Chapter 1: Circle of Friends
“Good morning class!” masayang bati ng professor namin.
Tss. Anong
masaya sa morning? Jusko midterms na namin ngayon ibig sabihin HELL WEEK ‘to!
T__T Puro
review, review, review! Walang katapusang review! Grabe mapupudpod na yung utak
ko!
Oh well ano pa
nga ba ang magagawa ko eh hamak na scholar lang ako dito sa mamahaling school
na ito. Kapag nagbagsak ako ng isang subject kick out na agad ako.
“I’ll check the attendance first before I give you
your test papers.”
Kahit wag mo
nang ibigay! Hahaha kidding!
Medyo matagal
pang matatawag pangalan ko. Nagsisimula kasi sa “P” yung surname ko.
Sumandal na
lamang ako sa upuan ko at humalukipkip habang hinihintay ang pagtawag sa akin.
“Ms. Jayah Cardona.”
“Here.” masiglang wika ni Jayah. Isa siya sa circle of
friends ko. Matalino rin yan at hardworking pero sa mga kaibigan ko eh siya na
ang masasabi kong sosyal. Mayaman kasi ang pamilya nila at lahat ng mga gamit
niya eh may mga signature. Basta yung mga mamahalin. Perfectionist din ang
bruhang yan! Haha
Nga pala chika
ko lang, may nanliligaw nga dyan eh. Ace player yata ng basketball team dito.
Humahaba nga ang hair nyan eh! Dinaig ang gorgeous hair ko.
Syempre papatalo
ba ako? Aba marami ring nanliligaw sa akin noh! Maganda kaya ako! But of course
study first before anything! Tama ba?
“Ms. Andrea Del Bosque.”
“Here.” ito pa ang isa sa mga kaibigan ko. Si Andrea naman
ang masasabi kong total opposite ni Jayah. Mayaman din ang babaeng yan pero
simple lang siya. Hindi naman sa sinasabi ko na pangit ang masyadong sosyal
pero mas prefer ko lang talaga ang mga simpleng bagay at tao. Nevertheless I
love all of my friends despite their differences.
Nga pala may
chika ulit ako. Huwag niyo sabihing chismosa ako ha? Di lang talaga ako madamot
pagdating sa pamimigay ng infos! Haha. Anyway si Andrea eh patay na patay sa
kaibigan nung nanliligaw kay Jayah. O di ba? Bagay talaga iyong dalawa na
magkasama. Parehas kasing b-ball players ang mga gusto. Si Jayah kunwari at
pakipot effect lang yan pero alam ko namang gusto rin niya yung nanliligaw sa
kanya.
“Ms. Angeline Pavia.” sa wakas!
“Here.”
Grabe,
kinakabahan na ako! Sana makasagot ako sa mga exams namin! >__<
Kumusta kaya si
Mildred? Magkaiba kasi kami ng course eh......
“Mr. Levi Ramirez?”
“Here.”
Ramirez? As in
Levi Ramirez??? Blocmate ko??? Seriously??? Yung napanood ko kanina sa t.v.?
Yung tagapagmana raw ng RGC?
Oo, alam kong
ang dami kong tanong sa buhay! Hahaha.
Dahil curiousity
is killing me eh tiningnan ko na yung Levi Ramirez na nasa likod. Doon ko kasi
narinig yung boses niya kaya alam kong nasa likod siya. Malay natin kapangalan
lang pala niya di ba?
Pagkalingon ko
ang siya namang pagtingin niya sa akin.
Uh-oh.
Siya nga. Yung
gwapong nilalang na nakita ko sa t.v.
Yung
mayabang... -_-
Pagkatingin ko
sa kanya ang siya namang pagtaas ng kilay niya at pagngisi niya.
May nakakatawa
ba?
Oh well, kung
ako ang tatanungin eh ako ang matatawa. Hindi kasi bagay sa kanya ang nagsusuplada.
Itaas daw ba ang isang kilay niya. Aba eh kaya ko rin yan.
Bilang ganti eh
tinaasan ko rin siya ng kilay. Yung tipong wagas na taas para maamaze siya.
Mukhang nagulat
siya sa ginawa ko. Oha! Wala ka pala eh! Kung makaasta akala mo kung sino eh
tagapagmana lang naman nung kumpanya ng pamilya niya. Tss.
Humarap na lang
ulit ako sa harapan dahil naaalibadbaran na ako sa itsura niya.
Di pala siya
gwapo sa personal -__- May effect lang sigurong ginamit sa t.v. para kunwari
gwapo. Haaayyy iba na talaga nagagawa ng technology sa buhay ng tao.
“You may now pass the questionnaires.” masayang sabi ng aming professor.
Bakit ba ang
saya nito? Kanina pa siya nakangiti. Sadista ba siya at ang saya-saya niyang
makita kaming nahihirapan? Haaay nako ibang klase.
RIIIIIIIIINNNNGGGGG!!!!
Oh yes! I love
that sound!!
Ang tagal kasing
tumunog eh naiinip na ako kakahintay. Paano ba naman kasi akala ko mahirap yung
exam eh mga 15 minutes ko nga lang sinagutan tapos na ako samantalang yung mga
blocmates ko wala pa yata sa kalahati nung natapos ako.
Hahahaha PARTY
PARTY NA!!!
Pagkaayos ko
nang mga gamit ko eh lalabas na sana ako nang may biglang humarang sa daraanan
ko.
“Miss Pavia, if I’m not mistaken, right?” tanong sa akin nung mayabang.
Ayy ang taray ni
kuya feeling close. Kilala ko ba siya? Hindi kasi kami friends eh.
“Oh yes. You’re right. I’m Miss Pavia. So please
excuse me.” sabi ko sa kanya
at hinawi siya gamit ang aking mga kamay. Take note, MGA KAMAY. Matangkad po
kasi siya, parang kapre lang! Wahahaha \\^o^//
“Tinatarayan mo ba ako kanina?” pagtatanong niya.
“Hindi.” tinatalbugan ko lang ang pagtaas mo ng kilay.
“So what’s with the face earlier? Nagpapapansin ka
ba sa akin?”
Woooo!! Ang
hangin! Grabe! Habagat ikaw ba yan?
“Ayy koya excuse me lang kung magpapapansin lang rin
naman ako eh bakit sa’yo pa? Dami ko kayang crush dito kaya bakit ako
magtyatyaga sa’yo? Uulitin ko lang ha baka kasi di mo narinig. EXCUSE ME!” naku ha naha-highblood ako sa kapreng
‘to!
Sa wakas ay
nalampasan ko rin siya! Grabe lang hirap niyang hawiin.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Sis, musta exam? Nakasagot naman ba?” tanong ni Mildred habang nilalamutak
yung pagkain niya. Ano ba’to wala man lang kapoise poise kumain!
“Oo naman nakasagot siya! Siya nga yung unang
natapos sa amin samantalang kami mga nganga!” sabi ni Jayah.
Kahit na ibang
course si Mildred ay sa amin pa rin siya sumasabay kapag kakain ng lunch. Mas
malala kasi siya kaysa sa akin. Ako aaminin kong suplada talaga ako kaya nga
minsan napapaisip ako kung bakit may mga kaibigan akong nagagawang tiisin ako
samantalang itong si Mildred eh suplada na nga, basag ulo pa! Yung tipong kahit
babae yan eh may pagkatibo-tibo rin yan kaya nga walang nanliligaw dyan eh. But
of course dahil maganda ako eh maganda rin siya. Saan rin lang naman manggagaling
ang magandang genes di ba? Share share lang yan! Hahaha.
“Oo nga grabe! 15 minutes! Imagine, ang pang-isang
oras na exam eh 15 minutes lang sa kanya! Ano bang utak meron kayo?” mahabang kwento ni Andrea.
“15 minutes? Tss...10 minutes nga lang ako eh.” sabi ng bruha kong kapatid.
Nalimutan ko
bang sabihing mayabang din yan?
Hindi sa
nakikipagkumpetensya ako sa kanya ha pero ganyan lang talaga kami, mga
masyadong competitive. Pero kahit ganun I guess magandang bagay naman yan dahil
parehas kaming nag-eexcel. Di katulad ng ibang masyadong competitive na puro
salita nganga naman pagdating sa gawa.
Grabe, feeling
ko pwede na akong magpreach sa ganda ng speech ko! Hahaha
Oh well, this is
my world, these are my friends.
Need I say more?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment