♪ Chapter 25: Choices
Jane’s POV
Masaya naman ang mga
nagdaang araw. Isang linggo na ang nakakaraan matapos iyong gabing magkakasama
kami nila kuya, Al, at sila Geff, Phin at Darren sa orphanage. Hanggang ngayon
din ay hindi pa ako nakakapasok ng matiwasay doon sa office ni Sister Malou
dahil nitong nakaraang linggo ay dumating na sila galing doon sa binisita
nilang kaibigan. Ang sabi nila sister ay kasamahan daw nila iyong kaibigang
binisita nila na madre rin noong kapanahunan nila.
Nitong mga nakaraang
araw naman ay may tumamang bagyo dito sa Manila kaya naman pati iyong
basketball game nila kuya ay postponed muna. Nagkulong lamang kami nila kuya at
Al sa pad namin. Si kuya salimpusa lang ‘yan! Ang sabi niya kasi ay boring doon
sa condo niya.
Mula nang magpasukan
nang muli, iniiwasan ko na talaga si Geff. Hindi naman siguro niya napapansin
dahil in the first place ay tahimik naman talaga siya at ang lagi niyang kasama
ay sila Phin at Darren. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang kahulugan ng yakap
na ibinigay niya sa akin noong nasa orphanage pa kami. Basta ang gulo niya!
Maging ako ay naguluhan
dahil sa kanya. As much as possible ay ginagawa ko ang lahat, huwag lang kaming
magkasalubong or worst ay magtama ang aming mga mata dahil mukhang hindi ko
yata alam ang gagawin.
Napansin ko rin ang
biglaang pagtahimik ng dating madaldal na si Neth. Madalas ko siyang makitang
bumubuntong-hininga at kapag tinatanong ko naman siya, ang lagi niyang isinasagot
ay pagod lamang siya.
“Dapat siguro ihinto mo muna ‘yang part time mo.
Baka kasi mamaya maapektuhan din pati studies mo,” sabi ko nang minsa’y nakita ko siyang nakatungo doon
sa table sa library.
Nakita ko kasi siyang
mag-isa at ako naman ay kararating lang sa library. Si Al naman ay naroon sa
SMS Department at mukhang may ipinagawa sa kanya si Ms. Adrias. Math genius
naman kasi si Al kaya hindi na ako magtataka. Si Grace naman ay nandoon sa gym
at nanunuod ng practice ng Waldroves. Dakilang fan talaga ‘yong si Grace.
“Hindi. Ayos lang naman ako. Kaya ko naman ibalance
ang time ko sa part time pati sa pag-aaral ko,” pagpapaliwanag niya habang nakasandal pa rin ang ulo
sa table.
“Eh bakit parang pagod na pagod ka? May eyebags ka
na rin oh,” sabi ko sabay turo doon
sa itim sa ilalim ng mga mata niya.
Naaawa naman ako dito
sa kaibigan ko. Bilib talaga ako sa kanya! Gusto ko sana siyang tulungan kaso
baka kasi isipin niyang naaawa ako sa kanya. No person would want any pity from
other people pero hindi ko pa rin maiwasang hindi maramdaman iyon sa kanya. Alam
ko naman kasi ang estado nila sa buhay. Working student na sobrang iniingatan
ang grades. Ang hirap ‘non ah!
“Okay naman ako kaso...” Bumuntong
hininga nanaman siya.
“Neth, may problema ba? Pwede mo naman ishare sa
akin ‘yan,” pagpapangiti ko sa kanya.
Sa totoo lang kasi ay
nakokonsensya ako. Paano ba naman ay may alam akong hindi niya alam. Gusto kong
sabihin sa kanya pero wala naman ako sa lugar para ako pa ang magsabi sa kanya
nito. Alam kong may dahilan siya kung bakit niya itinatago ang totoo niyang
katauhan kaya naman wala akong karapatan para pangunahan siya. At isa pa, hindi
ko pa rin nakikita hanggang ngayon si Jayvier kaya naman hindi ko tuloy masabi
sa kanya na ito si Neth, blocmate ko at kaibigan ko pa! Bigla kasi niya akong
tinakbuhan matapos ko siyang tanungin kung si Neth ba iyong Angel na matagal na
niyang hinahanap.
Nakikita ko rin
magpahanggang ngayon iyong papa ni Jayvier. Binabati ko naman siya kapag
nakakasalubong ko siya bilang respeto pero hanggang doon na lamang iyon. Natatakot
pa rin kasi ako sa kanya.
“Jane, paano kung maipit ka sa isang sitwasyon kung
saan papipiliin ka kung aalamin mo ba iyong isang bagay na sa tingin mo ay
dapat mong malaman o magdedesisyon ka na lamang na manahimik dahil sa takot na
baka... hindi pala iyong inaasahan mong malaman o marinig ang sasalubong sa’yo?
Ano ang gagawin mo Jane kung ano mang desisyon ang pipiliin mo ay may mawawala
sa’yo?” biglaang tanong ni Neth
na siya namang ikinagulat ko.
Hindi ko alam kung ano
ang ipapakita kong ekspresyon sa kanya. Wala akong maisagot. Sa totoo lamang ay
naiintindihan ko kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Iyon ay dahil gano’n din
ang sitwasyon ko sa ngayon.
Gustong-gusto ko nang
malaman ang nakaraan ko. Iyong bahagi ng alaala ko na ginustong kalimutan ng
puso’t isip ko. At sa kabila ng kagustuhan kong iyon ay ang takot na baka nga
may malaman akong bagay na hindi ko inaasahan. Bagay na maaaring gumuho sa
buhay na mayroon ako ngayon. I’m aware that my past is tainted, tainted with so
much negative feelings and bad memories. I witnessed how life could be so cruel
that even if everything happened in front of you, within your reach... you just
can’t do anything to alter them. All you can do is to accept them, even if
doing so hurts like hell.
Choosing a decision
means letting go of something and gaining something in return. Every act has
its own consequence. Hindi pwedeng lahat na lamang ng gusto mo ay makukuha mo.
Kailangang may isakripisyo ka rin along the way.
Even though it’s sounds
so cruel but that is how this world works.
“I will choose among the choices still,” sagot ko sa kanya. Nakita ko naman na nakatingin din
siya sa akin at naghihintay lamang sa idadagdag ko. “Kahit na alam kong may mawawala sa akin o masasaktan ako along the way
just to know the truth, then I’ll still do it willingly.”
“Paano magiging maayos ‘yun kung may nasasaktan ka
na tao?” skeptikal na tanong ni
Neth.
Hinawakan ko ang mga
kamay niya. Naiintindihan ko siya. Tulad ko ay nais niyang malaman ang mga
bagay na hindi niya alam sa pagkatao niya. Pero... mayroon siyang dahilan kung
bakit hindi niya tuluyang magawa iyon. Iyon lamang ang tanging pumipigil sa
kanya.
Ako naman ay hindi rin
maaaring magpadalos-dalos, tulad na rin ng paalala ni Al. Someone planned the
death of my family. The worst thing is that we don’t have any freaking clue of
who they were. Baka magulat na lamang ako ay nasa paligid ko lamang pala sila.
But still... “You can’t just do nothing and will still
be kept in the dark forever Neth. May karapatan kang malaman ang totoo... kung
ano man ang gusto mong malaman. Walang pumipigil sa’yo. Losing something is
inevitable along the process. But I guess kapag nalaman mo na ang gusto mong
malaman ay... masasabi mong all is worth it.”
May amnesia ka nga ba
talaga Neth? I just concluded so dahil sa mga sinabi ni Jayvier... na hindi
siya nakikilala nito. But what’s keeping Neth from knowing the truth?
When I squeezed her
hand only then she smiled.
“Salamat Jane. Pasensya ka na kung medyo madrama ako
ngayon,” sabi niya nang medyo
natatawa. Sa wakas naman ay napangiti ko na siya. Kahit papaano ay nagkaroon
ako ng silbi sa kaibigan ko.
“You’re most welcome.” at sabay pa kaming nagtawanan.
I sigh. Kung pwede ko
nga lang talaga siyang tulungan. Nasa sa kanya naman na iyon kung hahayaan niya
akong tulungan siya o hindi sa pamamagitan ng pagsabi sa akin ng mga problema
niya.
“Basta Neth. Tandaan mo lang na nandito kaming mga
kaibigan mo sa tabi mo kung sakali man na kailangan mo ng mga words of wisdom
namin. ‘Wag kang mahihiyang lumapit sa amin!” pagjo-joke ko pa. Aba eh lulubos-lubusin ko na ang
pagpapangiti dito sa kaibigan ko.
“Loko ka talaga Jane.”
Nang nasa second
subject na kami ngayong araw na ito ay nakatanggap ako ng text galing kay
Amirah. Ang sabi niya ay magkita-kita daw kaming mga members mamaya doon sa
club room. May kailangan daw kasing gawin.
“Aya, pumunta daw tayo sa club room mamaya sa free
time natin,” sabi ni Al habang
kinakalikot iyong phone niya.
“Oo, nakareceive din ako ng text galing kay Amirah,”
ang sagot ko naman sa
nakakunot-noong si Al.
“Tss,” sabi
niya.
Bad mood ba ‘tong si
Al?
“Huy! Bakit busangot ‘yang mukha mo na kulang na
lang yata eh durugin mo yang phone sa sobrang higpit ng hawak mo?” pang-uusisa ko. Wagas naman kasi kung makahawak at
makapindot sa cellphone niya! Hindi na ako magtataka kung mabasag ang screen
nyan to think na mahaba pa ang kuko nitong si Al.
“Asar naman kasi ‘tong hayup na Slade na ‘to eh! Ang
sarap niyang ipakulam sa albularyo!” inis
na bulong ni Al na narinig ko naman.
Aba aba! Himala! May
nabanggit din na lalaki itong si Al maliban sa bukambibig niyang si Darren na
crush niya at ang mortal niyang kaaway na si kuya!
Nang napansin na rin sa
wakas ni Al ang mga titig ko sa kanya ay bigla niyang ibinulsa iyong cellphone
niya.
“May sinasabi ka ba Aya?” pagtatanong niya na akala mo eh hindi pa lang niya
kagagaling sa mood swings.
Tinaasan ko nga ng
kilay.
“Ano?” sabay
tawa niya. Ay nako Al tigil-tigilan mo ako sa mga tawa epek mo dyan dahil kahit
anong hint tungkol sa lovelife mo ay hindi mo pa sinasabi sa akin!
“Fine! Fine. Ikukwento ko mamaya. Tigilan mo ‘yang
pag-angat ng kilay mo at alam mong hindi ko kayang gawin yan,” litanya pa niya nang mabasa ang ekspresyong nasa
mukha ko.
Natawa tuloy ako.
Sasagutin ko pa sana siya kaso dumating na iyong prof. namin.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Geff’s POV
“Focus man! Nakakainis ka na!” singhal ng isa sa mga teammates ko dito sa soccer
practice.
Damn it!
“That’s it. I’m out,” I calmly said when in fact my feelings right now is
in contrary.
What’s wrong with me?!
I went to one of the
shaded part of the field and slowly sit there. I grab my bottled water from my
bag and started drinking.
After drinking, I let
my eyes wander and start looking for any familiar face.
But I see nothing of
her.
Damn. Why am I looking for her?
I stood as I grab my
bag and walk through the field, feeling the eyes around me. Why are they
looking at me?
Nakita ko pa ang ilan
sa mga kababaihan na nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Nang magawi ang
tingin ko sa kanila’t nagtama ang mga mata namin ay bigla silang namula.
Seriously?
I didn’t bother looking
at them anymore. The hell I care.
It just made me
remember what Darren have said to me after declaring myself as Jane’s first
kiss.
“You really have the same eyes.”
Bakit ba nakikita ko sa kanya si Angel? Bakit ba
nawawala ako sa sarili kapag nakatingin na sa akin ang mga mata na ‘yan? Bakit
ba apektadong-apektado ako sa presensya niya?
And those lips. Damn those lips!
“And about the kiss? I’m not going
to apologize for that.”
I never intended to kiss her. I didn’t even have a
plan of doing so. But when I saw that punk’s face near hers, parang sasabog ako
sa galit. I know that the guy will kiss her and she will let him so I turned
around for me not see ‘it’.
I left the rooftop and started walking mindlessly
like an idiot. Para akong namatayan sa pakiramdam ko which I don’t understand.
I hate the guy for hurting Phin. I really hate the guy that one punch from my
fist is not enough. Gusto kong makitang nahihirapan siya at maramdaman ang
sakit na naramdaman ni Phin.
While ‘that’ girl. She and that guy have a ‘thing’.
And I was so stupid for being oblivious. Bakit hindi ko napansin? Bakit
hinayaan ko pa ang lalaking ‘yon na makalapit kay Phin?
When I cornered her, she kept on insisting that
there was nothing going on with the two of them. Did she think that I would
believe her? Then what about the thing I witnessed earlier? Was that only a
trick?
I told her harsh words and later regretted doing so.
I was really stupid telling her that.
I am stupid. Really stupid. And she also told me
that I’m stupid.
Like what Angel supposed to call me when we were
together.
After hearing Jane say ‘stupid’ to me, all my rational
thoughts left me... and all I could think about was that I missed her. I badly
missed her that I came to the point that I saw Jane as Angel... which was
totally absurd.
And I can’t take my eyes off her lips. I know she
was already kissed by that punk but... damn it! I was so furious! I want to
erase that kiss!
And so I kissed her. I felt how she became limp as I
kissed her. Her lips was so soft, it was so addicting. I pulled her closer to
me when I felt that she was responding to me.
Angel...
I came back to my senses upon thinking about her.
Shit! Para akong mababaliw! Why am I thinking about her while... kissing her?
Damn it! She’s not her!
And why did I kiss her in the first place? Damn it!
I received a punch from Darren when we were alone at
last in our classroom. It was already dark but still, we were here.
“Fuck you Geff! Alam mong gusto ko
si Jane pero bakit kailangang siya rin ang maging gusto mo?! Ano ‘to? You want
to prove that you’re better with girls than me? Gano’n ba ‘yon Geff? Tell me
‘cause I don’t think I can be around with you anymore because of this. Baka
malimutan kong kaibigan kita.”
I didn’t dare say a word. It was my fault. I know
Darren liked this particular girl. They’ve met when they were still young. And
I just met her just a couple of days.
Really... I just don’t understand myself.
I need to get her out of my system but... failed
when I saw her again in that orphanage. What was she doing there?
No, mali ako ng iniisip. She’s not her. Kailangang
itatak ko sa utak ko na hindi sila iisa. Wala na siya at hinding-hindi na siya
babalik.
“Nice to meet you too Drew.”
Bakit ba naaalala ko siya sa bawat paggalaw ni Jane?
When I held her hand that time, I don’t want to let go. But I need to let go.
I’m seeing Angel’s face instead of hers... and it feels like I’m using her just
to revive her existence.
No. I won’t ever use her.
Starting that night when I hugged her, I promised
myself that I will leave her alone now. I won’t make things more complicated
with my friendship with Darren. I know they’re better together without me in
the picture.
Habang naglalakad at
may malalim na iniisip ay natanaw ko si Nathan na mabilis na naglalakad sa
corridor ng East building. He looked like someone who just saw something terrifying.
Nagtaka ako kaya naman
sinundan ko siya. May masama akong kutob dito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Jane’s POV
Pagkarating namin nila
Al, Grace at Darren sa WSMC club room ay tumambad sa amin ang napakagulong
gamit at nagkalat ng mga music sheets. Sobrang dumi din sa loob na akala mo ay
dinaanan ng dust storm ang room na ito.
“Anong nangyari dito? Bakit ang gulo ng room?” pagtatanong ni Al.
Maya maya lang din ay
nagsilabasan na ang pare-parehas na nakasandong sila Michael at Derrick.
“Inutusan kami ni Amirah na maglinis nitong room.
Malapit na kasi ang feast day ng academy natin kaya kailangang maghanda,” sagot ni Michael habang nagpupunas ng pawis sa
kanyang noo.
“Sus, nagpapa-pogi points ka lang naman kay Amirah
eh! Kunwari masipag at masunurin pero nako...” dagdag ni Derrick habang nakatingin kay Michael ng
nakakaloko.
Sasalida pa sana si
Michael pero biglang nagtanong si Grace. “Anong
meron sa feast day?” Oo nga. Ano nga ba ‘yon at bakit kailangang
paghandaan? Ano ‘yon, parang foundation day?
“Parang foundation day ang feast day. Sine-celebrate
iyong araw ng pagkakatayo ng academy. Though I don’t have any idea what they do
during these days,” pagkibit balikat
ni Darren nang makita ang mga nagtatanong naming mga mata. Halos matawa pa ako
dahil sinabi rin niya iyong nasa isip ko kani-kanina lamang.
“Tama! 1 week celebration ‘yon at obligado ang bawat
clubs na maghanda ng kahit anong booths or activities para maka gain ng pera
then ibibigay ang mga ‘yon sa isang charitable institution,” dagdag pa ni Derrick.
“So... anong activity natin?” tanong ni Al habang nililibot ang mata sa kabuuan ng
magulong room.
“Concert!” sabay
na sigaw nila Michael at Derrick.
Concert... woah. That’s
a big event.
“Edi ibig sabihin kakanta kayong Black Raven doon.
Ano pala ang maitutulong namin?” tanong
ko. “Siguro kami na lang iyong
mag-oorganize ‘nung event, di ba Al?”
“Oo nga! Bale parang kami ang tatayong manager and
assistant niyo,” pagsang-ayon sa
akin ni Al.
“Wow! Ang saya naman ‘non!” sabi ni Grace.
“WOAH! Easy, girls. Hindi kami papayag na hindi kayo
sasama sa amin sa stage. Ano ‘yon? Gagawin namin kayong alalay? No way!” sabi ni Michael habang nakapamaywang. Muntik pa nga
akong matawa dahil mukha siyang si kuya na pinagsasabihan kami ni Al.
“So... does it mean na kakanta rin kami kasama
niyo?” tanong ni Al na mukhang
na-excite ng bongga.
“Yup!” nakangiting
tugon ni Derrick.
Oh God help me. Hindi
ko kaya ‘yon! Baka wala pa ako sa stage ay himatayin na ako!
“I miss your voice,” pabulong na sabi sa akin ni Darren habang ang iba
naman ay abala sa pagpaplano ng gagawin para sa concert.
Napalingon tuloy ako sa
kanya.
“Bakit mukha kang kinakabahan? Nagawa mo naman na
‘yon noong birthday namin ni Phin, right?” pagtatanong
pa niya.
“Eh kasi... iba naman yun,” sagot ko.
Naka-mask naman kasi
kami noong mga panahong ‘yon kaya okay lang na humarap sa maraming tao. Concert
‘yon! Hindi tulad ng nangyari sa presentation namin sa OSWALD dati. At least
doon ay kaunti lamang ang nakikinig pero concert?! No freaking way.
Hindi rin naman
nagtagal ay dumating na si Amirah at Chenille dala ang mga face mask at sand
paper.
“Mabuti at kumpleto na tayo ngayon!” masayang wika ni Amirah habang nakatingin sa amin.
Ibinigay rin naman niya ang face mask at sand paper sa bawat isa sa amin.
“May mga tables at chairs tayo sa kabilang room na
may mga sulat. Kuskusin natin ang mga ‘yon gamit itong sand paper para mabura,”
sabi ni Chenille habang pinupuyod
ang buhok at mukhang naghahanda na sa paglilinis.
Nagsimula na rin akong
talian ang mahaba kong buhok bago nagtungo sa kwartong tinutukoy ni Chenille. Ngunit
bago pa ako makapagsimula ay naramdaman kong nagvibrate iyong phone ko.
Binuksan ko ito at binasa ang message.
From: Unknown Number
Go to the back garden.
-P. Ramirez
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Neth’s POV
“Ano pang dapat gawin?” pagtatanong ko pa sa president nitong photography
club.
“Wala na, ‘yun lang,” sagot naman niya bago nilisan ang meeting room
kasabay ng iba pang members.
Ngumuso ako habang
pinagmamasdan silang isa-isang nililisan ang club room. Magiging busy pala ako ngayong darating na
week dahil gaganapin na nga iyong Feast day ng academy. At dahil postponed
iyong basketball match ng ACU at NOLA last week ay next week na rin iyon
gaganapin. Kailangang kuhanan lahat ng event para sa report na ilalagay sa
school newspaper. Mabuti na nga lang at tinulungan ako ni Alec, iyong kapatid
ni Jane, sa pagpasok sa club na ito.
Speaking of Jane,
natuwa ako sa kanya dahil pinangiti niya ako kanina though hindi ko pa rin
maiwasan ang sarili kong makaramdam ng negatibo kapag nakikita ko siya dahil
naaalala ko si Geff. Hindi ko alam kung anong mayroon sa dalawang iyon pero... parang
nasasaktan kasi ako. According sa mga nalaman ko kay Phin at Geff, minahal ni
Geff si Angel. He was supposed to be mine back then pero ngayon...
Hindi ko rin naman
masisisi si Geff at Jane dahil wala naman silang alam. Walang alam si Geff
tungkol sa akin.
Kung sabihin ko kaya?
No. Hindi pa ngayon.
Matapos iyong dalawang
araw kasama ang mga kaibigan ni Iona ay nakaramdam ako ng kasiyahan. Para bang
unti-unti ko nang nabubuo ang sarili ko. Marahil nakatulong talaga iyong mga
sinabi ni Jayvier sa akin. Ang sabi niya ay tutulungan niya ako sa aking
problema at nandyan lang siya kung kailangan ko ng masasandalan. Hindi ko naman
nakausap ng maayos si Iona matapos ‘non dahil... kay Raph.
Hanggang ngayon ay
napapaisip pa rin ako sa sinabi niya. Sigurado ako na may laman iyong sinabi
niya.
“You’ll regret it. Masasaktan ka
lang. And I won’t be able to protect you. Tama nang wala kang alam. Live your
life like a normal teenage girl.”
I’m sure may alam siya
tungkol sa mga nangyari years ago. Sinabi niya ang mga bagay na iyon dahil
kilala na niya ako in the first place at alam niya kung ano ang ginagawa ko.
Gusto niya akong protektahan dahil malapit ko siyang kaibigan. Gusto niya akong
protektahan dahil alam niyang maaaring may nagtatangka sa aking buhay.
Pero hindi ibig sabihin
‘non ay ipauubaya ko na lang sa kanya ang lahat o sa kung ano na lang ang
mangyayari. Kailangang kumilos din ako para sa sarili ko. I’m not a child
anymore at may utak at puso ako na ako ang may kontrol. Wala akong sinumang
inoobliga na protektahan ako. I can protect myself. Pero grateful pa rin ako sa
mga sinabi niya.
Iniligpit ko na ang
nakakalat na papers, magazines at ballpens na nagkalat sa table habang
nagmi-meeting. Napaka-unorganize naman ng club na ‘to! Basta basta na lang
umalis kahit hindi pa maayos itong room.
Habang ginagawa iyon ay
tumunog iyong cellphone ko. Binuksan ko iyon upang malaman kung sino ang
nagtext.
From: Unknown Number
Go to the back garden.
-P. Ramirez
Si Phin ba ‘to? Hindi ko
pa nga pala alam iyong number niya kaya si Phin siguro ito. Pero bakit naman
kaya niya ako pinapapunta sa back garden ng academy?
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Geff’s POV
Hindi ko alam kung saan
ba patungo itong dinadaanan ni Nathan. Saan ba siya pupunta? And what’s with
his face?
I continued following
him because I know that something is not right. I saw something in Nathan’s
eyes that told me something is terribly wrong.
I still followed him successfully without him
knowing until I just found myself in front of Alfwold Clement University.
What was he doing in
the opponent’s territory?!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Iona’s POV
Nasaan na kaya si Raph
ngayon? Tinatawagan ko siya pero out of coverage area daw. Saan naman kaya
naglululusot ‘yon?
Dumaan ako sa gym na
nasa fifth floor at nakita ang ilan sa mga members ng Alfords. Nagpapractice na
sila para sa basketball match next week laban sa Waldroves ng North Oswald.
Bakit parang wala yata
akong makitang Yllana dito?
“Slade!” tawag
ko sa flirt na hayun at nakikipaglandian sa ibang cheerleaders! Ugh! Ang sarap
ingudngod sa putikan yang pagmumukha niya!
“Oh? Bakit?” tanong
niya habang hindi pa rin mabura-bura ang lintik niyang ngiti sa mukha. Nag jog
siya patungo sa akin dala iyong maangas niyang aura.
“Nasaan si Raph? Bakit hindi niyo siya kasama? Akala
ko ba magpa-practice ang buong Alfords dito? Bakit nakapatay ang cellphone
niya? Bakit—”
“Easy lang Iona! Hindi ako ang baby sitter ni Raph.
Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang tao?” sagot niya sa mga tanong ko habang nakangisi.
“Sasagot ka ng matino o babangasan muna kita?” banta ko. Naku! Slade Valencia! Makakatikim ka
talaga sa akin kapag hindi ka pa sumagot ng matino!
Tinaasan ko na siya ng
kilay dahil mukhang magjo-joke nanaman siyang hindi naman nakakatawa.
Humalakhak siya dahil
sa akin. “Nakakatakot ka talaga Iona.
Ewan ko sa isang ‘yon. Kanina kasama pa namin siya pero nang may nareceive
siyang text message bigla na lang niyang kinuha iyong bag niya at umalis ng
walang paalam.”
“Wala ka bang ideya kung saan siya pupunta?” pagtatanong ko pa. Very unusual kay Raph ang umakto
ng ganito, iyong hindi nagpapaalam.
“I have no idea pero...”
“Bakit?” pagtatanong
ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Iba rin kasi ang tono ng
pagsasalita ni Raph.
“He looked... weird. Matapos niyang mabasa ang kung
anong message na natanggap niya, para siyang nakakita ng multo.”
That’s it. Matapos kong
marinig iyon galing kay Slade ay kumaripas na ako ng takbo.
Raph? Nasaan ka ba?
Biglang tumunog ang
cellphone ko at hindi ko na tiningnan pa ang caller at sinagot ko na kaagad.
“Raph! Nasaan—”
“Iona... umuwi ka na.”
Napahinto ako nang narinig
ko ang boses niya.
Bakit niya ako
pinapauwi? Hindi ba’t ipinatapon nila ako dito dahil hindi nila maatim na
makita ako sa iisang bahay kasama sila?
“Bakit?” malamig
kong tanong. Ano pa ang aasahan nila kung sila na mismo ang nagtakwil sa akin?
Ano’yon, kapag tinawagan nila ako ay matutuwa ako dahil sa galak? Oh please.
Narinig ko ang biglang
paghikbi ni mama kaya naman bigla akong nanghina. Bakit siya umiiyak?
Habang naririnig ko na pinapakalma
ni mama ang sarili niya ay nakita ko sa kabilang dulo ng hallway si Raph.
Mataman siyang nakatingin sa akin. Nakikita ko rin na para bang gusto niyang
lumapit pero hindi niya magawa.
“Your father...” at
humikbi nanaman siya.
Bigla akong nakaramdam
ng pagkamanhid. Kahit hindi pa natatapos ang sasabihin ni mama ay parang
tumigil ang mundo ko.
Dahan-dahan ay
lumalapit sa akin si Raph. Ngayon ay hindi ko na mabasa ang ekspresyon ng mukha
niya.
“... H-He’s... d-dead.”
Hearing that word from
an agonized whisper from my mother, kusa nang nagsilaglagan ang mga luha ko na
tila ba nagpapaunahan sa pagbagsak.
Biglang binilisan ni
Raph ang paglapit sa akin at kinabig ako palapit sa kanya. Nabitawan ko ang
cellphone ko at tuluyang nanghina.
Hinigpitan ni Raph ang
yakap sa akin at lalo akong nanghina at naiyak.
“I’m sorry,” bulong
ni Raph sa tenga ko.
Naiintindihan ko.
Pero bakit kailangang
si dad pa? Bakit nauulit ang nangyari dati?
“Siya ba?” tanong
ko sa kanya.
Naintindihan naman niya
ang tanong ko. “I don’t know but… he’ll
be here... next week.”
Nanigas ako sa
kinatatayuan ko.
No... hindi pwede.
“Don’t worry. I’ll protect you... I’ll protect them.
Hindi na mauulit ang nangyari dati.”
----------------------------------------------------------------------------------------------------------