Chapter 32: Reasons

Geff’s POV

1. Her voice
2. Fountain
3. She called me “Drew”
4. Her reaction
5. Heartbeats (song)
6. Heaven Orphanage
7. Main Office (HO)
8. Tree
9. Chocolates
10.

I am insane to even acknowledge this nonsense list.

“Kapag umabot ka sa 20 signs, sabihin mo sa akin. As a reward, I’ll tell you my biggest secret.” I remembered Phin telling me this when it was her and her brother’s birthday. “Don’t worry. It has something to do with you and your... past.”

I’ve been starting to consider this when I encountered signs; signs that were bugging me ever since I met her. I started where I heard her voice singing on the stage during the twin’s birthday. They really have the same voice. Apparently, it matured but still... almost the same. Then I saw her splay her fingers above the water of the fountain then moved them to and fro, like a childish play which made her smile. Angel loves water.

I became mad at her for a silly reason, because I saw her being kissed by a bastard and she just let him. I glared at her, knowing fully that that would be enough to show her how mad I am. How mad I am at her for having a relationship with my bestfriend’s ex, I thought I am mad because of that reason. Then hearing my name being uttered by her lips... it crushed me into pieces, distorted my rational thoughts, opened a healing wound, and made me damned. Only Angel ever called me Drew.

Starting that day, I couldn’t make myself ignore her. Even having glimpses of her simple gestures and mannerisms made me want to know her more; biting her nails and lower lip when she was nervous and hitting her head with her fist whenever she became annoyed at herself.

A presentation at one of our subjects made me compelled to dance. Before dancing, I showed her a secret gesture that was only known between me and Angel, and her reaction was unexpected. Then for the second time I heard her voice again, singing. But what caught me off guard was the song choice. She played it on the piano. I heard that before, when I was visiting Angel at their mansion many years back. Her parents said that she was sick and she spent most of the day inside her room. I wanted to see her so I went to her room. I decided to knock but a song coming from the inside made me froze. That was the song she played and sang in the presentation.

Because life seems to be having a terrible sense of humor, I saw her again and this time, she was in the place where my worst fears was realized. Where I lost the very first girl I loved. Heaven Orphanage.

She sneaked in the Main Office. She even used a pin to unlock the door. I was curious so I followed her, opened the door, then I saw her sit at the front of a piano and played yet another song I only heard from Angel. Sister Carmen, a nun who took care of Angel during her stay here, had the time to teach her that. I, on the other hand, was the listener during her practice with Sister Carmen.

Even when I was still a child, climbing up a tree became an odd relaxation for me especially when I finally reached the top then that was where I’ll sleep. Angel seemed to do the same just because I did. Then, unexpectedly, for some reason, she did the same thing. I asked her why she climbed up when it was evident that she was not used to that act. She could’ve slipped and hurt herself.  Her answer? She just wanted to wake me up. Stupid right? And she was lying.

Angel loves chocolate and she gave anyone she’s thankful for with these. I had a great time with her that night. I made her sing and I showed her my favorite eating place near the orphanage. I asked her what was her intention in sneaking at the Main office that day. There was something in her eyes that made me realized that she wouldn’t tell or spill anything to me so I tried to come up with something that will make her feel comfortable sharing her thoughts while staying by my side. But instead, I told her the most stupid thing a man can ever tell the girl he likes. I told her she can tell me anything and that I will always be with her, as a friend. Damn. She said Thank you then, surprisingly, she placed tons of chocolates on my hands.

All of these are mere presumptions. Seeing Angel’s actions from others doesn’t mean or prove anything. These are all coincident. Yes. By sheer coincidence, I ended up thinking the possibility that Angel was her. But the truth already laid itself to me. Angel is, after all, alive, which proved me wrong.

It only means that this stupid list is for nothing because, in spite of everything, it started from questions and uncertainties.

But there is one thing I’m certain about.

I am slowly and inevitably falling for her... for the wrong reasons. That, I can’t deny.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Neth’s POV

As usual ay kaming magkakaibigan nanaman ang nahuli at naiwan sa classroom. Nautusan kasi kami ni Ms. Salazar na ayusin ang mga upuan bago umalis. Hindi naman daw palibhasa’t may mga janitors sa school ay pababayaan na lang namin ang room namin na parang dinaanan ng bagyo. Syempre ay sumang-ayon kami at heto’t nag-aayos.

“Uy mga babae. Sabay sabay tayong pumunta sa laban ng mga Waldroves sa Sabado ah!” narinig kong sabi ni Grace na bumasag sa katahimikan namin.

Tiningnan kaagad siya ni Liz “Alam mo hindi na talaga nawala sa isip mo ‘yan no? Kung gusto mo mauna ka na ‘don! Ipagsave mo na lang kami ng upuan,” pagbibiro niya kaya naman nagtawanan kami pare-parehas.

Kumunot ang noo ni Jane. “Oo nga no? Lagi kong nalilimutan na sa Sabado na pala ‘yun. Saan nga pala gaganapin ang match?” pagtatanong niya habang pinupulot iyong papel na nasa sahig at itinapon sa basurahan.

As expected, si Grace na ang sumagot para sa kanya. “ACU. Balita ko magagaling din ang mga players nila pero syempre hindi pa rin sapat ‘yun para matalo ang mga Waldroves!” Napansin kong  nakatayo na lang siya at hinayaan na lang kaming tatlo na nag-aayos. “Pero gusto ko pa rin makita ang mga ace players nila! Sila Seraph Yllana at Slade Valencia!” masayang tili niya habang nagpapapalakpak.

Biglang natalisod si Liz sa isang upuan — narinig ko pang napamura siya dahil sa sakit yata ng tuhod niya, samantalang si Jane naman ay natulala kay Grace. Lumapit kaagad ako kay Liz. “Ayos ka lang?” pagtatanong ko. Muntikan pa kasing sumubsob si Liz sa sahig, buti na lang at nakabalanse kaagad siya. Tumango naman siya pabalik sa akin. “Ayos lang ako.” at nginitian ako.

“Sino ulit ang mga ace players ng ACU?” mukhang interesadong tanong ni Jane. Matapos kong pagmasdan si Liz kung ayos na siya ay ibinaling ko kaagad ang tingin ko kay Grace dahil narinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ni kuya. Hindi ko alam na ace player pala ng ACU si kuya. Hmm... pati si Slade?! Napangiti ako. I remembered him. Siya ‘yung sinabi ni Iona na flirt sa kanilang magkakaibigan! Akalain mong may talent pala ang isang ‘yon.

“Hindi mo ba sila kilala Jane?” hindi makapaniwalang tanong ni Grace.

“Well, I don’t either. What’s the big deal anyway? Gano’n ba sila kasikat para makilala ng lahat? I don’t think so,” tuloy-tuloy na sabi ni Liz habang tinitingnan ang room kung may nakaligtaan pa bang ayusin.

Natahimik ako at natulala sa kanya. Hindi kasi maipagkakaila na sarcastic ang pagkakasabi niya nito. Narinig namin ang pagtawa ni Jane. “Parehas tayo Al!” Bigla siyang nag pout. “Kung sabagay ay hindi naman din ako nanunuod at di rin ako interesado sa mga sports and the likes. Most probably sikat nga sila, hindi lang tayo aware Al.”

Bahagyang napailing si Grace habang nakatingin sa kanilang dalawa. “I can’t believe you two. Anong henerasyon ba kayo ipinanganak at mukhang wala kayong awareness sa mga simpleng bagay tulad nito?” Sinimulan na niyang kunin ang kanyang bag. Ganoon na rin ang ginawa naming tatlo. “I really can’t believe this! And here I thought kaibigan ko na kayong dalawa. Gosh! I can’t talk to you right now!” dagdag pa niya sabay kuha sa kamay ko. Narinig naman namin ang pigil na tawa ng dalawa.

“She’s crazy about those boys, no doubt,” narinig ko pang bulong ni Liz kay Jane.

Nakita ko pa ang pag-arko ng kilay ni Grace kaya naman natawa rin ako sa kanya.

“What’s so funny?” iritadong tanong niya. Lalo akong natawa.

Lumabas na kaming apat sa room at nagsimulang maglakad. “Grace,” panimula ko. Nakita ko ang pag-angat ng tingin nila sa akin. “They’re my friends.”

Nag-angat din ako ng tingin para makita ang mga reaksyon nila. Pare-parehas silang nakakunot ang noo. “Uhh... both of them,” dagdag ko pa sa maliit na boses.

Natulala sila at di naglaon ay dahan-dahang nagsilaglagan ang mga panga nila. As if on cue, sabay napatingin sila Jane at Liz kay Grace samantalang si Grace naman ay ngumiti.

Nakakatakot na ngiti. Magsasalita pa sana ako pero biglang hinigit nila Jane at Liz ang dalawa kong kamay at inilayo kay Grace na ngayon ay tumitili na mukhang rinig yata sa buong campus.

“GWYNETH CLEMENTINE, WE NEED TO TALK!”

At sa hindi ko mabilang na beses ay natawa nanaman kaming tatlo. God, I love these girls.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kung kanina ay hindi ko mapigilan ang kasiyahan dahil sa mga kaibigan ko, ngayon naman ay hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang gusto kong umatras na hindi. Parang gusto ko na lang umuwi sa apartment na hindi.

Parang gusto ko siyang makita’t makausap na hindi. In short, mababaliw na ako.

Tiningnan ko ang nakasaradong double doors ng auditorium. Gawa iyon sa matibay na mahogany na may intricate na design sa ibabaw at talaga namang malaki. Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim. Kaya ko ‘to! Tiwala lang! Lumunok ako ng isang beses bago ko dahan-dahang itinulak ang malaking pintuan.

Pagpasok ko pa lamang ay ramdam ko na kaagad ang lamig galing sa mga aircons nila dito. Tulad ng una kong pagpunta dito, nakapatay ang halos lahat ng mga ilaw maliban sa ilaw na nakatapat sa stage. Napansin kong naiilawan ang buong stage hindi tulad ng dati na iyong nakatapat sa piano lang ang nakabukas. Baka sinadya ni Geff iyon. I wonder kung legit ba ang paggamit namin nito ngayon.

Binalot din ng maganda at pamilyar na musika ang buong lugar. Patuloy lamang sa pagtugtog si Geff sa piano habang nakapikit. Napaka serene ng mukha niya at talaga namang damang-dama niya ang pagtugtog. Punong-puno iyon ng emosyon.

Hindi ko muna siya tinawag hindi tulad ng ginawa ko dati. Umupo muna ako sa harapang upuan malapit sa kanya at pinagmasdan siya. Hindi ako makapaniwalang mangyayari nanaman ang senaryong ito. Ganito rin ang naabutan kong ginagawa niya nang nakita ko siya dito. Ang sabi niya ay ako ang hinihintay niya. Noong gabing iyon ay iginiit kong ako si Angel. Sinabi kong hindi ako siya. Iyon ay dahil hindi ko pa siya lubos na kilala at natatakot akong magtiwala.

This time ay gano’n pa rin. Hinihintay niya ako.

Pero hindi tulad ng dati, nandito ako ngayon para makita’t makausap niya bilang si Angel.

Binuksan na niya ang mga mata niya habang unti-unting bumabagal ang kanyang pagtugtog. Hanggang sa tuluyan nang natapos ang musika.

“Paborito mo ba ang kantang ‘yan?” pagtatanong ko. Iyong tinugtog niya kasi ay ‘yun ding kinanta naming dalawa ni Jane sa presentation namin sa OSWALDS.

Gano’n pa rin ang kabang nararamdaman ko pero ginawa ko pa rin ang lahat para huwag pumiyok o manginig ang boses ko.

Umayos siya ng upo at humarap sa akin. “Maybe.” Ngumiti siya. “This just kind of reminds me of someone.”

Nag-iwas ako ng tingin. Mukhang kilala ko na kung sino iyong someone na tinutukoy niya. Parang tinusok ng kung ano ang puso ko.

Tiningnan ko si Geff dahil hindi na niya dinugtungan pa ang sinabi niya at talaga namang ang awkward na ng katahimikan sa pagitan namin. Laking gulat ko naman nang makitang pinagmamasdan niya ako. Kumunot ang noo ko. Kanina pa ba siya nakatingin sa akin?

“Bakit ka ganyan makatingin?” tanong ko. Kakaiba kasi. Parang may hinihintay siyang gagawin ko.

Pinilig niya ang ulo niya. “You lied to me,” sabi niya. “Ang sabi mo ay hindi ka si Angel.”

Tiningnan ko siya at nakitang hindi naman siya galit. Gusto lang siguro talaga niyang malaman kung bakit pero sa tingin ko ay alam naman na niya ang dahilan. Sinabi na rin sa kanya iyon ni kuya.

Siguro ay gusto niyang manggaling sa akin mismo ang dahilan.

“Ang totoo nyan, oo. Ako nga si Angel at nagsinungaling ko.” Tumikhim pa ako dahil parang may nagbara sa lalamunan ko. Yumuko ako at tinitigan ang sapatos ko. “Pero may dahilan kung bakit ko ginawa ‘yon.”

“I know,” sagot naman niya.

Tumango ako. “May amnesia ako,” dagdag ko pa sa maliit na boses na hindi ko nga sigurado kung narinig niya o hindi.

Patuloy lang ako sa pagtitig sa sapatos ko nang nakita kong may pares na rin ng mga sapatos sa harapan ko. Nagwala kaagad ang puso ko dahil alam ko, alam kong nasa harapan ko siya.

Naramdaman ko na lang ang mainit niyang daliri na inilagay niya sa baba ko at iniangat ang mukha ko. Ang lapit ng mukha niya sa akin.

“I know.” Mabuti na lang at medyo madilim sa kinalulugaran namin dahil alam kong lahat na yata ng dugo sa katawan ko ay nagsiakyatan na sa mukha ko. Lalo na nang ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko.

Pinagmasdan pa niya ako ng maigi. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang pagmasdan din siya. Ang mga mata niyang nangungusap. Sa mga mata na ‘to, kitang-kita ang iba’t ibang emosyon. Mahahaba rin ang mga pilikmata niya na lalong nagpaganda sa mga mata niya. Ang matangos niyang ilong. Wala rin akong nakitang kahit anong mali sa mukha niya. Ang mga labi niya...

Pumikit ako at ramdam ko ang pagtindi ng nararamdaman ko. Jusko Neth! Saan napapadpad ‘yang utak mo!

Halos mapatalon ako nang bigla na lang niya akong niyakap... ng mahigpit.

“I missed you Angel.” Huminga siya ng malalim. “A lot,” dagdag pa niya.

At hindi na ako nagdalawang-isip pa at niyakap siya pabalik. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil hindi tama itong nararamdaman ko. Hindi iyon kasing-tindi ng nararamdaman ni Geff dahil hindi tulad niya... wala akong alaala kasama siya.

I never felt so incomplete and frustrated until now.

Geff missed me. But I can’t say and feel the same way. Basta ang alam ko, naging bahagi siya ng buhay ko, hanggang doon lang. Nararamdaman kong may espesyal siyang parte sa puso ko na kahit kailan ay hindi mawawala. Pero hinihiling ko pa rin na sana... sana... mayroon akong kahit isang alaalang matatandaan ng isip ko... alaalang kasama ko siya.

“Gusto kitang maalala,” bulong ko sa kanya. Naramdaman ko na ang pagtutubig ng mga mata ko. “Para naman masabi ko ring I missed you too.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsimula na akong humikbi. Pumikit ako ng mariin at kasabay nito ang pag-agos ng mga luha sa mukha ko.

Natawa si Geff. “Bakit ka umiiyak?” May bahid ng panunuya sa boses niya. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago.” at naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. “I will help you remember.”

“Geff.” Pinilit kong maging klaro ang boses ko kahit na umiiyak. “Sino ka ba? Sino ka ba sa buhay ko?”

Gusto kong malaman ang sagot mula sa kanya. Kahit na may ideya na ako dahil sa sinabi niya sa akin noong tinanong ko siya tungkol kay Angel.

Humiwalay siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata. Nakita ko ang pagdadalawang-isip niya. Bumuntong-hininga siya bago nagsalita.

“I... I am an old friend.” Pumikit siya at pinasadahan ng kamay ang buhok niya.Napansin ko rin ang pag-igting ng panga niya na para bang hirap siyang magpaliwanag. Lumunok ako. Nadidistract ako sa ginagawa niya.

“No. I am more than just a friend,” mas malinaw niyang sinabi pero hindi siya nakatingin sa akin. “You are mine. I am yours. I am so in love with you back then.”

Back then. Ito ang bagay na pinaghandaan ko bago pa ako pumunta dito. Alam kong kapag nagkwento na si Geff, palagi na iyong nasa past tense. Kumbaga, nakaraan na... at hindi na maaaring maulit. Nagpatuloy ang pagtulo ng mga luha ko.

“Then you died.” Natawa siya. Pero hindi iyon tawa dulot ng kasiyahan. “I thought you died and it left me miserable.”

Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko at tumingin sa kanya. Halos manghina naman ako nang makitang may luhang nalaglag galing sa kaliwang mata niya. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong umiyak ang isang Geff Mendez.

“Naging miserable ang buhay ko sa mga sumunod na taong wala ka sa tabi ko,” pagpapatuloy niya. “Hindi ko pa rin matanggap na wala ka na, na hindi na kita makikita kahit kailan. I can never see your face, your smile...”

Tumingin na siyang muli sa akin. “I can never accept reality when you’re not in it anymore.”

“Pero nandito na ako ngayon,” sabi ko.

Ngumiti siya at laking pasasalamat ko nang makitang totoo na iyon. “Yeah. Syempre masaya ako. Pero...” bigla siyang nag-iwas ng tingin.

Alam ko na kung ano ang karugtong ng sasabihin niya kaya naman nagsalita na ako. “Alam ko Geff.” Gulat siyang tumingin sa akin. “Hindi mo naman na kailangang ipaliwanag pa ang bagay na ‘yon,” pagpapatuloy ko. Nararamdaman ko nanaman ang pag-iinit ng mga mata ko kaya naman yumuko ako. “Besides, ilang taon naman na ang nakalipas kaya posibleng—”

“Hey,” putol niya sa sinasabi ko at lumapit siya sa akin. Iniangat nanaman niya ang mukha ko. “T-That’s not what I... meant.” Nakita ko ang pamumutla niya at mukha siyang problemado.

“Si Jane,” bulong ko. Biglang nagbago ang mukha ni Geff nang banggitin ko ang pangalan niya.

God... nasasaktan ako pero kailangan ko ‘tong gawin.

Ngumiti ako. “You... like her. Right?” pagtatanong ko.

Inihilamos niya ang mga kamay niya sa mukha niya. Pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “It’s not what you think.” Namumula na rin ang mga mata niya. “I... I... like her.” tiningnan niya ako sa mga mata at umiling. “But... I don’t like her. Damn.” Pinunasan kaagad niya ang luhang bumagsak sa mga mata niya.

Naguluhan ako sa mga sinabi niya. He likes her pero hindi?

“Hindi kita maintindihan Geff,” sabi ko sa kanya.

Bumagsak ang mga kamay niya sa kanyang gilid ngunit nanatili ang malalim niyang titig sa akin. Namumula pa rin ang mga mata niya.

“I like her.” Napatingin ako sa ikinuyom niyang mga kamay. “I’m most probably in love with her.” Halos pumiyok ang boses niya nang sabihin iyon.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung gusto ko pa bang marinig ang mga sasabihin niya o hindi na. Pero wala akong nagawa kung hindi ang manigas sa kinatatayuan at ang makinig sa kanya.

“But I only did because... I see you in her.”

Nablangko ang utak ko dahil sa sinabi niya. What?

“When I’m with her, it’s like I am literally with you. When I look at her eyes, it’s like looking in your very own eyes. When she sings, it’s like I’ve been hearing your voice singing to me. When she’s with me...” Iba’t ibang emosyon ang naglalaro sa mga mata niya.

“... I want to forget everything and just like her, love her, take care of her... and never, ever let go of her.”

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jane’s POV

Nagpaalam na si Neth sa amin kanina. Ang sabi niya ay may pupuntahan daw siya. Okay. I’m not bitter or something, alright! Wala akong pakialam kung magkikita sila ni Geff o kung ano. As in! Wala akong pake!

“Ano nanaman ‘yang pinaghihimutok mo dyan?” Nawala ako sa mga iniisip ko nang bumungad sa harapan ko ang pagmumukha ni Grace.

Kumunot ang noo ko. Kunwari ay wala akong ideya kung ano ang tinutukoy niya. “Ha? Ano bang sinasabi mo dyan?”

Bumaling ako kay Al. “Best, hindi ba ulit makakasabay sa atin si kuya?” Ito ang mahirap kapag nasanay na ako sa paghahatid sa amin ni kuya sa pad namin. Hinahanap-hanap ko tuloy siya.

Umiling si Al. “Nope. Alam mo namang busy sila ng mga Waldroves para sa Sabado.”

Nag pout ako. Namimiss ko na si kuya. Simula ‘nung gabing nailigtas nila ako ni Geff sa building na ‘yon ay hindi ko na ulit siya nakausap. Nainis din siya sa akin dahil ayokong magpadala ‘non sa ospital at ayoko ring ipaalam sa school ang nangyari.

“Gusto mo pumunta tayo sa practice nila?” pagtatanong ni Al.

Huminga ako ng malalim. “‘Wag na lang siguro. Baka maging distraction lang tayo ‘dun kapag nagkataon.” Kailangan talagang mag focus ni kuya sa practice at baka masira ko lang ‘yun kapag nagpakita pa ako sa kanya.

Pinulupot ni Al ang kamay niya sa braso ko tulad ni Grace. Nilingon ko naman iyong isa at mukhang naging tahimik.

“Grace. Bakit ang tahimik mo yata?”

Napatingin naman siya sa akin at mukhang nagulat siya sa tanong ko. “Oy hindi ah. May iniisip lang ako.” at tumingin ulit siya sa nilalakaran namin.

Nagkatinginan kami ni Al. “Wow. Kailan ka pa natutong mag-isip?” pang-aasar niya kay Grace.

“Che! Ewan ko sa’yo Liz!” at tumawa siya.

She’s obviously not in her usual self. Normally, lagi siyang may pang-asar pabalik kay Al kapag nagbiro na siya sa kanya pero ngayon parang wala siya sa mood hindi katulad kanina na wagas ang tawanan namin. Ano kayang nangyari dito?

Nagpaalam na kami kay Grace nang makarating na kami sa Main gate at nakitang naroon na ang sundo niya.

“Bye Grace. Ingat.” at hinalikan ko siya sa cheek niya. “Smile ka na ulit ah?” sabi ko pa.

Hinalikan din siya ni Al sa pisngi niya at kinurot pa ito. “ARAY!” sabay hawak sa pisngi niyang namumula. “Bully ka talaga kahit kailan Liz!” mangiyak-ngiyak na sabi niya pero natatawa na rin.

“Huwag ka na kasing sumimangot, hindi bagay sa’yo. Para kang nananakot sa itsura mo eh malayo pa naman ang Halloween.” Hindi ko na napigilan at natawa nanaman ako.

“How mean.” at ngumuso pa siya lalo.

Nagkulitan pa kami hanggang sa natawa na talaga ng bongga si Grace bago siya tuluyang sumakay sa sasakyan nila. Mabuti nga at hindi naman nagreklamo iyong driver nila. At least napasaya namin si Grace.

Sumakay na kami ni Al sa isang jeep. Mabuti na lang at kaunti lang ang sakay kaya naman hindi masikip. Mabilis din naman kaming nakauwi sa pad namin.

“Al, may sasabihin ako sa’yo,” sabi ko habang tinatanggal ang sapatos ko. Mabagal pa rin ang pagkilos ko dahil sa mga pasa ko sa katawan.

“Ano ‘yon?” kunot-noong tanong niya habang sinesenyasan akong umupo sa tabi niya sa sofa.

Kay Al ko lang nasasabi ang ilan sa mga sikreto ko at masaya ako dahil doon. Sa mga panahong nararamdaman kong sobra sobra na iyong nararamdaman ko, na para bang sasabog na ako kapag wala man lang akong nakausap tungkol doon, heto si Al at handang makinig sa akin. Sa mga nagdaang araw, sobrang dami kong nalaman na kung iisipin ay imposible na ngang maging totoo pero wala akong magagawa dahil sinasampal na ako ng katotohanan.

Sarili ko lang ang lolokohin ko kung pati iyon ay hindi ko pa paniniwalaan kahit na marami na akong nakitang magpapatunay sa lahat ng mga iyon.

“Iyong nangyari sa akin,” pagsisimula ko. Umayos bigla si Al sa pagkakaupo at ang buong atensyon niya ay itinuon sa akin.

“Okay lang ba sa’yo na pag-usapan na natin ang bagay na ‘yan? I mean, I understand if you still don’t want to talk about it pero Aya...” Kinuha niya ang mga kamay ko at pinisil-pisil iyon. “Sobrang nag-alala ako sa’yo ‘non! Kahit si Nathan nga inaway ko pa dahil pinauwi niya ako at ayaw niyang tulungan ko siya sa paghahanap sa’yo! That bastard.” Umiling-iling siya. Natawa naman ako dahil ano pa nga ba ang mangyayari kapag silang dalawa ang pinagsama? I can’t imagine!

“Okay na ako Al.” Huminga ako ng malalim. “Na-trauma ako sa nangyari oo, pero ayos naman na ako lalo pa’t alam kong nandyan naman kayo sa tabi ko.”

Tiningnan ako ni Al at para bang naiiyak siya na ewan. “Don’t cry on me Al. Mas bagay sa akin ‘yan kaysa sa’yo!” at parehas kaming natawa.

Huminga ulit ako ng malalim at naging mas seryoso na. “Naaalala mo ba noong umalis ako sa club room natin? ‘Nung maglilinis sana tayo?” Tumango naman si Al at nakakunot ang noo, nagtataka at kung bakit ko doon sinimulan ang kwento ko.

Ikinuwento ko sa kanya na nakatanggap ako ng text galing kay Phin. Well, ipinagpalagay kong galing iyon sa kanya dahil iyon ang nakalagay sa mismong text. Pero nalaman ko rin na hindi siya iyon at isang set-up ang nangyari. Those who planned to capture me lured me in that deserted place by giving me that mysterious text. Hanggang ngayon ay sarili ko pa rin ang sinisisi ko dahil napaka-naive ko para maniwala sa simpleng text na ‘yon. Huli na ang lahat nang marealize ko ang lahat ng iyon.

“Pero bakit naman si Phin pa ang pinili nila para magkunwaring nagtext sa’yo?” she asked no one in particular. Kahit ako ay ‘yun din ang inisip. Yes, Phin and I are friends but we’re not that close. Maiintindihan ko pa kung si Neth dahil masasabi kong malapit talaga ako sa kanya. They can even use kuya’s name. Hindi naman pwedeng si Al o si Grace dahil kasama ko sila sa club room noon. It doesn’t make any sense.

Kahit na isipin kong planado ang lahat, hindi pa rin ako makakuha ng kahit anong rason para gamitin ang pangalan ni Phin. Kahit na may nagmamatyag sa akin ay imposible pa rin dahil hindi naman kami madalas na magkasama.

“It’s obvious that they hurt you really bad. Hindi mo talaga masisisi si Nathan sa pag-iinarte niya.” Matatawa na sana ako sa ginamit na term ni Al sa inakto ni kuya kung hindi ko lang nakita ang seryosong pagtingin niya sa mga pasa ko sa braso. Siguro ay mapapraning din ‘tong si Al kapag nakita niya ang malaking pasa ko sa abdomen part ko. Sinigurado ni Geff noong araw na ginamot niya ako na wala naman daw internal bleeding doon. Tinanong ko siya kung paano niya nalaman iyon pero nagkibit-balikat lang siya.

“Okay na ako Al,” pag-aasure ko sa kanya. “Besides, may gusto pa akong sabihin sa’yo na gusto kong pag-usapan natin.”

“And I bet this should and must be with our ears only.” Bestfriend ko nga ang isang ‘to. She can clearly think ahead of me dahil kilalang-kilala na niya ako.

“Yes,” pagsang-ayon ko.

“No Nathan,” dagdag pa niya, nakataas ang kilay.

“No Nathan,” pag-uulit ko habang nakangiti.

“Okay. Shoot."

“My twin sister is alive.”

Natulala sa akin si Al na mukhang hindi makapaniwala. Hanggang sa dahan-dahang nalaglag ang panga niya. Umiling-iling pa siya’t sinubukan na magsalita pero wala siyang masabi.

Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang dagdagan pa ang sinabi ko. “And I already know my full name.”

“Bloody hell—”

“AL!” jusko! I really don’t want to hear any of Al’s curses! Masakit sa tenga!

“Oh my God Jane Alvarez!” hindi makapaniwalang sambit niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa dahil sa sinabi niya o dahil sa ekspresyon ng mukha niya.

Nasa mukha niya ang pag-aalala pero mas nangingibabaw doon ang kasiyahan dahil alam naming parehas na marami pa akong malalaman tungkol sa sarili ko dahil sa mga nalaman ko.

Hindi na nakatiis pa si Al at dumiretso sa kitchen para kumuha ng juice. Mukhang alam na niyang mahaba-haba pa ang pag-uusapan namin.

Pagkabalik niya ay pinandilatan niya ako ng mata. “Spill the entire details young lady. And don’t you dare filter any of them!” Kilala na talaga ako ng babaeng ‘to. Alam niyang pipiliin ko talaga iyong mga gusto ko lang i-share. At dahil sinabi niyang no filter, I guess I need to be honest as much as possible with her, even just for the night.

“I am Angel Miracle Yllana, AMY for short,” panimula ko. Nakanganga pa ring nakatingin sa akin si Al.

Umiling-iling siya’t hindi pa rin makapaniwala. “Then...?” hindi mapakaling sabi niya. So eager for information Al!

“... and my twin sister is Angel Liberty Yllana, ALY for short.”

“So ibig sabihin totoo pala ‘yung nakasulat ‘don sa picture niyong tatlo kasama si Tim?” Which reminds me...

Kinuha ko ang bag ko na nasa tabi ko’t kinuha ang wallet ko kung saan ko inilagay iyong picture na ibinigay sa akin ni Al na nakuha naman ng huli sa wallet ni kuya.

Tiningnan ko ulit ang nakasulat sa likod.

ALY<3AMY<3TIM

“I wonder kung maging iyong Tim ay abbreviation lang sa totoo niyang pangalan,” bulong ko sa aking sarili. Not impossible since parehas na abbreviations lang ang sa amin ng kakambal ko.

Nasagot na ang ilan sa mga katanungan ko tungkol sa mga alaalang gumugulo sa isip ko. Iyong tanong ko kung bakit Miracle ang tawag sa akin noon ni Drew pero nagpakilala ako bilang si Angel. Angel Miracle.

At kung bakit Drick ang itinawag ko sa kanya when in fact ipinakilala niya ang sarili niya bilang si Drew. Geoffrey Andrew Kendrick.

Everything fits so perfectly.

Pinagmasdan kong muli iyong larawan naming magkakaibigan. Hindi nga maipagkakailang si Neth itong nasa picture. Bakit ba hindi ko napansin kaagad? We are so identical na mahirap talagang madistinguish kung sino ang sino.

Pinagmasdan ko pa iyon ng maigi at parang somehow ay nakita ko na ang mukhang iyon. Kahit na ito na ang ikalawang beses na nakita ko ang picture na ‘to, may bumabagabag pa rin sa utak ko na nagsasabing nakita ko na ang mukhang ito dati pa. My face.

At para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may maalala ako.

“Sister, sino po siya?” I remembered myself asking the same question as I looked inquiringly at the beautiful picture of a young girl which was hanged perfectly at the white wall behind Sister Malou.

And I remembered perfectly what answer she gave me.

“An angel.”

Oh my God. May alam sila.

They lied to me... just like the others.

At hindi ko matanggap ang katotohanang ginawa nila iyon para protektahan ako. This reason is starting to get on my nerves.

Matapos naming mag-usap ni Al ay dumiretso na ako sa kwarto namin. Nagluluto si Al sa kitchen kaya naman ako lang mag-isa dito. Hindi ko muna sinabi sa kanya ang naalala at nalaman ko.

Pumunta ako sa malaking bintana ng pad namin at hinawi ang kurtina. Bumungad kaagad sa akin ang buwan. Crescent moon. Namiss ko ang pagtingin doon. Ito ang ginagawa ko kapag gusto kong pakalmahin ang lahat ng mga emosyong nararamdaman ko at kapag gusto kong linawin ang magulo kong utak.

Kailan kaya matatapos ang problema kong ‘to?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------