Chapter 4: No big deal

“Angeline magkakilala ba kayong dalawa?” tanong ni sister Carmen sa akin na ngayo’y katabi ko na.

Lumayo naman si Ramirez at tumayo na nang maayos.

“Opo sister. Blockmate po kami sa school.” walang emosyon kong sagot.

“Mabuti naman kung ganun! O siya sige Angeline, ipasyal mo si Levi sa orphanage. Ipakita mo kung anong meron tayo dito.” masayang wika ni sister Carmen.

Wait lang. Bakit ako?! Bigla tuloy akong nabuhayan ng dugo.

“Hala sister! Si Mil na lang po! O kaya si Mary Ann, si Ria, si Benj. Marami pa po kasi akong gagawin eh.” tama! Ang witty ko talaga kahit kelan!

“At ano naman ang gagawin mo Angeline?” nakahalukipkip namang tanong ni sister Carmen.

Ano nga ba?

“Uhm...ano, maglalaba pa po ako. Pati marami pa po akong paplantsahin. Maging yung mga gamit ko hindi pa maayos.” nagpout ako. Sana gumana! *cross fingers*

“Kahapon mo pa natapos ang paglalaba, pamamalantsa maging ang pag-aayos ng mga gamit di ba? Kaya nga ikaw lang sa  kanilang lahat ang wala nang ginagawa kanina. Nanood ka pa kanina ng palabas.” tuloy-tuloy na sabi ni sister.

Hala!   O__O    Pa’no niya nalaman? Pati ba naman yung panunuod ko alam niya?

Bago pa ako makasagot eh tinulak na ako ni sister Carmen doon kay Ramirez. Sa sobrang gulat eh muntikan pa akong ma-out of balance buti na lang nahawakan ni Ramirez yung magkabila kong balikat. Mabilis ko rin naman iyong tinanggal at humarap agad kay sister.

Matalim akong tinitigan ni sister Carmen kaya wala na akong nasabi.

Aish! Ano ba yan! Ang hassle!

“Tara na nga!” iritable kong sinabi sa kumag at dumiretso na sa labas.

“Ang sungit talaga.” narinig kong bulong niya.

Aba! Aba! Humihirit pa!

“May sinasabi ka?!” tanong ko sa kanya na ikinagulat naman niya.

“Ano? Wala naman akong sinasabi.” ayan na naman yang inosenteng mata na yan!

Ayy ewan ko sa kanya! Naaalibadbaran ako sa kanya!

“Ayiieeehhhh!!!” entrada ng mga kasama ko nang dumaan kami sa may hallway na tinatambayan nila.

“Hoy! Tumigil kayo! Di nakakatawa!”  bulyaw ko sa kanila.

“Eh bakit namumula ka?!” sigaw pabalik ni Mildred.

“Namumula ako sa inis at irita kaya wag niyo nang subukang sirain ang sira kong araw!” tugon ko sa mga nakakairita nilang “ayyiiieehh” at dumiretso na nang lakad.

“Waaahhhhh!!!! Ang gwapo mo kuya!” paulit-ulit kong narinig mula sa kanila.

Nilingon ko sila at nakitang nakangiti ang hinayupak sa mga kaibigan ko at kumaway pa!

Tapos sinasabi niyang di siya mayabang...   -___-+   Sinong niloko nito?

“Dito yung kwarto ng boys.” sabi ko sa kanya sabay turo doon sa pintuang medyo bukas. Tss. Mga lalaki talaga oh, di man lang nagla-lock ng pintuan.   -___-

“Ito yung kitchen kung saan kami nagluluto. Sa kabilang building naman yung kwarto ng girls. Kapag diniretso mo ‘tong hallway ay yung c.r. naman.” pagpapatuloy ko.

Bakit ko nga ba kailangang i-tour ‘to?

“Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko. Actually dapat kanina ko pa ‘to tinanong. Ewan ko ba’t nalimutan ko.

Tiningnan ko naman si Ramirez na kanina pa tahimik.

“Ano?” ayaw pa kasing sumagot eh! Patuloy lang siyang nagmamasid sa buong lugar.

“Our company chose your orphanage to be one of our beneficiaries. We have this project focusing on the welfare of the youth.” sabi niya in his business like tone.

“Ah.” yun na lang ang nasabi ko. Mabuti naman at may magandang nagagawa ang company nila.

Ano nga ba ang ginawang project ng Yllana Global Corporation? Parang wala naman? Eh kasi ang lagi kong nababalitaan eh palaki nang palaki iyong company nila pati nagiging mas kilala sila sa buong mundo. Pero kahit na ganoon ay wala akong narinig kahit anong project nila na nakafocus sa mga tao mismo.

Hmmm...this Ramirez isn’t so bad after all. Mukhang kakainin ko yung sinabi ko kani-kanina lang.

“Ilang taon ka nang nandito sa orphanage?” biglaang tanong niya kaya naman nagulat ako. Nasa akin na rin ang atensyon niya.

“Simula nung baby pa lang ako nandito na ako. 2 years old naman si Mildred noon.” sabi ko. Siguro kung yung iba ang tatanungin ng bagay na iyon ay maiilang sila pero ako hindi. Kumbaga nasanay na ako.

“Ah.” ang tangi na lang niyang tugon.

Bumalik na kaming dalawa sa social hall at nakita kong nagkakasiyahan na sila.

“Oh Angeline andyan ka na pala! Maraming nagdedemand dito na ipakilala mo naman daw yang friend mo.” sabi ng kaibigan kong si Ria sabay halakhak niya. Yung parang sa horror.

Okay. Sabi nila eh.

Pumunta agad ako sa harapan nilang lahat at pinukpok ang ibabaw ng mesa para makuha ko ang mga atensyon nila.

“Guys! Alam niyo naman kung ano ang Ramirez Group of Companies hindi ba? Kung ganon ay bigyan natin ng masigabong palakpakan ang nag-iisang tagapagmana nito. Napakaswerte natin at ang orphanage natin ang napiling maging isa sa mga beneficiary ng prestihiyosong kumpanyang ito sa proyektong kanilang isinasakatuparan. So, ladies and gentlemen, may I present, Mr. Levi Ramirez of RGC. Let’s give him a round of applause!” mahabang litanya ko sa kanilang lahat.

Grabe ha! Dumugo ang ilong ko doon. XD

Lahat ng mga babae naman eh naghagikgikan samantalang ang mga lalaki naman ay nacurious. Kanina kasi na-late sila ng baba kaya naman hindi nila agad nakita si Ramirez.

Nakita ko rin naman ang mokong na natatawa rin habang naglalakad papunta sa harapan.

“Thank you.” sabi niya. Asus kunwari pa pero alam kong tuwang-tuwa ‘to sa atensyong nakukuha niya.

“So, yes. I’m Levi Ramirez of RGC, like Ms. Pavia have said.” parang inulit lang niya yung mga sinabi ko kanina. -___-

Isa-isa siyang dinamba ng mga babae kong kasama samantalang nasa tabi lang kami ni Mildred.

“Noong una mo siyang nakita di ba sabi mo gwapo? Eh bakit kanina parang grabe mo kung sabihan siyang di gwapo? Haha” sabi ko kay Mildred. Eh kasi naalala kong sinabi niya yun nung nanonood kami ng t.v. tapos kanina ang sabi naman niya eh mas gwapo daw si Haruto.

“Eh hindi ko pa kasi nakikita si Haruto nun eh ayun, napag-alamang wala naman pala siyang binatbat pagdating sa personal. Pati naman sa school alam ko na.”

“May itsura naman ah?” dipensa ko.

Wait. Bakit ko nga ba siya dinidepensahan??

“Baka sa mga mata mo lang yun pero sa akin waley siya sis.” sabi niya.

Maya-maya ay dumating na si sister Carmen kasama ang iba pang mga nakabusiness attire. Sa kanilang lahat ay si Ramirez lang ang pinakabata.

Nag-usap-usap lamang sila matapos nun ay kumaway na si Ramirez para magpaalam. Buti naman at aalis na sila at nang maging payapa naman ang atmosphere. Gusto ko na rin pumunta sa kwarto’t ipagpatuloy yung panunuod.

Niyakap naman siya (for the nth time) ng mga kababaihan at yung mga lalaki naman ay parang mga naiintimidate sa kanya. Kunsabagay naramdaman ko rin naman sa kanya yun pero di ko lang pinapahalata.

Nilingon niya ako at inilahad sa akin ang mga bisig niya na para bang hinihintay niyang yakapin ko rin siya. Yung mga kaibigan ko naman eh nasa tabi lang at hinihintay ang magiging reaksyon ko.

“Go na girl! Grab the opportunity! Hahaha” sabi ni Mary Ann.

“Tama! Baka last na ‘to! Ikaw din mamaya magsisi ka.” pananakot naman ni Benj.

“Hala larga na!” dagdag pa ni Ria.

Si Mildred naman nasa isang tabi lang at nakangisi.

Tinaasan ko lang si Ramirez ng kilay. Aba! Ano ako bale? Bakit ko yayakapin yan?

Sumimangot naman siya bigla at lumapit sa akin. Oh? Ano naman ang trip niya ngayon? Ano bang nangyayari sa lalaking ito at parang may sapi?

Naglalakad siya papunta sa akin samantalang ako naman eh umaatras. Napansin ko rin na sobrang tahimik nilang lahat.

Atras ako nang atras nang bigla na lang akong tinulak ng mga bwisit kong kaibigan kaya naman mas nakalapit yung mahanging si Ramirez sa akin. Bago pa ako maakarecover eh binalot na niya ako ng yakap.

“AYYYYIIIEEHHH!!!!!”

“OH MAY GHAD!!!!”

“AYA AT HARUTO ANG PEG!!!!!!”

Halos masira naman ang eardrums ko dahil sa mga tili nila. Naghihiyawan na rin maging ang mga lalaki.

Mga bwisit! Nagpupumiglas ako sa kumag na nakayakap sa akin pero ang higpit ng yakap niya. Naramdaman ko rin na tumatawa siya.

Maya maya ay kinalas na niya ang pagkakayakap niya kaya naman nakahinga na ako ng maayos.

Makakatikim na sana siya sa akin ng legendary curse ko nang bigla niya akong halikan.

“WAAAHHHHHH!!!!!!” pagwawala nilang lahat.

Ako naman........NR.    =____=

“See you soon.” sabi niya bago naglakad palayo at palabas ng social hall. Nagmamadali na rin siya dahil kanina pa nasa labas ng orphanage yung mga kasama niya.

Tss. It’s just a kiss. No big deal Angeline. Halik lang ‘yon.

“Ang haba ng hair ng kapatid ko! Guys pakipulot nga!” sigaw ng magaling kong kapatid.

Yes. Kiss...........on the cheek. No big deal, really.

Pero bakit parang nanghina ako?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

No comments: