♪ Chapter 47: Inevitable
Jane’s POV
“Aya... I know now’s not the right time pero hindi
ko na kayang manahimik ngayong ganito ang nakikita ko.”
Tiningnan ko ang
kaibigan kong kahit kailan ay hindi ako iniwanan kahit na anong kaharapin kong
problema sa buhay. Nag-aalala ang mga mata niya, like the usual look she’ll
throw at me when I’m like this. Tinabunan ko ang sarili ko ng kumot nang
maalala ang nangyari kanina.
Naramdaman ko
ang paglubog ng kama, tanda na umupo siya sa tabi ko, kaya naman sinubsob ko
ang ulo ko sa unang yakap. I really don’t know what to say to her.
“May nangyari nanaman ba? Ano bang napag-usapan niyo
ni Geff? You’re not like this earlier.”
She’s right. I
tried to act normal earlier. I talked to them normally during practice. Hindi
ako magawang malapitan ni Geff kanina dahil busy kami sa pagpapractice gayundin
ang grupo nila. Nauna kaming natapos kaya naman nauna na rin kaming nakauwi ni Al.
I guess he didn’t notice me leaving, which was my intention. Hindi ko rin kasi
alam ang sasabihin sa kanya. Ngayon, hindi ko rin alam ang sasabihin kay Al.
Mahigpit akong
niyakap ni Al bago siya lumabas ng kwarto namin. I just really want to be alone
right now. Niyakap ko ang sarili. Gano’n pala ang pakiramdam kapag
nagbi-breakdown ako. I couldn’t control my mind, my emotions, my body... it was
scary. Ayoko nang maranasan ulit iyon. The fact that I became like that in
front of Geff was beyond scary. No. It was terrifying. He didn’t know about my
sickness. Paano kapag nalaman niya? Iiwan ba niya ako? I couldn’t imagine him
giving up on me. Hindi ko kaya.
“Jane, anak! May problema ba?” bungad sa akin ni mom nang tinawagan ko
siya.
I felt at ease
just hearing her voice.
“Mom... do you think I should start my sessions
again with my psychiatrist?” Hearing
myself saying this almost choked me. Should I consider myself as a crazy
person?
“Jane, did something happen? Please tell me. Hmm?” Her voice really is soothing. It calms
my nerves.
But I know this
is not permanent. Paano kapag tapos ko nang kausapin si mom? What should I do?
I closed my eyes and was assaulted again by those memories. Ganito lagi ang
nangyayari kapag ipinipikit ko ang mga mata ko. Something happened to me when I
was a child. I tried to ignore it when I was kidnapped but it’s always coming
back to me every single night. I tried to ignore it, I never did tell anyone
about it... but then all my efforts were useless.
Then the idea
that I lied and being lied at triggered that worst memory. I lied when I was a
child, I embraced an identity that was never mine... and now those people who
should be upfront to me did nothing but lie to me. This must be my karma.
“Nothing. I’m just badly missing you. Is this
normal?” Nararamdaman ko
ang panginginig ng katawan ko but I did my best for my voice not to waver. At
least saying that I miss her is really true.
“I miss you too my baby. It’s normal. I miss you
too. Your dad too. We’ll go there on Saturday para mapanuod ang concert niyo.
Do you want us to go there tomorrow? Sasabihin ko kaagad sa dad mo. What do you
think?”
Tumulo ang mga
luha ko. Kinagat ko ang labi ko’t pinakalma ang sarili bago nagsalita. “That would be great.” Mabilis kong
sinubsob ang mukha ko sa unan at pinigilan ang pagsinghap. Ang sakit sakit ng
dibdib ko, parang pinipiga.
“Then it settled! Maghahanda na ako. Anong gusto
mong pasalubong? I’ll cook for you.” Rinig na rinig ko ang saya sa boses ni mom. I can’t
help but smile. How ironic this is. I’m crying and devastated inside yet I’m
smiling.
“Anything sweet mom.”
Nang natapos ang
pag-uusap namin ni mom ay mga text at missed calls naman ang bumungad sa
cellphone ko. All from Geff. Lahat ay maiikling messages lang. Questions about
what happened earlier, kung ayos lang ba ako, kung pwede ba siyang tumawag,
bakit hindi ko sinasagot ang mga tawag at text niya...
But then my
phone rang again. Nanlaki ang mata ko nang nakitang mahaba iyon kumpara sa mga
naunang texts niya.
From: Geff Mendez
I’m sorry for yelling at you earlier. I just didn’t
know what to do with you. If you have anything that worries you, you can talk
to me. I’ll always be here to listen to you. But more than anything, would you
mind if I ask what happened earlier? I know there’s something you’re not
telling me. Simula pa lang Jane, alam kong may hindi ka na sinasabi. Your eyes
tell me things I couldn’t understand, like you want me to know something yet you’re
not telling me. You keep on hesitating. I want to know. Like I said, I want to
know you more. And I can’t possibly do that if you keep on closing your door to
me. Even if I’m desperate, I will never barge in without your permission. I
respect you but please know the fact that I’m worried.
Text me please?
Lalo akong
naiyak. How can I possibly tell you Geff? I’m lying at you right now. Natatakot
ako kapag nalaman mo ang totoo. You’ll definitely leave me, that I’m sure of.
To: Geff Mendez
I’m sorry.
I really don’t
know what to say to him.
Wala pang ilang
segundo ay tumunog na ang phone ko. Lalo akong kinabahan nang nakita ang
pangalan ni Geff sa screen... calling...
Mabilis kong
pinunasan ang basang mukha dahil sa luha. Tumikhim ako.
“Jane...” The uncertainty and worry are evident on his voice.
I tried to sound
casual. “Hmm?”
Umayos ako ng
upo at sumandal sa headboard ng kama. Kinagat ko ang labi ko nang hindi pa rin
siya nagsasalita. Naninikip ang dibdib ko sa bawat segundo ng katahimikan. What
I’m going through right now and the pain here in my chest is all because of me.
I inflicted this to myself. I am the one to blame. Kaya naman ang paghingi ng
tawad ni Geff sa akin ay lalong nagpapasidhi ng bigat na nararamdaman ko.
I couldn’t take
the silence anymore so I spoke. “Geff?”
“Hmm?” mabilis
niyang sagot.
“Bakit hindi ka nagsasalita?” Mariin akong napapikit. My voice is
definitely raspy.
“I just want to hear your breathing, that’s all.”
Tumango ako at
pinigilan ang paghikbi. This conversation is killing me. Hindi ko alam kung
ilang minuto ang lumipas. I just laid on my bed, eyes closed, while holding my
phone. Nag-aagaw antok na ako nang biglang may narinig ako kay Geff. Mahina
lamang iyon ngunit sapat na para marinig ko.
‘We've got a story
And I'm about to change the ending
You're perfect for me
And more than just a friend
So we can just stop pretending now
Gotta let you know somehow...’
Nanlaki ang mga
mata ko nang narinig ko siyang kumanta. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko
ang boses niya! His voice... it’s beautiful. His is not a voice of a great
singer... but the quality is way soulful it could almost literally touch my
heart. Nawala ang antok ko.
‘I'll be your shelter
I'll be your storm
I'll make you shiver
I'll keep you warm.’
Naiiyak ako na
nangingiti. “Geff—”
“Shh.”
He continued
singing his heart out even if it was obvious how trying hard it seemed. Pero
kahit na gano’n ay alam kong iba pa rin talaga ang boses niya sa lahat ng boses
na narinig ko sa mga kasama ko sa org. It’s one special voice, from one special
guy, whom my heart had chosen to be special.
Hearing him sing
lulled me to sleep.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang buong akala
ko ay magiging maayos na ang lahat. But of course that’s only a wishful
thinking of mine. Kailan nga ba naging maayos ang lahat? Kailan nga ba magiging maayos ang lahat?
It appeared to
be just a faraway dream.
Matapos ang
gabing ‘yon ay parang bumalik ang lahat sa dati. Iyong mga panahon na hindi pa
namin kilala ang isa’t isa, iyong mga panahon na wala pa kaming pakialam sa
isa’t isa. Just thinking about it makes my heart cold and frozen.
“Ang tagal na nating hindi nakakasama si Neth.
Kamusta na kaya ang lukaret na ‘yon?” bagot na sabi ni Grace habang binubuksan ang takip
ng bottled water niya.
Nandito kami
ngayon sa auditorium. Break namin ngayon kaya naman nakaupo lamang kami at kung
anu-ano ang ginagawa.
Nagkibit-balikat
si Al na kasalukuyang busy sa pagte-text. “I
don’t know. Why don’t you visit her? Nasa kabilang building lang naman ang
theater.”
Nanatili ang mga
mata ko sa pagsayaw ng mga miyembro ng Crimson habang pinapanuod sila ng
strikto nilang choreographer. Ni-hindi ko nilingon sila Al at Grace na nasa
tabi ko lang at ramdam na ramdam ko ang titig sa akin.
“Jane—” panimula ni Grace ngunit pinigilan ni Al.
Huminga ako ng malalim.
Gano’n lang ang
naging takbo ng ilang araw ng practice. Tuwing umaga, kapag ako ang nauna sa
auditorium ay pumupunta kaagad ako sa piano at tumutugtog doon. Kahit kapag
dumadating na ang ibang miyembro ng Black Raven ay patuloy lang ako sa
pagtugtog. Nasanay na rin naman na ako na tahimik lang nila akong pinapanuod.
But I know they have tons of questions in mind for me that I know I would never
answer. Alam ko naman kasing hindi ko alam ang sagot.
At kung alam ko
man ay wala akong balak sagutin ang mga ‘yon.
At kapag
dumadating na ang Crimson ay mas lalo kong nararamdaman hindi lang ang tahimik
ngunit maging ang tensyon sa loob ng auditorium. Kahit nga sila ay natatahimik
kapag nasa loob na sila kasama namin. Kitang-kita sa mga mukha nila ang
pagtataka habang nagpapabalik-balik ang tingin nila sa akin at kay Geff.
Lumipad ang
tingin ko kay Geff na busy sa paghahanap ng kung ano sa bag niya habang
naglalakad papunta sa practice room nila. Nakita ako ng katabi niya kaya
bumulong siya kay Geff. Hindi naman siya nito pinansin.
Itinuon kong
muli ang atensyon sa piano.
Nang kumpleto na
ang lahat ng members ng club namin pagkatapos ng break ay nagsimula nang muli
ang practice. It turned out na dalawang kanta lang ang gagawin ko. Isang solo
at isang kasama ang Black Raven. Tinanggap ko iyon at hinayaan sila Michael at
Derrick na turuan ako ng tamang postura at tamang pag-execute ng emotion habang
kumakanta.
“Bakit ba kasi kayo ang nagtuturo kay Jane? Kayo ba
ang vocalist?” mataray na
tanong ni Amirah na obviously ay si Michael ang pinaparinggan kahit na
tinuturuan din naman ako ni Derrick. “Di
ba dapat ay si Darren?”
Nanlaki ang mga
mata ni Darren na kasalukuyang nakaupo sa harapan ng stage nang narinig ang
pangalan niya. “What?” inosente
niyang tanong.
Sumimangot si
Michael sabay baling kay Amirah. “Bakit
ako nanaman ang nakikita mo? Wala namang masama kung tuturuan namin si Jane, di
ba?” Nilipat niya ang tingin kay Derrick, tila naghahanap ng kakampi.
“A-Ah, o-oo?” alanganin niyang sagot ngunit halatang sinadya niya
iyon.
“Bumalik na nga kayong dalawa sa likod at tumugtog
na lang! Darren!” sigaw
ni Amirah sabay lingon sa kawawang si Darren.
“Yes?” Halos
matawa ako sa itsura niya habang hinihintay ang hatol sa kanya ng president.
“Ikaw ang magturo kay Jane.”
Nilingon ko si
Derrick nang bigla siyang natawa. “You
wouldn’t want to mess with a very angry president.”
Tumango ako
habang napapangiti.
Bumulong si
Michael sa amin ni Derrick. “What is it
with girls and their mood swings?”
“MICHAEL!”
“Ito na, ito na! Jeez,” iritado niyang utas habang parang asong
pinagalitan ng amo habang pabalik sa drums.
Nagkibit-balikat
sa akin si Derrick at bumalik na rin naman sa pwesto niya.
Nilingon
ko si Darren na katabi ko na pala at inaayos ang pagkakahawak ko sa microphone.
He said something about holding it not too near my mouth but also not too far.
Ngunit tila naging background na lang ang boses niya nang napatingin ako sa kabilang
practice room kung nasaan ang Crimson. Mukhang break time nila at nagkalat sila
doon sa loob.
Hinanap
ko si Geff at nagulat nang nakitang seryoso at tila galit siyang nakatingin sa
akin. Nanigas ako sa kinatatayuan.
No...
he’s not looking at me.
He’s looking at my hand.
Tiningnan
ko rin ang kamay ko at doon ko lang muling narinig ang boses ni Darren.
“... then you should be fine.”
Mabilis
kong tinggal ang pagkakahawak ni Darren sa kamay ko. Nagulat siya dahil doon.
“S-Sorry. I think I know what to do with
the microphone.” Binigyan
ko siya ng isang ngiti na hindi ko alam kung mukhang pilit o mukhang
kinakabahan.
Kumunot
ang noo niya ngunit tumango na rin naman.
Ibinalik
kong muli ang tingin kay Geff ngunit nakapikit na siya habang nakasandal ang
ulo sa glass wall at may headphones sa magkabila niyang tenga.
I
felt a pang of disappointment. I firmly closed my eyes.
I
think I deserve the cold treatment. I deserve every bit of pain it causes me.
It is not masochism but rather self-realization and right now I realize that
things will never be right again. Not if all of this started from one little
lie. Sa isang tila maliit na kasinungalingan na iyon ay nagresulta sa
sunod-sunod pang kasinungalingan. It had become from worse to worst. At ngayon
ay wala na akong magagawa pa.
Geff
deserved the truth, but I still don’t have the courage to reveal them all to
him. Hindi ko kaya. I admit that that is cowardice. It truly is.
At
dahil hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang lahat, maiintindihan ko kung ngayon
pa lang ay sisimulan na niyang ilayo ang sarili niya sa akin. After all, the
past few days and the coming days are the proof of the passing attachment we
had. Sa simula pa lang ay alam kong hindi na ito magtatagal but I still accepted
him... kahit alam kong ang dahilan ng paglapit niya ay sa ibang kadahilanan.
It
all boils down to our past. The past
I kept on turning my back on.
“God I’m so famished already! Ano bang
tinda sa cafeteria ngayon?”
Napangiti
ako nang narinig ko nanaman ang medyo slang na pagsasalita ni Al. Marunong
naman talaga siyang magtagalog pero kung minsan talaga ay maririnig mo ang
kakaibang tono o diin sa mga salita niya.
Luminga-linga
si Grace, pilit na tinitingnan ang tinda sa All
Around sa kabila ng mga mas matatangkad na estudyante na nasa pila. Ngumuso
siya. “Mag gulay na muna tayo! Lagi na
lang karne kinakain natin.”
“Al, bilhan mo na lang ako ng kahit ano.
Maghahanap na lang ako ng upuan natin sa second floor,” bulong ko kay Al habang ibinibigay sa
kanya ang wallet ko.
Sinipat
ako ng tingin ni Al, tila binabasa ang mood ko. “Ayos lang sa’yo kahit ano?”
Tumango
lamang ako at iniwan silang dalawa.
College
break ngayon kaya naman sobrang dami ng mga estudyante dito sa cafeteria
lalong-lalo na sa ground floor. I’ll try my luck on the second floor. Ngunit
alam kong sa araw na ito ay hindi talaga tatabla sa akin ang swerte o kahit ano
pa mang dasal na wala sana akong makita na ayaw kong makita ngayon nang natunton
ko ang tuktok ng hagdanan at nakita silang nagkakainan.
Nagtama
kaagad ang mga mata namin ni Phin at mabilis siyang kumaway. Kumaway ako
pabalik ngunit alam kong malamya iyon. Nag-angat ng tingin si Darren na katabi
ni Phin at binigyan ako ng isang malapad na ngiti. Nakatalikod si Geff sa akin
ngunit nang nakita ang reaksyon ng kambal ay lumingon siya.
Naghanap
kaagad ako ng mauupuan para hindi siya matingnan pa. Why is this happening now? Bigla akong kinabahan at nanlamig.
Huminga ako ng malalim.
Ganito.
Ganitong-ganito lagi ang reaksyon ko pagdating sa kanya. Paano pa kaya kung
malapit at nakatingin siya sa akin gamit ang mga nangungusap niyang mga mata?
Kinagat
ko ang labi ko at halos magpapadyak nang wala akong makitang bakanteng upuan.
Sa auditorium na lang kaya kami kumain? Mariin akong pumikit nang naisip na
masyado iyong hassle dahil bibitbitin pa namin ang mga plato at baso papunta
doon at pabalik dito.
Tumalikod
ako at aalis na sana nang biglang may humarang sa paningin ko at isang mainit
na kamay ang bumalot sa kanang kamay ko. I almost stopped breathing because of
that small contact. God nababaliw na ako!
Sa
kabila ng nararamdaman kong ayaw ko munang maramdaman ay sumibol naman ang inis
at pagkairita ko. He is doing it again. His own version of push and pull. Wala
akong karanasan sa mga gano’ng bagay ngunit naririnig ko iyon sa mga kabarkada
ni kuya na kung minsan ay napapadpad sa bahay. He will act cold at some moment,
then sweet and caring the next. I know that he’s giving me time to figure
myself out and to ready myself to open myself to him ngunit ngayong alam niyang
hindi pa ako handa ay binibigyan niya ako ng space.
Ganito
rin ang ginawa niya noong hindi niya ako pinansin at hindi ko alam kung bakit.
Ang sabi niya ay binigyan niya ako ng panahon para makapag-isip tungkol sa
nararamdaman ko. And right now, he’s
giving me time for me to decide if I’ll let him in my heart and know my
biggest, darkest secrets... or not.
It
is just a matter of my choice.
Pagkatapos
ngayon ay ganito siya sa akin. How
can I keep up? How can I condition myself to be independent and not so fixated
on his presence near me?
Lumingon
ako at nakita ang seryoso niyang mga matang tuto na tutok sa akin.
He
squeezed my hand. “Doon na kayo sa table
namin. Kasama mo ba sila Al?”
Nagtagal
ang mga mata ko sa mukha niya, kinakabisado ang bawat kurba ng mga pilikmata
niya, ang kilos ng mga labi niya kapag nagsasalita, ang paggalaw ng pisngi niya
kapag ngumingiti...
...
at tila gano’n din ang ginagawa niya.
Ilang
araw pa lang niya akong iniiwasan ngunit para bang matagal na panahon na ang
lumipas. And I missed him. So bad.
Lumagpas
ang tingin ko sa kanya at tiningnan sila Phin na inaayos na ang mga upuan sa
tabi nila. Nakita ko si Neth na seryoso lamang na kumakain. Ngayon ko lang
napansin na nakaupo siya sa tabi ng upuan ni Geff.
Hindi
pa ako nakakasagot ngunit hinila na kaagad ako ni Geff at inayos ang upuan sa
tabi niya. Inusog pa ni Neth ang upuan niya sa tabi para lang magkaroon ako ng
pwesto. Mukhang uupo sila Al at Grace sa tabi ng kambal. Ako ang nasa kaliwa ni
Geff, si Neth naman sa kanan.
Katahimikan
ang bumalot sa amin. Kahit sila Phin at Darren ay nakatinginan at mukhang
nagulat at nagtaka sa tensyong nabuo sa table namin. Nilingon ko si Neth ngunit
hindi niya man lang ako nagawang tapunan ng kahit katiting ng atensyon niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa isang negatibong emosyon at nag-iwas ng tingin
sa kanya.
I’m
thinking of very unpleasant thoughts about my friend. Well... if she’s still my
friend that is. She has a thing for Geff... which is normal and reasonable.
Siya naman kasi ang totoong si Angel at ako lamang ang stand-in. At hindi niya
alam iyon. Kaya bakit ko siya sisisihin?
Nakahinga
ako ng maluwag nang dumating sila Grace at Al dala ang mga biniling pagkain.
Tinaasan ako ng kilay ni Al sabay tingin sa katabi kong seryoso lang na
kumakain tulad ni Neth. Si Grace at Phin naman ay nagsimula nang magkwentuhan
dahil medyo matagal na ring hindi kami nagkakasama-sama at mukhang namiss din
nila ang isa’t isa.
Nasa
tapat ko si Al samantalang katabi niya si Phin. Si Grace naman na nasa kaliwa
ni Phin ay katabi si Darren. Tahimik lang akong kumain. Nagtaka naman ako nang
biglang naglaan si Al ng isa pang upuan sa kaliwa ko.
“Para kanino ‘yan? May sasabay pa ba sa
atin?” tanong ko kay
Al. Napatingin din si Geff sa tabi ko nang narinig iyon.
Nagkibit-balikat
si Al. “Yup. You know him. Hinahanap ka
niya sa amin kanina, sabi ko dito tayo kakain sa taas. He said he’ll join us.”
Marahas
kong nabitawan ang hawak kong mga kubyertos kaya naman lumikha iyon ng malakas
na ingay. Kahit sila Phin, Grace, at Darren na pare-parehas nag-uusap ay
napatingin sa akin.
“Ayos ka lang Jane?” nag-aalalang tanong ni Phin sabay abot
sa akin ng tissue na hinagilap pa niya sa bag niya. No’ng una ay hindi ko pa
alam kung para saan iyon ngunit si Al na ang kumuha no’n at pinunasan ang kamay
kong nalagyan ng kaunting sauce galing sa kinakain ko.
Napatingin
ako kay Al. Napatingin din siya sa akin at kumunot ang noo nang nabasa ang
ekspresyon ng mukha ko. Kinakabahan ako at hindi ako mapakali. Ramdam na ramdam
ko ang panlalamig ng katawan ko at ang pagbilis muli ng tibok ng puso ko na
tila ba lalabas na iyon sa dibdib ko. Matagal ko na siyang gustong makita
ngunit hindi sa ganitong sitwasyon!
“Jane...”
Napatingin
ako kay Darren nang tawagin niya ako. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil lumipad
ang tingin ko kay Geff na mataman akong pinagmamasdan maging ang mga kilos ko.
Para bang may hinihintay siyang mangyari o kung ano sa mukha ko na inaasahan
niyang makita. Para bang binabasa niya ang bawat kilos ko.
Dumoble
ang kabang nararamdaman ko.
“... namumutla ka. Are you really sure
you’re okay?” pagpapatuloy pa
ni Darren.
“Pumunta kaya tayo ng clinic? Nahihilo
ka ba Jane?” dagdag pa ni
Grace.
Nakita
ko ang pagkuha ni Al ng phone niya sa bag niya ngunit pinigilan ko siya. Bago
pa ako makapagsalita na ‘wag na niyang abalahin si kuya ay may bigla na lamang
umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Pinagmasdan
ko ang lahat ng mga kasama ko sa table; si Al, Phin, Grace, Darren, Neth, at
Geff. They are all freaking here with me... and with Jayvier. Oh God.
“Hi JV! Mabuti naman at nakasabay ka na
sa amin!” basag ni Neth sa
katahimikan ng table namin. She looks really happy and ecstatic it almost made
me hate her. Wala siyang reaksyon sa mga nangyayari kanina ngunit ngayon ay
para banng wala nang mapaglagyan ang kasiyahan sa mukha niya. Naging concern ba
siya sa akin kanina? I think not.
Lumunok
ako at uminom sa tumbler ko. Pilit na kinakalma ang sarili. Noon ko lang
napansin na maging si Geff ay walang naging reaksyon kanina nang nagkaroon ako
ng panic-attack.
“Who is he, Neth? Siya na ba ‘yung
tinutukoy mong friend mo?” baling
ni Phin kay Neth ngunit pasulyap-sulyap pa rin sa akin na para bang chine-check
ako. Ngumiti na lang ako sa kanya. That made her more at ease.
Si
Al naman ay binigyan ako ng let’s-talk-later
look bago tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain niya. Halos mapatalon naman
ako nang nag high five si Geff at Jayvier sa itaas lang ng ulo ko.
They know each other. It’s pretty
obvious they’re close.
May
napagkwentuhan kaya si Jayvier tungkol sa mga napag-usapan namin noon? Malaki
ang posibilidad na nasabi niya iyon kay Neth. At si Neth ay maaaring naikwento
iyon kay Geff. I firmly closed my eyes, bit the inside of my cheeks, and
mentally kicked myself.
Hindi
nagtagal ay nalimutan na ng lahat ang bigla kong pamumutla at napuno ng usapan
at tawanan ang grupo namin — sila. Pinakilala ni Neth si Jayvier sa bawat isa
sa amin. At nang ako na ang ipapakilala ni Neth kay Jayvier ay huminto ako sa
paghinga.
“Kilala ko na siya. Right Jane?” pagpigil ni Jayvier kay Neth sabay baling
sa akin. Uminom naman si Geff sa tubig niya habang ang iba naman ay nagtaas ng
kilay habang nakatingin sa aming dalawa.
Napatingin
ako kay Jayvier at nagtama ang mga mata namin. Walang bakas ng galit o
hinanakit ang boses niya nang sinabi niya iyon. He’s expression is both wary
and... weird. Halos parehas na sila ng reaksyon ni Geff sa paraan ng pagmamasid
niya sa akin.
Tumango
lamang ako at nag-iwas ng tingin. How can
I possibly survive this lunch?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------