♪ Chapter 5: Troubled
Phin’s POV
I am currently dreaming of castles and scented candles and chandeliers and
golden fairy lights and people with their shimmering gowns of differing colors,
dancing with their perfect someones with their sweetest smiles plastered on
their beautiful faces. I am currently dreaming of myself wearing my best gown
with my hair adorning my soft features while I’m with the most handsome prince
whom my hands are entertwined with. My heart beating, synchronized with the
cadence of a lullaby played by the orchestra at a dais not far away from the
grand staircase circling half of the place.
I am all smiles then laughters because of what my prince is whispering at
my right ear.
“Wake up princess.” I heard him say. Kumunot ang noo ko dahil sa
narinig. Why should I wake up?
Mula sa pagbulong sa akin ay tumayo ng maayos ang prinsipe ko at laking
gulat ko nang tumambad sa harap ko ang nakangising lalaking kamukhang-kamukha
ko.
The boy version of myself. Suddenly, the dream became blurry and the soft
and warm something enveloping me became so distinct. May kung ano rin sa mukha
ko na nagdala sa akin ng init, halos masilaw ako.
“Hey! I said wake up,” sabi ng lalaking kamukha ko at nasa harapan ko.
Ngunit naramdaman ko ang biglaang pagbabago sa paligid ko kaya hindi ko siya
nasagot. Para bang nakahiga ako? Nasisilaw rin ako dahil sa liwanag na nasa
mukha ko. Is this a spotlight?
Someone tickled my side kaya naman nagulat ako at malakas na itinulak ang
hampaslupang sumira ng maganda kong panaginip.
Kahit na halos wala pa sa sarili at napahagalpak ako sa tawa dahil sa
kiliting nararamdam. Ayaw pa rin kasing tumigil ni Ren.
“Oh my gosh Ren! Stop it!”
I saw the male version of myself smile that very charming smile at me. “I
told you to wake up already. Para akong sirang plaka dito,” he said cheerfully
as he settled on my bed.
Huminga ako ng malalim at hinintay na kumalma ang sarili. Natatawa-tawa
pa ako dahil sa aftershock ng kiliti niya sa akin kaya hinampas ko nga. I look
back though after seeing he has no response at all. Ren is looking at me
solemnly. Ever heard of telepathic powers between twins? Hindi ako naniniwala
noon pero sa mga panahon na parehas kaming tahimik ni Ren at nagkakatitigan,
para bang nababasa namin ang iniisip ng isa’t isa.
“Happy birthday Phoenix Gayle,” he said as he kissed my cheek. He
carressed my head and looked at me expectantly.
Kinagat ko ang labi ko at natahimik pa ng ilang sandali. My God, I hope
no other girl can see this side of him. He’s always playful and seems to charm
his way to all things but when he’s like this... this manly, parang ayaw ko
siyang mapunta sa kahit na kanino. May twin brother complex yata ako.
His eyes are asking me a question so I answered him verbally.
“Happy birthday too Darren Lewis. And yes, I’m happy,” I laughingly said
to ease the tension.
His expression didn’t waiver though. I sigh.
“Just make sure he treats you the way you deserved to be treated or
else... well, alam na dapat niya kung ano ang mangyayari.”
“We’re together for years Ren, at kahit na naging kami hindi naman
nagbago ang pakikitungo niya sa akin. I feel special when I’m with him. Walang
nagbago.” I sounded like I am actually convincing myself at alam iyon ni Ren
ngunit hindi na niya isinatinig iyon.
And there’s actually something wrong with what I’ve said. Walang nagbago.
Tumango siya
at parang may nag click ng switch niya kaya bumalik na ulit ang mapaglaro
niyang ngiti.
“Well, we
have a party to attend to kaya maghanda ka na. Call Alex too dahil marami
siyang dapat gawin at wala siyang tulong na matatanggap kahit kanino dito sa
mga Ramirez.”
“Party?” I
asked dumbly. Really, are we kids?
Ren rolled
his eyes. “Parang hindi mo kilala si Mom. I’m sure nakatanggap na halos ang
buong subdivision ng invitation para doon.”
I groaned in
response. Well, wala na ngang bago. I like parties but not our birthday party. Mom’s always preparing extravagant and flashy
birthday parties for us. Noong bata pa ako ay tuwang-tuwa talaga ako but now?
I looked at
Ren sharply when I heard him laughing at my sullen expression.
Tinulak ko
na si Ren palabas ng kwarto ko kahit na ayaw niya at parang batang nagmamaktol.
Matapos maligo ay nagtext ako kay Geff kung kailan niya balak mamili ng mga
gamit para sa darating na pasukan. Hanggang ngayon kasi ay wala pa kaming
naihahanda ni Ren kahit na nalalapit na ang pagtatapos ng vacation.
Such lazy
asses.
I pursed my lips while contemplating if Alex was already awake. Hmm...
should I text him? Does texting seems to be a clingy move? I scoffed and
thought to hell with it.
To: Alex Vargas <3
Hey, good morning sleepyhead!
That’s assuming he’s still sleeping.
And I really miss him! ‘Yan na, I can no longer deny the truth. And I
think I have the right to be clingy since I’m his girlfriend... well... for
seven days already.
My mood spiralled down with that thought. Umiling ako at iwinaksi iyon
sa iniisip. Sinagot ko na siya last week pero halos isang taon niya rin akong
niligawan! And that’s proof already of how deep his feelings are for me. Bakit
naman niya ako pagtitiisan kung hindi niya ako mahal ‘di ba?
Though he never told me he loves me.
Pero kahit na hindi niya iyon sinabi, gano’n din naman ‘yon dahil sa pag-aalaga
niya sa akin at sa mga ginawa niya habang nanliligaw sa akin. Those thoughts
made me smile again.
Matapos
maligo at makapag-ayos ay wala pa ring reply si Alex. Baka nga tulog pa talaga
siya. Gano’n din si Geff. Pero pwedeng-pwede ko siyang istorbohin. Alam ko
namang madalas siyang maaga gumising. Kung hindi dahil sa pagpasok sa school ay
pag-aalaga naman kay Carly ang hobby niya.
“‘Nay Amelia, si Geff po?” diretso kong tanong nang sumagot sa kabilang
linya ng telepono ang isa sa mga kasambahay ng mga Mendez. I impatiently tapped
my fingers on my legs clad in blue jeans.
“Ayy si
Andrew ba kamo? Tulog pa siya e. Pero gigisingin ko na rin siya dahil
pinapapunta siya ng Mommy niya sa Heaven Orphanage.”
Kumunot ang
noo ko doon. What?
“Heaven
Orphanage? Bakit daw po?” Wait... what’s the date today again? I gasped when I
realized the answer.
“Nevermind.
Thanks po!”
I
immediately dropped the line and run to my room to get my purse. I need to get
to Geff before he got himself there alone.
“Kuya, kela
Geff po,” hinihingal kong sabi sa driver namin bago isinara ang pintuan ng
sasakyan. Maybe he heard the distress in my voice or simply saw the expression
on my face kaya naman mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan.
Sinubukan
kong tawagan ang cellphone ni Geff pero hindi niya naman sinasagot. My God ano
bang pumasok sa isip nila Tita at bakit nila papapuntahin doon si Geff? I knew
every detail of Geff’s trauma and his parents knew it too. Iyon ang dahilan
bakit hindi ko maintindihan bakit pa nila siya hahayaan na pumunta doon! Okay,
whatever their reason was, I’ll go there with him. End of story.
Hindi rin
naman nagtagal ay narating na namin ang village ng mga Mendez. I did a
double-take when I saw a familiar face.
“Kuya
pahinto ng sasakyan!”
Mabilis kong
binuksan ang sasakyan kahit na di pa iyon humihinto at tinakbo ang distansya
kay Geff.
“Geff!” I
laughed at my ridiculous loud voice. Halos umalingawngaw iyon sa tahimik ng
lugar. I’m feeling crazy over this! Ginulo
ko ang buhok niya nang nakalapit ako sa kanya. I am laughing but I also feel
like crying. Mabuti na lang at naabutan ko siya! The relief I’m feeling made me
want to bawl on the sidewalk.
“Buti
naabutan kita. Sabi ni Nanay Amelia susunduin mo raw si Carly?” I said, voicing
my thoughts.
Sumimangot
siya at inayos ang nagulong buhok. I smirked. “Tara samahan na kita. Kasama ko
naman ‘yung driver namin kaya sabay na tayo.”
He gave me
that boyish smile and I almost, almost,
melted. He’s wearing a blue collared shirt and khaki pants partnered with a
topsider. His hair fell over his forehead highlighting the hard angle of his
jaw. He looks stressed but — like me — feels somehow relieved.
It’s a good
thing I have a boyfriend or else I’m gonna kiss him ‘till he never again think
about what’s about to come.
“Okay,” he finally said.
Naging tahimik ang byahe. Okay, tahimik
is an understatement. The ride is torture! It is torture!
I am never a
quiet young lady. I’m used to my friends with their never-ending chatter and
unladylike laughs. I’m also used to Darren’s barkada guys with their booming voices when they talk about whatever
sports they’re into. Kahit sila mommy at daddy ay madalas mag-usap at
magtawanan kapag nasa bahay.
At ngayon na
nababalot ng tahimik ang sasakyan ay parang hindi ako makahinga. Sinulyapan ko
si Geff at nakitang nakatingin siya sa bintana at malalim ang iniisip.
He looks
calm. Weirdly calm. He’s supposed to freak out but he’s this calm. What the
hell? Am I the only one overreacting here? Ugh. Whatever.
Nagvibrate
ang phone kong nasa purse kaya naman kinuha ko iyon. There was a message.
From: Alex Vargas <3
Hey. Just woke up.
I just wondered if you’re free
tomorrow?
Oh my gosh.
Is this... is this what I think it is?
“You’re
looking a little bit red,” puna ng katabi kong kanina pa tahimik pero hindi ko
siya nagawang lingunin. Pinoproseso pa ng utak ko ang text ni Alex.
Geff sighed
heavily. “No, let me correct that. You’re looking really, really red.”
Sa huli ay
nilingon ko na siya at di ko na napigilan at pinaghahampas ko na siya.
“You know
what? Alex asked me out! Gosh kinikilig ako!” I heard him muttered something my
parents would never let me hear but I don’t care.
Okay. What I
said to Geff was a lie. But it wouldn’t be at the end of this day.
“So?”
Iniisip ko
na ang mga magaganap bukas at ang magiging future namin ni Alex pero nahinto
iyon dahil sa nakakainis na So? So?
nitong katabi ko.
Alam kong sa
simula pa lang ay hindi na gusto ni Geff si Alex para sa akin. Ren’s civil
though pero kapag pinagsama mo ang dalawa, hindi ko na alam. Para bang may
ginawang karumaldumal si Alex sa kanilang dalawa sa ibang buhay. Both of them
are way overprotective at kadalasan ay naiinis ako sa kanila dahil doon. Pero
may mga oras naman na natutuwa ako na concern sila sa akin.
This day is
one of those times kaya naman tinukso-tukso ko na lang itong masungit na katabi
ko. Kung saan-saan na rin napunta ang usapan namin pagkatapos no’n kaya hindi
na namin halos napansin na nakarating na pala kami sa orphanage.
Bigla akong
nakaramdam ng tensyon kaya napatingin ako kay Geff. He’s back with his calm
facade, it’s kind of disconcerting.
Bago ko pa
siya masabayan sa paglalakad papunta sa klase ni Carly ay tumunog bigla ang
cellphone ko.
‘It's gonna be me, baby
It's gonna be you, baby’
Nagkaroon ulit ng emosyon ang mukha niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
He’s currently murdering my phone though with his stare kaya napangiti ako.
“Geff, una ka na doon. Tumatawag si Alex e. Alam na baka matagalan,” I
slowly said while gauging his reaction then gave him a teasing.
He simply nodded before walking out. Yeah, he’s such a creeper.
Pinagmasdan ko muna siya sa paglalakad at nang nawala na siya sa paningin ko ay
saka ko sinagot ang tawag ni Alex. Alright, this won’t take long at pagkatapos
nito ay babalikan ko agad si Geff. I really have this feeling that he shouldn’t
be here of all places. No matter how calm he makes himself appear.
Nang naalala ko kung sino ang kakausapin ay parang bigla akong kinabahan.
I cleared my throat.
“H-Hello?” Way to start a conversation Phin!
“You didn’t text me back. So, pwede ka ba bukas?” he asked straight to
the point. His voice is kind of gruff so baka kakagising niya nga lang.
Kumunot ang noo ako. At parang may nahimigan ako sa tono niya and I
didn’t like it. Girl instinct? My giddiness about the idea of a date tomorrow
died a painful death.
Or baka paranoid lang talaga ako. “Yup. Tomorrow’s fine. Bakit mo pala naitanong?
Anyway, you’re coming to our party, right?”
Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nakasagot. In between those
seconds, it felt like my world is tilting a hundred eighty degrees. And that
it’s about to change.
“May kailangan lang akong sabihin sa’yo. About the party…”
“What about the party?” tanong ko
nang hindi na niya iyon nadugtungan pa. I put the phone away from my ear and
looked at the screen.
It’s dead.
I sighed frustratingly and started looking for Geff. Habang naglalakad ay
para akong nililipad at anytime ay babagsak ako. Gustong-gusto ng utak ko na
himay-himayin ang mga salitang binanggit ni Alex kanina pero parang ayaw ko pa.
May sasabihin siya sa akin? Hindi ba kaya through phone? And here I thought
it’s going to be a date.
But what if it’s really a date at nag-ooverthink lang ako? Pero he can
simply say na lalabas kami. Hindi ‘yung “May kailangan lang akong sabihin sa’yo.”
Pinuntahan
ko na lang ang room kung saan madalas ganapin ang activities ng mga bata.
Mabilis ko namang nakita ang cute na cute na kapatid ni Geff na si Carly kasama
ang iba pang mga bata at ilang mga facilitators.
Okay...
where’s Geff?
Ilang minuto
ko pang pinanuod ang mga bata nang may nakapansin sa akin.
“Sino po ang
hanap niyo Ma’am?”
Bumungad sa
akin ang isang petite na babae. Maikli ang buhok niyang umaabot lang sa balikat
complete with full bangs and thick black rimmed glasses. Your twenty first
generation nerdy look.
I have nothing againts nerdy looking girls or
boys pero kapag may nakakasalamuha akong gaya nila ay para bang naiintimidate
ako. It’s like they already have learned and discovered the deepest secrets of
the world habang ako ay parang nasa kalagitnaan na ng full life span ko ay wala
pa sa ten percent ang nalalaman.
I gave her a
genuine smile. “Actually hinahanap ko ‘yung kasama ko. Akala ko nandito na siya
pero parang wala pa yata.”
Mali talaga
na iwan kong mag-isa si Geff. Paano kapag naligaw ‘yun?
Har.Har.
Iyon pa talaga maliligaw? Mas malaki pa ang chance na ako ang maligaw dito.
Galing sa
paglinga-linga kakahapan kay Geff ay bumalik ang tingin ko sa babaeng nasa
harap ko. She’s fidgeting with her fingernails and looks as awkward as I felt.
But there’s eagerness in her posture while directly looking at me.
At parang
may kumalabit sa subconscious ko kaya naman pinagmasdan ko siya.
“Neth nga
pala, ano pala name mo? At sino sa mga bata ang susunduin niyo ng kasama mo?”
she asked, showing her big smile.
Lumiit ang
mga mata ko at inisip kung nakita ko na ba siya somewhere down the road at
hindi ko lang maalala. Oh damn, hindi gumagana ang mga brain cells ko.
“Phin
Ramirez. Uhh...”
I got
distracted when a wind suddenly blew making her bangs gather on one side of her
face. Sinubukan niyang ayusin iyon ngunit nang mukhang nawalan siya ng pag-asa
dahil patuloy pa rin sa pag-ihip ang hangin ay may kinuha siyang hairclip sa
bulsa at ginamit iyon para ilagay ang kanyang full bangs sa taas ng ulo niya.
Patuloy ko
siyang tinitigan nang biglaan niyang tinanggal ang suot sa eyeglasses at
pinunasan iyon.
“Neth?”
tawag ko sa kanya sa maliit na boses.
She readily
looked at me when I said her name.
Now I don’t just
feel it. Now, I know my world is tilting a hundred eighty
degrees and that it will really change
Her face...
her eyes...
Sinalubong
ang utak ko ng mga alaala anim na taon na ang nakararaan. They were dark and
painful and surreal I feel like they are happening again. Naramdaman ko ang
pamumutla ko.
Isang bata
ang tumawag sa pangalan niya kaya naman nilingon niya iyon at nawala sa akin
ang atensyon niya.
Umiling ako.
No, she can’t be her. It’s impossible. But...
Bumalik ang
tingin ko sa kanya. She’s laughing now at what the little boy is telling her.
I’ve never seen or heard her laugh
but hearing Neth’s tugged my heart.
Oh my God.
Okay, Phin.
Breathe in. Breathe out. Let’s don’t jump to conclusions. Siya si Neth. May mga
tao lang talaga na sadyang magkamukha but that doesn’t mean they are the same
person or that they are related.
Another
voice came in my head. But everything is
possible. And the idea is not impossible.
Naalala ko
si Geff.
Yes. Let’s
stop right there. Alam ko ang mga pinagdaanan ni Geff. Siya mismo ang nakakita
kay Angel nang nangyari iyon. And she’s dead years ago. Yep. I’m alright now.
Tumango-tango ako. Seriously, baka pagkamalan akong baliw ni Neth kapag nakita
niya ako.
Nagpaalam na
si Neth sa akin dahil sasamahan daw niya ‘yung bata sa kwarto nito kaya naman
ipinagpatuloy ko na lang ang paghahanap kay Geff. I look around the place but
my mind is still reeling at that encounter with the Neth girl. Ugh.
Habang
naglalakad ay may narinig naman ako na malakas na boses ng isang babae sa kung
saan. Mabilis akong pumunta sa pinagmulan nito. Alright, I am not nosy. Just
plain curious. That’s completely different. And why do I feel the need to
justify what I’m doing my gosh!
Sa wakas ay nahanap ko na ang nawawalang si Geff! The weird thing I saw
though is that there’s someone hanging over the branches. And it’s definitely
not a monkey. Nope. That’s a girl! And she’s staring at Geff! Like staring way
too close at Geff’s face. Ngumuso ako. Kukunin ko ba ang atensyon niya?
I decided to
simply follow her lead and stare at them both. Curious lang din ako kung ano
ang gagawin no’ng babae. I mean hindi naman niya tititigan si Geff ng magdamag
di ba? Like… I mean charismatic na talaga si Geff. Kahit tulog nagsusumigaw ng
atensyon ang mukha at presensya niya so hindi na ako magtataka kung may
nakasagap ng radar ng isang Mendez.
After
seconds though ay bumaba na rin ang babae. Sa gulat ko ay mabilis akong nagtago
sa likod ng isang puno. Saka ko lang narealize ang ginawa. Wait… bakit ba ako
nagtatago?
Nang
nawala na sa paningin ko ang weird na babae ay lumapit ako sa puno na tinutulag
ni Geff. Ang peaceful ng mukha niya kaya hinayaan ko na lamang muna siyang
magpahinga. Bumalik ako sa puno na pinagtaguan ko kanina at umupo doon habang
nakikinig ng music sa aking ipod.
Time, I've been patient for so long
How can I pretend to be so strong?
Looking at you, baby, feeling it too, baby
If I'm asking you to hold me tight then it's gonna be all night’
I closed my
eyes and my mind wandered again back to that time when I first met Alex.
Kailan nga
ba kami nagsimula? It’s been almost one week since we started this
relationship. Noon, isang simpleng student lang ako na snob at may pagka-nerd.
Di ako masyadong friendly at ang madalas ko lang kasama ay sila Ren and Geff. I’m
just this typical nerdy type of girl back then... until I met him.
Katulad lang
ako ng ibang mga babae na nagkakacrush. Makita lang siya, kahit magkandakuba na
sa mga requirements sa school na parang pinagsakluban ka na ng langit at lupa,
magagawa pa ring ngumiti, tumili, magtatalon, at siya lang ang masasabi mong
bumubuo sa araw mo. I was just looking and staring at him from afar. I didn’t
expect that fate will answer my prayers.
He was
transferred in our section and thus we became classmates back in second year
high school.
I know
I’m pretty. Madalas sabihin sa akin nila Ren at Geff although I never made it a
big deal. Nang nalipat si Alex sa section namin at nagbotohan ang mga kaklase
para sa muse at escort ng class, halos magpasalamat ako sa katotohang ito.
Nakakatawa kapag naalala ko ang ngiti kong ilang araw yatang di maalis alis sa
mukha that even the two boys looked at me like I was possessed or something. Of
course I was elected as the muse and Alex as escort in our class.
I am a nerd
and a beauty, but really, I was also a total snob. Kaya naman tuwing may
activity sa science subject at kailan ng lab partner, lagi akong nammroblema.
“Meron ka na
bang partner?”
Yes. That
was actually it. His first words to me. At iyon ang simula ng pagtibok ng puso
ko sa kanya.
Sa totoo
lang ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako ang napili niyang kausapin
noon. Sa dinami-raming babaeng nagkakandarapa sa kanya makausap lang siya, ni
isa sa mga ‘yon wala siyang kinibo. Kaya bakit ako?
Time flies
so fast. Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ngayon. Basta ang saya naman
namin noong mga nakaraang araw. Pero bakit ngayon parang nagiging distant na
siya sa akin?
Natapos na
rin naman sa wakas ang activity ng mga bata kaya nagdesisyon na kaming umuwi.
Nauwi kami sa asaran ni Geff kanina kaya heto at di namin naabutan ang mga
madre na nagfacilitate ng activity. Inutusan ako ni Geff na pumunta sa head
office ng orphanage at magpaalam na aalis na kami. Kinuha naman niya ang
natutulog na si Carly na mukhang napagod at dinala sa sasakyan namin.
I pouted.
Galing talaga ni Geff. Alam naman niyang di ako pamilyar dito pero ako pa
inutusan. And to think na I’m a girl! Ugh.
Out of pure
luck though ay nakita ko naman agad ang head office. Kumatok ako doon ngunit
walang sumagot. Inulit-ulit ko pa iyon nguni wala pa rin. Err… what should I
do?
I slowly
turned the two knobs and peeked inside. Isang maliit na sala set ang nasa loob.
Bukas ang ilaw ngunit walang tao. Di kalayuan sa main door ay may isang pintuan
ulit. Nagdesiyon ako na lapitan iyon para katukin. I am just so exhausted at
gusto ko nang umuwi so let’s get this over with. Ilang kato pa ang ginawa ko
ngunit wala pa rin.
Lo and
behold my curiousity flared again so I turned the knob. Nang nakitang wala pa
ring tao ay sumimangot ako. Aalis na sana ako but something caught my eyes.
May ilaw din
sa loob ng mini office kaya kita ang kabuuan nito kahit walang tao.
And there
right in the middle of the wall opposite the door was a painting of Angel. Sobrang espesyal ba talaga niya
sa lugar na ito at talagang may malaking painting niya sa office ng head?
As I stared
at the painting, guilt suddenly bloomed in my chest.
“I’m sorry.”
I said to no one in particular.
Pabalik na
sana ako sa sasakyan nang nakasalubong ko si Neth. I immediately changed
whatever my expression is then smiled at her.
“Nahanap mo
na ba ‘yong kasama mo pumunta rito?” nakangiti niyang tanong sa akin
Ngumuso ako
at inisip kung tatanungin ko ba talaga siya. Just to ease my mind dahil ang
dami nang tumatakbo sa isip ko dahil sa lugar na ‘to. Okay, hindi naman masama
kung tatanungin ko siya.
“Phin?”
Okay. It’s
now or never.
“Neth ba
talaga pangalan mo?” I straightly asked her. Pinilig ko ang ulo at late na nang
narealize na parang ang weird ng way ng pagkakatanong ko.
Natawa lang
si Neth “Actually hindi—”
“So ikaw si
Angel?! Angel pangalan mo?” Halos pasigaw kong tanong. Oh my God so I was
right!
Kumunot ang
noo niya. “Sorry, sino si Angel?”
Nalaglag ang
panga ko. Oh dang… so mali pala ako? Nice Phin! Obviously!
“Oh she’s no
one. So…”
“Nickname ko
lang ang Neth. Halos lahat ng mga kaibigan ko iyon ang tawag sa akin.”
I see.
In the end,
napahiya lang ako at pinakisuyuan ko na lang si Neth na ipaalam sa mga madre na
aalis na kami kasama si Carly. Pumayag naman agad siya.
I sigh. I
feel so very tired.
I’m
definitely a social person. Nakakapuslit ako sa mga bars dahil sa mga kaibigan
na madalas sa mga gano’ng lugar. And because I am a Ramirez, normal na sa akin
ang pag-attend sa mga gatherings and such.
Ngunit ang
pagkakaroon ng sariling birthday party ay hindi ko talaga ginusto. I pouted.
The venue,
food, program, and all other preparations are all commendable though. Isip ko
habang iginagala ang paningin sa paligid. Thanks to Brea Ramirez’s connections
and extravagant tastes. All close family relatives and friends are present.
Binati nila kaming dalawa ni Ren at masaya naman silang nakausap.
Okay na rin
sana na may ganito para sa amin kaso ay wala naman si Alex. Binati lamang niya
ako kanina sa text. Bumagsak nanaman ang mood ko.
“I couldn’t make it. I’m sorry.”
Nagvibrate
ang phone ko sa pouch na hawak. Kinuha ko iyon at nakitang tumatawag si Alex.
Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ang sasabihin nito?
Nasa round
table ako kasama si Ren, Geff, Carly at pare-parehas silang nag-uusap tungkol
sa kung ano samantalang ako naman ay kanina pa rito nakatulala.
Nagpaalam
ako sa kanila at nagtungo sa garden na highlight ng lugar.
“Hello?”
Bigla akong nakaramdam ng kaba ngunit alam kong klaro ang pagkakasabi ko nito.
Hindi siya
agad nakapagsalita.
“Phin… I
have to tell you something.”
“Ano ‘yon?”
Parang
kanina lamang ay sobrang saya ko ngunit bigla akong sinalubong muli ng bigat na
nararamdaman na noon ko pa pinipilit itago. I have an idea about his next words
but I still hope… I’m hoping I wouldn’t hear it tonight. Or ever.
Simula nang
sinagot ko siya ay parang doon nagkaroon ng agwat sa aming dalawa. Naging
madalang ang pag-uusap at pagkikita namin sa personal. Alam ko namang hindi sa
akin umiikot ang buhay niya. Kahit naman ako. We have our privates lives. Kaya
naman nang sinabi niya na lalabas kami bukas ay sobrang naging masaya ako.
Naging
mahaba pa ang katahimikan sa aming dalawa. Naririnig ko ang paghinga niya kaya
alam kong nasa kabilang linya pa siya. I can clearly hear his frustrated sighs.
Bumagsak ang
mga balikat ko at tila nawalan ng lakas. I’ve been in a lot of relationships
before him and I made it alive after the breakups. Surely… surely I can manage
to survive this one right? Tutal ay isang linggo lang naman kami. What a load
of crap.
“Are you
breaking up with me?” Ako na lamang ang nagpaubaya at isinatinig ang alam kong parehas
naming iniisip.
Damn I just
feel so tired.
Narinig
kong muli ang buntong-hininga niya.
“Phin… I’m
sorry.”
“Sorry for what?”
Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. “Anyway, if that’s what
you want then let’s end this.”
“Phin, let
me—”
I ended the
call and turned off my phone. I don’t want to hear his reasons.
It’s my damn
party tonight so dapat ay masaya ako right? Ang galing talaga ng timing niya.
I want to be
happy. Gusto kong maging normal na gabi ito. Gusto kong makipag-usap kela Ren
at Geff tungkol sa mga walang kwentang bagay at tumawa kasabay sila. I want to
give my mother the tightest hug I can give her and thank her for all her
efforts for us.
I want to show them that I’m happy kapag lumabas ako sa garden na’to.
But
my tears betrayed me.
Nangatog na
rin ang mga tuhod ko na tila pati sila ay nawalan na ng lakas tulad ng puso ko.
Matapos
pakalmahin ang sarili ay nagsimula akong maglakad papunta sa powder room. I
walked there without seeing anything at all. Para bang nandoon pa rin ako sa
garden at pauli-ulit na pinapakinggan ang mga salitang binitiwan niya kanina.
“I’m sorry.”
May mga nakakasalubong
akong bumabati sa akin ngunit wala akong ibang magawa kundi ang magpakita ng
pilit na ngiti. Yumuyuko ako kaagad dahil ayokong may makapansin sa namumula
kong mukha. I don’t even have the slightest idea anong itsura ko ngayon.
Crying
really sucks. Hindi bagay sa akin.
Isang
malakas na pwersa ang biglaang tumama sa akin kaya marahas akong napaupo. Sa
sobrang inis at frustration sa mga nangyayari sa gabing ito ay bigla akong
sumabog sa galit nang napansin ang babaeng nakatayo sa harap ko.
“What the eff
miss! Are you blind?! Can’t you see where you’re going?!”
Tuloy-tuloy
na paghingi ng sorry ang sinabi niya sa akin. Fuck those words! I’m sick of
hearing it!
Akmang tutulungan niya akong makatayo ngunit hindi ako pumayag. I don’t
need help from strangers! I can take care of myself!
Ugh I can’t think straight. Nararamdaman ko nanaman ang pag-iinit ng mga
mata ko.
I can’t do
this.
“Ako na.”
Napatingala ako at nakita si Geff na masamang nakatingin sa akin. Tears
suddenly blurred my vision. Hindi ko kaya. Sa sobrang panghihinga ay hindi na
ako nakaalma nang kinarga niya ako. I know Geff is really mad right
now but his arms supporting my back and legs are gentle and warm.
Hindi ko na maitago ang paghikbi ko kaya naman isinubsob ko na ang buong
mukha ko sa balikat ni Geff.
“Please bring me to my room now,” I plead brokenly.
Nagkaroon pa
ng maikling interaksyon si Geff sa babae ngunit hindi ko na iyon nasundan.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa kwarto ko. Inilapag niya ako
sa aking kama at doon ako tuluyang umiyak. Si Geff naman ay tahikim lamang na
inaabutan ako ng tissue. Ngunit nang tila nafrustrate sa akin ay siya na mismo
ang nagpunas ng mga luha ko.
“So, can you tell me now what happened?”
tanong niya na medyo kumalma na ako.
I guess… crying is also good. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
But the hurt is still very present.
“It’s Alex.”
“What about him?”
Matatawa na sana ako kung hindi lang parang pinipiga ang puso ko ngayon.
He will really make me say it. This boy.
“He broke up with me. Not less than an hour
now,” I said nonchalantly. I actually expected him to say I told you so ngunit wala siyang sinabi.
“Wala ka
bang sasabihin?”
“Why? What do you want me to say?”
Ano nga ba ang
gusto kong marinig galing sa kanya? I don’t know either. And yeah I’m aware how
effin’ stupid I can be. I just realized that earlier.
“Just forget about him. Lilipas din naman ‘yan. Sinaktan ka niya so
better forget him.” Plain words. Typical of Geff. But those words make him a
hypocrite.
“It’s easy for you to say.”
This
boy in front of me still can’t forget his Angel.
“As if you’ve never experienced love,” pagpapatuloy ko pa.
Kumunot ang
noo niya but I saw it in his eyes. The hurt I know was much more intense than
mine.
“What do you mean?” he asked regardless.
I laughed without humor. “Why? Nakalimutan mo na ba siya? Tell me the
truth then. Was it easy to forget her? I bet umaasa ka pa nga na buhay pa siya
hanggang ngayon.”
Huminga
siya ng malalim at nag-iwas ng tingin.
I bit my lip
at pinigilan ang sariling magpatuloy. I am mad and hurt. I shouldn’t let him be
at the receiving end.
Neth’s face
suddenly made an appearance in my head. I remember that face. I had this weird
feeling of déjà vu around her.
Bumalik ang
tingin ko kay Geff at nakita ang malayo niyang tingin. I want to have the old
Geff back.
I made an
abrupt decision without much thought.
“Let’s have a deal.”
He looked at me like I was losing my mind right this moment. I almost
laughed.
“But let me ask you first. Do you really have the feeling that she’s
still alive?” Because I have the same feeling. I couldn’t shake it.
Also, this
is the only way I can think of to ease the guilt I’m feeling right this very
minute. I know it’s a selfish thought but I feel vulnerable right now na
pakiramdam ko ay matatabunan na ako ng emosyon na ‘to.
“Did you encounter any signs that she’s still
here?”
He didn’t answer and so I continue.
“Kapag umabot ka sa 20 signs, sabihin mo sa
akin. As a reward, I’ll tell you my biggest secret.”
“What
are you saying Phin?” he asked, resigned.
I smiled. “Don’t worry. It has something to do with you and your… past.”
Sana ay
hindi ako magsisi sa desisyon kong ito.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------