Chapter 10: I’ll protect you
All of my
memories for 17 years in this life suddenly flashed in my mind. Ito na ba ‘yon?
Dito na ba magtatapos ang lahat? Will I consider this life an unfair one dahil
wala akong kaalam-alam sa mga bagay na parte pala ng pagkatao ko? Wala na ba
akong pagkakataong mas makilala pa ang sarili ko?
We are all
hopeless. Death is futile at this very moment. I recognized these realizations
as I look at the unconscious body of the six Chrysolus, looking so fragile
inside those glass aquariums. Sila ang may kakayahang makatalo sa mga malalakas
na Phyrinus na gumawa ng dimension na ito pero mukhang kahit magkakasama sila
ay hindi pa rin nila kinaya. Ganoon ba kalakas ang mga Phyrinus na iyon para
matalo sila?
Napaluhod ako
dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Isinandal ko ang mga palad at
ang ulo ko sa glass wall na pumipigil sa aking pasukin ang lugar kung saan
nakalagay ang iba’t ibang aparato at ang nagkukulong sa mga Chrysolus.
I closed my eyes
as I heard the opening of the elevator and the wild footsteps of the Phyrinus.
Every night, I always dreamt about my mom turning
her back on us and leaving without any trace that will prove her existence. I
wished that ‘always’ would just become ‘now and then’, then later on turn out
to be ‘rarely’ until I would no longer remember them and will just passed by
without me knowing.
But that didn’t happen of course. I just wished.
Those nightmares haunted me right after ‘she’ left us hanging. She left us
after she said that she could no longer take it being in the same house with
us. It hurts knowing she doesn’t love us anymore, me and my father. Then I
realized that love is something that will wither until the person who promised
to give it will be tired. It will eventually vanish and will leave a mark on
your heart that is almost unbearable that will make you numb.
Everything that is beautiful and amazing has its own
end.
So as love, like a flower that’ll soon wither until
their season end.
That is a horrible truth that I learned to accept as
I grew as an indifferent and a strong-willed girl.
“There is no such thing
as permanent. Lahat nawawala, naglalaho, naluluma. There is no one who is
willing to protect you and let you feel loved. There is no one who is capable
of protecting you so as to give you such. Yes, I believe that the existence of
love is true, but its permanence is an impossibility. As a human being, I
believe this concept. And if you ask me about our topic......” pinasadahan
ko ng tingin ang lahat ng mga tao na nakikinig sa akin. Sa mga kaklase ko at
mga magulang na nasa likod.....kung saan kasama ang papa ko. I gave nothing
away as I say the words that I never imagined myself saying.
“I don’t believe in the
existence of God.” I heard loads of gasps after I said
that. I bowed my head indicating that I’m finished saying my point of view
regarding our topic that day in class and made my way to my chair. I didn’t
dare look at my father because I was afraid to see the expression I never
wanted to see.
I looked boringly at the window in front of me. From
here, I could see my schoolmates walking with their friends toward the main
gate of our school. Nagbell na kanina pa kaya naman halos lahat ng mga
estudyante ay naglalakad na para makauwi. As for me, nakaupo pa rin ako dito sa
loob ng kwarto namin habang nag-uusap ang teacher ko at si papa. Marahil ay ako
ang pinag-uusapan nila. Hindi ko maintindihan kung ano ang mali sa mga sinabi
ko kanina. Maybe my answer is very different compared to my other classmates
but that doesn’t mean that I was wrong.
“You did well earlier
Vera!” papa praised me as we walk towards our house.
“You’re lying. You
don’t mean what you just said.” I retorted.
Patuloy ko lamang na pinagmasdan ang mga anino namin
ni papa habang naglalakad. Nasa likod namin ang papalubog na araw kaya naman
kita ko iyon.
“Ang cold mo pa rin sa
akin Vera. Malapit na talaga at magtatampo na ako sa’yo.” sabi
ni papa nang nasa harap na kami ng pintuan namin at hinahanap niya ang susi sa
kanyang bulsa.
I admit that I’m surely not the ideal daughter any
family would dream of having. I am not the sweet type of girl but I am your
definition of otherwise. Hindi ako marunong maglambing at magsorry. Pero nang
tingnan ko ang mukha ng papa ko ay parang gusto ko siyang lapitan at
yakapin.....pero nahihiya ako.
Pagkabukas ng pintuan ay nagtungo kaagad ako sa
kitchen at naghanda ng paborito niya. Alam kong ang weird dahil ibibigay ko sa
kanya ito ngayong hapon naman na. Ang alam ko kasi ay dapat ibinibigay lamang
ito kapag umaga o kaya naman sa gabi kung may gagawin pa.
Matapos ko iyong ihanda ay dinala ko na iyon at
nagtungo sa papa kong nakasandal sa upuan at malalim ang iniisip. Nang makita
niya ako ay nagliwanag ang kanyang mukha.
“Ano yan baby ko?
Nag-abala ka pa para kay papa.” he endearingly said.
Kung hindi ako sanay na maglambing sa papa ko ang siya namang pagkasanay ko
kapag siya na ang naglalambing.
Ibinigay ko sa kanya iyong cake na binake ko at
iyong kape na paborito niya. Pinag-ipunan ko talaga iyong mga ingredients ng
cake na iyon at nakigamit ng oven sa bahay nila Kate.
“Totoo ba lahat ng mga
sinabi mo kanina Vera? Hindi ka ba talaga naniniwala kay God?” tanong
ni papa sa pagitan ng pagnguya ngunit seryoso siyang nakatingin sa akin.
Tumango na lamang ako bilang sagot.
“Hindi mo ba alam na si
God ang dahilan kung bakit ka nandito sa mundong ito?”
“Kayo ang dahilan kung
bakit ako nasa mundong ito.” sagot kong muli sa kanya.
Uminom muna si papa sa kape niya bago niya inilapag
iyong cake sa mesa at hinawakan ang mga kamay ko. “Vera, I raised you in my own but that doesn’t mean na wala akong
katulong. Kahit na iniwan na tayo ng mama mo,” habang sinasabi niya iyon ay
bakas sa mga mata at boses niya na nasasaktan pa rin siya. Lalong nag-alab ang
galit ko para sa taong nang-iwan sa amin. “He’s
always with you, protecting you, guiding you. Hindi mo lang siguro siya
nararamdaman dahil hindi mo hinahayaang maramdaman siya. You can’t ever let
someone come in your life and heart until you break the lock of your hatred and
resentment towards your mother. Maraming nabubulag dahil sa galit Vera. Normal
lang ang magalit pero ang hayaang tumibay iyang bakod sa puso mo ay hindi
mabuti. Pati Siya tinataboy mo na.”
Tahimik lamang ako habang nagsasalita siya. Nagulat
na lamang ako nang bigla niyang hinimas ang buhok ko na siyang paboritong gawin
ng mama ko dati kaya naman napatingin ako sa kanya.
“Even once, try to call
on Him and you’ll just be surprise of how He loves every single part of your
being. You’ll see what He can possibly do just to protect you. Hindi permanente
ang buhay ko dito pero siya, hinding hindi ka niya iiwan. Forever is with Him.
Love is Him. He is the definition of your life Vera. Kaya huwag na huwag mo
siyang itataboy.”
Hindi ako makatingin sa kanya kahit sa tingin ko ay
tapos na siya sa kanyang mga sinabi. Patuloy lamang akong nakatingin sa kawalan
at inisip lahat ng mga sinabi niya sa akin.
“Vera.” pagkuha
ni papa sa atensyon ko. Hinigpitan ni papa ang hawak niya sa aking kamay,
hudyat na hinihintay niya ang magiging sagot ko.
Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa kanyang
mga mata.
“I’ll try.” I
whispered but I know he heard me because my favorite smile of his flashed in
his face.
“Please help us.” I uttered as I mentally mentioned His name.
“Are You real? Will You help me kahit ngayon lang
ako lumapit sa’yo?”
As if on cue for
His answer, everything around me started to explode.
Napadilat ako
dahil sa gulat at bigla akong tumayo. Anong nangyayari? Akala ko ay itong
building ang sumabog dahil ramdam na ramdam ko ang impact ng pagsabog dito sa
kinatatayuan ko ngunit ngayon ay sigurado akong malapit sa lugar na ito iyong
pagsabog.
Nilingon ko ang
mga Phyrinus na papunta na dapat sa direksyon ko ngunit nagulat na lamang ako
nang biglang bumigay iyong kinatatayuan nila kaya naman sabay sabay silang
nahulog. Narinig ko pa ang mga sigaw nila at ang tunog ng pagbagsak nila.
“Damn it! Bakit hindi ako makagalaw?!”
Kinilabutan ako
nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Nilingon kong muli ang mga
Chrysolus ngunit pare-parehas pa rin naman silang nakapikit.
“Hey! May nakakarinig ba sa akin? Ethan! Nigel!
Nasaan kayo??”
That’s when I
remembered Adalia’s unique power.
“Adalia, can you hear me?” I asked her through my mind though I’m
not sure if she can hear me.
“Veronica?! Bakit ka nandito??”
Nakahinga ako ng
maluwag nang mapagtanto kong si Adalia nga iyong narinig ko. Luminga-linga muna
ako para tingnan kung may mga Phyrinus pa ba sa paligid ng floor na ito bago ko
tiningnang muli ang nakapikit na si Adalia.
“Anyway, don’t answer that. Nasaan sila Nigel at
Ethan? Si Krista nakita mo ba? Si Cormac? Jaden?”
Hindi kaagad ako
nakasagot dahil dalawa lang ang kilala ko sa mga pangalang binanggit niya.
“Nakalagay ang mga katawan niyong mga Chrysolus sa
malalaking aquarium na may lamang tubig na iba iba ang kulay—”
hindi ko natapos iyong sinasabi
ko dahil biglang nagsalita si Adalia.
“What’s the color of mine?” natatarantang tanong niya sa akin.
“Burnt sienna.”
Medyo sumakit
ang ulo ko nang bigla ko na lamang narinig sa utak ko ang sigaw ni Adalia
gayundin ang pagmumura niya. Medyo nainis pa ako dahil doon.
“What can I do?” bigla kong pagtatanong dahil nakita kong iyong mga
tubig sa bawat aquarium ay nagsimulang magbula at may usok na ring lumalabas
doon sa machine na nakakunekta sa kanila.
“Malamang palabasin mo kami! Basagin mo yung aquarium!
Wag mo nang isipin kung masasaktan kami basta makalabas lang kami walang
problema!”
“Pero kasi.....” nanlulumo kong pinagmasdan iyong glass wall na sakop
itong buong floor na naghihiwalay sa kabila kung nasaan sila Adalia.
“Veronica, I need you to close your eyes and picture
the image in front of you. Kailangan kong malaman kung ano ang pumipigil sa’yo
na matulungan kami at para malaman ko na rin kung ano ang dapat mong gawin.”
Medyo kumplikado
itong pinagagawa niya pero alam kong kailangan ko itong gawin. Kinabisado ko
ang itsura ng lugar bago ko ipinikit ang aking mga mata at binuo sa aking
isipan ang itsura nito.
I felt her
presence in my mind and I can’t help myself from screaming. Biglang sumakit ang
ulo ko na para bang hinuhukay ang lahat ng laman nito. After that torturous
moment, I opened my eyes and started to throw up.
Napaupo kaagad
ako sa sahig habang hawak hawak ang ulo ko.
“Adalia! What have you done?! Are you crazy?!” I heard Nigel shouted in my mind. “Kailangan kong gawin yun para makalabas na
tayo dito! Hindi natin alam kung ano nang nangyayari at tanging si Veronica
lang ang makakatulong sa atin!” sagot naman ni Adalia.
“What if we lost her because of your stupidity?
Hindi mo ba alam na pwede niyang ikamatay yang ginawa mo?” kahit sa isip ko lang sila naririnig ay
bigla akong nakaramdam ng lamig sa boses ni Nigel. Medyo humuhupa na ang sakit
ng ulo ko at doon ko lamang narealize na naririnig ko na din maging si Nigel.
“Okay lang ako.” sabi ko sa kanila. “Anong dapat kong gawin?”
Wala akong
narinig na sagot mula sa kanila kaya naman kinabahan ako.
“Do you remember how you broke the window of Ethan’s
car?” tanong sa akin
ni Nigel.
Inalala ko iyong
sinasabi niya at biglang pumasok sa isip ko iyong panahong kasama ko nga si
Ethan noon sa sasakyan niya. Nakita kong magkausap si Ethan at Nigel at sobrang
uhaw na uhaw naman ako. Hindi ako halos makahinga noong mga panahong iyon.
Huminga ako ng
malalim at inilagay ang mga palad ko sa glass wall na nasa harap ko. Kahit
hindi na i-elaborate ni Nigel ay alam kong ito ang gusto nilang gawin ko.
I closed my eyes
and let my aural power surge through my system. Sanay na akong nararamdaman ito
pero hindi ko pa rin maialis sa sarili ang takot na baka pumalya nanaman ang
paggamit ko nito.
“Relax. I know you can do it.” I heard him say. Nagtataka ako kung
bakit hindi ko na naririnig ang boses ni Adalia. Ayos lang kaya siya?
“Concentrate.” malamig nanamang sabi niya.
Huminga ako ng
malalim at isinantabi muna ang lahat ng mga katanungan sa isip ko. Nang
maramdaman ko ang pamilyar na init sa buo kong katawan, naglagay ako ng
pressure sa ilalim ng palad ko. Maya maya lamang ay naramdaman ko na ang
pagcrack ng salamin sa paligid ng mga kamay ko. Nararamdaman ko na ang pagod
dahil hindi biro ang inilalabas kong aural power. Masyadong matibay ang
pagkakagawa ng glass wall.
Hindi ko
pinansin ang pagtulo ng pawis sa noo ko at nagpatuloy lamang sa ginagawa.
Huminga ako ng malalim at sa isang bugahan ay inilabas ko ang lahat ng
natitirang aural power sa katawan ko. Sa sobrang lakas ng impact ay napaatras
ako at tumama ang likod ko sa pader.
Narinig ko ang
pag-aalala nila Adalia at Nigel sa utak ko ngunit hindi ko iyon masyadong
naintindihan dahil nakatitig lamang ako
sa glass wall sa harap ko.
Ang buong akala
ko ay unti-unti nang nababasag iyong salamin ngunit nagkamali ako. Sobrang itim
ng parte ng glass wall kung saan nakalagay ang mga palad ko kanina. Hugis kamay
din iyon at nang ginamitan ko iyon ng malakas na aural power, tuluyan ko na
iyong nabasag ngunit maliit na bahagi lamang iyon.
Kinagat ko ang
labi ko. Paano na yan? Mukhang hindi ko mababasag itong glass wall.
Tumayo ako at
muling tiningnan ang glass wall. Hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan may magawa
naman akong matino!
Sa pangalawang
pagkakataon ay ginamit ko ulit ang aural power ko. Aware ako kung gaano
lumiwanag ang mga mata ko dahil doon. This time, I use my sight to destroy the
glass wall.
I concentrated
really hard this time at talagang tinitigan ko iyong glass wall. I used to
destroy things just by staring at them at sana ay magawa ko iyon ngayon.
“Veronica, listen to me.” narinig kong sabi ni Nigel sa utak ko. “Do you trust me?”
Nanlaki ang mga mata
ko dahil sa tanong niya. Bakit naman naitanong niya ‘yan? Makakatulong ba sa
amin yan ngayon?
“No.” I
answered him. Hindi naman talaga. Wala akong ibang pinagkakatiwalaan kung hindi
ang sarili ko lang. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako magtitiwala
sa iba.
“Can you please trust me just this once?” pagpupumilit pa niya.
“Bakit? Para saan?” nagconcentrate pa rin ako sa ginagawa ko pero damn
it! Walang nangyayari at pakiramdam ko ay nasasayang lahat ng aural power ko.
Nararamdaman ko na rin ang paglambot ng tuhod ko at any time ay babagsak na
ako.
“If you want to destroy that thing, you’ll need my
help.”
“Paano mo naman ako matutulungan?” sigurado ba siya na kaya niya akong
tulungan?
“Close your eyes.” he instructed.
Wala na akong
nagawa at sinunod ko na lamang siya. Marahil ay may alam talaga siyang gawin na
makakatulong sa pagsira ng bagay na ito. Marami pa akong hindi alam samantalang
si Nigel naman ay mukhang kinalakihan na ang bagay na ito.
But this doesn’t
mean that I trust him.
“I know.” he said as if answering my unspoken thought.
So, he’s mind
reading.
“Technically.....yes. Adalia can’t hear us because I
just made her our mind’s link. Iyon ang dahilan kung bakit sumakit ang ulo mo.
It’s one of the perks of having extrasensory psychic communication or telepathy
as you call it. I can hear your thoughts, feel your emotions, sense your power
and I know that you are very far from mastering your power. You’re wasting
them.”
Inabsorb ko muna
lahat ng mga narinig ko sa kanya. Kung ganoon, delikado nga yata iyong ginawa
ni Adalia dahil biglang sumakit ang ulo ko.
“What should I do next?” pagtatanong ko. Kailangan na naming
matapos ito agad.
“Clear your mind. Don’t think of anything.”
Sinunod ko ang
sinabi niya. Pinilit ko munang huwag isipin lahat ng mga katanungan at iyong
takot na bumabalot sa akin.
“Give yourself to me.”
Bumilis ang
tibok ng puso ko nang sabihin niya iyon. I don’t know how and I actually
intended to ask him pero bigla ko na lamang naramdaman ang kakaibang sensasyong
bumalot sa akin. Hindi iyon mainit, hindi rin malamig. Kakaiba.
Unti-unti iyong
bumalot sa katawan ko at sa isang iglap ay nawala iyon.
“Are you okay?”
Pinakiramdaman
ko ang sarili ko kung may masakit ba pero wala naman akong naramdamang kakaiba
kaya naman tatango na sana ako ng may bigla akong napansin.
“N-Nigel.....I-I can’t move.” Shit! Anong nangayari?! Bakit hindi ako
makagalaw?
“Trust me Veronica. Just trust me. I won’t let you
get hurt.”
Hindi ko alam
kung dapat ba akong ma-assure sa sinabi niya ngunit hindi na ako nakapag-isip
ng maayos nang bigla akong dumilat at sa isang iglap ay naramdaman ko ang
sobrang init na pakiramdam sa katawan ko. Bigla ring lumiwanag ang mga mata ko.
Matapos iyon ay tumaas ang mga kamay ko. Inilagay ko iyon sa dibdib ko bilang
bwelo at malakas iyong inilagay sa harapan na tila ba may tinutulak ako at
matapos iyon ay biglang sumabog ang kabuuan ng glass wall. Papasok ang
pagkabasag nito kaya naman hindi ako natamaan.
Nararamdaman ko
ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Nigel is the one controlling my body.
Tumakbo ako
papasok at pumunta sa harapan ng malaking machine na nakakunekta sa mga
aquarium na kinalalagyan ng mga Chrysolus. Kusang gumalaw ang mga daliri ko at
nagsimulang pindutin ang iba’t ibang
buttons doon. Matapos iyon ay biglang tumigil ang mga kamay ko. Nagulat ako
nang bumwelo ang kanang kamay ko at mukhang isusuntok iyon sa machine nang
bigla iyong huminto.
I heard Nigel
curse in my mind. “I’m sorry. Shit! I’m
sorry. Okay ka lang?”
Hindi ko na lang
siya sinagot. Natatakot kasi ako dahil hindi ako sanay na hindi ako ang
kumokontrol sa katawan ko. Heck! Never ko itong naranasan!
Pumunta ako sa
harapan ng mga aquarium at naramdaman ko nanaman ang pagkontrol ni Nigel sa
aural power ko. Maya-maya pa ay tinitigan ko nang matagal ang aquarium. Binalot
iyon ng mga yelo at nang matapos ang proseso ay bigla na lamang sumabog iyon.
Isasara ko na sana ang mga mata ko ngunit hindi ko nagawa dahil si Nigel nga
ang kumokontrol sa katawan ko. Bago pa ako tuluyang tamaan ng mga nabasag na
salamin ay bigla na lamang may lumitaw na malaking barrier na gawa sa yelo sa
harapan ko. Sapat na ang laki nito upang maprotektahan ako.
Nang dumaloy na
ang tubig na iba iba ang kulay sa sahig ay nagtungo ang mga mata ko sa harapan
at nakitang nakalutang ang mga katawan ng mga Chrysolus. Nasa loob pa rin sila
ng mga aquarium ngunit basag naman na iyong harapan, wala na ring tubig ngunit
nakalutang pa rin sila.
“Adalia, ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa
kanila. I need to get our Chrysoprase necklace.”
“Okay. Be careful.” narinig kong tugon ni Adalia kay Nigel.
“I know.”
Tumakbo ako
patungo sa elevator at kinabahan ng tuloy-tuloy lamang ang pagtakbo ko.
“Nigel! Sira na iyong sahig sa tapat ng elevator!
Saan ka pupunta?!” natatarantang
sigaw ko sa kanya sa isip ko.
“I told you to trust me. I know what I’m doing.” malamig niyang sabi.
Mas bumilis ang
takbo ko at kasabay nito ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Surely hindi
naman na siguro kaya ni Nigel na kontrolin iyon di ba?
I suddenly
jumped and the next thing I know, lumusot ako doon sa nasirang sahig at
nagtuloy-tuloy ang pagbagsak ko na sa palagay ko ay diretso papuntang ground
floor.
Imbis na kabahan
ay natuwa ako dahil para akong lumilipad. Parang katulad lamang noon nang
tumalon si Nigel kasama ako habang karga niya dito rin sa university.
Maya maya lang
din ay bumagsak na ako sa ground floor ngunit hindi malakas ang impact.
Luminga-linga ako at nang may nakitang Phyrinus ay pinuntahan ko kaagad iyon.
Habang tumatakbo
ay naramdaman kong may ginagawa si Nigel sa mga kamay ko ngunit hindi ko iyon
makita dahil ang mga mata ko ay nakapokus lamang sa Phyrinus na sa kasalukuyan
ay naglalakad at walang kaalam-alam sa presensya namin.
Nang malapit na
kami ay biglang pinakawalan ni Nigel ang kung ano man sa kamay ko at dumiretso
iyon sa Phyrinus. Kahit na mabilis ang pangyayari ay nakita ko pa rin iyong ibinato
ni Nigel na parang yelo na hugis bilog ngunit may dilaw na liwanag sa loob at
asul na usok sa paligid nito. Nang tumama iyon sa Phyrinus ay bigla na lamang
siyang naging abo.
Pumunta ako sa
mga abo at kinapa-kapa iyon. May nakapa akong kung ano at nang iangat ko ang
aking kamay ay susi ang tumambad sa akin.
Bigla rin naman
akong tumakbo at sa ikalawang pagkakataon ay naramdaman ko nanaman ang paggawa
ni Nigel sa hugis bolang yelo ngunit alam kong mas malaki iyon kumpara kanina.
Nang ibato niya iyon sa pader ay tumambad sa amin ang pintuang pinasukan ko
kanina. Nandoon lang pala iyon at natabunan lang ng pader? Paano naman kaya
nangyari iyon?
Dire-diretso
lamang ang pagtakbo ko. Nagtataka pa nga ako kung bakit hindi ako napapagod.
“That’s because I can control your aural power
properly. Hindi mo pa kasi kayang kontrolin iyon. It’s either you use nothing
or you use up everything leaving you exhausted or drained.”
“Yeah. Whatever.” sagot ko sa kanya. Naiinis ako kapag binabasa niya
iyong nasa isip ko at bigla-bigla na lang sumasagot.
Dumiretso ako sa
Main building papunta doon sa hagdanan. Nang makaakyat kami ay tumambad sa akin
ang pintuan ng Gym.
Isinuot ni Nigel
iyong susi sa padlock at nang mabuksan na namin ang pintuan ay kinilabutan ako
sa nakita.
Limang Phyrinus
ang nakahilera sa kabilang dulo ng gym ngunit hindi ako doon natakot. Natakot
ako hindi sa mga Phyrinus ngunit sa mga mata nilang masamang nakatitig sa amin.
Sa akin.
Ang mga mata nila
ay hindi iyong ordinaryong itim na nakita ko sa mga Phyrinus na nakaharap ko.
These five Phyrinus are different.
Their eyes are
not black.......but scarlet, the color of blood.
Parang katulad
ng mga mata ko ngunit mas matingkad ang pagkapula ng kanila. They also have
sclera kaya naman may puti na iyong mga mata nila but their irises are scarlet.
Dahan-dahan
akong naglakad papasok at narinig ko na lamang ang malakas na pagsara ng
pintuan sa likod ko.
Iginala ni Nigel
ang mga mata ko sa paligid ng gym at nagulat nang makitang nakalutang sa ere
ang anim na mga kwintas na iba iba ang disenyo. These necklaces also emit
different colors of light.
“Those are our Chrysoprase necklace. I need to get
all of them whatever it takes.”
Kinabahan ako
lalo na sa mga sinabi niya. Sige, I understand his side na importante ang mga
kwintas na iyon.......but what about me?
“I already told you na poprotektahan kita di ba?
‘Wag kang mag-alala.”
Dumako nang muli
ang paningin ko sa limang Phyrinus. Pare-parehas silang naka-cloak ng itim
ngunit nakababa ang mga hood kaya naman kitang-kita ko ang mga mukha nila. They
are all expressionless but they have these eyes that no doubt have the lust to
kill.
“Help is on their way. All we need to do is to buy
them some time.” sabi
ni Nigel sa utak ko.
Halos tumalon
ang puso ko nang biglang lumusob sa amin iyong Phyrinus na nasa pinakagitna. Sa
sobrang bilis ay nakita ko na lamang siya na nasa harapan ko na. Ang buong
akala ko ay mahahawakan na niya ako ngunit bigla na lamang kumilos ang mga paa
ko at bigla akong umikot sa ere.
Bumagsak ako sa
likod ng Phyrinus at this time ay binato na siya ni Nigel ng bilog na yelo na
triple ang laki kumpara sa mga ginamit niya kanina at binato iyon sa Phyrinus
habang nakatalikod pa rin siya sa amin. Sa sobrang lakas ng impact ay tumilapon
ang Chrysolus na iyon.
May kung ano
akong naramdaman na humawak sa damit ko sa likod and before I knew it ay may
humila sa akin at ibinato ako sa kabilang bahagi ng gym. Tatama na sana ako sa
isang pader ngunit biglang umiba ang posisyon ko at imbis na ang likod ko ang
tumama sa pader ay mga paa ko ang tumama doon. Iyon ang ginamit na bwelo ni
Nigel bago itinulak ang katawan ko patungo sa mga Phyrinus na ngayon ay
nakapaligid sa akin. Akala ko ay isusuntok ni Nigel ang mga kamay ko sa mukha
ng Phyrinus ngunit gumawa lamang siya ng espada na gawa sa yelo at iyon ang
ginamit niya upang i-decapitate iyong isang Phyrinus ngunit nakaiwas iyon sa
atake ni Nigel.
Sabay-sabay na
sumugod sa amin ang limang Phyrinus kaya naman naalarma ako. Sobrang natakot
ako nang makita kong may hawak na rin silang mga espada at malapit na nila
akong maabot.
Bigla kong
naalala iyong nangyari nine years ago. Naalala ko kung paanong pinatay ang mga
magulang namin ni Kate ng mga lalaking nakacloak gamit ang mga matatalim na
bagay.
Nakacloak........matalim
na bagay.
Hindi ko
maintindihan ngunit parang nagiging malinaw ang lahat sa akin.
Napakabata ko pa
noon upang maintindihan ang mga nakita at nasaksihan ko noong gabing iyon
ngunit nang makita ko ang mga Phyrinus na ito na patungo sa akin ay saka ko
naintindihan ang lahat.
“Veronica! Listen to me! Don’t do this! Fuck!!!”
I closed my eyes
and blocked my connection with Nigel. Galit na galit ako ngayon na nalaman ko
na ang totoo. Naaalala ko na ang totoong nangyari ng gabing iyon. Para bang may
kung anong nakablock sa isip ko kung bakit hindi ko maalala ng malinaw ang
pangyayari noon ngunit ngayon.....bukas na ang isip ko.
Naramdaman ko
ang pagkawala ni Nigel sa isip ko kaya naman napatingin ako sa espadang gawa sa
yelo na nasa kamay ko.
Hindi ako
pwedeng matakot sa pagkakataong ito. Kung dati ay halos tumakbo na ako kapag
nakakakita ng Phyrinus, ngayon naman ay ako ang lalapit sa kanila. Ako na
ngayon ang gagawa ng unang hakbang para mapatay sila.
Kate’s father
taught me how to use swords kaya naman tiwala ako sa sarili kong kaya kong
labanan ang mga Phyrinus na ito.
Umupo ako habang
ang espada ko ay nasa ulo ko nang sabay sabay akong inatake ng mga Phyrinus.
Nang tumama ang mga espada nila sa akin ay tumayo ako bigla dahilan upang
mapaatras sila at mawalan ng balanse.
Sinugod ko ang
isa sa kanila at madadaplisan na sana siya ng espada ko nang biglang may
humarang na isa pang espada ng Phyrinus kaya wala akong nagawa kung hindi ang
umatras. Sinipa ko ang tuhod ng isang Phyrinus na susugod sa likod ko at
iniikot ko naman ang kanang paa ko sa paa ng katabi niya upang sabay silang
matumba.
“You are so so so weak to be the next Eligius of
Ezeltopia. No wonder why they kept on hiding you.” narinig ko ang tinig ng isang babae sa isip ko
ngunit hindi ko iyon pinansin. Patuloy lamang ang pakikipaglaban ko sa mga
Phyrinus.
“You have the power but you don’t have the control
it needed.”
“Damn you.” sagot ko na lamang. Sa palagay ko ay mind trick ito
ng isa sa mga Phyrinus na kalaban ko. Sorry to break it to them but I’ll get
nothing of it.
“Don’t you know what you just did to the one who
controlled your body earlier?” panunuya
pa niya. Hindi ko pa rin siya pinansin.
Papunta na sana
sa akin ang espada ng isa sa mga Phyrinus ngunit pinangsangga ko ang akin
ngunit nagulat ako nang bigla na lamang nabasag ang espadang ginawa ni Nigel
dahil sa malakas na impact nito sa espada ng Phyrinus.
Kasabay ng
pagkabasag nito ang pagsasalita muli ng tinig sa utak ko.
“You killed him. You willed yourself to block and
kill him.”
Halos manghina
ako ng marinig ko iyon sa kanya. Nagulat naman ako nang biglang bumalik sa
dating pwesto ang limang Phyrinus doon sa kabilang dulo ng gym.
“Hindi ka ba nagtataka.....kung bakit hindi mo na
siya naririnig sa utak mo?”
“It’s because I just blocked him. Nothing serious.” sabi ko ngunit may parte sa puso ko ang
hindi naniniwala sa mga salitang ako mismo ang nagsabi.
“Yes. You blocked him out without leading his mind
to his body. Don’t you know you also made damage to the mind of the one linking
your mind with his?”
Nanigas ang buo
kong katawan at hindi ako makakilos.
“You used your power against him but because you
can’t control it, you used them with extreme force. You let your anger drive
you.”
No...no....hindi
pwede ‘to.
“You killed him. You killed him.” paulit ulit ko iyong narinig kaya naman
hinawakan ko ang ulo ko at sumigaw.
“TAMA NA! HINDI TOTOO YANG SINASABI MO!”
Naramdaman ko na
ang pagtulo ng mga luha ko at namamanhid ang buo kong katawan na tila ba
naubusan na ako ng lakas.
Hindi. Hindi pa
patay si Nigel. Hindi. Umiling ako. Imposibleng mamatay siya....
Dahil sa patuloy
na panggugulo ng tinig sa utak ko ay hindi ko namalayan ang biglang pagsugod ng
isang Phyrinus at naramdaman ko na lamang na may kung anong tumagos sa akin
nang nasa harapan ko na ito. Hinila niya pabalik ang espada niya at tuluyan na
akong bumagsak sa sahig.
Hinawakan ko ang
tiyan ko at nakitang punong-puno iyon ng dugo.
“You deserve to die Eligius. You deserve it.” narinig ko pang sabi niya.
Saka ko lamang
naramdaman ang sobrang sakit at nagsisimula na ring lumabo ang mga mata ko.
“Nigel.......”
“Veronica!!! I’m here! Malapit na ako. Please,
please keep talking.”
Huminga ako ng
malalim at inisip na marahil ay naghahalucinate na ako. Ganito ba kapag
mamamatay na?
“NO! I will not lose you this way! Please
Veronica....hold on!”
Narinig ko ang
malakas na pagbukas ng pintuan ng gym at napangiti ng mapagtanto kong hindi ako
naghahalucinate.
“VERONICA!!”
......and then
darkness swallowed me.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------