Chapter 11: Voice
I
heard someone crying, and it’s irritating. I want to tell that person to just please
shut the hell up.....but I can’t move. I must’ve been paralyzed.....or.....am I
dead?
“Kate, you know...I really don’t know how to handle crying
girls. So, please just.....” the guy
sigh. Really, how many people will pester my mind? Am I not entitled to receive
peace after my death? God, this is infuriating.
“Kuya Mac, bakit ganun? Dalawang araw na pero hindi pa rin
siya gumigising? Ang sabi naman ni ate Aoi, okay naman na daw yung sugat niya.” I heard the childish voice of Kate.
2
days? Wait...does it mean I’m not dead yet? Am I just sleeping? Then why am I
hearing them yet I’m not able to move? This is weird.
“Don’t worry. Ang importante maayos naman siya di ba?”
Then
there is silence.
“Hey. Hinahanap ka sa akin ni Krista. May mission daw na
ibinigay sa inyo si Master Raiden.”
Why
can’t I move? How many days have I been here? I felt someone squeezed my hand.
“Okay.” Nigel?
“Ako nang bahala sa kanya kaya ‘wag ka nang mag-alala. Ayaw
pumunta ni Krista dito kaya pinapasabi na lang niya sa akin na magkita na
lang kayo sa napagkasunduan.”
“Alright.” Nigel said then the warmth enveloping my hand disappeared.
“One more thing, nagising na kanina si Adalia kaya medyo
kumalma na si Krista. You can go to her room and check on her before going to
your mission.”
I
felt so raw, so weak. It felt like every fiber of my being just failed and
died. But still, I feel alive. I’ve never felt this alive before. Is it because
some barrier in my brain wiped out? Is it because I remembered who and how my
father and Kate’s parents died? Is it a good thing that I knew about this? Did
Kate already know this?
Before,
my life had been like a puppet where time was my puppeteer. I didn’t care about
how my life would be for the next days, what will I do aside from studying and
mastering my power. I thought that my life was so boring and theoretically
dead.
But
when something like a barrier shattered in my brain, memories of that night
flooded my mind. Before, I feel like a puppet, no purpose, just moving
according to what life would want me to do. But now, I had a purpose. And I was
driven with hatred to achieve that purpose. Knowing things about Ezeltopia,
Chrysolus, Afras, and Phyrinus felt right. Being involved in their world seemed
right. I supposed that now.
Maybe
Kate was right after all. I should go with her to their world.
Our
world.
I
was awakened by something sweet-smelling. I slowly opened my eyes and was
grateful when my body obliged.
“Good morning sleeping beauty. Glad you’re already awake.” someone said.
Tiningnan
ko kung kanino galing ang boses na iyon at nakitang nagmula iyon sa pamilyar na
mukha ng isang lalaki. Nakaupo siya sa sofa katabi ng kama ko, nakahalukipkip
habang nakatingin sa akin gamit ang mapanuring mga mata.
Naalala
kong siya rin iyong kausap ni Kate at Nigel habang tulog ako. I remembered his
voice.
Kumunot
ang noo ko. “Sino ka?
Bakit ka nandito?” tanong
ko habang dahan-dahang umuupo. I groaned when I felt the pain on my abdomen.
Napansin
ko naman na biglang tumayo iyong lalaki at tinulungan akong makaupo. Kumuha
siya ng isang unan galing doon sa sofa at inilagay sa likod ko.
“Thanks.” I
mumbled.
“Anytime.” sagot naman niya.
“You still hadn’t answered my question.” tiningnan ko ang mukha niya at nakitang may kakaunting pasa
siya doon maging sa braso’t mga kamay niya.
He’s
one of the Chrysolus.
“Ah, right.” bigla naman siyang ngumiti. “I’m Cormac Lowell. I’ll let
you call me Mac though. Ganun ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko.”
“We’re not friends.” I amended. Masyado naman yatang feeling ang isang ‘to.
He
chuckled. “I know.” prente siyang sumandal sa upuan
habang pinagmamasdan ako. “But
I’ll consider you as one. You just saved my life, right?”
Kumunot
pa lalo ang noo ko. “I
didn’t save you. Nigel did.”
“But Nigel couldn’t make it without you. It only means both
of you saved the day.”
Ang
hirap makipagtalo sa isang ‘to. Hinding-hindi ka mananalo.
I
rolled my eyes. “Whatever.”
“Anyway, how are you feeling?” he asked. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay iyong
kakaiba niyang ngisi. Iyong para bang nang-aasar.
“Tingin mo?” balik tanong ko sa kanya. Nakakainis kasi.
Then
after that, he burst into laughter.
Seriously?
Anong nakakatawa? He’s insane.
“I like you.” he said while laughing.
“I don’t like you.” I answered. Mas masahol pa pala ‘to kay Ethan.
“No. No. I mean—”
“Tss.” nakakairita
iyong mga tawa niya. Nakakarindi pa. Kung nasa kwarto lang siguro ako at katabi
ko iyong alarm clock ko eh matagal ko na siyang binato. Kaso nang tumingin ako
sa side table ay puro prutas at bulaklak ang nakita ko.
“Nasaan ako?” pagtatanong ko sa nakarecover nang si Cormac mula sa
pagtawa. Mabuti naman at natapos na siya.
“Women’s ward. Clinic.” nang sinabi niya iyon ay iginala ko ang mga mata ko sa
paligid. May tatlo pang mga kama doon na walang nakahiga. So, ako lang pala ang
nag-ookupa ng ward na ‘to.
“Kumusta na pala ang mga Chrysolus?” tumingin ako sa kanya.
“Ayos naman na. After you, or Nigel, broke the glass,
siguro mga tatlo pang minuto bago kami nagkamalay. Nang papunta na kami sa may
Gym, biglang nawalan ng malay si Adalia. Anyway, si Nigel naman ang biglang nagkamalay.
You see, we brought Nigel with us, unconscious. That was when we realized you
broke the connection between you, Nigel and Adalia. Leaving her damaged.”
Bumagsak
ang tingin ko sa mga kamay ko. This was all my fault. Tama nga siguro iyong
sinabi sa akin nung babae sa utak ko. I was driven by my anger that it made it
impossible to control my power. Hindi ko na naisip kung ano nga ba ang magiging
epekto ng mga ikinikilos ko at iyong mga ginagawa kong desisyon sa iba.
I
really need to know everything about Ezeltopia.
“How did you do it?” Cormac suddenly asked.
“Ang alin?” I asked, still unable to look at him. Nakokonsensya ako.
I
know Nigel was okay. I heard him while I was asleep. I also knew that Adalia
was okay. Si Cormac na rin ang nagsabi kay Nigel.
“Yung pagtanggal mo ng mind link ni Adalia. Imposibleng
magawa ‘yun ng isang pangkaraniwang Afras. You actually need to be as strong as
a Chrysolus to be able to do that.”
“If that was the case, I don’t know. Hindi ko alam kung
paano ko nagawa. Basta ang alam ko, galit na galit ako noong mga panahong iyon
at hindi ko nakontrol ang aural power ko.”
Pero
may bumabagabag pa sa akin.
Tumingin
ako kay Cormac. “Anong
mangyayari kung nasira iyong mind link na sinasabi mo? Paanong damage? Ang sabi
sa akin mamamatay daw iyong kumokontrol sa akin at masasaktan naman iyong link
namin.”
Buhay
si Nigel kaya marahil ay niloloko lamang ako ng babaeng iyon pero kailangan ko
pa ring iconfirm iyon kay Cormac. Besides, he’s a Chrysolus kaya naman siguro
ay marami siyang alam lalo na sa mga bagay tungkol sa mga kaibigan niya.
“That’s the thing. Pwedeng mamatay si Nigel dahil doon but
he didn’t. Actually, dapat may konting damage din ang utak mo dahil sa ginawa
sa’yo ni Adalia. Remember nung pinasok ni Adalia ang utak mo? She mustn’t have
done that. Pero look at you. You’re okay. That made all of us think. You okay,
Nigel alive.”
Kung
makapagsalita naman ‘to parang mas gugustuhin pa niyang mamatay si Nigel. Is he
really his friend?
“Hey, I know that look. Hindi ko hinihiling na mangyari sa
inyo ‘yon ni Nigel ah! It just made us wonder.”
Tss.
Defensive.
Natatawa
pa si Cormac pero bigla rin namang nawala iyon. Seryoso siyang tumingin sa
akin.
“Wait. Did you just say ang sabi sa’yo? Sinong nagsabi sa’yo ng tungkol doon?”
Naalala
ko iyong babae. Sino nga ba siya?
Umiling
ako. “Hindi ko alam.
Basta bigla ko na lang siyang narinig sa utak ko noong nasa Gym ako at—”
Then
there is blankness.
“At.....?”
Ano
nga ulit iyong itinatanong sa akin ni Cormac? Wait. May tinatanong ba siya?
“Huh?” kumunot
ang noo ko sa kanya.
Imbis
na sagutin ako ay misteryoso siyang ngumiti. Pero parang sarcastic na ngiti. “I see.” sabi niya habang nakalagay ang
kamay niya sa kanyang baba, nag-iisip.
Sinubukan
kong igalaw-galaw ang katawan ko at pinakiramdaman ang sugat ko sa tyan. I
remembered how that sword of the Phyrinus pierced my flesh.
I
shuddered at the thought.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Wala ka bang gagawin ngayon?” pagtatanong ko sa kanya. He keeps on following me at hindi
ko naman siya maitaboy dahil para siyang lintang si Ethan na hindi mo magawang
manalo sa argumento.
“I already told you, I’ll be your personal bodyguard while
you’re recovering.”
I
sigh. Ayokong ma-badvibes dahil lang dito.
Kakalabas
ko lang ng clinic at ang sabi sa akin ni Aoife ay huwag akong masyadong
maggagagalaw dahil hindi pa ganoon kagaling ang sugat ko. Tinanong ko na rin
siya tungkol kay Chris at ang sabi niya ay nang mawasak na ng mga ibang Afras
ang Malevolent jinx ay nagpahinga lamang siya ng kaunti at saka umalis. Mabuti
naman at ayos na siya.
Pagkagising
ko kanina ay nakita kong nakasuot na sa akin ang kwintas ko. Maybe Chris put it
on my neck while I was still unconscious. It’s for the best though. Ang hindi
ko paggamit sa aural power ko. Kung gagamitin ko man iyon ay kailangang alam ko
na kung paano iyon kontrolin. Mas maayos din kung mas marami na akong alam
tungkol sa Ezeltopia.
Tiningnan
ko ang paligid ng university at totoo nga ang sinabi sa akin ni Cormac.
Karamihan sa mga Elites ng university na ito ay mga Chrysolus at Afras at dahil
sa nangyari dito gawa ng Malevolent jinx ay hindi muna pinapasok ang mga
estudyante for one week. Ang sabi ay may gagawin daw na renovation, kahit wala
naman.
Marami
pa nga talaga akong dapat malaman.
Nagtungo
ako sa locker ko at pilit na hindi pinapansin iyong parang asong sunod nang
sunod sa akin. Pagkabukas ko nito ay kinuha ko iyong Ezeltopia book na ibinigay
sa akin ni Kate.
Napagdesisyunan
kong umuwi na lamang para tantanan na ako nitong si Cormac nang biglang tumunog
iyong cellphone niya. Naglakad na ako habang siya ay sumusunod pa rin habang
may kausap.
“Yeah?” tss.
Angas talaga.
“Di ba sabi ko busy ako? Ikaw nang bahala dyan.”
Sobrang
tahimik dito sa paligid maliban na lang sa nakakairitang boses ni Cormac.
“Aish! Nasaan ba siya?!” ayan na, sumabog na siya.
Mas
binilisan ko pa ang paglalakad dahil parang huminto na siya at masyado nang
nakapokus sa kausap niya.
Good
thing.
Nasa
may gate na ako nang biglang may humawak sa wrist ko.
“Gusto mo bang sumama sa akin?” tanong niya habang hinihingal. Mukha yatang tumakbo ‘to
para lang mahabol ako.
“Not interested.” tinanggal ko ang kamay niya sa akin at nagpatuloy sa
paglalakad. Sinabayan naman niya ako. Really? -___- Ugh.
“Meron akong case na sinosolve.” pagpapatuloy niya.
Pakialam
ko ba sa ginagawa niya?
“Mission ko ‘to. Tulad ng ginagawa nila Ethan, Kate, Nigel
at Krista ngayon.”
Oh.
So ibig sabihin....para silang mga detectives? Interesting. Ano naman kayang
klase ng cases ang sinosolve nila?
“I can fly.” that made me stop from my tracks.
Did
he say.....fly?
Tiningnan
ko siya at ipinakita niya sa akin ang ngiting nagsasabing “got yah!”
Tinaasan
ko siya ng kilay bago muling naglakad. No
Vera! You mustn’t trust this guy! Malay mo kung niloloko ka lang nyan.
“Hey! Vera! Totoo yung sinasabi ko!” sabi niya habang hinahabol ako.
Bakit
pala maka-VERA ‘to akala mo naman close kami. Si Ethan nga Odette ang tawag sa
akin. Si Nigel naman Veronica. Tapos itong kumag na kanina ko lang naman
nakilala eh tatawagin ako sa nickname ko?
Tss.
Masyado talaga ‘tong feeling.
Dahil
mukhang nalaman na niyang hindi ko na talaga siya papansinin ay bigla siyang
pumunta sa harapan ko’t hinawakan ako sa balikat. As if on reflex, I dodged and
moved away from those hands.
Napanganga
naman si Cormac. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero bigla akong
nakaramdam ng......takot. Lalo na nang bigla siyang pumunta sa harapan ko nang
hindi ko namamalayan. This is my irrational thought talking. Absurd.
Maya-maya
rin naman ay inilagay ni Cormac ang kamay niya sa batok niya.
“Sorry.” he said,
sincerely. “Ang totoo
nyan inutusan lang ako nila Ethan, Nigel at Kate na bantayan ka since
pare-parehas silang busy sa mission na ibinigay sa kanila. Iyong mission kasi
namin ni Jaden eh on hold pa kaya naman tambay lang ako.” bumuntong-hininga siya na para
bang dissappointed. “Then
Jaden called. Our target is on the move.”
Medyo
naguluhan pa ako sa sinabi niya but nevertheless I listened.
“Sinusundan na siya ni Jaden ngayon pero......he’s finding
it difficult without any back-up. At ako yun.”
Habang
sinasabi niya iyon ay hindi siya nakatingin sa akin kundi sa likod ko.
Lilingunin ko na sana kung ano man iyon pero hinawakan ako ni Cormac sa braso
ko.
“Don’t look back. Someone has been following us since we
left the school.” he said
in a low voice.
Kinabahan
kaagad ako then later admonished myself. Why am I scared? I’ve seen worse so I
should probably get used to this feeling and instead of looking like a damsel
in distress, I should at least look strong and capable, even if my feelings
says otherwise. Kapag nakasanayan ko na ang ganitong arrangement, hindi na
siguro mahirap para sa akin. Besides, hindi rin magtatagal ay magiging isa na
rin ako sa kanila.
Yes.
I already accepted that I can never escape this truth. I am one of them. I
should act and at least look like one.
Tiningnan
ko si Cormac at nakita kong nakatingin pa rin siya sa likod ko ngunit alam kong
nag-iisip na rin siya kung ano ang gagawin.
“I’ll come with you.” I said.
Tumingin
naman kaagad sa akin si Cormac na parang hindi makapaniwala. Tumango naman siya
nang nakita ang confirmation sa mga mata ko. Tumalikod siya sa akin at saka
lumuhod.
“Anong gagawin ko?” pagtatanong ko.
I
heard him chuckle. “Piggyback”
Nang
sabihin niya iyon ay parang nagdalawang-isip tuloy ako. Kailangan ba
talagang....?
“Sabi ko na nga ba at tatanggihan mo ‘to.” bulong niyang narinig ko naman.
Nagulat
na lamang ako nang bigla niyang hinila ang mga braso ko’t ipinalibot iyon sa
kanyang balikat. Hindi pa ako nakakarecover sa pagkagulat nang mga hita ko
naman ang pinuntirya niya. Sa isang iglap, nakasakay na ako sa likod niya.
What
the hell?!
Sisigawan
ko pa sana siya nang bigla siyang lumuhod na tila ba bumebwelo. After that, all
I can think of is that Cormac jumped....and we’re flying. Hindi nga siya
nagbibiro nang sinabi niyang nakakalipad siya. It’s not totally flying.
Napansin kong sadyang may abilidad siyang tumalon ng napakataas at matapos ang
ilang segundo ay unti-unti kaming bumabagsak hanggang sa gawin niyang muli ang
pagtalon at nasa ere na naman kami.
Damang-dama
ko ang hanging dumadampi sa mukha ko at ang dahilan ng paglipad ng buhok ko.
Hindi ko na nagawang mag-ayos matapos sabihin ni Aoife na pwede na akong umuwi
kaya naman nakalugay lamang ang buhok ko.
I
shifted my head upward and inhaled deeply.
“On the way na kami.” I heard Cormac say. Nagtaka pa ako kung sino ang kausap niya
at kalauna’y nakitang may suot siyang earpiece. He could be talking to his
partner. What was the name again? Jaden?
Lumingon
ako mula sa pinanggalingan namin at napansing malayo na ang nararating namin.
Wala rin naman na akong nararamdamang kakaiba na sumusunod sa amin.
“Yeah. She’s with me.” he continued. Then I heard him grumble. “I can’t just leave her. We’re
actually being followed earlier so I had no choice but to bring her with me.”
Hindi
ko na nasundan pa ang kanilang pinag-uusapan at ipinagpatuloy na lamang ang
pagtingin sa paligid. Matapos ang ilang minuto ay huminto kami sa isang
dalampasigan kung saan tanaw na tanaw ang asul na karagatan.
Maingat
akong ibinaba ni Cormac at maging siya ay pinagmasdan na ang paligid. Hindi na
ako magtataka dahil parang may kakaiba na presensya akong nararamdaman.
“Stay close to me.” mahinang bulong sa akin ni Cormac.
Dahan-dahan
naman akong tumango. “May
nararamdaman akong kakaiba dito.” sabi
ko sa kanya.
Hinawakan
niya ang wrist ko’t iginiya ako sa kanyang likod habang naglalakad. “I know. Kaya ‘wag kang lalayo
sa akin.” Tumingin
siya sa wristwatch niya. “Bakit
ang tagal yata ni Jaden?”
Habang
sinasabi niya iyon ay naramdaman kong biglang uminit iyong kwintas na suot ko.
Napatingin tuloy ako doon ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. But I felt
how it became warm against my skin.
“Shit.” I
abruptly looked at Cormac inquiringly but knew better because of his appalled
expression as he looked at his glowing Chrysoprase
necklace. I remembered what Nigel called those necklaces. As I having a
closer look, I realized that it looked somehow the same as my own necklace but
what made it amazingly different is the intricate design around the actual key.
Cormac’s necklace is a silver one, with three pairs of wings at the back. In
the middle of it all is a small stone with a touch of white or silver.
The
wind element.
It’s
not the only thing I noticed which also made Cormac curse.
It’s
glowing intensely. Like how that yellowish light glowed in Kate’s chest when
she used her healing power on Chris. It’s wonderful and mysterious, but still,
anxiety filled me.
“B-Bakit....lumiliwanag—” I was caught off guard when Cormac suddenly shoved me away
with so much force that left my feet off the ground for a second. The next
thing I felt was something behind my back that made me stopped from falling
over, and there I saw it.
I
saw a visible yet at the same time invisible barrier-like cage, enclosing me.
Sinubukan kong makalabas doon ngunit hindi ko magawa. I banged my fist against
it.
“Cormac! Ilabas mo ako dito! Ano ba!” Cormac was nowhere to be found but I still felt his aura so
I’m pretty sure he’s just around.
I
stopped banging the barrier when all of a sudden, a set of sharp things made
from ice came my way. Ang buong akala ko pa nga ay tatama iyon sa akin ngunit
napigilan ito ng barrier na nakapaligid sa akin. Tiningnan ko kung saan nagmula
ang bagay na iyon ngunit bago ko pa siya nakita ay tumalon na siya sa tubig.
Nakita ko pa ang mga paa niya bago siya tuluyang nawala sa paningin ko.
Phyrinus. Hanggang ngayon ba naman ay may kailangan pa rin sila?
Isang bagay na hindi pa nila nakukuha?
Nagulat
na lamang ako nang nakita ko si Cormac mula sa itaas na tumalon sa dagat.
Pagkakita ko pa lamang nito ay binalot na ako ng takot.
Kaya
niya kayang kalabanin iyon ng mag-isa? Hindi ko pa nakikita iyong Jaden o kahit na sino sa paligid
kaya lalong dumoble ang kaba ko.
And
here I am. Stuck in this chamber. Useless. Hinawakan ko ang kwintas ko. If I
can just control my aural power, I could be of great help to Cormac. Pero ayoko
nang magkamaling muli. Tama na ang nangyari kay Chris, Nigel at Adalia. Ayoko
nang madagdagan pa ang bilang ng mga taong masasaktan ko.
Every
second that passed was agonizing. Kaya naman habang hinihintay ko si Cormac na
lumitaw mula sa dagat ay hinawakan ko na lamang iyong barrier na nakapaligid sa
akin. Hindi siya gawa sa salamin o kahit anong solid na bagay. Kada minuto din
ay nawawala siya at bigla ring babalik. Hindi rin naman iyon malambot at kapag
hinawakan ko iyon ay tila may kuryente akong nararamdaman sa mga daliri ko.
“I won’t hurt any one of you.”
Napatingin
ako sa dagat nang may narinig akong nagsalita. Ang boses ay nagmula roon.
“This was just a warning though.”
“Who are you? Magpakita ka.” kalmado kong sambit ngunit taliwas iyon sa nararamdaman ko.
“Eligius, I know you can hear me. In fact, you are just in front of me
and any minute from now I can just kill you with one snap of my fingers.”
I
felt cold upon hearing that word. Eligius.
Saan ko nga ba narinig ang salitang iyon?
“But I won’t.” nakita
kong may mga bulang nagsimulang mabuo sa dagat gayundin ang usok sa iba’t ibang
bahagi.
Ganito
rin ang nakita ko noong nakalaban ko iyong Phyrinus sa loob ng apartment na
tinutuluyan ko. Boiling
water.
“One of the six Chrysolus of Grothaion Realm was with me. 3 minutes and
he will die. His fate lies in your hands, Eligius.”
Matapos
niyang sabihin iyon ay biglang nawala iyong barrier na nakapalibot sa akin. Cormac. Malakas ang
kutob kong siya ang tinutukoy ng boses na iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Ang bilis na rin ng tibok ng puso ko. Ganito ang naramdaman ko nang nakita ko
si Chris na nakahiga’t walang malay.
Damn
it! Ano ba ang Eligius na ‘yun?!
Tumakbo
ako ng hindi nag-iisip. Bahala na kahit sa totoo lamang ay wala akong
kaide-ideya kung ano nga ba ang gagawin ko. I moved without thinking at nang
narating ko na ang dagat ay lumusong kaagad ako ngunit napasigaw di kalaunan
dahil sa tindi ng sakit na naramdaman ko sa mga paa ko. Tumakbo ako pabalik at
umupo sa may dalampasigan.
Halos
mangiyak ako nang nakita ko ang nalapnos kong balat sa may paa. Sobrang sakit!
Nakita ko rin ang pag-agos ng dugo mula sa lapnos na bahagi ng mga paa ko.
“2 minutes.”
Pinilit
ko ang sariling tumayo sa kabila ng panginginig ko. No, I won’t give up. Kaya ko ‘to! Tinanggal ko ang kwintas ko mula sa
leeg ko at ibinulsa iyon. Huminga muna ako ng malalim, binalot ang sarili ng
aural power, at nagpatuloy sa paglalakad. Nang naramdaman ko ang pamilyar na
init na iyon sa katawan ko ay tila naging magaan ang pakiramdam ko. Tumakbo ako
at sumuong sa dagat.
Nang
nasigurado kong nasa parte na ako ng dagat kung saan ko nakita si Cormac na
tumalon ay saka ako sumisid. Noong una ay wala pa akong makita ngunit nang
itinuon ko ang aural power ko sa mga mata ko ay naging malinaw na iyon.
Underneath the sea seemed like a lifeless world. Ni wala akong nakitang
lumalangoy na isda o kahit anong nabubuhay dito.
Nagpatuloy
ako sa pagsisid tungo sa nararamdaman kong aura na nagmumula kay Cormac. Thank
God he’s alive! He’s definitely breathing but his position is stationary.
What’s keeping him from moving?
Then
I felt it, the burning sensation in my lungs, the inevitable need to breathe.
Nagmadali ako sa paglangoy paitaas at nang nakarating na ako doon ay huminga
ako ng malalalim.
“1 minute.” Damn
her! She’s obviously fooling around with me!
I
felt the intense power within me.This is the part where I was driven by my
emotions. But this is Cormac’s life we’re talking about!
This
is the palpable intense of anger and desperation within me.
Huminga
ako ng malalim at mabilis na lumangoy pailalim. I felt how the water around me
helped me be pushed downward and in no time, I reached Cormac.
Nakatali
siya sa isang batong mas malaki sa kanya. May nakapalibot na kung anong halaman
sa iba’t ibang parte ng katawan niya na pumipigil sa kanya upang makaalis. Iyon
ang pinagkakaabalahang tanggalin ni Cormac ngayon.
Lumangoy
ako palapit sa kanya at nang magtama ang mga mata namin, hindi ko maiwasang
mamangha sa kulay ng mga ito. Rich charcoal gray.
Napansin ko rin ang pagkagulat sa mga mata niya. I know. Because for the first
time, aside from Kate and Chris, someone saw the color of mine.
“Colors have different meanings. Sa ngayon ay kailangang isekreto muna
natin ang kulay ng sa iyo.” I
remembered Kate telling me that. Pero wala akong magagawa dahil kailangan kong
mailigtas si Cormac.
Tinulungan
ko siya sa pagtanggal ng halamang iyon ngunit hindi namin magawang sirain o
paghiwalayin iyon.
“10.”
Mas
pinag-igihan ko pa ang pagtanggal ng bwisit na halamang iyon kay Cormac pero
parang walang nangyayari!
“9.”
Biglang
ngumiwi si Cormac at napansin kong unti-unting humihigpit ang pagkakakapit ng
mga halamang iyon sa katawan niya!
“8.”
Wala
na akong naging choice kung hindi ang gamitin ang aural power ko sa bagay na
ito ngunit hindi ko maialis ang pangambang baka masaktan ko si Cormac. The
element of air is useless under water, kaya siguro wala ring magawa si Cormac
tungkol dito. I put my hands over the plant and concentrated my power on it. I
felt how the warmth intensified inside my body.
But
I felt it again! The urge to breathe!
“7.”
I
slowly felt myself weakened because of lack of oxygen. Daaaamnnn!!!
Mukhang
napansin ni Cormac ang nangyayari sa akin kaya naman kinabig niya ako palapit
sa kanya, hinawakan niya ang baba ko at saka hinalikan ako.
No,
he wasn’t kissing me. He’s giving me oxygen.
“6, 5, 4.”
When
my supply of oxygen already sufficed my needs, I instantly concentrated my
whole attention on the irritating plant. I saw how numerous bubbles suddenly
formed around them.....which eventually produced fire.
A
freaking fire under the water!
“3.”
I
produced all the force of aural power I could muster and controlled the fire to
burn the whole plant without hurting Cormac. I saw in my peripheral vision of
how he gaped at me, in my eyes perhaps, or in the fire I just made.
“2.”
At
last! The plant around Cormac disappeared! I look at Cormac then realized we
should get out of the water immediately but I felt my body protest at my
movement. Using a great amount of aural power left a physical toll on my body.
“Shit.” I
mumbled.
“1.”
Nagulat
na lamang ako nang bigla na lamang may pumulupot na halaman sa aming dalawa ni
Cormac at hinila kami paangat sa dagat.
Then
an explosion under us transpired.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------