Chapter 3: Instinct

Weekends ngayon kaya nganga lang muna kaming lahat sa kwarto namin. At ang mas masaya sa lahat ay TAPOS NA ANG MIDTERMS!!! Yahooo!!!

Anyway, joke lang pala yung nakanganga lang kami sa kwarto. Yung iba sa mga kasama ko eh naglalaba, yung iba nagpaplantsa o kaya naman ay nag-aayos ng mga damit sa cabinet.

In short, ako lang ang walang ginagawa! Hahaha

Tapos ko na kasi lahat gawin yung mga ginagawa nila. Maagap yata ‘to!

Kumuha agad ako ng makakain sa ref at umupo sa sofa. Bago pala ako umupo eh naghanap ako ng dvd na pwedeng panuorin. Nang makakita na ako ng pwede ay inilagay ko na agad sa dvd player.

Maganda kaya ‘to?

Seryoso lang akong nanunuod. Gosh! Bakit may sakit yung bida? Kawawa naman.

“Hoy! Batugan! Bakit wala kang ginagawa?!” entrada ng maganda kong kapatid.

“Ssshhh!!!” saway ko naman sa kanya. Syete! Kakaiyak pala ‘to!

Anla! Inatake na siya! Omigosh!! Dalhin niyo na siya sa ospital!!!

Diretso lang akong nakaupo sa sofa at tutok na tutok sa pinapanuod. Kumuha na rin ako ng tissue na kinuha ko kani-kanina lang.

Iyak na ako ng iyak na tipong malapit na akong humagulhol nang.......

“ANAK NG TUPA!! SINONG NAGPATAY?!?!” sigaw ko na halos lumabas na yata ang ngalangala ko.

ANOBANAMANYAN!! Yun na eh! Feel na feel ko na eh! Bakit biglang namatay??

“Wrong timing naman ng brownout.”

“Grabe anong palabas ba yan? Nakakaiyak pala!”

“Oo nga eh. Kawawa naman si Aya!”

“Mas kawawa si Haruto! Mahal na mahal talaga niya si Aya nuh?”

Lumingon naman ako sa likod at nakitang LAHAT ng mga kasama ko sa kwarto eh nasa likod ko’t iniwanan na ang mga ginagawa.

Napansin ko rin na karton na lang ang natira sa isang rolyo ng tissue na nasa tabi ko.

WOW! -___- ganda rin ng trip ng mga ‘to eh noh? Gaya gaya lang?

Biglang tumunog ang bell na nasa labas ng kwarto.

May bisita? Pinapatunog kasi yun kapag may bisita at ang ibig sabihin din nun ay mag-ayos kami ng kwarto at ng sarili.

Tamad akong pumunta sa kama ko at naghanap ng medyo matinong damit. Ano ba yan! Akala ko pa man din walang gagawin yun naman pala mag-eentertain pa kami ng bisita. Sana sila sister na lang ang makipag-usap sa kanila at wag na kaming idamay...  -___-+

Habang nagbibihis ay naririnig ko pa rin ang mga singhot ng mga kasama ko. Pati si Mildred nakita kong sumisinghot at mugto ang mga mata.

Hala siya! Apektado talaga sa palabas??

Nang matapos na kami sa pag-aayos ng kwarto’t nakapagbihis na ng presentableng damit ay dumiretso na kami kaagad sa social hall. Dito kasi kadalasang ginaganap ang welcoming gesture sa mga bisita na dumadayo sa orphanage.

Bago kami nakapasok ay may nakita na kaming mga lalaki’t babaeng naka business attire na pareparehas namang kausap nila sister.

“Mil, sino sila?” tanong ko kay Mildred na biglang sumulpot sa tabi ko.

“Ewan ko. Baka mga social workers lang sila galing ibang orphanage.”

Wow. -_- Maniniwala na sana ako pero...social worker naka business attire?

Parang ang bigatin masyado ng mga taong ‘to.

Naghintay lamang kami ng mga kasama ko dito sa labas ng social hall. Mukhang busy pa kasi sila sister at yung mga bisita sa pag-uusap. Habang pinapanuod ko sila ay may isa akong napansin na hindi nagbibigay ng anumang pansin doon sa pag-uusap ng mga kasama niya. Tila ba may sariling mundo. Biglang umalis yung lalaki mula doon sa kumpulan nila at nilibot ang kabuuan ng hall. Para bang chini-check kung may mali ba o wala.

Nang humarap siya sa direksyon namin ay nanlaki naman ang mga mata ko.

“Girls tingnan niyo ang gwapooo!!!”

“Saan? Saan?”

“Ayun girl oh! Yung mag-isang naglalakad!”

“Saan ang gwapo?! Patingin nga!” sigaw ng kapatid ko sa mga nagbubulungan kong mga kasama. Agaw atensyon talaga ‘to kahit kelan. -__-

Dahil sa sigaw niyang iyon ay nakuha namin ang atensyon ng lahat ng mga nasa social hall. Nang makita kami nila sister ay biglang nagliwanag ang mga mukha nila. Yung mga nakabusiness attire naman, na napansin kong may mga edad na pala, ay tumingin doon sa Ramirez at bigla silang nagpalitan ng mga ngiti.

Yung hampas-lupang Ramirez naman ay halata pa rin ang pagkagulat sa mukha. Nagpatuloy lamang sa pag-uusap sila sister at yung mga nakabusiness attire samantalang itong si Ramirez the habagat ay mukhang nakarecover na at papunta na sa direksyon namin.

“Susmiyo. Akala ko naman kung saang gwapo eh mas gwapo pa dyan si Haruto.” narinig kong bulong ni Mildred. Nagtawanan naman yung iba.

Ako naman ay humalukipkip na kaagad dahil nasa akin ang atensyon ng mokong na papalapit at siguradong ako nanaman ang pagtitripan ng isang ‘to.

“You’re an orphan?” inosenteng tanong niya.

Ano bang mga mata yan, ang sarap dukutin. Bakit siya ganyan? Kinakaawaan niya ba ako??

Tss. I don’t need his pity.

“Oo. Bakit?” taas noo kong sagot sa kanya.

Tumango-tango naman siya na para bang naiintindihan niya ako.

“What’s with the face?” tanong ko. Nakakairita kasi! Mas sanay akong makita na nang-aasar at bully siya kaysa ganito.

“Wala. Nagulat lang ako.”

“Girls tara na. Busy na ang prinsesa natin!” pag-aaya ni Mildred sa iba naming mga kasama. Kung malapit lang siya sa akin nasupalpal ko na mukha niya. -___-

Ngayon ko lang naalalang kasama ko pala sila. May audience pala kami kanina? Tiningnan ko ang mga mukha nila at nakitang naroon pa rin ang adoration sa mga mukha nila at kulang na lang eh tuklawin nila itong lalaking nasa harapan ko.

“Bakit ba ang taray mo sa akin? Ano bang ginawa ko sa’yo?” inosente na naman niyang tanong habang ang mga kasama ko eh dahan-dahan nang umaalis. Nakakunot noo ko naman silang tiningnan dahil kitang-kita sa kanila ang panghihinayang.

Seriously. Anong meron ang lalaking ‘to at gustong gusto yata siya ng mga kasama ko? Ang yabang kaya nito! Hindi rin naman gwapo!

O sige I’ll give him credits. May itsura siya alright? Pero definitely hindi gwapo.

“Ang yabang mo kasi.” diretso kong sabi sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya na parang alien word yata ang sinabi ko.

“Mayabang? Bakit ako naging mayabang? Eh ikaw nga bigla mo na lang akong tinarayan wala naman akong ginagawa sa’yo.”

Weh? Oo nga wala siyang ginagawa sa akin pero naiinis kasi ako sa mga taong mayayabang.

“Mayabang ka. Sa t.v. pa nga lang ramdam ko na kaagad yung aura mong sumisigaw ng kayabangan, sa personal pa kaya?” sabi ko. Totoo naman eh. Yung mga smirk niya nung napanood ko siya sa t.v.? Ayy nako.

“Grabe ka naman kung makapagjudge. Just because of your mere presumption, you assumed that I’m a conceited type of guy?” pagtatanong niya. Napansin ko rin na wagas na ang pagkakayuko niya’t malapit nanaman ang mukha niya sa akin.

Parang naghahamon lang ng away.

“Oo!” wagas naman ang tingala kong sabi sa kanya.

“You’re really impossible. Hindi maganda ang ganyang attitude Ms. Pavia. Hindi mo pa ako kilala so don’t  judge me as if you know me for a lifetime.” seryoso niyang sabi sa akin.

“I don’t need to know a person for me to see their flaws mister. I trust my instinct. And it says that you’re not as good as you perceive yourself to be.” seryoso ko ring sinabi sa kanya.

Oo. Madali lang naman basahin ang mga tao. Isang tingin ko lang, alam ko na kung mapagkakatiwalaan siya o hindi. Kaya ngayon pa lang eh ayoko nang dumikit sa kanya.

His domineering presence shouts money, power and prestige.

And the last thing I want is to accustom myself to such people.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

No comments: