi sila sa practice.”
Biglang tumayo si Al at
dumiretso sa kitchen. Nagtaka pa nga ako at bigla siyang umalis. “Busy lang talaga siya ngayon kaya hindi
siya nakakapunta dito.” Nilingon niya ako habang may hawak na chopsticks at
iniikot iyon sa kanyang buhok. “I’m sure
after the match dito na ulit ‘yun tatambay.” Tumango ako sa sinabi ni Al.
Nami-miss ko lang talaga ang kuya kong ‘yon. Pero itong bestfriend ko ay
mukhang hindi yata. Obviously ay nag-away nanaman silang dalawa. Hindi na ako
magtataka kung one day ay maging sila. Natawa ako sa mga naiisip. Siguro kapag
nalaman ni kuya ‘to ay magwawala iyon.
As usual ay si Al
nanaman ang nagluto ng dinner namin. Habang busy siya sa kusina ay nagfocus
naman ako sa paggawa ng reaction paper na assignment namin na ipapasa the day
after tomorrow.
“Absent si Neth?” gulat
kong utas nang sabihin sa akin ni Al na absent sa buong araw si Neth.
Nagkukwentuhan kami habang kumakain. “It’s
not like her to ditch class.” Sigurado ako dito dahil alam kong ingat na
ingat si Neth sa grades niya to think na academic scholar pa siya. Naalala ko
iyong mukha niya nang nakita niya kaming dalawa ni Geff sa garden.
Nagkibit balikat lamang
si Al habang kumakain. “Nagulat na nga
lang ako nang hindi na siya bumalik ‘nung may tumawag sa kanya sa phone niya.
After 5 minutes siguro ay may kumuha rin ng bag niya.” Kumunot lalo ang noo
ko nang marinig iyon kay Al.
May nabubuo na akong
sagot sa nangyaring iyon ngunit ayoko munang magconclude. Bumalik ang tingin ko
sa document na naghihintay sa akin sa coffee table.
Ako na ang nagpresinta
na maghugas ng pinggan dahil nakonsensya naman ako’t parang useless ako sa room
naming ‘to. May naitutulong rin naman ako kahit papaano dahil ako ang
naglilinis dito pero kung tutuusin ay hindi mahirap iyon gayong parehas kaming
babae ni Al na maayos sa gamit.
Habang nasa cr si Al ay
nagtungo ako sa kama at binuksan ang document. Unang bumungad sa akin ay ang
buong pangalan ng kumpanya ng pamilya Yllana.
Yllana Global Corporation
Inilipat ko iyon sa
susunod na pahina at nakita ang maikling history
ng nasabing kumpanya. This chain of businesses was a legacy of Yllana lineage.
Naging tanyag na ito sa buong mundo hindi pa yata naipanganganak ang
grandparents ko. That’s how I understand it as I read further the contents. It
consists of different businesses and industries — chemicals, communications,
electronics, chain of hotels, restaurants... various corporate ventures, name
it all. I was overwhelmed by it all. Ganito ba kayaman ang mga Yllana? I can’t
even imagine how my real parents rule almost the whole business empire.
This made me think of
my earlier dream bago ako nagising doon sa Infirmary. The scene was so vague
but its implication about that certain
guy left a clear picture on me.
Which also made me
remembered that little voice at the back of my head bago ako nawalan ng malay
kaninang umaga.
Mabilis kong kinuha
iyong notebook ko kung saan ko inilalagay lahat ng bagay tungkol sa mga
panaginip ko. Kumuha ako ng ballpen at mabilis na nagsulat doon.
Nous devons garder tout aussi confidentielle que
possible, princesse. Bon? Puis-je vous faire confiance?
Nabitawan ko iyong
ballpen nang napagtantong walang kahirap-hirap ko iyong naisulat sa notebook.
Nagtaasan din ang mga balahibo ko nang may napansin pa ako.
I can literally understand the language.
Halos mahulog ako mula
sa pagkakaupo nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at bumungad ang
nakatapis na si Al. Kinuha ko iyong document at mabilis iyong inilagay sa
ibabaw ng notebook. Kumunot ang noo ni Al habang pinupunasan ng towel ang
buhok.
“Nabasa mo na?” pagtatanong
niya. Itinuon ko ang atensyon doon. “Hindi
pa,” kibit-balikat ko. Mukhang hindi ko nga yata matatapos basahin ‘to
buong magdamag. Kailangan ko ring itatak sa utak ko na kailangan kong makatulog
ng maayos dahil baka mahilo nanaman ako kinabukasan.
Habang nag-aayos si Al
sa harap ng vanity table ay mabilis kong isinuksok sa ilalim ng unan ko ang
notebook. Nang masigurong naitago ko na iyon ng maayos ay muli kong binuklat
ang document.
Hindi ko na masyadong
pinagtuunan masyado ng pansin ang mga bagay tungkol sa kumpanya ngunit ang
hinahanap ng mga mata ko ay iyong mga impormasyon tungkol sa pamilya ko.
Huminto ako nang nakita ang pangalan ng dad ko.
Bumilis bigla ang puso
ko nang nakita ang mukha ni dad na nakaprint sa paper at sa ilalim nito ay mga
bagay tungkol sa kanya. Alfonso Yllana.
Halos siya lamang ang nagpatakbo ng YGC. He had a very loyal partner though
named Marquis Castellano. My dad died
in a car accident together with my mom and twin sister.
Wait... what?
Nalaglag ang panga ko
sa nabasa. Hindi ko nabasa ang bahaging ito ng article at nafocus lamang ako sa
article tungkol sa akin kanina. Dahan-dahan akong umiling habang pilit na
iniintindi ang mga nabasa at kung ano ang totoo. Habang nag-iisip ay naalala ko
iyong mga sinabi sa akin ni Jayvier na ang akala raw niya ay matagal nang patay
si Angel Liberty Yllana ngunit laking gulat na lamang niya nang nakita niya ito
sa 7eleven at hindi pa siya naaalala nito. Given that we connected that fact
with my theory about the amnesia
thing... it made sense.
All along they thought
that Angel died in that accident but it turned out its otherwise though she’s
suffering now in amnesia. Jayvier, who was one of Angel’s close friends then,
discovered her and now kept it a secret at ako lang ang tanging pinagkatiwalaan
niya tungkol doon.
Then there are those
guys who plan on eliminating the Yllanas...
Kinalabit ako ni Al sa
balikat ko at nagpaalam na matutulog na raw siya. Sinabihan pa niya akong
matulog na rin kaagad kapag inantok na ako. Since the day I told Al about my
family dilemma, she never did pry about the details. Hinihintay niya akong
mag-open-up sa kanya at lagi niyang iniisip kung handa ba ako sa pagbubukas ng
sensitibong topic na iyon. Mas minahal ko pa tuloy itong bestfriend ko.
I sigh. I need to sleep
for me to be able to think clearly. I couldn’t take so much information in one
night. Perhaps I should just continue reading this tomorrow.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Naging mabilis ang
pagtakbo ng oras kinabukasan. Naglecture ang mga professors namin, binigyan kami
ng work sheets, nagpasa kami ng assignment... yeah, another typical day for us.
Pagdating ng tanghali, napagkasunduan namin nila Al, Neth at Grace na kumain sa
Mang Inasal malapit sa school. Sabi kasi ni Grace ay nagsasawa na raw siya sa itsura
ng cafeteria namin.
“Ang arte mo naman! Ang sabihin mo may iniiwasan ka
lang na sophomore doon na big fan mo yata,” entrada
ni Al habang palabas kami ng campus.
Hindi ko na nasundan pa
ang mga pinag-uusapan nila nang tumunog nanaman ang cellphone ko. Tinupad nga
talaga ni Geff iyong sinabi niyang itetext niya ako kagabi. Hanggang ngayon ay
kinareer na yata talaga niya ang pagiging katextmate ko. Ako naman ay isang
tanong isang sagot ang way ng pagrereply sa kanya. I don’t know. Hindi pa rin
maproseso ng utak ko iyong mga sinabi ni kuya kagabi. Hindi rin naman sinabi ni
Geff sa akin iyon ng harapan. Yes, he did say na siya nga ang nagsabi ng mga
bagay na ‘yon kay kuya but he never told me about it in person.
But I do hope na sana
‘wag na niyang sabihin iyon sa akin dahil hindi ko alam ang isasagot ko. I have
too many issues in my life right now and I don’t want him to add up on my pile.
I have enough at my disposal.
From: Geff Mendez
Where will you eat your lunch? Kasama mo ba sila
Neth?
Iyon ang text niya sa
akin na hindi ko nagawang replayan dahil biglang kinuha ni Al ang phone ko.
Nanlaki ang mga mata niya nang nabasa ang nakalagay doon. Humalukipkip naman
ako at hinintay ang magiging reaksyon niya.
“So, ibig sabihin totoo nga?!” sigaw niyang nagpatigil kela Neth at Grace. Nauuna
kasi silang maglakad kaysa sa amin. Bumuntong-hininga ako’t nagkibit-balikat.
Bigla niya akong hinampas sa braso ko’t pinanlakihan ako ng mata. I stifle my
laughter as I look at her as impassively as I can. Ewan ko ba sa babaeng ‘to at
masyadong epic parati ang mga reaksyon sa mga bagay-bagay tulad na lang ngayon.
Hindi ko nga binibigyan ng gaanong pansin kung ano man ang ginagawa ng lalaking
‘yon na akala mo ay magulang ko na inaalam ang buong schedule ko pero ang isang
‘to... nako!
“Totoo ang alin?” pagtatanong
ni Grace nang nakalapit na silang dalawa ni Neth sa amin. Napatingin ako kay
Neth na katabi ni Grace ngunit nasa malayo ang tingin. She seems too quiet
today.
I rolled my eyes at
both of them. Nagsama ang OA magreact at isang gutom sa chika. “Tigilan niyo akong dalawa ha! Wala lang
‘yan okay? ‘Wag bigyan ng meaning!” nangingiti kong sambit sa kanila.
“Hoy babae! Ikaw ang magtigil! May pasikresikreto ka
pang nalalaman dyan akala mo naman hindi namin malalaman,” tuloy-tuloy na sinabi ni Grace habang nakalagay ang
mga kamay sa bewang at sinusulyapan iyong phone kong hawak ni Al.
Kung alam lang nila. Ni
ayoko ngang isiping totoo iyon at isa pa, wala namang dapat isikreto. Hinila ko
na silang apat at nagtuloy na sa restaurant. Sinabi kong gutom na ako at
pare-parehas naman silang nagsiayaan nang kumain nang sabihin ko iyon.
Umiling-iling na lang ako. Girls.
Pagkatapos nila akong
pigain — actually wala naman silang napiga sa akin dahil ang lagi kong sinasabi
ay magkaibigan lang talaga kami ni Geff — ay dumiretso na kami sa WSMC room.
Since dalawang oras pa naman bago ang next class namin ay doon muna kami magpapalipas
ng oras. Siguro ay para makapagpractice na rin para sa nalalapit na concert sa
Feast Day ng academy.
Habang naglalakad
papunta sa club room ay nilapitan ko na kaagad si Al. “Bes, anong nangyari kay Neth? May problema ba siya?” pagtatanong
ko sabay sulyap kela Grace at Neth na nasa harapan namin.
Tiningnan din niya si
Neth. “Hindi ko rin alam. Ayaw naman
naming tanungin ni Grace kasi alam mo na... magsasabi naman siya kung okay na
siya.” Binigyan niya ako ng ngiti. “Don’t
worry, hintayin na lang natin siya na maging okay. Hmm?”
Tumango ako at ngumiti.
Gusto kong maglaan ng mas mahaba pang oras kasama si Neth pero mukhang hindi
naman okay kung ngayon ko siya kukulitin.
Pagdating namin sa club
room ay sabay-sabay kaming nilingon ng mga tao sa loob. Naroon na ang Black
Raven at Crimson. Maging si Amirah ay naroon na rin. Nakita ko pa nga si Geff
na naroon sa sulok habang hawak ang phone niya. Nag-angat lang siya ng tingin
nang biglang sumigaw si Derrick.
“Eto na pala ang hinihintay natin!”
Sinabi ni Amirah na
kailangan naming pumunta ngayon sa auditorium para doon magpractice. Binigyan
naman na kami ng permission ng academy na gamitin iyon. All thanks to Amirah
dahil siya ang nag-aasikaso nitong lahat. Ang sarap ngang pagbabatukan nila
Michael at Derrick dahil wala man lang silang ginagawa. Mabuti na lang at
nandyan si Chenille at Darren para tulungan siya.
May biglang kumalabit
sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Neth na nakatingin sa akin. “Jane, pupunta na ako sa club room namin
ah? Baka kasi may gagawin din kami ngayon,” sabi niya. Kumunot ang noo ko
nang nahimigan ang lungkot sa tono niya. No, she’s not gloomy at all.
She’s obviously tensed.
Hinihintay niya ang
magiging sagot ko kaya tumango na lang ako kahit naguguluhan ako sa mga ikinikilos
niya. “Uhm... okay. Just... be careful.” Wala na akong masabi pagkatapos ‘non. Nginitian lang niya ako na hindi
naman tugma sa mga mata niya at pumunta na siya sa kabilang direksyon. Napansin
ko naman na nakatingin din pala sa akin sila Grace at Al, parehas ding
naguguluhan sa ikinikilos niya.
Pagkarating namin sa
auditorium ay nagvibrate nanaman ang phone ko. Binuksan ko iyon dahil mukhang
alam ko na kung kanino galing iyon.
From: Geff Mendez
Are you mad at me?
Kinagat ko ang labi ko.
Paano ko ba sasabihin na ayokong ituloy niya kung ano man ang binabalak niya
ngayon? I want us to stay friends kahit itong lintik kong puso ay nagwawala
kapag lumalapit na siya. I don’t want to worsen these feelings.
To: Geff Mendez
I’m not mad. =)
From: Geff Mendez
Then why were you not texting back?
To: Geff Mendez
I can’t text you every minute.
Dumiretso kaagad ang
Black Raven sa stage at inayos ang mga instruments doon. Pumunta naman sa baba
ang ilan sa mga members ng Crimson para manghiram ng speakers. Napadpad ang
tingin ko kay Geff na nakaupo sa kabilang upuan kasama ang ilan sa mga
ka-members niya sa dance troupe ngunit ang buong atensyon ay naroon sa phone
niya. Kumunot ang noo niya nang nabasa ang message doon. Mariin akong pumikit.
Whatever. Bakit ko ba siya tinitingnan?
Umupo kami nila Al at
Grace sa kabilang dulo at doon nagkwentuhan. Nasabi ko na nga rin kay Al na
alam ko na kung sino si Darren. Naguluhan pa nga siya sa akin at halos
sabunutan ko siya nang maalalang sinabi na rin niya ito sa akin noon pero hindi
ko lang nagets. Bakit ba kasi hindi na lang niya sinabi sa akin kaagad? May It’s for you to find out pa siyang drama
noon.
“OMG. Paano kapag siya talaga ang destiny mo? Paano
kung for experience lang talaga si
Geff?” pagtatanong ni Grace.
Halos batuhin ko rin siya ng bag ko pagkasabi niya ‘non. Tinaasan lang niya ako
ng kilay. “Aba Jane! Ang haba naman yata
ng hair mo kung gano’n. Matuto ka ngang mag share!” Sabay-sabay kaming
tumawa. Baliw talaga ‘tong babaeng ‘to! Paano ko nga ba naging kaibigan ‘to?
Nakatanggap nanaman ako
ng text. Bumuntong hininga ako.
From: Geff Mendez
Can we talk? Outside?
Nilingon ko siya at
nakitang nasa pintuan siya ng Auditorium. Pinilig niya ang ulo niya habang
nakatingin sa akin.
Nag-excuse ako sa
dalawa at sinabing lalabas lang. Mukhang nakuha naman nila agad ang ibig kong
sabihin nang napatingin din sila kay Geff sabay hagikgikan.
“Bakit?” I
asked as we left the auditorium. Patuloy lang kami sa paglalakad habang
hinihintay ko ang sagot niya. Bigla siyang huminto at humarap sa akin nang
nakarating kami sa garden. Nagulat pa ako at muntikan nanamang tumama sa kanya.
Walang ibang students sa paligid dahil tagong bahagi yata ito ng garden at sa
totoo lang ay ngayon lang ako nakarating dito.
“Do you really want me to court you?” tanong niya sa mahinang boses. Halata sa mukha niya
ang pagkakaba at pagkamutla.
Nalaglag ang panga ko
nang naintindihan ko ang tanong niya. “A-Ano?”
“I said,” nakita
ko pa ang paglunok niya bago nagpatuloy. “...
do you really want me to court you?”
Halos matawa ako sa
tanong niya. “Wala akong sinabi na
ligawan mo ako ah! Ewan ko ba at ano ang drama mo’t sinabi mo ‘yon kay kuya.”
Biglang humampas sa
amin ang malamig na simoy ng hangin dahilan para liparin ang ilan sa mga buhok
ni Geff at halos matulala ako nang pumikit siya’t nag-igting ang panga.
He’s... beautiful,
breathtakingly attractive. Halos matitigan ko ang buong mukha niya’t nakita
kung gaano kaperpekto iyon. Ang kilay niya, ang mahahabang pilikmata, ang
matangos niyang ilong, manipis na mga labi... at ang mga mata niyang kahit
nakasara ay kapansin-pansin pa rin ang pagkamisteryoso.
Syet! Ano ba ‘tong
iniisip ko?!
Pagkadilat niya ay
bigla akong nag-iwas ng tingin.
“Jane... I like you,” he declared confidently. Mabilis akong napatingin sa
kanya nang sabihin niya iyon. His eyes looked at me as if he’s trying to read
my mind. “I can get other girls to like
me in just a matter of seconds. Gano’n kadali kapag sa ibang babae at wala
akong pakialam doon. I’m not desperate to get them. They’re just damn attracted
at this face.” sabay turo niya sa mukha niya. I was left speechless as I
listen to him. “I can get any girls I
like... pero hindi ko ginawa dahil ayoko. I simply didn’t like anyone.”
Lumapit siya sa akin at
hinawakan ang mga kamay ko. Hindi ko na magawang tingnan siya sa mga mata dahil
sa intensidad nito. “But I saw this one
girl and in just a matter of seconds... I felt the connection I never felt
before. Nang nakita ko siya, naramdaman ko kaagad ang kagustuhan kong makilala
pa siya. I looked at her from afar at pinagmamasdan lang siya nang hindi niya
nalalaman. Ang buong akala ko ay hanggang doon na lang ‘yon.”
Inilagay niya ang kamay
niya sa baba ko at iniangat iyon para magtama ang mga mata namin. Halos sumabog
na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Paulit-ulit kong sinasabi
sa utak ko na hindi pwede pero
nabablangko ang utak ko kapag nagsasalita na siya. “I felt the desperation to get to her. Natatakot ako sa nararamdaman ko
Jane. The feeling’s certainly not foreign to me but it’s too intense to ignore.”
“Bakit?” Halos
pumiyok pa ako nang itanong ko iyon kaya naman tumikhim pa ako. “Bakit ka natatakot? Anong ibig mong
sabihin na hindi na bago sa’yo ang lahat ng ‘to?”
Nalaglag iyong kamay
niyang nasa baba ko ngunit nanatili iyong isang kamay niya sa kamay ko. “There was this one girl...” Halos
tumigil ako sa paghinga. One girl. “I... I loved her but I lost her. I thought
I lost her pero bumalik din siya sa akin. Akala ko tuluyan na siyang nawala sa
akin pero matapos ang ilang taon ay nakita ko ulit siya.” Huminga siya ng
malalim na para bang nahihirapan siyang magpaliwanag. Nakita ko ulit siya. Don’t tell me... kilala na ba niya ako?
“I can see more of her when I look at you,” sabi niya nang ibinalik na niya sa akin ang tingin
niya. “Kapag siya ang kasama ko, hindi
ko na nararamdaman iyong naramdaman ko sa kanya dati. It’s like... she’s now a
very different person. Parang hindi na siya iyong minahal ko dati.” Lalo
akong naguluhan sa mga sinabi niya. Kapag
kasama siya. Kung gano’n... ibang babae ang tinutukoy niya. Patuloy lang
akong nakinig kahit gusto kong itanong sa kanya lahat ng mga tanong na nabubuo
sa utak ko.
“At ngayon, nakikita ko siya sa’yo. Pero ayokong
lapitan ka dahil lang doon. I want to see the real you. I want to look at you.
Really look at you Jane. Then this emotion grew... at hindi ko na kayang
sarilinin pa. I want to speak up my mind. I want this feeling to be heard by
the girl I desperately want to get.”
“Sino ‘yung babaeng iyon—” pagtatanong ko ngunit nagsalita siyang muli kaya
napatigil ako.
“That girl is you, Jane. Ngayon lang ulit ako naging
desperado para makuha ang babaeng gusto ko. Wala akong pakialam sa iba pero
pagdating sa’yo, gusto kong makita mo rin ako. I want you to see me... beyond
this face, kahit alam kong ito ang dahilan kaya mo ako nagustuhan.” Natawa siya bigla. “You’re attracted at this face...” Nagtaas siya ng kilay sa akin.
Hindi pa rin ako nakakahinga ng maayos pero sinubukan ko pa ring magsalita. “A-Ano ba ‘yang sinasabi—”
“... and I’ll make you love the man beyond this.
I’ll do that damn courting if that’s the only way to get to your heart.”
Ikinulong niya sa mga
palad niya ang mukha ko at medyo yumuko para maidikit ang noo niya sa akin. “Please say yes, Jane. Say yes that you’ll
let me court you.”
Sa isip ko pa lang ay
umiiling na ako. No.No. Hindi ko dapat hinahayaan itong puso ko na mangibabaw
sa akin. Hanggang kaibigan lang Jane. Marami pa akong uncertainties na
kinakaharap. Ang dami pang gumugulo sa akin. Ang past ko, ang totoo kong
pamilya, si Neth, si Jayvier...
Nagsiliparan na kasabay
ng hangin ang lahat ng mga iniisip ko nang bumulong sa akin si Geff. “Breathe.” Narinig ko nanaman siyang
tumawa nang sinabi niya iyon. “Even if
you won’t say yes, I’ll still court you in every sense of the word... I’ll do
it.”
--------------------------------------------------------------------------------------------------------