Chapter 28: I’ll be here

Jane’s POV

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung pang-ilang ulit ko na itong ginawa sa panahong nakahiga ako sa malamig na sahig na ito. Wala na rin akong lakas pa upang umiyak at maggagalaw. Tanging pag-asa na lamang ang nagpapatatag sa akin sa sitwasyong ito.

Naglakbay ang isip ko sa kung saan. Ipinikit ko ang aking mga mata’t inalala iyong mga nasaksihan ko sa aking panaginip. Isang hindi ko kilalang lalaki ang pumasok sa aking kwarto, doon sa bahay kung saan ako tunay na lumaki... kasama ang tunay kong mga magulang. Maging ang mga mukha nila ay hindi ko maalala. Ang sabi sa akin ng psychiatrist ko ay ginusto ng isip kong kalimutan ang mga bagay na iyon dahil sa mapapait na alaalang hatid nito. Marahil ay tama siya. Dahil sa huling bahagi ng panaginip na iyon ay isang di kaaya-ayang pangyayari ang di ko gustong balikan.

Pero ang pangyayari kung saan pumasok ang batang lalaking iyon sa aking kwarto ang nagpagulo sa akin. Sino siya? Bakit nagsinungaling ang kakambal ko na siya ay ako noong mga panahong iyon? Saan at bakit niya ako pinoprotektahan?

Bakit gusto ko siyang muling makita?

Napunta naman ang isip ko kay kuya. Hinahanap na kaya nila ako ngayon? Mahahanap kaya nila ako? Hanggang kailan kaya ako mananatili dito?

At sino naman kaya ang gumawa ng bagay na ‘to? Anong gusto nilang mangyari?

Habang nag-iisip ng mga posibleng kasagutan ay may narinig akong mga boses na nag-uusap. Nagtaasan ang mga balahibo ko at umusbong nanaman ang takot sa akin.

“Ano na ang susunod nating gagawin?” tanong ng isang baritonong boses.

Narinig ko naman ang pag-ubo ng kasama niya bago ito sumagot. “Hindi ko alam. Wala pa namang sinasabi sa atin si boss eh.”

Nang nagkaroon na ako ng lakas ng loob ay binuksan ko na rin ang mga mata ko. Noong una ay wala pa akong nakikita ngunit nang nakapag-adjust na ang aking mga mata ay napagtanto kong nasa harapan ko na iyong dalawang lalaki habang sila’y nakatingin sa akin. Hindi ko lubos makita ang kanilang mga mukha dahil nakatayo sila sa madilim na bahagi ng lugar na ito ngunit ramdam ko na pinagmamasdan nila ako.

“Gising ka na pala. Ano? Nagugutom ka ba?” tanong ng lalaking nakasuot ng pantalong sira-sira at nakasuot ng tsinelas.

Binatukan naman siya ng kasama niya. “Gago! Ano? Papakainin mo yan? Wala namang sinabi si boss na gawin ‘yun ah?” aniya at saka tumingin muli sa akin. “Ang amo ng mukha niya. Sigurado akong anak mayaman ‘to pero sigurado rin akong may ginawa ‘tong di nagustuhan ni boss kaya galit na galit siya sa kanya.”

“Pre ang bata pa n’yan tapos ginawa natin ‘to sa kanya! Hindi ka man lang ba naaawa

“Maawa ka kung gusto mo. Pakainin mo kung gusto mo. Tingnan natin kung di ka malintikan kay boss, malamig na sabi niya bago umalis.

Naiwan na lamang iyong lalaking may sira-sirang pantalon habang umiiling.

Gusto kong magsalita ngunit may nakatakip sa bibig ko kaya naman wala akong magawa kung hindi ang panuorin siya. Ano kayang gagawin niya sa akin? Nila? Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot.

Dahan-dahan siyang lumapit at pinilit ko naman ang sariling lumayo. Ngayon ko lamang napagtantong sira iyong itaas na parte ng lugar na ito kaya naman umaabot hanggang dito ang liwanag ng buwan. Sapat lamang ang liwanag nito upang makita ko ang mukha ng isa sa mga dumakip sa akin.

May nakita akong awa sa kanyang mga matang nakamasid sa akin. Wala akong nakitang pagtatangka doon. Kasing-edaran lamang siya ni dad at mayroon siyang malaking scar sa kaliwang bahagi ng mukha niya. Naglalakbay iyon sa kahabaan ng pisngi niya.

“Pagpasensyahan mo na ‘yung kasama ko kanina ah? Ganun lang talaga siya. Pare-parehas lang naman kasi kaming napag-utusan at syempre pag pumalya kami, lagot kami sa big boss namin, pagpapaliwanag niya. Hindi ko alam pero nang narinig ko ang boses niya ay tila gusto kong umiyak at magmakaawang paalisin na ako sa lugar na iyon.

Lalo akong natakot nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Inayos niya ang buhok kong nakakalat sa mukha ko at pinagmasdan pa akong mabuti.

“‘Wag kang mag-alala. Hindi ka naman namin sasaktan eh. Kaso kasi noong nagpumiglas ka kanina, nainis sa’yo ‘yung kasama ko kanina kaya nasuntok ka niya sa tyan. Pasensya na pala ‘dun.” Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya o hindi. Pero naisip kong isa siya sa mga kumuha sa akin kaya naman malabong hindi siya masama.

Huminga siya ng malalim bago siya tuluyang umupo. Hanggang ngayon ay nakahiga pa rin ako sa malamig na sahig. Hindi ko nga maintindihan kung bakit siya nandito kasama ako. Marahil ay para bantayan ako kung sakaling tatakas ako.

“Ilang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin nawawala ang galit ng boss namin sa pamilya ninyo, sa mga Yllana. Pero ilang taon na rin ang nakalipas simula nang huminto na siya sa pagmamanman sa inyo kaya nagulat kami nang inutusan niya kaming kunin kayong kambal.”

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Yllana? Sinabi rin ba niyang... dinakip din nila ang kakambal ko kasabay ng pagdakip nila sa akin? Pero paano mangyayari ‘yon kung matagal na siyang patay?

Hindi kaya... buhay talaga siya? Pero paano?

Yllana...

“AMY was what your real parents used to call you but your brother and twin and bestfriend prefer Miracle. A and M stands for your name so we suppose that your surname starts with letter Y. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming ideya.”
Naalala kong sinabi ni Al sa akin iyon noong tinanong ko siya kung ano ang tunay kong pangalan. Hindi ko tinanong iyon kela mom at dad dahil ayokong malaman nila na unti-unti nang bumabalik ang mga alaala ko. Ayokong mag-alala pa sila sa akin.
Tumingin muli ako sa estranghero sa harap ko at naghintay pa sa susunod niyang sasabihin.
Pero hindi na niya nadugtungan pa iyon dahil pumasok na muli iyong lalaking kasama niya kanina. Hindi tulad nitong lalaking nasa harapan ko, iyong kasama niya ay may suot na face mask upang hindi makita ang kabuuan nito. Tanging mga matang masamang nakatingin sa akin ang nakikita ko.
“Hoy! Nagbigay na ng instruction si boss. Ilagay mo na siya ‘don ngayon. Dalian mo!” sigaw niyang umalingawngaw sa katahimikan ng gabi.
Kinabahan ako dahil doon. Saan nila ako ilalagay? Papatayin na ba nila ako?!
Tiningnan akong muli ng lalaki sa harapan ko nang may simpatya. Wala na akong nagawa kung hindi ang humikbi nang bigla niya akong kinarga at nagsimula na siyang maglakad sa mas madilim na parte ng lugar na ito. Lumabas namang muli iyong kasama niya.
Habang naglalakad siya’t bitbit ako ay napagmasdan ko ang lugar. Mariin ko munang ipinikit ang aking mga mata dahil sa panlalabo nito gawa ng mga luha. Habang nakatingin sa paligid ay napagtanto kong nasa abandonadong building kami ngayon.
Pumunta iyong lalaki sa dulong bahagi ng building at huminto sa tapat ng isang cabinet. Dumoble ang kaba sa puso ko nang sinimulan niyang buksan iyon.
“Hmmm!” Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya at nagsimula nanaman akong umiyak. Please! Pakawalan mo na ako! Gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Kuya! Nasaan ka na ba?!
Maingat niya akong inilagak sa loob nito. Itinali niya pang muli ang mga kamay kong nakatali na sa isang parte sa loob ng cabinet. Sinigurado talaga niyang hindi ako makakalapit sa pintuan ng cabinet na iyon kaya niya ginawa ito. Malaki sa loob kaya naman kumasya ako.
Inulit niya ang proseso sa mga paa ko. Habang ginagawa iyon ay tumingin ako sa kanya at tuloy tuloy na umiling. Alam kong naiintindihan niya ang nais kong sabihin. Please... please... wag...
Ngunit umiling din siya pabalik sa akin para sabihing hindi pwede. Matapos iyon ay isinara na niya ang cabinet at nabalot nanaman ako ng dilim, at ang tanging narinig ko na lamang ay ang sariling impit na iyak.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Raph’s POV
Sinundan ko lang ang naglalakad na si Geff. People around him tend to call him with that name. Dati kasi, 8 years ago, he wanted to be called Drew. That was his nickname, according to him.
It took me a while before I recognized him though. When he said that he cared for my sister, full of certainty and sincerity, then that was when I realized he was that guy from years back. I finally made the connection.
Their family was the closest friend of my family. Tita Andrea, Geff’s mother, was my mother’s bestfriend since they were in college. Kaya naman napagkasunduan nila na kapag nagkaroon na sila ng anak at magkaiba ng gender, ay ipapakasal daw nila. Gagawin daw nila ang lahat para maging sobrang close sila. That was just a joke between them pero nang nagkatotoo nga ay itinuloy pa rin nila.
That was how this guy met my sister, Angel Liberty.
He stopped walking and used the key he showed me earlier to open the door of the room where the control room is. Dito makikita ang lahat ng mga lugar na abot ng CCTV cameras. Ang sabi ni Geff ay maaari naming makita kung ano ang nangyari sa kapatid ko bago siya nawala gamit ang mga CCTV cameras ng school na ‘to.
Nang tinanong ko siya kung paanong nagkaroon siya ng susi sa control room, ang sabi niya ay kaibigan niya ang president ng student council. Hindi na muli kaming nag-usap pagkatapos ‘non.
Pagkapasok pa lamang namin ay agad na niyang kinalikot iyong computer at ilan pang aparatong hindi ko maintindihan. Wala na akong iba pang nagawa kung hindi ang tingnan siya at ang malaking monitor sa harap namin.
“Around what time — nevermind.” Hindi na niya tinapos pa ang tanong niya dahil nakita na niya ang hinahanap niya sa monitor. Madali akong lumapit at pinagmasdan iyon ng mabuti.
Hindi na ako magugulat. He already knew about my little sister being alive. But he has no idea about the mere existence of my other baby sister.
Nakita namin ang pagpasok ni Angel... Neth... sa isang club room, which is the Photography club. Yes, I have eyes in this campus at isang malaking kapalpakan ang nangyari ngayong araw. Kapag may nangyari sa kanilang masama ay baka hindi ko mapatawad ang sarili ko.
Geff pressed something on the computer then the video now played in fast forward. We stopped when people inside the room started to leave. Hindi namin nakita si Angel kaya naman pinindot ulit ni Geff ang fast forward. At last ay nakita na rin namin siya. She was busy using her cellphone while walking. After that, ang buong akala ko ay pupunta na siya sa classroom nila pero pumunta siya sa garden at tumingin sa relo niya. Matapos ang pagmamasid ay nagtungo siya sa isang building. I recognized it instantly.
“Look for the CCTV camera of South West building,” I instructed. Madali namang sinunod iyon ni Geff.
Within that same time bracket ay tiningnan namin ang CCTV sa building na ‘yon. We saw how Angel looked at the farthest room in the hallway. Sumilip siya doon na para bang may hinahanap. Nang makitang walang tao doon — halata naman na dahil sarado ang mga pintuan doon — ay nagsimula na siyang umalis. Nang paliko na siya ay bigla siyang huminto na para bang may napansin siyang kakaiba.
Kumunot ang noo ko. I also saw Geff clench his fist.
Naglakad pa siya tungo sa kabilang hallway hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang... basurahan. May pinulot siyang kung ano doon.
“Hold it right there,” malamig kong utos kay Geff. Nang naka-pause na ang video ay tiningnan ko kung ano iyong hawak ni Angel. Halos manlamig ako nang nalaman kung ano iyon.
Madali akong tumalikod at sinuntok iyong pader sa tabi ng ng pintuan. I can’t help myself from cursing. Shit!
Aware akong pinapanuod ako ni Geff pero busy pa ang utak ko sa pag-iisip ng posibleng mangyari sa kanya. Damn! Anong pwede kong gawin?!
“Hey. Alam mo ba kung ano ‘yung hawak niya?” he asked.
Nilingon ko siya at nakita ko kung paano siyang nagulat sa kung ano man ang ekspresyon ng mukha ko.
“Cellphone,” I answered back. Takte! Nababalisa na ako!
He rolled his eyes. “I know,” he uttered as if I was stupid I said that. “But whose cell?”
Damn! How can I answer him?!
“Alvarez’s sister,” ang tangi ko na lang naisagot. Napansin ko naman ang biglaang pagbabago kay Geff. Para bang naging mas tensyonado na rin siya. “You know her?” hindi ko maiwasang itanong.
Yumuko siya habang nakalagay ang mga kamay sa ulo. “Oo,” bulong niya.
Hindi na pala ako mahihirapan kung ganoon.
As if reading my mind, he promptly shifted on his seat and started manipulating the system again. Hinanap niya sa mga camera ang mukha ni Miracle.
“Around 1pm siya umalis sa club room nila,” I told Geff to help him out.
Habang naghahanap siya ay ipinagpatuloy ko naman ang panunuod sa nangyayari kay Angel. I press the play button at nagpatuloy na ito sa pagpe-play. Nakita ko na pinagmamasdang mabuti ni Angel iyong cellphone na hawak niya at sa isang iglap ay nakita ko ang gulat sa mukha niya. Tumingin-tingin muna siya sa paligid bago tumakbo.
“Geff.”
“What?!”
Ipinakita ko sa kanya ang pag-alis ni Angel kaya naman binuksan niya lahat ng video ng mga CCTV cameras at nai-flash iyon sa buong monitor. Sinundan namin ng tingin ang tumatakbong si Angel at nakitang lumabas siya sa main gate ng academy. Ang buong akala ko ay tuluyan na siyang aalis ngunit bumalik siya papasok ng campus at naglakad nanaman patungo sa lugar kung saan siya nanggaling kanina.
“Saan ba siya pupunta?” Geff asked no one in particular.
Huminga ako ng malalim at nagfocus nang muli sa panunuod. Every second of watching is torture. Dahil sa pagdaan nito ay wala pa rin kaming nakikitang trace kung nasaan sila ngayon. Sa lahat ng mga guards na nakabantay sa kanila sa labas ng campus, wala silang nakitang ni-isang lumabas sa kanilang dalawa kaya naman iniisip kong nandito lamang sila sa loob ng campus. Pero, I highly doubt it.
I heard Geff curse for the first time kaya naman napatingin ako sa kanya. Natataranta nanaman siya sa paghahanap ng kung ano sa CCTV.
“Bakit? Anong nangyari?”  I asked him.
He slammed his hands on the table. “May nagbura ng files... ng videos, fuck!” sabi niya at ginulo nanaman ang buhok.
Sinasabi ko na nga ba! Imposibleng hindi ito inside job. Imposibleng magawa ito ng kung sino man nang walang tulong galing sa loob.
Wala na kaming nakitang mga videos sa time bracket kung kailan nangyari iyong kay Angel. Ganoon din ang videos around 1pm kaya naman wala ring nakita si Geff na video kay Miracle.
Tumingala ako at suminghap. Damn! What are we going to do?
Bigla namang tumunog ang cellphone ko.
Nathan Alvarez
calling...
“Nathan,” I said as I answered the call.
“I have an idea where Jane is. Nasa main gate na ako,” he said urgently. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
“Alright. We’re coming,” I said, trying so hard to sound calm.
“May kasama ka pa?” he asked, surely surprised I have company.
“Oo. Sige na.” then I hung up.
Tinapik ko ang nakatungong si Geff. “Tara na. May lead na kung nasaan si Mi—Jane.” Shit! Muntik pa akong madulas! “Baka lead na rin ‘to kung nasaan si Angel.”
Bigla namang lumiwanag kahit kaunti ang mukha niya. Pinatay niya agad ang computer at lumabas sa control room.
“How did you know my sister is missing?” I can’t stop myself from asking him while we’re half running. Gusto ko rin talagang malaman ang totoo. I’ve been very cautious in my actions and this day really proved that I’ve not been cautious enough.
“Wild guess,” he simply said. Bago pa ako makapagtanong muli ay nagsalita na siya. “Wala siya sa class namin maging iyong... kaibigan niya. I left our room, went to the gym and saw Nathan with Al arguing. I heard that Nathan couldn’t contact his sister.” Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. “After that, I went to the InfoTech Department and asked if Gwyneth Flores and Jayzelle Alvarez left the campus. Dapat confidential ‘yon pero ‘yung officer na nando’n ng mga oras na iyon ay kaibigan ko. Ang sabi niya ay nasa loob pa rin daw sila ng campus, which is impossible. So... that was how I realized the matter.”
I nod. Sa paglabas at pagpasok kasi dito sa North Oswald ay kailangang i-tap ang I.D. sa scanner para malaman kung sino-sino ang nasa campus pa at sino ang umuwi na.
I looked at him again.
“Then... how did you know that she’s my sister?”
He smiled knowingly. “I met someone. That person told me that Angel Liberty Yllana si alive after all. The thing is hindi niya alam kung saang lupalop siya naroroon. Bago ko pa siya nakita, may kilala na akong babaeng kamukhang-kamukha ni Angel. Our conversation just confirmed my notions about this girl.” Tumingin siya sa akin. “Lalo na nang nakita kita dito sa mismong campus namin.” Ibinalik niya ang tingin sa dinaraanan. “Sa kanya ko rin nalaman na buhay ka rin.”
I nodded in understanding. Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy niyang nakita niya kaya naman hindi na ako nagtanong pa.
Habang patakbo naming nilalandas ang daanan ay napatingin ako sa wall clock ng hallway na ‘to malapit sa hagdanan pababa. Napahinto ako nang makita iyon. Huminto rin naman agad si Geff at nakakunot-noong tinanong ako.
“Bakit?”
Tumakbo ulit ako at nagtungo sa hagdanan upang makarating sa ground floor. Sumunod lang naman sa akin si Geff.
Nang nakarating na ako doon ay tiningnan kong muli iyong wall clock.
“Ano bang nangyayari?” pagtatanong ni Geff.
Huminga ako ng malalim. “Pumunta  ka sa main gate, nandoon si Nathan. Pakisabi na lang na hindi ako makakasama—”
“Pero bakit? Ano bang nangyayari—”
“Just go,” I said with finality.
Kahit na nag-aalangan ay tumango rin naman siya at nagsimula nang umalis.
Tiningala ko ulit ang wall clock.
6:30pm

System generated ang mga clock nila dito kaya naman alam kong sinadya ng kung sino man na gawin ito. That person is obviously playing with us.
Ilang oras na mula ng naglakad ako dito papunta sa second floor, bago ko nakasalubong si Geff, pero ito pa rin ang nakalagay na oras sa mga wall clock ng building na ‘to.
6:30. Direction ang name ng mga buildings sa campus na ito. If you’re going to use that concept in this time frame, it will indicate South. South building. And if I remember it correctly, doon patungo si Angel bago nawala iyong kasunod na video.
Only one way to find out. Then I run towards the South building.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nathan’s POV
Mabuti naman at nakumbinsi ko na rin si Al na umuwi na lamang sa kanilang pad at kami na lamang ni Raph ang maghahanap kay Jay. Hindi ko pa rin sinasabi sa kanya kung sino si Raph kaya naman ang tangi ko na lamang sinabi ay kaibigan ko siya sa kabilang school. Hindi naman na siya nagtanong pa pagkasabi ko ‘nun.
Kung ano man ang nangyari kanina sa loob ng sasakyan ko, damn, hindi ko lang nakontrol ang sarili ko.
Tumingin ako sa relo ko. Bakit parang ang tagal naman yata ni Raph dumating? Ang sabi niya ay may kasama raw siya pero hindi na niya nasabi kung sino.
Sinulyapan ko rin ang cellphone kong kanina ko pa hawak at paulit-ulit na binabasa iyong text na nagmula sa isang number na hindi nakaregister sa contacts ko.
Nakalagay doon ang isang address malapit dito sa school at sinabi rin doon na naroon ang kapatid ko. Nang nabasa ko pa lamang iyon ay dumoble na ang kaba sa puso ko. Ang lugar na nakalagay dito ay sigurado kong isang abandonadong building. Sinabi rin dito na huwag naming ipaaalam sa iba ang tungkol dito.
Paano kung pare-parehas kaming mapahamak dito? Paano kung set-up lang ang lahat? Paano ko malalaman kung ayos lang ba si Jay? Putek! Hindi ko na alam ang iisipin!
Nakatanggap din ako ng text kanina kay Raph na kunin ko iyong nakalagay sa may compartment sa may sasakyan niya. I can’t believe the guy owns a gun. I know how to use one pero wala akong ganito. Minsan na akong naisama ni dad sa shooting range na madalas niyang puntahan at hindi rin nagtagal ay napadalas na rin ang punta ko doon.
Alam kong kailangan ko talaga ‘to lalo na’t wala akong ideya kung ano ang gustong mangyari ng kung sino man ang kumuha sa kapatid ko. Pati iyong si Neth, kinakabahan na rin ako para sa kanya. Kahit anong mangyari, kakambal niya ang kapatid ko at dapat kong itatak sa isip na kailangan ko rin siyang protektahan... kahit na wala silang ideya sa bagay na nag-uugnay sa kanilang dalawa. It’s better that way. Nalaman ko ang bagay na iyon nang sinabi iyon sa akin ni Raph. He gave me his trust and I assure him that he can count on me.
Alam kong may iba pang balak ang taong gumawa nito sa kanila dahil wala namang may tumawag sa amin at nanghihingi ng pera kaya naman may ideya na akong ang may gawa nito ay ang taong gumawa rin ‘non sa pamilya ng mga Yllana ilang taon na ang nakakalipas.
This is definitely revenge. At iyon ang matindi naming kalaban ngayon.
Hindi rin nagtagal ay may nakita na akong anino na papunta sa direksyon ko. Ang buong akala ko ay si Raph na iyon ngunit nagulat ako sa tumambad sa akin.
“Geff? Anong ginagawa... bakit ka nandito?” naguguluhan kong tanong.
Pinakalma muna niya ang paghinga bago ako binalingan. “Hindi makakapunta si Raph dito. Hindi ko alam kung bakit pero ang sabi niya ay sabihin ko sa’yong di siya makakasama.”
Tss. Ayan na naman siya. Moving independently. Sigurado akong gumagawa nanaman siya ng sarili niyang plano.
Kumunot pa lalo ang noo ko nang may mapagtanto. “Magkakilala kayo ni Raph?”
Pilyo siyang ngumiti ngunit bakas sa mga mata niya ang pagod at pangamba.
“He’s an old friend of mine,” ang tangi na lamang niyang sinabi. “Alam mo na daw kung nasaan sila?” tanong niya.
“Oo. Let’s go.” at sumakay na ako sa sasakyan ko. Geff followed me and headed to the passenger seat.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Matapos ang limang minuto ay narating na rin namin ang address na nakalagay sa phone ko. Dahan-dahan kaming bumaba ni Geff sa sasakyan at naglakad habang pinagmamasdan ang lugar.
Nagtama ang paningin naming dalawa at parehas kaming tumango, hudyat na napagkasunduan namin ang iniisip ng bawat isa.
Tiningnan ko ang paligid nang nakapasok kami sa ground floor. Madilim sa loob at ang tangi lang nagpapaliwanag dito ay ang liwanag na nagmumula sa buwan. Walang kalaman-laman ang gusaling ito gayundin ay wala akong maramdamang presensya ng kahit kaninong tao. Pero hindi ibig sabihin nito ay makakampante na kami.
Sinuyod namin ang buong ground floor pero wala kaming nakita kahit na anong senyales na nandito si Jane at Neth.
Sunod naming tinungo ay ang second floor. Ako ang nauuna habang si Geff naman ang tumitingin sa likod ko. Tulad ng nakita namin sa ground floor ay ganoon din ang tumambad sa amin sa second floor.
Shit! Ano bang pakulo nila?! Nasaan na ang kapatid ko?!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Geff’s POV
“Masyadong malaki ‘tong lugar kaya mas mabilis kung maghihiwalay tayo,” mahinang sabi ko kay Nathan. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at pinunasan ang noo ko. Damn, kinakabahan na ako. Hindi sa kung ano ang mangyayari sa amin dito kung hindi sa kung ano ang maaari kong madatnan sa lugar na ‘to.
Kahit sino sa kanilang dalawa, walang malay, nababalot ng dugo...
Damn it! I don’t want to go there. Kung ano-anong alaala lang ang pumapasok sa isip ko.
“Hindi pwede. May baril ako, ikaw wala
“I can protect myself,” I hissed. “Doon ka sa kabila, ako dito.” sabay turo sa direksyong tinutukoy ko. Bago pa niya ako mapigilan ay dumiretso na ako sa kabila. Narinig ko na lamang ang naiiritang bulong ni Nathan sa malayo.
Alam kong malakas ang pakiramdam ko kaya naman may tiwala akong kaya kong protektahan ang sarili ko.
Walang kahit na anong gamit ang nandito. Siguro nga ay malapit na talagang ipagiba ang building na ito. Iniisip ko nga na baka isang prank lamang iyong natanggap na text ni Nathan, ayon na rin sa ikinuwento niya sa akin, but we can’t just ignore this one lalo na’t wala kaming kahit anong ideya kung nasaan sila.
Paalis na ako’t babalik na sa rendezvous point namin ni Nathan dahil dead end na ang dulo. May nakita pa akong malaking cabinet sa gilid pero ipinagwalang bahala ko lamang iyon. Baka iniwan lang talaga ang bagay na iyon dahil walang pakinabang.
Ikinuyom ko ang kamao ko. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa kakaisip ng mga posibilidad na nangyari sa kanila.
Hindi pa ako nakakalayo ay may narinig akong humikbi. Tumigil ako sa paglalakad at pinakinggan pa iyon ng maigi. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig muli ang hikbing iyon. Lumingon ako ngunit wala naman akong nakitang kakaiba.
Napatingin ako doon sa cabinet. Dahan-dahan ay lumapit ako doon at inilapat ko ang palad ko sa harap nito. Pumikit ako.
“Jane?” mahinang tanong ko.
Lalong lumakas ang hikbing naririnig ko kaya naman mabilis kong binuksan ang mga mata ko. Bubuksan ko na sana iyong cabinet ngunit nakita kong may lock iyon.
I cursed under my breathe. Halos magwala ako nang nakitang iyong lock ay hindi pangkaraniwan. Iyon ay mabubuksan lamang kapag alam mo kung ano sa mga numero doon ang pipindutin.
Bago ko pa libutin ang buong lugar para maghanap ng kung anong pwedeng tumulong sa akin masira iyon ay nagvibrate ang phone ko sa pocket ko. Mabilis kong binuksan iyon at baka sakaling si Nathan na iyon. Ngunit nagulat ako sa natanggap na text.
From: Unknown number
1468
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Sigurado akong may nakatingin sa akin ngayon. Pero wala naman akong nakitang kakaiba.
Sinubukan kong gamitin iyong mga numerong ibinigay sa akin. Nairita pa ako sa nanginginig kong mga kamay.
Natigil ako sa paghinga nang bumukas iyong lock. Dahan-dahan ay binuksan ko iyon at halos manghina nang nakita kung sino ang naroon sa loob.
Lumapit kaagad ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. “Jane. Jane... please open your eyes,” napapaos kong sambit. Damn it!
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak ngunit hindi niya pa rin binubuksan ang mga mata niya. Maingat ko siyang inilapag at tinanggal lahat ng mga tali sa mga kamay at paa niya. Nang nakawala na ang mga kamay niya ay niyakap lamang niya ang sarili. Tinggal ko rin iyong tape na nasa bibig niya.
Kinuha ko kaagad siya at nilagay sa bisig ko. Thank God ayos lang siya. My heart constrict at the sight of her so frightened.
“Hush Jane.” Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Nang sinabi ko iyon ay mas lalong lumakas ang iyak niya.
“Geff,” ang tangi niyang nasambit at nagpatuloy sa pag-iyak.
Hinalikan ko ang ulo niya at pumikit habang inaalis lahat ng pangamba ko. She’s in my arms now. Crying but still... alive. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.
Tinawag na naman niya ang pangalan ko and I let her voice calm my emotions.
“I’m here. I’ll always be here,” I said. I sigh heavily as I firmly closed my eyes when I realized I meant every word... and that scared the hell out of me.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------