Chapter 2: Ranks

Ewan ko lang ha pero bakit ba ako kinakabahan? Ngayong araw kasi makikita ang rank mo sa buong campus. It’s either magiging kilala ka sa taglay mong katalinuhan o kaya nama’y magiging kilala ka sa err.....ano nga ba? Makikilala ka sa taglay mong katangahan? I hate the term but I guess wala nang mas babagay na salita sa ibig kong sabihin.

Matalino ako pero hindi ko alam kung hanggang saan ang talino na yun. Alright, aaminin ko may pagka-pessimist ako. I always expect the worst in me kahit marami nang nagsasabi (actually friends ko lang ang nagsasabi) na marami raw akong ibubuga kapag academics ang pinag-uusapan.

Syempre kaibigan ko sila! Dapat lang na todo ang support nila sa akin! Hahaha.

Anyway kasama ko ang mga kaibigan ko, kasama si Mildred, at papunta kami ngayon sa bulletin board. Si Mildred kalma lang. Wala yatang pakialam kung anong rank. Yung dalawa naman wala lang rin. Siguro kung pagbabasehan kasi ang taglay nilang galing eh nasa average sila. Ako? Wag niyo nang tanungin.

Pagkarating namin sa bulletin board eh nakita namin ang sandamukal na estudyanteng naggigitgitan. Tss....desperada much?

Humalukipkip na lamang ako habang hinihintay maubos ang mga nagkukumpulan sa harapan. Ayoko kayang maipit! Ang liit ko na nga magpapaipit pa ako?

Napansin ko ang ingay din nila. Jeez....wala me ma-say. XD

Matapos ang ilang minuto ay biglang tumahimik. Wow, observe silence ang peg ng mga estudyante dito, parang sa library lang. Napansin ko rin na biglang nahati sa dalawa ang kumpulan ng mga estudyante na para bang naggi-give way........sa akin? Eh kasi ako na lang yung nasa gitna.

Thank you kung ganon!

Dumiretso na ako sa bulletin board para makita ang result at ang rank ko. Maliban kasi sa rank ay makikita mo rin ang average score mo sa lahat ng subjects na kinukuha mo.

Syempre tiningnan ko muna yung number 1 pero may biglang dumantay na palad sa list ng mga nasa unahan kaya nilingon ko ang nagmamay-ari ‘non para masampolan ng mura ko pero........

......ang lapit ng mukha niya.  -__-

“Any problem Miss? Excuse me but I’ll just look for my rank.” tiningnan ko lang siya ng masama. “If you don’t mind.” dagdag pa niya habang nakagesture ang kamay niya sa gilid na para bang sinasabing tumabi nga talaga ako.

Aalis na sana ako dahil naaawa ako sa kanya *put sarcasm here* pero narinig ko ang hagikgik ng bwisit kong kapatid. Ang bruha tuwang-tuwa pa sa atensyon na nakukuha ko!

“Miss?” tanong ulit sa akin nung habagat kaya naman naglakad na ako papunta sa gilid.

Pagkatingin ko sa pwesto niya ay may mga alagad pala siyang kasama.

At kung sinuswerte ka nga naman at kabarkada pala niya ang mga ‘to?

Lumapit sa amin si Ayden Alvarez, yung sinasabi kong ace player ng basketball team na nanliligaw kay Jayah, at malamang eh lumapit dahil kay Jayah.

“Alam mo na ang rank mo?” tanong ni Ayden kay Jayah.

Yung bruha naman namula lang. Ayy teh halatang-halata ka! Akala ko pa naman magaling ‘tong umarteng walang gusto eh kitang-kita na ang pagbablush niya. Yung masugid naman niyang manliligaw ay mukhang tuwang-tuwa sa nakikita.

“Hindi pa eh. Ang dami kasing estudyante kaya hindi agad namin nakita.” Wow! Pwede ka na sa binibining pilipinas pageant sa kahinhinan mo! Hahaha!

Si Mildred mukhang natatawa rin. Parehas talaga kami ng takbo ng utak nito! XD

“Ah ganun ba? Tignan niyo na ngayon habang nandito pa kami.”

Yan ang advantage kapag ang manliligaw ng friend mo eh sikat!  Haha karerin na ang pagkakataon!

Magbubunyi na sana ako kaso yung kapre hayun at nasa tapat pa rin ng bulletin board. -___-

“Paano namin makikita eh may nakaharang na kapre?”

Pagkasabi ko nun eh parang nag-iba ang aura ng paligid. Oh baka ako lang ‘yon?

“Pft.” pigil na tawa ni Ayden.

Okaaayyy. Narinig ba nila yung bulong ko? Partida bulong ko yun ah!

Kung si Ayden eh napigilan ang tawa, yung isa nilang kaibigan eh humagalpak talaga sa tawa. Ito yata yung si George Mendez na kinababaliwan ni Andrea.

Tiningnan ko si Andrea at hayun! Namesmerize na yata sa tawa nung George. Para namang unggoy kung tumawa. Anong nakakainlove dun?

Parang slow motion namang lumingon si habagat at tiningnan ako nang masama. Dahan-dahan din siyang lumapit sa akin at tiningnan ako sa baba. Tulad ng sabi ko eh matangkad siya kaya naman wagas ang pagtingin niya sa baba at wagas naman ang tingin ko sa taas.

Bakit ang lapit nanaman ng mukha niya?!

“Are you insulting me?” nakakatakot niyang tanong.

Well, sorry na lang siya pero di ako natatakot sa tono niya.

“Are you insulted?” pabalik kong tanong sa kanya.

“Tanga ka ba? Hindi mo ba kilala kung sino ako?” ayun! Nagtagalog! Akala ko nose bleeding na ako eh.

Pero syempre papatalo ba ako sa Filipino skills niya?

“Ikaw? Kapre ka ba? Tangkad mo dude eh.” sabi ko sa kanya with matching taas mukha. Bwisit ang tangkad talaga niya!

Narinig ko naman ang tawanan ng mga estudyante. Oha! Galing ko di ba?

Pati yung mga kaibigan niya tumatawa na rin. Maging si Ayden nga eh hindi na napigilan ang sarili.

I win! Mwahahaha!!! *insert devil laugh here*

“You’re happy huh? Let’s see what will make that smile of yours be gone.”

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Paki ko sa nilalang na’to?

“Excuse me.” sabi ko at sa ikatlong pagkakataon simula nang nagkita kami ay hinawi ko siya gamit ANG MGA kamay ko.

Tiningnan ko na agad kung ano ang rank ko. Habang naghahanap ay narinig ko ang pagbalik ng ingay ng mga estudyante kaya naman wala na siguro yung habagat na yun kasama ang mga alagad niya.

Bigla naman akong binatukan ni Mildred.

“Ano yun ha? Dati nakita pa lang kitang naglalaway sa kanya sa t.v. ngayon nagpapapansin ka na! Hahaha. Ibang klase ka rin ah!” sabi niya.

Kung hindi ko lang siguro kapatid ‘to at kung hindi ko lang siguro alam ang ugali niya eh maiinis na ako sa sinabi niya.

“Weh?! Crush mo si Levi Ramirez, Angeline??” usisa pa ni Andrea.

“Girl di mo naman agad sinabi edi sana nailakad na kita! Hahaha.” sambit naman ni Jayah.

“Sinong nagsabing gusto ko yun? Yung kapreng yun? Oh come on girls! Give me credits!”

Seriously? Yun yung magiging conclusion nila? Ayy ewan ko na lang ha.

Nang makita namin ang ranks namin ay sabay-sabay kaming nagtilian.

“Waaaahhhhh!!!!!!” kasama pa dyan ang pagtalon-talon at pagbibigay ng high fives sa isa’t isa.

Rank 1 si Mildred, Rank 2 yung si Habagat, Rank 3 ako *flip hair*, Rank 4 yung kupal na manliligaw ni Jayah, Rank 5 yung isang estudyanteng di ko kilala, Rank 6 si Andrea, Rank 7 naman ang labidabs niya, Rank 8 si Jayah. Di ko na sasabihin yung iba, mga di ko naman kilala.

Ang galing noh? Matalino rin pala ang habagat na ‘yun? Biruin niyo natalo ako? Pero syempre joke lang yun. Di ko rin naman inaasahan na magiging rank 3 pa ako. At yung average na sinasabi ko sa mga kaibigan ko? Isang malaking joke rin pala yun! Hahaha.

Pagkatalikod ko eh nakita ko naman siya na seryosong nakatingin sa akin. Medyo kinabahan pa ako nun dahil kakaiba yung tingin niya pero nang lumaon ay bigla siyang ngumiti at nagsalute sa akin.

Okaaayyy. What’s that?


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

No comments: