Chapter 24: Stop

Neth’s POV


Nakaupo kami ngayon ni Iona sa dalampasigan habang iyong mga kaibigan naman niya ay may sari-sarili ring mundo. Mabuti nga at mukhang mababait naman sila. Akala ko kasi ay maa-out of place ako dito kapag kasama ko na sila pero tama nga si Iona. Mababait nga talaga ang mga kaibigan niya.

“Pagpasensyahan mo na si Slade kanina ah? Mahilig talaga sa mga babae ang playboy na ‘yon pero ‘wag kang mag-alala at hindi ako papayag na galawin ka niya,” sabi ni Iona sa tabi ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Biglang humangin kaya naman nilipad parehas ang mga buhok namin.

“Okay lang ‘yun ano ka ba!” Ngumiti ako habang sinisikop ang mga buhok ko. “Mabait naman siya at sa tingin ko ay nagjo-joke lang siya,” dagdag ko pa.

“Dapat lang talaga dahil naku! Lagot siya sa akin kapag may ginawa siya sa’yo!” nagbabanta niyang sabi ngunit may ngiti sa kanyang mga labi. Walang duda at mahal nga niya ang mga kaibigan niya.

Ibinalik ko ang aking tingin sa dagat. Kasalukuyang nagji-jetski sila Raph at Jayvier at nagpapaligsahan pa yata. Nakita kong walang humpay sa kakatawa si Jayvier samantalang panaka-naka namang ngumingiti si Raph.

Si Slade naman ay nagpaalam kanina na may aayusin daw siya doon sa resthouse nila dito para pagpunta namin doon ay maayos na. Si Clea ay nakaupo din naman sa mga buhangin pero medyo malayo siya sa amin. By the looks of it, gusto niyang mapag-isa. Busy pa rin kasi siya hanggang ngayon sa kakatext at paminsan-minsan ay ngumingiti rin. Iyong couple naman ay hindi ko alam kung nasaan dahil bigla na lamang silang nagpaalam kanina at nangakong babalik din kaagad. Humirit pa nga si Slade bago pa sila makaalis.

“Take your time. Makakapaghintay naman kami dito.” at pare-parehas silang nagtawanan. Ako naman ay naisip na lamang na inside joke iyon at hindi ko lang nagets.

“Oh shit!” Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Iona at susuong na sana sa dagat nang bigla rin naman siyang tumigil. Tumayo rin ako mula sa pagkakaupo at tiningnan siya.

“Anong problema?” Tiningnan ko ang dagat at nakitang nakataob iyong jetski ni Raph samantalang si Jayvier naman ay parang walang bukas kung tumawa. Maya-maya ay lumitaw din naman si Raph sa tubig mula sa pagkakahulog.

“Baliw talaga ‘yung dalawang ‘yon! Kaasar! Akala ko kung ano na,” bulong niyang narinig ko naman.

Napangiti na lang ako. Boys. Hindi na ako magtataka.

Dumako nanaman ang tingin ko kay Jayvier. Parang normal lang talaga ang lahat sa kanya. Kumbaga parang walang inaalala. Ngayong araw na’to ay nalaman kong magkaibigan sila ni Iona na siya namang naging kaibigan ko rin at mukhang kilala rin niya si Angel. Sinabi kaya ni Jayvier iyong pagkikita namin sa 7eleven noon? Pero noong unang nagkita kami ni Iona ay nagulat lang naman siya at nagconclude na magkamukha lamang kami ni Angel. Pero si Jayvier... alam niyang ako nga siya. May palatandaan din siyang alam sa akin.

Gusto ko siyang makausap tulad ng kagustuhan kong makausap si Iona. Sino bang uunahin ko?

Tiningnan ko si Iona at bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niya dahil doon sa pagkahulog ni Raph. “Seryosong tao ba talaga si Raph?” tanong ko na lamang. Gusto ko kasing makausap muna si Iona tungkol sa mga bagay bagay bago ko siya tanungin ng tungkol kay Angel.

Tiningnan naman niya ako at bigla siyang ngumiti. “Oo. Gano’n talaga ‘yun. Naikwento na kita sa kanya at nacurious talaga siya nang banggitin kong kamukha mo si Angel. Pasensya na kung grabe siya kung makatitig sa’yo kanina ah? Gano’n lang talaga siya.”

“Bakit? Kaano-ano ba niya si Angel?” tanong ko pang muli.

Nag-iwas siya ng tingin. “Close friends sila,” sabi niya.

I expected this. Marahil ay kaibigan ko rin ang mga kaibigan ni Iona na nandito ngayon. Hindi na ako magtataka kung oobserbahan nila ako. Marahil ay curious lang talaga sila.

Kaya naman kailangan ko pang doblehin ang pag-iingat ko dahil mahirap pa rin ang magtiwala. Sa ngayon ay si Jayvier pa lang ang sa tingin kong may alam sa katauhan ko. Dahilan din ito para gumawa ako ng paraan para makakuha ako ng mga impormasyon sa totoong katauhan ko maging sa nangyaring aksidente sa akin noon.

Tumigil na sa pagji-jetski sila Jayvier at Raph. Dumiretso kaagad si Jayvier doon sa gazebo at mukhang kakain yata. May mga pagkain kasi doon na inihanda yata nila. Is it just me or iniiwasan niya ako?

Si Raph naman ay dumiretso sa nakahalukipkip na si Iona na katabi ko naman. Bagsak ang buhok niya dahil sa tubig dagat at halata rin ang medyo pamumula. May pagka foreignish itong si Raph ngunit may part din naman na makikitang Pilipino din siya. Hindi maipagkakailang gwapo itong si Raph. Wala rin siyang pang-itaas kaya naman kitang-kita ang magandang hulma ng katawan niya. Nang tingnan ko siya ay nakita kong nakangisi siya’t nakatingin kay Iona.

“What?” tanong niya habang nakangisi pa rin.

Err... I think I should leave. Akmang aalis na ako nang biglang may humawak sa siko ko.

“Hey,” narinig kong sabi niya. Nilingon ko siya. “You better go to that punk.” sabay turo niya kay Jayvier na kumakain na. “May pagkain doon sa gazebo. You should eat. Baka maubos pa niya ang mga pagkain,” dagdag pa niya.

I smiled. “Okay. Thank you.” at iniwan ko na sila. Aside from his very intimidating facade, I guess mabait naman pala siya.

Pumunta agad ako doon sa gazebo at kay Jayvier na parang sobrang tagal yatang hindi nakakain.

“Gutom?” pang-aasar ko. Hindi naman sa FC much ako. Feeling ko ay mas maganda lang na gawin ko nang light ang mood kung siya ang kakausapin ko.

Ngumiti naman siya pabalik sa akin. “Oo eh. Napagod ako sa byahe pati sa pagji-jetski. Biruin mo kalahating araw akong hindi nakakain!” sabay tawa niya. “Gusto mo?”

Nakita ko iyong hawak niyang suman kaya naman natakam kaagad ako. “Sure,” sabi ko na lamang. Umusog siya para makaupo ako sa tabi niya.

“So... kamusta ka na?” panimulang tanong niya.

Kumalabog ang puso ko. This is it. Ramdam at rinig ko sa tono niya na ito na ang simula ng pag-uusap namin tungkol doon.

“Ayos lang. Ikaw?” This is so awkward. Ramdam na ramdam ko rin ang mabilis na tibok ng puso ko.

Iniabot niya sa akin iyong suman kaya naman tinanggap ko iyon. Ang akala ko pa nga ay sasagutin niya na ako ngunit patuloy lamang siyang kumain. I just did the same.

“Honestly... no. I’ve never been okay since the day I saw you.” Napalunok ako nang marinig ko ang sinabi niya. Nilingon ko siya at nakitang malayo ang kanyang tingin. “Ang daming tanong sa utak ko. Mga tanong na hindi ko alam kung kaya ko bang sagutin o talagang ikaw nga lang yata ang makakasagot.” Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. “And the funny thing is hindi kita makita noong hinahanap kita. Guess why.”

This time ay tiningnan na niya ako sa mga mata. Napakaseryoso niya kaya naman dumoble iyong kabang nararamdaman ko.

“It’s because I’m looking for the girl who actually doesn’t want to be found. I’m looking for the same girl I met back then but ended up seeing the wrong one.” Patuloy lamang niya akong tinitigan at mukhang naghihintay siya sa magiging reaksyon ko.

“I kept looking... and here she is, in front of me. With that very familiar face... yet unfamiliar at the same time. Don’t you find it strange?” Itinuon niyang muli iyong atensyon niya sa kinakain niya. Inubos niya iyon sa isang kainan at itinapon iyong balat sa basurahan. Ako naman ay hindi na nagawang balatan iyong ibinigay niyang suman.

Nang umupo na siyang muli sa tabi ko ay tiningnan na naman niya ako kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang tumungo. Ano bang dapat kong sabihin? Nawalan na nga yata ako ng boses.

Nagulat na lamang ako nang bigla niyang kinuha iyong suman ko at siya na mismo ang nagbalat. “Kumain ka muna bago tayo mag-usap.” Seryoso pa rin iyong pagsasalita niya kaya naman hindi ko alam kung anong approach ang gagawin ko. Hindi ko kasi matantya kung galit ba siya sa akin o ano. Ibinigay niya sa akin iyong suman at walang pag-aatubiling kinain ko iyon. Pinilit ko pa ngang lunukin iyon dahil itong katabi ko ay walang ginawa kung hindi ang tingnan ako.

Pagkatapos kong kumain ay uminom na ako ng tubig. Kahit na tapos na ako ay hindi pa rin ako nagsalita.

“May gusto ka bang sabihin?” pagtatanong niya. Yumuko lang ulit ako at pinisil-pisil ang mga daliri.

Naramdaman kong humarap siya sa akin. “I know you want to ask something. Ako obvious na maraming itatanong sa’yo but I prefer you to ask first. Come on,” pag-uudyok pa niya sa akin.

Huminga ako ng malalim at nahanap na rin ang lakas ng loob para tingnan siya. Kaya ko ‘to! Ito naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito sa harapan niya ngayon di ba? Hindi ako pwedeng umatras.

“I’m not going to ask a question but...” Tumikhim ako para mawala ang pagbabara ng lalamunan ko. “I’ll ask you a favor.” That’s all I need to say. What I want him to do now is for him to do the talking then I’ll do the listening.

“Sure. Ano ‘yon?” tanong pa niya. At least medyo nawala naman na iyong medyo nakakatakot niyang aura. Nakatulong iyon para kumalma ako.

“Magkwento ka ng tungkol kay Angel. Basta mga bagay na alam mo tungkol sa a-akin.” Mariin akong pumikit dahil sa huling salitang sinabi ko.

“That figures. You don’t remember anything, do you?”

Nanlaki ang mga mata ko.

“You lost your memories. That is the reason why you didn’t remember me... or Iona... or Raph. And what you’re doing now is looking for the fragments of your memories by means of being here and asking me.”

Iniiwas ko ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang bagay na ‘yon? Gano’n na ba ako ka-obvious?

“Pinag-isipan ko na talaga ang bagay na ‘to. Nagtataka ako kung bakit hindi mo ako matandaan. I was looking for you, and when I did, I discovered you were using a different name. A friend told me her hunch. Naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa’yo but don’t worry, she can be trusted.” Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. “She told me that maybe, just maybe, you had an amnesia because of the accident. And you don’t want anyone to know your whereabouts. Iyon ang nagpadagdag sa mga katanungan ko. Bakit kailangan mong magtago? Bakit gusto mong isekreto ko ang pagkakakita ko sa’yo? Bakit ayaw mong malaman ng iba na buhay ka pa?”

Tiningnan ko siya at kitang-kita ko sa mga mata niya na talagang naguguluhan siya sa akin. Sa lahat ng mga sinabi niya, napagtanto kong once ko na talaga siyang naging kaibigan. Nag-aalala siya sa akin at ang gusto lamang niya ay ang matulungan ako. Dahil dito, gusto ko tuloy sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong maramdamang hindi ako nag-iisa dito sa problema ko.

“Oo. Tama ka nga. May amnesia ako at wala akong maalala bago iyong aksidente. My adopted parents gave me a new name. I started anew bearing this name. Para naman doon sa dahilan kung bakit ayokong ipaalam sa iba na buhay pa ako ay dahil gusto kong protektahan ang mga magulang ko.”

“You mean your adopted parents?” pagtatanong niya gamit ang malumanay na boses. He seems more composed now than earlier.

“Oo.” Yumuko ako at kinagat ang aking labi. At last. Nasabi ko rin.

“But why? I mean Tila hirap na hirap siyang magsalita. “Bakit mo poprotekahan ang mga magulang mo? May nagtatangka ba sa buhay nila o kaya naman Pinagmasdan ko kung paano niya pagtagpi-tagpiin iyong mga sinabi ko at ngayong tumigil siya, nakita ko sa mga mata niya na tila may naintindihan na siya at may nahanap siyang sagot sa tanong niya. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

“Tell me the truth. What exactly happened 8 years ago?” Bigla niyang hinawakan ang mga balikat ko. “Don’t hesitate to tell me alright? You can trust me more than anyone. Tell me, hindi lang simpleng accident ang nangyari di ba?” Niyugyog pa niya ako para lamang pagsalitain ako.

Dahan-dahan akong tumango.

“I knew it!” Lumayo siya sa akin, biglang tumayo at ginulo iyong buhok niya. Nakita ko ang malalalim niyang paghinga at sa tingin ko ay pinipigilan lamang niya ang sarili mula sa pagwawala o ano. Hindi ko rin naman kasi makita ang ekspresyon ng mukha niya.

Pumikit ako dahil bumabalik sa akin ang nangyari noon. Yes, it was not just an ordinary car accident. Someone planned it. Someone who has deep hatred towards my parents. Ayoko nang alalahanin pero kailangan para maintidihan ko ang totoong nangyari. Sino nga ba ang gumawa nito sa mga magulang ko? May nagawa ba sila para may magalit sa kanila na umabot pa sa puntong... pinatay sila?

Ang sakit isipin pero oo. They were killed and I was supposed to die with them but in some way, I survived that worst nightmare.

Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng mga luha ko at napansin ko lamang iyon ng bigla akong suminghap dahil sa paninikip ng dibdib ko.

Nakita ko ang biglaang pagharap sa akin ni Jayvier at mukha siyang natauhan.

Lumapit kaagad siya sa akin at niyakap ako. “I’m sorry about your parents. I’m telling you right now na mabubuti silang tao kaya hindi ko maintindihan kung bakit may nakaatim na gumawa ng gano’n sa kanila. I’m thankful though that you survived. Kahit wala kang maalala, at least nakita kita.”

Tinapik-tapik niya iyong likod ko kaya naman lalo akong naiyak. Gusto kong tumigil pero para kasing naipon na lahat ng mga hinanakit ko para sa mga taong gumawa ‘non sa mga magulang ko. Naipon na rin iyong pangungulila ko para sa mga magulang ko. Miss na miss ko na sila. Iyon namang pakiramdam na wala akong kaalam-alam, parang gusto ko na lang sumigaw at magwala dahil sa frustration. Wala akong masabihan kaya naman kinimkim ko lahat. Kaya ngayon na nakilala ko na si Jayvier, deep inside me alam kong kilala ko na talaga siya, lumabas na lang kusa ang mga luha ko. Gusto kong kahit ngayon lang, gumaan iyong pakiramdam ko at malamang may kasama na ako sa pagharap dito sa problema ko. Hindi na ako nag-iisa ngayon.

“Hush. Baka may makapansin sa ‘yong umiiyak at isiping ako ang dahilan nyan,” pagbibiro niya. Alam ko namang pinapagaan lang niya ang pakiramdam ko.

Kumuha siya ng panyon doon sa bag niya at pinunasan niya ang mga luha ko.

“Okay ka na?” tanong niya sa akin.

Nginitian ko naman siya at tumango. “Oo. Thank you.”

“Sorry for being cold. Akala ko kasi talaga kinalimutan mo na ako. Naisip ko na rin na baka nga tama ako’t may amnesia ka but still, naisip ko rin na baka iniiwasan mo ako.”

Umiiling na ako kahit nagsasalita pa siya. “Natatakot lang kasi akong magtiwala. Naisip ko rin kasi na baka marami nga yatang naghahanap sa akin. Paano na lang kung...” I kept that as a hanging question. I know he understands.

“I know. Maganda na rin ang nag-iingat though from now on dapat magtiwala ka na sa akin.” Bigla niyang ginulo iyong buhok ko. “Let’s talk more about you pero pumunta muna tayo sa resthouse nila Slade para makapagpahinga ka muna. I’m sure inaantok ka.”

“Paano mo nalaman?” Nakakatuwa naman at alam niya agad na inaantok ako.

“After crying, girls tend to be sleepy. Kagagaling mo lang rin sa byahe kaya I’m sure pagod ka rin.” Iginiya niya sa akin iyong kamay niya. “Come on.” Kinuha ko naman iyon at tinulungan niya akong makatayo.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising ako dahil sa sobrang lamig na nararamdaman. Kahit balot na balot na ako ng comforter ay nilalamig pa rin ako. Paano ba naman ay centralized ang aircon dito sa resthouse nila Slade! Dinaig pa nga iyong school namin.

Bago ako natulog kanina ay tinawagan ko muna sila mama’t papa. Aniya’y miss na miss na daw nila ako. Namiss ko talaga sila lalo pa’t narinig ko na ang mga boses nila. Gustong gusto ko nang umuwi pero talagang kailangan ko ring ayusin ‘tong gulong pinasok ko. Gustong gusto ko na talagang masettle.

Nagshower lamang ako sandali’t nag-ayos bago ako bumaba ng hagdanan. Pagkababa ko pa lamang ay bumungad na sa akin ang nakasalampak na si Raph sa sofa habang nagbabasa ng libro at si Clea naman na nasa lapag at hawak pa rin hanggang ngayon iyong cellphone niya. Seriously hindi ba sumasakit ang mga kamay niya sa kakapindot dyan at parang wala yata siyang planong bitawan iyong cellphone niya? Carpeted naman iyong buong sahig kaya okay lang sumalampak doon.

Pagkababa ko pa lamang ay tiningnan na kaagad ako ni Raph. “Nasa kitchen sila,” sabi niya bago ibinalik ang atensyon sa binabasang libro.

Sungit.

Nginitian naman ako ni Clea.

Nagtungo ako doon sa kitchen dahil sabi nga ni Raph ay nandito sila though hindi ko alam kung sinong sila iyong tinutukoy niya. Pagkarating ko doon ay nakita kong nagluluto si Iona habang si Jayvier naman ay naghihiwa ng sibuyas at kamatis.

Tumingala agad si Jayvier pagkakita sa akin. “Good evening!” bati niya. Nginitian ko lamang siya. Nilingon din naman ako ni Iona.

“Hello Neth! Wait lang ah? Malapit na namin matapos ‘to ni Jayvier. Unting hintay na lang!”

“Ano ‘yang niluluto niyo?” pagtatanong ko.

“Adobo! Nagrequest kasi ang mahal na hari eh,” sagot ni Iona.

Kumunot naman ang noo ko. “Bakit may kamatis?” Natawa naman bigla si Jayvier.

“Panghimagas. ‘Wag ka nang magtaka, weird ang mga kasama natin sa bahay na ‘to!” at sabay humagalpak sa tawa sila Iona at Jayvier. Hmm... mukhang kailangan ko na yatang masanay sa mga inside jokes nila.

“Kung gusto mo doon ka muna sa living room tumambay Neth. Baka mabored ka lang dito,” out of the blue na sabi ni Iona.

“Ayoko. Nakakatakot masyado ang taong nando’n,” sabi ko habang umuupo sa isang bar stool. Kumportable naman ako kay Jayvier at Iona kaya naman nasabi ko sa kanila iyon.

“Kanino? Kay Raph?” pagtatanong ni Iona. Napansin ko naman na mas itinutok pa ni Jayvier ang atensyon sa paghihiwa.

“Oo. Masyado kasing nakakatakot ang aura niya pati napaka-intimidating niya,” wala sa sariling sambit ko.

She sigh. “Gano’n talaga ‘yon! May saltik minsan ‘yon at bigla bigla na lang magsusungit. Minsan naman bigla kang kakausapin. Weirdo ang isang ‘yon kaya pabayaan mo na lang,” pagkukwento ni Iona habang umiiling.

“Though he seems nice kahit masungit,” dagdag ko pa.

“Mabait naman talaga siya. Hindi lang halata,” seryosong wika ni Jayvier nang hindi nag-aangat ng tingin.

“Oo nga. Nahihiya siguro sa’yo ‘yun Neth kaya gano’n.”

“Sa akin?” tanong ko. “Bakit naman siya mahihiya sa akin? Dapat nga ako ang mahiya sa inyo dahil lahat kayo magkakakilala na tapos ako ngayon lang kayo na-meet,” paliwanag ko pa.

Parang hindi naman nahihiya sa akin si Raph. In fact parang ako pa nga yata ang nahihiya sa kanya. Basta! Masyado kasi siyang intimidating hindi katulad sa iba nilang mga kaibigan na hindi naman ganoong nakakailang dahil napaka-welcoming nila.

“Eh kasi

“Iona ‘yung niluluto mo!” pagputol ni Jayvier sa sasabihin ni Iona.

Bigla namang nataranta si Iona kaya natawa na lamang ako.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Grabe! Ang sarap mo talagang magluto Iona! Pwede ka nang maging ina ng mga magiging anak ko!” masayang wika ni Slade habang tuloy tuloy sa pagsubo ng kanin at ulam.

Bigla naman siyang sinamaan ng tingin ni Raph.

“Chill bro! Nagjojoke lang ako!” sabay tawa pa ni Slade.

Patuloy ko lamang pinagmasdan si Raph. Bakit ba parang pamilyar masyado iyong mukha niya? Dahil ba close friend ko siya noon tulad ng sabi ni Iona? Pero bakit hindi naman ganito iyong nararamdaman ko kay Iona at Jayvier? Bakit wala akong nararamdamang familiarity sa kanila pero kay Raph...

Huli na nang napagtanto kong lahat sila ay nakatingin na sa akin maging si Raph. Naramdaman ko naman ang tila pag-akyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.

“Ang cute mo magblush!” sigaw ni Iona sabay damba sa pisngi ko.

Natawa naman silang lahat.

“So Angel, tell me about yourself. Kumusta naman ang buhay sa school niyo?” pagtatanong ni Slade sa akin. He’s still wearing his not-so-intimidating smirk.

Bigla ko namang naibagsak ang mga kubyertos na hawak ko at tiningnan si Slade. Kapansin-pansin din ang pagtahimik ng buong table.

Iginala naman ni Slade ang tingin sa mga kasama. “What?” pagtatanong niya. Tinignan din niya si Iona at Raph. “I’m just being friendly! Grabe nakakatakot naman ‘yang mga tingin niyo!” pagsasalita niya na may kasamang tawa.

“B-Bakit mo siya tinawag na Angel?” tanong ni Iona kay Slade.

“Kasi mukha siyang anghel na bumaba galing langit?” hindi pa yata siguradong sagot ni Slade. “Guys masyado kayong hot ah! Friendly lang talaga ako kay Angel

“Stop calling her that!” sigaw ni Raph sabay hampas sa mesa. Matapos ‘non ay bigla siyang nagwalk-out. Mabilis naman siyang sinundan ni Iona.

Tinignan ko si Jayvier na alanganing ngumiti sa akin.

Naguguluhan namang tumingin si Slade sa mga natira. “Seriously? Anong nagawa ko? Nagtanong lang naman ako di ba?” tanong niya kay Uriel na katabi niya.

“‘Yan! Masyado ka kasing malandi kaya nagalit sa’yo si Raph!” natatawang tugon ni Clea.

“Bakit nga ba kasi siya nagalit? Hindi naman siya gano’n kadaling magalit kahit pa pagdating kay Iona,” biglang pagsasalita ni Alena, girlfriend ni Uriel.

“Come to think of it. Ngayon lang hindi nakontrol ni Raph ang temper niya,” dagdag pa ni Clea.

Napansin ko naman na kinuha ni Uriel iyong baso at uminom doon habang matamang nakatingin sa akin. “Just leave the guy alone. He was just disturbed by her presence,” sabi niya.

Sabay-sabay naman na nagsitinginan sa kanya iyong tatlo maliban kay Jayvier na patuloy lamang sa pagkain.

Mukhang kakainin na ako ng konsensya ko dito. Paano ba naman, ako pa yata ang dahilan kung bakit nagalit si Raph though hindi ko naman talaga alam kung bakit. Nagulat lang ako nang tawagin akong Angel ni Slade pero parang iyong galit ni Raph ay may mas malalim pang dahilan.

“Sinong her? Kay Iona?” tanong ni Alena sa kasintahan.

“Tumigil na nga kayo’t kumain na lang. Hayaan niyo na si Raph at mukhang may dalaw ngayon,” pagpapagaan ni Jayvier sa mood.

“Damn. Seryoso, pakiramdam ko ako ang may kasalanan,” tila nakokonsensyang pahayag ni Slade.

“Don’t worry. Haranahin mo na lang mamaya. For sure magkakabati kayo’t yayakapin ka pa niya!” sabi ni Uriel sabay hagalpak sa tawa.

Kahit si Jayvier at Clea ay natawa din. Nakisabay na rin ako.

“Fuck you dude!”

At napuno na ng tawanan ang buong mesa pero hindi ko pa rin napigilan ang sariling tingnan iyong upuan ni Raph na ngayo’y bakante na.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Matapos kumain ay napagdesiyunan nilang tumambay sa kwarto ni Slade. Malaki iyong kwarto niya. May malaking flat screen t.v., may sofa rin siya dito at dalawang malalaking kama.

“Sinadya ko talagang dalawang kama para sana sama-sama tayo dito,” pagsagot ni Slade sa tanong sa utak ko. Hindi ko napansin na nilapitan na pala niya ako.

Tumango ako sa kanya.

“Sorry nga pala kanina. You know na sincere naman ako sa tanong ko di ba? Did I unintentionally insulted you?” tanong ni Slade sa akin habang iyong iba ay naghahalukay na sa mga gamit niya sa kwarto.

“Hindi!” sabay iling ko. “Nagulat lang ako sa itinawag mo sa akin kanina.”

He nodded in understanding. “I used to call my girl friends endearments kaya pasensya na kung nagulat ka. I love my friends at ayoko na nababastos sila. Malaki ang respeto ko sa kanila at dahil kaibigan ka ni Iona, of course kasama ka na doon sa mga girl friends ko.”

Tumango ako habang tumatawa. Iyong pagbanggit niya kasi sa girl friends ay talagang ine-emphasize niya. May putol sa gitna para malamang may space sa pagitan at hindi magtunog girlfriend.

Bigla niyang ginulo ang buhok ko at nagtungo na sa ibang nagkalkal na doon sa dvd rack niya.

Wala pa rin hanggang ngayon dito si Raph at Iona. Nagpatuloy naman sila sa pagkain kanina pero ang awkward lang. Matapos kumain ay dumiretso na silang lahat dito maliban sa dalawa.

Dahil pakiramdam ko ay ako ang totoong may kasalanan ay lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa baba. Nakita ko kaagad ang nakatalikod na si Iona sa terrace.

“Iona,” tawag ko sa kanya pagkalapit ko.

“Oh. Neth, bakit ka pa bumaba? Susunod din ako.”

“Galit pa ba si Raph?” pagtatanong ko.

Nginitian naman niya ako, siguro ay para maalis ang pag-aalala ko. “‘Wag ka nang mag-alala do’n. Tinopak lang pero aakyat din ‘yon.”

Tumango lamang ako’t umupo sa tabi niya.

Ito na siguro ang oras para makapagtanong na ako kay Iona. Alam kong dapat ayusin muna iyong tungkol kay Raph pero sa tingin ko ay labas na ako doon. Marahil ay nainis lang siya sa pagbanggit ni Slade kanina sa pangalang Angel kaya nainis siya. I can’t talk to him about that.

Pero kay Iona, marami akong gustong itanong.

“Iona, pwede ba akong magtanong?” panimula ko. Hindi tulad kanina ay medyo hindi naman ako kinakabahan. Nakausap ko naman na kasi si Jayvier kaya naman medyo at ease na akong makausap itong si Iona. At isa pa, babae siya’t medyo close naman kami kaya kumportable akong magtanong sa kanya.

“Sure! Tungkol saan?”

“Tungkol sana kay

“Iona. Hinahanap na kayo sa itaas,” sabi ng isang malamig na boses sa likod namin. Nagtaasan pa ang mga balahibo ko nang bigla siyang nagsalita.

“Sige. Neth tara na! Doon na lang tayo sa taas magkwentuhan!” masayang sambit niya bago naunang maglakad.

Susunod na sana ako nang bigla akong hinawakan ni Raph sa siko ko at inilapit niya ako sa kanya.

“Stop whatever it is you’re doing. Alam ko kung ano ang ginagawa mo,” sabi niya habang mariing nakatingin sa akin. “Just act like you used to. Talk like you used to. As if you have no idea about your past,” pagpapatuloy pa niya. Gusto ko sanang magsalita pero mukhang napipe na yata ako.

Hindi ko alam pero parang may gusto siyang ipahiwatig sa mga sinasabi niya.

“I’m warning you Gwyneth. Stop.”

“What if I don’t want to stop? What will you do?” Sa wakas ay nahanap ko na ang boses ko. Natatakot ako sa kanya ngunit ginawa ko ang lahat para magmukha akong matapang sa harap niya.

Close friend niya ako? Really?

A close friend wouldn’t tell me things like this.

Unless he’s really not a close friend...

“You’ll regret it. Masasaktan ka lang.” Huminga siya ng malalim at binitawan ako. “And I won’t be able to protect you. Tama nang wala kang alam. Live your life like a normal teenage girl.”

“Hindi kita maintindihan! Ano bang gusto mong sabihin? Bakit hindi mo ako madiretso?” Nakakainis naman kasi! Nakakafrustrate dahil wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya!

“You already know who you are, don’t you?” pagtatanong niya sa akin. “That’s enough. Don’t look for more.”

“Hindi ikaw ang magdedesisyon kung ano ang gagawin ko. Sino ka ba? Sabi ni Iona close friend ka lang naman ni... Angel pero bakit ka ganyan makaasta?” Siniguro kong may diin ang bawat salitang mamumutawi sa mga labi ko. I want him to know I meant every word I said.

Oo. Alam kong alam na niya kung sino ako base doon sa mga binitiwan niyang mga salita. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero hindi na importante iyon.

Nanlaki naman ang mga mata niya na para bang may nasabi akong hindi niya inaasahan. “Close friend? Really?”

Nagtiim ang bagang niya kaya alam kong naiinis siya.

And with that, he walked out... again!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------