♪ Chapter 27: Unexpected
Jane’s POV
‘A glooming peace this morning with it brings.
The sun, for sorrow, will not show his head.
Go hence, to have more talk of these sad things.
Some shall be pardoned, and some punished.
For never was a story of more woe
Than this of Juliet and her Romeo.’
I slowly closed my 'Romeo and Juliet' book. This is
the third book I’ve finished since the sun started shining at its peak. I put
my feet on the carpeted floor of my room and started walking to return the book
in the bookshelves.
I dare take a glance at the wall clock and it says '2:00pm'
I sigh.
Bakit kaya hindi pa siya dumadating?
I mentally scolded myself. Why am I hoping that
he’ll enter the wrong room again? If that’ll happen in the future, it will
definitely be beyond idiocy on his part. I heard Liberty told him that the room
next to mine was going to be her new room... that she already transferred since
‘that’ day. I knew that she was lying, but I understood that she only did that to
protect me.
The day passed and I’ve seen nothing of him. It made
me sad, but I don’t know why. Why does the idea of him not going here makes me
sad? I don’t understand.
I sat on my window as I stare at the night blue sky.
The doors of my room’s veranda are open that’s why the air from outside can
freely enter my haven.
I remembered how he intruded my peaceful room, my
serene emotion, made my fingers tremble, made me so self-conscious, made me
feel something... something crazy like the rapid beating of my heart that made
me feel like flying... and at the same time, falling.
As I look up the night sky, I remembered how gentle
and at the same time how deep his eyes were. I don’t know. There was just
something about him...
When I heard someone walking up the stairs, the
footsteps are so loud and heavy, I immediately landed on my bed, head first,
and let the comforter wrap my body. I firmly close my eyes as I hear the slow
opening of my bedroom door.
“Something’s not right.” I frantically told myself. I
can feel the fast beating of my heart, the racing of my pulse, the small beads
of sweat at the base of my nape and forehead.
I’m scared.
No one is here; my parents, my kuya, my twin.
Only...
I can feel the moist slowly forming in my eyes. I
immediately put my hand over my mouth to suppress the scream I guess will only make
the stranger — who entered my room — know that I’m awake.
I don’t want the stranger to know that I’m awake.
The stranger’s hand touched the surface of the
comforter, where my arms are just underneath. Then I felt how the hand slowly
pulls it away from me. I bit my lips. The act made me almost cry.
And when I heard his voice, I opened my eyes right
away; the horror is evident in my big, innocent eyes, as I look into his.
“Do you want to play
with me?” he said. Then he smiled.
A malicious one.
I scream. I know
I’m definitely screaming. But I heard no sound, just a groan and whimper, from
me.
Gusto kong
sumigaw. Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala. Gusto kong ilabas lahat ng
sakit at frustrations na nararamdaman ko ngayon.
So I cried.
Matapos ang
ilang minuto ay napagod na rin ako. Namamanhid ang buong katawan ko. Hindi ako
makagalaw. Pilit kong inalala kung paano ako napunta sa sitwasyon na
kinalalagyan ko ngayon.
Nakatanggap ako
ng mensahe galing sa isang numero. Ang sabi doon ay siya daw si Phin. Magkikita
sana kami sa isang kwarto, sa South West building, pero iyon din ang panahong naramdaman
kong may mali. Iyon din ang panahong nabasa ko ang text na nagpatunay na tama
ang hinala ko.
From:
Unknown number
Jane! It’s me Phin. Save my number aight? Nakuha ko
‘to kay Darren, hope you don’t mind. =) I heard nasa WSMC club room kayo? Wala
kaming activity ngayon at tambay lang kami dito sa room natin. Can I go there?
Txtbck! =)
Reading that
only means that the person who sent me those messages earlier was not Phin.
It was just
unfortunate that the realization came late.
Nakahiga ako sa
isang malamig na semento. Masyadong madilim ang paligid at hindi pa tuluyang
nakaka-adjust ang mga mata ko. Sinubukan kong gumalaw ngunit napapikit lamang
nang maramdaman ko ang sakit sa iba’t ibang parte ng katawan ko. Para akong binugbog.
Nakatali ang mga kamay ko sa likod ko. Maging ang mga paa ko ay nakatali rin.
May kung anong nakatakip sa bibig ko kaya naman hindi ko magawang makasigaw.
Naalala kong
nagpumiglas ako sa kung sino man ang nagtakip ng panyo sa mukha ko kanina ngunit
sobrang lakas niya’t hindi ko magawang makatakas. Alam kong any time ay
mawawalan na ako ng malay ngunit nagpumiglas pa rin ako. Hanggang sa may
naramdaman na lamang akong may sumuntok sa tyan ko at tuluyan na akong nawalan
ng malay.
Ngunit sa tindi
ng sakit na nararamdaman ko sa katawan ko ay may hula na akong hindi lamang
iyon ang nangyari. Sa tingin ko ay inihagis pa nila ako sa kinalulugaran ko
ngayon at saka iniwan.
Pero nasaan nga
ba ako?
Nagsisimula na
namang magtubig ang mga mata ko. Natatakot ako. No. Scared is just an
understatement.
I’m terrified.
Horrified, even. What if... iyong mga taong kumuha sa akin ay iyon ding pumatay
sa pamilya ko?
Hindi rin
nakatulong sa nararamdaman ko ang panaginip ko. It was so surreal. Alam kong
hindi iyon pangkaraniwang panaginip lamang. I know within myself that what
happened in my dream was a fragment of my memory. Pero... hindi ko magawang
isipin kung ano ang susunod na mangyayari doon. Hindi ko alam kung sino ang
taong iyon, ngunit ngayon pa lang ay ayoko nang alamin.
Patuloy lamang
ako sa pag-iyak. Barado na rin ang ilong ko kaya naman nahirapan na rin
akong huminga. Ano bang nangyayari?
Nasaan ako? May makakakita kaya sa akin ngayon? May makakaalam ba ng
kinaroroonan ko?
Kuya... nasaan ka ba ngayon?
Please help me...
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Geff’s POV
Naglalakad ako
ngayon papunta sa room namin. I looked at my watch. I still have spare time to
think.
Nang makarating
na ako sa room namin ay ang unang tumambad sa akin ay ang nagtatanong na
ekspresyon ni Phin.
“Where have you been?” she questioned me as I sit on my chair.
“Dyan lang.”
Inilibot ko ang
mga mata ko sa room pero...
“Nasaan sila?” tanong ko kay Phin. Nang tiningnan ko siya ay doon
ko lamang nakita si Ren na nasa tabi niya’t nakatungo, parang pagod.
“Sino? Sila Jane ba?” tanong pa ni Phin pero may bahid ng panunuya sa
boses niya.
Tss. I can even
hear the hilarity in her voice.
“Ikaw talaga Geff! Hindi ka na nagkukwento sa akin.
May pauso ka pang secret dyan.”
“Nasaan nga?” pagtatanong ko pa ulit. Para akong timang dito na
hindi mapakali.
Damn this.
Ngumuso si Phin.
“Hindi ko nga alam eh. I texted her
earlier pero hindi siya nagreply. I figured na nandoon siya sa club room nila
pero sabi ng ka-member niya umalis daw siya. Hanggang ngayon hindi pa kami
nagkikita.”
Nanahimik ako
sandali para isipin lahat ng mga sinabi niya. “Okay,” sabi ko na lang. Tinitingnan pa rin kasi ako ni Phin gamit
ang mga mata niyang nanunuya.
This is insane!
Bakit ba gusto ko siyang makita?!
I don’t know
anymore.
Isinandal ko ang
ulo ko sa sandalan ng upuan ko. I couldn’t believe what I’ve just discovered
earlier. I never expected that I will run over someone who used to know me
several years ago.
A person who was
linked to Angel. My only clue.
At hindi ako
makapaniwala na makikita ko pa siya sa Alfwold Clement.
I supposed to
follow Nathan but I’d been stopped from my tracks when I saw her, and she saw
me.
Ano bang ginagawa niya dito? What the hell was he
doing inside our school’s rival?
I followed him. While walking, I saw how those
students around me looked at me as if I’m a total stranger who happened to wander
around their territory. I even saw some of them who eyed me inquiringly, but
most of them, especially girls, looked at me with awe. I really don’t
understand girls who look at me that way. But I have no intention of knowing
what their reasons were.
Medyo nakakalayo na si Nathan at malapit na siyang
mawala sa paningin ko kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad.
“Oh my God,” a
girl grunted. Nagulat ako nang may bigla akong natamaan na babae dahilan para
mahulog lahat ng mga dala niya.
I clenched my jaw. This is so stupid of me!
I helped the woman, I guess she’s in her mid-30’s,
from getting all her stuff on the floor; from books to papers.
“I’m sorry,” I
uttered as I saw her ready to walk again.
Aalis na sana ako at iisipin kung nasaan na kaya si
Nathan nang biglang hinawakan ng babae ang baba ko at pinagtama ang mga mata
namin.
Tinitigan niya ako’t parang kinikilatis ako. I’m not
rude to the point of disrespecting someone but I have something to do so I took
her hand away my face but she just ignored it and continue investigating me.
“I’m sorry Miss but I
really have to go and I don’t have time—”
“Geff Mendez?” she
said.
Wait. She knew me?
“Yes.” Now,
as I look at her more only then I realized she somehow looked familiar.
“Have we met before?” pagtatanong
ko pa. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil parang may ideya na ako kung sino
nga ang kaharap ko ngayon.
She slowly pasted a smile on her face as she gave me
her hand.
“Mildred Pavia. But I
go as Maurell now.”
I, then, took her hand. “Geff. Geoffrey Mendez.”
Nawala ako sa
mga iniisip ko nang marinig ko ang sigaw ng isa sa mga kaibigan niya.
“Wala nga sila dito!”
Umayos ako ng
upo at tiningnan ang ngayon ay nakabusangot na mukha ng kaibigan niya habang nakatingin sa cellphone
niya.
Tiningnan ko ang
relo ko at eksakto namang tumunog ang bell at dumating ang professor namin.
Where is she?
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Al’s POV
“The person you’re calling is not available. You are
being directed to the voicemail.”
Sinubukan ko
ulit na tawagan ang cellphone ni Aya pero—
“The person you’re calling is not available. You are
being directed to the voicemail.”
Nandito kami
ngayon sa likod ng East Building. Nakaupo ako sa isang bench dahil hindi ko na
yata kayang tumayo dahil sa panginginig ko.
“Will you please stop pacing around?!” Damn it! Lalo akong natataranta at ang
dami nang nakakabaliw na senaryo ang pumapasok sa isip ko kung ano na nga ba
ang kalagayan ni Aya!
Sa wakas ay
pinakinggan na rin niya ako at umupo sa bench na nasa harap ko. Magulo na ang
kanina’y maayos niyang buhok dahil kanina niya pa ito sinasabunutan kapag lalo
siyang nafu-frustrate.
I heard him
utter countless expletives as time ticked by and his frustration only grew
without hearing anything from his sister yet.
“Nathan.”
Bigla akong
umayos ng upo nang narinig ko ang boses ng kararating lang na lalaki. Tumayo
naman si Nathan kaya tumayo na rin ako. Tiningnan ko siya. Suot niya ang
uniform ng Alfwold Clement so I suppose he’s not from here. So, anong ginagawa
niya dito? At sino naman siya? Hindi ko yata alam na may kaibigan si Nathan sa
kabilang school.
At bakit parang
kamukha niya si—
“I can’t reach her. We called her cell countless
times pero... nakapatay ang GPS niya, or rather yung cell niya.” Rinig na rinig ko ang frustration sa
boses ni Nathan. Narinig ko rin ang patuloy niyang pagbulong, pero hindi ko pa
rin maialis ang tingin ko sa estranghero sa harap ko.
“Who are you?” bigla ko na lamang naitanong. Tumingin naman agad sa
akin si Nathan na para bang nakalimutan niyang kasama pala niya ako.
I heard him
curse the nth time. Malapit na talaga masasapak ko na’to!
Nagulat naman
ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinigit papunta sa kung saan.
“Wait here,” kalmado niyang sinabi doon sa lalaki bago niya ulit
ako kaladkarin.
“Nathan! Ano ba! Bakit mo ba—” Hindi ko na natapos ang pagsigaw ko sa kanya at ang pagwawala nang bigla
niya akong binuhat na parang bigas sa balikat niya.
“WHAT THE HECK ALVAREZ! Ibaba mo ako or else
bibigwasan talaga kita—”
“SHUT THE FUCK UP AL! Even just this once!” Bigla siyang may sinipa na kung ano saka
patuloy na naglakad.
That made me
shut up. Bwisit naman kasi! Siya lang ba ang natataranta dito?! SIYA LANG BA?!
Ako nga hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko! Bullshit! Ni hindi ko nga
kilala kung sino ‘yung lalaking dumating kanina! At HELL! Hindi ko alam kung
saan ako dadalhin ng abnoy na ‘to!
At bwisit na ‘to!
KAILAN PA SIYA NATUTONG SIGAWAN AKO?!
I felt the stinging
in my eyes and this has nothing to do with Aya. Nag-aalala pa rin ako sa kanya
pero...
Sa sobrang inis
ko ay pinagsusuntok ko ang likod ng walang hiya! Talagang lahat ng lakas ko ay ginamit
ko para masaktan siya. Pero wala lang siyang imik.
“Bwisit ka! Bwisit! Bwisit!” paulit-ulit kong sinasabi habang patuloy
ko siyang sinusuntok.
Nang nakalabas
na kami sa gate ng academy ay bigla niya akong ibinaba ng padarag. Medyo na-out
of balance pa ako pero napasandal agad sa isang sasakyang ngayon ko lang
nakita.
Sa sobrang inis
ay sinuntok ko na naman siya and this time ay sa dibdib na niya.
Imbis na sigawan
ko siya ay hikbi na lamang ang narinig ko sa sarili ko.
“I hate you,” walang lakas kong sabi.
Patuloy lang ako
sa pag-iyak na hindi ko naman alam ang rason. Marahil ay naghalo-halo na lahat
ng mga frustration, pangamba at takot na nararamdaman ko para sa sitwasyon
ngayong nawawala si Aya. Dumagdag pa ang inis ko sa lalaking nasa harapan ko’t
sinigawan ako. Kahit kailan ay walang nangahas na sigawan ako at ang isang ‘to?
The hell!
Patuloy ang
paghikbi ko samantalang tahimik lang itong hinayupak sa harapan ko. Ano pa bang
ginagawa niya sa harapan ko? Halata naman na may itinatago siya sa akin kaya
hindi niya ipinakilala sa akin iyong lalaki kanina. We’re both in this
together, protecting Aya. Lahat ng tungkol sa kanya alam namin. We’re not
supposed to keep secrets.
Then why is he
doing this?
“ANO PA BANG—”
Hindi ko na
natapos ang sasabihin ko dahil biglang tinakpan ni Nathan ang bibig ko ng kamay
niya, binuksan ang pintuan ng sasakyan gamit ang isa pa niyang kamay, at
tinulak ako papasok. Hindi ako handa sa tulak na iyon kaya naman natumba ako sa
back seat, una ang likod. Sinara rin naman niya kaagad ang pintuan at bago ko
pa siya masigawang muli ay tinakpan nanaman niya ang bibig ko.
Nilagay niya ang
hintuturo niya sa labi niya, sinasabing tumahimik ako. Bigla akong kinabahan.
May pinagtataguan kami. Pero sino? Bakit hindi ko
napansin?
My body was
lying on the seat and Nathan is practically hovering over me. Sa sobrang lapit
namin sa isa’t isa ay rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
Kita ko rin ang takot sa mga mata niya. He keeps on looking outside the car,
looking for someone, obviously waiting if someone will open the door.
Nakatingin si
Nathan sa pintuan sa may ulunan ko kaya naman ang tinitingnan ko ay iyong
pintuan sa likod niya. Wala akong naririnig na ingay pero hindi iyon naging
dahilan para kumalma ako. It actually made me feel worse.
Naramdaman ko
ang paglipat ng tingin ni Nathan sa akin kaya naman napatingin na rin ako sa
kanya. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi siya makapagsalita.
Nagulat na
lamang ako ng bigla pa niyang inilapit ang katawan niya sa akin at bumulong sa
tenga ko.
“I saw someone outside, wandering around.” There was urgency in his voice. “Nag-iisa lang siya... but his armed. I saw
him holding a gun.”
“Anong gagawin natin?” bulong ko rin sa kanya. I need to be strong but my
voice kind of wavered.
“I don’t know,” he answered then chuckled at his helplessness.
Magsasalita pa sana
ako ngunit bigla akong may nakita sa labas, sa tapat ng pintuan ng sasakyan,
isang lalaking papalapit dito.
“Nathan, tinted ba ‘tong sasakyan?” Oh please. Say yes.
“That’s the thing.” He sigh. “No.”
Tiningnan ko ng
maigi iyong lalaki. Parang nagdadalawang isip pa siya kung titingnan niya ba
kung ano o sino ang nasa loob ng sasakyan o aalis na lang.
No. He’s not
here for us. He just saw us but that was it.
He’s just being cautious.
Patuloy sa
paglapit iyong lalaki sa salamin na tila ba napagdesisyunan nang tingnan kung
sino iyong nakita niya kaya naman lalo akong nataranta. Nag-isip ako ng mga
paraan na pwedeng gawin.
“N-Nathan, look at me.”
Sumunod naman
siya bigla, marahil ay narinig niya ang takot sa boses ko. Bago pa niya malaman
na may tinitingnan ako sa labas ay inilipat ko na kaagad ang tingin ko sa
kanya.
Magulo ang buhok
niya, ang mga mata naman niya ay puno ng pag-aalala at takot. Napansin ko rin
ang matangos niyang ilong, ang pamumutla ng mga labi niya.
I know what to do.
Bago pa makalapit
ng tuluyan ang lalaki sa labas ay ipinulupot ko na ang kamay ko sa batok niya
at hinila siya palapit sa akin.
I felt his warm
lips on mine. Bigla akong may naramdamang kuryente sa katawan ko. This is
definitely not my first kiss pero bakit parang nalimutan ko yata kung paano?
I pulled away, just
enough to be able to speak. “Kiss me
like you mean it. He’s looking here,” I said. Kitang-kita ko sa peripheral
vision ko ang lalaking iyon sa labas.
Nakita ko pang
lumunok si Nathan bago nalipat sa labi ko ang paningin niya. Before I know it,
he’s kissing me. I closed my eyes, praying for that stranger to see this and
decide to just go away.
I slightly
opened my eyes and almost cried in relief when I saw the man’s retreating back.
It worked.
Itutulak ko na
sana si Nathan ngunit mas pinalalim pa niya ang paghalik niya. Naramdaman ko
nanaman iyong kakaibang kuryente at wala akong nagawa kung hindi ang pumikit.
His lips are
moving. Definitely moving. He knew how to do this. He’s an expert. At hindi ko
maintindihan kung bakit bigla akong nainis sa ideyang may nagturo sa kanya. Mas
lalo akong nainis ng sumagi sa isip ko na ginagawa niya ito sa ibang babae.
Naramdaman ko
ang kamay niya sa likod ko at mas inilapit pa ako sa kanya.
Iniatras ko ang
ulo ko at tiningnan siya sa mata.
“Wala na siya,” bulong ko.
I saw how his
eyes showed different emotions: Relief, shock, and to something I didn’t know.
Pumikit siya at
nagbuntong-hininga. Dumilat din naman siya at nakita ko ang mapupungay niyang
mga mata.
“Good,” he said. Not breaking eye contact, he kissed me
again.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Raph’s POV
Someone is
observing me. I can feel it.
Hindi na ako
magtataka kung bakit natagalan si Nathan sa pagbalik. He can just call me if he
needs me but for the mean time, I shouldn’t stay in this garden.
According to
Nathan, around 1pm umalis si Miracle sa club room nila then eventually she
didn’t return.
I train my eyes
on the building then saw numerous CCTV cameras.
Pumunta ako sa North
East building dahil alam kong naroon ang student council. I’m hoping that the
president is still there.
I’m going to kill whoever did this to my sisters.
Habang
naglalakad ay nakita ko ang isang wall clock malapit sa hagdanan papuntang
second floor.
6:30pm
Nang makarating
na ako sa second floor ay liliko na sana ako ngunit nakita ko ang isang aninong
paliko naman sa kinaroroonan ko. I stopped walking.
When he finally
turned my way, he stopped and looked at me, knowingly. Para bang inaasahan na
talaga niyang makikita niya ako.
“I know why you’re here,” he said, matter-of-factly.
“Who are you?”
A glint of
hatred showed in his eyes. I really have no idea who’s this guy but I’m totally
running out of patience.
“No. Don’t answer that.” I walked to cut the distance between us.
We have the same height so I can see him directly in the eyes. “If you really know why I’m here, then you
sure as hell know that I need to do this fast.” I put my hands on my
pocket. “Do you intend to stop me?” I
said with a low but dangerous voice.
This guy is
brave. I’ll give him that, because he had the guts to show his face in front of
me in this kind of situation. If he really does intend to stop me, God knows
I’ll do things anyone couldn’t imagine.
He held his
hands in the air as if saying he gives up. He then abruptly dropped them.
“I’m actually here to help you. I bet you’re going
to talk to the president of student council, correct?” he said, still wearing that feral look
on his face. “But sorry to break it to
you but she’s not here.”
I think I heard
it wrong.
“She?”
“We’ve done re-election, if you didn’t know.”
So, the
president wasn’t here.
So this is going
to take longer than I thought.
“But I have this,” the guy suddenly said.
I saw a key on
his hands.
I look at him
questioningly.
“Why are you doing this? Why are you helping me?”
He smiled, which
caught me off guard.
“Simple.”
As I look on his
face, I can see clearly that this guy is somehow familiar.
“I deeply care for your sister.”
“I see.”
With those six
words he said, I suddenly understood.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------