Chapter 29: Gentle

Neth’s POV

Angel Liberty Yllana.
I know who you are.
I can answer all your questions.
All you need to do is ask.

Iyon ang dahilan kung bakit ako nasa lugar na ‘to.

Ang South building ang nagsisilbing lugar para sa mga deaf students. Isa iyon sa mga ipinagmamalaki ng North Oswald dahil ilan lamang sila sa mga universities at colleges na may curriculum na ganito.

Tahimik. Wala kang maririnig na ano mang ingay. Ang mga classrooms nila ay nasa ground, second, at third floor ng building na ‘to habang iyong fourth floor naman ay nakalaan para sa mga panahong may activities na gagawin ang mga estudyante kung saan kakailanganin nila ang malaking espasyo. Kasing laki ito ng tipikal na gym kung saan may basketball court.

Sa dulong bahagi nito ay may isang malaking television at dvd set. Para iyon sa film viewing ng mga deaf students.

Tumingin ako sa paligid para masigurong walang nakakita sa akin. Nang wala naman akong nakitang kahit na sino ay pinatay ko ang ilaw, sinara lahat ng mga pintuan at ibinagsak ang mga kurtina mula sa pagkakatali.

Tumingin ako sa television at dvd set at saka bumagsak ang tingin ko sa hawak kong mga cd. Alam kong masamang kunin ito pero hindi ko magawang pigilan ang sarili kong ipagwalang bahala ang pagkakataong ibinigay sa akin ngayon.

Yes, I am this desperate.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raph’s POV

I swiftly walked my way down the corridor that would lead me to the elevator but as I contemplate things, I decided to take the stairs instead. If I were to base on the position of the moon in the night sky, I have a strong gut feeling of the accurate time and the clocks around here don’t agree with me. I looked around the area as I reached the fourth floor of South building. This is the second to the last floor that I need to look at though I must admit I slowly feel a bit kind of exhausted. I brushed the weariness off my system as the desire to find my sister goes up. Instinctively, I wipe the bullets of sweat on my forehead.

When I reached the farthest room on the right wing, I saw the telltale of light coming out at the base of the door though I heard no sound. The lights inside the room are literally off too but there is something inside that yield this kind of light. Might be an open television? An open LCD? But the place was quite silent.

I turned the doorknob but, unfortunately, it was locked from the inside. I dig up a safety pin from my pocket — good thing I figured it would be better to have such — then let it slipped at the aperture where a key was supposed to fit, slightly turned the pin to the left, a bit to the right; then I heard a click.

I opened the door and the first thing I’ve noticed was the warm and thick air around the room. The temperateness of the room was the least of my concerns as my eyes darted at a very familiar back of a girl facing a television with its still image. Looks like whatever it is that playing was in a pause mode.

“Angel,” I called out. I saw how she shifted on her seat but nevertheless, I heard no response from her. She was sitting on the cold floor, refusing to hear anything. Having a look at her back, it seems like she was just merely looking at the image before her but I know better.

She’s slowly crashing, hurting, and dying... emotionally.

I cautiously closed the distance between us then decided to sit beside her while I too, looked at the beautiful face in front of us.

“Ang ganda niya,” she blurted out.

I nodded in response though she seemed to be too enthralled to notice so I uttered the first words that came to mind. “Yes, indeed.”

“Parehas kami ng mata.”

“Yes,” I acquiesced.

“Ang talented din niya, unlike me.”

“You’re talented too,” I amended. How did she lose her confidence? She’s really different now. Way different from the sister I’ve got to know since she was born.

Damn, what would you expect Raph? Tons of years had passed and who wouldn’t be changed after those sickening tragedy?

She didn’t utter a single word after that so I felt a little panicky. Shit, did I say something that was way over the line?

To put an end to the unnerving silence, I reached for the remote and pressed the play button. Good thing Angel didn’t protest.

‘I hear you're taking the town again
Having a good time
With all your good time friends
I don't think that you think of me
You're on your own now
And I'm alone and free.’

When mom was still alive, she told me that she had been a member of a girl band, who played music that is mellow or classic in kind, once. Singing and playing piano was the passion she couldn’t get away from, like a vice.

This is, no doubt, true because I can see the young version of our mom so happy while letting all the people around her during that time listen to her angelic voice. This was where Miracle got hers.

‘I know that I should get on with my life
But a life lived without you could never be right.’

Our father was not her first love, but I’ve been told he was her greatest love. The only person whom she felt emotions she never imagined herself to live through.

And I’m pretty sure this song was for him.

‘As long as the stars shine down from the heaven
As long as the river runs to the sea
I'll never get over you getting over me.’

I took a deep sigh as I mentally ended my reminiscing and tried to think of a better way to start a conversation with Angel. I felt again the unexplainable tension in my body, like I was too scared to spill anything to her: like who I am, who she really is, what happened 8 years ago... and the list goes on.

“Bakit ka nandito?” she asked while the video is still playing with our mom’s voice on the background.

I was tongue-tied all of a sudden. “Uhm...”

“Di ba sa kabilang school ka pa galing? Gabi na ah? Ano pang ginagawa mo dito?”

Shit.

“Sino ka ba talaga?” This time, I felt her cold and inflicting stare on me.

I swallow all my irrational feelings and try to come up with a better explanation.

“Mahirap bang mag-isip ng palusot?” she said full of sarcasm after almost a full minute hearing nothing from me. “Nakakainis. Mukha ba akong batang paslit na kailangan pang utuin? Kailangan ba talagang i-sugarcoat lahat ng mga sasabihin sa akin? O kaya naman gawin akong tanga sa bagay na ‘to? Take note, ramdam na ramdam ko ang pagiging tanga.”

I gape at her outburst. Damn you Raph. You finally did it.

She brushed the tears flowing on her face away with her bare hand. “Oh God I’m cursing. Ano bang nangyayari sa akin?” I heard her whisper.

 I finally faced her despite seeing her tear-stricken face. “I’m sorry Angel—”

“Wow. Ngayon tinatawag mo na ako sa totoo kong pangalan. Last time I checked, ni ayaw mong matawag ako sa pangalang ‘yon na nagawa mo pang sigawan ang kaibigan mo—”

“That was just because he was being too nosy! He was getting on my nerves whenever he calls you that. Ayokong may makaalam pa sa totoo mong pagkatao maliban sa amin ni JV!” There. I finally said it.

She was silent for a moment, clearly contemplating the things I just said. She keeps on knotting and unknotting her fingers, like a mannerism.

“Kung gano’n nga, sino ka ba? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo? Bakit mo ako pinoprotektahan?” There is something in her eyes when she asked me that. Like she already had an idea what the answer was but she just needed to hear it directly from me.

“Isn’t it obvious?” I joked to lighten up the mood between us. It seemed like a hundred pound rock was lifted from me when I saw the ghost of a smile on her face.

“Just say it, you moron.” Ah, now I can clearly see the bubbly sister I had 8 years ago.

I let go a chuckle as I pull her into my arms. “I am your one and only brother, you silly little brat,” I said as I ruffled her hair.

I have no choice but to be honest with her. Bahala na.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Grace’s POV

Patalon-talon ako habang naglalakad papunta sa school. I sigh, exasperated. ‘Wag lang akong magawang tanungin ng kahit na sino dahil pangungunahan ko na sila, hindi pa rin ako nakakaget-over sa pang-iindian sa akin ng mga bruha na ‘yon! Nakakainis! Loner tuloy ang drama ko sa last class namin kagabi. Tinawagan ko rin ang mga cellphone nila pero aba! Kinarir talaga nila and sarili nilang drama at pati cellphone ay kung hindi nakapatay ay pare-parehas namang busy.

Ngayon ko lang narealize na ang lungkot pala talaga ng life ko dito kapag wala sila.

Pagkapasok ko pa lang ng campus ay nakita ko na kaagad sila. Hindi ko alam kung sadyang malakas lang talaga ang radar ko pagdating sa gandang lalaki ng Alvarez na ‘yon dahil kras ko siya pero sila talaga ang una kong nakita! ‘Wag kayong ano!

“JANE! LIZ!” tawag este sigaw ko sa kanila habang tumatakbo. Wapakels ako kung wa-poise na ang dating ko! Halos humagalpak ako sa tawa dahil sa kagagahan ko.

Nang makalapit ako sa kanila ay nginitian naman ako ni Jane ng pagkatamis-tamis na parang pakiramdam ko ay pinagpraktisan talaga niya. “Good morning Grace!” bati niya. Hindi ko naman siya agad nasagot dahil pinagmasdan ko ang outfit of the day niya na parang... weird yata?

“Bakit parang balot na balot ka yata? Anyare?” Hindi naman kasi gano’n kalamig at hindi rin naman gano’n kainit. Sakto lang pero ‘tong si Jane kulang na lang yata ay magsuot na rin siya ng gloves para kunwari winter dito sa Pilipinas.

Bago pa nakasagot si Jane ay si Liz na ang sumagot sa tanong ko. “Masama kasi ang pakiramdam niya simula pa kahapon kaya nga hindi na kami nakaattend sa last class kagabi.”

Nag-aalalang tiningnan ko si Jane at sinipat ang noo niya. “Eh bakit ka pa pumasok aber? Ay naku Jane kung ako sa’yo umuwi ka na sa pad niyo’t magpahinga. Kami nang bahala ni Liz sa notes na makakaligtaan mo.”

Pabiro naman akong kinurot ni Jane sabay pout. Aysus dinaan ako ng babae sa pagpapacute niya. “Kanina ko pa naririnig yan sa dalawang ‘to. ‘Wag ka nang dumagdag!” sabay tawang mahinhin niya.

“Una na ako,” biglang salida ng nakabusangot na si Alec na actually ay kanina ko pa hindi pinapansin. LQ pa kami nyan dahil sa pagsigaw at pagpatay niya ng phone sa akin kagabi! Pero bago pa siya umalis ay hinalikan pa rin niya si Jane sa noo kahit halatang badtrip siya. Matapos niyang tingnan ng makahulugan si Liz ay nagsimula na siyang maglakad. Sungit.

Napatingin naman ako sa mukha ni Jane at halos malaglag ang panga ko sa nakita. “Oh my God Jane!” Parehas napatingin sa akin si Liz at Jane dahil sa gulat. “Anong nangyari dyan?!” sabay turo ko sa maliit na gasa na nakalagay sa kanang noo niya. ‘Yung suot niya kasing bonnet ay medyo nakataas kaya naman nakita ko kaagad iyon.

Mabilis namang inayos ni Jane ang bonnet niya. “Nahulog kasi ako sa hagdanan kagabi... kaya... ‘yan.” sabay nagkibit-balikat.

Kumunot ang noo ko. “Hagdan? Eh di ba elevator ang ginagamit sa pad na tinutuluyan niyo?” Jusko puro nga elevator ang nakita ko sa entrance pa lang ng pad nila nang minsang napadpad ako doon na napaisip pa nga ako kung paano ‘pag may emergency.

“Sira kasi ‘yung elevator kaya nagstairs kami,” sagot naman ni Liz. Anyare din sa isang ‘to? Dati magkasing-level ang energy namin na iisipin mo ngang sabay kaming lumaklak nito ng asukal pero ngayon dinaig pa ang isang robot kung sumagot sa akin.

Anong nangyayari sa Earth?

“Tara na girls. Malapit na magbell,” putol ni Jane sa iniisip ko habang nakatingin sa relo niya.

Inalis ko na lang lahat ng mga iniisip ko at sabay umangkla sa mga braso ni Jane at Liz. “Sige, tara na!”

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Neth’s POV

Kahit na nagbabasa ng libro ay wala naman akong maintindihan. Hindi ko kasi makalimutan iyong nangyari kagabi.

Nandito na ako sa room namin though lima pa lang kaming nandito. Sinadya ko talagang maagang pumasok. Nagawa ko naman na lahat ng mga assignments namin para sa araw na ito kaya naman literal na wala akong kailangang gawin. Humalumbaba na lang ako sa desk ko at humarap sa bintana. Medyo madilim pa at kita pa dito iyong buwan pero nariyan na rin ang dahan-dahang pagliwanag dala ng paparating na araw.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Basta ang alam ko ay halo-halo iyon. Nandoon ‘yung saya dahil sa nalaman ko. I have a living relative. At kuya ko pa! Sobrang saya ko dahil ang buong akala ko ay wala na akong pamilyang naiwan simula ng aksidenteng kinasangkutan ko dati. Natural na iyon ang una kong isipin dahil iyon lang naman ang tangi kong naaalala. The rest? Total blankness.

Noong nakita ko iyong cellphone ni Jane kahapon, bigla akong nakaramdam ng kaba. Bakit naman kasi nasa basurahan ang cellphone niya di ba? Secure naman dito dahil... syempre nasa loob kami ng campus. Nag-alala lang ako na baka nga may nangyari kay Jane.

Ngunit lahat ng mga iniisip ko noong mga panahong iyon ay sabay-sabay nawala nang mabasa ko iyong text na nakapaloob doon.

Angel Liberty Yllana.
I know who you are.
I can answer all your questions.
All you need to do is ask.

At bigla akong tumakbo nang walang eksaktong patutunguhan. Blangko ang isip ko noong mga panahong iyon. Basta ang alam ko, takot ang bumalot sa akin. Bigla akong naging aware na may nakatingin sa akin at pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Tila nabuhusan naman ako ng malamig na tubig nang mapagtantong nasa labas na ako ng campus kaya naman tumakbo ako pabalik. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa South building dahil doon ako makakahanap ng lugar na tahimik since mga deaf students ang naroon. Dumiretso ako sa cr, pumasok sa isang cubicle, at sumandal sa pintuan. Nakadantay lang ang mga kamay ko sa aking dibdib habang pinapakiramdaman ang puso kong nagwawala.

Tiningnan ko ulit iyong text at gamit ang mga nanginginig na mga kamay ay sinubukan kong makabuo ng isang mensahe.

Sino ka? Paano mo ako nakilala? Bakit ka dito nagtext?

Puro katanungan lang ang nabuo ko dahil gulong-gulo talaga ako.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang bigla akong may natanggap na sagot.

Kilala ko ang mga kaibigan mo. Ito lang ang naisip kong ligtas na paraan para makausap ka. Kung gusto mong makahanap ng kasagutan sa mga tanong mo, nandito ako para tulungan ka.

Alam kong may trust issues na ako simula pa lamang pero... hindi ko kayang ipagwalang-bahala ang pagkakataong ito. Ano bang mawawala kung magtatanong ako? It’s not like he or she’s asking for something. At isa pa, wala rin namang mawawala kung pakikinggan ko siya. It’s for me to decide if I will believe what he or she is going to say or not.

Kahit na sinabi ko na ang lahat ng alam ko kay Jayvier, hindi pa rin niya nasagot ang napakarami kong tanong. Basta ang alam naming parehas ay may gustong tumapos sa pamilya namin, at syempre kabilang ako doon kaya naman delikadong may makaalam na buhay pa ako.

Pero tulad ng sabi ni Jane, hindi ibig sabihin ‘non na maghihintay na lang ako sa isang tabi at walang gagawin. Hindi pwedeng mabuhay ako nang walang kaalam-alam sa mahahalagang bagay na parte ng pagkatao ko. I don’t care if I break along the way, ‘cause I know it’ll be worth it at the end. Tinulungan ako ni Jane na marealize ang bagay na ‘yon.

Tell me all I need to know then.

Iyon ang dahilan kung bakit ako napadpad sa WSMC room. Nang makita kong lumabas na lahat ng mga members na naroon kabilang na si Darren at Liz ay pumasok ako kaagad sa loob. Buti na lang at hindi nila ni-lock iyong pintuan. Pumasok ako sa isang kwarto doon pero ang tanging bumungad sa akin ay isang mini kitchen at mini sofa kung saan sa harap ay may nakalagay na maliit na black coffee table at sa harap ng lahat ng iyon ay isang malaking flat screen tv.

Lumabas ako doon at tinahak pa ang kabilang kwarto. Puro chairs at tables ang naroon, iyong madalas na nakikita sa classroom sa high school. Nagtaka pa ako kung bakit may ganito dito sa loob. Naglakad pa ako papasok hanggang sa nakita ko na iyong sinabi ng nagtext sa akin. Binuksan ko iyong cabinet na may glass divider. Naroon ang maayos na nakapatong-patong na mga cd.

“Eternity,” basa ko doon sa nakaprint sa bawat cd holder. Iyon lang ang nakasulat.

Kumuha agad ako ng tatlo at nilisan ang lugar na iyon.

Nawala ako sa mga iniisip nang may biglang yumakap sa akin galing sa likod.

“Good morning Neth!” sigaw niya sa aking tenga kaya naman napapikit ako. Hindi ko rin napigilan ang sarili mula sa pagngiti.

“Good morning!” masaya ko ring bati sa kanya. Masarap talagang kasama ‘tong si Grace dahil nakakahawa ang energy niya. Pero hindi naman na niya ako kailangang bigyan dahil ngayon pa lang ay sobrang saya ko na.

“Kayo ah! Bakit bigla niyo na lang ako iniwan kagabi?” pagtatanong niya habang pinagmamasdan ako, si Liz na papunta sa kanyang upuan, at kay Jane na...

“Jane anong nangyari sa’yo?” Bakit parang may mali sa kilos niya? Nakapagtataka rin ang suot niya. Naka-leggings siya at sa ibabaw naman nito ay isang skaters skirt. Nakablouse naman siya sa panloob habang nakasuot din ng makapal na jacket. Naka-rubber shoes siya at nakita kong may logo pa iyon ng isang bull or something doon na color red, halatang mamahalin at signatured. Naka-bonnet din siya.

Bago pa nakasagot si Jane ay bigla naman akong sinigawan ni Grace. “Isa ka pa! Saan ka naman nag-adventure kagabi?”

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti. Baka kasi lalong magwala ‘tong si Grace. A mad Grace is really funny!

“May importante lang talaga akong ginawa,” sagot ko sa tanong ni Grace kahit nangingiti na ako dahil sa mukha niya.

Inirapan naman niya ako pero sigurado akong nagtampururot lang iyon. Muli ko namang binalingan si Jane na tulad ko ay natutuwa rin sa pagtantrums ni Grace.

“Sumama kasi ang pakiramdam ko kaya umuwi ako ng maaga kahapon. Hanggang ngayon gano’n pa rin ang nararamdaman ko.” Siya naman ang nang-usisa sa akin. “Wala ka rin pala kahapon sa last class?”

Umiling ako. “Jane,” tawag ko sa kanya nang may maalala. “Nakita ko pala ‘yung cellphone mo sa basurahan sa may South West building kaya dinala ko na lang sa lost and found. Bakit nga pala nandoon ‘yon?” Bago ko iyon ibinigay sa lost and found ay siniguro ko munang nabura ko ang conversation namin ng estranghero sa cellphone niya. Maging iyong nasa log ay binura ko.

Napansin ko naman ang biglaang pagbabago ng mood ni Jane ngunit mabilis naman niya iyong pinalitan ng masayang mukha. “Bad mood kasi ako nang araw na ‘yon kaya pinagbuntunan ko ang cell ko. Ayun, tinapon ko.” sabay tawa niya.

Natawa na lang din ako sa biro niya though hindi ako sigurado kung totoo ba iyong kinuwento niya. Ayoko namang magtanong dahil baka may nangyari nga lang talaga at syempre labas na ako doon.

Si Liz, ayun tahimik at nakatungo lang sa desk niya. Medyo malayo ang upuan niya sa amin ni Jane. Prof kasi namin ang nag-ayos ng seating arrangement kaya wala kaming nagawa.

Tiningnan kong muli si Jane at ayun at nakatungo na rin sa desk niya. Si Grace naman ay may kinakalikot sa cellphone niya.

Hindi rin nagtagal ay dumami na kami sa loob ng classroom. Dumating na rin sila Phin at Darren at binati kami. Siguro ay mga five minutes na lang before the bell nang dumating si Geff. Hindi siya kaagad umupo at iginala muna ang kanyang tingin sa classroom. Nang magtama ang mga mata namin ay bigla siyang kumaway sa akin na siya namang ikinagulat ko. May kung ano akong naramdaman sa tyan ko kaya naman kumaway ako pabalik. Lumibot pa ang tingin niya hanggang sa nakita niya ang tanging nasa loob ng room na nakatungo na tila may sakit. Nagtagal ang kanyang titig dito na para bang sinusuri talaga.

Si Jane.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko at tinanggal ang ngiting kani-kanina lang ay gumuhit sa aking labi.

Ano ba ‘tong nararamdaman ko?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jane’s POV

The pain is agonizing.

Iyon ang tanging tumatakbo sa utak ko habang nakikinig sa lecture ng professor namin sa GEPSYCH.

“I don’t know if you still remember what I’d told you at the beginning of the semester but I’ll repeat it for the benefit of those who forgot.” Inilibot niya ang tingin sa buong klase. Sa loob ng ilang linggong nakasama ko si Ms. Bondoc ay masasabi kong napakagaling niyang professor. Lagi pa nga niya akong napupuri dahil ako lagi ang nakakakuha ng highest score sa mga exams niya. Not that I’m bragging about it but I like the feeling when she acknowledges all my efforts in her subject. “After your midterms, your real professor for this subject will return after the convention she dealt with out of the country. So basically, I’ll be your temporary instructor until midterms transpire. Are we clear?”

“Yes, miss,” sagot naman ng mga blocmates ko. Kumunot ang noo ko. Hindi ko nga yata narinig na sinabi niya ito noong una naming pagkikita.

Nang marinig namin ang bell, hudyat na tapos na ang class namin, ay sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko nang may nakita akong sapatos ng kung sino sa harap ko. Pagkatingala ko, nakita ko nanaman ang nag-aalalang mukha niya. Naramdaman ko rin ang mga nagtatanong na mga mata ng mga kaibigan ko.

“Come with me.” Based on his tone, he’s not asking for my permission. He’s actually making his command known.

Hindi na ako nakaangal nang madiin ngunit maingat niyang hinawakan ang kamay ko at dahan-dahang hinila palabas ng room.

“Saan tayo pupunta?” I managed to ask.

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Halos nagpumiglas naman ako nang nakitang papunta kami sa Infirmary.

“Geff—”

“Don’t worry, walang makakaalam,” pagputol niya sa protesta ko.

Kagabi pa lang ay sinabi ko na sa kanila ni kuya na ayokong may makaalam sa nangyari sa akin. Ayokong magkaroon pa ng ano mang commotion at maging headline pa ako ng school paper. Nangako naman si Geff at kuya na wala silang pagsasabihan kahit alam kong labag iyon sa kagustuhan nila.

Pagpasok namin sa loob ay binati kami ng isang nurse doon. May sinabi lang na kung ano sa kanya si Geff at saka niya kami iginiya sa isang ward. Isinara ni Geff ang pintuan at pinaupo ako sa isa sa mga kama doon.

“Get off of that...” sabay turo sa leggings ko. “... and that jacket.” at saka siya tumalikod sa akin.

Magtatanong pa sana ako kaso naisip kong baka sigawan na niya ako dahil sa irita niya kahit hindi ko alam kung ano ang dahilan kaya pinili ko na lang ang manahimik.

Dahan-dahan kong tinanggal ang leggings ko at ang jacket. Halos mapamura naman ako kapag hindi sinasadyang natatamaan ko iyong mga sugat at pasa ko.

“Uhm... tapos na,” sabi ko habang nakayuko.

Lumuhod siya sa harapan ko at masamang tinitigan iyong sugat ko sa tuhod. Hindi ko nga maalala kung saan ko iyon nakuha at kung paano. Ang iniisip ko ay marahil inihagis talaga nila ako habang wala akong malay kaya ganyan na lang karami ang mga galos ko.

May kinuha siya galing sa isang box na pakiwari ko ay isang medical kit, at binuksan iyon. May laman iyong kulay gray na cream. Dahan-dahan niya iyong ipinahid sa sugat ko. Wala akong naramdamang sakit, lamig lang.

I also became fully aware of how gentle his fingers were. Pinagmasdan ko siya at nakitang nakafocus talaga siya sa ginagawa niya.

Nang nakauwi na ako matapos ang insidenteng iyon kagabi ay nagpahinga na ako kaagad kaya naman hindi ko na masyadong napagbigyang pansin itong mga galos kong ito. Si kuya at Al na lang ang naglagay ng gasa sa noo ko dahil iyon lang ang nakita nilang sugat ko. Ilang argumento pa ang pinagtalunan namin ni kuya bago nakapagdesisyunang siya na ang gagamot sa sugat ko sa noo. Ayoko na kasing magpunta pa ng ospital dahil alam kong hindi naman gano’n kalala ang sinapit ko. Thank God for that. Pero hinding-hindi mawawala sa akin ang traumang hatid sa akin ng insidenteng iyon.

Sunod na nilagyan ni Geff ng creme ay iyong mga maliliit kong sugat sa braso at ilan pang mga pasa. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya kapag nakikita ang mga iyon sa braso ko. Pagkatingin ko sa tuhod ko ay may nakapalibot nang bandage doon.

Nang matapos siya ay susuotin ko na sana iyong jacket nang pigilan niya ako.

“Lay down,” utos niya.

“Bakit?” hindi ko na natiis na hindi magtanong. Nakita ko namang titig na titig siya sa abdomen part ko na parang anytime ay sasabog na siya sa galit.

Wait... don’t tell me... alam ba niya?

“Don’t make me force you Jane,” he warned me. God, what’s with this angry man?

Dahan-dahan akong humiga at ininda ang sakit na dulot ng paggalaw. Umupo siya sa kama sa gilid ko at humarap sa akin habang hinihintay akong itaas iyong blouse ko.

This is so awkward.

“Do it,” matigas niyang sabi. Makautos ‘to akala mo wala lang ano? Parang inuutusan lang akong kumain. Kainis.

Nag-iwas ako ng tingin at itinaas ang blouse ko, sapat lang para makita ni Geff ang malaking pasa doon. Napatingin naman ako sa kanya ng marinig ko ang malulutong niyang mura. Binaba ko tuloy ulit ‘yung blouse ko.

“Okay lang naman kung hindi—” Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman tumigil na ako.

This time ay siya na ang nagtaas ng blouse ko at nilagyan kaagad iyon ng creme na hawak niya. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag-inda sa sakit.

“Sorry,” bulong niya habang nakafocus pa rin sa ginagawa.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagsosorry pero mas pinili kong manahimik. Pinaupo rin niya ako matapos niya lagyan iyon ng creme at dahan-dahan iyong pinalibutan ng bandage.

Nang sigurado akong tapos na siya ay isinuot ko kaagad ang leggings at jacket ko habang inaayos naman ni Geff lahat ng mga ginamit niya.

Ang rude naman kung bigla na lang akong aalis kaya naman umupo muna ako sa kama habang hinihintay siyang matapos sa pag-aayos. Lumabas lang siya sandali para siguro ibalik iyong mga ginamit niya at saka muling bumalik sa loob ng ward at umupo sa tabi ko.

Nagulat na lamang ako nang binalot niya ng kanyang bisig ang bewang ko at idinikit ang noo niya sa noo ko. Naiwan na lang ang mga kamay ko sa balikat niya.

“Don’t you ever do that to me Jane Alvarez. You have no idea what I went through that night.” He let out a bitter chuckle. “Para akong makakapatay nang makita ko ‘yang... yang... nangyari sa’yo. I literally want to hurt someone.”

Napapikit ako dahil sa mga sinabi ni Geff. Anyare sa iniisip kong pag-iwas sa kanya? Ano na Jane?

Naramdaman ko ang paghalik niya sa gilid ng labi ko at lahat ng mga iniisip ko ay nawala na parang bula.

“God, Jane... what did you do to me?”

----------------------------------------------------------------------------------------------------------