Chapter 33: Patch up

Neth’s POV

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hampas ng hangin sa balat ko. Maikli pa rin naman ang buhok ko kaya hinayaan ko lang iyon na tangayin ng hangin. Gabi na at mukhang hindi nanaman ako makakapunta sa part time ko pero nakapagpaalam naman ako kay Tito Jun na baka gabihin ako’t di makapasok sa store niya. As usual ay sinabi niyang ayos lang pero hindi ko mapigilang maguilty. Pakiramdam ko tuloy ay inaabuso ko na ang kabaitan niya sa akin.

Nagulat na lamang ako nang may kung anong bumalot sa akin. Nakita ko si Geff na nasa likod ko habang inaayos ang jacket niya sa pagkakasuot akin.

“Thank you,” sambit ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin kanina sa auditorium.

Ngumiti naman siya pabalik.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nasa campus pa rin kami hanggang ngayon at nakikita ko mula rito ang mangilan-ngilang estudyanteng naglalakad. May night class pa kasi ng ganitong oras.

Bumuntong hininga ako. Hindi ako nagkamali sa mga iniisip ko. Nagustuhan talaga ni Geff si Jane dati pa lang. Patunay na doon ang nakita kong paghalik niya sa kanya. Umiling ako at tinanggal iyon sa isip ko. Pero naramdaman lang daw niya iyon dahil nakikita niya ako sa kanya. Paano naman kaya nangyari ‘yon? Noong panahong sinabi kong hindi ako si Angel, inisip ba niya na ako siya? Binuhay ba niya ako sa katauhan ni Jane? Kaya ba naging malapit sila sa isa’t isa?

“Wala ka bang napapansin ngayong gabi?” narinig kong tanong ni Geff kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin habang ang mga kamay niya ay parehong nasa loob ng bulsa ng pantalon niya.

Kumunot ang noo ko. “Ano ‘yon?” Ano bang tinatanong niya?

Ngumiti nanaman siya sa akin. “Noong mga bata pa tayo, tuwing gabi, lagi kang nakatingin sa langit at lagi mong pinupuna ang buwan.” Tumingala siya kaya naman tumingala rin ako.

Inaasahan ko na talaga na kaunti lang ang makikita kong mga bituin sa langit lalo pa at nasa syudad ako. Iyon din kasi ang sabi ng karamihan pero kapag nasa probinsya ka raw ay marami kang makikitang mga bituin sa langit. Pero nasa syudad ka man o probinsya ay imposibleng hindi mo makita ang buwan. Humangin na naman kaya inayos ko ang buhok ko para makita ng maayos ang buwan. Crescent moon iyon ngayon.

Lihim akong napangiti. “Ang ganda.”

“You used to spend most of the night just by staring at the moon. Kinakausap kita pero binabalewala mo ako.” May pagtatampo sa boses niya kaya gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwalang may side na ganito si Geff. Ang pagkakakilala ko kasi sa kanya ay tahimik at minsan lang kung kumibo.

Natawa ako. “Sorry. Hindi ko talaga maalala.” Tumango siya. “Pero gusto kong magkwento ka lang. Hindi pa kasi kami nakakapag-usap ng maayos ni kuya simula nang nalaman ko kung sino siya kaya wala pa talaga akong masyadong alam.”

“I understand,” sabi niya. “Alam mo ba na sa edad niyang ‘yon ay siya na ang namamahala sa company niyo?”

Nanlaki ang mga mata ko. “Seryoso ka?”

Tumingin sa akin si Geff at biglang tumawa. “I missed that expression of yours.” Umiling-iling siya, halata talagang amused siya sa akin. Naramdaman ko nanaman ang pag-iinit ng mukha ko. Kailan ba ako masasanay sa kanya? Mukhang matagal-tagal pa bago mangyari ‘yon. “And yes. I’m sure of it,” dagdag pa niya.

“Pero nag-aaral pa siya di ba? At nalaman ko rin na ace player siya ng university nila,” naguguluhang tanong ko. “ Paano niya napagsasabay-sabay iyon?”

“Raph will be overly disappointed for your lack of confidence in his capabilities,” panunuya niya. “Kaya niyang gawin lahat ‘yon. It’s just a matter of time management, Angel.”

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig ko ulit ang totoo kong pangalan sa kanya. Ito ang ikalawang pagkakataon na tinawag niya akong Angel.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagngiti, surely magmumukha akong baliw kapag out of the blue ay ngumiti ako sa sinabi niyang ‘yon. Nag-isip na lang tuloy ako ng pwede pang sabihin hanggang sa may tanong na nabuo sa utak ko. “May company pala ang pamilya namin?”

“Yes.” pagsagot niya sa tanong ko. “Your father was once the most successful businessman in his field until—” Biglang tumingin sa akin si Geff na para bang nag-aalala. Kumunot lang ang noo ko. “Bakit?” pagtatanong ko.

Umiling lang siya. “Alam mo ba na nagkasundo ang mga parents natin na ipakasal tayo?”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. No.Way.

Natawa si Geff sa reaksyon ko. “It was actually an idea between our mothers. Sinuportahan na lang sila ni tito at ni dad.”

“Pero b-bakit?” Jusme! nabubuhol nanaman ang dila ko! Ano ba naman kasing ideya ‘yun?! “Bakit naman nila gagawin ‘yung k-kasal? Bata pa tayo noon di ba?”

Mukhang tuwang-tuwa naman si Geff sa paghihisterikal ko. “Magkaibigan sila tita Angeline at mom noong college years nila. Then, they started this idea as a joke which they eventually did after graduating.” Tumingala siya at tumingin sa langit. “That was how I met you. Nang nabalitaan nila mom na nagpakasal na ang parents mo, pumunta kaagad sila sa mansion niyo.”

Angeline...” bulong ko sa aking sarili. Ang ganda ng pangalan niya... kasing ganda ng maamo niyang mukha. Parang kinurot nanaman ang puso ko.

Sa patuloy na pag-uusap namin ni Geff, hindi namin namalayang nasa Main gate na pala kami. Pagkalabas namin ay bumungad kaagad sa harapan ko ang isang itim na sasakyan at isang lalaking nakaitim at pormal na pormal sa kanyang coat and tie habang nakatayo sa harapan nito. Bahagyang iniyuko ng lalaki ang ulo niya nang nakita ako.

Uhh... kilala ba niya ako? Tatanungin ko na sana si Geff pero sinagot na niya kaagad ang tanong sa utak ko. “Since kilala mo na ang kuya mo, nag-arrange na siya ng maghahatid sundo sa’yo mula sa apartment papuntang school and vice versa.”

“Pero bakit kailangan pa nito? Hindi naman niya ginagawa ‘to dati di ba?” Alam kong matagal nang alam ni kuya na ako si Angel pero hindi lang niya ipinapakilala ang sarili niya sa akin para protektahan ako. Nagiging maingat lang talaga siya. Pero all those times wala namang nangyari sa akin kaya bakit kailangan pa ng ganito? Safety precautions na naman?

“Hindi mo lang siguro napapansin pero may private guards na laging nagbabantay sa’yo. They’re just around the vicinity and around your apartment.” Ginulo niya ang buhok ko. “Gusto lang ni Raph na gawin ‘to para sa’yo.”

Sinamaan ko siya ng tingin. Pwede naman niyang sabihin iyon nang hindi ginugulo ang buhok ko eh! Natawa nanaman siya sa kung anong ekspresyon ng mukha ko. Napapansin ko na talaga na napapadalas ang pagtawa niya ngayon. May kung anong nagbunyi sa akin dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya masaya ngayon.

“I have a question for you Angel.” Nabalik ang tingin ko sa kanya at nakitang seryoso siya ngayon.

“Ano ‘yon?” pagtatanong ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Para kasing seryoso iyong itatanong niya sa akin.

Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. “Bakit hindi ka umattend sa last class natin noong nakaraang araw?” pagtatanong niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit naalala pa niya ang bagay na ‘yon?

Nagsalitang muli si Geff. “Nag-alala ako sa’yo kaya pumunta ako sa InfoTech Department at sinabi nilang nasa campus ka pa dahil wala pa ang pangalan mo sa record ng i.d. scanner sa exit ng Main gate.”

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoong nangyari nang araw na ‘yon. Wala nga akong ideya kung sino iyong nagtext sa akin noon at nagsabing kilala niya ako pero ang sigurado ko ay nandito lang siya’t malapit sa akin. Malaki ang posibilidad na inoobserbahan niya ako, kung sino man siya.

At kung sasabihin ko ang bagay na ‘yon kay Geff, natatakot akong baka madamay siya maging si kuya. Kung sila ay walang ginawa kung hindi ang protektahan ako, pwes gano’n din ang gagawin ko.

“Mayroon lang akong mahalagang inasikaso sa club namin,” sabi ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

Tumango naman siya.

Nagpaalam na sa akin si Geff at sinabing huwag na akong magdalawang-isip sa pagsakay sa sasakyan. Kay kuya naman daw iyon kaya hindi dapat ako mahiya.

Kumaway muna ako sa kanya bago tuluyang sinara ang pintuan. Sumandal ako at sinubukang pakalmahin ang sarili.

Sobrang saya ko ngayon! Gumaan din ang pakiramdam ko. Para bang isang malaking bato ang natanggal sa mga dinadala ko. Kahit na wala akong maalala tungkol sa buhay ko noon, at least may mga tao na ngayong handang samahan at tulungan ako para makaalala.

Pero kahit na masaya ako dahil sa nangyari at nalaman ko ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Geff tungkol sa nararamdaman niya kay Jane.

“I like her. I’m most probably in love with her. But I only did because... I see you in her.”

Naiintindihan ko kung ano ang ibig sabihin niya sa sinabi niyang iyon. He was torn between me and Jane. Nakikita niya ako sa katauhan ni Jane at iyon ay dahil sinabi ko sa kanya noon na hindi ako ang Angel na hinahanap niya. Kung tutuusin ay ako ang nagsimula ng problemang ‘to. Kung sinabi kong ako nga si Angel, sana ay ako na talaga ang nakita niya. Sana ay iyong pagmamahal niya para sa akin ay nanatili pa rin. Alam kong may nararamdaman pa rin siya sa akin pero hindi ko pwedeng baliwalain ang naguguluhang pakiramdam ni Geff.

Kung tutulungan ako ni Geff na maalala siya at ang buhay ko bago ang aksidente, tutulungan ko naman siyang makalimot sa magulong pakiramdam na nararanasan niya ngayon.

Jane might speak and act like the Angel I was before, but that wouldn’t change the fact that I am the real Angel that Geff loved. At ayokong mawala ang pagmamahal niyang iyon na dapat ay sa akin simula pa lang. Kapag dumating na ang panahong maaalala ko ang lahat, doon ko maibabalik ang pagmamahal na iyon ni Geff.

Ayokong maging selfish pero pagdating kay Geff, mukhang hindi ko kakayaning mapunta siya sa iba.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Jane’s POV

Nagpalit na ako ng pambahay, short na abot mid-thigh at isang oversized t-shirt. Old habits are really hard to kill. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako at kaagad akong sinalubong ng mabangong niluluto ni Al. Pwede na talaga ‘tong maging chef!

Lumapit ako kay Al na ngayon ay seryoso sa niluluto.

“Al, ano yan?” tanong ko habang pinagmamasdan iyong niluluto niya.

“Ginataang paksiw,” ngisi niya. “Matagal na kasi simula nang nagluto si tita ng ganito kaya ito na ang niluto ko.”

Si mom ang tinutukoy ni Al. Kahit naman kasi busy siya sa trabaho niya ay naglalaan talaga siya ng oras para magluto ng ulam. Iba pa rin daw kasi kapag siya ang nagluluto para sa amin ni kuya at Al. Bigla ko tuloy namiss si mom.

Ako na ang nagpresintang mag-ayos ng mga plato, baso, kutsara’t tinidor. Ito talaga ang mahirap kapag sa pagluluto ang pag-uusapan. Ako ay nagiging dakilang useless!

Patuloy lang ang pagkain ko — Wala talaga akong masabi! Sobrang sarap!—pero si Al ay maya’t maya ang pagtingin sa akin. Okay lang naman na gawin niya ‘yon, actually hindi naman ako naiilang na pinapanuod niya ako pero nacurious na ako kaya tiningnan ko na rin siya pabalik.

“Bakit Al?” pagtatanong ko sa pagitan ng pagnguya.

Uminom muna siya sa juice niya bago ibinalik ang tingin sa akin. “Hindi ka pa tapos magkwento.” at nagpout siya.

Sus! Akala ko naman kung ano! Natawa naman ako sa mukha niya.

Uminom din ako sa juice ko bago nagsalita. “Okay. Tanungin mo na lang ako.”

“Paano mo nalaman ‘yung tungkol sa kakambal mo? Pati ‘yung apelydo mo? May nagsabi ba sa’yo?” Nakahilig na siya ngayon sa table at mukhang hindi siya kakain ulit hangga’t hindi ko siya sinasagot.

“Kinausap ako ng isa sa mga kumuha sa akin,” panimula ko. “At may sinabi siya tungkol sa pamilya namin... sa mga Yllana.” Pumikit ako’t naalala ang mukha ng lalaking iyon. Mukha namang hindi niya ako sasaktan pero isa pa rin siya sa mga kumuha sa akin. Siya rin ang nagkulong sa akin sa cabinet na ‘yun.

Naalala ko rin iyong malaking scar niya sa kaliwang mukha niya. I shuddered at the thought.

Mukhang hindi naman napansin ni Al ang reaksyon ko at nagpatuloy lang sa pagtatanong pero nakatuon ang mga mata niya sa malayo, mukhang nag-iisip.

“Ibig sabihin tama nga ang hinala ko na iyong mga kumuha sa’yo ay ‘yun ding nanakit sa pamilya niyo?” pagtatanong niya.

Tumango ako. “Malaki raw ang galit ng boss nila sa pamilya namin pero matagal na raw simula nang ihinto niya ang pagmamanman niya sa amin. Nagulat na lang daw sila at bigla silang inutusan noong nakaraang araw na kunin kaming kambal.” Kumunot ang noo ko habang nagsasalita. Maayos naman si Neth nang nakita ko siya kinabukasan pagkatapos akong mailigtas nila Geff at Kuya Nathan. Pero ang sabi ni Grace ay wala rin siya sa last class namin tulad ko at ni Al. Hindi kaya hindi sila nagtagumpay sa pagkuha sa kanya? Mabuti na rin kung gano’n nga.

“Let me get this straight,” sabi niya at umayos sa pag-upo niya. “You already know that you’re an Yllana. You also became aware that your twin sister is alive.” Dahan-dahan akong tumango. Hindi ko alam kung saan patungo itong sinasabi niya.

“So, ibig bang sabihin kilala mo na ang kakambal mo? Hindi lang sa pangalan kundi pati sa mukha?”

Kinagat ko ang labi ko. Alam kong hindi magtatagal at itatanong din sa akin ‘to ni Al. Kung tutuusin ay pwede kong sabihin kay Al ang tungkol kay Neth pero... si Jayvier.

Ipinangako ko sa kanya na wala akong pagsasabihan ng tungkol kay Angel Liberty. He trusted me enough para sabihin sa akin ang tungkol sa kanya noong hinahanap pa lang niya siya. Pero kadikit ng pangalan niya ay ang pangalan ko. At sa bawat pagbanggit ko nito sa ibang tao, imposibleng hindi mabanggit ang kanya.

Kaibigan ko si Al. Kaibigan ni Neth si Jayvier. Kaibigan ko silang dalawa.

“Aya?” Tiningnan ko si Al nang tawagin niya ako. No. Hindi na ako magsisinungaling. Ayoko nang nagsisinungaling ang ibang tao sa akin at kung magsisinungaling ako at sa kaibigan ko pa, hindi ba’t magiging hypocrite ang labas ko? At alam kong hindi ako gano’ng klaseng tao.

Nagsimula ang problemang ‘to dahil sa mga kasinungalingan at ang pagpapatong ng panibagong kasinungalingan dito ay walang maitutulong.

“Gwyneth Clementine Flores...” sabi ko. Kumunot naman ang noo ni Al. “Anong meron sa kan—”

“... is Angel Liberty Yllana herself,” pagtatapos ko sa sinabi ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raph’s POV

I impatiently tapped my fingers above my desk as I wait for Tito Mark’s call. As soon as possible, I need to disrupt Tita Mildred’s plan about coming to Oswald’s Academy. Once na nakita niya si Angel, wala na akong magagawa pa. That’s why I need to do any possible means to stop her. I know it’s her right to know everything concerning my sisters but now’s really not the best time.

My ringing phone got me startled but then my brows furrowed when I saw who the caller was.

“Nathan.”

“She’s still not talking to me,” he said grimly.

This is what I expected. Traumatic iyong nangyari kay Miracle. Who would want to talk about that when you don’t even want to remember that part of your life? Hindi ko siya masisisi pero kailangan naming malaman ni Nathan kung may sinabi ba iyong mga dumukot sa kanya o wala. Kailangan naming malaman kahit ang maliliit na impormasyon dahil malakas ang kutob kong iisa lang ang gumawa nito sa kapatid ko at ang sumira sa pamilya ko.

I sigh as I closed my eyes. “It’s okay. We both know it’s too much for her. Just give her the necessary time she needed.”

“You’re right.”

“Good luck with the match by the way.” I remembered that we’re going to compete with North Oswald’s basketball team this coming Saturday. The practices consumed so much of my time but I guess I need at least a diversion from this mess even once for a while.

“Yeah. Both of your girls will come, just letting you know,” he said. This guy really doesn’t know how to lighten up someone’s mood. I know he’s trying to crack a joke but really, he’s doing a terrible job. One is because his voice sounded nonchalant when in fact he’s definitely on the contrary.

“I figured that out already since you’re her brother and Angel is her friend too.” It took me days to realize this information. All along I thought both Miracle and Angel were strangers to each other but then Nathan told me they already clicked at the very first day of the class. Hindi ako makapaniwala but I guess pinagtatagpo talaga sila.

Binaba ko na ang tawag nang nagpaalam na siya. Eventually, I received a text message and this time, si Tito Mark na ito.

From: Tito Mark
I successfully sabotage Maurell’s business meeting with Oswald’s executive committee. Are you sure about this Seraph?

Now, everything’s going smoothly as planned. Hindi pwedeng may makaligtaan na naman akong butas na naging dahilan ng muntik nang pagkawala ng kapatid ko. I won’t let that happen again. I won’t be careless this time.

To: Tito Mark
Yes, tito. Thank you.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Jane’s POV

Sa hindi ko mabilang na beses ay tumunog nanaman ang alarm clock ng cellphone ko. Kinapa-kapa ko pa ang side table ko habang nakapikit para patayin iyon.

Sobrang napuyat ako kagabi. Tulad ng dati ay nanaginip nanaman ako. Napanaginipan ko kagabi sila mom at dad, ang totoo kong mga parents. Sobrang saya namin at magkakasama kami sa isa nanamang garden pero mas maganda iyon at mas malaki kumpara sa garden ng Heaven Orphanage. Napansin ko rin ang nagkalat na mga fountain na may iba’t ibang disenyo ng mga angels sa paligid.

Tumatak sa isip ko ang itsura ng mga parents ko at halos maiyak ako kagabi dahil doon. Hindi ko inaasahan na maaalala ko nang gano’n kadali ang mga magulang ko. Ayon kasi sa psychiatrist ko, iyong taong pinagkatiwalaan nila mom at dad Alvarez, hindi magiging madali ang pag-alala ko sa mga bagay na iyon. Marahil ay madaling maalala ang mga bagay na masasaya pero kung ang totoong pamilya ko na ang pag-uusapan ay mahihirapan daw ako.

Matapos kong managinip kagabi, kinuha ko kaagad ang notebook ko at nagsketch. Inabot siguro ako ng dalawang oras sa pagguhit ko doon. Sa mini sofa namin ako nagpalipas ng mga oras na ‘yon habang umiinom ng milk. Matapos no’n ay hindi na ako nakatulog. Siguro mga dalawang oras na lang bago mag-alarm ang cellphone ko. At ano pa nga ba ang aasahan ko?

Headache.

Pinauna ko na si Al sa pagpunta sa school kaya naman mag-isa lang akong sumakay ng jeep. Isang oras pa naman bago ang first class namin kaya naman hindi ako nag-aalalang ma-late. Gusto kasi namin parehas ni Al na pumasok ng maaga sa school dahil parang napaparanoid kami kapag 30 minutes before class ay wala pa kami doon.

Pagkababa ko sa jeep ay nagsimula na akong maglakad sa campus. Medyo madilim pa ang langit at kitang-kita ko mula rito ang crescent moon.

Pagbukas ko ng classroom namin, mga nasa sampung blocmates ko pa lang ang naroon kabilang na sila Geff, Neth, at Alex. Maaga na ring pumapasok ang ibang mga estudyante dahil sa preparations na ginagawa para sa Feast Day.

Pagpasok ko pa lamang ay narinig ko na kaagad ang tawanan nila Geff at Neth na pinilit kong huwag pansinin. Pero tinawag ako ni Neth at kinawayan ako kaya naman nginitian ko siya pabalik. Hindi ko naman tiningnan iyong nasa harapan niya na sigurado akong sa akin din nakatingin. Nakaupo si Geff sa table ng isang upuan at bina-balance ang sarili doon habang nakaupo naman sa isa pang upuan sa tapat niya si Neth.

Pagkababa ko ng bag ko ay hindi ko napigilang mag-pout. Wala man lang kasi akong makausap. Nasaan naman kaya ngayon si Al at Grace? Sa club room?

Huminga ako ng malalim at dumako ang tingin ko kay Alex na seryosong nagbabasa ng libro. Hindi ko na maalala kung kailan kami huling nag-usap nito at dahil doon, hindi ko maiwasang huwag siyang mamiss. He used to be one of my closest guy friends at nakakalungkot lang na dahil sa isang issue ay nagkaroon kami ng gap sa isa’t isa.

Basta ang alam ko ay kabilang siya sa isang band at madalas silang magkaroon ng gig. Nalaman ko rin na sila pala iyong pinalitan naming band noong birthday nila Phin at Darren.

Nakaupo si Alex ngayon sa dulong upuan malapit sa back door. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa upuang nasa harapan niya. Sinandal ko ang baba ko sa sandalan ng upuan ko at pinagmasdan siya.

Bago pa ako makaupo ay nag-angat na agad siya ng tingin at kita ko doon ang gulat. “Hi.” medyo nahihiya kong bati. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ni Alex. Galit kaya siya sa akin dahil sa pagreject ko sa kanya noon? O kaya dahil sa pag-iwas ko sa kanya?

Namimiss ko na kasi siya at gusto ko nang bumalik kami sa dati.

Sinarado niya ang librong binabasa at tumingin sa akin habang unti-unting ngumingiti. Mas sumingkit pa ang mga mata niya dahil sa pagngiting iyon.

“Good morning to you too.” Humilig siya palapit sa akin. “Are you feeling uneasy talking to me?” serysong tanong niya habang tinitingnan ang mga mata ko.

Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. “No! Of course not.” Medyo lang.

“Let me guess.” Mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Hindi naman ako lumayo dahil alam kong pinagtitripan lang niya ako. Nakangisi kasi. “You’re talking to me right now because you’re feeling somehow out of place and Al and Grace are nowhere to be found while your other friend...” sabay pagpilig niya sa ulo niya sa direksyon ni Neth. “... is busy talking to someone... and...” Inemphasize pa niya ang pagbigkas sa and “... you badly want company because you want to talk about something.”

I scowl at him. “Wow. At talagang guess mo lang yan ah?” panunuya ko. No doubt, kilalang-kilala talaga ako ng lalaking ‘to.

Huminga ako ng malalim at sinabi na ang nararamdaman ko. “I missed you Alex,” nakapout pa din na sabi ko. Siguro kung nandito si Al at walang nagbago sa aming magkakaibigan, baka pagtawanan ako no’n. Kapag kasi si Alex na ang kasama ko, lumalabas ang pagkachildish ko at tanging si Alex lang ang nagtotolerate sa akin. Si Al kasi, dalaga ‘yon at pinipilit niya akong gayahin siya dahil siya daw ang role model ko.

Ngumiti rin si Alex sa akin. “I missed you too. I’m happy that you approached me.” at bigla niyang hinalikan ang ilong ko.

Halos mapatalon ako dahil sa gulat nang may narinig akong malakas na galabog sa room. Tiningnan ko kaagad si Geff na ngayon ay nakatayo’t nagmumura habang iyong inuupuan niya kaninang upuan ay nakahiga na sa sahig. Tinitingnan naman siya ni Neth nang may pag-aalala.

Nabalik kay Alex ang atensyon ko nang bigla siyang tumawa. Umiiling-iling siya nang nagtama ang mga mata namin.

“Bakit?” pagtatanong ko. Ang weird kasi ng tawa niya. Parang may narinig siyang joke kung makatawa eh wala namang nakakatawa.

“Nothing.” Natatawa pa rin siya. Tumigil naman siya nang sinamaan ko ng tingin. Para kasing baliw.

Unti-unting bumabagsak ang mga mata ko. Inaantok talaga ako!

“You want hot chocolate?” pagtatanong niya kaya naman napadilat ulit ko.

“Yes, please,” sabi ko sa maliit na boses. God! Mukha talaga akong bata!

Tumawa nanaman si Alex. “Come with me. I’m not your servant miss.” Sabi ko na nga ba at sasabihin niya ‘yan.

Kaya naman tumayo ako at sumama sa kanya papuntang kung saan. Nagulat ako nang lumabas na kami sa campus.

“Saan ba tayo bibili ng hot chocolate at talagang lumabas pa tayo ng campus?” pagtatanong ko.

Sinagot lang niya ako ng ngiti kaya naman sinimangutan ko siya’t sinundan na lang. Bahala na nga siya!

Huminto kami sa isang maliit ngunit eleganteng restaurant. Pagpasok pa lang namin ay amoy ko na kaagad ang bango ng baked cookies. Nagningning kaagad ang mga mata ko dahil dito.

Iginiya kami ng isa sa mga waiter nila sa isang upuan sa tapat ng glass window. Binigyan kami ng menu at halos malula ako dahil ang dami pa lang klase ng cookies ang ginagawa dito! Ang buong akala ko ay basta cookies ay ‘yun na ‘yon!

Kanina pa tuwang-tuwa si Alex sa reaksyon ko pero hindi ko siya pinapansin.

“What’s yours?” pagtatanong sa akin ni Alex habang tinitingnan ko ang menu. Bakit iba-iba ang pangalan ng mga cookies pero halos pare-parehas naman ang itsura?

“Pierre French Butter Cookies Coated in Dark Chocolate and hot chocolate for drinks,” sabi ko.

“Same,” sagot naman ni Alex. Inulit lang ng waiter ang orders namin bago siya umalis.

“Mahilig ka bang tumambay dito?” pagtatanong ko kay Alex

Umiling naman siya. “Nope. It’s actually my first time here.”

“Then why are we here? Paano mo nalaman ang lugar na ‘to?” Kahit kasi ako ay hindi pa nakikita ang restaurant na ‘to. Kakaiba kasi.

“I just thought you love places like this so I brought you here.” Tiningnan niya ako ng makahulugan. “And besides, someone was staring daggers at me earlier in our room.” at pilyo siyang ngumiti.

“Sino?” May kaaway ba ‘tong si Alex? Ang alam ko ay pare-parehas naman na silang okay nila Darren at Geff pero hindi sila nag-uusap-usap.

Umangat ang gilid ng labi niya. “You know I still love you right?”

Napahinto ako dahil sa tanong niya. Naguguluhan ako sa pag-iiba ng takbo ng pag-uusap namin. Huminga ako ng malalim at tumango. “And you also knew that I’m willing to let you go, right?”

Ano bang gusto niyang palabasin? Tumango ulit ako sa tanong niya.

“Are you aware that there are two guys who actually loving you secretly?”

Kumunot lalo ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”

Pero hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko. “The first one can’t think of a way to get you notice him.” Sumimangot na ako dahil kahit isa sa mga tanong ko ay hindi talaga niya sinagot.

“Sino ba kasi—”

“The other one—”

“Alex!” Grabe nabuburyo na ako sa lalaking ‘to! Tumawa lang si Alex at mukhang sinadya talagang inisin ako. “Let me finish first alright!” at humalakhak pa lalo siya.

Dumating na rin sa wakas iyong mga inorder namin at hindi ko na pinansin si Alex at nagsimula nang kumain.

“The other one...” pag-uulit niya. I rolled my eyes at him. Pinigilan naman ng isa ang pagtawa niya. “... already got your eyes all over him but can’t deny the fact that he’s torn between the girl he liked... and the one he loves.”

I look up at him, incredulous, while chewing. “Ano ba ‘yang sinasabi mo? Wala ngang lumalapit sa aking lalaki eh!” Well... there’s one. Pero mukhang pinagkatuwaan lang ako ng isang ‘yon. He was sweet and clingy one day, then cold and aloof the next. Really, magulo talaga ang lalaking ‘yon. And the worst part is, nagpaapekto ako.

Tiningnan ko iyong cookie na hawak ko na para bang iyon na ang pinaka-fascinating na bagay na nakita ko. Ayoko kasing tingnan si Alex. He knew me well at natatakot akong may mabasa siya sa mga mata ko kapag tumama iyon sa kanya.

“Hmm... you sure about that?” sabay kagat din sa cookie niya.

“Yeah. Whatever,” pagtatapos ko sa topic namin. Sino ba kasi ang tinutukoy ni Alex na dalawang lalaki? Imposible namang mangyari ‘yon because first of, I’m undeniably plain. All right, I’m not drop dead gorgeous but I’m also cannot be match up to ugliness. Perhaps I’m in between. I’m also neither the braniac nor the athletic type.

Kaya naman kung ano man ang sinasabi ni Alex? Walang katuturan. Not true. Cannot be. Impossible.

Mabuti na lang at nakisama si Alex at mukhang narinig niya nang malinaw ang finality ng legendary whatever ko. Kung anu-ano na ang mga naging topic namin. Nagkwento siya tungkol sa band nila, ang Jaguar , and they’re into pop music. Kwinento ko sa kanya ang Black Raven at sinabi kong parehas sila ng genre na tinutugtog.

Sinabi rin niya na mahal pa niya ako pero somehow, I didn’t feel any awkardness. Para bang natural na iyong bagay na ‘yon sa pagitan naming dalawa. I love him too, at iyon ay bilang kaibigan and I’m hoping that his will be just like my feelings for him. Naikwento rin niya sa akin ang kauna-unahang babaeng nakatapak sa condo unit niya.

“No way,” hindi makapaniwalang utas ko.

“Yes way,” pang-aasar niya.

Nang matapos na kami sa pagkain ay dumiretso na ulit kaming school.

“You know what, you should think about what I’ve told you earlier. I’m not kidding.” Napatingin ako sa kanya dahil seryoso niyang sinabi iyon.

“When you already felt the love similar to what I felt for you, make sure that the guy, whom you’ll dedicate your love to, really deserves it,” sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng room namin at huminto kami sa tapat nito. “Make sure that that love will not get the better of you. You shouldn’t feel its heartbreaking consequences... yet. Unless... ” may tiningnan si Alex sa loob ng room namin at nang tingnan ko kung ano iyon ay nakita ko si Geff na nakatingin sa harapan at mukhang malalim ang iniisip. Nasa harapang upuan pa rin niya si Neth na mukhang magiliw na kinukwentuhan siya.

“... unless you’re sure that he will hold your hand while facing those.”

Bumalik ang tingin ko kay Alex at medyo kinabahan nang nakita siyang nakatingin sa akin. Nakita ba niya kung kanino ako nakatingin?

“I am positive about one thing.” Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtingin ni Geff sa amin ni Alex. Nagulat ako nang hapitin ni Alex ang bewang ko palapit sa kanya at saka bumulong sa tenga ko. Halos magwala naman ang puso ko, hindi dahil sa ginawa ni Alex, kundi dahil sa pagtayo ni Geff at mukhang susugod na sa pwesto namin. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niya.

“He got himself drawn in to you without realizing it. And I’m betting right now I’m going to recieve a hard blow from him because of this.”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------