Chapter 9: Caged
“Chris!” sigaw ko ngunit wala akong lakas upang makatayo’t
pigilan ang pagbagsak ng mga kahoy at semento sa katawan niya.
Ngunit kasabay
nito ay ang init na bigla ko na lamang naramdaman sa aking katawan. I willed
myself to use my power to protect him. I literally don’t know how but I think
my gut instinct could help me. I glared over the unconscious body of Chris and
in one snap I saw that an almost invisible barrier was slowly enclosing his
body from the debris falling as I felt the sudden dizziness.
Ginamit ko ang
natitirang lakas sa akin upang pigilan ang tuluyang pagbagsak ng buong lugar na
kinalulugaran ni Chris. Pumikit ako at nang alam kong sapat na ang naipon kong
aural power ay binuksan ko ang aking mga mata at pinakawalan iyon. I felt the
intense brush of air around me which abruptly smashed the debris falling,
leaving ashes in its wake.
The rain was
still falling hard and now I can feel the intense cold brought by it. Nakadikit
na ang uniform ko sa katawan ko kaya naman lalo lamang akong nilamig.
Ramdam na ramdam
ko pa rin ang naging epekto ng biglaang lumitaw na kidlat at wala akong
salitang maaari kong ilarawan sa naramdaman ko. Tila lumindol nang tumama iyon
malapit sa amin kaya naman tumilapon ako samantalang nawalan naman ng malay si
Chris.
Nawalan nga lang
ba siya ng malay?
Dahil sa inisip
ay pinilit kong tumayo at pinuntahan ang kanyang katawan. Nanghihina pa rin ako
at masakit ang paa ko na tila ba may nadislocate na buto dahil sa nangyari kanina
ngunit hindi ko iyon ininda.
Nang nilapitan
ko siya ay idinikit ko kaagad ang aking ulo sa kanyang dibdib.
I could hear the
faint beat of his heart. It was really faint but nevertheless......beating.
Halos maiyak ako nang malaman ko iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung
may nangyari sa kanya at ang dahilan pa ‘non ay ang katangahan ko sa paggamit
ng aural power ko.
“Ate Vera?” narinig ko ang pamilyar na tinig sa likod ko at nang
lingunin ko ang pinagmulan nito ay nakita ko si Kate na nakatayo’t basang basa
rin mula sa ulan.
“Kaya mo ba siyang tulungan?” desperadong tanong ko. Naalala ko iyong
sinabi niya sa akin na gumagawa siya ng potion para sa pagpapagaling. Maaari
naman niya siguro iyong gamitin kay Chris.
Tumango lamang
siya at walang pag-aatubiling umupo sa tabi ko at kinuha ang kamay ni Chris.
She closed her eyes then after a long, torturous silence, a faint light slowly
emerge from her chest. It’s like watching the sky slowly making the sun rise
from its deep slumber. Para akong nakakakita ng isang liwanag ng tulad ng
inilalabas ng isang araw at nagmumula iyon sa dibdib ni Kate. Habang tumatagal
ay patuloy iyong lumiliwanag hanggang sa hindi ko na nakayanan at tinakpan ko
na ang aking mga mata.
Matapos ang
ilang minuto ay napansin kong wala na iyong liwanag. Wala na akong nakikitang
liwanag sa nakasarado kong mga mata kaya naman ay unti-unti ko iyong binuksan
at nakita si Kate na nakahawak na ngayon sa kanyang dibdib.
Tiningnan ko
lamang siya. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig upang magsalita ngunit walang
lumabas na kahit anong tunog mula sa akin.
“Buti hindi ako nahuli.” sabi niya gamit ang pagod na boses.
Tiningnan niya ako at nakita kong nagtutubig na ang kanyang mga mata. “Ate, nagawa ko na.” hinawakan niya ng
mahigpit ang aking mga kamay. “Ate!
Nagawa ko na!” masayang sabi niya ngunit bumagsak na ang kanyang mga luha.
Kahit na hindi
ko pa rin siya maintindihan ay kusa siyang niyakap ng mga kamay ko. Kahit ako
ay nagulat ngunit parang may pumipiga sa puso ko nang makita ko siyang umiiyak.
I hate people
who are crying because they just let other people see their weakness. Tears are
every girl’s weakness. But seeing them from my cousin’s face, seeing her eyes
welled up with tears after that breathtaking moment with the light on her chest,
after seeing her eyes lit up with happiness despite the tears falling down her
face.......I finally saw that her crying is not something that made her weak.
But it’s her own unique way of saying that she is strong, undeniably strong.
Kahit na hindi
ko pa rin maintindihan kung ano ang tunay na ginawa ni Kate, sapat nang makita
ko ang pag-ayos ng hinga ni Chris at ang pagbalik ng kulay ng kanyang mukha
mula sa matinding pamumutla niya upang maintindihan ang ginawa niya.
She healed him.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Ate, ano nang gagawin natin? Hindi ko macontact
sila kuya Nigel eh.” mangiyak-ngiyak
na sabi ni Kate.
Narito kami
ngayon sa loob ng clinic at as expected ay walang tao rito. Wala naman itong
ipinagkaiba sa itsura ng clinic noong huling punta ko rito. Naroon pa rin ang
desk ni Aoife maging iyong magazine na tiningnan ko noon. Nakabukas din ang mga
bintana kung saan may nakalagay na kulay asul na kurtina. Hinahangin ito ngayon
kaya naman parehas naming naramdaman ni Kate ang panlalamig. Tumila na ang ulan
kanina pa ngunit ang hatid nitong lamig ay naroon pa rin. Maliban sa mga
posters tungkol sa mga iba’t ibang preventions at uri ng sakit na nakadikit sa
dingding, makikita din ang kapansin-pansing salamin na nakasabit sa tabi ng
pintuan na kinalalagyan ng mga gamot. Isang beses na akong nakagamit ng bagay
na iyon at wala na akong balak pang ulitin iyon.
Nagkamalay na
kanina si Chris ngunit nanghihina pa rin siya kaya naman dinala na namin siya
rito ni Kate upang makapagpahinga.
“Hindi ko rin alam.” sagot ko sa kanya. “Wala ka bang alam tungkol sa Malevolent
jinx na’to?” isa siyang Afras kaya siguro naman ay may alam siya
tungkol dito tulad ni Chris.
“Narinig ko na ang tungkol dito dati. May nabasa na
rin ako’t itinuro sa amin ito doon sa Ezeltopia—” huminto siya at nag-aalangang tiningnan ako. Marahil
ay hindi pa siya sanay na ikinukwento sa akin ang mga bagay-bagay tungkol sa
mga karanasan niya sa Ezeltopia. It’s not my fault anyway if she felt guilty or
uneasy about making me ignorant about those things. It’s her choice, not mine.
“Kailangan daw mahanap ang kahinaan ng dimensyon
na’to para makalabas.” pagpapatuloy
niya sa sinasabi kanina.
Kahinaan?
“Paano makikita ‘yon?” pagtatanong ko.
“Basta ang sinabi sa amin madali lang daw iyong
makikita kung talagang matalas ang paningin mo. Minsan lang gawin ‘to ng mga
Phyrinus dahil nangangailangan ‘to ng napakarami at napakalakas na dark aural
power para magawa ito kaya sigurado akong may gusto silang makuha o gustong
gawin na importante para dumating pa sa puntong ginawa nila ‘to.”
There’s
something that occur to me when Kate said that.
Phyrinus need something, something that’s very important to the extent
that they did this kind of dimension.
I remembered the
time that a Phyrinus attacked me in the apartment.
“Ang naririnig ko sa
mga kauri mo eh hindi ka naman daw apprentice at baka nga nagkamali sila. Pero
paano ba yan? I just proved them wrong!”
I remembered the
time that a group of Phyrinus attacked Ethan and Nigel. The time that I was
kidnapped and just found myself lying inside one of the rooms of our campus.
“Bakit ba hindi mo na
lang ibigay sa amin ang Feazell na iyan?”
I remembered the
time I encountered this random guy who asked me foolishly what on Earth am I
doing inside the Library. I remembered how I felt when he touched me and asked
me bluntly.....
“Anong ginagawa mo
dito?”
I remembered
what a Chrysolus told me after that guy left.......
“Stay out of danger,
young lady. We still hadn’t checked the whole university so please just keep
your wits together and be smart enough to know how to keep yourself safe.”
Hindi ko alam
kung coincidence nga lang ba ang pagkakasangkot ko sa mga Phyrinus at sa mga
bagay na may katungkulan sa kanila. I have this intuition na may kailangan sila
sa akin. I also have the interest of the Chrysolus.
I remembered
what Nigel had told me that night.
“I’ll help them solve
the problem.”
“What’s the problem?”
“You.”
“Why me?”
“You’re just too damn strong
yet we can’t feel your aura once you already used them.”
“Why’s that?”
“That’s what we’re
going to find out.”
“Naging usap-usapan sa
amin na may isang Phyrinus ang umatake sa Serafort street. Paano mo iyon
natalo?”
Is it
because................I am a Feazell?
“When are you going to
realize that she’s not one of us?”
“She is, okay? She’s a
Feazell after all.”
“I don’t give any damn
about girls wanting themselves to be involved with me. Especially not a Feazell like you.”
“Ate, ayos ka lang? Namumutla ka kasi.” sabi ni Kate habang nag-aalala.
Inihilamos ko
ang mga palad sa mukha dahil sa frustration. Damn this! I don’t understand a thing! Naguguluhan ako!
“I saw you earlier.” pagsasalitang muli ni Kate matapos ang mahabang
katahimikan. “I saw you use your aural
power.........You produced a fire......and a lightning bolt. You hurt Chris.”
Umupo ako ng
maayos mula sa pagkakayuko at matamang tiningnan si Kate. She’s not accusing
me. Her eyes have no trace of hatred or reproach. Just pure.......curiosity.....which
I don’t understand.
“Yeah. I guess I did that.” pabulong kong sabi.
Tiningnan naman
ako pabalik ni Kate. “Paano mo nagawa
‘yun?”
Kumunot ang noo
ko. “I used my aural
power.....obviously.” I said to her as if I’m talking to a 3 year old
child.
“Alam ko naman yun pero kasi....” tumingin siya sa gilid niya na tila ba
nagdadalawang-isip kung sasabihin niya ba sa akin ang iniisip niya o hindi.
Yumuko akong
muli at ipinatong ang ulo ko sa mga tuhod ko.
“I scared him.” I whispered, just enough for Kate to hear.
“I-I know.” sagot niya.
Tiningnan ko ang
mahimbing na natutulog na si Chris. How could I do this to him? Ako ang dahilan
kung bakit siya ganyan ngayon.
“I don’t understand why I can’t control my aural power.
Am I that stupid not to know how? Bakit kapag kayo, parang ang dali lang?” yes I know. I sound so defeated and
desperate. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang nakakasakit ako ng iba gamit itong
aural power na ‘to. Not to mention that I can kill someone because of it.
“Hindi mo pa gaanong kagamay ang paggamit ng aural
power kaya ganun ate Vera. We used to practice every day sa Ezeltopia para
mamaster namin ang aural power namin. For the meantime, you’re still an
apprentice kaya naman normal lang na hindi mo makontrol iyon. Kaya
naman......apprentices like you are recommended not to use aural power outside
Ezeltopia. That is one of our absolute law.”
Tumingin ako sa
kanya. Absolute law. That sounds so
serious.
“But because you still hadn’t entered Ezeltopia, you
will be an exception.” pakunswelo
niya nang marahil ay nakita ang kaba sa mukha ko.
Okay. That idea
calmed me.
Humampas na naman
ang hangin sa nakabukas na bintana kaya naman niyakap ko ang sarili ko. What
should we do? What can we do?
“Nasaan ang mga Chrysolus?” biglaang tanong ko. Hindi ba’t dapat ay
narito sila para iligtas kami at talunin iyong mga Phyrinus na responsable sa
Malevolent jinx na ‘to? Pero bakit hindi ko sila maramdaman sa paligid?
“Kanina ko pa rin sila hinahanap pero no such luck.
Nang maramdaman ko ang malakas na aural power sa Archery room ay pumunta kaagad
ako doon. Akala ko nandun sila kuya Nigel but I just saw the two of you.”
This is not
good. Ano na lang ang gagawin namin kung wala sila?
Tired and
defeated, I rested my chin on my folded knees and make myself feel comfortable.
I should probably accept the fact that we can’t do anything here without the
help of those Chrysolus.
While spacing
out, something in my peripheral vision moved that made me suddenly alert and
anxious. Pagkatingin ko sa direksyon ng paggalaw ay isa lamang ang napansin ko.
The mirror
suddenly looked misty. Sobrang labo ng salamin na tipong wala kang makitang
malinaw na repleksyon. Nakabaon pa rin ang mukha ni Kate sa kanyang tuhod kaya
siguro ay hindi niya napansin iyon.
Dahan-dahan kong
nilapitan ang salamin at humarap doon. Kahit na kinakabahan ay ipinikit ko ang
aking mga mata. Nang maramdaman ko na ang pamilyar na init sa aking katawan ay
idinilat ko na ang mga iyon. Kahit na malabo ang salamin ay kita ko pa rin ang
kulay ng repleksyon ng aking mga mata. Sobrang liwanag nito.
Inilapit ko ang
aking daliri sa salamin dahil may nararamdaman akong kakaiba doon. Sa totoo
lang ay hindi ko alam ang dapat kong gawin ngunit may bahagi ng utak ko na nagsasabing
ito ang dapat.
Nang lumapat ang
hintuturo ko sa salamin ay bigla na lamang nawala ang panlalabo nito. Sa isang
iglap ay naging malinaw ang sarili kong repleksyon sa salamin. My own
reflection looked at me in awe. Suddenly, after a few more seconds, a letter,
then a word, then a sentence appeared on the mirror. I feel goose bumps all
over me as I read those words mentally.
“Chrysolus. Who are you? What are you doing?”
After reading
those, they unexpectedly vanished as if something or someone had erased them
completely on the mirror.
After that,
words again filled the mirror.
“Why do you keep on staring at this mirror? You should
move right now and finish this mess!”
For the second
time, the writings all have disappeared.
Instinctively, I
write on the mirror.
“What should I do?” I inscribed.
It replied, “You don’t know?!”
Wait. What?
Should I know how? Edi sana kung alam ko matagal ko nang ginawa at nang
makaalis na kami dito. Pero hindi di ba? Kaya naman parang tumaas yata ang dugo
ko nang makita ko ang question mark at exclamation point na magkasama sa
sentence niya.
And besides,
Chrysolus? I am not an ‘effin Chrysolus. How could ‘it’ say that I’m a
Chrysolus when in fact I’m obviously not.
Tinanggal ko na
ang pagkakadikit ng daliri ko sa salamin at nakita ko ang sariling mga mata sa
repleksyon ko ang pagbalik nito sa dati nilang kulay.
Hazel brown eyes. Wait. Bakit parang may mali?
Tiningnan ko pa
ng mas maigi ang sariling repleksyon. My eyes were supposed to be colored sky
blue because of the contact lenses. Pero bakit totoong kulay na ng mga mata ko
ang nakikita ko ngayon? Wala akong maalalang tinanggal ko iyon. Nabasag kanina
iyong eyeglasses ko nang tumilapon ako kanina pero sigurado akong suot ko pa
rin ang contact lenses ko.
Nasaan na
ngayon?
Hindi ko na
pinansin ang salamin at ang pagtataka sa nawawalang contact lenses at bumalik
na lamang mula sa pagkakaupo.
Paano kaya
nangyari iyon? Paanong nakakausap ko ang isang salamin? Normal kaya iyon sa
mundo ng mga Chrysolus at Afras? Marami pa nga talaga akong hindi alam.
Ang sabi ni Kate
ay kailangang mahanap ang kahinaan ng dimension na ito para makalabas. Sinabi
rin niya na madali lamang iyong makikita kung matalas ang paningin mo.
I guess I should
give this a try.
But damn! Where
are my contact lenses!!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kanina pa ako
palakad-lakad dito sa loob ng university. As of now ay wala pa rin akong
improvement dahil wala naman akong makitang kakaiba dito. Nang mawalan na ako
ng pasensya ay napagdesisyunan kong bumalik na lamang sa clinic.
Nandito ako
ngayon sa floor ng room namin, kung saan nakita ko kani-kanina lang si Chris na
walang malay. How ironic. Wala rin siyang malay ngayon at nasa clinic pa.
Habang
naglalakad ay naalala ko iyong pagyanig ng lupa at ang mga narinig naming
pagsabog nang nasa loob pa kami ni Chris sa room namin.
Naalala ko rin
iyong nakita namin nang nakalabas kami sa room na iyon.
Kahit na
kinakabahan ay tumingin ako sa aking kanan para makita ang building ng mga
elite.
Nagulat ako
dahil taliwas ang nakita ko sa inaasahan ko. Hindi tulad kanina na nahati iyon
sa dalawa ay buo na iyon ngayon. Kung kanina ay ang kabila ay tila nababalutan
ng kuryente at ang kabilang bahagi ay nasusunog, ngayon naman ay malinis iyon
at maayos na tila ba katulad lamang ng nasa totoong mundo.
Imposible namang
namalik-mata lang kami kanina ni Chris nang makita namin iyon. Hindi. Imposible
talaga.
Nagmamadali kong
tinahak ang hagdan pababa at pinuntahan ang elite building. Nanggaling na ako
dito dati at hindi naging maganda ang karanasan ko noon. Kung dati ay may Nigel
na nagligtas sa akin, sa tingin ko ay wala na ngayon. Kung narito siya maging
iyong ibang Chrysolus ay dapat kanina pa sila nagpakita. Pero hindi iyon ang
nangyari.
Binuksan ko ang
tinted glass door na naghihiwalay sa pasilyo ng elite building at ang labas
nito. Pagkabukas ko nito ay kumunot ang aking noo.
Isang hallway
ang inaasahan kong makikita ko pagkabukas ko ng pintuan ngunit katulad kanina
ay taliwas iyon sa inaasahan ko.
Iyong concrete
wall dati ay hollow blocks na lamang ngayon. Iyong carpeted floor ay
sira-sirang tiles na lamang. Ang maliliwanag na ilaw ay sira pa at patay sindi.
Sa kabuuan ay parang haunted house na itong napuntahan ko.
Naglakad ako at
napagtantong may hagdanan pa rin naman dito ngunit inaasahan ko nang iba ito sa
totoong hagdanan ng elite building. Sira-sira rin iyon at tila bibigay kung
aapakan.
Dahil sa nakita
ay hindi ko na ginamit ang hagdanan na iyon. Baka mamaya ay mahulog pa ako dyan
at maging dahilan pa ng pagkamatay ko. No thanks.
Aalis na sana
ako nang bigla akong may narinig na tunog na tila isang elevator na nakarating
sa ground floor. Iginala ko ang aking paningin at nakita ang isang elevator sa
dulong bahagi ng hallway. Tatakbo na sana ako pabalik sa pintuang pinasukan ko
ngunit laking gulat ko nang dead end ang kabilang bahagi. Wala na iyong
pintuang pinasukan ko kanina.
Shit.
Dahil sa taranta
ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. I closed my eyes as if not seeing
those God knows what will prevent them
from seeing me. Pathetic right? I know
pero wala na sa huwisyo ang utak ko dahil sa pagkataranta.
This is a
complete malfunction on my part.
“—para makita natin sila.
Tingin mo?” I
heard someone say as the elevator door opened.
I expected them
to say “Hulihin siya!” or something
like “Kill her!”
Pero wala akong
narinig.
“Pero kapag inilabas natin sila baka gamitan nila tayo ng
aural power. Paano tayo makakasiguro na hindi nila tayo magagalaw?” sabi ng isa pang boses.
“Magaling silang magtago pero sigurado akong makikita rin
natin sila.”
Dahil sa
pagtataka ay binuksan ko na ang aking mga mata.
“Paano kaya nila nagagawang magtago eh nasa atin naman yung
anim na Chrysolus? Ibig sabihin mga Afras lang yung mga yun kaya bakit hirap
tayong hanapin sila?”
“Marahil ay kasama nila ang Feazell na iyon kaya nahihirapan
tayo.”
I arched my
right brow when I heard them utter my name. Humalukipkip din ako habang mataman
silang pinagmamasdan. How could they not sense or see me?
Nasa harap pa
rin sila ng elevator habang nag-uusap. Maya-maya pa ay nagpatuloy na sila sa
paglalakad. One way lang ang hallway na ito kaya naman sigurado akong makikita
na nila ako. Marahil ay masyado lamang silang engrossed sa pag-uusap nila na
hindi nila napansin ang presenya ko’t hindi ako nakita.
But I thought
wrong and realized there’s something going on right here.
“Tingin ko dapat na tayong kumilos bago sumapit ang ala-sais
ng gabi. Mahirap na’t baka makalabas pa ang mga yun ay mabulilyaso itong plano
natin.” sabi
ng isang Phyrinus.
Itinaas ko ang
sleeve ng uniform ko para makita ang oras sa wristwatch ko ngunit wala akong
nakita.
Literal na wala
akong makita! Tiningnan ko pa ang mga binti ko ngunit ang tangi kong nakikita
ay ang sira-sirang tiles na tinatapakan ko. Muli kong ibinalik ang tingin sa
dalawang Phyrinus ngunit napaatras ako nang makitang sobrang lapit ko na sa
kanila. Patuloy lamang silang naglalakad at sa isang iglap
ay...................tumagos sila sa akin.
My jaw dropped
at the realization.
Tiningnan ko pang
muli ang sariling katawan ngunit para akong tumitingin ng literal sa sahig.
I am invisible!
Oh my God! Hindi ko akalaing may kapangyarihan akong gawin ito!
In my complete
happiness, I forgot to stop my giggle from coming......and it’s too late. I got
the attention of the two Phyrinus.
Wala na akong
pinalampas na pagkakataon at pumunta na ako sa elevator. Pinindot ko iyong
button at narealize na nakikita ko nang muli ang mga daliri ko. Ibig
sabihin.....
“What the heck! HOY! TUMIGIL KA!” they shouted in unison as I entered inside
the elevator and frantically push the close button.
Nakita kong
tumatakbo na sila papunta sa akin ngunit hindi na nila napigilan ang pagsara ng
elevator.
God! That’s
close.
I
am fidgeting while I wait for the elevator door to open. This is actually the
very first elevator na naencounter ko na walang buttons ng floor. Mayroon lang
buttons for open and close and nothing more.
Kinakabahan
ako dahil baka pagbukas nitong elevator ay tumambad sa akin ang isang batalyon
ng mga Phyrinus at sa tingin ko ay katapusan ko na talaga kapag nangyari iyon.
It was just a sheer luck that saved me earlier pero sa tingin ko ay hindi na
iyon mauulit pa. Gusto ko sana ulit maging invisible pero hindi ko alam kung
paano. Baka kapag ginamit ko ang aural power ko ay iba pa ang magawa ko at
worst eh may makapansin doon at makuha ko nga talaga ang atensyon ng lahat ng
mga Phyrinus dito sa loob ng building.
Sa
palagay ko ay ito ang nagsisilbing hide out nila sa dimension na ito. Hindi ko
alam kung ito nga ba ang sinasabi ni Kate na kahinaan pero wala na yata akong
maisip na itatawag sa lugar na ito.
Kinagat
ko ang labi ko nang biglang tumigil ang elevator, hudyat na bubukas na ang
pintuan nito.
Pagkabukas
ng elevator ay tumambad sa akin ang isa pang hallway. Ngunit itong nasa harapan
ko ay puro mga batong pinagsama-sama. Iyong mga pebbles na makikita sa
dalampasigan o kahit sa garden. Mga pinagsama-samang ganoon ang nagsilbing
haligi ng lugar na ito. Maging ang sahig ay gawa sa mga pebbles na kumpol-kumpol
kaya naman medyo bako-bako iyon.
Lumabas
na ako mula sa elevator at nagsimulang maglakad. May mga bulb sa kisame kaya
naman maliwanag at nakikita ko ang nilalakaran ko. Nang makarating na ako sa
dulong bahagi ay tumambad sa akin ang isang napakalaking silid na mga salamin
ang nagsisilbing dingding at pinto.
At
sa loob nito ay ang iba’t ibang makina na naglalabas ng usok. Tila ba may
ginagawang eksperimento dito. Napansin ko rin ang iba’t ibang test tubes na
nakalagay sa isang rack. Sa bawat test tubes ay mayroong naglalaman ng iba’t
ibang kulay ng likido na kumukulo. May orange, blue, brown, white, gray, silver
at iba pa. May mga pipe din na nakakunekta mula sa isang sobrang laking machine
na doble yata ang laki kaysa sa mga tanke ng tubig na nakita ko noon.
Sinundan
ko ng tingin ang mga pipes na iyon at halos manlumo nang makita ko sila.
Nakakunekta
ang mga pipes na iyon sa magkakatabing malalaking glass aquarium. Ang bawat
aquarium ay sapat lamang ang laki upang magkasya ang isang tao.
Ang
bawat isa ay mayroon ding iba’t ibang kulay ng tubig, tulad ng nakita ko sa mga
test tubes kanina.
I
recognized the colors.
Charcoal gray, kung saan nakalagay ang katawan ng
isang lalaking hindi ko kilala. I bet his aural power would be air.
Slate blue, kung saan naman nakita ko ang katawan ng
lalaking tumulong sa akin sa Library Center. Sinabi niya sa aking mag-ingat
ako. Alam kong Chrysolus siya dahil pamilyar siya sa akin nang makita ko siya.
He’s element must be lightning.
Azure, the color of Adalia’s friend. Nakita
ko na siya noon sa gym. Siya iyong nagpatama ng bola ng volleyball sa dibdib ko
kaya naman natumba ako noon. Water, I guess is her element.
Burnt sienna, earth element which is Adalia Scott.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin gusto ang ugali niya. But seeing her caged
in that aquarium looking so weak made me sick.
Saffron, Ethan. His fire element seems so
useless in that container. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit para sa
mga nilalang na naglagay sa kanila dyan. I want to kill those Phyrinus right
now!
And
lastly, deep blue. The element of ice. I barely know him but I somehow cared
for him. His eyes were closed and so his power.
Pinasadahan
ko ng tingin ang anim na Chrysolus na nakakulong sa mga aquarium na may tubig
sa loob. Gusto ko silang ilabas ngunit hindi ko alam kung paano.
Napaluhod
ako dahil sa kawalan ng pag-asa. Ano nang gagawin ko?
Maya-maya
ay narinig ko na ang pagbukas ng elevator at tumambad sa akin ang halos sampung
Phyrinus na tumatakbo papunta sa akin. I stared at them.
Ibinalik
ko ang tingin sa anim na Chrysolus na nakapikit at walang mga malay. I closed
my eyes and said the name that I believe would save me and keep me protected.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------