♪ Chapter 6: Bewildered

 

Darren’s POV

 

Nakatayo ako ngayon sa harap ng bahay ng mga Alvarez. Nagdadalawang isip pa ako kung didiretso ba ako o tatalikod at kakalimutan na lamang ang buong plano. Yumuko ako at sinilip ang dalang box.

Ilang minuto pa akong nanatiling parang estatwa at mukha na akong hinihika dito sa ilang buntong-hininga na pinakawalan. Don’t be such a coward for heaven’s sake! Okay Ren, wala kang ibang gagawin kundi ang batiin si Tita Jayah, ibigay itong maliit na regalo sa kanya then off you go to God knows where.

What’s so hard about it, huh?

Oh fuck.

I bought this last week. Sinabi pa ni mom na masyado naman yatang maaga ang pagbili ko nito but who cares, really? If it will make her happy somehow so ano pa nga ba ang hihintayin ko? Besides, pinaalam ko na ito kay Tita Jayah so wala naman akong nakikitang magiging problema.

Well… the only problem I can see is this: What if hindi niya tanggapin ito kapag nalaman niyang sa akin galing ito?

Nagsimula ulit akong pagpawisan. Damn I feel so guilty!

Siguro ay napapaisip na si Phin kung bakit ang tagal ko. Ang paalam ko lang kasi ay may pupuntahan lang ako sandali. Maybe she’s now going hysterical dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang party.

Hindi naman kasi ako kailangan ayusan talaga. Siya itong sigurado ako ay maraming paghahanda ang gagawin. Napailing iling ako ngunit nangingiti. Her boyfriend will make her occupied as well. I’m sure of that.

Mabuti na lamang ay wala masyadong tao sa paligid ng parteng ito ng lugar dahil kung meron ay mabubuhay na ang mga radar nila at baka maisip pa na magnanakaw ako o kung ano dahil kanina pa ako dito sa kinatatayuan ko.

No, not really exaggerating at that.

“Okay!” I exclaimed rather loudly nang nakapag desisyon, finally, na tunguhin ang malaking bahay sa aking harap. Or it’s a mansion I think.

Ngunit hindi pa ako halos nakakatawid sa kalsada ay nakita ko na siya na nagbabike galing sa kabilang street at mukhang kanina pa nakaikot sa subdivision.

I stopped and stared at her like a retard.

Isang banayad na hangin ang umihip at tinangay nito ang mahaba niyang buhok. Sinikop niya iyon at saka nagpatuloy sa pagpepedal sa kanyang bike.

Nasapo ko ang noo. Alright Ren. What’s the next plan?

Well, let’s just continue with the original plan tutal ay si tita lang naman talaga ang kakausapin ko. But…

Muling bumalik ang tingin ko sa kanya at muli nanaman na natulala at napaisip. Will approach her or not? Will talk to her or not? Will introduce myself or not?

Oh damn this dilly dallying is giving me a headache.

Isang sigaw ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan at nakita nang nakasalampak sa lupa si Jane habang ang bike ay nakahiga na kahit na ang gulong nito ay patuloy sa pag ikot.

Nabitawan ko ang dalawang box at mabilis kong tinakbo ang distansya naming dalawa at lumuhod sa harap niya, checking for any injuries. For some reason ay bigla akong kinabahan at napatitig sa kanyang ulo. Checked it for a lot of seconds than necessary at nang nakitang walang dugo o kung ano ay nakampante ako.

“Are you okay?” I suddenly asked. Kahit ako ay nagulat sa sariling tanong.

But dang it! Really Ren? Hindi ba obvious na hindi siya okay? First conversation with her and here I am mali na kaagad ang nasabi. 

Dahan dahan siyang umupo at akmang tatayo habang ngumingiwi. “Ang sakit…” she whispered to herself.

Tinulungan ko siya at dinala sa isang bench di kalayuan sa amin. Pinagmasdan ko ang kanyang binti at natuwa nang nakitang wala naman kahit anong dislocation. Isang sugat lamang sa tuhod ang natamo niya.

I finally looked at her face at natulala muli nang nakitang nakatitig din siya sa akin at tila kinikilatis ako.

Told you Ren, you really look the kind who will do bad things to innocent girls.

But deep inside I am wondering if she still remembers me?

Nasagot ang tanong ko nang pormal siyang nagpasalamat sa akin.

“Thank you nga pala sa pagtulong mo sa akin.”

No. She doesn’t remember you. Hindi ko alam kung magagalak ba ako o malulungkot dahil sa nalaman. I gave her my hanky to cover her wound and gave her a smile na madalas kong ipakita sa mga kaibigan. A charming yet friendly smile, ika nga ng kakambal ko.

“Be careful next time, okay?” are the only words I could muster.

I told myself sapat na ang makita ko siya. I should be glad na nabigyan ako ng pagkakataon na makalapit sa kanya ng ganito. Ngunit hindi ko pa rin napigilan ang sarili.

I looked back and shouted the words I’ve been dying to tell her earlier.

“I’m Darren, by the way! Nice meeting you Ms. Alvarez!”

I hope you remember me.

 

---

 

Hindi ko talaga hilig ang mga parties. Hindi rin ako mahilig makipag socialize sa mga narito na guests na majority ay mukhang affiliates nila Mom at Dad sa trabaho. Kung mayroon man kasi silang close na kaibigan ay pinapakilala talaga sa amin ni Phin ng pormal hanggang sa nagiging parte na rin sila ng pamilya.

I’m glad though na ang madalas kong makasalubong ay mga relatives at mga nasa circle of friends namin ni Phin kaya hindi ko kailangan magpanggap na hindi ako kumportable.

Socializing with friends sa mga bar at ibang parties ay ibang iba dito.

Phin is my total opposite. She likes parties so much and mingling with other people seems like a second nature to her. Hindi ko lang maintindihan saan niya nakukuha ang energy niya at tila ang dami niyang reserba at hindi nauubos.

The place looks like it was made during the Medieval period but got renovated this point of time. And I’m sure mom and dad chose this place dahil ganitong ganito ang itsura ng mga lugar kung saan ginaganap ang mga party sa fairy tales like how Phin wanted it to be.

Well… gusto rin ito ni Carly, ang batang kapatid ni Geff. So that makes it the two of them.

Habang naglalakad at nakakausap ang sino mang bumabati ay may namataan ako sa di kalayuan.

There are servers who are talking around the corner na wala masyadong tao and both of them are really looking problematic and I think I know what’s the commotion is all about. Hindi ko pa nga pala nasasabi rin kay Mom ang balita. Ngunit hindi iyon ang dahilan ng pagkakakuha nila sa atensyon ko.

It was that familiar girl with that familiar dress walking toward those two.

Wait… that is Lizette Santillan! So ibig bang sabihin ay narito rin siya banda?

And there it is. The fast beating of my heart. Hindi man lang nahiya at talagang naexcite na siya agad. Yes, yes I am excited to see her.

Then I saw that Liz girl talking to those two. After a couple of seconds ay mukhang kulang na lang ay lumuhod sila sa pagpapasalamat sa sobrang pagkatuwa sa narinig sa eleganteng babaeng nasa harap nila.

Hmm… something’s telling me to wait all of this to unfold. Napangiti ako dahil sa mga naiisip.

 

---

 

“… so what do you think Ren? Should I go?”

Bumalik ako sa sarili ko nang marinig kong nagsalita siya. Wait… tungkol saan nga ba ang pinag-uusapan namin?

I smirked. “Sorry Phin, pero ano nga ba ulit ‘yung sinasabi mo?” Pasensya naman, masyado lang akong masaya dahil sa mga nangyari kahapon at kagabi. Muli akong napangiti nang wala sa sarili.

Isang malakas na sapak sa braso ang natanggap ko sa kakambal. “Aray! Ang sakit no’n ah!” Grabe naman ‘to! Amazona ba talaga ‘tong kambal ko? Damn naalog yata ang utak ko.

“Pisti ka naman kasi Ren e! Ang haba ng sinabi ko tapos di mo naman pala narinig! Asar ka talaga kahit kailan!”

I raised my hands to show that I surrender.

“Okay, okay. Para wala nang away, ulitin mo na lang ang mga sinabi mo. Walang mawawala Phin kung uulitin mo.” Swear ang lakas talaga ng hampas sa akin ni Phin kanina! Sinilip ko ang braso at nakitang namumula iyon.

“Sabihin mo nga sa akin kung anong naintindihan mo sa mga sinabi ko?!” Aish! Putek! Ang tainga ko naman ngayon ang pupuruhan niya! Makasigaw wagas! No comment na lang ako’t baka saktan nanaman ako nitong amazonang ‘to.

Sumama naman bigla ang timpla ko nang maalala ko na ang topic namin kanina. 

“Kami ni Geff ang makikipagkita sa kanya at hindi ikaw.” 

Mas gugustuhin kong kaming tatlo ang magharapan kesa silang dalawa ni Phin. Ang lakas ng loob niyang magpakita kay Phin pagkatapos ng ginawa niya? What I want to do is to punch him really hard right on his face and doing so is my top priority.

Nanginginig ang kamao ko ngayon.

“Ren, gusto kong makapag-usap kami ng maayos ni Alex. Yes tapos na kami pero mas maganda kung may closure na matino di ba?”

Niyakap niya ako at tiningala. Ah what the hell. How could I say no to her now?

“If that’s what you want then… sasama kami ni Geff. No buts Phin!” 

Kokontra pa kasi siya e. Iba na ang tono ng pananalita ko at alam ni Phin na wala nang makapagpapabago sa sinabi ko.

“Grabe ang init!” I sighed as I entered our house after a few hours.

Pagkatapos ng pag uusap namin kaninang umaga ni Phin ay lumabas ako’t niyaya si Nathan na maglaro ng basketball and I have to admit that he’s really something. Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang captain ng basketball sa university na papasukan namin nila Phin at Geff.

Katahimikan sa buong bahay ang bumungad sa akin.

Where’s Phin by the way?

“Phin?” I called out as I walked the stairs.

Nilibot ko ang bahay ngunit walang Phin na bumulaga sa akin. Until realization hits me. Fuck!

Naligo agad ako’t nagbihis. Wala na akong pakialam kung ano itsura ko ngayon basta kailangan kong makapunta agad doon. Bago ko isuot ang helmet ko ay tinawagan ko muna si Geff.

“Hello? Ren bakit ka napatawag?”

 “Geff pumunta ka agad doon sa paboritong coffee shop ni Phin! Papunta na ako doon.” Then I hang up.

Dahil sanay naman na akong magpatakbo ng motorsiklo — buti walang nakahuli sa akin — nakarating agad ako sa mall na wala pang halos sampung minuto. Mabilis ko rin namang nahanap ang Café Ysabel pagkapasok ko sa loob. Hindi rin mahirap mahanap si Phin at… si Alex dahil katabi nila ang salamin di kalayuan sa entrance ng shop.

Ang kapal talaga ng kumag na ‘to magpakita sa kapatid ko! Tinawagan ko ang cellphone ni Phin habang sinusunog ko si Alex gamit ang tingin ko. Sinagot agad iyon ni Phin. 

“Phin, nasaan ka ngayon?”

Napatingin naman siya kay Alex bago ako sagutin. Don’t you dare lie to me Phin.

“Kuya, nasa Café Ysabel kami ni Alex ngayon. Don’t worry I’m fine. Nag-uusap lang talaga kami.”

Sinabi niyang okay lang siya pero alam kong hindi. Halata naman sa mukha niya. Her eyes are bloodshot samantalang iyong kausap niya ay napaka kumportable sa kanyang pagkakaupo. It took a lot para lang pumirmi sa kinatatayuan ko.

“I’m watching you Phin—”

“Hey!” Sumulpot naman si Geff sa tabi ko at tinapik ako sa balikat. Hindi ko siya nilingon at nanatili ang titig ko sa kakambal.

“I mean we’re watching you Phin. Once na may ginawa siya sa’yo o kung umiyak ka, I swear papasukin ka namin dyan. You hear me?”

Lumingon-lingon naman si Phin bago sumagot. Hindi rin naman niya kami nakita. Tiningnan ko si Alex na nakikinig lang kay Phin. Hayup talaga.

Phin gave up on finding us. “O-okay. Bye kuya.” Ibinaba na niya ang tawag. Actually nagulat ako ngayon kay Phin dahil di naman niya ako tinatawag na kuya dati, ngayon lang.

Tiningnan ko ang relo ko. Five minutes na ang nakakalipas. Ang tagal naman nila mag-usap! Okay I know five minutes pa lang pero ayoko sa lahat ang… okay Ren, ginusto mong gawin ‘to kaya panindigan mo! Bakit nga ba ako nagrereklamo in the first place.

Nakaupo kami ni Geff sa isang bench malapit sa Café Ysabel pero yo’ng hindi naman agad makikita nila Phin. Tinitingnan ko lang ang dalawa simula pa kanina, binabantayan ang bawat kilos nila, samantalang itong katabi ko ay kumakain ng ice cream. Seriously mukhang bata ngayon si Geff. May dumi pa nga siya sa may gilid ng labi niya.

“Bakit?” tanong niya. Nagtaka na rin siguro kung bakit ako madalas napapatingin sa kanya.

 “Ang dungis mo kumain. May ice cream ka pa dito o.” 

Tinuro ko ang gilid ng labi ko para malaman niya kung saan ang tinutukoy ko.

“Bro eto panyo, papunas nga. Di ko makita e,” walang kaemo-emosyon niyang sabi sabay abot sa akin ng panyo. May letter ‘J’ na emroidery doon.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. Putek anong nangyari kay Geff?! At kailan pa naging J ang pangalan ni Geff? Hmm… I think he’s got a girl na hindi pa niya naikukwento sa akin.

Bigla siyang humagalpak sa tawa nang nakita ang weird kong expression.

“Dude nagjojoke lang ako! O mata mo baka mahulog,” he said while sporting that big smile of his.

Bwisit na ‘to! Akala ko nababading na si Geff e. Kinikilabutan na ako maisip lang iyon.

Nang ibalik ko ang tingin ko kela Phin, napansin ko naman sila...

“Al! Ayoko dyan! Kakain na rin lang ako, hindi na sa mamahaling restaurant!”

“Aya, ayoko na maglakad. Masakit na ‘yung mga paa ko at ang tanging gusto ko lang gawin ay ang kumain.”

Why are they here? Nakita ko naman si Jane.

 At ang lintek kong puso na excited ay iyon at nagwala ulit. 

Shiz! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Nahawa yata ako sa kabadingan ni Geff kanina. Tiningnan ko naman ang katabi ko na walang kamalay-malay sa nangyayari. Patuloy lang kasi siya sa pagkain ng ice cream niya.

Pasimple kong binalingang muli sila Jane at Liz at napansin na parehas silang nakatingin kay… Alex? Okay. I’m not sure kung si Alex ba o si Phin ang tinitingnan nila. Basta ang mukha ni Liz ay parang bulkang nagbabadyang sasabog habang si Jane naman ay nakatulala.

“What the hell,” Liz cursed then dragged Jane away from the place.

Napatayo ako nang nakita iyon at mas nagulat ako nang nakitang lumabas si Alex sa shop at sinundan ng tingin ang dalawang babaeng tumakbo.

Sumibol ang galit sa sistema ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko’t pinasok ko na ang coffee shop at hinila si Phin palabas na hindi naman niya inalmahan. Halos sumabog din ako sa galit nang sumunod lang sa banayad kong hila si Phin na tila wala nang lakas.

Si Geff naman ay tahimik lang na pinagmasdan si Phin at sumunod sa amin. I know gusto rin niyang suntukin si Alex ngunit kumpara sa akin ay mas nakokontrol niya ang galit niya maging ang emosyong ipinapakita sa iba.

I sighed heavily. Haharapin ko si Alex but not now. May gumugulo pa kasi sa isip ko.

What’s with Jane and Liz and Alex?

Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso si Phin sa kanyang kwarto. Kami naman ni Geff ay sa garden sa gilid ng bahay namin nagpalipas ng oras… o galit actually. Parehas kaming tahimik nang biglaang tumunog ang doorbell 

“Tingnan ko lang.”

Tango lang ang naging tugon ni Geff sa akin.

Bumungad sa akin si Tita Jayah pagkabukas ko ng gate kaya naman nagulat ako. Sinabi kong wala sila mom sa bahay dahil sila lagi ang madalas mag usap kapag pumupunta siya dito.

She shook her head. “Ah. May hihingin sana akong pabor sa’yo. ‘Yon ay kung ayos lang?”

 “Tita ikaw pa! Syempre ayos lang po. Sige po pasok po kayo.”

Muli siyang umiling. “Hindi hindi! Ayos lang. Hmm... hindi ba’t sa North Oswald rin kayo papasok ni Phin sa college?”

“Opo. Bakit po ninyo naitanong?” Ano kayang gustong sabihin ni tita? Ang nangyari kanina sa mall ang patuloy pa ring umiikot sa utak ko.

“Buti naman kung gano’n! Si Jane ay doon din papasok. Gusto kasi niyang kasama si Nathan. Well... sinabi kasi sa akin ni Jane na gusto niyang kumuha ng dorm kasama si Liz sa Manila para malapit na sa school. Tomorrow I’ll be busy doing stuff sa office kaya hindi ko maaaccompany ang dalawa at si Mark naman ay ang magddrive sa amin ni Ayden papuntang office so—”

Tita Jayah is already blabbering dahil sa hiya siguro kaya naman kahit ano pa ang kanyang pabor ay ayos lang sa akin. Hindi na dapat mahiya si tita sa amin.

“Tinatanong niyo po ba kung pwede po silang sumabay sa amin sa pagpunta po sa Manila bukas?”

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa pagngiti. Parang ewan lang. My mind went blank at ang sunod na lamang na naisip ay ang pagsabay ni Jane sa amin sa byahe.

“‘Yon ay kung ayos lang sa inyo ni Phin,” nahihiya pa ring sabi ni Tita Jayah.

"Syempre po ayos lang!” I hope hindi niya marinig ang sobrang excitement sa boses ko. That would be totally hundred percent weird.

Hindi rin naman na nagtagal si Tita Jayah. Pagkaalis niya ay bumalik na ako sa garden dala ang di mapigilang ngiti. Hindi na ako nagtaka nang nakitang naroon na rin si Phin at kausap si Geff.

“I’ll guess. It’s Jane right?” Phin mocked like nothing happened to her awhile back.

Lakas talaga makaramdam nito. I guess wala ka yata talagang maitatago sa kakambal mo?

“Who’s Jane?” Geff asked with that poker face of his. 

“Seriously hindi mo siya kilala?” I asked him, incredulous. May sariling mundo talaga ‘tong lalaking ‘to. Napakamisteryoso.

“Magtatanong ba ako kung kilala ko siya?” 

Oo nga naman Ren. Isip-isip din kasi pag may time. Why did I even ask that dumb question? Sarap sapakin nitong si Geff kung di lang ako sasampalin ng kakambal pag ginawa ko iyon.

Lumipat sa ibang bagay ang naging topic namin. After ng dinner ay saka lamang umalis si Geff habang si Phin ay muling naging tahimik at dumiretso sa kwarto niya. 

Bago ako natulog ay binuksan ko muna ang phone ko. Hmm… itext ko kaya siya? Wala namang masama di ba? Hiningi ko ang number niya kay tita. Matagal na iyon pero wala lang talaga akong lakas ng loob na magpadala ng kahit anong text sa kanya. I can say I am a coward for that.

 

To: Jane Alvarez

Hey! It’s me, Darren. Tita mentioned ‘bout you girls going to Manila. Actually we’re of the same school and we have the same plan. So... I guess your mom told you ‘bout the compromise? See you tom. =) We’ll pick you up girls at 7am. Gudnyt 

 

Then I hit send.

I smiled again while looking at my message to her ngunit mabilis rin na napawi iyon nang naalala ang nangyari kanina sa mall. Kilala ba nila Jane at Liz si Alex? Bakit ganoon na lang ang mga reaksyon nila nang makita nila ang lalaking ‘yon? Hindi kaya... he’s already cheating kahit sila pa ni Phin?

 The idea infuriated me.