Chapter 34: Genuine

Jane’s POV

Mabilis kong itinulak palayo sa akin si Alex. Baliw talaga ‘tong lalaking ‘to! He just provoked Geff!

Bago pa makalapit sa amin si Geff na masamang nakatingin kay Alex ay pumagitna na kaagad ako. Medyo matagal pa ang pagtunog ng bell kaya naman kaunti pa lang ang mga blocmates ko na nasa room namin.

Bumaling sa akin ang galit na mga mata ni Geff nang nakitang ipinalikod ko si Alex.

“G-Geff—”

“Really? Jane?” Kinabahan ako dahil hindi ko pa nakikitang ganito kagalit si Geff. “Akala ko ba—” tila nahihirapan niyang sambit. Tumalikod siya sandali para pakalmahin ang sarili habang ginugulo ang buhok. Humarap din naman siya sa akin kaagad. Natanaw ko pa si Neth di kalayuan sa likod niya at laglag ang panga. “Akala ko ba walang kayo? Jane... ano ‘to? Niloloko mo nanaman ba ako?!”

“Geff, ano bang sinasabi mo? W-Walang kami!” Nadistract pa ako dahil nakukuha na namin ang atensyon ng ilan sa mga blocmates namin.

Parehas kami ni Geff na napatingin kay Alex nang bigla itong tumawa. Nakahalukipkip siya’t mukhang tuwang-tuwa sa pagtatalo naming dalawa ni Geff.

“Geff!” Hinawakan ko kaagad siya sa braso niya nang akmang susugod nanaman siya. “Geff, kumalma ka nga!” This guy seriously needs to check on his temper!

Tinitigan nanaman niya ako ng masama. “Damn it! Paano ako kakalma kung parang ahas ‘yang siraulong ‘yan kung makapulupot sa’yo?!”

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko kasi maproseso iyong sinabi niya. All along I thought he’s mad at me because he thought I’m flirting with his bestfriend’s ex which was an old issue, really. Pero anong ikinagagalit niya ngayon?

“Geff—?” Bigla siyang nagmura ng malulutong, mukhang narealize na rin niya kung ano ang sinabi niya. Naguguluhan pa rin akong nakatingin sa kanya.

“Jane—”

“Back. Off,” malamig na utas ni Geff nang tinawag ako ni Alex at mukhang lalapit nanaman sa akin. Mabilis namang umatras si Alex habang nakataas ang mga kamay at nakangisi. “Easy dude! You’re so hot!”

“Alex, pumasok ka na nga sa loob!” naiirita kong utos kay Alex sabay turo sa loob ng room. Ano bang gustong mangyari nitong si Alex? Ano bang gusto niyang patunayan?

“Fine.” Nakangisi pa rin siya nang sinabi iyon. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi sabay takbo papunta sa loob ng room habang tumatawa. Napanganga naman ako dahil sa gulat at mabilis na tiningnan si Geff na ngayon ay mukhang sasabog na dahil sa galit.

“Geff—”

“Will you stop calling my name!” Napaatras ako dahil sa pagsigaw niya. Napansin ko naman ang pamumutla niya nang nakita ang pag-atras kong iyon.

“S-Sorry,” sabi ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kanya. No one ever yelled at me. This is a first and I must say that I don’t like the feeling it brings.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinila paalis sa mga naguguluhang mga blocmates namin dahil sa nangyayari.

Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta dahil busy ako sa pagpapakalma sa sarili ko. Bakit ba napakasensitive ko sa mga walang kwentang bagay?! Naiinis ako sa sarili ko dahil parang may sariling utak ang mga mata ko at naglabas na ng tubig. Mabilis kong inilagay ang kamay ko sa bibig ko dahil baka may kumawala pang hikbi sa akin at baka isipin pa nitong isa na ang babaw ko masyado.

At bakit ba iniisip ko pa ngayon kung anong iisipin niya sa akin? I don’t care! Siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito! Pinipigilan ko lang naman siya dahil baka magsuntukan pa sila ni Alex. Then at the end of it all, ako pa ang nasigawan! Kainis!

Mabilis akong kumawala sa pagkakawak niya at pumunta sa kabilang direksyon ng pupuntahan niya. Mukhang nagulat pa siya kaya hindi niya na ako napigilan.

“Jane!” narinig kong tawag niya sa akin ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Mabilis ko namang pinunasan ang pisngi ko dahil nakatingin na sa akin iyong mga estudyanteng nakakasalubong ko.

“Jane.” Putek na ‘yan! Malapit na sa akin iyong boses niya kaya tumakbo na lang ako. Kahit sa isip-isip ko ay maaabutan niya ako, tumakbo pa rin ako. Pwede bang kahit ngayon lang ay makuha niyang gusto kong mapag-isa? Iyong lugar wala siya? Bwisit naman kasi siya at bakit pa ako kinaladkad?! Nasigawan pa ako nyan ah! At marami pa ang nakakita! Nakakainis!

Dinala ako ng mga paa ko sa back garden at nang nakita ko ang South West building ay may kung ano nanaman akong naramdaman na lalong nagpaiyak sa akin. Ano ba yan! Bakit ba dito ko naisipang pumunta?! Dahil ba garden dito?

May mabilis na humila sa akin at nang tiningnan ko kung sino iyon, lalo akong naiyak. Walangya.

“B-Bakit ka umiiyak?” Syet, nagtanong pa talaga. From the start, I thought babae ang dense but it turned out mas dense pa pala ang mga lalaki. Isa na ‘tong nasa harapan ko. “Alright! I-I’m sorry. Sorry kung nasigawan kita.” Yumuko ako dahil parang naging waterfalls na ang labas ng mga mata ko. Ano kayang sasabihin ko kapag nakita ni Al itong mugto kong mata?

Pinunasan ko nanaman ang mga luha ko. “Oo. Sige na, iwan mo na ako dito,” sabi ko. Ewan ko. Moodswings ba tawag dito? Masyado akong emotional.  Isang sorry lang ng lalaking ‘to parang okay na ako at ngayong iniisip ko ang mga nangyari, narealize kong ang OA ko pala.

“I already said I’m sorry. Bakit galit ka pa rin?” nag-aalala niyang tanong... o baka naman binibigyan ko lang ng kahulugan ang tanong niya.

“Hindi ako galit.” Frustrated lang.

“Then why can’t you even look at me? Jane?” Dahil baka umiyak nanaman ako kapag tumingin ulit ako sa’yo. Sobrang dami kong nararamdaman kapag nakikita ko na ang mga mata mo at sa sobrang dami, para na akong sasabog.

“Hindi na nga ako galit, ang kulit mo,” pag-uulit ko sa sinabi ko kanina. “Pumunta ka na sa room, malapit na magbell.”

“May 15 minutes pa,” hirit pa niya. I rolled my eyes.

Iniwanan ko na siya roon at umupo sa isa sa mga bench. Parang bigla akong nahilo. Ito talaga ang epekto kapag kulang ako sa tulog. Medyo masakit din ang ulo ko, pinalala lang ng pag-iyak ko.

Laking gulat ko naman nang lumuhod si Geff sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko. “Hoy! Anong ginagawa mo?!” Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang paligid kung may nakakita ba sa kanya. Ibinalik ko rin sa kanya ang tingin ko. “Bakit ka nakaluhod dyan? Tumayo ka nga!” Hinampas ko pa siya. Nang hahampasin ko pa siya ulit, mabilis niyang hinuli ang kamay ko at pinagsalikop iyon sa isa niyang kamay. Napahinto ako. “Anong ginagawa mo?” Imbis na sumagot siya sa tanong ko ay mas hinigpitan lang niya ang paghawak sa akin.

“Iiwasan mo nanaman ba ako?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa mga kamay namin. “Tulad ng pag-iwas mo sa akin pagkatapos nating pumunta sa orphanage?”

Hindi kaagad ako nakasagot. Bakit... bakit niya ako tinatanong tungkol dito?

“Kanina, saan kayo pumunta ng lalaking ‘yon?” Iniangat niya ang tingin niya sa akin kaya naman nagtama ang mga mata namin. “Bakit close nanaman kayo?” tanong niya habang nakakunot ang noo.

“He’s my friend Geff,” sabi ko. “Natural lang na mag-usap kami’t makita mong magkasama.” Iyon na nga ang una naming matinong pag-uusap simula ng lumabas ‘yung issue sa kanila ni Phin.

Biglang dumilim ang mga mata niya. “It’s not normal if he kissed you. Jane, I saw you two—”

“Ito nanaman ba ang pag-uusapan natin Geff?” Bumabalik nanaman ang irita ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko siya. “Alam kong nakita mo kaming dalawa noon ni Alex sa rooftop na nag-uusap, pero hindi niya ako hinalikan.” Para akong nagpapaliwanag sa isang bata, seriously.

Kumunot lang lalo ang noo ni Geff. “Really? Then... am I right about me being your first kiss?”

Bumalik sa alaala ko iyong panggigisa sa akin ni Phin noon tungkol sa first kiss ko at ang lalaking ito lang naman ang nagproclaim na siya ang maswerteng lalaking iyon.

Nag-iwas lang ako ng tingin at hindi siya sinagot. Bahala ka dyan. Pero langya, ramdam ko ‘yung pag-iinit ng pisngi ko.

Narinig ko naman ang mahinang halakhak niya. “I thought si Alex talaga ang nakauna sa’yo. Sinabi ko lang kay Phin na ako nga ang first kiss mo para asarin ka. But I didn’t know it was true. I have no idea.” Ano ba naman ‘tong pinag-uusapan namin! Nakita ko pa siyang umiiling na parang hindi makapaniwala.

“Bakit ka naman tuwang-tuwa?” tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko. Tiningnan naman ako ni Geff ng makahulugan ngunit nakangiti pa rin siya sa akin. “Why wouldn’t I if I’m the first guy who got the chance to kiss the girl I like?”

Kumalabog ang puso ko. He said it. He already said it. And I don’t know what to say.

“W-Wag mo nga akong niloloko—” Sige, push mo lang ‘yan Jane. Idaan sa joke ang lahat.

“I’m serious.” Alam ko. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. The intensity of those orbs... and as always I can’t make myself look away.

“Now tell me.” Hindi na yata ako humihinga. Masyado nang mabilis ang pagtibok ng puso ko. Normal pa kaya ‘to? “Do you like this Alex guy? If you do then—”

“Iiwasan mo na ako? Hahayaan mo kaming dalawa?” Hindi ko alam kung gano’n nga ba ang gusto kong mangyari. Ang lumayo siya. Tulad ng sabi ko noon, ayokong mas maging higit pa kaming dalawa sa magkaibigan dahil... masyado pang kumplikado ang buhay ko. At kung sakaling... mamahalin ko nga siya, gusto ko buong-buo. Iyong buong loob kong maiisip at masasabing mahal ko siya dahil... minahal ko na siya noong bata pa kami... at mahal ko siya dahil... naging parte rin siya ng buhay ko kahit na wala sa akin ang mga memories ko kasama siya noon.

Nawala ako sa mga iniisip ko nang biglang nagsalita si Geff. “Are you kidding me? Of course not!” Nakakunot nanaman ang noo niya at parang hindi niya maintindihan kung bakit iyon pa ang isinuggest ko. “Bakit ko hahayaan ang lalaking ‘yon na dumikit sa’yo? And why would I ignore you when I just said I like you? Why would I let you go with that... that guy? I am not insane yet to let him get close to you.” Huminga siya ng malalim. “He kissed you earlier and then he touched you. Alam mo bang gusto ko nang sirain ang mukha niya dahil doon?”

Nag loading ako sa sinabi niya. “Anong he kissed me? Meron pang he touched me? Ano bang sinasabi mo?”

He looked at me then, disappointment was written all over his face. “I don’t know if you’re just dense or you’re really that innocent as your brother perceived you to be.”

Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod. Ang akala ko pa nga ay iiwanan na niya ako pero iyon pala ay uupo lang sa tabi ko. “He kissed you... here.” at itinuro niya ang ilong ko. “Then he touched you... here.” at hinawakan niya ang magkabila kong bewang. Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil doon. Mabilis din naman niyang tinanggal ang pagkakahawak sa akin.

“That’s what I meant at hindi iyon ginagawa ng isang normal na kaibigan.”

“Believe me, magkaibigan lang talaga kami—”

“But he loves you, Jane. And I know he wants you more than just a friend.” Mariin niya akong tinitigan. “I know your history.” Mukhang naikwento na sa kanya ni Phin ang tungkol sa amin.

Mabilis akong umiling. “Bata pa ako no’n para maintindihan ‘yang love. Ang akala ko ay siya na talaga ang lalaki para sa akin pero syempre wala namang kasiguraduhan ‘yon.” Nagulat ako nang kunin nanaman ni Geff ang kamay ko at pinagsalikop iyon sa kamay niya. Kahit distracted ay nagpatuloy pa rin ako. “Alam ko ring mahal pa niya ako hanggang ngayon.” Bakit ko nga ba kasi siya hinahayaang hawakan nang basta-basta ang mga kamay ko?

“See? I already told you,” sabi niya. Nilalaro na niya ngayon ang mga kamay namin.

“Pero handa na raw siyang pakawalan ako dahil alam niyang may gusto akong iba.” Bigla siyang huminto at tumingin sa akin.

“Sino?” mabilis niyang tanong.

Tinaasan ko siya ng kilay. “At bakit ko naman sasabihin sa’yo?” Walangya. Dense nga.

Tumindig ang balahibo ko nang nakita ko siyang ngumisi. Para bang nakabuo na siya ng masamang plano. “Well, whoever the guy is, I don’t care.” Nilalaro nanaman niya ang mga daliri ko. “At least, I’ve let you know what my feelings are... somehow.”

God. This guy just told me he likes me. I’m not oblivious about his actions whenever he’s around me. At iyong mga sinasabi niya na nagdudulot sa akin ng iba’t ibang emosyon na kahit kailan ay hindi ko pa nararamdaman. Pero iba pa rin pala kapag sa kanya na mismo nanggaling. Kailan lang ba kami nagkakilala? Not more than a month ago. Kaya naman mahirap isipin... bakit ako? We partly became close since that day in the orphanage but that’s that. No more conversations afterwards. Until recently, after the kidnapping event, mas naging attentive siya sa akin at mas nagiging open siya. May mga nasasabi siyang... well... kakaiba na dahilan para magwala ang puso ko.

Pero ano nga bang nararamdaman ko? Maybe, yes... I do like him. I was attracted the first time I saw him and it grew eventually as I knew him more. Pero love? I don’t know. But I do care for him. Kilala ko siya, somehow, in the past kahit hindi ko maalala ang lahat.

“I-I can’t pretend anymore... that you’re just this ordinary girl who I happened to see at school every day,” sabi niya. “And I know I’m being selfish here because—”

“Geff.”

Mabilis na binitawan ni Geff ang mga kamay ko. Nakita ko ring parang nataranta siya. Tiningnan ko kung sino iyong tumawag sa kanya at nakita si Neth na nakatingin sa kanina’y magkahawak naming kamay.

Hindi ko alam na sobrang close na pala nila. Come on, Jane! Pati ba naman friendship nila ay  pagbibigyang pansin mo pa? Natural lang yan dahil bloc section kami at halos araw-araw kaming lahat na nagkikita’t nagkakausap.

Sabay kaming tumayo ni Geff. Tinitigan ko si Neth. Kagabi ko lang talaga tinanggap ang katotohanang kapatid ko siya. Kakambal to be exact. Umabot pa talaga sa puntong kailangan ko munang mailabas sa ibang tao itong mga problema ko para ako na mismo ang maniwala sa mga nangyayari. Tulad ng pagsasabi ko kay Al. Nang nanggaling na sa mismong bibig ko ang pangalan ni Neth at ni Angel Liberty, parang may sumampal sa akin para magising.

Nakakatawa nga naman kung paano gumalaw ang tadhana. Sa dinami-rami ng paraan para malaman ang tungkol sa mahalagang bagay na ‘to ay sa panahong nakidnap pa ako. At iyong kakambal ko ay isa pa sa mga kaibigan ko. At may amnesia din siya, sa tingin namin ni Jayvier, tulad ko. But mine is not the so-called amnesia.

Mine is a sickness. Inborn.

“Malapit na kasi magbell at wala ka pa kaya... hinanap na kita.” at bumaling siya sa akin at binigyan ako ng ngiti.

Pero parang may mali sa ngiti niya ngayon.

“Alright. Susunod na kami,” sabi ni Geff na parang hindi mapakali. Anong problema nito?

“Okay,” sagot ni Neth na parang... ewan! May mali talaga sa kanya ngayon! Matapos no’n ay umalis na siya.

Mabilis na bumaling ng tingin sa akin si Geff at nagulat ako sa ekspresyon niya. “Uhh...” He’s looking everywhere but me. Bigla siyang napasabunot sa buhok niya at tiningnan na ako sa mga mata. Kumunot ang noo ko. “Just... basta pumunta ka na sa room natin, alright?” Tumango na lang ako. Malamang doon ako pupunta! Ayos lang ba siya?

Bigla niya akong tinalikuran at tumakbo. Nalaglag ang panga ko sa nangyari.

What was that all about?

Kahit na naguguluhan ay umupo ulit ako sa bench na inupuan namin kanina ni Geff. They’re really close, huh? Nevermind.

Tumingala ako at sinalubong naman ako ng malamig na simoy ng hangin. Ngayon ko lang naramdaman iyong impact ng mga sinabi ni Geff sa akin kanina.

He likes me. He just said that he likes me.

What should I feel?

I don’t know. Really.

Baliw na nga siguro ako. Ako lang yata ang nag-iisang babae na sinabihan na nga ng lalaking sa tingin niya ay attracted siya (ako ‘yon) na gusto na nga siya nito ay hindi pa rin nakaramdam ng saya. Abnormal nga siguro ako. I should be happy, right? Ecstatic, even. Pero wala. My heart might have stopped beating a second there when I heard his words but still... it was not the way I thought it would make me feel.

Through those times that I spent my little time with him, I felt alive. I felt like a live wire, my body was enclosed by an electric current; I was so sensitive that a touch from him would trigger something strange yet pleasing feeling in my stomach. It felt like I’ve been reliving those wonderful memories when I was still a child. Those memories with the young Geff I’ve cherished.

Nilagay ko ang mga palad ko sa mukha ko at yumuko. My life right now is really, really, really complicated. I went here in Manila to live like a simple and normal girl away from all the reserved and formal life of being an Alvarez. I thought leaving the quarters of the Alvarez’s mansion would make me feel like a normal girl again. Iyon bang hindi ko kailangang maging prim and proper all the time. When I’m with my parents, the Alvarez family, I have this thought that I ought to be just like them... which I’m obviously not. Pero mahal ko ang mga parents ko. If it weren’t for them, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. They’re the ones who saved me from my own dark past. Pero ayokong baguhin ang sarili ko. I lost half of myself already because of this... this... abnormality in my brain, at ayokong habang kasama ko sila ay tuluyan ko nang mabura kung ano ba talaga ‘yung totoong ako.

Pero nang pumunta ako dito, ito ang sumalubong sa akin. How can life be so ironic?

Dapat ba na nakuntento na lang ako sa kung anong buhay mayroon ako dati? Sana ba hindi na ako nag-abala pang halungkatin lahat ng mga nasa past ko? Dapat nga bang kinalimutan ko na lang ang mga ‘yon? Would it make me feel any better if I just stayed at my proper place and just let life goes on?

But the real question is... do I really know myself? Do I really know myself that much to get to the very idea of unraveling that part of me? My past?

I really don’t know anymore.

Napakakumplikado. Kaya pakiramdam ko, wala pang puwang sa buhay ko ang pagbibigay atensyon sa mga sitwasyong iyon. Sitwasyon kung saan iko-commit ko ang sarili ko sa isang taong mahal ko. I still can’t. And I think I’m not yet capable of loving, liking even, such a guy like Geff.

Bigla akong tumingala nang may naramdaman akong kamay na dumantay sa balikat ko. Nagulat ako nang makita ang mukha ng papa ni Jayvier na nag-aalalang nakatingin sa akin.

“Ayos ka lang ba, iha? Nahihilo ka ba? O masakit ang ulo mo?” Halata sa mukha at boses niya na nag-aalala nga siya sa akin.

Tumayo naman kaagad ako at inayos ang sarili. God, para akong ewan na nag-eemo mag-isa dito sa garden. Sunod-sunod na iling ang ginawa ko at nginitian siya, kahit na naroon pa rin ‘yung pagkailang ko sa kanya at kaunting takot na rin. Ewan ko ba. “Ayos lang po ako.”

Naalala ko iyong weird na pagpapakita niya sa akin noon at tinanong ako tungkol kay Neth, na kamukha raw niya iyong batang inalagaan niya dati. Nang naalala ko iyon ay pumasok din sa isip ko iyong mga sinabi ni Jayvier.

“Binigyan din nila ng trabaho si papa bilang driver ni Mr. Yllana at pinag-aral nila ako kasama ng mga anak nila sa isang mamahaling school.”

Isa lang ang ibig sabihin nito. Isa siya sa mga taong nagtrabaho sa mga Yllana. Tama ngang si Neth iyong tinutukoy niyang inalagaan niya noon. Si Neth nga ang Angel Liberty na hinahanap ni Jayvier. They’re all looking at this particular girl.

Pero bakit walang naghahanap kay Angel Miracle? I even asked Jayvier but he lied to me.

“Lagi kang tinatanong sa akin ni Jayvier. Nag-away ba kayong dalawa?” pang-uusisa niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Pagkasabi ko sa pangalang Angel Miracle sa harap mismo ni Jayvier ay nakita ko kung paano siyang nagulat at namutla. Kahit ‘nong nagsisinungaling siya ay halata na ang uneasiness niya sa mga tanong ko at pagsagot niya. What was the big deal about her? About me? Sa sobrang inis ko noong mga oras na iyon ay iniwanan ko siya. I just excused myself at tinakbuhan na siya kahit na narinig ko ang malakas niyang pagtawag sa akin. Siguro ay hindi rin kaya ni Jayvier ang harapin ako ngayon kaya nagtatanong na lang siya sa papa niya since malaki ang probability na makita niya ako madalas dito unlike Jayvier na nasa kabilang campus pa.

“Hindi po kami nag-away. Baka lang po nahihiya sa akin ‘yun,” pagbibiro ko na lang.

Ngumiti naman siya pabalik sa akin. I shouldn’t feel scared of this man. He’s nice, I guess. Kahit na siguro ang creepy lang ng unang pagkikita namin. “Gano’n ba?” sabi niya, halatang hindi pa yata naniniwala sa akin. “Para kasing tuliro siya at di mapakali kapag nagtatanong sa akin,” dagdag pa niya.

“Pakisabi na lang po sa kanya na mag-uusap din po kami pero hindi pa po muna ngayon. Busy rin po kasi sa mga activities.” Sige lang Jane. Iwasan mo pa siya.

Tumango naman siya na para bang naiintindihan na niya ang sitwasyon. I wonder what he was thinking...

“Sige, iha.” tinapik pa niya ang ulo ko. “Basta kapag inaway ka ng batang iyon, ‘wag kang mag-aatubiling magsumbong sa akin! Ako ang haharap sa kanya.”

Natawa naman ako. A first genuine laugh dahil sa papa ni Jayvier. Ngayon ay naiisip ko nang baliw talaga ako. Bakit naman ako matatakot sa kanya when in fact, kita ko naman simula pa lang na mabuti siyang ama kay Jayvier? Sobrang sipag niya sa trabaho niya at talagang nakikita kong mahal niya ang anak niya.

“Sige po. Makakaasa po kayo!” nakangiti kong utas at nagthumbs-up pa.

Nagpaalam na ako sa kanya at sinabing kailangan ko nang pumunta sa class ko.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa maikling pag-uusap na iyon. Who would’ve thought na papa pa talaga ni Jayvier ang makapagpapatawa sa akin sa araw na ‘to?

Bago pa ako makarating sa room namin ay isang Al na tumatakbo ang sumalubong sa akin. Nakaramdam kaagad ako ng kaba nang makita ang iba’t ibang reaksyon na naglalaro sa mukha niya. Tumigil siya sa harap ko at medyo yumuko pa habang sapo-sapo ang dibdib para pakalmahin ang paghinga niya.

“Anong nangyari sa’yo Al?” Pawis na pawis siya at ang gulo rin ng buhok niya. Nakipagsabunutan ba ‘to kay Grace? Tumingin ako sa likod niya. Nasaan na nga ba ang babaeng ‘yon? Himala yata at naghiwalay ang dalawa.

At last ay tumayo na nang maayos si Al at tumingin sa akin. Napansin ko iyong hawak niyang mga papel. Tiningnan ko siya at dumoble ang kaba ko nang nakita ko rin ang kaba sa mukha niya.

What’s going on here?

“Here.” sabay lapit sa akin sa hawak niya. “Read this.”

Dahan-dahan kong kinuha ang papel mula sa kanya. Pilit kong hindi pinansin ang nanginginig kong mga kamay habang kinukuha iyon.

Yllana Global Corporation

Iyon ang nakalagay sa unang papel. Nakabold letters ang lahat at sakop ang buong papel. Sa sobrang kaba ay pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib ko.

Gusto ko muna sanang tanungin si Al kung paano niya nakuha ito pero nanaig sa sistema ko ang kuryosidad at antisipasyon.

I turned it to the next page at nakita ang maikling description tungkol sa company. I skimmed the contents and some words — familiar names — left me trembling like crazy.

Alfonso Yllana... Angeline Pavia Yllana... Levi Ramirez.

I hastily turned the pages as I look for something... anything... about the Yllana family. Puro tungkol kasi sa business ang nakalagay doon. Hanggang sa nakita ko na ang hinahanap ko.

Naroon ang lahat tungkol sa... mom ko. God, my mom... my dad... my brother... and of course, my twin.

Hindi ko alam pero kusang tumulo ang mga luha ko. Ito na. Ito na ‘yung matagal ko nang hinihintay. This is a big step forward. I won’t be that ignorant anymore about my family.

Nawala lahat ng sayang nararamdaman ko nang napunta ako sa page kung saan nakalagay iyong mga bagay tungkol kay Angel Miracle Yllana.

Name: Angel Miracle Pavia Yllana
Age: 5 years old
Date of Birth: December 24, 1998
Date of Death: December 28, 2009”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raph’s POV

One day had passed since Iona left for her dad’s funeral. I know she should be there, he’s her father anyway. But I can’t help myself but to miss her. Tss. I sounded so stupid and clingy. She called me last night and said that her father died because of a heart attack. I feel sorry for her family. I met her dad and he was kind yet... well, his manner of doing things was often a little... unconventional. Pinatapon nila ang nag-iisang anak nila dito sa Manila simply because they blame her for my sisters’ death. Certainly ridiculous. But I felt sorrier when I had this thought that he didn’t even have the chance to reconcile with his daughter. I know they have reasons, her parents, behind what they did to her pero... huli na ang lahat.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil walang kinalaman dito ang Ramirez na ‘yon. I shouldn’t put the blame on other people but I can’t overlook the possibility.

5 minutes na lang at tutunog na ang bell. Can’t wait. I dully looked at my very energetic professor who, for the past one and almost a half hour, effortlessly talked about his tour around Vietnam. His blabbering kept me preoccupied the whole time but when I realized that today is the day I’ll get Angel out with me for the first time since the day I thought I’d lost her, questions started popping out of my mind.

What should be my first approach? Will she be comfortable with me? Kahit na alam na niya kung sino ako, it wouldn’t change the possibility that she might feel awkward towards me. 8 years had passed and I can’t blame her for my absence. But I want to spend more time with her since nasabi ko na at naipakilala ko na ang sarili ko sa kanya. I know I’m stupid for entertaining the idea that Angel should really know everything, that telling her all she needs to know is okay, because the whole thing about our family is so complicated and risky. Pero wala, nang nakita ko siya na umiiyak at nakita ko kung gaano siyang nasaktan, naguluhan at nainis sa akin, nasabi ko sa kanya. And her smile and hug are priceless. I felt lighter.

But pull all this things aside, I should focus about something first. What really happened during her and Miracle’s disappearance? One of the accomplices of Miracle’s captor has access inside their campus, no doubt. They played with me that night. 6:30 lahat ng nakalagay sa mga automated wall clocks nila, even if it was not the real time, it served as my clue about Angel’s whereabouts. I was actually torn between going to the South Building and saving Miracle but I realized that Nathan and Geff were already there to find Miracle so I chose the former.

I have to talk with their new student council president. According to Geff, they did a re-election so I guess the president has something to do with this. If not, I guess he or she can be of great help since the president was the only one who has access with everything inside the campus, of course aside from the deans and the chancellor. Someone deleted some CCTV footages in the control room so it all lead me to those people who have access on such place.

I also remembered how the casualties were. The seven sentinels whom I appointed to look out for my sisters were attacked by some unidentified group and left them all wounded and shot. It was unexpected and disastrous. Good thing, no one died from the incident.

This only means that I should be more careful and observant about everything.

Finally, I heard the bell rang so I stood up, picked-up my bag, and walked out of the room without a backward glance. Alam ko kasing kukulitin nanaman ako ni Slade. I didn’t talk to him since the Angel thing and he keeps on apologizing and following me like a dog. I should be irritated but the gesture kind of amused me.

“Oy. Oy!” Siraulo talaga.

I kept my pace. Siya naman ay hindi magkandarapa sa paghabol sa akin.

He jabbed my head when he finally keep up with me. “Pare naman! Para kang nagpi-PMS! Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa tayo bati?!” We got the attention of almost everyone because of his earsplitting bark. He then grinned and looked at the girls. “Laters, ladies. May kailangan lang akong suyuin.” I rolled my eyes. Tss.

My phone suddenly rang so I grabbed it hastily, expecting the caller to be either Iona or Angel. I was surprised though to see Tito Mark’s name.

“Tito.” My brows furrowed automatically.

“We have a problem.” Tumingala ako at paulit-ulit na huminga ng malalalim. Damn this life. Magsasalita pa sana si Slade but I raised my forefinger in front of him.

“What is it tito?” What is it this time...

I heard Tito Mark sighing heavily before he spoke. “Levi Ramirez is in town...

... and he’s now in Oswald’s Academy.”

--------------------------------------------------------------------------------------------------------