Prologue

Ugh....ayan na naman yung bell na yan! Ewan ko ba, kapag naririnig ko yan parang yung gravity ng kama ko lumalala. Epekto? Malamang di na ako makakatayo!

“Gising na mga bata! Alas kwatro na ng umaga. Dali! Kilos na!” –sister Carmen

Ayan na si sister Carmen dala ang isang maliit na bell na kung papatunugin eh sobrang lakas!  T__T Waahhhh!!! Inaantok pa talaga ako!

Naririnig ko na ang pagtayo, pag-iinat at mga hikab ng mga kasamahan ko dito sa kwarto pero ako nakahiga pa rin.

Swear! 5 minutes pa.....5 minutes lang........5 minutes...........5 min.....

“Angeline may ipis na gumagapang sa kumot mo.”

“Waaaaahhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!”

Oh my God! Oh my God! May ipis daw sa kumot ko! Nasaan? Nasaan?

“Patayin niyo yung ipis! Ano ba! Tulungan niyo akoooo!!!” sigaw at tili ko habang pinapagpag ang sarili na para bang sumasayaw ng isang hiphop.

Narinig at nakita ko naman ang tawanan ng mga kasama ko at si sister Carmen na nakangiti at nakahalukipkip sa harap ko.

Doon ko lang narealize ang ginawa nila. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Hindi dahil sa hiya pero sa galit.

“Now you’re awake.” amuse na sabi ni sister Carmen.

Magta-tantrums pa sana ako kaso pinigilan ako ng kapatid ko.

“Hep! Sis kung ako sa’yo pumunta ka na agad sa c.r.. Di ba may quiz kayo ngayon sa major subject mo?” sabi sa akin ni Mildred nang nakangiti.

Dahil sa naalimpungatan ako eh medyo matagal na naprocess sa utak ko iyong sinabi niya.

C.r.? Test? Major subject? Anong konek?

Wait.....ano daw?

Nakita ko ang pag-alis ng mga kasama ko sa kwarto maging si sister Carmen eh lumabas na rin. Hanggang sa narealize ko na maayos na lahat ng mga kama nila samantalang iyong sa akin eh sobrang gulo. Yung kumot ko nasa sahig pa dahil akala ko may ipis kanina.

Nang naayos ko na iyong kama ko, nakita ko na may nakaipit na papel sa ilalim ng unan ko.

Wait......puro numbers.......demand......supply......fixed cost....variable cost....total cost.....total revenue....break-even.....wait.......

Loading......loading.......

O__O

OH.EM.GEE

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig at narealize iyong sinabi sa akin ni Mildred.

Tumakbo agad ako sa c.r. bitbit ang mga damit ko at sabon.

Nang malapit na ako sa c.r. ay narinig ko pa ang boses ng kapatid ko.

“5, 4, 3, 2, 1.”

“Woi!!! Dalian niyo maligo mga babae!” sigaw ko sa mga kasamahan ko nang makapasok ako sa loob ng c.r.

Tumawa lang silang lahat sa akin.

Huhuhu T__T Bakit ba nalimutan kong may long quiz nga pala kami sa marketing namin? Ang tagal pa man ding maligo ng mga bruhang ‘to.

Si Mildred naman tawa lang ng tawa sa isang tabi. Narinig ko pa nga yung sinasabi niya sa mga kaibigan niya.

“See? Sabi sa inyo 10 seconds lang dadating siya eh!”

Sarap batukan nito noh?

Sa wakas! Natapos din!

Nakauniform na ako at maayos na rin ang pagkakatali ng buhok ko.

Yung iba ko namang kasamahan sa kwarto eh di pa mga tapos kaya naman umupo muna ako sa may upuan sa tapat ng t.v.

Ilang taon ko nang kasama ang mga ‘to dito sa orphanage. Karamihan sa amin ay inabandona na ng mga magulang samantalang ang iba naman ay nandito ngunit may mga magulang pa rin. Dinala lamang sila rito dahil hindi sila kayang buhayin ng mga magulang nila dahil sa hirap.

Sa case ko at ng kapatid ko ay inabanduna na kami ng mga magulang namin. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil sanggol pa lang ako ng nakita ako nila sister Carmen samantalang 2 years old na si Mildred. Iniwan lang kami dyan sa gate ng Heaven Orphanage at mabuti’t sila sister ang nakakita sa amin.

Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa t.v.. Maaga talaga akong pupunta ng school ngayon dahil magrereview pa ako at magpapaturo pa ako sa mga kaibigan kong matatalino. May mga hindi kasi ako magets na formulas.

“Patuloy ang pagsikat ng Yllana Global Corporation hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Sa kabila ng kasikatang ito ay di lingid sa kaalaman ng mga mamamayan na lubhang masikreto ang kumpanyang ito. Sa tagal na nila sa industriyang kinabibilangan ay wala pa ring nakaaalam kung sino ang nasa likod ng tagumpay na ito.”

Nakuha naman ng balita ang buong atensyon ko dahil sa mga narinig kong sinabi ng reporter.

Hmm....sobrang sikat talaga ng kumpanyang yan. Bakit ba ang bobo ng tao? Malamang gagawin nilang confidential ang totoong katauhan ng nagmamay-ari at nagpapatakbo ng kumpanya kasi kapag nagkataon na makilala siya ng publiko eh di mas nanganib buhay nun? Naku marami pa namang masasamang loob sa mga panahong ‘to malamang pupuntiryahin ng mga yun ang mga mayayaman. Bakit ba hindi naisip ng mga tao yun?

“Ang mas ikinagulat ng nakararami ay ang pag-usbong ng isa pang kumpanya na tila ba naging mahigpit na katunggali nito sa world market.”

“Wow. Ang lakas ng loob ah.” kumento ko sa sinabi ng reporter.

“Ang Ramirez Group of Companies ang kumpanyang sinasabing magiging mahigpit na kakumpitensya ng Yllana Global Corporation. Ano kaya ang masasabi ng tagapagmana ng RGC sa balitang ito?”

Matapos sabihin iyon ng reporter ay ipinakita ang isang kagwapuhang lalaking sa isang sulyap ko lang ay masasabi ko nang mayabang.

Ito yata yung sinasabi na tagapagmana. Tss....tagapagmana lang pala eh, di naman siya yung nagpapatakbo ng RGC.

“I was really shocked to hear the news! I mean, really, the news was overwhelming! In fact were just doing our jobs, making sure our products made it to the market but this? I never saw this one coming.” litanya nung.........inilapit ko pa ang mukha ko sa screen ng t.v. para makita ko yung pangalan.

“Levi Ramirez.” sambit ko nang mabasa na ang pangalan niya. Ramirez nga siya.

“Huy! Seryoso natin ah? Anong meron?” tanong sa akin ni Mildred habang umuupo sa tabi ko.

“Aba’y malay ko sa mga yan. Dalawang kumpanya daw nag-aaway.” sabi ko. Katamad magkwento eh. Hahaha

“Ang sadista mo talaga! Ang sabi lang naman eh competitor ng YGC ang RGC. Wow...ang gwapo pala nung tagapagmana oh! Kita mo?” manghang sabi ni Mildred.

Oo. Malamang nakikita ko. May mata ako eh!

Haayyy. Ang mga mayayaman talaga ang cool ng mga problema. Problema lang nila yung mga kumpanya nila at kung papaano magkakaroon ng mas marami pang pera. Samantalang kaming mga kapos at dukha eh iniisip kung paano pa kami mabubuhay.

Anyway......naglalakad na kami ngayon ng mga kasamahan ko papunta sa chapel ng orphanage. Bago kasi pumasok ng school ay required sa amin ang umattend ng misa dito. Maganda na rin na ganito ang set-up at least gumagaan ang pakiramdam ko at syempre para makasanayan na rin ng iba.

Sana makapasa ako sa exam ko mamaya......   >__<


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

No comments: