Chapter 35: Falling

Jane’s POV

Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko. Anong ibig sabihin nito? Bakit... bakit may date of death na nakalagay? Imposibleng mangyari ‘yun!

“Aya...”

Hindi... hindi pwedeng mangyari ‘yon. Imposible talaga. Patuloy lang ako sa pag-iling at pagkatulala sa hawak kong mga papel. Saan ba ‘to galing?!

“Al, saan mo ba nakuha ‘to?” Matalim kong tinitigan si Al. Alam kong hindi dapat ako magalit sa kanya ngayon pero pinangungunahan ako ng emosyon ko! Hindi ko namalayang sa sobrang pagkalito at pagkainis ko sa nalaman ay naikuyom ko na pala ang mga kamay ko dahilan para magusot iyong mga papel. But I didn’t care because my full attention was with Al.

“A-Ano... kasi... g-ganito yan...” tila kinakabahang sambit niya. Nasa mid-air ang mga kamay niya na para bang pinapakalma ako.

But I can’t! Ang buong alam ko ay binago lang ang pangalan ko dahil sa pag-adopt sa akin ng mga Alvarez. I have no idea back then kung ano ba talaga ang totoo kong pangalan because that was the least of all the things I want to know. But now I’m totally aware of my identity tapos malalaman kong patay na ako? The heck! The owner of this name was dead?! At talagang 5 years old siya nang namatay? Because, as far as I’m concerned, I’m 11 years old when mom and dad adopted me. I’m 16 years old right now! Buhay na buhay.

Dahil sa isang simpleng papel, nasira ang araw ko.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa pagsakit ng ulo ko. This headache is getting worse every minute.

“Al, can we talk about this later?” Kahit na falsified ang mga papers na ‘to, I still decided to keep them. I need to read this kahit na parang sa isang parte pa lang ng document na ‘to ay nawindang na ako! Sa sobrang windang ko parang gusto ko nang punitin ‘yung mga papel but I knew better. I’ll deal with Al later, I’ll read this first. This is definitely something since Al said so herself that gathering information about my real family is extremely difficult.

“Okay ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong kahit tinalikuran ko na siya para pumunta sa room. Patuloy akong naglakad kahit na parang nagsisimula nang maging blurry ang paningin ko.

“Oo.” Pumikit ulit ako at hinilot ang sintido ko. What’s wrong with me?!

“Nous devons garder tout aussi confidentielle que possible, princesse. Bon? Puis-je vous faire confiance?” a familiar voice whispered at the back of my head.

Then everything around me suddenly collapsed and darkness shrouded my consciousness.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Darren’s POV

“Dito na lang po,” I told Mang Caloy, our driver, as he maneuvered the car at the parking lot of the school. I muttered my thanks saka bumaba ng sasakyan. Nagpalate lang talaga ako sa pagpasok ‘cause I really don’t have the will to go to class. Hindi naman ako ganito dati but things had changed.

So many things had changed.  Including my friendship with Geff. Damn that asshole. I still don’t talk to him. I don’t think I can. Lalo pa’t mainit pa ang ulo ko sa kanya.

At dahil din doon ay nilayuan ko muna si Jane. Tsk. Ni hindi pa nga kami gaanong nakakapag-usap but here I am, creating distance between us as if she will notice. I don’t think she ever will. Ni hindi na nga niya ako naaalala. Maybe I should be contented first by looking at her from afar. Looking out for her secretly. Wala namang mawawala... I guess. I have this feeling that Geff was just somehow challenged. Baka dumating din ang panahong mawala na lang ‘yang nararamdaman niya, kung meron man. And besides, he’s obsessed with that Angel of hers.

Focus din kasi si Jane sa mga kaibigan niya. She’s also a very clever girl. Napagsasabay niya ang studies niya at ang WSMC. I also noticed how Geff move when Jane’s around. I saw how they became close for a very short span of time. At masakit makita na hinahayaan niya siyang gawin sa kanya iyon. How he touched her, make her blush... damn.

I should be sport. Iyon din ang sinabi sa akin ni Phin. She had this idea from the very beginning that Geff was indeed drawn to Jane. Hindi nga lang niya sinabi sa akin dahil alam niyang may gusto ako sa kanya at hindi rin naman siya sigurado. At nagmukha akong tanga sa harap nilang dalawa. Alam naman nila na siya na, dati pa lang, siya na talaga. Pero ganito ang nangyari.

Fuck. I haven’t even starting making attempt to be close with her yet... I’m losing already.

When I arrived at our room, I was welcomed by questioning looks from my blocmates, though they’re not practically looking at me. It’s as if they were in a middle of a mystery asking each other what the hell just happened.

Half of our blocmates were already there but I haven’t seen any sign of Phin. Even Geff, Jane and her friends were not here. That other asshole though is already here, reading some God knows what, smiling... no, grinning like some freaking idiot who won a lottery. Mukha siyang tanga.

“Hey, where’s everyone?” I asked Gwyneth. Alam ko namang alam na niya kung sino ‘yung everyone na tinutukoy ko.

Hindi niya ako pinansin but instead, continue staring at the glass board in front of us. Sa mga kaibigan ni Jane, siya ang masasabi kong weird. Yeah, I saw her talk and smile and act like a normal friend kay Jane pero... may iba talaga sa kanya. You know the saying, nasa loob ang kulo? Yeah, that’s how I felt with this girl. Though, who am I to judge right? I don’t know her personally.

I tapped her shoulder lightly, only then she notices my presence. “Bakit?” tanong niya.

I shook my head. “Ah, wala wala.” Nakita ko na kasi si Phin na palapit sa akin.

“Where have you been?” I asked her as she enveloped her thin arms around me. Hindi talaga marunong mahiya ang babaeng ‘to na magpakita ng affection. Don’t get me wrong, I love my twin sister but I’m not comfortable when she’s like this in public. I just kissed her forehead, baka magtampo pa ‘to.

Her forehead creased. “Galing lang ako sa club room namin.” Nanliit ang mga mata niya. “Kayo? Wala ba kayong practice sa club niyo? Aba! Bakit parang pa-easy easy ka lang?” Here goes her unrelenting scolding again. Lagi siya ang nagpapaalala sa mga dapat kong gawin. Pwede na nga siyang maging personal secretary ko dahil alam niya ang buong schedule ko.

I sigh. “Bukas pa ang simula ng practices namin.”

Tumango-tango naman siya sa sinabi ko, looking satisfied with my answer. She looks around then her gaze stopped at Gwyneth. “Good morning, Neth!”

Hindi siya ulit sumagot but instead hurried towards the door then left. “Woah. That’s weird,” she commented. I mentally agreed. ‘Yan din ang sinabi ko sa sarili ko kani-kanina lang. Good thing hindi naman pala ako nag-iisa.

Tumunog ang cellphone niya then she read the message. Uupo na sana ako nang bigla siyang tumili.

Nagulat na lang ako nang hatakin ako ni Phin palabas ng room. “Phin! Where are you taking me? Malapit na mag bell!” Ano nanaman bang trip ng kakambal kong ‘to? Hirap talagang intindihin ng mga babae.

Halos kaladkarin niya ako pababa ng hagdanan at kung saan saan kami lumiko. I keep on calling her name pero binabaliwala niya lang ako. Hassle naman!

We abruptly stopped at the front of our club room. “What are we doing here?”

Instead of answering, she slowly opened the door and what awaits us inside made me froze.

He stopped roaming around the huge room as he saw us. He smiles broadly and opens his arms to invite us in.

“Tito...” damn, he’s really here. This is real.

Tumakbo si Phin habang umiiyak papunta sa kanya at sinalubong naman siya nito ng yakap. Ako naman ay nakatayo pa rin, hindi pa rin makapaniwalang nandito na ang paborito naming tito sa harap ko.

Natawa lang si tito sa kung ano man ang expression ng mukha ko. “Stop acting like a tough guy and hug your tito,” he jokingly mocked and I didn’t have a choice but to hug him. I missed him. He’s a family at para na rin namin siyang tatay ni Phin.

“Are you staying here for good?” Kahit kailan talaga napakaiyakin nitong si Phin. Namumula na ang mga mata’t ilong niya. Natawa ako. Maging si tito ay natawa na rin.

“Yeah. I guess. Probably?”

Nagmaktol pa si Phin dahil sa sinabi ni tito. Ginulo lang niya ang buhok ko dahil ayaw talagang bumitaw sa kanya ni Phin.

Parehas kaming napatingin ni Phin kay tito nang seryoso siyang nagsalita. Nakatingin siya sa malayo at mukhang malalim ang iniisip.

“I have some important matters to attend to that’s why I decided to be here.” he let out a deep sigh. “It’s time for me to be here.”

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Neth’s POV

Para talaga akong shunga kahit kailan. Bakit ba apektado ako sa mga nakita ko kanina? It’s not as if I like Geff, right? I can’t possibly like him! Aaminin kong nakaramdam ako ng kasiyahan nang sabihin niya sa akin na ibibigay niya ang lahat kay Angel, sa akin, ang lahat. Kahit na iyong pagmamahal niya ay kaya niyang ibigay kung maibabalik lang niya ang panahon at mabuhay pa siya. At ngayong kilala na niya ang totoong ako... sinasaktan niya ako. Hindi ba totoo lahat ng sinabi niya dati? Mali bang panghawakan ko pa ang sinabi niyang ‘yon? Lalo pa’t ilang taon na ang nakalipas? Ilang taon na niyang pinaniwala ang sarili na wala na ako. At ngayong nandito na, bakit parang wala pa rin?

Para talaga akong shunga. Oo, baliw na talaga ako. Halos ngayon lang kami nakakapag-usap pero hindi ko na maialis sa sistema ko iyong matibay na koneksyon ko sa kanya. Na kahit halos ngayon ko lang siya nakikilala dahil sa amnesia ko ay sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay naging malapit at magaan na ang loob ko sa kanya. Alam kong sinabi niya sa akin kahapon na may naramdaman lang siya kay Jane dahil nakikita niya ako sa kanya.

Lalo tuloy lumala itong nararamdaman ko. At hindi naman ako gano’n kamanhid para hindi malaman kung ano itong tinutungo ko. I am crossing a very dangerous line. At sa kabilang bahagi nito ay si Geff.

No, Neth. Ngayon ka pa ba susuko? Sinabi mo na sa sarili mo na tutulungan mong maliwanagan si Geff di ba? Ako. Ako na ang minahal niya simula pa lang. Jane is just a distraction. Right. Kapag bumalik na sa akin ang mga alaala ko, saka ko lang maibabalik iyong pagmamahal sa akin ni Geff. Umiling-iling ako para mawala sa utak ko iyong nakita ko kanina.

Mabilis akong tumakbo patungo sa classroom at mabuti na lamang dahil papasok na rin ang professor namin sa loob. Binati ko lang siya at pumasok na rin.

Habang nag-aayos ng gamit iyong professor namin ay nakita ko si Geff na humahangos patungo sa pintuan. Nang nakita niya ako ay pumikit siya’t huminga ng malalalim. May bahid ng pawis iyong noo niya. Bakit naman kaya siya tumakbo?

“I’m sorry I’m late, Miss,” sabi niya at tinanguan naman siya ni Miss. Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya late. Sadyang napaaga lang talaga ang dating ng prof namin kahit hindi pa nagbebell. As a sign of respect naman ay lahat kami ay nakaupo na nang maayos.

Medyo malayo ang upuan ni Geff sa akin pero alam kong sinusulyapan niya ako. Nag-pretend na lamang ako na may ginagawa.

Nagvibrate iyong cellphone ko sa bulsa ko. Alam kong hindi lang iyon text dahil matagal iyong vibration nito. Nag-excuse lang ako kay Miss at nagtungo sa labas ng room.

“Hello? Kuya?” Bakit naman kaya napatawag siya sa akin ngayon? Naalala ko iyong kagabi. “Kuya, hindi naman na kailangang may maghahatid sundo pa sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko.” Isa pa ang taong ‘to. Naging magaan na rin ang loob ko sa kanya. Iba nga siguro ang nagagawa kapag alam mong kadugo mo talaga siya. I’ve been longing to have such a strong blood connection with someone dahil ang buong akala ko ay talagang wala nang natira sa pamilya ko pero sino nga ba naman ang mag-aakalang buhay pa ang kuya ko?

Narinig ko ang malalim na pagbubuntong hininga ni kuya. Naalarma tuloy ako. “Kuya, may problema ba?”

Medyo natagalan pa bago siya sumagot sa tanong ko. “I just missed you.” Gumaan naman ang pakiramdam ko doon. Akala ko naman kung ano na. “Miss na rin kita kuya. Mamaya, ‘wag mong kakalimutan ah?” pagpapaalala ko sa kanya sa pagpasyal niya sa akin. Baka kasi malimutan pa niya. Ilang araw ko rin kayang hinintay ‘to!

“Can you skip class today?”

Nagulat ako sa itinanong niya. May mali talaga, hindi ako nagkamali. “Bakit—”

“For me?” dagdag pa niya.

Kumunot lalo ang noo ko. “Kuya, ano ba kasing problema—”

“Please?” bulong niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba kasing nangyayari?

Tiningnan ko iyong classroom namin. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nagcutting. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko gagawin iyon dahil mahal na mahal ko ang pag-aaral ko. Napapikit ako’t tumingala. Ang hirap naman nito! Ayaw naman sabihin ni kuya kung anong problema!

Nang maisip kong maaaring may koneksyon ‘to sa pamilya ko ay kinilabutan ako.

“Okay.” Nagsimula na akong pumunta sa hagdanan pababa. “Papunta na ako sa gate.” Halos bumalik naman ako nang maalala ko iyong mga gamit ko pero nakababa na ako’t nasa ground floor na habang nasa fourth floor naman ang room namin.

Bahala na nga!

“Good. I’ll be there. Bye.” Ibababa ko na sana pero napahinto ako sa idinagdag niya. “I love you, baby sis.” then he hung up. Ni hindi man lang niya ako hinayaan na makasagot.

Naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng mga mata ko. Tumingala ako at nakita ang maliwanag na langit. Thank you Lord dahil ibinigay niyo sa akin ang dati ko pang hinihiling.

May kuya ako. May kuya na ako. At ako ang baby sister niya. Syet lang. Para akong batang ngayon pa lang natututunan ang salitang kuya at ako naman ‘tong tuwang-tuwa na ituring na isang baby sister. Wala akong magagawa! The feeling is so foreign pero alam kong minsan ko nang naranasang may mag-alaga sa akin bukod sa kinagisnan kong pamilya. Mahal na mahal ko sila mama’t papa pero iba pa rin talaga kapag kadugo mo na talaga ang nag-aalaga at nagbabantay sa’yo. 24/7 alam kong sinusubaybayan ako ni kuya. Maraming alagad ‘yun dito!

At tama nga ako dahil ‘pag labas ko pa lang ng gate ng school ay nakita ko na ang isang pamilyar na sasakyan. Minsan ko na itong nakita noong gabing inihatid niya ako sa apartment namin. Noong gabing sinabi niya sa akin kung sino ba talaga siya.

Bumukas ang pintuan ng driver’s seat at iniluwa nito ang naka-uniform na si Kuya Raph. Ngayong maliwanag na ay saka ko pa lamang siya talagang napagmasdan. Parehas kami ng mga mata. Mas matangos nga lang iyong ilong niya kaysa sa akin. Pero kahit saang anggulo ko talaga siya tingnan ay nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Bakit ba ngayon ko lang ‘to napansin?

Niyakap niya kaagad ako at hinalikan sa noo.

“Kuya, may problema ba?” pagtatanong ko habang niyayakap din siya.

Natawa siya. “Namiss nga lang kasi kita. Bakit ba ayaw mong maniwala?”

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ang mukha niya kung may bahid ba ng pagsisinungaling doon. Wala naman. Mukha pa nga siyang relieved. Siguro ay sobrang stress talaga iyong nararanasan niya sa school.

Nang makita ko ang ngiti ng kuya ko ay nawala na iyong guilt ko dahil sa pagka-cutting class ko. Worth it naman dahil para sa kuya ko.

“Tara na?” masayang tugon ko sa tanong niya. Kinurot lang niya ako sa pisngi bago niya ako pinagbuksan ng pintuan. Mukhang kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko sa mga ganitong kagarbong bagay. Ang sasakyan lang naman kasi na nasakyan ko ay jeep at bus! Tapos ngayon kumikintab na sasakyan na. Sobrang bango sa loob, hindi nakakahilo.

Si kuya na rin ang nag-ayos ng seatbelt ko. Pakiramdam ko tuloy tagabundok ako’t balbado. Sobrang alaga naman kasi ni kuya pero kahit na gano’n ay ayos lang. Ayos na ayos sa akin.  Hindi ako magrereklamo.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jane’s POV

“Nasaan na ang anak ko?! Bakit hindi niyo pa rin siya nakikita?” histerikal na sabi ni mommy. Nakikita ko mula rito kung paanong sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya.

My daddy went to her and kissed her forehead. He then whispered something at her, perhaps soothing words.

Even if I wanted so badly to walk to the direction of my agitated parents, I can’t get my feet to work. I looked down on my hands and saw them trembling. My lips are already swollen by my too much biting; I can almost taste my own blood. I can also see the hairs on my skin going up because of jitters. I’m really terrified. But no tears came to life.

Tiningnan ko iyong mga nakapalibot na body guards sa parents ko. Worry is etched all over their faces.

“Trouver immédiatement ma fille! Ne laissez pas une partie unique de ces bâtiments négligé,” (Find my daughter immediately! Don’t let any single part of these building overlooked.) my father fluently ordered those body guards in French.

“Sinabi ko naman kasing ‘wag na nating dalhin si Amy dito! Look at what happened!” My mommy went berserk. She’s hiccupping while hitting my daddy’s chest. Hinilamos lang ni daddy ang kamay niya sa mukha niya at hinayaan ang mommy sa ginagawa.

I suddenly screamed when someone got me off my feet.

“DADDY! MOMMY!” I keep on struggling and struggling until I had no choice but to bite the stranger’s hands around me. Nabitawan naman niya ako kaagad.

I run immediately to my father who was so shocked to see me. I hugged him by his waist as I cried. Now, the waterworks started. “Daddy! Someone tried to kidnap me!” I cried to my daddy.

Someone pulled me from my father then I saw my mommy kneeling in front of me, wanting to hug me. I hugged her and then she cried with me.

“Saan ka ba kasi naglululusot Amy! Mabaliw baliw na kami ng daddy mo kakahanap sa’yo!” She’s shouting at me but I can feel her strong grasp around my body. I cried harder. I want to tell her what I just saw earlier but my fear overpowered my rational thoughts.

“Je vous remercie de me occuper de ma fille.” (Thank you for looking after my daughter.) I heard my daddy talking French yet to someone. When I look at the stranger, I almost screamed to my dad to get away from that man.

The man was massaging his arms. He was the one who tried to kidnap me!

“Ça va. Je pense que je ai peur de la fille, si . Elle pensait que je vais l'enlever.” (It’s okay. I think I scared the girl, though. She thought I’m going to kidnap her.) then he laughed. My father laughed with him too, relief is evident on his face.

No. No! He’s only manipulating you dad! But when the man caught me staring daggers at him, he smiled. If I hadn’t seen what he did earlier, I might think that the kind of smile he’s showing to me right now is genuine. But no, I know better. This man is evil.

My mom continued cuddling me.

“Cependant, nous vous remercions,” (Still, we thank you.) my mommy added.

“Jane.” Naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Kahit na parang mabigat ang pakiramdam ko ay binuksan ko na ang mga mata ko.

Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni kuya. Kumunot ang noo ko. Pinagmasdan ko ang paligid ko at napagtantong nasa Infirmary ako. Naalala kong nawalan nga pala ako ng malay kanina.

Dahan dahan akong umupo at inalalayan naman ako ni kuya. “May masakit ba sa’yo? Masakit ba ang ulo mo?” Sunod sunod niyang tanong.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kinagat ko ang labi ko nang maalala ko iyong panaginip ko. Another memory. Umiling ako. “Okay na ang pakiramdam ko.” Ngumiti ako sa kanya. “Kulang kasi ako sa tulog kanina kaya siguro bumigay ‘yung katawan ko.”

Sumimangot si kuya. “Bakit ka naman kasi nagpupuyat? Ano bang ginawa mo kagabi?”

Nagpout ako. Ito nanaman ang pangangaral niya. Para talaga siyang si mom. “Nahirapan lang akong makatulog kagabi.”

“Bakit? Nananaginip ka nanaman ba?” Ayan nanaman siya. Ayoko naman nang magsinungaling sa kanya pero ayoko muna talagang sabihin na unti-unti nang bumabalik ang mga alaala ko. Kapag kasi nalaman niya, sigurado akong sasabihin niya ‘yon kay mom at dad. Baka mamaya ay magpaschedule nanaman sila sa personal psychiatrist ko at ayokong mangyari iyon. Alam kong natatakot lang sila na baka magbreak down ako tulad ng dati pero sa tingin ko ay kaya ko naman na ang sarili ko. I can handle anything. Iyon ang gusto kong paniwalaan sa ngayon. Kapag kasi nag-isip ka ng mga positive thoughts, malaki ang posibilidad na gano’n nga ang mangyayari.

Umiling ako. “Hindi naman na ako nananaginip ng masama.” Iyon ang totoo. Ang madalas ko na kasing mapanaginipan sa ngayon ay iyong masasayang alaala. Hindi tulad ng dati.

Huminga si kuya ng malalim. “Jay, I don’t want you lying to me.” May kung anong kumirot sa puso ko nang nakita ko siyang seryoso at parang nagtatampo. “I know you and Al are keeping things from me. Hindi naman kita pipiliting sabihin sa akin ang lahat pero...” Inayos niya iyong buhok ko na nakakalat sa mukha ko. “... sana ay isipin mo pa rin na karapatan ko pa ring malaman ang mga bagay kapag patungkol na sa’yo. I’m your brother after all. It’s my duty to protect you.” Alam kong may mas malalim pang kahulugan ang sinabi niya pero hindi ko ipinahalatang may alam ako. Bagkus ay tumango ako sa kanya. “Yes po kuya ko.” Kinurot niya bigla ang mga pisngi ko. Ayan na naman siya! Tuwang-tuwa talaga siya sa pisngi ko! Mataba raw kasi.

Natawa lang si kuya sa nakasimangot kong mukha.

Tinanong ko kung nasaan si Al. Ang sabi naman niya ay siya raw ang nagbantay sa akin kanina. Kasama pa nga raw niya si Grace pero pinabalik niya ang dalawa sa klase nila nang dumating siya. Wala naman daw siyang class ngayong araw at nagpaalam naman na siya sa coach niya na hindi muna siya makakapagpractice sa araw na ‘yon. At syempre, kuya ko ‘yan, malakas ang impluwensya kaya naman isang sabi lang niya sa coach ng Waldroves ay pinayagan kaagad. No wonder may pagkaspoiled ‘tong kuya ko.

“Wala na ba talagang masakit sa’yo?” Pang-ilang ulit na niyang tanong ‘yan sa akin simula nang nagising ako. Good thing ay wala namang sinabi sa kanya si Al tungkol sa papers na ibinigay niya sa akin kanina. Siguro ay na kay Al ang mga ‘yon ngayon.

“Wala na nga. Ang kulit nito.”

May ibinigay lang sa amin na gamot si Dr. Howard. Naalala pa nga niya ako at sinabi kong okay naman na iyong kanang kamay ko. Although may kaunti akong nararamdamang sakit but still, hindi naman na gano’n kasakit hindi tulad noong unang punta ko sa kanya.

“Patingin nga!” Kinuha agad ni kuya iyong kamay ko pagkalabas namin ng Infirmary. I rolled my eyes at him pero hindi niya iyon napansin dahil tutok na tutok si kuya sa kamay ko.

Naalala ko kung paanong hinawakan ni Geff ang kamay ko kanina. Syete lang.

May kung anong pinisil si kuya doon kaya napasigaw ako. Hinampas ko siya. “Ang sakit ‘non ah!”

“Tss. Akala ko ba okay na?” Ito talaga laging mainit ang ulo!

“Di ba kasasabi ko lang kanina na meron pa nga kasing konting kirot.” Hinimas himas ko ‘yung kamay ko. Kaasar. Ang sakit ‘nung pinindot niya!

“Eh di hindi pa ‘yan okay! Okay na ‘yan kapag hindi na masakit pero kapag may nararamdaman ka pa, hindi pa ‘yan okay.”

“Hay naku kuya. Hanap ka kausap mo.” at nilagpasan ko siya. Ang sweet talaga ng kuya ko. Kahit na dapat ay mainis ako sa kanya ng bongga dahil wagas na ang pag-aalala niya sa akin, ‘yung tipong kaliit-liitang bagay para sa kanya ay big deal basta kapag tungkol sa akin, pero wala. Kapatid ko ‘yan at hindi ako naiinis sa kanya. Mahal ko yan kahit OA na siya minsan.

Naalala ko iyong isa ko pang kuya.

Seraph Marvel Yllana. Iyon ang nabasa ko sa papers kanina bago ako nawalan ng malay. I heard that name before. Saan nga ba? Ayokong umasa lalo na kung wala namang kasiguraduhan pero nitong mga nakaraang araw, maraming bumungad sa akin na mga katotohanang ni minsan ay hindi ko naisip na maaaring magkatotoo. What if he is alive after all?

“Saan ka na pupunta ngayon?” narinig kong tanong ni kuya sa akin. Galing lang kami sa locker room nila at nagulat na lang ako nang dala na niya ang mga gamit ko. Well, kuya ko nga talaga siya.

“Sa WSMC room.”

“Iuuwi na lang kita.” biglang pigil sa akin ni kuya. Nagtaka tuloy ako. “Kailangan mo nang magpahinga. Baka mamaya magcollapse ka nanaman dyan.”

“Okay na ako kuya.” Ang kulit talaga niya! “At isa pa, ilang oras na akong nakatulog kanina.” Madilim na kasi ngayon. Hindi nga ako makapaniwalang halos kalahating araw akong tulog.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

“Nagugutom ako. Can you please accompany your brother to the cafeteria?” pagpigil ulit niya sa akin.

Nahulog ang panga ko sa sinabi niya. “Hindi ka marunong pumunta ng cafeteria mag-isa?!” Napatingin pa sa akin ‘yung ibang estudyante dahil sa sigaw ko. Kailan nga ba ako masasanay na head turner talaga ‘tong kapatid ko? Pansin ko nga rin mula sa kinatatayuan ko na may mga babae sa paligid namin na para bang anytime ay susunggaban nila si kuya.

“Fine,” malamig na utas ni kuya at bigla akong tinalikuran. Grabe! Lakas talagang mangonsensya nito!

Hinabol ko siya at sinabayan nang pumunta sa caf. Parang bata talaga ‘to. Hindi niya ako pinansin pero nang nakahanap na kami ng upuan ay tinanong na niya ako.

“What food do you want?”

Nag-isip naman ako. “Lasagna and 2 slices of pizza will do.”

“Takaw,” komento niya bago umalis. Nagtanong siya eh! Sinagot ko lang naman. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Musta naman di ba?  Hindi ako nakapag lunch at ang breakfast ko ay kanina pang 5 ng umaga. 6 na ngayon ng gabi.

Pagdating ni kuya, walang nagkibuan sa amin. Parehas kasi kaming nakafocus sa pagkain.

“Nanliligaw ba ‘yong Mendez sa’yo?” Halos mabilaukan ako sa tanong ni kuya. Mabilis akong uminom sa Iced tea ko.

“Ano?”

Umayos si kuya sa pag-upo niya. “Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin kanina sa Infirmary?”

“Pumunta siya doon?” Ano ba ‘yan. Ang bilis naman yata ng balita at talagang nalaman pa niya na nahimatay ako.

“Yeah,” walang ganang sabi niya.

“Anong sinabi niya sa’yo kanina?”

I like your sister, was what he said.”

“Then? Anong sinabi mo?” Biglang nanliit ang mga mata ni kuya sa akin. “B-Bakit?” pagtatanong ko. Ano ba naman kasing mata yan! Parang may ginawa akong labag sa batas sa mga tingin niya.

“Do you like him, Jay? As far as I know, hindi ka pa nakakaget-over kay Alex.”

“Matagal na ‘yang issue kay Alex, kuya. And besides, friends na kami ngayon.” Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko. “Kuya, tigilan mo nga si Alex. Hindi naman niya kasalanan ‘yung nangyari dati.”

“But he had a choice. And I know he was aware of the consequences pero mas pinili niyang iwan ka,” pagpupumilit niya. He’s looking at me, his food in front of him long forgotten.

“You keep on blaming him because of the past. Kalimutan na natin ‘yun kuya. At least okay na ako, right? At isa pa, pare-parehas naman kaming naging mature at independent dahil sa nangyari.”

“Alright, alright,” pagsuko niya. “Then answer my question, do you like that Mendez?”

“E-Ewan ko,” sagot ko na lang. Eh sa hindi ko nga kasi maintindihan ang sarili ko! Gusto ko magkaibigan lang kami. Pero sa isang banda, gusto ko nasa tabi ko lang siya. At iyong mga sinabi niya sa akin kanina, lumikot iyong puso ko.

“The guy wouldn’t stop. He’s quite persistent if you ask me.”

“Ano pa ba kasing sinabi niya?”

***

“I like your sister.”

“So? What’s it to me?”

“Nothing. I just want to let you know since you’re her brother.”

“Okay. But what if my sister doesn’t like you? You see, her life right now is very complicated. If you ask me, I don’t want you to add up with her problems.”

“I won’t be a problem.”

“Then, are you going to court my sister?”

“I’m sorry but I don’t do courting. I don’t do that crap.”

“If you say so then you’re not worthy for my sister.”

“I won’t be bent by whatever opinions you have about me.  Yes, I don’t do courting but I like your sister so much. I can do better than courting, I assure you that.”

***

“That guy is very serious and inscrutable.”

Wala pa rin akong masabi sa mga ikinuwento ni kuya. Sinabi ba talaga niya ‘yon?

“And... here’s the proof,” makahulugan niyang sinabi habang sumusubo ng kanin at nakatingin sa likod ko.

Hindi ko pa tinitingnan kung sino ‘yon pero nagwala kaagad ang puso ko. Naging hyper alert din lahat ng senses ko.

Mukhang nahuhulog na nga ako. What should I do?!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------