♪ Chapter 31: Pain
Jane’s POV
“I was just thinking about... about
who Angel Miracle Yllana is.”
Oh my goodness!
Seriously! Hindi ko maimagine na sinabi ko ‘yun! Me and my big mouth!
I sigh. I just can’t
help myself but to ask, that’s all. Masyado na akong naguguluhan. Gusto ko na
ng mga kasagutan. Pero pakiramdam ko lahat ng mga taong nasa paligid ko, iyong
mga may alam, wala na silang ginawa
kung hindi ang magsinungaling.
Gywneth Clementine
Flores... Angel Liberty Yllana...
“Ilang taon na ang nakalipas pero
hindi pa rin nawawala ang galit ng boss namin sa pamilya ninyo, sa mga Yllana.
Pero ilang taon na rin ang nakalipas simula nang huminto na siya sa pagmamanman
sa inyo kaya nagulat kami nang inutusan niya kaming kunin kayong kambal.”
“... you’re our Angel Miracle. AMY
was what your real parents used to call you but your brother and twin and
bestfriend prefer Miracle. A and M stands for your name so we suppose that your
surname starts with letter Y. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming idea.”
Angel
Miracle...Yllana...
Oh God. I can’t imagine
it. I can’t even think about it. This is so surreal, almost the impossible.
But not impossible.
I trailed my hand on
the mahogany banister as I went down from the rooftop. Tantya ko ay mahigit
isang oras akong tumambay doon. Siguro napapansin na rin nila Al na medyo
umiiwas ako sa kanila. Kahit si kuya ay hindi ko masyadong kinakausap. Kapag
kasi nakakasalamuha ko sila, bumabalik sa alaala ko iyong mga nangyari noong
kinuha ako. Iyong mga panahong ang akala ko ay mawawala na ako sa mundong ‘to.
It’s not that I don’t want to be with them or see them, but I need time. I
badly needed time bago ako bumalik sa dati. Parang bangungot ang lahat. Ayoko.
Ayokong balikan...
“Jane?” I
heard a familiar voice called me. Paglingon ko, nakita ko si Geff.
Then I felt again the
fast thump thump of my heart.
Nag-iwas ako ng tingin.
“I’m here. I’ll always be here.”
“Jane,” he
called my name again. Bakit ba ang sarap pakinggan ng boses niya kapag
tinatawag niya ako? I inwardly groaned. Jane! Nababaliw ka na!
“God, Jane... what did you do to
me?”
“Jane.”
“Ah—Ha?” Pagtingin
ko sa kanya, nakita kong nakatingin din siya sa akin na para bang matatawa na
siya.
Kumunot ang noo ko at
ngayon ko lang narealize na kanina, as in kanina pa niya ako tinatawag at para
akong shunga na nakatulala sa kung saan! Hindi na ako magtataka kung kukunin
niya ang cellphone niya at tatawag sa isang mental hospital at irereport na
mayroon silang pasyenteng nakawala! OMG! Lupa, please lang bumuka ka na!
“B-Bakit ba?” tanong
ko na kunwari iritado na sa paulit-ulit niyang pagtawag sa akin kahit sa totoo
lang ay wala talaga akong pake kung gawin niya ‘yon kahit magmukha pa siyang
sirang plaka. I really wouldn’t mind, I might even enjoy it myself. Pero
syempre hindi pa ako baliw para sabihin ‘yun sa kanya.
I mentally chastised
myself. Saan na nanaman ba napapadpad ang utak ko?!
“Para kasing paiyak ka na kanina at any time malalaglag
ka sa hagdanan kaya... uhm... okay ka lang?” This
time ay seryoso na ang mukha niya at talagang naghihintay siya ng sagot.
Isa siya sa mga taong
nakakaalam kung anong nangyari sa akin noong gabing ‘yon kaya normal lang
siguro na mag-alala siya. Yes, this is a normal act of a friend, a normal
question from a friend.
“Okay lang ako. I’m moving on,” I said, nonchalant.
Tumango-tango siya na
para bang naiintindihan niya ako pero napansin kong nakaigting ang panga niya.
Nakakunot din ang noo niya na parang may malalim na iniisip.
“Right,” sagot
niya pero hindi ko alam kung galit ba siya o ano dahil sa expression ng mukha
niya.
“Geff,” tawag
ko sa kanya nang may maalala ako. Agad siyang tumingin sa akin nang tawagin ko
siya at ang kanina’y hindi ko maintindihang ekspresyon ng mukha niya, ngayon
naman ay malinaw na sa akin.
He was astonished, in
awe, grateful... all in one face.
Bwisit na ekspresyon
yan! Nabablangko na naman ako! Syet! Ano ba ulit ‘yung itatanong ko?! Oh my
God!
“Hmm?” tanong
niya.
OMG! OMG! OMG!
“A-Ano... uhh... n-nakita mo ba si Darren?”
Huh? Wait... bakit ‘yun
ang itinanong ko? AH!
“K-Kasi may practice kami ngayon sa club kaya...
uhh... kapag nakita mo siya pakisabi na lang na diretso na siya doon,” dire-diretso kong sabi at nilagpasan na siya. I
didn’t dare take a look at his face for the second time dahil ayokong
makumpirma kung ano ang unang nakita ko nang itanong ko sa kanya iyon.
“God, Jane... what did you do to
me?”
Naku Geff! Hindi ko rin
alam kung anong ginawa mo sa akin! Kailan ba ‘to nagsimula? God I can’t even
remember. At lalong ayokong isipin
kung ano ‘to. Ayoko ring isipin na sa bawat araw na lumilipas, mas tumitindi
ang epekto mo sa akin.
Oh please... please spare me from feeling this way...
------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Oh, here she comes alright,” narinig kong sabi ni Michael nang pumasok ako sa
WSMC room namin.
“Uh-oh. Buti wala pa si Amirah ngayon kung hindi
lagot ka!” dagdag pa ni Derrick habang
tumatawa. Kasalukuyan niyang inaadjust ang strings ng bass instrument niya.
Muntik ko nang
makalimutan. Matapos ko pa lang magpaalam sa kanila, noong maglilinis sana kami,
na may pupuntahan lang ako sandali pero dahil nga doon sa nangyari ay hindi ko na nagawang makabalik. Lagot ako.
“Uhh... m-magpapaliwanag na lang ako sa kanya
mamaya.” This is embarrassing.
Baka mamaya galit na sa akin ang mga ‘to dahil tinakasan ko sila. O di kaya
iniisip nilang napaka-iresponsable ko! Paano kung iniisip nila na hindi ko
deserve mapabilang sa Walden Symphony
Music Club? Oh no...
“Jane! YOU’RE BACK!” Bago ko pa malingon iyong sumigaw ay bigla na lang
may dumamba sa akin mula sa likod. Medyo nasaktan pa ako dahil natamaan niya
ang ilan sa mga pasa ko sa katawan pero wala akong pakialam dahil alam kong si
Amirah itong yumakap sa akin at mukhang na-miss yata ako. Kaso nang lingunin ko
siya ay tinamaan agad ako ng konsensya.
“Amirah. Sorry pala kung—”
“OMO! Ayos ka na ba? Magaling ka na ba? Sabi kasi ni
Liz nagkasakit ka raw kaya umuwi ka ng maaga,” sabi niya habang mahigpit na nakahawak sa mga kamay
ko at sinusuri ako mula ulo hanggang paa.
Doon ko lang napansin
na lahat sila ay nakatingin na sa akin at hinihintay ang sagot ko. Kinagat ko
ang labi ko para pigilan ang ano mang emosyon sa paglabas.
Nag-aalala sila...
“Okay na ako! Hindi niyo naman kailangang mag-alala.
Simpleng... uhh... sakit lang naman ‘yon,” pagpapaliwanag
ko. ‘Wag lang sana magmukhang hindi totoo.
Dahan-dahan naman
silang tumango. Nakahinga ako ng maluwag. Pero...nagsinungaling ako...
Bigla namang pinagdaop
ni Amirah ang mga palad niya na para bang may sasabihin siya sa aming magandang
balita na ngayon lang niya naalala.
“GUYS! Pumayag na pala ang Crimson na makipag-partner sa atin sa Feast Day Concert!”
Napansin ko ang
biglaang paglaki ng mga mata nila Michael at Derrick na para bang ibinalita
lang ni Amirah na bukas ay magugunaw na ang mundo.
“Sigurado ka?!” “Are you serious?!” sabay nilang sigaw.
“Ano ‘yung Crimson?”
inosente kong tanong. Wala kasi
akong maintindihan sa komosyong nagaganap sa tatlong ‘to.
Binigyan ako ni Amirah
ng tingin na nagsasabing “Good question
Jane!”
“Sila lang naman ang mga naggagwapuhan, mga
talented, God’s gift to women—”
“They’re just a bunch of fame-seeking, bigheaded and
scrawny dudes,” putol ni Michael
sa sinasabi ni Amirah.
Bigla namang namula ang
buong mukha ni Amirah. “How dare you—”
“And you girls are like head over heels, drooling over them like they were some cool and
good looking guys—”
“Hell they are! Unlike you—”
“Don’t you dare try to compare me with them. That’s
not possible. They can’t even stand a chance.”
“What’s wrong with you?!”
Lumapit ako kay Derrick
at bumulong. “Ganyan ba talaga sila
mag-away? As in pure English?” Naalala
ko tuloy iyong una naming pag-aaway ni Geff. Naramdaman ko tuloy ang pamumula
ng mukha ko. Good thing ay hindi nakatingin sa akin si Derrick.
“Sinabi mo pa,” sagot
niya sa akin.
“Pero hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot ‘yung
tanong ko. Ano ba kasi ang Crimson at
talagang pinag-awayan pa nila Amirah at Michael?” Halos lumuwa naman ang mga mata ko nang biglang may
hawak na si Amirah na isang librong hard-bound at mukhang ibabato iyon kay
Michael. Tumakbo kaagad si Michael habang hinahabol naman siya ni Amirah.
“Ah! Oo nga pala. Kung ang club natin ay basically,
kumakanta at tumutugtog ng intruments, ang Crimson
naman ay binubuo ng members na may talent sa pagsayaw. Like, they can do
amazing dance steps and do crazy stunts, whatever they call it. Kung
pagsasamahin iyong dalawa sa concert, all I can say is that it is indeed a
perfect combination.”
“Pero bakit gulat na gulat kayo nang sabihin ‘yun ni
Amirah? Hindi ba kayo nagsama noong nakaraang Feast Day?” Ang alam ko ay
taon-taon iyong ginaganap kaya naman sigurado akong may event din na ganito
last year.
“Mas gusto kasi ng Crimson na sila lang doon sa isang event na gagawin nila. Ang gusto
nila, sila lang ang center of attraction,
kumbaga ayaw nila nang may nakakaungos sa kanila. That was just according to
our observations pero hindi ko naman sinasabing gano’n talaga ang intensyon
nila kung bakit hindi sila nakikipag-partner sa ibang clubs na common namang
nangyayari sa loob ng campus.”
Okay, mukhang
naiintindihan ko na. Ibig sabihin ay first time lang ngayong magkakaroon ng event
kung saan magsasama ang Black Raven at
Crimson. I beamed at him. Nakakaexcite
kung gano’n!
Sa wakas ay kumalma na
si Amirah at mukhang napagod na sa kakahabol kay Michael. Nagpaalam lang siya
na lalabas sandali para hanapin si Chenille.
“Ang mean mo kay Amirah,” puna ko kay Michael habang umuupo ako sa tapat ng
pianoforte.
“Nakakainis naman kasi siya,” bulong niya habang hinahaplos iyong braso niya na
napuruhan yata ni Amirah kanina.
Ahem. Mukhang alam ko
na kung bakit niya inaway si Amirah. He is, without doubt, jealous, people!
Napapangiti na lang ako
habang umiiling. Boys with their weird
actions...
I ran my hands over the
white keys after I opened the cover of the pianoforte. Na-miss ko na talaga ang
pagtugtog.
Sinubukan ko munang
pumindot ng ilang keys, tinitingnan kung naaalala ko pa kung paanong tumugtog.
“Marunong ka palang magpiano?!” bulalas ni Michael. Natawa naman ako sa reaksyon
niya. Tumango ako.
“Wow,” puna
ni Derrick. “Ang buong akala ko bass
lang ang tinutugtog mo,” dagdag pa niya.
Habang tumutugtog ay
hindi ko na napigilang hindi kumanta.
‘Right from the start
You were a thief
You stole my heart
And I your willing victim
I let you see the parts of me
That weren’t all that pretty
And with every touch you fixed them.’
Biglang tumugtog si
Michael sa drums niya para sabayan ako kaya naman lalo akong ginanahan.
‘Just give me a reason
Just a little bit’s enough
Just a second we’re not broken just bent
And we can learn to love again
It’s in the stars
It’s been written in the scars on our hearts
We’re not broken just bent
And we can learn to love again.’
Mas nawindang ako nang
bigla ko na lamang narinig ang isang boses na kumakanta at paglingon ko, si
Derrick na nakangiti sa akin! Halos malaglag ang panga ko dahil sobra, as in
sobrang ganda ng boses niya! May pagka-countertenor ang timbre ng boses niya
unlike Darren na tenor talaga but nevertheless, wala akong masabi sa boses
niya, handsdown!
‘I’m sorry I don’t understand
Where all of this is coming from
I thought that we were fine
Your head is running wild again
My dear we still have everythin’
And it’s all in your mind.’
Habang kumakanta tuloy
siya ay hindi ko napigilang hindi sabayan. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng
ganito. Dahil sa maikling panahon na ‘to kasama ang ilan sa mga kaibigan ko ay
pansamantala kong nalimutan ang mga problema kong dinaig pa ang puzzle sa
sobrang gulo.
Tinapos namin ang buong
kanta at bago ko pa mapansin ay narinig ko na lang ang palakpakan sa harapan ng
pintuan ng clubroom.
Doon ay nakita ko sila
Amirah at Chenille na nakanganga pa rin habang pumapalakpak, si Al na
naka-thumbs up, si Grace na nakahalukipkip at may ekspresyong nagsasabing expected from a Jane Alvarez, si Darren
na nakangiti habang pumapalakpak din, ilan pang mga lalaking hindi ko kilala at
nakikipalakpak din... at si...
... Geff... na prenteng
nakasandal sa haligi ng pintuan habang nakahalukipkip at pinipigilan ang sarili
sa pagngiti nang magtama ang mga mata namin.
OhEmGee. What’s he
doing here?! Deep inside ay natataranta na ako pero pinilit ko pa ring ngumiti
sa kanilang lahat.
“Pwede naman pala nating gawing vocals itong si Jane
eh!” sigaw ni Amirah at
kasunod naman nito ang sunod-sunod na pagtango ng iba.
“Sinabi mo pa. Kulang lang siya sa exposure pero
kaya naman niya,” dagdag pa ni Al.
“So, ibig sabihin dalawa na ang vocals natin? As in
gagawin nating duet? Darren at Jane?” sunod-sunod
na tanong ni Grace.
“That’s cool with me,” sagot ni Darren.
At... lahat sila ay
nakatingin na sa akin... na nakatingin lang sa loob ng halos sampung segundong pag-uusap
nila, kay Geff... na nakatulala naman at mukhang may malalim na iniisip.
“Ahem!” awkward
na entrada ni Grace kaya naman napatingin ako sa kanila.
“Ha?” pagtatanong
ko. Syet? Ano ulit ‘yung pinag-uusapan nila?
Natawa bigla si Michael
at Derrick na para bang may naintindihan sila sa sitwasyon dahil sa
pagpapalitan nila ng tingin. Umiiling-iling naman si Al pero nakangiti, si
Grace naman ay nakakunot ang noo habang tinitingnan ako at si Geff, at si
Darren na... well... poker face.
“What?!” Nabalik
ang tingin ko kay Geff dahil sa sigaw niya. Mukhang binatukan siya ng isa sa
mga lalaking hindi ko kilala. Itinuro naman ako ‘nung lalaki kaya napatingin
din sa akin si Geff.
Natulala ako dahil hindi
ko maintindihan ang nangyayari. Nanlaki naman ang mga mata ko nang napagtanto
kung tungkol saan iyon. The heck! Did they just... saw me... gawking at... him?!
Jusko! Seryoso?! Nakita
nila?! OMG!
Nagreready na sana ako
para tumakbo dahil sa kahihiyan at mukhang hindi yata bubuka ang lupa para
kunin ako nang bigla na lang silang nagtawanan lahat.
Kinagat ko na lang ang
labi ko, yumuko, at nagconcentrate sa pagpisil-pisil sa mga daliri ko. Putek!
Wala na yata akong mukhang maihaharap bukas!
“Ang ganda ni Jane ‘pag nagba-blush!” narinig kong sabi ni Chenille. Ito ang first time
kong narinig ang boses niya sa araw na ‘to.
Matapos nila akong
i-bully—OO! Para sa akin binully nila ako!—ay nagpakilala na iyong mga lalaking
hindi ko kilala, na ngayon ko lang narealize na pare-parehas na nakajacket ng
red, sa amin. Sila pala ang Crimson na
pinag-uusapan lang namin kanina. And guess what. Geff is their newest yet one
of the best members. My jaw went slack upon hearing that. Seriously? Gano’n ba
talaga siya ka-talented? Ang alam ko magaling din siyang mag-soccer. At narinig
ko na rin siyang magpiano.
Kung hindi lang talaga
crowded dito sa kinalulugaran ko, kanina ko pa sana binatukan ang sarili ko!
Grabeng distraction, disturbance, imbalance, at madness ang nagaganap sa akin
kapag nandito siya. Lalo na kapag naiisip kong kanina pa sila — lalo na siya! —
na nanunuod sa pagtugtog at pagkanta namin.
I literally want this
day to be over! Masyado nang kumota ang kahihiyan ko sa araw na ‘to! I need to
take a break!
Mabuti na lang at may
dala nanamang delicacy itong si Chenille na ang tawag daw ay soufflé.
Based sa sinabi ni Chenille, gawa raw iyon sa whisked egg whites with baked
thick milk sauce. Seriously, wala akong naintindihan doon, basta ang masasabi
ko lang, SOBRANG SARAP!
Kaming mga girls lang
ang kumakain, except kay Amirah, habang ang iba naman ay kausap ang Crimson. Hindi na ako magtataka kung
bakit nando’n si Amirah dahil siya naman ang president ng club namin.
Nagkwentuhan lang kami,
trying to catch up on things, nang bigla na lang nagpuntahan ang iba sa pwesto
namin. Malaki talaga itong club room namin (sosyal nga kasi sila, remember?)
kaya hindi problema kung marami kami. Mukhang inexpect na ni Chenille na marami
kami sa araw na ‘to kaya naman marami rin siyang hinandang soufflé.
Wala akong pakialam sa
paligid ko ngayon dahil ayun nga at gutom ako! Gawa ng sobrang kahihiyan,
ginutom tuloy ako! Pero lahat ng focus ko sa pagkain at ang barrier na ginawa
ko sa pagitan ng pagkain ko at sa paligid ko ay biglang nasira! Nagiba! Parang
nagslow motion ang lahat, naging mute ang mga boses ng mga kasama ko, at naging
hyper aware ako sa kung anong dumantay sa kaliwang balikat ko.
I would know his scent anywhere in the world. Kaya naman ipinagpatuloy ko lang ang pagkain at
ginawa ang makakaya para hindi siya lingunin at ‘wag ako masyadong maggagagalaw.
Pero halos mapatalon ako maging ang puso ko nang naramdaman kong may humawak sa
bewang ko at inilapit pa ako lalo sa kanya. Inayos din niya ang pagkakahiga
niya sa balikat ko.
Kinakabahan kong
tiningnan ang iba pero pare-parehas lang naman silang nag-uusap at walang
kaalam-alam sa komosyong nangyayari dito.
Naglakas loob na akong
tingnan siya at isang nakapikit na Geff Mendez ang bumungad sa akin.
“Uhh... Ayos ka lang ba?” bulong ko sa kanya. Tingin ko naman ay narinig niya
dahil sumagot siya, still with his eyes closed. “Just tired from the practice.”
“Practice saan?” I
queried. Oo na! Ako na kasi ang curious!
“Dance.” At
oo! Isang tanong isang sagot naman ang drama niya.
“You know, may futon kami doon sa kabilang kwarto.
You might want to rest there. Baka kasi magka-stiff neck ka dyan sa posisyon
mo.” Okay, gumagawa lang ako
ng palusot. Paano ba naman kasi ang awkward lang kaya ng posisyon namin! At ang
bilis na talaga ng tibok ng puso ko na sana ay hindi naririnig nitong katabi
ko.
Halos umusok ang buong
mukha ko nang mas hinigpitan niya ang hawak niya sa bewang ko at mas lalo
siyang sumiksik sa akin. I can literally feel his breathe on my neck as well as
his warmth against me.
“I don’t care. I want to be here.” He threw me a quick and hard glance. “Now shut up and just eat. Don’t mind me,” he
chided then decided to close his eyes again.
Aba’t talaga naman! Ang
ganda ng sagot! Ang sarap naman palang supalpalin ng mukha nito! Anong akala
niya sa akin? Stuff toy? Na pwede niyang yakapin, anytime, anywhere?! Nako!
Kung hindi ka lang... nevermind.
At tulad nga ng sabi
niya ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain tutal wala namang mangyayari kung
maaasar lang ako sa kanya. Might as well savor the moment. ‘Yung pagkain ng
dessert ang sinasabi kong ise-savor ko ah! Hindi itong si Geff! Utang na loob
lang!
“OMG,” narinig
kong bulong ni Grace kay Al at sabay silang napatingin sa akin kaya naman
huminto, midair, iyong kutsarang hawak ko na may lamang pagkain.
“What?” I
mouthed at them.
Then they gave me this
weird look. Yeah I know. They’re obviously teasing me dahil dito sa katabi kong
ginawa akong unan o stuff toy. I rolled my eyes at them as a way of my reply.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Neth’s POV
Halos hindi ko
mapigilan ang sarili ko mula sa pagngiti habang naglalakad papunta sa room namin.
Una, dahil inaya ako ni Kuya Raph na mamasyal bukas! Hindi nga lang niya sinabi
kung saan kami pupunta. Surprise daw kasi. Excited na ako dahil sobrang dami
kong gustong malaman! Tulad na lang ng mga bagay tungkol kay mama, uhh... doon
sa totoo kong mga magulang. Ang una ko pa lang na nakikita ay ang mukha ng mama
ko sa video na kinuha — hiniram — ko sa WSMC. Ibabalik ko rin naman pero hindi
pa ngayon.
Wala akong masabi dahil
sobrang ganda niya! I mean, hindi ko lubos maisip na anak niya ako. Pero kung
titingnan ko si Raph, may pagkakahawig silang dalawa. Pero hindi pa ako pwedeng
magconclude dahil hindi ko pa alam kung anong itsura ng totoo kong papa.
Ang hirap nito. Mama at
Papa din ang tawag ko kela... uhh... sa mga umampon sa akin. Hindi naman ako
sanay kung Mommy or Mom tapos Daddy or Dad ang itatawag ko sa totoo kong mga
magulang.
Nang malapit na ako sa
room, doon ko naman naalala ‘yung ikalawang dahilan kung bakit ako masaya sa
araw na ‘to. Geff just asked me out!
Okay. I know masyado
lang akong OA Hindi niya ako inaya sa date o kung ano pa man. Sinabi lang niya
sa akin kung pwede ba raw kaming mag-usap at ang sinabi niyang kitaan ay kung
saan daw kami unang nagkausap. Isang beses ko pa lang naman siyang nakakausap —
ng matino — at ‘yon ay nang nakita ko siya sa auditorium na tumutugtog ng
piano. Noong panahong magpapractice sana kami ni Jane para sa isang
presentation pero hindi siya nakarating.
Kung saan tinanong niya
ako kung may kilala ba akong Drew o Drick at syempre ay sinabi ko ang totoo.
Wala akong kilala na gano’n ang pangalan. Pero meron na akong hula na kilala
niya si Angel, tulad ni Phin dahil sa itinawag niya sa akin noong una niya
akong nakita sa orphanage. Hindi nga lang nila alam na ako siya dahil nga iba
ang pangalang ginagamit ko.
Naaalala ko rin kung
paanong napansin ni Geff iyong maliit kong scar sa kaliwang kilay ko na tanging
palatandaan din sa akin ni Jayvier.
How ironic.
Hindi pwedeng coincidence lang ang
lahat.
Nang nakarating na ako
sa room namin, nakita ko kaagad ang kumpulan nila Grace, Liz, Jane, Darren,
at... Geff. Hmm... ano kayang pinag-uusapan nila?
“Kung gano’n nga ang mangyayari, kailan tayo magsisimulang
magpractice? Pati kailan natin pag-uusapan ‘yung preparations?” narinig kong tanong ni Grace sa iba nang makalapit
ako sa pwesto nila. Nakita naman ako nila Jane at Liz kaya inaya rin nila akong
lumapit sa kanila.
Nagulat na lang ako
nang niyakap ako ni Jane sa bewang ko. Umupo kasi ako sa desk niya habang siya
naman ay nakaupo mismo sa upuan. Kahit kailan talaga ang lambing nito. Kaya
naman minsan nakakaguilty kapag may nararamdaman akong inis sa kanya lalo na
‘pag dating kay... Geff. Wala akong magagawa kung nagkataon ngang may gusto si
Geff sa kanya pero may... pinanghahawakan din kasi ako. At hindi ko iyon
magawang makalimutan. Para bang nakatatak na sa akin iyon simula nang sinabi
niya iyon sa akin.
“I will take care of her and will
love her with all my might. Whatever it takes, I’ll give her my life, my soul,
and my heart.”
That was his exact
words. And he was definitely pertaining to me. I’m sure of it.
“Ano pa lang plano ng club niyo sa Feast Day? Hindi ko pa kasi natatanong
si kuya kung sasali siya ‘don kasi nga busy siya sa b-ball match,” tanong ni Jane sa akin.
“Nakipagpartner kami sa Drama Club tapos ang balak naman namin ay magpresent ng isang play.
Kaso this time, gagawa na kami ng original piece hindi katulad dati na nakabase
sila sa classics or musical plays na naipalabas na,” pagpapaliwanag ko. Nakakaexcite nga iyon lalo na nang
nalaman kong member doon si Phin at si Alex. Nagulat talaga ako nang malaman
kong member si Alex! Si Phin pwede pa pero si Alex? Hmm... nakakacurious though
nakita ko naman na kung paano siya mag-act noon sa presentation namin sa
OSWALDS kaso bitin naman kasi ‘yung doon. At least sa play ngayon, mas mahaba
na talaga.
I wonder, kumusta na
kaya ang lalaking ‘yun? Ang alam ko member siya ng isang band, ayon na rin sa
sinabi niya sa akin noong once na napadpad ako sa condo niya. Musical play nga
pala ang napagkasunduan namin at tingin ko ay bagay talaga doon si Alex. At the
back of my mind, gusto ko siyang marinig kumanta.
“Wow.” Bumalik
ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Jane. “So, ibig sabihin mag-aact si Phin?!” tanong niya habang nakangiti.
Natawa naman ako. “Yup! Excited na nga
rin siya eh. Si Alex kasama rin.” Huli na nang marealize kong hindi yata
tamang banggitin ko ang pangalan niya sa harap ni Jane.
Pero ngumiti naman siya
sa akin pabalik kaya nawala ang pangamba ko. “Nako, kunwari mahiyain ang isang ‘yon pero hayop kung umacting ‘yun,
swear! I’ve seen him with my very own eyes. Ganda rin ng boses.”
Umarko bigla ang kilay
ko at hindi ko mapigilang mapangiti. “Oh?”
tanong ko. “Ibig sabihin narinig mo
na siyang kumanta?”
Tumango-tango si Jane. “He used to sing me lullabies, lulling me
to sleep back then.” pagkukwento niya.
This one I remember.
Naikwento na rin niya sa akin na kababata niya si Alex maging si Liz.
Biglang nag-ring ang
bell kaya naman nagsibalikan na ang lahat sa mga seats nila. Bago pa ako
makababa sa desk ni Jane ay lumapit na sa akin si Geff at ginulo ang buhok ko. “Later. Don’t forget,” sabi niya bago
umupo sa seat niya.
Nakita ko ang
pagtatanong sa mga mata ni Jane habang nakatingin siya kay Geff. Mabuti kung
gano’n dahil ayokong makita niya ang nag-iinit kong mukha. Gosh.
OSWALDS ang last class
namin sa araw na ‘to kaya naman hindi nakakabored. Parang values ed lang kasi
ang subject na ‘to. Ibig sabihin wala masyadong stress.
Sinabi sa amin ni Ms.
Salazar, prof namin sa subject na ‘to, na magkakaroon daw kami ng bisita bukas
galing sa isang kilalang kumpanya. Magkakaroon daw ng partnership sa pagitan
nila at ng school namin at bago raw mangyari iyon, gusto raw nilang makita’t
makilala ang mga estudyante. Magandang opportunity daw ito lalo na sa mga
graduating students.
Binuksan ni Miss ang
projector maging iyong computer. May ipinakita siya sa amin na isang
presentation, lahat tungkol doon sa company.
Nagvibrate ang phone ko
kaya naman tiningnan ko kung sino ang nagtext. Okay lang naman tingnan dahil
baka emergency o ano pero kung hindi ay ‘wag na lang magreply. Iyon ang isa sa
mga panuntunan ni Ms. Salazar sa class namin kaya no worries.
From: Kuya Raph
Did you meet your old friend already?Ang sabi niya
sa akin makikipag-usap na raw siya sa’yo kahit hindi mo pa siya naaalala. He
knew everything. Don’t worry, he can be trusted.
Pagkatapos kong mabasa
ang message ni kuya, automatic na napatingin ako kay Geff. Don’t tell me... siya
ang tinutukoy ni kuya? Kung gano’n nga... kilala ba nila ang isa’t isa? So far,
si Jayvier at kuya pa lang ang nakakaalam na may amnesia ako.
He knew everything.
Hindi ko mapigilang
hindi kabahan at the same time ma-excite tungkol dito pero ayokong mag-assume
kaya naman kahit alam kong hindi pwede at baka mahuli ako ni Miss, nanaig pa
rin ang kagustuhan kong malaman ang sagot.
To: Kuya Raph
Si Geff ba?
Kailangan kong malaman.
Pwede ring si Phin ang tinutukoy niya pero ang sabi ni kuya ay he kaya malakas ang kutob ko.
Parang tumigil ang
pag-ikot ng mundo, nawala ang lahat ng mga tunog, at ang buong atensyon ko ay
nakatuon sa phone ko. Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko at pinakiramdaman
ang pusong nagwawala doon habang binabasa ang reply ni kuya.
From: Kuya Raph
Yes. He wants so badly to meet you again. I guess
it’s time. Matagal ka na rin niyang hinahanap.
May naramdaman akong
kung ano sa puso ko. Mabilis nanaman ang tibok nito ngunit alam kong mas
matindi ang dahilan. Some kind of warmth enveloped me, an alien emotion I was
not aware I’m capable of feeling.
And this is bad. Really...
really bad. Dahil alam kong kahit ako ang nauna... hindi pa rin pwedeng mawala
ang katotohanang maaaring hindi na ako ang tanging babaeng nagpapatibok ng puso
niya.
“... paano
kung buhay pa siya? Anong gagawin mo?”
“I’ll
rectify all my wrong doings that separated us. I’ll make her the happiest girl
alive. I will take care of her and will love her with all my might. Whatever it
takes, I’ll give her my life, my soul, and my heart.”
Is this still possible? Will you still do this for
me?
I
guess not. But I’m
still hoping.
Then a new emotion struck my heart. Pain.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------