Chapter 6: Trust

Tila umikot bigla ang mundo at nawalan ako ng balanse. Mabilis akong napaupo kaya naman napangiwi ako dahil sa lakas ng impact. Hinawakan ko iyong dibdib kong natamaan.

Shit! Ang sakit!

Habang nakadantay ang kamay ko sa dibdib ko ay napansin kong wala na roon ang kwintas ko. Nawala naman ang mabilis na tibok ng puso ko dulot ng kaba nang makita kong nasa tabi ko lamang iyon at mukhang nasira nanaman ang lock.

How come?

Kinuha ko kaagad iyon at ibinulsa. Tumayo na rin kaagad ako kahit na medyo masakit pa rin iyong pagkakatama ng bola sa akin.

Hindi naman sa naiinis ako, I need to be sport in this game.

Team Elite pa rin ang magse-serve ng bola and this time, iyong babaeng may mahabang buhok naman ang gagawa ‘non. Tulad ng babaeng may maikling buhok ay nasa akin din ang kanyang atensyon at hindi sa bolang hawak niya.

Also, there’s something in me that I couldn’t understand. Maybe it’s the adrenaline rush?

It’s the same familiar heat coursing through my veins whenever I try failingly to use my power... my aura. Nagsimula nanaman akong kabahan nang may mapagtanto. Napakapamilyar ng ganitong pakiramdam at alam na alam ko ang maaaring kahinatnan nito.

No. No Vera. Definitely not here. Not here in front of them.

Nagtaka ako nang biglang umayos ng tayo iyong magse-serve at tiningnan si sir na para bang... nagtatanong? Tiningnan rin niya ang iba pa niyang mga kasama. Anong meron? Bakit bigla siyang tumigil?

Tumayo na rin ako ng maayos mula sa pagkakabend sa pag-aanticipate na mareceive iyong bola. Naririnig ko na rin ang pagbubulungan ng mga kasama ko dala ng kanilang pagtataka.

“Anong nangyayari? Bakit ayaw pa niyang iserve ‘yung bola?”

“Baka naman nag-aalala siya at baka matamaan na naman ‘to ng bola.” sabay palihim na pagturo sa akin.

“Ay! Bakit naman mag-aalala? Laro lang naman ‘to, di dapat seryosohin!”

“Unless magkaroon siya ng hinanakit tapos bigla na lang... you know. Grabe katakot.”

‘Nyemas ‘tong mga ‘to. Bakit napunta nanaman sa akin ang atensyon eh wala naman akong ginagawa? Mga tao talaga.

“Go on Ms. Scott. Please continue,” puno ng awtoridad na utos ng aming terror na professor.

Tumango naman iyong babaeng magse-serve. Again, tumingin nanaman siya sa akin.

And again, I felt it within me.

I felt theirs. So distinct and remarkably strong.

It’s all around the area, swirling like a wind with no journey’s end.

This is not so happening right here, right now. But I can’t help myself but to be controlled by this power inside me. It’s as if they were caged for a long time and now insisting for their freedom.

But unfortunately, I need to control it, even though I don’t know how, I still need to try.

There are people around me. There are humans beside me. And hurting them was the last thing I wanted so much to do right now.

I won’t let them get what they want.

I’m not stupid. I know they wanted to see what I’m capable of.

Bumalik sa alaala ko ang napag-usapan namin ni Nigel nang gabing iyon.

“What about you? What will you do after you drive me home?”

“I’ll help them solve the problem.”

“What’s the problem?”

“You.”

“Why me?”

“You’re just too damn strong yet we can’t feel your aura once you already used them.”

“Why’s that?”

“That’s what we’re going to find out.”

Find out my ass. Tss.

Nagserve na iyong babaeng tinawag ni sir na Scott at nakita kong sa akin iyon papunta kaya naman buong lakas ko iyong sinalo at muling dinala sa kabilang net.

Damn, ang lakas ng pagkakaserve! Tiningnan ko ang kahabaan ng kamay ko at nakitang sobrang namumula iyon.

Tsk.

Nagtuloy-tuloy lamang ang rally. Mabuti naman at tumutulong rin iyong mga kateam ko dahil noong una ay akala ko’y panunoorin lamang nila ako.

Nagsisimula na akong mapagod dahil mukhang wala sa amin ang balak magpatalo kaya naman nang mapunta nang muli sa amin ang bola ay buong lakas ko iyong hinampas gamit ang aking kanang palad pabalik sa kanila.

At hindi napigilan ng mga team Elite ang tuluyang pagbagsak nito sa court.

Narinig ko ang pito ni sir at ang malakas na hiyawan ng mga blocmates ko. Napangiti lamang ako.

Ngunit ang hindi ko maintindihan ay ang seryosong tingin ng kabilang team sa bolang ngayo’y nasa sahig lamang.

Abala ang lahat sa pag-uusap tungkol sa laro ngunit ang buong atensyon ko ay doon sa Scott na kinukuha ang bola. Halos mapanganga naman ako nang makita ang sahig, kung saan galing iyong bola, na medyo lubog at sira dahil sa malakas na impact nito.

Tiningnan iyon ng seryoso nung Scott at unti-unting bumalik iyon sa dati: patag at walang bahid ng pagkasira.

At habang nakatitig doon iyong Scott ay hindi nakalagpas sa akin ang kanyang mga mata.

Burnt sienna eyes.

Her eyes in dark reddish brown. So... it is how it was being done huh? Her element, no doubt, is Earth.

She’s a Chrysolus

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Matapos ang laro ay dumiretso na agad ako sa locker ko, kinuha ang spare uniform, at dumiretso sa c.r.

Matapos magbihis ay lumabas na ako ng cubicle at muling ibinalik ang pagkaka-bun ng buhok ko, paglalagay ng blue contact lenses gayundin ang eyeglasses ko. Habang nag-aayos ay nakita kong may babaeng amused na nakatingin sa akin.

Tiningnan ko siya pabalik sa salamin.

“You’re really weird, aren’t you?” Nakangisi siya habang sinasabi iyon. Naka formal uniform na siya at nakalugay ang mahabang buhok.

I furrowed my brows at her in return. “Wow. Look who’s talking about weirdness. Better ask yourself first,” panunuya ko sa kanya.

I knew her voice. In fact, I heard hers before, talking with Nigel in this very spot.

“Adalia Scott,” pagpapatuloy ko pa. Siya ang Chrysolus na may Earth elemental power.

“So, you knew me? How nice!” Tss. Ang plastic mo girl. Halatang-halata.

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ibinalik sa kanya ang atensyon. “Nah. Not me. It was Kate who told me about you.”

Right. Sinabi lang naman ni Kate sa akin noon na Adalia iyong pangalan ng kausap ni Nigel sa comfort room ng mga babae. Nothing more of her since that day.

“What did she tell you?” tanong niya habang binabawasan ang agwat namin sa isa’t isa.

“Nothing in particular. She just told me that it was you who were talking with Nigel right here, that day,” seryoso kong paliwanag habang nakatingin pa rin sa kanya sa salamin.

“Oh? So you guys were eavesdropping?” Huminto na siya sa paglapit sa akin. Mas naging aware ako na kaming dalawa lang ang narito sa comfort room at medyo malapit na rin siya sa kinaroroonan ko.

“Not exactly but... yeah. I guess we just did.” Medyo napaisip pa ako. Actually napilitan lang ako noong araw na iyon dahil kay Kate. Marahil ay dahil na rin sa kuryosidad kong hindi ko mapigilan.

She let out a wicked grin. “Too bad but...” She then suddenly moved very quickly that I didn’t even notice her and before I knew it, I’m now face to face with her. “... I hate eavesdroppers.”

Bigla niyang kinuha ang aking mga kamay, iniikot iyon sa aking likod at itinulak sa pader.

Now, I’m trapped between her and the wall.

“You’ll never become one of us. I won’t allow it Feazell. Even if it means killing you right here at this very moment,” she whispered at my ear spitefully.

Bakit ba galit siya sa akin? Pilit akong nagpupumiglas ngunit sobrang higpit ng hawak niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang sakit nang diniinan pa niya ang pagkakaikot ng mga kamay ko.

“Why are you doing this? At kahit hindi mo sabihin ay ayokong maging isa sa inyo!” sigaw ko sa kanya. Pilit kong hinahabol ang hininga ko.

Iyon ang totoo. Lalo na ngayong alam ko kung gaano kagulo ang mundo nila. They were driven by their own powers. Mayroon din silang mga kaaway tulad na lamang ng mga nilalang na may itim na mga mata.

I don’t want that kind of life. I want my own normal one. Though I have this power within me, flowing in my blood, I still wanted to have a normal life. I’ll accept that power wholeheartedly without involving myself with them.

That’s what I want.

And what about me being a Feazell made me such a wonder with their kind? Ano ang mayroon sa isang Feazell na gusto nilang alamin?

“You’re seriously asking me why am I doing this? Tss... find it out yourself.” May galit at pagkamuhi sa mga mata niya habang sinasabi iyon. Doon ako tinablan ng kaba at takot. Ano ang gagawin niya?

Pinilipit pa niya lalo ang aking mga kamay kaya naman nakaramdam ako ng sakit.

That’s it. I’m done talking.

Isinipa ko ang dalawa kong mga paa sa pader upang maitulak ko siya paatras. Nang maibaba ko nang muli ang aking mga paa ay pinihit ko ang sarili paharap, itinulak siya, at umikot bilang bwelo bago ko siya binigyan ng sipa mula sa kanang paa ko.

Napaupo siya dahil dito.

Nararamdaman ko nanaman ang aura sa katawan ko. My own aura. Alam ko sa sarili kong kaya ko iyong kontrolin ngayon, hindi ko alam kung paano basta’t alam ko lamang, ngunit ayokong gamitin ito upang makasakit ng... tulad nila. I can defend myself without hurting her with that power.

Hindi ako pinalaki ni papa para manakit. If I can defend myself without hurting them, then I will do it. Ayokong maging isa pa si Adalia sa mga taong nasaktan ko dahil sa kapangyarihang ito. Sadya man o hindi.

Pero ano nga ba ang problema sa akin ng babaeng ito? Ano ba ang ginawa ko sa kanya? As far as I could remember ay ito pa lamang ang unang pagkakataon na nagkaharap at nagkausap kami.

Kaya kong kontrolin ang hindi paggamit ng aural power ko ngunit itong galit at inis na nararamdaman ko ay mukhang sagad na at hindi ko na mapigilan at makontrol pa. My fear of her powers long forgotten.

“Ano bang problema mo sa akin Adalia? Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi kong ayokong maging isa sa inyo?!” Bwisit na babaeng ito! Sinasagad niya ang pasensya ko. And what did she say earlier? She’ll kill me? Was she serious?

Tumayo siya at pinagpagan ang kanyang palda at muling humarap sa akin na para bang walang nangyari. Masama niya akong tiningnan. “You know what? Maayos pa kami. Masaya. Pero nang sinimulan mong manggulo ay nasira ang lahat! Punyeta kang babae ka! Bakit ba ikaw pa ang pinili niya? Kumpara sa akin ay walang-wala ka na!”

Nablangko ang utak ko. Wala akong naging sagot sa kanya. Ano daw? Kahit isa sa mga sinabi niya ay wala akong naintindihan.

Tatanungin ko pa sana siya ngunit bigla na niya akong sinugod.

As if on reflex, I just dodged all of her attacks. Is it just me or her moves are just... slow?

“Adalia tumigil ka na. Hindi kita maintindihan! Ano ba ‘yang sinasabi mo?!” sigaw ko sa kanya habang iniiwasan pa rin ang mga pagsugod at atake niya sa akin.

“Shut up.”

I froze.

Dahil sa pagkagulat ay hindi ko namalayan ang suntok na pinakawalan niya at tumama iyon sa aking tyan. Napaluhod ako dahil sa sobrang sakit na naramdaman. Parang lahat ng lakas ko ay nawala.

Jeez. So it’s true that a woman’s weakness is in her stomach.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

She’s still wearing her mursurous glare. “You’re speechless? Better be. You don’t know what other things I can do... yet.” sabi niya. Marahas na rin ang paghugot niya ng hininga. Mukhang siya ay nakaramdam na ng pagod dahil sa pagpapaulan niya sa akin ng atake.

Patuloy ko lamang siyang tinitigan, pinoproseso pa ng utak ko ang natuklasan. “Telepathy.” I said at last. Understanding is evident on my face. “Kung ganoon, ikaw ang naghagis ng bola sa akin noong araw na iyon?”

Yes. She has the ability of extrasensory psychic communication.

She talked to me... through her mind.

“Nope. May inutusan akong gawin sa’yo ‘yun para makita ang magiging reaksyon mo. And voila! I just proved how weak you are.”

Naalala ko kung ano ang nangyari noong araw na iyon. Out of nowhere ay may tumamang bola sa aking ulo at bago ako nawalan ng malay ay may narinig akong bumulong sa akin. Ang buong akala ko ay bulong iyon na kung sinong malapit sa akin ngunit nagkamali ako.

I heard it... not through my ears but through my mind.

“Serves you right bitch. I’ll never let you have him. Never. Mark my word Feazell.”

That was her exact words.

May kung anong pumitik sa akin. “I’m not as weak as you perceive me to be,” I told her. Never dare call me weak.

Natawa siya. “Yes you are. Kaya nga hindi ka karapat-dapat maging isa sa amin. Hindi ka karapat-dapat para sa kanya. You’re just nothing! Nothing but a weak Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at inislide ko ang aking kanang paa sa kanyang nakatayong paa habang nakaupo ako, dahilan upang ma-out of balance siya.

Dahil sa inis na nararamdaman ay ako naman ang sumugod sa kanya.

Ilan sa mga suntok ko ay naiiwasan niya ngunit nang ilakad ko ang aking paa sa pader bilang bwelo sa pag-ikot ko sa ere at nang napunta ako sa kanyang likod ng walang kahirap-hirap ay hindi niya inasahan ang pagsipa ko sa kanya. Dinala ko siya sa sink at hinawakan ang kanyang mga kamay at buhok.

Kung kanina ay ako ang natrap, ngayon naman ay nagpalit na kami ng pwesto. Parehas kaming nakaharap sa salamin na ako ang kanyang nasa likod.

We’re both breathing heavily while looking with each other on the mirror.

“Hinding-hindi mo ako matatalo Feazell. Hindi ko hahayaang mangyari iyon.” She spitted those words to me. Galit na galit talaga siya sa akin ngunit hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung ano ang pinanggagalingan nito.

Habang sinasabi niya iyon ay nakita ko ang pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata sa salamin. From brown eyes to burnt sienna eyes. Kasabay nito ay ang dahan-dahang pag-angat ng mga bato mula sa sahig ng comfort room na may iba’t ibang hugis at laki. Nalaglag ang panga ko habang pinapanuod iyon sa salamin.

I can feel the intensity of aural power she’s giving off right now. So, so strong.

Narinig namin ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng comfort room ngunit hindi ito naging dahilan upang kumawala kami sa tingin ng bawat isa.

Damn! Is she seriously doing this?

“Odette! Andyan ka ba?” Sunod-sunod na malalakas na hampas ang narinig namin mula kay Ethan. “Shit! Adalia I know you’re there! Open this damn door!”

“What are you doing?” nag-aalala kong tanong. Sira na ang halos kabuuan ng c.r. dahil sa pagkuha ni Adalia ng mga batong bumubuo sa haligi nito. Lahat ng mga ito ay nakalutang sa ere.

“Like I said Feazell. I’ll.Kill.You,” sabi niya ngunit may kung ano akong nakita sa kanyang mga mata.

Hurt.

“Adalia Scott!” malakas na sigaw nanaman ang narinig namin sa labas. Puno ito ng awtoridad at marinig ko pa lamang ang kanyang boses ay nararamdaman ko na ang lamig sa buong paligid.

Nigel.

“I better do this fast,” bulong ni Adalia sa kanyang sarili at walang babalang sinipa niya ako mula sa kanyang likod at kumawala sa aking pagkakahawak.

Napaatras ako. Nang nakatayo na ako ng maayos ay nakita ko kung paanong sa isang kumpas ng kanyang kamay ay sunod-sunod ang naging atake ng mga bato sa akin na tila ba may buhay ang mga iyon.

Wala akong nagawa kundi patuloy na iwasan ang mga iyon.

Habang dinidepensahan ang sarili ay hindi ko pa rin maiwasang hindi madaplisan ng mga bato dahil bigla-bigla na lamang silang sumusulpot sa kung saan. Ilang segundo pa ang lumipas bago biglaang bumukas ang pintuan ng c.r. na ngayon ay nilalamon na ng apoy.

Halos tumigil naman ang oras nang makita ko ang tatlong mga matang nakatingin sa akin.

Burnt sienna eyes. Blazing amber eyes. Deep blue eyes.

Naramdaman ko ang paggamit ni Nigel ng kanyang aural power at nakitang ang mga batong nasa ere ay unti-unting nababalutan ng yelo. Matapos ang ilang minuto ay saba’y sabay silang sumabog kaya naman napayuko ako.

“WHAT THE FUCK ARE YOU DOING ADALIA SCOTT?!” Kinilabutan ako nang marinig ang boses niyang punong-puno ng galit. Ngayon ko lamang siya nakitang ganyan.

“You tried to kill her Adalia?” mahinang bulong naman ni Ethan kay Adalia, tila hindi makapaniwala sa ginawa ng kasamahan.

Unti-unting nabubuo ang mga luha sa mga mata ni Adalia. Nang magtama ang aming mga mata ay tumakbo na siya palabas ng c.r.

“Get out of here Ethan and cut the crap with her,” malamig na utos ni Nigel.

Kahit na nag-aalangan ay sinunod ni Ethan ang utos sa kanya ni Nigel ngunit bago umalis ay tinapunan muna niya ako ng tingin.

Pumikit si Nigel at naramdaman ko nanaman ang paggamit niya ng kanyang aural power. Unti-unting bumabalik sa dati ang buong lugar. Ang mga bato ay lumutang nanaman ngunit bumabalik na ito sa dating pinagmulan.

Nang matapos si Nigel ay bigla siyang bumagsak. Nanlaki ang mga mata ko at tumakbo sa kinaroroonan niya. Gano’n ba kapag masyadong ginagamit ang aural power? Nanghihina?

Dahan-dahan niyang isinandal ang sarili sa pader kaya naman lumuhod ako sa harapan niya.

“Ayos ka lang?” Alam kong ang dumb at ang stupid ng tanong ko ngunit wala naman akong ibang maisip na sabihin.

“I’m fine. Just tired,” mahinang bulong niya. Nakapikit lamang siya habang kinakalma ang sarili. Mukha kasing nanginginig pa rin siya sa galit, marahil ay dahil rin sa panghihina.

Tumayo ako at akmang aalis nang bigla siyang nagsalita. “Where are you going?”

Bakit niya ako tatanungin? What’s it to him kung saan man ako pupunta?

Kahit na tinanong niya ako ay hindi ko na siya sinagot. Patuloy akong naglakad at lumabas sa comfort room. Alam kong sinusundan niya ako ngunit hinayaan ko lamang.

Hanggang ngayon ay naiinis at naiirita pa rin ako sa kanya. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa nangyari kanina at kung ano ba ang problema sa akin ni Adalia at mukha yatang malaki ang galit niya sa akin ngunit sadyang hindi pa ganoon kaganda ang tingin ko sa kanya simula pa lamang ng gabing iyon.

“You’re just infatuated.... to me. Stop yourself from feeling that way before you end up hurting. I don’t give any damn about girls wanting themselves to be involved with me.

Especially not a Feazell like you.”

I was literally dumbfounded because of his statement.

Really? Ako? Magkakagusto sa kanya? He must be joking.

Biglang nag-iba ang timpla ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Ang buong akala ko ay mabuti itong tao na ito ngunit may itinatago pa pala.

Ayos na sana dahil iniligtas niya ako kanina pero ano daw? Ako? Tss.

Ang sarap lang niyang murahin pero ‘wag na lamang dahil baka masayang lang ang laway ko sa kanya. He’s not worth it, really.

Nararamdaman ko ang mga titig niya sa akin habang patungo kami sa sasakyan niyang ipinarada yata sa kabilang dimensyon dahil sa tagal ng paglalakad namin.

Paglalakad lang pala niya dahil karga pa rin niya ako.

Kita ko sa mga tingin niya ang pagsisisi sa sinabi niya ngunit baka naman sariling interpretasyon ko lamang iyon. Alam na, masama ang maging masyadaong assuming.

Hindi na kami nag-imikan matapos iyon. Nang marating na namin ang sasakyan niyang itim ay maingat niya akong ibinaba sa front seat. Ako naman ay ikinabit na agad ang seatbelt dahil ayokong magmukhang tanga sa harapan niya at baka sabihin pa niyang baka gusto kong siya pa ang magkabit ‘non para sa akin. No effin’ way.

Sinabi ko na agad sa kanya ang address dahil gusto ko na talagang makauwi.

“Saan ulit?” Tss. Bingi ba ‘to o sadyang nagbibingi-bingihan lamang siya?

Kalmado kong inulit ang address ng apartment nila Kate kahit sa loob loob ko ay naiinis na ako sa kanya.

“Hindi ba’t nakapunta ka na doon noong inihatid mo kami ni Kate? Nung may kung sino ang bumato sa akin ng bola sa ulo’t nawalan ako ng malay?” Iyon ang sinabi sa akin ni Kate nang magkamalay ako’t nakita na lamang ang sarili sa aking kwarto.

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lamang sa pagdadrive.

Bwisit.

Natanaw ko na ang apartment nila Kate kaya naman tinanggal ko kaagad ang seatbelt at bubuksan na sana ang pintuan ngunit nakalock iyon.

Inihinto na niya ang sasakyan kaya naman nilingon ko siya.

“Buksan mo ang pintuan, lalabas na ako,” sabi ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at tumingin sa akin. “Hindi ako ang naghatid sa inyo ni Kate noon. May kinailangan kasi akong asikasuhin kaya naman ‘yung driver ko na lang ang naghatid sa inyo. Hindi ko alam na dito pala kayo nakatira,” mahabang pagpapaliwanag niya.

Hindi yata ito nasabi sa akin ni Kate pero hindi ko naman siya masisisi dahil ako rin ang nagputol sa pagkukwento niya.

“Okay. Lalabas na ako,” sabi kong muli sa kanya.

“Kung gano’n iyon pala ang dahilan ng mga sugat at pasa mo sa katawan?”

Napakunot noo ako dahil sa tanong niya. Hindi ko kasi siya maintindihan.

“Naging usap-usapan sa amin na may isang Phyrinus ang umatake sa Serafort street at ngayon ko lang nalaman na dito pala sa street na’to ang apartment niyo ni Kate.” Matapos niyang sabihin iyon ay hinawi niya iyong bangs kong nakaharang sa bandage na nakapulupot sa ulo ko. Iyong bonnet ko pala ay nawawala. Hindi ko na alam kung saan napadpad.

Tinitigan niya ako. “Paano mo iyon natalo? Alam kong ang apartment na ‘to ang tinutukoy nilang sinugod nang Phyrinus na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali dahil ramdam na ramdam ko hanggang ngayon ang aura na bumabalot dito. Its black aura and... well...”

Iniwasan ko ang tingin niyang tila ba inaalam ang buo kong pagkatao.

“... yours.”

Ayoko nang balikan pa ang pangyayari na iyon. Ayokong sabihin sa iba ang tungkol doon lalo na sa lalaking kaharap ko ngayon. Kung tutuusin ay halos normal naman ang mga araw ko nitong nakaraan ngunit nang makilala ko siya at nang malaman ko ang tungkol sa mga kauri niya ay naging kumplikado na ang lahat.

“Buksan mo na ang pintuan at gusto ko nang lumabas.” Pilit kong nilagyan ng pakairita ang tono ng pagsasalita ko.

Bumuntong hininga nanaman siya. Bakit ba ayaw pa niya ako palabasin?!

“Why is it so hard for you to trust people? Especially to us... your kind?”

Nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Parang gusto ko siyang supalpalin.

Narinig ko naman ang pagpindot niya sa kung saan at alam kong tinanggal na niya ang lock ng sasakyan niya.Tinalikuran ko na siya ngunit bago ko pa isinara ng tuluyan ang pintuan ay tiningnan ko siya.

“You just didn’t give me any reason to trust you. That time wouldn’t come, me trusting you I mean. Especially now that I realized how cruel your world is.”

Simula nang gabing iyon ay nakapagdesisyon na ako.

Wala kahit sa paligid ko ang maaari kong pagkatiwalaan.

May alam si Kate tungkol sa mga nangyayari sa akin maging sa mundo nila, I know it. Nagsinungaling sa akin si Ethan at ramdam ko ang pag-iwas niya sa akin. Ang this guy pisses me off bigtime. At kanina lamang ay nais akong patayin ng isa sa mga kasamahan nila.

I don’t need to trust anyone.

From now on, I’ll trust no one but myself.

Yes, myself alone.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------