Chapter 7: New Faces


Jane’s POV

 

Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog.

Nandito ako sa garden ng mansion ng mga Alvarez, nakatingin sa buwan habang umiinom ng gatas. Habang nakatulala at iniisip ang pagkamisteryoso ng buwan ay dinama ng palad ko ang hammock kung saan ako nakaupo.

The gentle breeze that touches my skin makes me think of the dreams that kept on bringing wistful feelings in me.

Same dream, nasa isang lugar si Miracle habang ang paligid niya ay puno ng usok at apoy. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko siya napapanaginipan. Hindi ko alam kung sino o ano ba siya sa buhay ko. Kung minsan naiinis na nga ako’t napapagod na sa pag-iisip kung sino siya dahil alam ko naman na walang sino man ang makasasagot sa napakarami kong tanong. Wala rin naman akong lakas ng loob para sabihin sa iba ang tungkol dito.

Ngunit alam ko sa sarili kong gusto kong malaman kung ano nga ba ang kahulugan ng mga iyon.

After enjoying the peaceful night for a couple more minutes ay umakyat na ako sa kwarto ko. Lumipat na si Al sa kabilang kwarto kaya wala na akong kasama ngayon dito. I sighed heavily. Alam kong mahihirapan nanaman akong makatulog nito. Ayoko pa naman sanang mapuyat dahil marami akong aayusin bukas! May byahe pa kami papuntang Manila. Pero ano nga ba naman ang magagawa ko kung ang isip ko ay ayaw makisama?

 Do I have to ask sleeping pills prescriptions? Ugh.

Kinuha ko ang notebook ko’t nagsimula na lamang magsketch.  Fine arts ang second choice ko sa college pero dahil naipasa ko ang first choice ko which is Business Management, iyon na ang itinuloy ko. My drawings were not that superb but at least it looked decent.

Gumawa ako ng sketch ni Miracle at no’ng batang lalaki na madalas ko rin mapanaginipan. Halos kabisado ko na nga ang mukha ni Miracle pero yo’ng sa batang lalaki ay hindi ko masyadong maalala kaya di ko muna itinuloy. I’ve only drawn a blank face with a nose and eyebrows. I’ve tried to draw his eyes so many times but I always fail.

Matapos kong gawin ang kay Miracle ay pinagmasdan ko siya.

Minsan naitanong ko na sa sarili ko kung “hindi kaya ako siya?”.

Pero nang mapagmasdan kong muli ang sketch, nahanap ko na ang sagot.

“I’m not her,” I told myself.

Kung ganoon, sino ka nga ba talaga? 

“Aya gising na.”

I opened my eyes at ang nakabukas na lampshade ang bumungad sa akin. Kinuha kong muli ang comforter at binalot sa sarili.

Bakit ganoon? Parang kakapikit ko pa lang umaga na agad? I feel like I’ll be having the worst headache of my life.

“Sige Al. Susunod na lang ako,” I grumbled kahit alam kong hindi na niya ako titigilan ngayong gising na siya.

“Ayy nako Aya! Alam ko na ‘yang linya mo. Bulok na yan! Bumangon ka na dali dali!”

Ayaw ko pa talaga. Inalog alog niya pa ang kama. Dahil mukhang di talaga ako titigilan ni Al ay bumangon na ako. Kakulit na babae talaga!

Kahit na masakit ang ulo ay mabilis naman akong natapos sa mga seremonyas ko sa umaga.

Para akong zombie na pumunta sa dining area at umupo katabi ni Al. Maging siya at si kuya ay tahimik din. Mukhang pare-parehas lang yata kaming mga bangag a? Natawa ako sa isip ko. Kulang na lang yata ay sumubsob mga mukha namin sa plato!

“Aya, may hindi ka pa pala naikukwento sa akin.”

 Bumaling ako kay Al. Wait, ano raw? 

“Ha?” I asked dumbly habang si Nana Celia ay naglagay na ng mga pagkain sa mesa. Inuna ko ang sinangag. Nang nakuntento sa kinuha ay sinunod ko naman ang Spam saka sinimulan ang pagkain kahit napapapikit pa dahil sa bigat ng mata. Inaantok pa talaga ako, my gosh.

“Ano yo’ng sinabi mong panyo? Ni… err… Darren?”

This time kaming dalawa naman ni kuya ang napatingin kay Al.

Napaisip ako. “Oh… that. Wala yun.” At ipinagpatuloy ko ulit ang pagkain ko. My mind couldn’t even think straight. Nakita ko na lang sa peripheral vision ko na nagpout si Al. Si kuya naman ay tumingin na rin sa akin na parang nagtatanong din. Kahit na tinutusok ako ng mga mapagtanong nilang mga mata ay wala talaga akong willpower para mag isip. I just need my fuel: food.

All I can remember after eating is that I went to my room to have my teeth brushed, nag ayos pa ng kaunti saka dumiretsong muli sa garden at umupo sa paborito kong hammock. Hindi rin naman nagtagal iyon dahil hinila na ako ni kuya palabas dahil naroon na raw ang sundo namin.

Isang malaking van ang nakapark sa harap ng gate ng mansyon.

Dalawang tao ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan at iniluwa nga nito ang kambal. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko ‘yong babae. I just forgot na siya nga pala ‘yong babae na nabunggo ko dun sa party! Naaalala niya kaya ako?

Sana hindi. Napangiwi ako sa sarili.

“Hello! You must be Jane right?” 

Nag-angat ako agad ng tingin. My first thought was Ang cute niya!” Well… she’s smiling very brightly na tila ang mga mata niya ay ngumingiti rin. Habang tinitingnan siya ay parang nawala naman na ang kaba ko. Okay naman na kami di ba? Di ba? E kasi kinausap na niya ako. I pouted.

“Yes,” I said in a small voice.

Pagkasabi ko nito ay nilingon niya si Darren at binigyan ito ng isang matamis na ngiti. Hindi magtatagal ay iisipin ko nang hobby niya ang pagngiti. Si Darren naman ay nag iwas ng tingin. Hmm, No doubt kambal nga sila. Hindi sila identical twins but they have the same eyes kaya masasabi pa ring kambal sila.

Nilingon ko si Al na nasa tabi ko pero tulala rin siya tulad ko. Hmm… wala yatang effect si Darren sa kanya ngayon a?

Nakita ko naman ang pagkuha ng mga bodyguards sa mga luggage namin at paglalagay nito sa likod ng sasakyan.

“Si Tita Jayah nga pala?” Darren asked, looking behind me.

“Nasa work na si mom ngayon,” sagot ni kuya habang kinukuha ang bonnet sa bag niya at isinuot sa akin. Naalala ko tuloy ang antok ko. 

Darren looked at all three of us funnily. “Parang mga kulang pa yata kayong tatlo sa tulog?” He opened the door for us. Si Phin naman ay kausap ang family driver nila at mukhang nagbibigay ng instructions. “Sige sakay na tayo! Actually medyo inaantok din ako. Matulog na lang tayo sa byahe!” 

Wow. Inaantok pa siya sa lagay na yan a, e parang sobrang energetic naman nito. Ugh I don’t even understand why I have to be so sarcastic about it.

Ako ang unang naglakad papasok ng sasakyan. Wala na akong pakialam basta ang gusto ko na lang talaga ay ang makatulog. Natigilan naman ako bigla nang nakita ang lalaking nakasakay sa loob. Nakasandal ang ulo niya sa upuan at nakapikit ang mga mata. Nakahalukipkip siya ngunit halata na mahimbing ang tulog.

His position from my view highlighted the sharpness of his jaw and his narrow nose.

Dang it! What the hell Jane? Itulog mo na lang iyan!

Nalimutan kong kasama rin pala namin siya papuntang Manila. Bakit ba masyado akong naging malilimutin at bugnutin ngayon? Itinulak ako ni Al papasok kaya no choice ako kundi ang tumabi sa kanya. Tinapunan ko muli siya ng tingin ngunit tulog pa rin siya. Puyat din?

Sinandal paharap ang upuan sa bungad ng sasakyan para makapunta sa likod si Darren at Kuya Nathan. Binalik naman ito sa tamang ayos saka tumabi si Al sa akin. Phin sitted shotgun.

Dahil sa nararamdaman kong pasimulang sakit ng ulo ay isinandal ko na ang ulo ko sa balikat ni Al saka natulog. 

I drifted to sleep for hours I guess when I realized I was awakened by some voices trying to be silent but failing miserably.

“Phin, dali! Bago pa sila magising!”

“Eto na! Excited much lang?”

“Gano’n talaga!”

Narinig akong mga impit na boses. Sila Phin at Al yata. Ano nanaman kayang trip nila? I groaned and moved to snuggle more on my pillow.

“Eto na!” bulong ni Phin pero rinig ko pa rin. Siguro ayaw lang nila akong magising.

I heard a distinct click sound but maybe I’m just imagining it. Unti unti na ulit akong nilalamon ng antok.

“Oh my gosh. Sent it to me please!”

It was the last thing I’ve heard before sleep enveloped me again.

My pillow is sweet-smelling by the way. 

 

“Hey, why are you crying?” The little boy was really worried that was why he asked Miracle.

“A-alis ka d-di ba?” If you’d taken a look at her, her face had no trace of any emotions but still tears continued to stream down her face.

The boy just smiled in response. Miracle noticed the boy’s sudden silence so she looked up and saw his smile. That irritated her.

“You don’t want me to? Why?” His smile became a smirk. ‘How can be a young boy like him know how to smirk?!’ Miracle thought.

“I never said that I don’t want you to leave. I’m just asking you.”

“Why are you asking me?” It sounded like he was challenging Miracle and whatever he was doing just made her more annoyed. Miracle didn’t want this nonsense conversation to continue so she just shut her mouth. That was when the boy became anxious again.

“Miracle.” He called her name with so much tenderness that made her look at him again.

He wiped her tears with his thumb, cupped her face with his hands and then looked at her directly in the eye.

“I’ll be back soon. I promise. When the day comes that I’ll leave ‘til the day that I come back, I want you to promise me one thing.”

He took a deep sigh before continuing. Miracle felt the uneasiness the boy was feeling so she gave him an encouraging smile.

“I want you to keep me here.” He pointed his finger to her chest, where her heart is beating.

He kissed her forehead, which made her close her eyes, and then cuddled her in his arms.

She nestled her head on his chest and listened to the beats of his heart. It sounded like music to her. The boy just tightened the hug because he knew that this hug might be the last.

“Can I ask you a favor?” They were still in the same position, in the same place, under the tree.

He felt her nod.

“You know what? You never did call me by my name. Minsan nga napapaisip ako kung talaga nga bang alam mo ‘yon o hindi. So, before I leave, I just want to hear you call my name. For the first and for the last time.”

Miracle, after a couple of minutes, wrapped her arms around him before answering.

“Drick.”

 

Naramdaman kong gumagalaw ang paligid. Nagtaka pa ako kung bakit until realization hits me. Nakasakay nga pala ako sa sasakyan papuntang Manila. Medyo disappointed at the same time inis ako. Bakit ba kapag nasa kasukdulan na ako ng panaginip ko ay bigla bigla na lang naaantala? Sa totoo lang gusto kong magwala at mag iiyak. Pero maliban sa nararamdaman kong disappointment at inis, may nangingibabaw pa rin na pakiramdam sa buong sistema ko.

It’s like a physical thing that makes me uneasy with discomfort.

Hindi ko alam kung bakit masyado akong apektado samantalang panaginip lang ‘yon. Bakit nga ba hindi na ako nasanay? Halos gabi gabi ay napapanaginipan ko siya. Sila. Why couldn’t I just accept the fact that they are actually already a part of my everyday life?

Naalala kong muli ang panaginip at muling sumikip ang dibdib ko. I tried my best to calm my nerves and to normalize my breathing but I just can’t. Kusang bumagsak ang mga luha sa mata ko.

Ayokong may makapansin na umiiyak ako dahil baka magtanong sila’t isipin na nababaliw na ako. Based on the quietness around the car ay mukhang tulog ang lahat. Hinayaan ko lang na bumagsak ang mga luha habang pinipigilan ang paghikbi. Don’t freaking make a sound Jane!

I was about to press my face on the pillow, where my head was resting, when a hand wiped my tears.

Tiningala ko ang may-ari nito, expecting it to be Al, ngunit iba ang nakita ko.

My nose almost touched his jaw sa sobrang lapit ng mukha ko sa kanya.

“Why are you crying?” he asked. Napapaos pa ang boses dahil mukhang kagigising lang din niya.

Umupo agad ako ng maayos. Paano nangyaring sa kanya ako nakasandal? At doon pa talaga sa balikat niya ako nakatulog? All this time akala ko unan lang pero… 

Ibinalik ko naman ang tingin ko sa kanya, na kasalukuyan pa ring nakatingin sa akin, eyes full of questions.

I just shook my head at him as an answer.

“Don’t mind me,” I added when he seemed not satisfied with my gesture.

Tumitig pa siya sa akin ng ilang sandali bago tumango. Umupo na rin siya ng maayos at habang ginagawa iyon ay inikot-ikot ang kanang balikat. Ngumuso ako at tinamaan ng konsensya. Wait… should I apologize? Yes, Jane! You should!

“Sorry. Kanina pa ba ako nakasandal sa’yo?” Oh wow. A question with an obvious answer. Way to go Jane.

Muli siyang bumaling sa akin.

 “Wala ‘yon,” he said then playfully smiled.

Natulala pa ako sa bagong expression na iyon ng kanyang mukha bago natauhan at tumingin na sa harapan. 

Napansin kong medyo nakataas ang magulo kong bangs kaya naman ay ibinaba ko itong muli.

“Aya, ang ganda dito! Grabe talaga si Tita Jayah pumili!”

Iginala ko ang tingin ko sa pad na tutuluyan namin ni Al. I sighed heavily as I shook my head in amazement. Napakabongga nga talaga. Ang mas gusto ko sana ay isang simpleng dorm-type lang. Ang tutuluyan naman kasi namin ni Al ngayon ay parang condo na! Estudyante pa lang kaya kami!

But knowing mom, wala sa bokabularyo niya ang salitang ‘simple’.

The Ramirez’s family car dropped us in front of the Pad where we are going to stay at. Sumama si Kuya Nathan sa pag akyat namin at chineck ang bawat sulok ng lugar bago bumaba at sumabay kela Phin para i-drop naman siya sa building ng School of Design and Arts kung saan magsstay ang mga varsity. Habang narito si Kuya ay kumain naman sa isang restaurant ang tatlo sa ibaba kaya hindi sila nabagot sa pagiging overprotective ni Kuya Nathan.

I can’t even imagine what they were thinking at the moment. I have a hunch it had something to do with kuya’s weird paranoia and the likes. Le sigh.

Nagsimula na kami ni Al mag-ayos ng mga gamit. Sobrang linis na ng room namin kaya di na namin kailangang maglinis pa.

“Al, maghati-hati na tayo ng mga gawain. Ako na lang maglilinis ng room natin pati maglalaba, ikaw naman magluluto.”

Aba syempre maglilinis naman ako every week! Not everyday.

She laughed hysterically at my serious statement. I pouted. “Aya, ako talaga ang magluluto dahil never ko ipapaubaya ‘yon sa’yo! Takot ko na lang makakain ng—what the heck!”

Mabilis ko siyang pinagbabato ng malalaking unan kaya napaatras siya at tuluyang nahulog sa kama. Tama bang ipamukha sa akin na napagkaitan ako ng skills sa pagluluto?!

Habang tumatawa ako sa itsura niyang nakabaliktad ay binato rin niya ako ng unan na salpok sakto sa mukha ko. 

“Langya ka! Napaghahalataan kang bitter e!”

Natapos kaming makapag ayos ng mga gamit namin sa kabila ng bangayan sa mga bagay bagay, miraculously after three hours.

“So Drick huh?”

As usual, nagsusulat na naman ako sa notebook ko. First time kong nakita sa panaginip kong magsalita si Miracle at ngayon ko na lang din nalaman ang pangalan ng batang lalaking iyon.

Ako lang mag-isa ngayon sa kwarto namin ni Al dahil siya ang bumili ng mga pagkain na ilalagay sa ref. Wala raw siyang tiwala sa akin at baka kung anu-ano ang ilagay ko sa cart.

Si Kuya Nathan naman ay varsity ng basketball sa school na papasukan namin at balita ko ay magaling talaga ang team nila. Sigurado akong pagpunta ko sa school na ‘yon ay magyayabang sa akin ang kumag na ‘yon! At dahil varsity siya, pwede siyang gumamit ng kahit anong room sa hotel na pag-aari ng academy. Something like a priviledge.

That’s where he will be staying at.

Ang sosyalen ano? Kung paano ko nalaman ang mga ‘yan ay dahil iyon sa masyadong pa-cool kong kuya. Ipinaglihi yata siya sa hangin ni mom. Grabe ang sakit niya sa bangs.

Nang napalingon ako sa orasan sa kwarto ay kinuha ko na ang mga pinamili naming office supplies at nagsimula nang mag ayos para bukas. 

I woke up earlier than Al the next day. Dahil si Al ang nag prepare ng dinner kagabi ay naisip kong ako naman ang taya ngayon. I cooked our rice using the oh so mighty rice cooker and fried some hotdogs, sunny side up eggs and hams courtesy of the gorcery done yesterday by my bestfriend. By some luck ay wala namang aksidenteng naganap.

“I am so great,” I said to whoever’s around.

“You know, ang pagsasaing at pagpprito ay isa lang na basic skill.”

“At least I know the basics now. I have to start somewhere you know.”

Binato ko ng kutsarita si Al nang nag make faces siya sa akin pero inenjoy naman ang luto ko. Bruhang ‘to.

We rode a jeep to reach our school. Mangha pa ako sa pakiramdam at para akong alien sa kakatingin sa paligid ko nang hinila na ako ni Al pababa. Wait… bakit parang ang bilis naman yata?

Mga ilang minuto lang ang nilakad namin at tumambad na sa amin ang malaking gate ng school.

The gate was so huge it covered the length of the school lawn na I’m pretty sure ay mas malawak pa sa garden at driveway ng mansyon ng mga Alvarez. Not kidding at that. Isang malaking building naman ang nasa far center ng lawn at ang walls nito ay binubuo ng mga salamin where the big shining metal letters were sculpted there, forming the school’s name: North Oswald: Lockhart Academy.

“Your jaw’s dropping, Aya. You will look weird with that face,” bulong sa akin ni Al. I can imagine her mocking face while taunting me.

“Can’t help it. I might decide to live here you know like… literally.”

We tapped our IDs on their ID scanner and the security guards checked our bags even after they were scanned with their scanner. Wow, that’s too many scanners.

Habang naglalakad ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na matulala sa mga nakikita. I am in a freaking school! Can you believe it? ‘Cause I hardly believe it myself. Si Al naman ay natatawa lang sa kung anong reaksyon na nasa mukha ko. I just hope no one, obviously aside from Al, would notice my not so subtle attempt not to gawke at just about everything I see.

Nakita naman agad namin ang aming classroom ng walang problema. Nang buksan namin ang pintuan ay nakita naming marami na rin ang mga estudyante sa loob. The room is so cold due to the ACs. Two ACs. Wow… isn’t that too… err… cold?

“Aya, doon tayo sa bandang gitna, katabi ng bintana.”

Hindi naman na ako umangal sa kung saan gusto ni Al na pwesto namin. Seriously masaya na ako na nandito ako sa loob ng school. It’s a dream come true. I was homeschooled probably a fourth of my life so it’s a kinda shocking and liberating experience for me to be here.

The bell rang then the school hymn played among the speakers around. Habang nakikinig ay bumukas ang pintuan at pumasok doon ang kambal na Ramirez at ang kaibigan nila. What was his name again? Basta siya si tree guy. I feel elated nang marealize na blocmates ko rin sila. At least may kakilala na kami agad ni Al dito.

“Phin!”

Napalingon ako kay Al nang malakas niyang sinigaw iyon. She’s smiling widely while doing those exagerating waves. Wow, they’re close? 

A strict looking professor entered the room after five minutes at based sa aking ERF ay… Algebra ang subject. Dang I’m doomed. Algebra is definitely not my forte. At mukha pang masungit ang prof. I groaned.  

“Class, I’m Professor Adrias and this will be our ALGEB class. Before we begin the course introduction, let’s get to know each other first okay?” she said while smiling. Bakit feeling ko may masama siyang balak sa ngiti niya? OMG.

And those class introductions. I’ve heard a lot of horror stories about that at mukhang mararanasan ko na nga talaga iyon. Well… talking with many people around is my definition of a horror story.

Sa harapan naupo ang tatlong kadarating lang dahil iyon na lang ang natirang seats kanina. I sat properly and been attentive to their introductions.

Phoenix Gayle Ramirez. Been a member of English Theater Club in high school so she knows how to act, sing, and dance. A triple threat. Plays baseball sometimes with her Uncle.

Darren Lewis Ramirez. Knows how to play a guitar and apparently he can sing too. Plays basketball in his free time. He introduced himself with that natural swagger and confidence in him. I was pretty amazed at how he captured everyone’s attention after that.

The class was amazed too nang nalaman na kambal ang dalawa. Kunsabagay ay madalang ang maka encounter ng tulad nila.

Andrew Geoffrey Kendrick Mendez, Geff for short. The lost sibling of Phin and Darren and actually they are triplets pero sikreto lang. His words, not mine.

Nagtawanan ang lahat pagkatapos niyang sabihin iyon. Darren punched him lightly dahil ginaya rin niya ang tone na ginamit ni Darren with all that sweet smile. Natawa rin ako dahil hindi naman din kasi bagay sa kanya.

But I remember his smile in the car…

Pinilig ko ang ulo at nagpatuloy na lang sa pakikinig sa mga nagpapakilala.  

The window at my left side distracted me though. Nakita ko na garden din ang nasa tapat nito kaya naengganyo akong pakatitigan pa iyon. May malaking fountain sa gitna with a usual design that can be found in schools at may mga bench na nagkalat sa paligid kaya pwede ring magstay doon kapag break time. I should drag Al during lunch time there.

I was pulled from my own thoughts when I heard Al introducing herself beside me. Oh no, I am going to be next.

“I’m Aaliyah Lizette Santillan. You can all call me Liz. I’ve been playing piano and violin since I learned how to read and write so… I dedicate most of my time doing that… besides from studying,” after smiling at everyone ay umupo na siya.

I sighed heavily and pulled myself upright.

For some reason ay napadpad ang tingin ko sa unahan at nagtama ang paningin namin ni tree guy… Geff. Then words just suddenly flowed.

“I’m Jayzelle Ayaline Alvarez. My… world revolved mostly around music because I believe that’s where my heart wanted to be at. So I spent years learning different musical instruments.”

Habang sinasabi iyon ay nakatitig pa rin sa akin si Geff. I stared back at him… at those eyes that’s just too deep for me but still chose to delve into. There’s… something about it…

He then nodded at me like he’s encouraging me to continue what I’m saying kaya natauhan ako bigla.

“… and I hate sports. Really, really hate it ‘cause I’m clumsy. That’s all.”

I’ve heard almost everyone’s laugh because of my gibberish words ngunit nadikit pa rin ang tingin ko sa biglaang ngiti ng Mendez na iyon na nakakalokong nakatingin din sa akin. It’s just… I don’t know. Those eyes and that rare smile are somewhat familiar to me.

Yeah, right. I got close and personal with those eyes and smile kahapon nang ginawa ko siyang unan. Right. 

At dahil tapos na akong magsalita, binalik ko na ulit ang tingin ko sa bintana. Bahala na ang mga blocmates ko sa buhay nila.

Ilang minuto ang nagdaan at nang medyo nainip na ako ay tumingin na lang din ako sa nagsasalita. Paglingon ko sa likod, sakto namang tumayo ang pinakahuli. Last na pala e but that took a while.

She’s a plain looking girl but kinda pretty. With a well ironed white blouse and a blue fitted jeans and rubber shoes and also with that thick-framed eyeglasses and her full bangs, she looked… very, very bookish.

Contrary to popular belief though I admire students like her. Well… I just hope I’m good at reading people.

“Hello. I’m Gwyneth Clementine Flores and I love Photography and Painting. Thank you.”

Bago siya makaupo ay nakita ko pa siyang kumaway. Nang tumingin ako sa harapan, nakita ko rin si Phin na kumakaway pabalik. Magkakilala pala sila?

Nabaling naman ang atensyon ko kay Geff. Titig na titig siya doon sa kay… Gwyneth ba? Napansin din ni Phin ang pagkakatulala nito kaya kinalabit niya ito saka binulungan. Tumango naman si Geff at tumingin na ulit sa harapan.

That’s a weird exchange.

Nawala na iyon sa isip ko nang nagsimula na sa discussion ng syllabus and professor namin. Nilinggon ko si Al at nakitang excited na ang lukaret para sa lesson. She loves numbers and apparently it loves her too. Ako lang ang di talaga minahal ng kahit anong numero.

Sa kalagitnaan ng discussion ay biglang bumukas ang pintuan. Hindi ko nga lang iyon tiningnan dahil ang atensyon ko ay nasa hawak na syllabus kung saan nakalagay ang first lesson: finding x. 

“Okay. Class, you have a new blocmate. Iho, kindly introduce yourself to the class.”

“Al, you have to help me in this particular topic dahil ito ang nagpapadugo talaga ng ilong ko,” baling ko kay Al sabay kalabit.

Ngunit hindi niya ako pinansin. She’s sitting rigidly while anger is evidently in her expression. 

“Good day everyone! I’m Denzel Alexis Vargas. You can call me Alex. Nice meeting you all!”

Natigilan ako at unti-unting dumako ang tingin sa unahan. He was all smiles while looking at all the students in front of him ngunit mabilis na nawala iyon nang napadpad ang tingin niya sa pwesto namin ni Al.

I sat still as I processed what I am seeing. He’s here? Why is he here? Sa dinami-rami ng school na pwede niyang pasukan ay bakit dito pa? Really?

“What the heck is he doing here?” Mahina ngunit punong-puno ng sarcasm na sambit ni Al, voicing out my thoughts.

I felt the building tension in me habang nagkakatitigan kami ni Alex. I am angry at him. And disappointed. And confused. And a whole lot more.

After years of no communication ay nakita namin siya ni Al sa mall noong isang araw. He was with someone but I have no idea who was that. Not that I’m a bit interested about his life. The moment he left my life then, he’s already a stranger to me.

Biglang tumayo si Phin sa harapan kaya nakuha niya ang atensyon ko.

“May I leave the room Miss?” she asked.

“Oh sure! Go ahead.” 

At nagmamadali siyang lumabas ng room. Kumunot ang noo ko doon. Anong nangyari sa kanya? Masama ang pakiramdam niya? She seemed off. I looked at Darren and Geff ngunit sa pwesto ko ay hindi ko makita ang mukha nila.

“Mr. Vargas, you can sit beside Ms. Ocampo at the back,” Miss Adrias said as she pointed at the seat… behind me.

Oh so help me I am gonna curse the world for doing this to me!

I was distracted for the whole duration of the class. And Phin didn’t return at all kaya nag alala ako despite the turmoil inside me.

“Aya, tara na!” Hinila agad ako ni Al nang tumunog ang bell at nagpaalam ang professor sa amin. Ramdam ko sa hawak ni Al na galit siya sa buong sitwasyon.

All I can feel at that moment is astonishment. Para akong nililipad ng hangin.

Pagbukas ni Al ng pintuan ay ang bigla namang pagdating ni Phin. Namumugto ang mata at halatang kagagaling lamang sa matinding pag iyak.

“Phin, anong nangyari sa’yo?” I asked worriedly.

Sasagot na sana si Phin nang may marinig kaming mga lagabog at sigawan sa room namin. Nagkatinginan muna kaming tatlo at saka lang pumasok ulit sa room.

“Gago ka! Ang lakas talaga ng loob mong dito talaga pumasok?! HA!” Halos lumabas ang puso ko nang marinig ang galit na boses na iyon.

Ngunit mas lalo akong kinabahan nang makitang hawak ni Geff ang kwelyo ng damit ni Alex na siya namang may sugat sa may labi.

“Pare, hindi siya ang pakay ko rito okay? At isa pa, tapos na kami kaya bakit galit na galit ka?!”

“Shit! Wag mo kaming lokohin! Sinaktan mo na nga siya e! Ano pa bang iba mong pakay para pumunta dito?!”

“I’m here to settle things with my girl.” Saka naman siya napatingin sa akin.

Hanggang sa napansin kong… lahat ng mga blocmates namin na nakapaligid at umaawat sa dalawa ay nakatingin na sa akin.

Dahil sa gulat sa nangyari ay natulala lamang ako. Geff looked at me with anger and questions in his eyes kaya naman napagtagpi tagpi ko ang lahat sa utak ko. Nilingon ko si Phin na muling umiiyak sa likod ko.

Silence enveloped the room until suddenly Al walked towards Alex. Tumabi si Geff dahil doon at umatras din si Darren na pumipigil kanina sa kanya.

Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa katahimikan. Nanlaki ang mata ko at natutop ko ang bibig.

“Back off you disgusting man! Don’t you dare go near her or else… I’m gonna break your face. You know I’m not joking.”

Nanikip ang dibdib ko habang nakikita ang kaibigan kong masama ang tingin kay Alex. Hindi ko na rin napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Tinalikuran ni Al si Alex at hinila ako palabas ng room na iyon na ngayo’y nababalot na ng katahimikan.