♪ Chapter 26: Disappearance
Jayvier’s POV
Nasaan kaya si Angel
ngayon? Nagtext ako sa kanya at tinanong ko kung nasaan siya ngayon pero wala
pa akong natatanggap na reply galing sa kanya. My last text to her was 10
minutes ago. Am I being too paranoid?
No one can blame me. No
one can blame me if I’m being too clingy that there hadn’t been a day that I
hadn’t texted her. No one can blame me if I’m being over-protective that maybe
I even go way overboard and beyond of what an Yllana brother can possibly do.
I didn’t dare tell
Angel that Raph is her brother. Naniniwala ako na mas kaunti ang alam niya ay
mas mabuti. Ngunit kung magtatanong si Angel ay sasabihin ko sa kanya ang
totoo. Raph is absolutely quick and sharp, no doubt about that. Isang tingin
lang niya kay Angel ay magkakaroon na siya agad ng ideya. The perks of having
those protective genes of a brother.
Dahil sa mga sinabi ni
Angel noon nang nasa resort pa kami nila Slade ay mas tumibay ang hinuha ko na may
nagtangka talaga sa buhay ng mga Yllana. Someone planned their death. Hindi na
ako gano’ng nagulat nang sabihin sa akin iyon ni Angel but still... hearing
those words from her was still a shock. Shock that she had a clue about that
accident. I can’t imagine her handling that revolting truth alone.
Fire accident. Ayon
na rin sa naging conclusion ng mga investigators na naatasan para sa kasong
iyon na kinabibilangan ng mga Yllana. Ang sabi ay mayroong problema sa wiring
or something na pinagmulan ng apoy. Really, the idea was absurd. Kaya naman hindi
ko maintindihan kung bakit naniwala na lamang ang mga may hawak ng kaso ng ganoon
na lamang at ipinagpalagay na aksidente lamang
ang nangyari.
That fire accident... hinding-hindi
ko malilimutan ang mga bagay na nakita ng sarili kong mga mata noong mga
panahong iyon.
I was walking from school towards the house of the
Yllana’s. Walang pasok ngayon pero pumunta pa rin ako sa school at naglagi sa
library. Pwede naman iyon sa school namin. Mabuti na ang ganito, at least maaga
kong natatapos ang mga assignments ko. Kailangan ko ring mag-aral ng mabuti
para naman matataas na grades ang maipakita ko kay papa at sa mga Yllana.
Nakakahiya naman kung pinag-aaral na nga nila ako tapos hindi pa maganda ang mga
grades ko. Kahit na sa ganoong paraan lamang ay maipakita ko ang pagtanaw ko ng
utang na loob.
Habang naglalakad ay may nakita akong isang batang
babae na nagtatago sa isang puno habang nakatanaw sa di kalayuan. Kung
titingnan ay para siyang spy dahil may suot pa siyang eyeglasses at inaayos
niya ito kada segundo habang nakatingin ng seryoso sa kung saan.
I know I shouldn’t be curious over some stranger na
ngayon ko pa lang nakita sa subdivision na ito. Unlike the Yllana siblings, I
tend to go around this place, talk with children my age or just random people.
Friendly naman ang mga tao dito kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit madalas
maglagi ang magkakapatid na iyon sa bahay nila.
And this girl is very unfamiliar. Hindi ko pa siya
nakikita sa lugar na ito. She looks decent. In fact, mukha siyang anak mayaman.
I used to be friendly but not to the extent that I’ll talk to strangers most
especially kung hindi taga-rito.
But still...
“May pinagtataguan ka ba?” I asked as I
slowly approach her.
Then her big and black eyes stared into mine, as if
seeing a ghost.
Bigla siyang umatras at di kalaunan ay biglang
tumakbo.
My brows furrowed. Weird girl.
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa
natanaw ko na ang malaking gate kung saan may nakaukit na malaking 'Yllana' sa
harap.
I push the red button and told the intercom my name.
And then slowly, the gate opened.
I will never get tired of doing this. I feel like an
important person entering his palace.
In my dreams.
Medyo malayo pa ang lalakarin ko para marating iyong
mansion ng mga Yllana. Habang naglalakad ay pinagmasdan ko ang aking paligid.
Hindi talaga ako magsasawa sa kakatingin dito. May maliliit na fountain kung
saan may iba’t ibang hugis ng anghel ang naroon at sa mga palad nila nagmumula
ang tubig na umaagos. Marahil ay mayroong mga sampung fountain na ganoon ang
disenyo sa buong garden. Napapalibutan ng mga damo at puno ang paligid. Itong
nilalakaran ko naman ay gawa sa asphalt. Talagang pinasadya ito. Isang napakalaking
garden... para sa isang anak ng mga Yllana.
Angel Miracle Yllana.
She’s a special girl. Unique even. Very intelligent
and talented.
But weird.
She wouldn’t talk. Kahit anong pagkausap ng mga
magulang niya sa kanya ay wala pa rin siyang imik. The doctor said it was
inborn, a disorder. But the Yllana’s still believed that that was just a
special part of their daughter, what actually made her more unique. They
believed this because despite her being mute — (not literally mute), because
she can actually sing and what I mean by this is 'really sing' — she’s still
capable of having emotions . She has this very calm, cool and melodic voice.
She’s also a walking encyclopedia, atlas, book, you name it. Kung gaano niya
kamahal ang music, ganoon din niya kamahal ang mga libro. From simple novel
books to those big and heavy encyclopedias. When I saw her room, and actually
her, I couldn’t believe that such girl ever existed. I mean, really! Girls her
age play Barbie dolls, talk with those irritating small voices, mimicking those
girlish cartoon movie whatever. Pero nang nakita ko siya, she was talking to her
private tutor, fluently... in different languages. I didn’t recognize them but
according to the accent, it could be something like Korean or Japanese. Then I
heard her talking in French.
My jaw dropped straight to the floor.
She also has music tutor, then I heard rather than
see, how she played different musical instruments, as if that was the most
normal thing to do.
Because of that, I learned to respect her. She’s the
most special girl inside Yllana’s family and I think her twin, my bestfriend,
Angel Liberty, was cool about that. She really loves her twin. The Yllana’s
made this very expansive garden, because it was one of Miracle’s wish. Araw-araw
nakakulong lamang siya sa kwarto niya, either nagbabasa o tumutugtog. Minsan
nga ay tumatambay kaming tatlo nila Angel at Raph sa tapat ng kwarto niya kapag
tumutugtog siya.
“That’s my sister,” proud na sabi ni
Raph.
But every night, dito siya naglalagi sa garden,
kasama ang lahat, ang mga magulang niya, kapatid, mga kasambahay. Lahat sila,
pinagmamasdan at binabantayan si Miracle. Kahit na naroon sila, they still keep
their distance. Ang malapit lang sa kanya ay ang mga magulang niya at sila
Angel at Raph. But us, narito lamang sa bungad ng garden at pinagmamasdan sila.
Nang sa wakas ay narating ko na ang mansion ng mga
Yllana ay nakita kong naroon ang isa sa mga limousine nila at si Miracle na
nasa loob at natutulog. Iyong kambal ay identical, kaya naman kung magkasama
ang dalawa ay isa lamang ang palatandaan ko. Eyeglasses. Si Angel ang mayroong
eyeglasses samantalang wala naman kay Miracle. Ang ironic nga dahil mas madalas
magbasa ng libro si Miracle pero ang malabo ang mata ay si Angel.
Kung ako ay nahihirapan, ganoon naman kadali para
kay Raph at sa mga magulang nila ang makita ang pagkakaiba. Minsan nga ay
tinanong ko si Raph kung paano niya nagagawa iyon. Ang tanging sagot lamang
niya sa akin ay “I just know”.
“Good afternoon po,” magalang na bati
ko sa papalabas pa lamang na si Mr. Alfonso Yllana.
“Oh! Narito ka na pala JV! Pumunta
ka na doon sa dining area at kumakain na sila Raphy at Aly,” sabi niya at
biglang ginulo ang buhok ko.
Pababa na rin si Ms. Angeline Yllana at hinalikan
ako sa pisngi bago ako nginitian. “Alagaan
niyo ang bunso ko ha?” at saka ako tinapik sa balikat. Mabilis naman akong
tumango at ginantihan siya ng ngiti.
Kakaiba talaga ang ganda ni Ms. Angeline. Para
talagang anghel dahil napakaamo ng mukha. Si Mr. Alfonso naman kasi ay
nakakatakot ang mga mata pero kapag ngumiti na ay doon ka pa lamang makakahinga
ng maayos. Maganda at matalino, iyan ang genes na mayroon ang mga Yllana.
Pagkapasok ko ay nakita ko na kumakain si Raph
samantalang natutulog naman sa sofa si Angel.
“Saan pupunta sila tito?” tanong ko sa
seryosong kumakain na si Raph habang kumukuha ako ng pinggan at kubyertos.
Nagulat naman ako nang may biglang tumapik sa mga kamay ko.
“Ako na dyan iho. Sige na umupo ka
na doon,” nakangiting wika ni tita Celia, kasambahay nila
dito. Makikipagtalo pa sana ako kaso itinulak na niya ako papunta sa table.
Wala na akong nagawa at umupo na lamang habang kinakamot ang ulo. Nahihiya
talaga ako kapag sila ang nagsisilbi sa akin when in fact, dapat si Raph lang
ang pagsilbihan niya.
“May emergency lang na pinuntahan.
May nangyari yata sa office.” Deadpan. Masyado namang seryoso
‘tong si Raph.
“Eh bakit kasama nila si Miracle?” pagtatanong ko
pa. Never nilang inilabas si Miracle dahil na nga rin ayaw niyang umalis ng
bahay at gustong protektahan ng mga Yllana ang identity niya.
No one, except the people inside this mansion, knew
that an Angel Miracle Yllana... existed.
Biggest secret of Yllana family. I didn’t bother
know the specifics. Besides, it’s not my story to tell.
Biglang kumunot ang noo ni Raph, imbis na siya ang
sumagot ay si tita Celia na ang sumagot sa tanong ko.
“Gusto kasi nilang ipasyal iyang si
Miracle. Noong birthday ng kambal ay si Angel lang ang naipasyal kaya naman
dinala nila si Miracle para naman makabawi,” masayang
pagkukwento niya habang nilalagyan ng pagkain iyong plato ko.
Biglang pumunta si Raph sa sofa, kung saan nakahiga
si Angel. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at maya maya naman ay biglang
ngumiti. Ang weird talaga ng magkakapatid na ‘to! Hinawi ni Raph ang bangs na
nakatakip sa mukha ni Angel at hinimas-himas ang ulo nito. Biglang gumalaw si
Angel at kalauna’y dumilat. Nagtitigan lamang sila na para bang
nagkakaintindihan sila at nagpapalitan ng message through eye contact. Ngumiti
nanaman si Raph at dahan-dahan ay ganoon din si Angel. Pinindot ni Raph ang
ilong ni Angel, hinalikan ito sa noo at biglang kinarga. Nakita ko naman ang
pagpulupot ni Angel ng kamay niya sa balikat ni Raph at saka muling pumikit.
Nakakatuwa talaga ang pagiging kuya ni Raph. Kahit
na masungit ay hindi niya magawang sumimangot kapag ang kambal na ang kaharap.
Ang weird nga lang ni Angel, madalas kasi ay maingay ‘yun pero ngayon ang
tahimik.
The day went by normally. Nagkulong lang ako sa
kwarto ko habang nagrereview para sa exam namin sa Monday. I’m actually
starting to doze off when I heard a knock on my door.
I slowly opened it then saw tita Celia.
“Bakit po?” I asked while
rubbing my eyes.
“Iho, pwede ba kitang mautusan?
Hindi ko namalayan na ubos na pala iyong mantika sa kitchen. Pwede ka bang
bumili sa malapit na tindahan? Hindi ako makakapagluto kapag wala ‘non,” nag-aalalang
wika ni tita Celia.
“Sige po! Magba-bike na lang po ako
palabas.”
“Ay naku salamat JV! O eto pera,
mag-ingat ka ha?” sabi niya bago tinapik ang mga pisngi ko at umalis.
Sinuot ko lamang iyong gray sweatshirt ko at jogging
pants bago pumunta sa may garden at kinuha iyong bike.
Up until now, I wished
that maybe, I just slept that night para hindi na ako nautusan ni tita Celia.
Sana ay nagpanggap na lamang akong tulog o kaya naman ay pinatay ang ilaw para
malaman niya na tulog na ako. Kung sinunod ko na lamang kaya ang utos ni tita
Celia at nagmadali sa pagbili... would it make a difference? O kaya naman kung
may natira pa sanang mantika ay hindi na sana ako nakalabas ng bahay dahil
napag-utusan.
Those what ifs keep on
bugging me up until this very day. Kung naroon lang sana ako... baka nailigtas
ko sila. Maging ang inosenteng si Iona, na nangakong bibisita, ay naroon. Ako
lang itong wala sa loob. I really thought that I lost them forever. God knows
kung anong naramdaman ko nang nakita ko si Raph at Iona na duguan sa kwarto ni
Miracle. Hinanap ko si Angel pero hindi ko siya makita. It was a miracle na
nailabas ko silang dalawa. Dinala ko sila sa garden at balak ko pa sanang
bumalik dahil damn! Hindi ko nakita si Angel! Nilalamon na ng apoy ang halos
kabuuan ng mansion. I don’t want to dwell on the possibility that... inside
that fire...
My father! He could also be inside! Iyon ang nasa isip ko noong mga panahong
nasasaksihan ko kung paanong tinupo ng apoy ang bawat sulok ng mansion na iyon.
Hindi ko na namalayan at tuluyang bumigay ang mga
tuhod ko. Hindi ko alam ang gagawin.
Hanggang sa nakita ko si tita Celia na tumatakbo
habang may umaagos na dugo sa katawan niya. Nakita ko rin ang mga lapnos dito.
That very same day, the
Yllana couple met an accident... and died... with Miracle with them. Ang sabi
ay nawalan daw ng kontrol iyong sasakyan... but I highly doubt it. The timing
was too perfect. Sabay na nangyari iyong fire accident na sinasabi nila sa car
accident. Pero nang magkwento si Angel... Neth... na lahat nga ay planado, alam
ko na.
Pinilig ko ang ulo ko
at umalis sa mga alaalang iyon. Now... where can I find Angel?
Tinanong ko kung anong
sched niya noong nasa resort pa kami at base dito sa cellphone ko ay nasa East
building siya ngayon. May class siya doon after 10 minutes.
Nang malapit na ako sa room
niya ay may inapproach akong isang blocmate yata ni Angel. Nasa may tapat kasi
siya ng pintuan kaya naman siya na ang una kong tinanong.
“Uhh... excuse me, nandyan ba si A — I mean Neth?” I need to get used to her new name now.
Nagulat naman siya at
bigla siyang napatingin sa akin. Nakaponytail ang mahaba at makintab niyang
buhok habang hawak ang isang cellphone na ginagamit niya bago ko siya
nilapitan. Napansin ko rin ang biglaan niyang pagputla habang nakatingin sa
akin.
“S-Si F-Flores ba?” Why is she stuttering? Am I that intimidating?
“Yep!” I
play it cool. Baka nga natatakot ko siya? Or nai-intimidate ko siya? I don’t
know. I smiled at her.
“Err... uhm... w-wala pa siya eh. Ano... b-baka parating na siya.
Hintayin mo na lang.” and
with that, bigla siyang tumalikod at pumunta sa seat niya.
Weird.
Sumandal na lamang
ako sa tapat ng pintuan ng classroom nila. I guess I just need to wait.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Jane’s POV
“Amirah, lalabas lang ako sandali. Pero babalik din
ako kaagad!” sabi ko kay Amirah na
papasok na sana doon sa room kung nasaan ang mga chairs at tables na may sulat.
Ngumiti naman siya sa
akin pabalik. “Sure! Balik ka kaagad ah?
Marami tayong trabaho ngayon.” at pinandilatan niya ako ng mata. I know she
was just joking.
Nag-thumbs up na lamang
ako sa kanya sabay ngiti.
Mabuti na lamang at
wala kaming prof sa next class namin kaya naman pwede akong sumama sa general
cleaning ng club namin. Hula ko nga lang ay naroon ang mga blocmates ko sa room
namin para tumambay though walang class.
Bakit kaya ako
pinapapunta ni Phin sa back garden? May
sasabihin kaya siyang importante? Only one way to find out.
Nagmadali ako sa
pagpunta sa back garden dahil baka matagal nang naghihintay doon si Phin. Nang makarating na ako doon ay wala naman
akong nakitang mga estudyante sa paligid. Hindi na ako magtataka dahil class
hours ngayon. Marahil ay ang bloc lang namin ang walang class sa oras na ‘to.
Pinagmasdan ko pa ang
buong paligid dahil baka nasa tabi lamang si Phin. Ngunit parang may naramdaman
lang ako na kung ano kaya naman nagsitaasan ang mga balahibo ko sa braso.
Napakatahimik ng lugar at tanging lagaslas lamang ng tubig galing sa fountain
ang naririnig ko.
Halos mapatalon naman
ako sa kinatatayuan ko nang bigla na lamang tumunog iyong cellphone ko.
From: Phin Ramirez
Room SW008
Room SW008
Oh. Baka naroon na nga
siya ngayon. Ang weird naman ng text ni Phin. Masyadong maikli.
Tinahak ko iyong
hallway ng SouthWest building. Iyong room na tinext ni Phin ay bandang dulo pa.
Napapaisip pa nga ako dahil karamihan sa mga room dito ay sarado at walang tao.
Ano naman kaya ang ginagawa niya sa room na iyon para doon pa kami mag-usap?
Iniikot ko iyong
doorknob at binuksan iyon. May ilaw sa loob ngunit wala akong nakitang Phin
doon.
Dahan-dahan akong
umiling.
Something is not right.
Muling tumunog ang
cellphone ko at dahan-dahang kong binasa ang message na dumating.
Nanghina ako matapos
mabasa iyon. Naramdaman ko rin ang panginginig ng mga kamay ko.
I need to get away from
here. Fast.
Ngunit bago pa ako
makaikot ay biglang may pumulupot na mga kamay sa katawan ko at may nagtakip ng
panyo sa mukha ko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Raph’s POV
“How are you feeling?” I
asked her though it’s pretty obvious she’s not okay.
She slowly nodded.
Damn. I hate seeing her
like this... this... weak. But yeah... that made me love her more. ‘Cause I saw
reasons why I should protect her.
This is the very reason
why I keep things from her. Kahit na sinasabi niya na ‘wag akong maglilihim sa
kanya, kailangan ko pa ring magsinungaling. White
lies.
She knew that Miracle
is alive. Hindi ko dapat sasabihin sa kanya but she found out eventually. How?
She just happened to meet Miracle’s stepbrother and friend. They contacted her.
That stepbrother has connections, no doubt. I made sure that all the
information about our family be erased. Walang dapat makaalam pero nakalusot
ang isang ‘yon. I also made sure that my baby sister, Miracle, was safe. I
asked some of our loyal sentinels to look out for her, without her noticing. I
discovered eventually that she actually has personal guards, hired by her adopted
family, I think. But she has no idea about them.
Then this last weekend,
I thought nagbibiro lang si Iona about this particular girl that really looked
like Angel. I didn’t give any of my attention for that matter. Iona, she had no
idea she actually found her.
But when I met her,
face to face, damn. All I wanted to do that time was to hug her tight. I didn’t
visit Miracle personally. I didn’t even go to their school because... I don’t
know if I can control myself. I just asked Nathan, her stepbrother, to bring me
some of her pictures. Muntik ko na nga siyang suntukin nang minsang naikwento
niya sa akin na nakita ni Miracle iyong mga pictures sa wallet niya. Good thing
was she didn’t make any weird comments about that.
I saw the pictures. The
face is different, but still I know it’s her.
I need to keep my
emotions in check. Walang dapat makaalam sa identity nila.
No one.
But this girl, my other
baby sister, she still is stubborn. Hindi na lang gumaya sa kambal niya na
tahimik. She does things... differently.
I warned her, but I
know she wouldn’t listen to me. But I have to try.
And failed.
JV knows something,
pero hindi ako nagsasabi sa kanya. Para lang siyang si Angel. Bagay talagang
magsama ang dalawang ‘yon. Kaya naman I’ve decided to give personal guards for
both of them.
But of course they
couldn’t do their jobs inside the school. So that’s where Nathan will do his job,
protecting both my girls.
While this one...
I heaved a sigh of
frustration. I have no freaking idea how to handle crying girls.
“Gusto kong umuwi
Raph,” bulong niya. Namumula na
iyong mga mata at ilong niya.
I sigh again. I want to
tell her that I don’t like the idea of her leaving, but I shouldn’t be selfish.
She wants to leave for her family.
Wala akong laban ‘don.
I clenched my hand. I’m
not sure if killing Iona’s father was Ramirez’s doing. Still, wala akong maisip
na ibang taong may motibong gawin iyon kundi siya.
I also have this strong
notion that he was the one who did that hideous thing to my family.
Then Nathan texted me
earlier to meet him at our school to talk about something very important. When
I asked him what the matter was, he told me that in seven days’ time, that
Ramirez will be back in town.
Kung hindi man siya ang
may kagagawan ng lahat ng ‘to, even so I wouldn’t take the risk of letting my
loved ones unprotected.
But Iona... I had to
let her go.
What if...
“I’ll go with you,” I suddenly
said.
Iona stopped crying.
She looked at me, taken aback by my suggestion. Yes, suggestion because...
“Hindi. Dito ka lang Raph. Paano na si Miracle? Alam
kong hindi mo siya kayang iwanan dito.” There.
She said it.
I sigh. I have no idea
how many times I did this within this day. This is frustrating.
“Okay lang ako Raph! Hindi mo naman kailangang
mag-alala. Kaya ko ang sarili ko,” she
said. Mukhang nabasa na niya ang tumatakbo sa isip ko.
Yeah. Whatever. Kailan
ba ako nanalo sa’yo?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Neth’s POV
Sinigurado ko munang
malinis iyong loob ng club room bago ko isinara ang pintuan. Nagreply ako kay
Phin na siguro ay sa last class na lamang kami mag-usap. Marami pa kasi akong
inayos sa loob ng club room namin. Nakareceive din ako ng text galing kay Jayvier,
tinatanong kung nasaan daw ba ako. Kaso nang magrereply na ako sa kanya ay saka
naman ako nawalan ng load.
Habang naglalakad ay
tumunog na naman ang cellphone ko.
From: Phin Ramirez
Room SW008
Kumunot ang noo ko. Ang
sabi ko kay Phin ay doon na lamang kami sa room mamaya mag-usap. Bakit pa siya
nagtext sa akin?
Kahit na medyo
naguguluhan ay pumunta pa rin ako sa SouthWest building ng academy. Nang
makarating ako doon ay nakita kong may kaunting mga estudyanteng nakatambay sa
may garden. Sa tapat kasi ng SW building ay ang back garden at nang tiningnan
ko ang wristwatch ko ay doon ko nalamang tapos na ang class ngayon kaya free
ang mga estudyante.
Dumiretso ako sa SW008
at nakitang sarado naman ang pintuan. Sumilip din ako sa salamin at nakitang
madilim sa loob at wala akong kahit anong makita.
Hindi kaya late ko lang
nareceive iyong message ni Phin at dapat ay kanina pa ‘yon dumating?
Siguro nga.
Aalis na sana ako
ngunit bigla akong may narinig na tumutunog na cellphone. Akala ko pa nga ay
akin pero iba naman kasi ang ringtone. Pinakinggan ko pa ng mas maigi ang
tunog. Naglakad-lakad pa ako ng kaunti hanggang sa nakita ko na ang
pinanggagalingan nito.
Nakita ko ang isang
cellphone sa basurahan. Ngunit hindi lamang iyon ang napansin ko.
Cellphone iyon ni Jane.
Nalaman ko dahil habang tumutunog iyon ay nagfa-flash ang nakangiting mukha ni
Alec at ni Jane.
Kuya Nathan
calling...
Kinuha ko kaagad iyon
at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Anong nangyayari?
Sana mali ang iniisip ko.
Sasagutin ko na sana
ngunit naging missed call na iyon. Nang pinindot ko ang back ay halos mabitawan
ko ang cellphone nang mabasa ang nakatype doon.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Al’s POV
Natapos na kami’t lahat
lahat sa pagkikiskis nitong sand paper ay hindi pa rin bumabalik si Aya. Aba
naman talaga ang prinsesang ‘yon at talagang tinakasan ang trabaho niya! Kapag
nagkita talaga kami sa last class mamaya sasabunutan ko nang bonggang bongga
ang babaeng ‘yun! Mahaba ang buhok niya kaya naman dehado na siya agad sa akin.
Matapos ang paglilinis
ay kumain kami ng crème brûlée, courtesy of Chenille. Ang sarap talagang
magbake ng babaeng ‘to, sarap ngang iuwi sa bahay eh. Kaso baka tumaba naman
ako kapag puro sweets na ang kinain ko.
Matapos namin mag-usap
ng mga members ng WSMC ay nagtungo na ako sa gym. Makikigamit lang sana ako ng
shower. May shower din naman doon sa club room namin kaso gumagamit pa sila
Amirah at Chenille kaya naman nagdecide ako na dito na lang sa may gym. Tutal
may kapit naman ako dito, si Nathan! Natawa ako sa sarili kong joke.
At kung suswertehin nga
naman ako ay wala dito iyong mga dikya. Walang masakit sa mata!
Nakita ko ang mga
Waldroves na nagpapractice para sa match next week. Si Darren naman ay sa
susunod na lamang pasasalihin dahil bago pa lang naman daw siya.
Nang makita ako ni
Nathan ay bigla siyang lumapit sa akin. Nang malapit na siya ay mabilis kong
itinaas ang mga kamay ko.
“Oh! Wag mo akong yayakapin! Eww lang ah? Pawis ka
pa!” welcoming speech ko sa
paglapit niya. Aba! Mas maganda nang klaro! Kapag kasi nadadayo ako minsan sa
practice nila ay bigla na lang akong sasakmalin at susunggaban kahit na pawis
pa siya.
“Where’s Jay?” welcoming
question din niya sa akin. Hmm... mukhang wala sa mood ‘to. Nakabusangot
nanaman kasi ang mukha.
Humalukipkip ako. “Hindi ko nga rin alam eh. Bigla na lang daw
siyang umalis sabi ni Amirah. Maglilinis dapat kasi kami pero ‘yun siya at
tumakas!”
“Saan daw siya pupunta?” pagtatanong pa niya.
“Hindi niya sinabi.” Tiningnan ko naman ang nakakunot-noo niyang mukha. “Ano ka ba! Wag kang masyadong mag-alala.
Baka naglululusot lang siya dyan sa tabi-tabi. Alam mo naman ang isang ‘yon,
may pagka-adventurous,” pagbibiro ko pa. Ayoko kasi ng pakiramdam na
ganito, iyong nag-aalala kasi nakakapag-imagine ako ng mga bagay na hindi
maganda.
“But she’s not answering my calls!” Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ginulo niya bigla ang
buhok niya.
Nagpaalam muna ako sa
kanya. Ang sabi ko ay pagkatapos kong magshower ay hahanapin na namin siya.
Sinabi ko rin na may last class pa naman kami kaya naman baka doon namin makita
si Aya.
Aya! Saan ka ba kasi
nagpunta?!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Grace’s POV
5 minutes na lang
before class pero ang dami pang wala sa room. Wala si Jane, Liz, at Neth.
Nakakainis! Bakit hindi nila ako isinama kung magka-cutting pala sila?! Grabe!
Magtatampo talaga ako sa kanila! Hindi man lang ako nainformed! Kakaloka.
Narinig ko na ang
pagtunog ng bell pero wala pa rin sila. Napagdesisyunan ko na matutulog na
lamang ako ngunit bigla akong nabuhayan ng dugo nang biglang tumunog ang
cellphone ko at ipinakita ng screen na tumatawag ang sweetheart ko! OMG! Hindi
ako makapaniwalang tinatawagan niya ako!
Tumikhim ako para
mawala ang pagbabara ng lalamunan ko bago ko sinagot ang cellphone ko.
“Hello? Alec?” Pinaypayan
ko ang sarili dahil mukhang magha-hyperventilate pa yata ako. No! Hindi ako
pwedeng mawalan ng ulirat!
“Nandyan ba si Jane?” Gosh! Ang gwapo ng boses! Pero ano daw?
“Wala dito sa room sila Jane, Liz, at Neth. Mukhang
sabay-sabay yata silang nagcutting.” Halata
sa boses ko ang pagtatampo. Grabe talaga! Itinuring kong mga kaibigan pero
iniwan ako sa ere!
“Wala din dyan si Neth?!”
Muntik ko pang
mabitawan ang cellphone ko dahil sa gulat! Bakit siya biglang sumigaw? Grabe!
Nagulantang ako doon ah!
“Wala nga sila dito!” sigaw ko din sa kanya. OMG! Para kaming may LQ!
Napanganga naman ako
nang bigla niya akong binabaan ng phone.
Pero syet! Tinawagan niya
ako!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Raph’s POV
Inihatid ko na si Iona
sa apartment nila. Wala pa si Angel sa loob dahil may class pa siya ng mga oras
na ‘to. I only asked those sentinels to call if there will be some problems but
so far, wala namang tumawag so I guess okay naman ang lahat.
I also told Nathan
about Angel... Neth... Gwyneth. He told me that he had an inkling about her
true identity when he first saw her. But my confirmation strengthens his hunch.
We only see each other kapag hihingi ako sa kanya ng pabor na magkwento sa akin
tungkol kay Miracle. In return, I will tell him something about her when she
was still young. I can see that he really loves Miracle as his sister kaya
naman ibinigay ko sa kanya ang tiwala ko. But I also asked him to keep
everything we shared for just the two of us about Miracle and Angel. I don’t
want to take a risk and so is Nathan kaya naman nagkasundo kami sa bagay na
iyon.
I was pulled back from
my own reverie when my cellphone rang. I immediately answered the caller.
“What is it?” I
asked.
I heard him sigh. This
is not good.
“They’re missing.”
I felt myself stiffen.
“What?!”
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------