Chapter 30: Lies

Raph’s POV

“Sir, you have a visitor,” my secretary said.

“Who?” I queried. Tss. Sobrang dami ko pang gagawin. I painstakingly looked at the considerable pile of paperwork in front of me that beg to be finished as I mentally note about my possible visitors.

“Ms. Mildred Maurell, sir.” I hastily perked up upon hearing the name.

“Please, let her in,” I instructed her. Inayos ko muna lahat ng mga nakakalat sa desk ko. I inhaled deeply as I composed myself.

Hindi rin naman nagtagal at pumasok na siya sa office ko. She’s in her usual sophisticated look, way different from my plain mother.

I rise to my feet as I kiss her on her cheek. “Good morning tita.”

She enfolded my face with her well-manicured hands. “Ang gwapo mo pa rin Seraph! Don’t you dare tell tita you still haven’t seen a girl and got her smitten to you!” She’s teasing me again!

“Tita please, just Raph.” She pinched my cheeks. “Tita!” Tumawa lang siya sa sigaw ko.

“Bata ka pa Seraph! ‘Wag magfeeling matanda, okay?” Her gaze shifted from me to my table with its metal plaque where my full name was smoothly engraved.

She arched her brow. “You’re still attending school right?”

I smiled. “Yes tita. Don’t worry; I can manage my time spent here and in my studies. Tito Mark is assisting me in handling the company so...” I shrugged. “... this is just a piece of cake.”

She nodded in agreement. “But still, I’m not okay with the idea that you’re pushing yourself too much. Hindi ba okay kung si Marquis muna ang mamalaga nito habang hindi ka pa nakakatapos sa pag-aaral mo?”

I squeezed her hand.  “Okay lang talaga tita. This can also serve as my training ground since malapit na akong grumaduate.”

Tito Marquis Castellano was my father’s bestfriend and trusted colleague. Magkasama na nilang tinulungan ang isa’t isa sa business world noong kabataan pa nila. When the tragedy happened, he became my second father figure. Siya na ang nag-alaga sa akin simula noon.

I offered the sofa in front of us and asked my secretary to prepare a caffè latte for tita. That’s her favorite drink.

We talked about different things. Starting from her life in London with her husband, who I only knew then, passed away recently. I consoled tita of course, but she just shrugged the gesture off, saying she’s moved on.

“I’ll let you in a secret,” she whispered, like someone who’s plotting a very serious crime. I chuckled. “Sure tita. What is it?”

She gestured for me to come closer so she can whisper it in my ear.

“You’re little sister is alive!” she squealed.

Lumayo kaagad ako dahil doon. Aish! Si tita talaga! It hurts in the ear.

It took me a while to let her words register in my system... then I managed to show her my most expected response.

“Tita, are you sure?” Ito na nga ba ang sinasabi ko. I don’t know how tita managed to get that information but... she has connections, no doubt.

I still wished she wasn’t the girl who Geff happened to encounter, but now proved that she was that girl in spite of everything.

“I met someone. That person told me that Angel Liberty Yllana si alive after all. The thing is hindi niya alam kung saang lupalop siya naroroon.”

I closed my eyes as I pinched the bridge of my nose, like the gesture could help me think more clearly.

“Of course! I wouldn’t tell you if I’m not so sure myself,” she said, matter-of-factly.

“How?” I asked as I looked everywhere but her.

“Pumunta ako sa Heaven Orphanage.”

“What?!” Oh damn it, Raph! “I-I mean, p-paano naman siya napunta doon kung buhay man siya?” Shit.

She pouted. I really doubt my tita’s age. “I hired a private investigator. It took me years to gather this information Seraph! Then, it all led me to that orphanage. Ang weird pa ng mga madre doon noong tinanong ko. Wala na rin si Sister Carmen doon. She was sick according to them but knowing her, alam kong hindi ‘yon mag-aabala pang pumunta sa ospital at magpagamot.”

Unconsciously, I ran my hands through my hair. Tita, I guess, saw how distressed I am. “Don’t worry iho. I’ll make sure I’ll find her soon. Don’t think about this too much, okay? Alam kong masyado kang nagulat.” Oh, tita believe me, you can’t imagine how surprised I was because of your news. “Ganyan din ang reaksyon ko nang nalaman ko ang tungkol sa kapatid mo kaya alam kong natural lang ‘yang nararamdaman mo.”

“Yeah, I know,” I said, wishing it sounded as hopeful as it should be.

“Sa tingin ko mali talaga iyong ginawa niyong pagpapalit ng pangalan ng kumpanya at pagbura nito sa buong Pilipinas na parang hindi kailanman nag-exist ‘to. It’s like you started again from scratch,” komento ni tita habang hawak ang kanyang baba at pinagmamasdan ang kabuuan ng office ko.

“We didn’t practically start from total scratch tita,” I contradicted. “It would seemed like that but no. Besides, it was for everyone’s benefit. Considering our countless rivals in the world of business, it was not even a choice to lie low, the company badly needed it.”

She slowly nodded in agreement. “You have a point. God! I can’t even imagine that gruesome—” She stopped when he saw how my face fell. “Oh I’m sorry Seraph. I didn’t mean to open that... uhh... matter,” she said while stroking my hand. I flashed a smile. “Okay lang tita.”

Biglang tumingin si tita sa wristwatch niya at tumingin sa akin. “I have to go na Seraph. I forgot that I needed to attend a meeting in less than 15 minutes from now.”

I rise to my seat, kiss her again on her cheek and accompany her to the elevator.

“Ingat po kayo tita.” She gave me a flying kiss as a response. I laughed. I waved again before the doors of the elevator finally close.

I exhaustingly slumped on my seat when I reached my office.

I need to do something about this.Fast.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mildred’s POV

Grabe, na-miss ko ang batang ‘yon. Napakagwapo talaga. Hindi na ako magtataka dahil maganda talaga ang lahi namin! Aba syempre! Kapatid ko lang naman ang mommy ni Seraph.

I still can’t believe na buhay pa ang nag-iisang prinsesa ng mga Yllana. 8 years ago, nandito pa ako sa Pilipinas nang mangyari ang bagay na ‘yon sa pamilya Yllana. Who would’ve thought that would happen to their almost perfect family? Yllana family was really known in most part of the world. My sister was really lucky to marry Alfonso Yllana. But of course, marrying a very wealthy, powerful — not to mention gorgeous — man has its drawbacks. Isa na nga doon ang napakaraming rival. Hindi na mawawala ‘yon. But I never imagined that was how their lives will end.

Nang malaman ko nga iyong nangyari sa mga magulang at kapatid ni Seraph, halos hindi ko maisip kung ano ang gagawin. Sarili kong utak ay iniwanan ako kaya naman hindi ako makapag-isip ng matino. I know Marquis would take care of Seraph so I ended up leaving Philippines to forget everything. Si Mark na rin ang nagsabing mas makakabuti nga kung gano’n ang gawin ko dahil siguradong hindi lang isang normal na aksidente ang lahat. For my own safety.

Mahina kong tinampal ang pisngi ko para mawala ang iniisip. No. I shouldn’t think about the past but instead focus on what lies ahead. Who knows baka makita ko na si Angel?

Anyway, I’m handling my late husband’s company. I loved him but I figured I needed to move on. Alam kong mahina ako pagdating sa paghandle ng emosyon ko but I need to be strong. Tama na ang iyak.

I arrived at our meeting at the exact time. The meeting kind of bored me but nevertheless, I’ve given the investors the most appealing plans and offers which I made sure they wouldn’t refuse.

“So, do you think that expanding our connections and partnerships among different universities and colleges is an advantage we need to consider?” I almost rolled my eyes at the question but still, I answered him with my most professional expression.

“Of course! With that, we wouldn’t need any recruitment agencies and do expensive trainings among our employees or applicants because we, in the first place, will have a firm grasp among the apprentices who will do their OJTs here. No need further trainings because that will be the responsibility of the elite schools we’ll going to choose from.”

I saw how the others slowly nod their heads. I flipped my hair as I pasted a satisfied smile on my face.

“Considering this well-made proposition of yours, we suppose that perhaps you already have a university or college in mind.”

“Oh yes, indeed I have. Let’s see.” I cracked my mind to remember the very name of that school.

When I finally remembered the school, I let my eyes trained on every faces in the room.

“First stop?” I sit on my chair after almost 30 minutes of standing. “North Oswald’s Lockhart Academy.”

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Neth’s POV

“Uy Liz, ano bang meron sa dalawang ‘yon? Alam mo ba kung saan sila pumunta?”

Tiningnan ko iyong pizza na binili ko sa stall ng greenwich na nasa loob ng cafeteria. Kasalukuyan kaming nakatambay sa Plaza ng academy, mayroon ditong maliliit na pavilion at doon namin napagkasunduang mag-meryenda.

“Napansin ko rin na iyong si Geff? Tinitingnan niya si Jane like... like... every 3 seconds! Ang weird kaya ‘nun!” dagdag pa ni Grace sa tanong niya kanina. “Pero ayos lang din naman, ang gwapo kaya niya! I mean, magiging choosy pa ba si Jane?”

Kinagatan ko na iyong pizza ko habang hinihintay ang sagot ni Liz na kinakain naman iyong Yakisoba niya. “Aba’y ewan ko sa dalawang ‘yon. Wala naman kasing naikukwento si Aya sa akin,” sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Ano nga bang meron sa kanilang dalawa? Have they gotten any closer since before? Ang buong akala ko ay galit sa kanya si Geff. Kung ganoon bakit—?

“Neth, anyare sa pizza mo?” narinig kong tanong ni Grace kaya naman naputol ang mga iniisip ko.

“Ha?” Tiningnan ko ang tinutukoy niya at nakitang sobrang higpit ng hawak ko sa pizza kaya naman napipi na iyon ng sobra.

“Loka ka babae! Wagas naman ang kapit mo dyan. ‘Wag kang mag-alala at walang kukuha sa’yo nyan!” sabay tawa niya.

Natawa na lang din ako sa kanya. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain at hindi na masyado pang nag-isip. Kapag iniisip ko kasi ang tungkol sa bagay na ‘yon, hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng negatibo. At ayoko nang makaramdam ng gano’n.

Nag-isip na lang ako ng mga bagay na masasaya at bigla namang napunta sa isip ko ang kuya ko. Lihim akong napangiti.

Naramdaman kong may nag-vibrate sa bulsa ko kaya naman kinuha ko ang cellphone ko galing doon.

“Tuloy pa rin ‘yung panunuod natin sa Waldroves ah! Don’t you dare leave me again, okay?!” narinig kong sigaw ni Grace at binatukan naman siya ni Liz.

“Ilang beses mo na bang inulit yan ngayong araw?” pagtatanong niya.

“‘Wag mo na kasing bilangin! At isa pa, mas magandang klaro tayo sa bagay na ‘yan ano! Mamaya iwan niyo nanaman ako sa ere eh doon kayo magaling! Hmp!” sabay subo sa kanyang lasagna at halukipkip.

Nakita ko namang kumuha si Liz ng tissue sa bag niya’t pinunasan ang mukha ni Grace. “Ang kalat naman nito kumain! Ano? Babae ka ba?!”

“Babae ako! Sa ganda kong ‘to magdadalawang isip ka pa ba?!”

“Mas magandang klaro tayo sa bagay na ‘yan! Mamaya nagbabalat-kayo ka lang dyan!”

Napailing na lang ako sa dalawa. Ang kulit talaga ng dalawang ‘to. Kapag siguro hindi ko sila kasama ay baka sobrang tahimik ng mundo ko. Bumuntong-hininga ako.

Habang wala pa ring tigil ang dalawa sa pagbabangayan ay tiningnan ko na muna kung sino iyong nagtext. Kinabahan pa ako nang kaunti dahil baka iyong estranghero nanaman ang nagtext akin. Matapos kasi niyang sabihin ang tungkol doon sa mga cd na kinuha ko sa WSMC room ay hindi na siya muling nagtext pa. I wonder kung niloloko lang niya ako.

Medyo umayos naman ang paghinga ko nang makitang si Jayvier lang pala iyong nagtext.

From: Jayvier
Hello Neth! Sorry, hindi ako makakasabay sa lunch niyo mamaya. May kailangan kasi akong puntahan. Sorry talaga! Babawi ako next time, promise! Anyway, pakisabi na lang sa mga kaibigan mo! :(

I pouted. Sayang naman. Inimbitahan ko kasi si Jayvier na sumabay na sa amin sa lunch ngayong araw para maipakilala ko naman siya sa mga kaibigan ko. I planned to do the same with kuya pero tumanggi siya. Kahit sinabi kong kahit ipakilala ko lang siya bilang kaibigan, ang sabi niya ay hindi tugma iyong sched namin kaya wala naman akong nagawa. Graduating na si kuya kaya naiintindihan ko naman na busy siya.

“I’ll make up for the years we’ve missed together, aight?” naaalala kong sambit niya habang hagkan ako bago siya umalis nang gabing sinabi niya sa akin kung sino siya.

Kinagat ko ang labi ko. Ayon sa mga nabasa at napanuod ko, ang magandang gawin ng mga taong may amnesia ay ang pagpunta sa mga lugar kung saan maraming memories ang nandoon. Kapag pumunta ka doon, mas magiging madali ang pag-alala sa mga iyon. Alam nila mama’t papa kung anong kundisyon ko ngayon. Alam din nila kung ano ang nangyari sa akin bago nila ako nakitang walang malay sa tapat ng bahay nila.

My parents died right in front of my eyes. At wala akong nagawa kung hindi ang tumakbo...nang tumakbo... nang tumakbo...

Naramdaman ko ang biglang pagyugyog sa akin ng isang pares ng kamay.

“Neth! Ayos ka lang ba? Bigla ka kasing namutla.” Bumungad sa harap ko ang nag-aalalang mukha ni Grace. Maging si Liz ay nakatingin na rin sa akin at sa ilang linggong nakasama ko siya ay tantya kong pinagmamasdan niya ako’t pinag-iisipan kung kakaladkarin ba niya ako papuntang Infirmary o hindi.

“A-Ayos lang ako. Di niyo naman kailangang mag-alala.” at pinakitaan ko sila ng ngiti para ma-assure silang okay lang talaga ako. Pero nang pumikit ako ay naramdaman kong medyo basa iyong dalawa kong mata.

Bumuntong hininga si Grace. “Matagal ko na talagang napapansin na may iba sa’yo. Ang tahimik mo na kasi di tulad ‘nung dati na para kang naglalakad na booming mic. Kaso medyo mild nga lang ‘yung sa’yo at may poise. ‘Yung akin kasi literal na para akong nakalunok ng speaker at—ARAY!” This time ay hindi ko na napigilan ang sarili ko’t humagalpak talaga sa tawa. Si Liz kasi talaga, parang ate namin ‘yan dito sa grupo namin at siya ang laging sumasaway kay Grace. If I know tawang-tawa na rin yan deep inside.

“Nakita nang seryoso kami tapos ikaw walang mintis ‘yang dila mo sa pagdadadaldal na kulang na lang—”

“HEP! HEP!” putol ni Grace sa sinasabi ni Liz. “Kanina pa natapos ‘yung misa sa chapel! Aba eh mukhang naliligaw ka’t hanggang ngayon ay nangangaral ka pa—” Tumili si Grace nang bigla siyang binatukan ni Liz.

Hinawakan ko ang tyan ko dahil sumasakit na ‘to dulot ng wagas na tawa. Paano ba naman ay kinuha ni Liz ‘yung ketchup sa table namin at mukhang ibabato niya kay Grace. Ito namang si Grace eh ayun at tumakbo. Para tuloy silang mga batang naghahabulan.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jane’s POV

“Thank you,” sabi ko doon sa babaeng nagbalik sa akin ng cellphone ko. Nasa North East building ako ngayon, sa Office of Student Behavior. Narito rin kasi iyong Lost and Found Section kaya dito na ako dumiretso galing sa Infirmary.

“Don’t you ever do that to me Jane Alvarez. You have no idea what I went through that night. Para akong makakapatay nang makita ko ‘yang... yang... nangyari sa’yo. I literally want to hurt someone...

God, Jane... what did you do to me?”

Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang boses niya na kanina pa parang sirang plaka na paulit-ulit ko na lang naririnig sa utak ko. Konti na lang ay babatukan ko na talaga ang sarili ko!

Ano bang nangyayari kay Geff? Ang weird ng mga ikinikilos niya. Right. I’m badly attracted at the guy but I already have my resolved since that night in the orphanage. Ayoko nang lumapit sa kanya dahil nawawala ako sa sarili. Literal na nabablangko ang isip ko! Jusko para akong baliw na parang lutang na parang batang hindi alam magsalita na parang pipe na... I can’t even think of the right terms to describe my feelings!

“Hush Jane. I’m here. I’ll always be here.”

Isa pa yan! ISA PA ‘YAN! Saan ba niya napupulot ang mga linyang ‘yan?! Alright, I get the idea that he was just entirely concerned about me experiencing that traumatizing incident that I almost lost my mind and there he was, arriving like some knight in shining armor or perhaps like a modern prince charming from his own wonderland or disneyland, WHATEVER! You get the idea people? Pero kailan pa siya naging makata na parang ‘yung mga linya niya ay napulot niya sa libro ni William Shakespeare o di kaya ng mga sikat na libro ng sikat na mga novelist tulad ni Stephenie Meyer, Richelle Mead, Veronica Roth, Kiera Cass,at Tahereh Mafi?!

Jusko ‘yung utak ko, ‘yung tyan ko, ‘yung puso ko, IN CHAOS! Lahat parang nag-malfunction. As in TOTAL MALFUNCTION!

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, or rather sa pagwawala ng isip ko, hindi ko namalayang nasa tapat nanaman ako ng Infirmary. Mukhang sa mga susunod na araw ay magiging suki ako dito.

Nang pumasok ako sa loob, ibang nurse na ang bumati sa akin. Sinabi ko lang sa kanya na masakit iyong kanang kamay ko. Hindi ko sinabi ‘yon kanina nang kasama ko si Geff dahil for sure, siya nanaman ang maggagamot nito at mukhang sasabog na ako kapag ang mga kamay ko na ang hinawakan niya for a couple of minutes.

Maswerte daw ako sabi ng nurse dahil present ngayon iyong nakatalagang doctor sa Infirmary. Nagtaka pa ako pero pinagkibit-balikat ko na lamang ang masyado kong pagiging curious.

Pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang isang foreigner na nakasuot ng puti, iyong tipikal na suot ng mga doctor, puti at may halong blond iyong clean cut niyang buhok, at nang mapadpad ang mata ko sa mukha niya, tantya ko na nasa 30s ang age niya.

“Good morning po,” bati ko sa kanya kahit patuloy lang siyang nakayuko’t may binabasa na kung ano sa desk niya.

“Sige, maupo ka iha. Make yourself comfortable,” sagot naman niya habang inaayos iyong papers na hawak niya at inayos din iyong eyeglasses niya gamit ang forefinger niya.

Dumako ang tingin ko sa sa metal plaque sa desk niya at halos nanlamig ako.

At hindi iyon dulot ng malakas na aircon.

“Hmm, let’s see. You feel something in your right hand? An aching?”

Hindi ako kaagad nakasagot at ang tanging tumatakbo sa isip ko ay...his name...

“Are you, perhaps, a relative of Dr. Wilhelm Howard?” The question was out of my mouth even before I can stop myself. Saying the name seems too familiar to be just a coincidence. My brain remembered it well.

“Excuse me?” Dr. Howard in front of me appeared to be taken aback from my question. Sino ba naman ang hindi magugulat kung bigla ko na lang naitanong ‘yon out of the blue na akala mo ay close friends kaming dalawa? Kahit naman ako ay nagulat sa sarili kong tanong.

Tumingin ako sa kanya ng diretso habang hinihintay ang sagot niya. Mukhang nakita niyang seryoso ako sa tanong ko kaya naman sinagot niya ako sabay kuha sa kanang kamay ko’t ineksamin ito.

“Yes. She’s my sister but if you happened to know her, unlucky you but she’s currently out of the country but I guess, if I remembered it correctly, in two weeks’ time she’ll be here,” he said as if I were an old acquaintance who happened to ask about the whereabouts of her sister when in fact, I just asked if he was a relative of hers. Pero at least nasagot na din niya ‘yung tanong na itatanong ko pa lang sana.

Nang ma-satisfy na siya sa pag-eksamin sa kamay ko, may kinuha lang siyang bandage at pinulupot iyon sa kamay ko. Matapos ‘non ay binigyan niya ako ng gamot na iinumin ko lang daw kapag nakaramdam ako ng sakit sa kamay ko.

I muttered my thanks.

God, the world is really small indeed.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jayvier’s POV

Ininom ko na ‘yung frappè or something na inorder ko kani-kanina lang. Hindi naman kasi talaga ako bibili kaso hindi ko namalayang 30 minutes early ay nandito na ako sa meeting place na si Jane na ang nagsabi. Tsk. Really? Para sa inuming nakalagay sa maliit na lalagyan, lagpas isang daan ang presyo?! Eto ang hirap kapag lahat ng mga kaibigang nakapalibot sa’yo ay mayayaman at laging libre kuno nila ‘yung kakainin o iinumin niyo na madalas sa amin ay pinapangunahan ni Raph. Kapag kasi ako na ang bumili, malalaglag hindi lang ang panga ko kundi pati ‘yung wallet kong ‘wag niyo nang itanong kung magkano ang laman.

Okay naman sa akin ang ideya ni Neth na ipakilala ako sa mga kaibigan niya kaso nakapangako na kasi ako kay Jane. Nauna kasi siyang mag-aya kaya hindi naman pwedeng kalimutan ko ‘yun.

Hindi na ako makapaghintay ikwento kay Jane ang tungkol kay Neth na matagal ko nang hinahanap! Nagulat pa ako nang tanungin niya ako kung si Gwyneth Clementine ba ang Angel Liberty na hinahanap ko pero nalaman ko ring magkaklase pala sila sa campus. Simula noong araw na ‘yon, hindi na ulit kami nagkaroon ng pagkakataon ni Jane na makapag-usap tungkol ‘don kaya naman nakakatuwa’t magkikita kami ulit. Kamusta na kaya siya? Masaya rin kasi siyang kausap at hindi judgemental kaya naman itinuring ko na siyang kaibigan agad.

Tiningnan ko ulit ng masama ‘yung inumin na binili ko bago ako uminom ulit doon.

Halos mailuwa ko naman iyong ininom ko dahil sa gulat sa biglaang pag-upo ni Jane sa tapat ko na halos nanginig ‘yung buong table dahil sa impact ng pag-upo niya. Seriously? Ganito siya ka-excited makita ako?

I’m flattered. Halos humagalpak ako sa tawa dahil sa mga iniisip ko.

“Hello Jayvier!” Halos lumiwanag ang buong restaurant dahil sa ngiti niya.

Mabuti na lang at napigilan ko iyong epekto ng gulat ko sa kanya at nginitian ko rin siya. “Jane, long time no see!”

Ngumuso siya. “Parati ka kasing busy kaya di tuloy tayo nakakapagbond. Anyway, pakilala kita sa mga friends ko ah?”

Natawa ulit ako sa pagiging jolly niya. “Inaya na rin ako ni Angel. Tingin ko mas maganda kung ipakilala niyo na lang ako parehas sa buong klase niyo,” pagbibiro ko.

Umangat ang sulok ng labi niya at halatang pinipigilan ang pagtawa. Oh come on! Para siyang dalagang Pilipina na mahinhin!

Hmm, we’re going to change that.

“Parehas lang kami ng circle of friends ni Neth kaya I’m pretty sure hindi naman kailangang sa buong klase ka talaga ipakilala.”

May idadagdag pa sana siya pero napansin ko ang biglaang paglaki ng mga mata niya na para bang may narealize siya. “Nakapag-usap na kayo?!” tanong niya.

I just nod. I guess I don’t need to elaborate this one since alam ko naman nang si Neth at Angel ay iisa, syempre sa tulong na rin ng kumpirmasyon ko galing kay Jane noong parehas naming napagtagpi-tagpi lahat ng mga sinabi ko sa kanya tungkol kay Angel at ang theory niya.

“Wow. Good to know nagkita’t nagkausap na kayo.”

Nagpaalam siya sandali at umorder ng pagkain. Nagulat na lang ako nang may dala na siyang isang tray na may lamang dalawang plate na may lamang cooked bacons, eggs, sausages, tomatoes, marmalade at dalawang plate din ng desserts. Basta parang hugis bundok na pinatag na may parang icing o kung ano sa ibabaw at may halong asukal. Meron ding inumin, which I think would be iced tea. Great. I really suck at this.

Mabuti’t nakaya niyang dalhin lahat ng ‘to? Sa liit niyang ‘yan nakaya niyang bitbitin ‘to lahat? Wow.

Binigay niya sa akin ‘yung isang plate na may mga pagkaing kilala ko at isinunod naman niya ‘yung dessert na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo galing.

“This is English breakfast by the way. Sorry kung ito ‘yung inorder ko kahit tanghali na, nagke-crave kasi ako ngayon dito.” I pursed my lips to suppress my smile. Ang cute niya, parang isang batang nahuli ng mommy niyang kumakain ng pagkain dis-oras ng madaling araw. At ngayon ay nagpapaliwanag siya.

“Pero masarap ‘yan, swear! Pati ‘yung crème brûlée!” she beamed at me.

“Sabi mo yan ah?” she pouted again. Haha! It’s so nice to tease her.

Nagkwento siya ng kung ano-ano habang ako naman ay nakikinig lang sa kanya. Kahit medyo puno ang bibig niya ng pagkain ay hala’t tuloy-tuloy lang siya. She was so bubbly and carefree and chatty that I had second thoughts if she’s really a rich kid. Kahit kasi si Iona ay kakikitaan mo pa rin ng kilos may class. Hindi naman sa hindi magandang tingnan kay Jane na walang class kumilos. Seeing someone like Jane who is a high class person displaying this kind of behavior is so refreshing.

Matapos namin kainin ‘yung English breakfast ayon kay Jane, sinunod na namin ang desserts. God, I’m already full pero si Jane, parang kulang pa sa kanya ang mga kinain niya. Unbelievable.

“So, Jayvier.” Napatingin ako sa kanya habang tinutusok-tusok ko ng tinidor ‘yung dessert. Naging seryoso na ang mukha niya kaya naman umayos ako ng upo. “Hmm?”

Huminga siya ng malalim. “Can you tell me things about Angel Liberty?”

Kumunot ang noo ko. Curiosity is all over her face. I know she can be trusted but still, I need to carefully choose the details I’ll share. Tumikhim ako. “Childhood friend ko siya.” Tumango siya. “Anak mayaman siya.”

Huminto siya sa pagkain at uminom ng iced tea. Umayos na rin siya ng upo at ewan ko pero parang may kung ano kay Jane na nagbago. Parang naging mas seryoso siya... may kung ano sa mga mata niya.

“Naaalala ko na naikwento mo sa akin dati na sa pamilya nila kayo ng papa mo nagtrabaho di ba?” Medyo nakahinga ako ng maayos nang itanong niya iyon. Okay, this is a safe territory. “Yep. Sobrang bait ng pamilya nila na kinupkop talaga nila kami. Pinag-aral pa nila ako kasama ng mga anak nila.”

“Ilan ang anak nila?”

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ang alam ko ay naikwento ko na sa kanya ang tungkol dito noong nakita ko siya sa 7eleven at nakapag-open-up ako sa kanya.

Sinagot ko pa rin siya. “Dalawa.” Bakit ba nakakaramdam ako ng kaba sa tingin niya? Parang may mali. I need to lie though.

“Really?” Tumaas ang isa niyang kilay.

Lumunok ako. “Uhh... oo?” Shit, bakit patanong?

Humalumbaba siya sa table. “Bakit parang di ka sigurado?”

Tumikhim ulit ako. Shit Jayvier! Kalma! Nagtatanong lang siya, ano bang problema? “What I mean is, oo, dalawa silang anak ng mga Yllana. Si Angel at ang kuya niya.” Uminom kaagad ako sa iced tea.

“Bakit ang sabi mo sa akin dati tatlo sila? Na may twin sister si Angel? O baka nagkamali lang ako ng dinig dati?”

This time, nasamid na talaga ako. Umubo-ubo pa ako at tinulungan naman ako ni Jane, hinimas-himas niya ang likod ko na parang pinapakalma ako. Bumalik din naman siya sa upuan niya nang sinabi kong okay na ako.

Sinuri nanaman niya ako gamit ang mapanuring mga mata niya. “So...?”

Damn, hindi ba siya titigil sa pagtatanong? “Anong so?” paglilihis ko sa tanong niya.

“Ano ang totoo? Dalawa o tatlo?”

“Dalawa nga. Nagkamali ka lang ng dinig sa kwento ko dati.” Tatlo ba talaga ‘yung sinabi ko sa kanya dati? Sinabi ko ba talagang may kakambal si Neth? Gano’n na ba talaga ako naging kakumportable kay Jane na naikwento ko sa kanya ang isa sa mga kaingat-ingatang sikreto ng mga Yllana? Ugh. Sana maniwala siya sa akin. Malilintikan ako nito kay Raph.

“Oh. Okay. Siguro nga.” Thank God.

Nagpatuloy na siya sa pagkain ng dessert niya. Ginaya ko na lang siya kahit busog na busog na ako. Naging tahimik na siya matapos ng sinabi niya. Wait, naging rude ba ako sa pagsagot sa mga tanong niya? Kinakabahan lang ako pero hindi naman gano’n ang intensyon ko.

“Jane,” tawag ko sa kanya.

“Hmm?” Patuloy lang siya sa pagkain.

“Okay ka lang?”

Tiningnan niya ulit ako habang ngumunguya. “Oo naman. Bakit mo natanong?” Dapat matatawa na ako sa itsura niya ngayon dahil puno nanaman iyong bibig niya habang nagsasalita pero seryoso kasi ang mukha niya kaya hindi iyon ang nangyari.

“Ang tahimik mo na kasi.”

“Bakit? Mas prefer mo ba na maingay ako?” Nagulat ako dahil tumaas ang tono ng pagsasalita niya na para bang iritado siya sa akin.

Kumurap-kurap naman siya nang makita ang reaksyon ko. “S-Sorry.” Ngumiti siya and this time alam kong sincere siya. “Matindi lang talaga mood swings ko ngayon,” dagdag niya sabay tawa.

Natawa na lang din ako sa kanya. “No worries. Ganyan din ako. Sometimes, I snap at things that are so trivial. Normal ‘yan kaya ‘wag kang mag-alala.”

Nagpatuloy kami sa pagkain at naging tahimik nanaman kami.

“Jane,” tawag ko ulit sa kanya. Para talagang may kung ano sa kanya ngayon. Kanina ang ingay niya, ngayon naman para siyang... ewan... malungkot? I know it’s more than the mood swings.

“Bakit?”

“Bakit ba ang tahimik mo na ngayon?”

“May iniisip lang ako,” sagot niya.

“Mind to share?” I need to make her smile again bago matapos ang lunch naming ‘to.

Natapos na niya sa wakas ang pagkain ng dessert niya samantalang iyong akin ay hindi pa halos nangangalahati.

“Gusto mo ba talagang malaman?”

Humilig ako sa table. “Oo naman. Tutal magkasama naman na tayo ngayon, might as well sulitin na natin ang pag-uusap, baka matagal pa bago maulit ‘to.” at nginitian ko siya.

She smiled at me in return. Oh yes! I made her smile again! Kulang na lang ay magtatalon-talon ako sa saya.

“I was just thinking about...”

“About what?”

Sumandal siya sa upuan niya at diretsong tumingin sa akin.

“About who Angel Miracle Yllana is.”

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------